You are on page 1of 1

Labaw Donggon (Buod ng Labaw Donggon - Epiko ng Bisaya)

Ang salaysay na Labaw Donggon ay nagsimula sa kaniyang pamilya. Isa siya sa tatlong mala-
bathalang anak nina Abyang Alunsina, isang diwata, at ni Buyung Paubari, isang mortal. Mga
kapatid niya sina Humadapnon at Dumalapdap.

Pagkapanganak sa kaniya ay naghanap si Labaw Donggon ng mapapangasawa. Una niyang


nakuha si Abyang Ginbitinan, ikalawa si Anggoy Doronoon. Ikatlo at pinakamahirap ang
pakikipagsapalaran niya ay si Malitong Yawa Sinagmaling na asawa ni Saragnayan, tagapag-
alaga ng araw. Dahil may agimat din si Saragnayan, natalo niya si Labaw Donggon sa labanan na
tumagal ng maraming taon. Ibinilanggo ni Saragnayan si Labaw Donggon sa kulungan ng baboy
sa silong ng bahay niya.

Samantala, nanganak ng dalawang lalaki ang dalawang asawa ni Labaw Donggon, sina Asu
Mangga at Buyung Baranugan. Hinanap ng magkapatid ang ama, nakaharap si Saragnayan,
ngunit ngayo’y natuklasan ni Baranugan ang lihim ng kapangyarihan ni Saragnayan kaya
napatay ang asawa ni Malitong Yawa Sinagmaling. Pinawalan ng magkapatid si Donggon at
pinaliguan. Ngunit nagtago ito sa loob ng isang lambat.

Sina Humadapnon at Dumalapdap naman ang humanap kay Labaw Donggon at nakita nilá ito sa
loob ng lambat ngunit halos bingi at lubhang matatakutin. Gayunman, pinagtulungan siyang
gamutin nina Abyang Ginbitinan at Anggoy Doronoon pagkatapos mangako na pantay-pantay
siláng ituturing na asawa kasama ni Malitung Yawa Sinagmaling. Sinundan pa ito ng mga
pakikipagsapalaran nina Humadapnon at Dumalapdap na nakuha din ng kani-kanilang asawa.

Ang halimbawa ng epiko ng Visayas na pinamagatang, "Labaw Donggon," ay mula


sa noypi.com.ph.

You might also like