You are on page 1of 3

Balangkas Ng Pagsusuri: 4 na pormat

Balangkas D

A. Pamagat at May-Akda

“Ngunit Wala Akong Litrato Noong Nasa Kolehiyo Ako” Ni Reuel Molina Aguila

REUEL MOLINA AGUILA

Mananaysay ng Taon 2007

Unang Gantimpala, Gawad Surian sa Sanaysay–Gantimpalang Collantes

Isang guro si Reuel sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Filipino sa Unibersidad ng


Pilipinas, Diliman, Lungsod Quezon. Bukod sa pagiging guro at mananaysay, isa rin siyang
makata, kuwentista, mandudula sa entablado, pelikula at radyo, kuwentista sa komiks, editor,
manlilikha ng video at organisador sa panitikan at kultura. Apat na beses siyang nagtamo ng
UNANG GANTIMPALA sa Don Carlos Palanca Awards for Literature sa iba’t ibang genre sa
wikang Filipino. Nagtamo rin ng mga pangunahing gantimpala ang kanyang mga piyesa sa
Palihang Aurelio V. Tolentino Playwriting Contest, Cultural Center of the Philippines, Gawad
Sagisag, National Council for Culture and the Arts at Timpalak Panitik ng UP. Tumanggap siya ng
iba’t ibang parangal at pagkilala gaya ng Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas (UMPIL),
Gawad Inang Bayan (PUP), Gawad Emilio Jacinto (DFPL-UP), at Namumukod-Tanging Guro
(Philippine Science High School). Awtor si Aguila ng mga aklat na Ligalig at iba pang Dula;
Ampalaya, Bonsai, Atbp; at Magdaragat ng Pag-ibig at iba pang Tula ng Pagnanasa

Sa kasalukuyan, si Reuel ang executive director ng samahang Akdang-Bayan, freelance writer,


direktor, koordineytor at production manager din siya sa mga pelikula, telebisyon, mga
babasahin, dokumentaryo, concerts, audio-visual at mga dulang pantanghalan.

B. Buod ng Akda

Lahat ng mga ito ay nakalarawan pa sa aking isipan, at puso. Ngunitwalang litrato.Nasa kolehiyo
ako noon nang kunan ko ang lahat ng mga larawang ito sa pamamagitan ng aking alaala.Ngunit
ang panahon at gawain namin ang nagtakda na dapat ay wala kaming iiwang bakas sa aming
pinagdaanan. Pagkapahamak o kamatayan ang mag-iwan ng bakas; litrato pa kaya.Kayat iba-iba
ang aming mga pangalan. Iba-iba ang aming gayak. Iba-iba ang aming ruta. Iba-iba ang aming
personalidad.Para kaming mga hangin, laging naririyan; hindi nakikita ngunit
nadarama.Napakaraming gawain ngunit walang litratong magsisilbing panungkit sa mga
alaala.Tanging ang alaala mismo ang siyang maninindigan sa kanyang sarili, bilang mga litratong
hindi kinunan, at hindi rin kukupas kailan man.Wala akong litrato noong nasa kolehiyo
ako.Ngunit higit na mayaman ang mga larawan sa isipan; at patuloy pa rin ako sa pagkuha ng
mga ganitong litrato

C. Tema ng Akda

Ang sanaysay na ito ay nagsasalaysay sa katauhan ng isang babae, sa mgakaranasan at mga


pangyayari sa buhay, sa mga kultura at mga paniniwalangnakagawian at antas ng pamumuhay
ng mga Pilipino. Samakatuwid, nagbibigay ito ngmga alaala ng kasaysayan kung paano namuhay
ang mga Pilipino noon sa atinglipunan.

D. Mga Katangian

Nagtataglay umano ng katangian ng pagiging maikli, mapaglarawan, at maligoy sa pagsasaad ng


diwain. Inilakip sa kaniyang sanaysay ay kakikitaan ng elitismo dahil sa pagiging personal—na
itinatangi sa iba pang personal na karanasan ng mambabasa.

E. Mga Kahinaan

Hindi malinaw ang gustong ipabatid ng may-Akda sa mga mambabasa sa layunin ng teksto.
Hindi gaanong malawak ang nagawang pagtalakay Sa tekstong pinamagatang Ngunit Wala
Akong Litrato Noong Nasa Kolehiyo Ako.

F. Mga Tayutay o Idyoma

G. Mga Pananalig o Teoryang Pampanitikan

EKSISTENSYALISMO

Binibigyan-diin ang bahagi ng akda na nagpapakita ng mga paniniwala, kilos at gawi ng tauhan
Ang tao ay may malayang pagpapasya para sa kaniyang sarili upang mapalutang ang pagiging
indibidwal nito at sa gayon ay hindi maikahon sa lipunan.

REALISMO

Ang katotohanan ang binibigyang-diin at may layuning ilahad ang tunay na buhay pinapaksa ang
kalagayan na nangyayari sa lipunan. Sinisiyasat niyo ANG mga Sistema at pwersang panlipunan
naglalayong ipakita ANG mga kanaganapang sumasalamin Sa Kung anong nangyari Kung paano
nahihirapan ANG mga mahihirap Sa pagkakataon Ng oportunidad na makakuha Ng litrato Sa
isang mahalagang pangyayari Sa kaninang Buhay.

HUMANISMO

Ang tao ang sentro ng daigdig.” Binibigyang-pansin ang kakayahan o katangian ng tao sa
maraming bagay
H. Bisang Pampanitikan

Sa paglabas ng antolohiyang ito, lumalantad na ang Kataga at nagpapakilala... upang


makahanay sa mga humaharap sa hamon ng panahon.

Bisang Pandamdamin

-tumutukoy ito sa naging epekto o pagbabagong naganap sa iyong damdamin matapos mabasa
ang akda.

-Sinasabing ang bisang ito ang siyang pinakamahalagang katangian ng isang akdang
pampanitikanm Ginigising ng isang akda ang damdamin ng mambabasa kung ang damdamin din
ng mga tauhan o ng may-akda ay malinaw na naipahahayag sa mga pandamdam, sa guniguni at
sa puso ng mambabasa.

Bisang Kaasalan

-tungkol naman ito sa pagbabago sa isang kaisipan dahilan sa natutunan sa mga pangyayaring
naganap sa binasa.

-Ang akda ay hindi lamang nilikha upang magbigay ng dunong sa mambabasa. Nilikha rin ito
upang magbigay-aral at humubog ng katauhan.

Bisang Pangkaisipan

-may kaugnayan naman ito sa pagkakaroon ng pagbabago sa iyong pananaw sa mga kaisipang
nakapaloob sa akda matapos itong mabasa.

-ito ang unang dapat taglayin ng isang akda. Katangian itong taglay na nagbubunsod sa
mambabasa na mag-isip upang yumaman at umunlad ang kanyang diwa o isipan.

I. Implikasyon

Ang sanaysay na ito ay nagsasalaysay sa katauhan ng isang babae, sa mgakaranasan at mga


pangyayari sa buhay, sa mga kultura at mga paniniwalangnakagawian at antas ng pamumuhay
ng mga Pilipino. Samakatuwid, nagbibigay ito ngmga alaala ng kasaysayan kung paano namuhay
ang mga Pilipino noon sa atinglipunan.

You might also like