You are on page 1of 4

Bakit naka bitin ang Upo

Sa bakuran ni tandang Karyo ay may isang halamang tumubo. Ito ay ang upo.
Gumagapang ito sa lupa kung kaya't maingat na itinali ito ni Tandang Karyo sa isang
kawayan. Ayaw ng halaman ang ganito. Ang nais niya ay maging Malaya tulad ng
ibang halaman. Kinausap niya ang kanyang kaibigang hangin.
"Kaibigan, tulungan mo ako. Mistulang alipin ako ni Mang Karyo. Kailangan ko ang
tulong. Nais kng maging malaya tulad ng mga damo, mga bulaklak. Tingnan mo
sila, malalaya sila. Para mo nang awa umihip ka nang malakas upang makailag ang
mga tali sa katawang ko," pagmamakaawa ng upo.
Ang iyong katwiran y hindi matuwid, pero kung iyang ang iyong nais ay pagbibigyan
kita, sagot ng hangin.
Ibinuhos ng hangin ang kaniyang lakas hanggang sa makalas ang mga tali sa
katawan ng halamang upo. Laking pasasalamat ng upo. Malaya na siyang
nakakagapang sa lupa tulad ng ibang halaman.
Isang aso ang napadpad sa bakuran ni Mang Karyo. Naghahanap ito ng butong
makakain. Kahig ito nang kahig sa mga halaman. Hindi makaiwas ang upo sa
matatalim na kuko ng aso. Kaawa-awa ang anyo ng upo nang makita ito ni Mang
Karyo. Inayos uli ni Mang Karyo ang halaman at muli ito ay itinali niya sa puno ng
kawayan upang hindi malaglag sa lupa. Lumakas at gumandang muli ang halamang
upo at laking pasasalamat niya ky Mang Karyo.
Minsan, umihip nang malakas ng hangin at nakipaglaro sa mga dahon ng upo.
Nakiusap ang upo na huwag lakasan ng hangin ang kaniyang pag-ihip at baka ang
kaniyang tali at muli ay malaglag siya sa lupa.
Patawang sumagot ang hangin at sinabing "Noong maliit ka pa lamang ay nakiusap
ka sa akin na tulungan kitang makababa sa lupa. Nagtataka ako ngayon kung bakit
ayaw mo nang bumaba sa lupa at maging malaya?"
Patawarin mo na ako. Mayroon akong malungkot na karanasan na siyang nagturo sa
akin na lahat ng bagay dito sa mundo ay may kani-kaniyang dapat na kalalagyan.
Sana'y maunawaan m ako?" paliwanag ng upo.

Ang Alamat ng Sayote


Si Pedro ay may nakatatandang kapatid. Si Ate Pinya. Hindi sila ipinanganak sa mayamang
pamilya kung kayat sa mura nilang edad ay natuto silang kumayod.
Pero noong unang panahon, hindi pa uso ang pagtitinda ng dyaryo o pagbabakal. Kase hindi
pa ito nadidiskubre. Kaya wala pang bakal boys noon.
Para makatulong sa kanilang magulang, sumasama sila para magtanim ng kung ano-ano.
May tanim silang sitaw, bataw patani, kondol, patola, upo at kalabasa. Lahat ng gulay sa
kantang bahay kubo ay mayroon sila, pero hindi sa paligid ng kanilang bahay. Kase sa nayon
nila, hindi pwedeng magtanim sa paligid ng bahay. Mayroon silang sariling taniman, yun ang
tinatawag na bukirin.
By the way, magkaiba ang palayan at bukirin. Ang palayan ay may salitang ugat na palay,
kung kayat ang tanim dito ay mga palay, kaya tinawag na palayan. Ang bukirin, mula sa
bukid, ay tinataniman ng kung ano-ano, kaya tinawag na bukirin.
Ang dalawang magkapatid na ito ay sadyang masipag. Sa umaga, tumutulong pa si Pedro sa
pagluluto ng kanyang ate. Si Pedro pa ang naghuhugas ng mga pinagkainan nilang gawa sa
kahoy. Yung kaldero nila ay hindi gawa sa bakal, kase nga sabi ko, di pa nadidiskubre ang
bakal. Tanungin nyo ako kung ano ang lutuan nila.
Isang araw, kaarawan ng ate ni Pedro. Gusto nyang bigyan ng kahit ano ang kanyang ate
kung kayat, maaga palang, nuong hindi pa gising ang kanyang ate, ay lumabas na siya ng
kanilang bahay. Pumunta sya sa gubat para manghuli ng kakaibang ibon para ibigay sa
kanyang ate.
Sumapit ang hapon pero wala paring nahuli si Pedro kung kayat nagdesisyon na syang
umuwi. Baka hinahanap na din sya.
Sa kanyang daan, may nakita syang bunga ng kung anong tanim. Lumapit sya at pinitas ang
isa. "Ano kaya ito?" tanong nya sa kanyang sarili. Nawala sa isip nya ang tungkol sa ibibigay
nyang regalo sa kanyang ate.
"Iuwi ko nga ito at ipakita ko kay nanay at tatay, baka alam nila," wika nya at dinala pauwi
ang bunga ng halaman.
Pagpasok nya sa loob ng bahay nila, nakita nya ang kanyang ate.
Sa tuwing kaarawan ni Pinya, inaasahan na nyang may ibibigay si Pedro sa kanya. Hindi iba
ang kaarawan nyang iyon. Nang makita nya si Pedrong papasok, sinalubong nya ito.
"Pedro, asan ang regalo ko?" tanong nito kay Pedro.
Nahihiyang sabihin ni Pedro na wala syang regalo dahil wala syang nahuling ibon.
Napansin ni Pina ang hawak na bunga ni Pedro. "Ano yan?"
"Ito?" bigkas ni Pedro. At itinaas ang dalang bunga. Iniabot sa kanyang ate at sinabing,
"Sa'yo 'te."
"Sayote?" tanong ng ate niya.

"Oo, sa'yo 'te," sabi ni Pedro.


Mula noon tinawag na itong sayote.

ALAMAT NG LANSONES
Sinasabing ang puno ng lansones ay karaniwang makikita sa Luzon. Gayunman,
walang gaanong pumapansin dito. Isang araw, isang magnanakaw ng kalabaw ang
hinahabol ng mga tao. Napagawi ito sa lansonesan at doon nagtago. Sapagkat
gutom na gutom na rin ang magnanakaw sa katatakbo, pumitas siya ng lansones at
kumain. Nalason siya. Dinatnan siya ng mga taong patay at may bakas pa ng bula
sa bibig. Mula noon, pinagkatakutan ang lansones. Walang nangahas kumain nito.
Minsan, isang babaing nakaputi ang dumating. Palakad-lakad ito sa may
lansonesan. Pakanta-kanta ang babae kaya marami ang nakatingin sa kanya pero
nangangamba namang makipag-usap. Nakita ng lahat na kumuha ng bunga ng
lansones ang babae at nagsimulang kumain. Inasahan ng mga nanonood na
mamamatay siya pero walang nangyari sa kanya. Kinambatan niya ang mga tao
para lumapit. "Alam kong nagugutom kayo, inalisan ko na ito ng lason. Maaari na
ninyong kainin." Takot pa rin ang mga tao. Pero inabutan sila ng babae ng lansones.
"Makikita ninyong may bakas ng kurot ang prutas. Iyan ang tanda na inalisan ko na
ito ng lason. Kumain na kayo." At nawala ang babae.
Sinapantaha ng lahat na isang ada ang babae. Tinikman nilang lahat ang prutas. At
naroon nga ang bakas ng kurot, wariy lalong nagpalinamnam sa lansones.

ALAMAT NG MAKOPA
Sinasabing may isang bayang hindi nakakilala ng gutom dahil may isang gong o
batingaw silang nagkakaloob ng kanilang kahilingan. Nabalitaan ito ng mga tulisan
kaya nag-ambisyon silang nakawin ang gong at ilipat ito sa ibang lugar. Sa takot ng
mga tao sa pagsalakay ng mga tulisan, ibinaon nila ang gong sa isang lugar na
malapit sa gubat.
Sumalakay nga ang mga tulisan. Nakipaglaban ang mga taong-bayan hanggang
maitaboy paalis ang mga gustong magnakaw ng kanilang gong. Sa kasawiangpalad, marami-rami rin ang namatay. Kabilang dito ang mga nagbaon ng gong.
Samakatwid, walang makapagsabi kung saan nakatago ang gong.
Ilang taon ang lumipas at hindi pa rin nakikita ang gong.Naghihirap na ang mga tao.
Isang araw, isang bata ang napadako sa tabi ng gubat at nakakita ng isang punong
may bungang hugis batingaw (kahugis ng gong na nawawala). Inakyat ng bata ang
puno at tinikman ang bunga. Nasarapan siya kaya nag-uwi pa para sa mga
kababayan. Nang makita ng mga kababayan niya ang bunga naghinala silang
naroon sa punong iyon ang kanilang gong. Nagpuntahan ang mga tao roon at
hinukay ang ugat ng puno. Totoo nga! Sa ilalim niyon nakabaon ang gong na susi ng

kanilang kasaganaan. Nakuhang muli ang gong at nagkaroon pa ng punong may


matamis na bungang hugis kampana ang mga taong-bayan.

You might also like