Professional Documents
Culture Documents
Nasa ikatlong baitang si Pepe noong lumipat sila ng lola niya sa probinsya ng
Habajan. Ito’y pagkatapos kinuha na ng may-ari ang lupain kung saan dati silang
nakatira ng kanyang Lola Pacing.
Ulila na sa ama at ina si Pepe. Bata pa lamang siya noong namatay ang kanyang
ina. Sinundan naman ito ng pagkamatay ng kanyang ama pagkalipas ng isang
taon kung kaya’t laking lola talaga ang bata na ito.
“Pepe pangit labas ka diyan laro kayo ng mga kalabaw sa sapa,” sigaw ni Fredo,
isa sa mga pangunahing nangungutya sa apo ni Lola Pacing.
“Huwag kang lumabas, batuhin mo siya mula rito sa loob,” payo ni Lola Pacing
kay Pepe.
Nagulat si Pepe sa sinabi ng lola niya. Tinanong niya ulit ito kung pwede lang ba
na batuhin si Fredo at ang mga kaibigan nito.
“Pwede mo silang batuhin basta pandesal lang iyong ibato mo,” pagdudugtong ng
kanyang lola sabay ngiti.
Sinunod ni Pepe ang payo ng lola niya. Kinuha niya yung tatlong pandesal sa mesa
nila at ibinato kina Pepe at mga kaibigan niya.
“Aray! Ba’t mo kami bina… Pandesal pala ‘kala ko bato. Sabi ko na nga ba hindi ka
lang pangit, duwag ka pa,” sigaw ni Fredo habang nginunguya ang pandesal.
Araw-araw bumabalik sina Fredo at mga kaibigan niya sa bahay nina Pepe at Lola
Pacing. Araw-araw din silang binabato ng pandesal na siyang nagiging agahan
nila.
“Lola mukha naman pong ayaw talaga nina Fredo at ng mga kaibigan niya na
tumigil sa pangungutya sa akin,” sabi ni Pepe sa lola niya isang gabi.
“Huwag kang mag-alala apo, matatauhan rin ang mga iyan at titigil rin o
kakaibiganin ka. Basta pangako mo sa akin, kahit anong mangyari, hindi ka
mananakit ng kapwa,” paalala ni Lola Pacing sa apo niya.
Isang araw, habang sumisigaw ang grupo nina Fredo sa labas ng bahay nina Pepe,
nakita nang isang grupo rin ng kabataan na binato sila ng pandesal. Ang grupo na
iyon ay siya ring kinakatakutan ng grupo nina Fredo.
“Hoy Fredo, ang sama niyo talaga. Kayo na nga ‘tong binibigyan ng pagkain,
inaaway niyo pa siya. Kung ganyan rin lang ang gagawin sa taong walang
kasalanan sa inyo, huwag na kayong pumunta rito,” pagalit na sabi ni Kulas kay
Fredo.
Nakaramdan ng takot at hiya si Fredo at ang mga kaibigan niya. Naalala nila yung
mga panahon na ipinagtanggol rin sila ng grupo ni Kulas sang ibang mga tao.
Sa probinsya ng Silabay, may isang baryo kung saan halos lahat ng nakatira doon
ay mga masasayahing tao – maliban sa isang babaeng palaging nakadungaw sa
malaking bintana.
Ang babaeng ito ay walang iba kundi si Teodora, 38 taong gulang at dating tindera
sa maliit na palengke sa baryo. Alam na alam ng lahat ng nakatira sa baryo ang
kwento ni Teodora.
Isang masayahing dalagita si Teodora noon. Kilalang-kilala ang pamilya nila. Nag-
iisang anak siya ng mag-asawang sina Mang Isko at Aling Pilar na kapwa tindero
rin sa palengke. Simple lang kanilang pamumuhay ngunit masaya sila.
Hindi masyadong malaki ang bahay nina Teodora pero masasabing komportable
naman sila rito. Pinaka-paboritong parte niya ng bahay nila ang lugar na may
malaking bintana. Marami siyang masasayang alaala doon.
Walang nagawa sina Mang Isko at Aling Pilar. Hindi talaga papipigil si Teodora.
Ang tanging ginawa na lang ng ama niya ay sundan siya at ang mga kaibigan niya
upang masiguradong ligtas silang nakarating ng sakayan.
Kinabukasan, hindi pa rin nakauwi si Teodora at ang mga kaibigan niya. Umalis na
sina Mang Isko at Aling Pilar upang pumunta sa kabilang baryo at sunduin siya.
Subalit, nagulat ang mag-asawa sa nadatnan nila.
Wala roon si Teodora at mga kaibigan niya. Sabi ng isa sa mga taga roon, huling
nakita ang magkakaibigan nakakipag-inuman kasama ang mga binata mula sa
bayan.
Nakita raw nila ang mga kaibigan ni Teodora na sumakay pauwi kinaumagahan
pero hindi raw sumama ang magandang dalagita.
Hinanap pa rin ng mag-asawa ang nag-iisa nilang anak. Buong araw silang
naglilibot sa mga baryo-baryo ngunit hindi nila nakita si Teodora.
“Anak, anong nangyari sa ‘yo? Sino ang naghatid raw sa’yo rito?” tanong ni Aling
Pilar sa dalagitang nakahiga lang sa kama.
“Kulang lang sa tulog ito inay. Isang lalakeng nakilala ko doon sa pista,” sagot ni
Teodora bago ito pumikit ulit bago pa pumatak ang luha mula sa mga mata niya.
Simula noon, mas malaki ang naging pagbabago kay Teodora. Naging masungit na
siya, minsan biglaang umiyak ngunit hindi nagsasabi kung bakit hanggang
nalaman na ng mga magulang niya kung ano talaga ang nangyari.
Unti-unting lumaki ang tiyan ng dalaga. Ginawan siya ng masama ng lalakeng
inakala niya’s mabuting kaibigan at nabuntis siya.
Hindi iyon masabi-sabi ni Teodora sa mga magulang niya dahil wala siyang
masyadong maisasagot sa mga katanungan nila kung saka-sakali. Ni hindi nga
niya alam kung taga saan talaga ang lalakeng iyon.
Noong nalaman ito nina Mang Isko at Aling Pilar, galit na pumunta ang ama ni
Teodora sa baryo kung saan nangyari iyon sa kanilang anak. Ngunit bigo siyang
makahanap ng kakilala ng lalakeng nakabuntis sa anak niya.
“Maraming taga bayan na pumupunta rito tuwing pista kahit wala naman silang
kakilala,” sabi ng isang taga roon.
Mas lalong nag-iba si Teodora. Malimit na siyang magsalita hanggang sa dumating
ang araw na manganganak na siya. Isang batang lalake ang isinilang ng dalaga
ngunit, dalawang araw simula noong manganak siya, namatay ang bata.
Labis na ikinalungkot iyon ni Teodora pati na rin ng mga magulang niya. Simula
noon, hindi na siya nagsasalita at palaging naka dungaw sa malaking bintana nila.
Parang may tinitignan sa malayo pero wala naman.