You are on page 1of 8

Alamat ng Sampaguita

Sa isang malayong bayan sa Norte ay may isang napakagandang dalaga na Liwayway ang pangalan.
Ang kagandahan ni Liwayway ay nakarating hanggang sa malalayong bayan. Hindi naging kataka-taka kung
bakit napakarami ng kanyang naging mga manliligaw.
Mula sa hilaga ay isang grupo ng mga mangangaso ang nagawi sa lugar nina Liwayway. Sa kasamaang palad, si
Tanggol, isa sa mga ito ay inatake ng baboy-ramo. Ang binata ay dinala sa ama ni Liwayway para mabigyan ng
pangunang lunas. Iyon ang naging daan ng paglakalapit nila.
Umibig sina Liwayway at Tanggol sa isa’t-isa sa maikling panahon ng pagkikilala.
Nang gumaling si Tanggol ito ay nagpaalam kay Liwayway at sa mga magulang niya. Anang binata ay
susunduin ang ama’t ina upang pormal na hingin ang kamay ng dalaga.
Puno ng pangarap si Liwayway nang ihatid ng tanaw si Tanggol.
Subalit dagling naglaho ang pag-asa ni Liwayway na babalik si Tanggol tulad ng pangako. Ilang pagsikat na ng
buwan mula nang umalis ito ngunit ni balita ay wala siyang natanggap.
Isang dating manliligaw ang nakaisip siraan si Tanggol. Ikinalat nito ang balita na hindi na babalik si Tanggol
dahil may asawa na ito.
Tinalo ng lungkot, pangungulila, sama ng loob at panibugho ang puso ni Liwayway. Nagkasakit siya. Palibhasa
ay sarili lang ang makagagamot sa karamdaman kung kaya ilang linggo lang ay naglubha ang dalaga at
namatay.
Bago namatay ay wala siyang nausal kundi ang mga salitang, “Isinusumpa kita! Sumpa kita…”
Ang mga salitang “Isinusumpa kita! Sumpa kita…” ang tanging naiwan ni Lwayway kay Tanggol.
Ilang araw makaraang mailibing si Liwayway ay dumating si Tanggol kasama ang mga magulang. Anito ay
hindi agad nakabalik dahil nagkasakit ang ina. Hindi matanggap ng binata na wala na ang babaing
pinakamamahal.
Sa sobrang paghihinagpis, araw-araw ay halos madilig ng luha ni Tanggol ang puntod ni Liwayway. Hindi na
rin siya bumalik sa sariling bayan upang mabantayan ang puntod ng kasintahan.
Isang araw ay may napansin si Tanggol sa ibabaw ng puntod ni Liwayway. May tumubong halaman doon,
halaman na patuloy na dinilig ng kanyang mga luha. Nang mamulaklak ang halaman ay may samyo iyon na
ubod ng bango. Tinawag iyong ‘sumpa kita’, ang mga huling salitang binigkas ni Liwayway bago namatay.
Ang ‘sumpa kita’ ay ang pinagmulan ng salitang ‘sampaguita’.
“Mga anak! Ano pa? Wala na” himutok ng ama. Nawalan na siya ng ganang kumain. Tumayo, umupo,
tumingin sa malayo. Isa-isang hinagod ng tingin ang bawat munting bato at kahoy sa malayo. At sa pagod at
hapis napahilig sa isang bato at tuluyang natulog. Mahabang pagkatulog ang nagawa ng kawawang higante.
Nang magising ang higante, kinusot niya ang kanyang mga mata. May nakita siyang wala doon dati. Tumayo
bigla at tiningnan mabuti.
“Ano ito? Saan galing ang tatlong pulong ito? Sila kaya ang tatlong ito?” Tanong sa sarili, lalong lungkot ang
naramdaman ng amang ulila.
“Ang tatlong pulong ito! Sina Lus, Minda at Bisaya ito!” ang sabi niyang malakas.
At buhat noon tinawag na Luson, Bisaya at Mindanaw ang tatlong pulo. Dito nagmula ang bansang Pilipinas.
Nasa gawing timog ng Asya. Bahagi ito ng Pilipinas sa katimugang bahagi ng Asya.
Alamat ng Saging

Sa isang nayon ay may mag-anak na tahimik na namumuhay. Ang lalaki’y si Mang Bino at ang babae’y si
Aling Pacita. Ang kaisa-isa nilang anak ay si Tina. Lumaking maganda si Tina kaya’t maraming nangibig sa
kanya. Ngunit mataas ang pangarap ng mga magulang para sa kaisa-isang anak. Kaya kapag mahirap na binata
ang pumapanhik ng ligaw sa dalaga ay pinapakitaan ito ng masamang mukha ng mag-asawa. Malimit pang
pagparunggitan ang mga maralitang mangingibig na sayang lamang ang taglay na kagandahan ng kanilang anak
kung ang magiging kapalaran nito ay isa lamang maralitang isang kahig isang tuka.
Kabilang sa mga naakit kay Tina ay si Rading. Makisig siyang binata, may magandang asal, at may likas na
kabaitan. Ngunit siya ay isa lamang maralitang magsasaka kaya’t sa kabila ng mga katangian ng binata ay tutol
na tutol sa kanya ang mga magulang ni Tina. Sa kabila ng pamimintas sa binata ng mga magulang ng dalaga ay
tinanggap pa rin ni Tina ang iniluluhog na pag-ibig ni Rading.
Nagsumpaan silang walang magtataksil at tanging kamatayan lamang ang maaaring humadlang sa kanilang
pag-iibigan. Lihim na lihim ang kanilang pagsusuyuan sa pangambang malaman ito ng mga magulang ng
dalaga.
Ang kagandahan ni Tina ay nakaabot sa pandinig ni Don Bruno. Siya’y naninirahan sa kabayanan at nang
mabalitaan niya ang tungkol sa kagandahan ng dalaga ay ipinasya niyang pagsadyain ito sa nayon. Lulan ng
magarang kotse, ang byudong si Don Bruno ay nagtungo sa tahanan ng dalaga.
Sa pamamagitan ng pagtatanong ay natunton niya ang tirahan nito. Nakipagkilala siya sa mag-anak at gayon na
lamang ang pag-istima ng mag-asawang Mang Bino at Aling Pacita sa mayamang panauhin. Naging madalas
ang pagdalaw ni Don Bruno at di nagtagal ay nagtapat ng pag-ibig sa dalaga. Tinanggihan ni Tina ang
inihahandog na pag-ibig nito. Naging mapilit ang byudo kaya’t napilitan ang dalagang tapatin ito na wala
siyang pag-ibig dito at ang puso niya’y nakasanla na sa iba.
Ayaw maniwala si Don Bruno dahil liban sa kanya, wala raw naman siyang nakikitang pumapanhik ng ligaw sa
dalaga. Ito ay sapagkat napakahigpit nga ng mga magulang ni Tina. Sinabi rin niyang hindi siya titigil ng
panunuyo sa dalaga, maliban na lang kung mapatutunayan niyang may katipan na nga ito. Sa sandaling
mangyari ito, nangako siyang hindi na niya ito gagambalain pa. At kung ipagtatapat ng dalaga kung sino ang
katipan nito ay hindi niya sasabihin ang lihim kahit kanino.
Sa kagustuhan ni Tina na tumigil na sa panliligaw ang matanda, ipinagtapat niya na si Rading ay kasintahan na
niya. Hindi nagpahalata ng sama ng loob ang byudo, ngunit may lihim siyang binabalak upang mapasakanya
ang dalaga.
Isang araw na umalis si Tina at sumama sa kaibigan sa pamimili sa kabayanan ay kinausap ng Don ang mga
magulang na dalaga. Ipinagtapat niya sa mga ito ang tungkol kina Tina at Rading. Gayon na lamang ang galit ni
Mang Bino ngunit sinikap ni Don Bruno na mapaglubag ang kalooban ng ama ni Tina. Iminungkahi niya na
kung papayag ang mag-asawa ay ibig niyang makasal sila agad ni Tina. Palibhasa’y mayaman hindi tinutulan
ng mga magulang ng dalaga ang plano ni Don Bruno. Napagkasunduan nilang idaraos ang kasal sa lalong
madaling panahon.
Simula noon ay hinigpitang lalo ng mga magulang ang dalaga. Hindi na siya pinalalabas ng bahay nang walang
kasama. Ang palaging kasama niya sa anumang pupuntahan ay ang kanyang ina. Ang lihim na pagkikita nina
Rading at Tina ay naputol. Hindi malaman ng binata ang gagawin upang makausap ang katipan. Malimit na
aali-aligid siya sa tahanan ng mag-anak upang masilayan man lamang ang minamahal. Subalit lagi siyang umu-
uwing bigo.
Isang tanghali ay nakita niyang mag-isang umalis ng bahay si Aling Pacita. Dala nito ang basket na
kinalalagyan ng pagkaing ihahatid sa asawang nag-aararo sa bukid. Dati-rati’y kasama ng ina ang dalaga. Hindi
niya ito iniiwang mag-isa sa bahay sa pangambang magtungo roon ang kasintahan at magkausap ang dalawa.
Nang tanghaling iyon ay hindi napilit ng ina na sumama si Tina sa paghahatid ng pagkain sa bukid. Dumaing
ang dalaga na masakit na masakit ang kanyang ulo at nang damahin ng ina ang noo ng anak ay mainit at tila
may sinat nga ito.
Pagkaalis ni Aling Pacita ay dali-daling tinungo ni Rading ang tahanan ng mag-anak at nagpatao-po. Nang
maulinigan ng dalaga ang tinig ng kasintahan ay pinilit niyang makabangon kahit masamang-masama ang
kanyang pakiramdam. Pinatuloy ni Tina ang binata at magkaharap silang naupo sa dalawang silyang
napapagitnaan ng isang maliliit na mesa sa may tabi ng bintana.
Sabik na nagkumustahan ang magkasintahang matagal-tagal ding di nagkita. Palibhasa’y noon lamang muling
nagkita, hindi matapus-tapos ang pagbabalitaan ng dalawa. Libang na libang sila sa pag-uusap at hindi na nila
pansin ang kapaligiran. Hindi nila namalayan ang pagdating ng humahangos na si Mang Bino, kasunod ang
humahabol na asawa. May nakapagbalita pala kay Mang Bino sa bukid na nasa kanilang bahay si Rading kaya’t
napasugod nang uwi ang matandang lalaki.
Galit na galit ang ama ni Tina pagkakita sa dalawang nag-uusap sa tabi ng bintana. Hawak ang matalim na
gulok ay biglang sinugod ng matandang lalaki si Rading at biglang tinaga ang kamay ng binata na nagkataong
nakalawit sa bintana. Palibhasa’y mababa ang bahay ng mag-anak kaya nakuhang abutin ni Mang Bino ang
kamay ng binata. Naputol ang kamay ni Rading at bumagsak sa lupa. Napatili si Tina at nawalan ng malay-tao
nang makita ang pangyayari.
Sapo ang duguang bisig ay tumakbong pauwi ang binata. Kaagad siyang isinugod sa kabayanan upang dalhin sa
pagamutan doon. Subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ng hininga ang binata dahil sa dami ng dugong
nawala sa kanyang katawan. Ang kabayanan ay lubhang malayo sa kanilang nayon.
Nang magkamalay si Tina ay nasa loob na siya ng sariling silid. Ang namulatan niya sa kanyang tabi ay ang
kanyang ina. Itinanong niya rito si Rading at ang kanyang ama. Napahagulgol siya ng panangis nang malaman
niyang ang binata ay hindi na umabot sa pagamutan at ang kanyang ama naman ay dinala ng mga
maykapangyarihan. Nagpumilit siyang bumangon at hindi napigil ng ina sa paglabas ng bahay. Tinungo niya
ang lugar na kinabagsakan ng kamay ni Rading at buong pagmamahal na niyakap ang putol na kamay.
Ibinaon niya ang kamay sa kanyang halamanan. At sa umaga’t hapon sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay
hinahaplus-haplos niya ang lupang nakatabon sa kamay ng minamahal habang lumuluhang sinasambit-sambit
ang “Rading. Rading.”
Hindi nagtagal ay may tumubong halaman sa pook na iyon at nang mamunga ay katulad na katulad ng mga
daliri ng kamay ni Rading. Kumalat ang balita sa nayong iyon at naging paksa ng usapan ang kamay ni Rading.
Tinawag ng mga tao ang bunga ng naturang halaman na kamay ni Rading. Nang lumaon ay ipinasya nilang
tawagin itong saging.
Alamat ng Ampalaya

Noong araw, sa bayan ng Sariwa naninirahan ang lahat ng uri ng gulay na may kanya-kanyang kagandahang
taglay.
Si Kalabasa na may kakaibang tamis, si Kamatis na may asim at malasutlang kutis, si Luya na may anghang, si
Labanos na sobra ang kaputian, si Talong na may lilang balat, luntiang pisngi ni Mustasa, si Singkamas na may
kakaibang lutong na taglay, si Sibuyas na may manipis na balat, at si Patola na may gaspang na kaakit-akit.
Subalit may isang gulay na umusbong na kakaiba ang anyo, siya si Ampalaya na may maputlang maputlang
kulay, at ang kanyang lasang taglay ay di maipaliwanag.
Araw-araw, walang ginawa si Ampalaya kung hindi ikumpara ang kanyang itsura at lasa sa kapwa niya gulay,
at dahil dito ay nagbalak siya ng masama sa kapwa niyang mga gulay.
Nang sumapit ang gabi kinuha ni Ampalaya ang lahat ng magagandang katangian ng mga gulay at kanyang
isinuot.
Tuwang-tuwa si Ampalaya dahil ang dating gulay na hindi pinapansin ngayon ay pinagkakaguluhan. Ngunit
walang lihim na hidi nabubunyag nagtipon-tipon ang mga gulay na kanyang ninakawan.
Napagkasunduan nilang sundan ang gulay na may gandang kakaiba, at laking gulat nila ng makita nilang
hinuhubad nito isa-isa ang mga katangian na kanilang taglay. Nanlaki ang kanilang mga mata ng tumambad sa
kanila si Ampalaya.
Nagalit ang mga gulay at kanilang iniharap si Ampalaya sa diwata ng lupain. Isinumbong nila ang ginawang
pagnanakaw ni Ampalya. Dahil dito nagalit ang diwata at lahat ng magagandang katangian na kinuha sa mga
kapwa niya gulay.
Laking tuwa ni Ampalaya dahil inisip niya na iyon lamang pala ang kabayaran sa ginawa niyang kasalanan.
Ngunit makalipas ang ilang sandali ay nag-iba ang kanyang anyo.
Ang balat niya ay kumulubot dahil ang kinis at gaspang na taglay ni upo at kamatis ay nag-away sa loob ng
kanyang katawan. Maging ang mga ibat-ibang lasa ng gulay ay naghatid ng hindi magandang panlasa sa kanya
kung kaya’t pait ang idinulot nito. Ang kanyang kulay ay naging madilim na luntian.
Ngayon, kahit masustansiyang gulay si Ampalaya, marami ang hindi nagkakagusto sa kaniya dahil sa pait na
kanyang lasa.
Alamat ng Mangga

Noong unang panahon ay may isang malupit ng hari. Kinatatakutan siya ng kanyang mga nasasakupan. Siya ay
si Haring Enrico. Sa isang banda ay gusto naman ng mga tao ang ganoon. Nagkaroon kasi sila ng disiplina.
Maraming masasamang gawain ang maiiwasan dahil sa takot sa parusang iginawad ng hari.
Isang araw may nakatakas na mga bilanggo sa kulungan ng kaharian. Nagpaimbistiga si Haring Enrico.
Nalaman niya na nakatulog pala ang kawal na bantay kaya madaling nakatakas ang mga bilanggo. Agad niyang
ipinatawag ang kawal. Tinanong niya ito kung bakit natutulog sa oras ng trabaho. Sinabi ng kawal na puyat ito
dahil sa pagbabantay sa anak na may sakit.
“Puyat ka pala, dapat nagpapalit ka para di tayo natakasan ng mga bilanggo!” anang hari. Hindi nakasagot ang
kawal. Alam nito na siya ang may pagkakamali. Hinatulan ito ng hari na mabilanggo bilang parusa sa
kapabayaan.
Napaiyak ang asawa at anak ng kawal dahil sa awa sa lalaki. Nakiusap sila na pakawalan ang kawal ngunit
hindi pumayag si Haring Enrico. Walang nagawa ang mag-ina kundi ang umiyak. Nang malapit na ang
kaarawan ng hari ay nagpalabas siya ng isang patalastas sa mga nasasakupan. Ayon sa patalastas, ang sinumang
makapagdadala na wala pa ang hari o pagkaing hindi pa natitikman ay makahihiling sa kanya at kanya namang
ipagkakaloob.
Natuwa ang asawa ng bilanggo dahil sa balita. Kaso wala naman itong maisip na maaaring ibigay sa hari.
Naisip nitong yayain sa gubat ang anak para maghanap ng kahit anong maibibigay sa hari. Inabot sila ng pagod
at gutom. Pauwi na sila ng isang diwata ang lumitaw sa kanilang harapan. May hawak na dalawang malalaking
bunga ng halaman ang diwata. Kulay berde iyon. Noon lang nakakita ang mga ito ng ganoong bunga.
“Ito ang ibigay ninyo sa hari,” sabi ng diwata. “Itago muna ninyo ito sa inyong bigasan at ilabas mismo sa
kaarawan ng hari.”
“A-ano po ba ang bungang ito?” tanong nila.
“Mangga ang tawag diyan. Wala niyan dito sa lupa. Sa aming daigdig lamang meron niyan at itinuring naming
sagrado ang bungang iyan.”
“Maraming-maraming salamat po!” sabi ng mag-ina at nagpaalam na sa diwata. Tuwang-tuwa nag-siuwi ang
mga ito.
Sinunod ng asawa ng kawal ang bilin ng diwata. Nang sumapit ang kaarawan ng hari ay kinuha nito ang
dalawang bunga. Nanggilalas ito nang makitang naging dilaw ang bunga at mabangong-mabango.
Maging ang hari ay nanggilalas nang makita ang dalawang hinog na bunga na nasa amoy palamang ay mukha
ng napakasarap. Agad niyang kinain ang isa at lubha siyang nasarapan.
‘Anong pangalan ng bungang ito ?” tanong ng hari.
“Mangga po”, sabay na wika ng mag-ina.
“Mangga? Ngayon lamang ako nakakita ng bungang ganito. Saan galling ito?”
“Bigay po sa amin ng isang diwata.”
“Dahil sa kakaiba at masarap na bungang dala mo, ipagkakaloob ko ang anumang hilingin mo.” Sabi niya sa
asawa ng kawal.
“Hinihiling ko po sa mahal na hari na makalaya ang aking asawa,” sabi ng babae.
“Matutupad ang iyong kahilingan.”
Noon din ay nakalaya ang asawa ng babae. Sa labis ng katuwaan ng hari ay binigyan pa ng kaunting halaga ang
mag-asawa.
Matapos kainin ang mga bunga ay ipinatanim niya ang mga buto ng mga iyon upang muli siyang makatikim ng
pambihirang bunga.
Nang tumubo at mamunga nang marami ang mga puno ay natikman iyon ng kanyang mga nasasakupan.
Nagtanim din ng mga buto ang mga tao.
Mula noon ay nakilala na ang prutas na tinawag nilang Mangga.
Alamat ng Lansones

Noong unang panahon sa isang bayan sa Laguna ay matatagpuan ang isang uri ng puno na may bilugan hugis
ang bunga. Sa panahon ng tagbunga, kahit na hitik sa bilugang bunga ang nasabing puno ay walang sinuman
ang nangangahas na lapitan o kainin ito. Sa likod ng tila ba masarap na anyo ng bunga nito ay nakakubli ang
matindi at maaring nakamamatay na lason.
Nagsimulang katakutan at pag-usapan ang “puno ng lason” ng may isang manlalakbay ang nagpahinga sa ilalim
ng puno na may nakakalasong bunga. Marahil dahil sa pagod, gutom at sa kaaya-ayang kaanyuan ng bunga ay
pumitas ang manlalakbay ng bunga ng puno upang kainin. Huli na ng makita upang pigilan ng mga taong-bayan
ang manlalakbay sa pagkain nito ng nasabing bunga. Bumula ang bibig ng manlalakbay at nangisay ito matapos
makain ang nakalalasong bunga.
Maliban sa nasabing nakalalasong puno ay marami pang ibang namumungang puno at halaman ang
matatagpuan sa bayan. Sa isang bibihirang pagkakataon ay tinamaan ng isang matinding tagtuyot ang bayan.
Nangamatay ang mga tanim na kanilang inaasahang magbibigay sa kanila ng makakain, lingid sa isa… Ang
puno na nagtataglay ng nakalalasong bunga. Taimtim na nanalangin ang mga taong bayan upang matapos na
ang nasabing tagtuyot dulot ng matinding tag-init.
Isang araw ay may isang babaeng nakaputi ang dumating sa bayan. Kakatuwa ang babaeng ito dahil ito ay
pakanta pang tinungo ang lugar kung saan matatagpuan ang punong namumunga ng bungang may lason.
Sinubukang pigilan ng ilang nakatatanda ang babae ngunit tila ba hindi sila narinig nito at patuloy lamang sa
maligayang pag-awit nito at nagsimulang pitasin ang bunga ng puno.
Nagimbal ang mga taong nasaksihan ang pagkain ng babae sa nakalalasong bunga ng puno sa kabila ng
kanilang pagbabala dito. Inasahan na ng mga taong-bayan na anumang oras ay babagsak ito ngunit nakailang
bunga na itong nakakain ay wala pa ring nangyayari. Sa halip ay sarap na sarap pa ito sa pagkain. Marahil sa
pagataka at gutom ay nagsimulang lumapit ang mga kabataan sa babae.
Tinanong ng babae ang mga lumapit na bata kung bakit tila ba hindi nagagalaw ang mga masasarap na prutas
ng nasabing puno. Inilahad sa kanya ng mga bata ang kuwento ng nakalalasong puno at umiling lamang ang
babae. Pumitas siya ng bunga at pinisil ito upang ilantad ang kaaya-ayang laman ng bunga ng nasabing puno. Sa
gutom ay nagbakasakali ang isang bata upang tikman ito.
“Masarap at malinamnam!” ang nasabi ng bata at muli itong pumitas. Nang makita ito ng mga taong-bayan ay
nagsimula itong lumapit sa nasabing puno upang kumuha ng bunga upang kainin. Lahat ay nabigla sa
kakaibang tamis ng dating itinuring nilang bungang may lason. Sa di maipaliwanag na pangyayari ay bigla na
lamang nawala ang babaeng unang kumain ng bunga ng puno ng lason. Matapos mabatid na wala na ang lason
sa puno ay naitawid ng bayan ang matinding tag-init. Pinaniwalaan ng mga taong-bayan na ang babaeng
nakaputi ay isang diwatang sumagot sa kanilang panalangin.
Sa paglipas ng panahon ang dating puno at bunga na may lason ay tinawag na nilang “lansones”.

You might also like