You are on page 1of 9

Mga Alamat

1. Alamat ng Mangga

Noong unang panahon, may mag-anak na nakatira sa isang bayan sa Zamabales. Masisipag
ang mag-asawa ngunit ang kanilang tatlong anak na binata ay napakatamad.

Pinababayaan nila ang kanilang matatandang magulang na magasaka upang sila’y may
makain. Pinagsabihan ng mag-asawa ang magkakapatid na tumulong naman sana ngunit hindi sila
sumunod. Minsan naman ay pinag-aawayan pa nila kung sino kung sino ang dapat tumulong sa bukid.

“Anu kaya ang mangyayari sa ating mga anak kapag tayo ay nawala na?” Nag-aalangang
tanong ni Mang Pangga kay Aling Manggita.

“Kailangan matuto ang ating mga anak,” sagot naman ng matandang babae.

Isang araw ay kinausap ng mag-asawa ang tatlong anak.

“Mga anak, ang mayamang lupain natin ay may taglay nag into. Subalit makukuha nyo lang
ang ginto kung inyong paghihirapan,” sabi ni Mang Pangga.

“kailangan matuto kayong magtrabaho, mga anak. Matatanda na kami at ayaw naming
magutom kayo kapag kami’y wala na,” dugtong ni Aling Manggita.

Ngunit hindi nagbago ang mga anak nila. Isang araw ay nagulat ang tatlo nang magising silang
walag pagkain sa kusina.

“Inay, Itay, bakit walang almusal?” sigaw nila ngunit walang sumagot sa kanila.

Naghanap sila nang naghanap ngunit hindi na nila nakita ang magulang. Gutom at pagod na
sila kaya’t napilitan silang maghanap ng makakain. Hindi sila sanay magtrabaho kaya’t labis na
nahirapan ang tatlo. Noon nila naalala ang sinabi ng magulang.

“Sabi ni Itay, may ginto sa ating bakuran, subalit saan kaya natin ito mahahanap?” tanong ng
panganay na si Biboy.

Halos araw-araw ay nilibot ng magkakapatid ang bakuran. Hinahanap nila ang gintong sinasabi
ng ama. Hanggang isang araw, may nakita silang dalawang kakaibang halamang tumubo sa kanilang
bakuran. Noon lang sila nakakita ng ganoong uri ng halaman.

Inalagaan ng magkakapatid ang dalawang halaman. Nararamdaman nilang may kinalaman


ang mga halamang ito sa nawawala nilang magulang. Naging masisipag na rin ang magkakapatid at
natutong magtanim. Kung hindi nga naman sila kikilos ay hindi sila kakain.
Isang araw ay napansin ng magkakapatid a namumunga na ang dalawang punong kanilang
inalagaan. Isang umaga’y napansin nilang ang mga berdeng bunga ay nagkulay-ginto. Pumitas ng isa
si Biboy at tinikman ito.

“Wow! Ito na yata ang pinakamasarap na prutas na natikman ko,” halos pasigaw na sabi niya
nang matikman ang prutas.

“Ito ang gintong sinasabi nina Itay at Inay! Makatutulong sa atin ang mga punong ito ngunit
kailangan munang mamunga at paghirapan bago maani ang matatamis, mababango, kulay ginto, at
hugis-pusong bunga.”

“Mahal na mahal talaga tayo nina Itay at Inay. Kahit wala na sila ay nag-iwan sila ng alaala ng
malilinis at mabubuting puso nila. Kaya siguro matatamis ang mgaprutas na ito.” Dugtong pa niya.

Nakilala ng lahat ang masarap na prutas na tinawag nilang manga mula sa pinagsamang
pangalan nina Aling Manggita at Mang Pangga, ang mabubuting mag-asawang nagsakripisyo para sa
mga anak at aparasa lahat ng taong hanggang ngayon ay patuloy na nakakain ng masarap na bunga
ng manga.

2. Alamat ng Ampalaya

Noong araw, sa bayan ng Sariwa naninirahan ang lahat ng uri ng gulay na may kanya-kanyang
kagandahang taglay.

Si Kalabasa na may kakaibang tamis, si Kamatis na may asim at malasutlang kutis, si Luya na
may anghang, si Labanos na sobra ang kaputian, si Talong na may lilang balat, luntiang pisngi ni
mustasa, si Singkamas na may kakaibang lutong na taglay, si Sibuyas na may manipis na balat, at si
patol na may gaspang na kaakit-akit.

Subalit may isang gulay na umusbong na kakaiba ang anyo, siya si Ampalaya na may
maputlang kulay, at ang kanyang lasang tagalay ay di maipaliwanag.

Araw-araw walang ginawa si Ampalaya kung hindi ikumpara ang kanyang itsura at lasa sa
kapwa niya gulay, at dahil dito ay nagbalak siya ng masama sa kapwa niya mga gulay.

Nang sumapit ang gabi kinuha ni Ampalaya ang lahat ng magagandang katangian ng mga
gulay at kanyang isinuot. Tuwang-tuwa si Ampalaya dahil ang dating kulay na hindi pinapansin ngayon
ay pinagkakaguluhan. Ngunit walang lihim na hindi nabubunyag nagtipon-tipon ang mga gulay na
kanyang ninakawan.

Napagkasunduan nilang sundan ang gulay na may kakaiba, at laking gulat nila ng Makita
nilang hinubad nito isa-isa ang mga katangian na kanilang taglay. Nanlaki ang kanilang mga mata ng
tumambad sa kanila si Ampalaya.

Nagalit ang mga gulay at kanilang iniharap si Ampalaya sa diwata ng lupain. Isinumbong nila
ang ginawang pagnanakaw ni Ampalaya. Dahil ditto nagalait ang diwata at lahat ng magagandang
katangian na kinuha sa mga kapwa niya gulay.
Laking tuwa ni Ampalaya dahil inisip niya na iyon lamang pala ang kabayaran sa ginawa
niyang kasalanan. Ngunit makalipas ang ilang sandal ay nag-iba ang kanyang amyo.

ANg balat niya ay kumulubot dahil ang kinis at gaspang na taglay ni upo at kamatis ay nag-
away sa loob ng kanyang katawan. Maging ang mga iba’t ibang lasa ng gulay ay naghatid ng hindi
magandang panlasa sa kanya kung kaya’t pait ang idinulot nito. Ang kanyang kulay ay naging madilim
na luntian.

Ngayon, kahit masustansiyang gulay si Ampalaya, marami ang hindi nagkakagusto sa kaniya
dahil sa pait na kanyang lasa.

3. Alamat ng Pakwan

Kaawa-awa ang batang si Juan. Ulila siya sa ama at ina. Nakatira siya sa kanyang tiya at tiyo.
Mga pilyp, tamad, at masasama ang ugali ng kanilang mga anak. Malupit sila kay Juan. Sinisigawan,
pinapalo at pinagtatawanan nila si Juan kapag nagkakamali ito. “Pak-Juan” ang tawag nila sa pinsan
na ang ibig sabihin ay pangit si Juan.

Malaki ang ulo ni Juan. Maitim ang kanyang mga ngipin at mapupula ang kanyang makakapal
na labi. Ngunit mabait, masipag at matulungin si Juan. Nagtatrabaho siya sa bahay sa buong
maghapon. Naglilinis, nagluluto, nag-aalaga ng bata, at nagliligpit ng kinainan.

Minsan, nabasag ang hinugasang pinggan ni Juan. “Wala kang ingat, maghuhugas ka lang ng
pinggan ay mababasag pa”, sigaw ng kanyang tiya. Pinagtawanan siya ng kanayng mga pinsan, “ha-
ha-ha, Pak-Juan!”, ang paulit-ulit na biro ng mga pinsan.

Hindi na nakatiis si Juan. Umiiyas siya. Tumawag siya at nanalangin sa Poon. “Kung maari
kunin mo nap o ako! Hirap na hirap nap o ako!” At biglang nagdilim ang langit! Bumuhos ang malakas
na ulan. Kumidlat at kumulog. Kinabukasan, di na nakita ng mag-anak sa Juan.

Sa halip, isang halamang may bungang simbilog ng ulo ni Juan ang kanilang nakita. Biniyak
nila ang bunga. Simpula ng mga labi ni Juan ang laman nito at sing-itim ng mga ngipin ang mga buto.
“Juan, sana’y mapatawad mo kami”, ang sabi nila sa sarili. Nagbago sila ng ugali. Inalagaan nila ang
halaman. Tinawag nila itong Pak-Juan. Sa paglipas ng mga araw, nang pakwan ang tawag sa
halaman. Iyon ang simula ng pagkakaroon ng halamang pakwan.

4. Alamat ng Durian
Sa isang bayan sa Mindanao ay may matandang babae na lalong kilala sa tawag na Tandang
During. Nakatira siya sa paanan ng bundok. Ang maliit niyang kubo ay nakatayo sa gitna ng malawak
niyang bakuran na naliligid ng mga puno.

Si Tadang During ay karaniwan nang ginagawang katatakutan ng mga ina sa malilikot na mg


anak. Sabi nipa ay lahi ito ng mangkukulam kung kaya dapat iwasan. Si Tandang During ay nasanay
nang mamuhay ng nag-iisa. Mula nang mamatay ang asawa at mga anal ay hindi na siya umalis sa
paanan ng bundok. Tahimik siyang tao at dahil matanda na ay mas ibig pa niyang asikasuhin na lang
ang mga tanim na halaman.

Masungit si Tandang During kaya iniiwasan ng mga tao. Noong kamamatay palang ng mga
mahal niya sa buhay ay marami ang nag-alok ng tilong ngunit tinanggihan niya. Sa gayon ay unti-unti
na ring lumayo sa kanya ang mga tao hanggang maging panakot na lamang siya sa makukulit na mga
bata.

Ilang taon ang nagdaan. Ang dati ay makukulit na mga bata ay malalaki na ngunit si Tandang
During ay gayon parin. Nag-iisa sa kuno sa paanan ng bundok at hindi nakikisama sa mga tao.

Isang gabi ay itinaboy ng hanging amihan ang isang kakaiabang amoy sa kumonidad. Hindi
nila alam kung ano ang amoy na iyon at kung saan galling. Nanatili ang amoy nang sumunod pang
mga araw at patindi nang patindi. Nagpasta ang mga tao na hanapin ang pinanggalingan ng amoy.

Nagkaisa silang puntahan ang kubo ni Tandang During at natiyak na doon nanggagaling ang
amoy. Hinanap nila ang matanda ngunit hindi nila ito nakita. Sa halip ay nabaling ang pansin nila sa
isang puno na ang mga bunga ay may matitigas na balat at matatalim na tinil. Dahil sobrong hinog at
nagsisimula nang bumuka ang mga prutas. Isang lalaki ang umakya ng puno para kumuha ng bunga.
Nagtakip sila ng ilong nang buksan ang prutas pero pare-pareho ring nasarapan sa lasa ng prutas na
iyon. Nagsipitas sila ng mga bunga at iniuwi sa kani-kanilang bahay.

Nang may makasalubong silang isang matanda na tagaibang lugar at itinanong kung ano ang
dala niling prutas ay iisa ang sagot nila, “bunga ng tanim ni Tandang During ‘yan”, sabi nila.

“During yan,” ang pagkakaintindi sa kanila ng matanda. Kaya nang bigyan nila ito ng bunga at
itanong ng mga kakilala king ano iyon ay sinabi nitong ang pangalan ng prutas ay ‘during yan”.
Kalaunan ay naging Durian ang tawag dito.

5. Alamat ng Asa
Kinaiinggitan ang mabuting samahan ng magkakaibigang Masong at Lito. Maliliit pang mga
bata ay lagi na silang magkasama. Lagi nilang inaalala ang isa’t isa. Lagi rin silang magkasama sa
bawat lakaran.

Nanatili ang magandang samahan ng dalawa kahit nang mag-binatilyo na sila. Naging bahagi
nang buhay nila ang pagtutulungan. Mula sa paggaea sa bukid hanggang sa pangangahoy sa gubat ay
lagi silang magkasama.

Hindi inasahan ninuman ang pagkakaroon ng malubhang sakit ni masong. Humatong iyon sa
kamatayan ng binatilyo. Labis na nagluksa si Lito. Hindi niya matanggap na wala na ang kaibigan.
Araw-araw niyang dinadalaw ang puntod nito at nililinis. Madalas ay kinakausap ri niya ito na parang
nasa tao lang at nakikinig sa kanya.

Minsan ay sumama ang pakiramdam ni Lito. Kaunting lakad lang ay hilung-hilo na siya.
Pinigilan siya ng ina sa pagdalaw sa libingan ni Masong. Ilang araw siyang ganoon.

Sa buong panahon ng pagkakasakit ay may isang maliit nanhayop na umuwi kina Lito. Lagi
iyong itinataboy ng ina ngunit balik nang balik sa tapat ng silid ng binatilyo na tila nagbabantay sa
kanya.

Nangmabawi ang lakas ay puntod ni Mason gang unang pinuntahan ni Lito. Doon ay nakita
niya ang hayop na araw-araw na itinataboy ng ina. Nakatayo iyon sa tapat ng puntod at kawag nang
kawag ang buntot.

Hindi na himiwalay ang hayop hanggang sa pag-uwi niya. Natutulog ito sa paanan niya at
paggising niya sa umaga ay sadalubungin siya ng kahol at kawag sa buntot nito. Dahit sa hayop ay
nalimot ni Lito ang lungkot ng pagkamatay ni Masong.

Pinagalanan niyang Masong ang hayop pero nang lumaon ay naging aso ang tawag ditto.
Mga Pabula

1. Ang Gorilya at anf Alitaptap

Isang gabi, naglalakad si Iput-Iput, (ang alitaptap) patungo sa bahay ng kanyang kaibigan.
Nang mapadaan siya sa tapat ng bahay ni Amomongo (ang gorilya), tinanong siya nito. “Hoy, Iput-Iput,
bakit lagi kang may dala-dalang ilaw?” Sumagot si Iput-Iput, “Dahil natatakot ako sa mga lamok.” “Ah,
duwag ka pala”, ang pang-uuyam ng gorilya. “Hindi ako duwag!” ang nagagalit na sagot ng alitaptap.

“Kung hindi ka duwag, e bakit lagi kang may dala-dalang ilaw?” ang pang-aasar ni Amomongo.
“Nagdadala ako ng ilaw para kapag nilapitan ako ng mga lamok at kakagatin ay makikita ko sila kaagad
at nang sa gayo’y maipagtanggol ko ang aking sarili”, ang tugon ni Iput-Iput.

Tumawa nang malakas si Amomongo. Kinabulasan, maaga itong gumising at ipinamalita na


kaya daw lagging may dalang ilaw si Iput-Iput ay dahil duwag ito. Kaagad na kumalat sa buong bayan
ang balita. Nang mabalitaan ito ng alitaptap, nagalit siya. Dali-dali siyang lumipad patungo sa bahay ni
Amomongo. Gabi noon at natutulog na ang gorilya, ngunit itinapat niya ang kanyang ilaw sa mukha nito
hanggang sa ito ay magising.

“Hoy, gorilya, bakit ipinamamalita mong duwag ako? Upang mapatunayan ko sayong hindi ako
duwag, hinahamon kita sa isang labanan. Magkita tayo sa plasa sa susunod na Linggo ng hapon.”
Pupunga-punga na nagtanong ang gorilya. “Mayroon ka bang mga kasama?” “Wala!” ang sigaw ni Iput-
Iput. “Punpunta akong mag-isa.”

Nangiti si Amomongo sa tinuran ni Iput-Iput. Dili’t isang maliit na insekto ang humahamon sa
kanya ng away. Nagpatuloy ang alitaptap. “Hihintayin kita sa plasa sa susunod na lingo sa ganap na
ikaanim ng hapon!” “Magsama ka ng mga kakampi mo dahil magsasama ako ng libo-libong gorilya na
mas malalaki pa sa akin.” Sinabi ito ni Amomongo upang takutin ang alitaptap, na sa pakiwari niya ay
nasisiraan ng ulo.

Ngunit sumagot si Iput-Iput, “;Hindi ko kailangan ng kakampi. Darating akong mag-isa!


Paalam!”

Pagkaalis ng alitaptap, tinipon ng gorilya ang kanyang mga kasamahan at ipinaalam sa mga ito
ang nakatakdang patutuos. Inutusan niya ang mga itona kumuha ng tag-isang pamalo na may habang
tatlong dangkal at pumunta sa plasa nang ika-anim ng gabi sa susunod na lingo. Ikinabigla ito ng
kanyang mga kasamahan, ngunit nasanay na silang sundin ang kanilang pinuno kaya ipinangako
nilang pupunta sila sa itinakdang oras at lugar.

Dumating ang araw ng Linggo. Bago pa mag-ikaanim ng hapon ay nagtipon na ang mga
dambuhalang gorilya sa plasa ngunit nadatnan na nila ang alitaptap na naghihintay sa kanila. Maya-
maya, tumunog ang kampana ng simbahan bilang hudyat ng oras ng orasyon o pagdarasal.
Iminungkahi ng alitaptap sa mga gorilya na magdasal mula sila. Pagkataos magdasal,agadsinabi ng
Iput-iput na nakahanda na siya. Inutusan ni Amomongo ang kanyang mga kasama sa humanay.
Pumuwesto siya sa una bilang pagpapakilalang siya ang pinuno ng mga ito.
Dagling lumipad si Iput-iput sa ilong ng gorilya at inilawan niya ito. Hinampas ng kasunod na
gorilya si Iput-iput ngunit kaagad itong nakaalis kaya ang tinamaan ng gorilya ay ang ilong ni
Amomongo na halos ikamatay nito. Dumapo si Iput-Iput sa ilong panglawang gorilya. Hinampas ng
pangatlong gorilya si Iput-Iput ngunit kaagad itong kanalipad, kaya ang hinampas niya ay ang ilong ng
pangalawa na ikinamatay nito. Muli, inilawan ni Iput-Iput ang ilong ng pangatlong gorilya.

Hinampas ng ikaapat na gorilya si Iput-Iput na kaagad na kalipad. Muli, namatay ang


pangatlong gorilya dahil sa lakas ng pagkakahampas ng ikaapat na unggoy sa ilong nito. Nagpatuloy
ang ganitong pangyayari hanggang si Amomongo na lamang ang natirang buhay na gorilya na halos
hindi makagulapay dahilsa timamong sakit.

Nagmakaawa it okay Iput-Iput ns patawarin na siya, at huwag patayin. Pinatawad naman siya
ni Iput-Iput, ngunit simula ng hapong iyon, nagkaroon nan g malaking takot ang mga gorilya sa mga
alitaptap.

Aral: Huwag husgahan ang iyong kapwa base sa kanyang laki o liit ng pangangtawan. Kadalasan kasi
ay may mas nagagawa ang mga maliliit na hindi kayang gawin ng malalaki. Iwasan ang pagkakalat ng
maling balita upang siraan ang kapwa.

2. Ang Lobo at ang Kambing

Isang lobo ang nahuloPabug sa balon na walang tubig. Sinikap niyang tumalon upang maka-
ahon palabas ngunit lubhang malalim ang balon na kanyang kinahulugan. No’oy dumating ang isang
uhaw na uhaw na kambing. Lumapit ito sa balon at narinig ang tinig ng lobo. “Marami bang tubig sa
loob ng balon?” tanong nito sa lobo. “Oo, napakarami!” ang pagsisinungaling ng lobo. Hindi
nagdalawang-isip pa ang kambing. Agad itong tumalon sa balon. At nalaman nga niyang siya ay niliko
lamang ng lobo.

“Ngayo’y pareho na tayong bilanggo sa balon na ito,” ang sabi ng lobo. “Mamamatay sa uhaw
at gutom ditto,” ang sabi ng kambing. “Kung gusto mong makaalis ditto, magtulungan tayo. Mayroon
akong naisip na paraan kung papaanoo nating gagawin iyon.” “Papaabo?” Noon ipinatong ng lobo ang
mga paa sa katawan ng kambing. “Ako ang unang lalabas. At kapag nakalabas na ako, saka kita
hahatakin palabas,” pangako nito. “Sige,” ang sabi naman ng kambing. Nakalabas nga ng balon ang
lobo sa tulong ng kambing. Ngunit noong pagkakataon ng ng kambing para tulungan nito’y agad iyong
tumawa ng malakas. “Walang lobong manloloko kung walang kambing na magpapaloko.” At malungkot
na naiwan ang kambing sa ilalaim ng balon.

Aral: Maging matalino sa mga desisyong gagawin mo. Huwag basta-basta maniniwala sa iabang tao
lalo na kung hindi mo lubusang kakilala. Kilalanin muna ang bagong kakilala bago magtiwala. Mas
maiging maging maigngat sa mga taong hindi mo kilala.

3. Ang Aso at ang Uwak


May isang ibong uwak na nakakita ng karne na nakanilad sa araw. Tinangay niya ito at lumipad
nang malayo. Sa dulo ng sanga ng isang puno ay sinimulan niyang kainin ang karne. Ngunit narinig
niya ang malakas na boses ng isang aso na nagsabing, “sa lahat ng ibon, ang uwak ang
pinakamagaling. Walang kakumpara!” Natuwa ang uwak at binuksan ang bibig para humalakhak. Ang
nangyari ay nalaglag ang karne mula sa kanyang bibig. Nahulog ang karne nito sa lupa kung
saankaagad sinunggaban ng aso.

Walang nagawasi uwak kindi tingnan ang kagkain ng aso sa nahulog nyang karne. Mula noon
hindi na muling nagpalinlang si Uwak kay Aso.

Aral: Hindi lahat ng papuri ay totoo. Maaring ginagamit lamang ito ng iba para maisahan ka. Huwag
basta-basta maniniwala sa sinasabi ng iba. Sa lahat ng oras maniwala sa sarili mo hindi sa sinasabi ng
ibang tao. Huwag magpalinlang sa mga taong may masamang motibo sayo.

4. Ang Kabayo at ang Kalabaw

Isang magsasaka ang nais manirahan sa ibang bayan kaya isang araw ay inipon niya ang
kanyang alagang kabayo at kalabaw. Maaga pa ay sinimulan na nila ang mahabang paglalakbay.
Makaraan ang ilang oras ay nakaramdam ng matinding pagod at pang-hihina ang kalabae dahil sa
bigat ng kanyang pasang gamit.

“Kaibigang kabayo, di hamak na mas mabigat ang pasan kong gamit keysa sa iyo. Maaari
bang tulungan mo ako at psanin mo yung iba?” pakiusap ng kalabaw.

“Aba, yan ang ipinataw sa iyon balikat n gating amo kaya pagtiisan mo,” anang kabayo na lalo
pang binilisan ang paglalakad.

“Paramg awa mo na tulungan mo ako. Di ko na kakayanin ang bigat ng dala ko. Nanghihina
ako. Alam mo namang kailangan kong magpalamig sa ilog kapag ganito katindi ang init ng araw dahil
madaling mag-init ang katawan ko,” pakiusap pa rin ng kalabaw. “Bahala ka sa buhay mo”, naiinis na
sagot ng kabayo.

Makaraan pa ang isang oras at lalong tumindi ang init ng araw. Hindi nagtagal at ang kalabaw
ay iginipo ng bigat ng kanyang sala at siya’y pumanaw. Nang Makita ng magsasaka ang nangyari ay
kinuha niya ang lahat ng gamit na pasan ng kalabaw at inilipat sa kabayo na bahagya namang
makalakad dahil sa naging napakabigat ng kanyang mga dalahin.

“Kung tinulungan ko sana si kasmang kalabaw ay hindi naging ganito kabigat ang pasan ko
ngayon,” may pagsisising bulong ng kabayo sakanyang sarili.

Aral: Maging matulungin sa kapwa. Kung may kakayahan kang tumulong ay huwag mong ipagdamot
ito sa iba. Malaking pasanin ang gagaan kung tayo ay magtutulungan. Huwag maging makasarili. Ang
patulong sa kapwa ay isang magandang ugali na naipagmamalaki.

5. Ang Daga at ang Leon


Isang daga ang nakatuwaang maglaro sa ibabaw ng isang natutulog na leon. Kanyang
inaakyat ang likuran ng leon at pagdating sa itaas ay nagpapadausdos siya pababa.

Sa katuwaan ay di niya napansin na nagising ang leon. Dinakma ng leon ang daga at
hinawakan sa buntot na wari bagang balak siyang isbubo at kainain. Natakot ang nagmakaawa ang
daga. “Ipagpaumanhin mo kaibigan. Hindi ko sinssadyang gambalain ka sa pagtulog mo. Walaakong
masamang hangrin. Nakatuwaan ko lang na maglaro sa iyong likuran. Huwag mo akong kainin,” ang
sabi ng daga. Nabakas ng leon sa mukha ng daga ang tunay na pagmamakaaw. “Sige, pakakawalan
kita pero sa susunod ay huwag mong gambalain ang pagtulog ko,” sabi ng leon.

“Salamat kaibigan. Baling araw ay makakaganti rin ako sa kabutihan mo,” sagot ng daga.

Lumupas ang maraming area at minsan sa pamamasyal ng daga sa kagubatan ay kanyang napansin
ang isang lambat na nakabitin sa puno. Lumapit siya upang mag-usisa at agas niyang nakilala ang leon
na nahuli sa loob ng lambat na ginawang bitag ng nangangaso sa kagubatan.

Dali-daling inakyak ng daga ang puno at nginatngat ang lubid na nakatali sa lambat. Agad
namang napitol ang lubid at bumagsak ang lambat kasama ang leon. Mabilis na bumaba ang daga at
tinulungan ang leon na nakawala sa lambat. “Utang ko sa iyo ang aking buhay,” laking pasasalamat na
sabi ng leon sa kaibigang daga.

Aral: ANg paghingi ng paumanhin ay hindi nakakapag-pababa sa dangal ng isang tao. Huwag maliitin
ang kakayahan ng iba. Maliit man ang iyong kapwa ay may kakayahan pa rin itonng makatulong sa
paraang hindi madalas inaasahan ng iba. ,aging mapagkumbaba sa lahat ng oras upang tayo ay
pagpalain.

You might also like