You are on page 1of 1

ALAMAT

Tikoy

Ang pagkain ng tikoy ay pinaniniwalaang nagdadala ng magandang kapalaran

Ang Nian Gao, mas kilala sa Pilipinas bilang Tikoy, ay isang tanyag na pagkain ng mga Tsino lalo na
tuwing sasapit ang Chinese New Year. Tinatawag ding Chinese New Year's cake, ito ay isang matamis na
kakanin na gawa sa malagkit na kanin (Oryza glutinosa) na isang uri ng butil na talamak sa mga bansang
Asyano. Isa ito sa pinakamahahalagang pagkaing inihahanda para sa pagdiriwang ng Bagong Taon batay
sa Chinese Lunar Calendar.

Ang paghahain ng tikoy sa hapag sa pagsalubong sa bagong taon ay isang tradisyong Tsino na nag-ugat
pa sa kanilang alamat. Batay sa alamat, ang bawat tahanan ng Tsino ay may Panginoon ng kusina na
kilalang bilang si Zaowang. Siya ang nagsisilbing tagapagbantay ng bawat pamilya, at tagapagbalita
naman sa kataastaasang Panginoon. Sinasabing tuwing sasapit ang ika-23 araw ng huling buwan ng taon
ay nililisan ni Zaowang ang bahay ng mga pamilya upang maghatid ng mensahe sa panginoon –
ipinapabatid niya dito kung anong pag-uugali ang ipinakita at ginawa ng pamilya sa nagdaang taon.
Upang maging maganda ang ibalita ni Zaowang sa Panginoon, bago pa man nito lisanin ang bahay ay
inaalayan na nila ito ng masasarap na pagkain, kabilang na ang tikoy. Ngunit ayon sa kuwento, ang
pagbibigay ng malagkit na tikoy ay hindi isang uri ng “suhol” sa panginoon ng kusina. Ang tikoy ay
ibinibigay upang magsilbing pandikit sa bibig ni Zaowang at nang hindi ito makapagsumbong ng masama
sa kataastaasang panginoon.

You might also like