You are on page 1of 18

1Aralin 4- Tunggalian

Isa sa mga mahalagang element ng anumang naratibo ang tunggalian. Ang tunggalian ay hango
sa sa salitang ‘tunggali’ na tumutukoy sa pagtatalo o hidwaan. Nangangahulugan din itong
dahilan o mga dahilang ibinibigay para sa o laban sa isang bagay (UP Diksyunaryong Filipino
2001)

Kahulugan ng tunggalian
Tinutukoy ng tunggalian sa katha ang labanan, salpukan at banggaan ng mga lakas ng mga tao o
kaya’y mga puwersa at kapangyarihan. Sa tunggalian nakabatay ang dramatikong aksyon ng
anumang naratibo. Dagdag pa, sumusulpot ang tunggalian dulot ng salpukan ng mga nais o
mithiin ng mga tauhan. Sang-ayon pa kay Ulf Wolf, “Conflict is a clash of wants’.
Tunggalian ang dahilan kung bakit umuusad, sumusulong o pumapaimbulog ang kuwento. Tila
ito hangin na nagpapaalagwa sa isang saranggola o tumutulong para makapaglayag ang isang
barko sa mga lupalop at mga bagong teritoryo.
Tunggalian ang nagsusulong sa banghay. Sabihin pa, walang banghay kung walang tunggalian.
Ito ang paniniwala ni Ayn Rand, isang kilalang nobelista at pilosopo, sa kanyang aklat na The
Art of Fiction: A Guide for Writers and Readers, na nagwikang, “since plot is essentially
conflict, you must look for a good conflict.” Dagdag pa niya, habang dumarami ang tunggalian at
pakikibaka sa loob ng kuwento, nagiging komplikado at masalimuot ang banghay. Kung walang
tunggalian, walang kuwento. Tunggalian ang susi para magkaroon ng kuwento ang isang
pangyayari. Tunggalian ang nagbibigay ng rubdob sa isang pangyayari na kilalanin bilang
dramatikong sitwasyon.
Kadalasan, malinaw na tinatalakay sa tunggalian ang pinag-ugatan ng tension tulad ng hindi
pagkakaunawaan sa maliit na bagay, pagiging gahaman sa pagkain, nagkainisan, nagpapatalasan
ng isip o kaya’y naghamunan ng kapangyarihan. May pagkakataon namang tahimik ang
tunggaliang ipinapakita. Sa sobrang tahimik o mapagtimpi, kailangang pakiramdaman ng
mambabasa ang binabasang katha para masalat ang tensyon o drama. Matatagpuan ang mga
tahimik na tunggalian sa mga modern o kasalukuyang kuwento. Sinasabi ng ilang mga kritiko,
lalo na ang aral sa Kanlurang estetika, na marka ng sopistikadong artistiko ang pagiging matimpi
sa tunggalian sa katha.

Ang paggawa ng eksena


Kailangang lumikha ng eksena ang isang kuwentista upang siya ay makapagsulat ng kuwento.
Ang mga ilang pangungusap, ilang talata, ilang pahinang paglalarawan ng lunan, panahon at
tauhan lamang nang walang eksena ay hindi maituturing na kuwento.
Kailangan ng eksena. Kailangan ng tunggalian para maging kuwento ang isang akda. Sa
katunayan, ang tunggalian ay katumbas ng pingkian- pagkikiskisan g dalawang bato hanggang
makalikha ng apoy. Kailangan ng tensyon at friction. Marapat alalahanin ang payo ni Ayn Rand
na “Plot conflict merely in a character’s mind or soul, while he sits at home. A plot conflict has
to be expressed in action.” Kailangan ng aksyon o kilos. Kailangang ipakita ng tauhan ang
nararamdaman at pinaniniwalaan batay sa kanyang ikinikilos at ikinakatwiran.
Payak naman ang pormula ng isang kuwento (Rene Villanueva): Mithiin-Balakid- Kapalaran.
Laging may mithiin o ambisyon ang isang pangunahing tauhan. Ngunit kailangan ng balakid o
hadlang.
Mga Bukal ng Tunggalian
Hindi lamang dinadampot ng kuwentista ang tunggalian kung saan-saan. Ang isang mahusay na
kuwentista at ay nararapat nak ilala ang realidad ng buhay at mulat sa kasalimuotan ng lipunan.
Kapag taglay ito ng isang manunulat,makakalikha siya ng mga makabuluhan at kapani-
paniwalang tunggalian. Tunay ngang karanasan ang humuhubog sa manunulat para makalikha ng
kuwentong may lalim at may laman.
Narito ang mga bukal o pinanggagalingan ng tunggalian:
Uri o klase. Tinutukoy nito ang pinagmulan at pinag-ugatan ng tauhan batay sa kanyang
kakayahang pangkabuhayan o pang-ekonomiya. Kasama sa usaping ito ang kapangyarihang
pinansyal ng pamilya ng tauhan. SA madaling sabi, usapin ito ng yaman o kawalang-yaman.
Maraming naratibo at mga kuwento na pumapaksa sa tunggalian ng mayaman at mahirap.
Kadalasang depeksyon sa mga mayaman ay matapobre, masungit, maarte at malupit. Samantala,
ang mga mahirap naman ay larawan ng kabutihang-asal tulad ng pagiging marangal sa trabaho at
may pagpapahalaga sa pamilya. Hindi ito totoo sa lahat ng pagkakataon. Ang ganitong
pormulasyon ay gasgas na at masasabing estereotipo.

Lahi. Tinutukoy nito ang bansa at lupalop na pinagmulan ng tauhan. Bukod sa pagiging usapin
ng kulay ng balat at katangiang pisikal, usapin din ito ng tradisyon at kultura ng bawat bansa o
kaya’y kontinente. Tunggalian ito ng mga tao na may iba’t ibang tradisyon at ibang hitsura.
Laganap ang tunggaliang ito sa mga kuwento at nobela ng mga Aprikanong ginawang alipin sa
Amerika at sa Europa. Mababakas din ito sa diskriminasyon ng daigdig laban sa mga Hudyyo,
lalo na sa mga akdang tinalakay ang ethnocide noong panahon ni Hitler sa Germany. Sa
panitikang Pilipino, mababakas ang tunggalian ng lahi sa mga komedya o moro-moro na
itinatampok ang labanan ng mga Muslim at mga Katoliko. Masisipat din ito sa sa klasikong
kuwentong ‘Impeng Negro’ ni Rogelio Sicat na pumapaksa sa batang may amang Apro-
Amerikano at lagging tinutukso ng kalaro at kapitbahay dahil sa kanyang kulay.

Etnisidad.Halos kawangis ito ng lahi, ang etnisidad ay sumasaklaw sa isang panlipunang grupo
na may pangkalahatang bansa at pangkalinangang tradisyon. Mas masaklaw ang sakop ng lahi
samantalang mas tiyak o espesipiko ang etnisidad. Sa lipunang Pilipino, masalimuot ang usapin
ng etnesidad. May itinuturing na tagaloob at tagalabas, tagabayan o tagabukid, taga sentro at
nasa gilid. Ito ang tunggalian ng mga tao batay sa kanilang tradisyon at kultura. Nagkakaroon ng
tunggalian ang iba-ibang pangkat ng tao dulot ng pagkakaiba ng tradisyon at paniniwala.

Sekswalidad at Kasarian. Tinutukoy ng sekswalidad ang pagsasabuhay ng pagnanasa at


pagkakagamit sa bayolohikal na kayarian ng isang nilalang. Maaaring magiging isang
heterosekswal, homosekswal, bisekswal o asekswal ang isang tao. Sa kabilang dako, ang
kasarian ng tao batay sa kanyang ari at sa kanyang hitsura, kilos at pananamit. Maaari siyang
maging babae o kaya’y lalaki. Tulad ng usapin ng lahi at etnisidad, hindi mapaghihiwalay ang
usapin ng sekswalidad sa kasarian. Ang mga usaping ito ay bukal ng samu’t saring tunggalian sa
mga kuwento at sa tunay na buhay. May diskrimiasyon sa mga homosekswal sa buong daigdig.
May opresyong nararanasan ang mga kababaihan. Sa ating lipunan, mas pinapaboran ang
lalaking heterosekswal kaysa lalaking homosekswal.
Edad. Sa mga kuwentong pangkabataan (young adult), masisipat ang tunggalian ng mga
matatanda sa kabataan. Tinatawag itong generation gap. Hindi maintindihan ng matatanda ang
bagong kulturag taglay ng kabataan. Hindi rin naman masakyan ng mga kabataan ang tinatawag
nilang makalumang pamumuhay at asal ng mga magulang nila.
Ideolohiya at Relihyon. Kalipunan ng ideya at mga pamamaraan g paniniwala ang ideolohiya at
relihyon. Nakabatay sa uring pinanggalingan ang ideolohiya, samantalang ang relihyon naman
ay nakabatay naman sa panginoon. Magkakaiba ang ideolohiya at relihiyon ng mga tao. Sa loob
di mismo ng isang relihyon o ideolohiya nagaganap ang hidwaan. Sa pagkakaibang ito, lumilitaw
ang isa sa mga bukal ng tunggalian. May hidwaan ang kristyano at Islam, kapitalista at
manggagawa, kanan at kaliwa.

Mga Uri ng Tunggalian


1. Pisikal- Pakikipagbuno ng tao sa kapwa niya tao. Maaari namang ang kalaban niya ay
isang mabangis na hayop o anumang puwersa ng kalikasan tulad ng lindol, baha, bagyo at
pagguho ng lupa.
2. Klasikal na tunggalina- Kadalasang kalaban ng tauhan o bayani ang kanyang kapalaran.
Palasak ito sa mga dulaan ng mga sinaunang Griyego. Halimbawa: Oedipus Rex ni
Sophocles
3. Sosyolohikal- ang pakikipaglaban ng tao sa lipunan, sa tradisyon, sa namamayaning
pulitika at ideya ng kanyang kinagisnang bayan.
4. Sikolohikal- pakikipaglaban ng tauhan sa kanyang sarili. Dito’y sinusukat ang kanyang
kagalingan at limitasyon. Kadalasang nangyayari sa isipan ng tauhan ang ganitong
tunggalian-pinapipili siya ng landas na tatahakin na isagawa ang mga pagdedesisyon
dahil may dalawa o higit pang dapat pagpilian na hindi niya batid kung ano ang maaaring
ibunga.
May isa pang paraan ng pag-uuri ng tunggalian:
1. Eksternal- nakikita ito. Lantad ito sa mga kilos, asal at pag-uugali ng mga tauhan sa akda.
Nagkakaroon ng tunggaliang pisikal ng tauhan laban sa mga panlabas na puwersa.
Napakasimple ng pagkakalikha ng ganitong uri ng tunggalian. Aalamin lamang ng
kuwentista ang nais, gusto o mithiin ng kanyang pangunahing tauhan. Pagkaraan, lilikha
siya ng mga hadlang para hindi agad makamit ng tauhan ang kanyang gusto.

a. Tao laban sa tao- tunggalian ito ng bida at kontrabida. Maaari rin namang mahirap na
pamilya laban sa mayamang pamilya, pulis laban sa criminal, babae laban sa lalaki.
Ito ang pinakakaraniwang tunggalian sa mga kuwento.
b. Tao laban sa kalikasan- ang mga halimbawa: pagbagsak ng asteroid, muling
pagdating ng Ice age, dulot ng global warming, pagsabog ng bulkan, malakas na
bagyo etc. Ang ganitong tunggalian ang susukat hindi lamang sa pisikal na kakayahan
ng tao kundi sa pagiging makatao ng isang nilalang. Maraming tauhan sa mga
kuwentong ito ang maituturing na bayani dahil sa pagliligtas ng kanilang kapwa at
mga mahal sa buhay.
c. Tao laban sa lipunan o komunidad- Ang mga tauhang nahaharap sa ganitong uri
ng tunggalian ay ang mga naisasantabi o ang itinuturing na kakaiba sa lipunan o sa
isang particular na grupo ng mga tao. Dahil kakaiba ang tauhan (maaaring sa kanyang
paniniwala, kilos at pananami, pulitika, relihiyon at hitsura) nakakastigo siya ng
karamihan. Pisikal ang pagsasantabi sa kanya na hahantong sa opresyon at
diskriminasyon. Ituturing ang tauhang kakaiba bilang kaaway ng bayan. Halimbawa
sa Noli me Tangere ni Jose Rizal, itinuring na kaaway ng kolonyal na lipunan at ng
mga institusyon tulad ng simbahan at pamahalaan si Ibarra Crisostomo. Mababkas din
ito sa dulang ‘Life of Galileo’ ni Bertolt Brecht na pumapaksa sa magkatunggaling
imbestigasyon o obserbasyon ng siyentipiko at paniniwala ng simbahang Katoliko sa
kung ano ang sentro ng uniberso- ang daigdig ba o ang araw (geocentrism laban sa
heliocentrism).
d. Tao laban sa mga Diyos- Palasak ang ganitong tunggalian sa mga sinaunang dula at
naratibo ng mga Griyego. Mababakas din ito sa mga mito at alamat ng kabihasnang
Asyano at ng bansa.
e. Tao laban sa supernatural- Mayaman ang Pilipinas sa mga kuwentong
nagtatampok ng ganitong tunggalian. Mababakas ito sa mga lumang alamat at
kuwentong kababalaghan ukol sa tiyanak, sirena, kapre, tikbalang, mambabarang at
aswang. Nasusumpungan din ito sa mga urban legend sa kasalukuyan na
pumapatungkol sa mga multo, white lady, pugot na ulo, etc.
f. Tao laban sa Teknolohiya at Makina- Dulot ng mabilisang pag-unlad, at ng labis
na industriyalisasyon at urbanisasyon ng paligid, lumitaw ang mga kuwentong
nagtatampok sa labanang tao sa modernong kasangkapan at maunlad na teknolohiya.
Pinapaksa ng mga kuwentong ito ang dehumanisasyon at alyenasyon ng mga tao
dulot sa pagbabago at pagiging alipin sa makina.
2. Internal na tunggalian- hindi ito nakikita o hindi ito lantarang ipinapakita. Hindi pisikal
ang kilos o galaw ng tauhang nahaharap sa hamon o nasa kumunoy ng mga suliranin. Sa
halip, nagdurusang paloob ang tauhan. Sa loob siya humihiyaw sa mga dinaranas sa
buhay. Nag-aalangan sa kanyang isipan ang mga bagay-bagay. Hindi ito agad makikita
lalompa’t mahirap basahin ang tunay na iniisip ng tao. Nahaharap ang tauhan sa
sitwasyong may dapat siyang piliin at panindigan. Sikolohikal at moral ang antas ng
problema ng tauhan- nagaganap ito sa isipan at ang resulta ay susuriin ng pamantayang
laganap sa mga institusyon (tulad ng simbahan, paaralan at pamilya) o sa lipunan. Payak
lamang ang pormulsyon ng internal na tunggalian. Malilikha ito sa pagtugon sa mga
sumusunod na tanong:
 Ano ang suliranin?
 Ano ang dalawa o higit pang pagpipilian?
 Ano ang magiging desisyon ng tauhan?
 Ano ang magiging result ng kanyang pasiya?
Gabay sa pagbabasa sa Elemento ng Tunggalian
1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
2. Aktibo o pasibo ba siya sa pagdedesisyon at paglutas ng kanyang mga problema?
3. Ano ang tunggaliang kanyang kinakaharap?
4. Ano ang mga hakbang niya para maisaayos ang tunggaliang iyon?
5. Ang hakbang ba na kanyang isinagawa ay lilikha ng bagong suliranin?
6. Ano ang mga pahiwatig sa susunod na hakbang isasagawa ng tauhan? Agad ba itong
matutukoy o o malihim ang pangunahing tauhan?
7. Pakiramdaman ba ang umuusad na galaw ng kuwento? Kapana-panabik ba o lubhang
napakabagal? Umiinit ba ang mga eksena habang binabasa ang kuwento?
8. Ilagay ang inyong sarili sa sitwasyon ng tauhan. Nakakasimpatya ka ba sa kanyang
kinalalagyan? Pareho ba kayo ng mga prinsipyo o sinusunod na kaugalian?
9. Gagawin mo rin ba ang ginagawa ng isang tiyak na tauhan?

SUYUAN SA TUBIGAN
Macario Pineda
After EDSA
Sumisilip pa lamang ang araw nang kami'y lumusong sa landas na patungo sa tubigan ni Ka
Teryo. Nakasabay namin sa Ka Teryo. Nakasabay namin sa Ka Albina, na kasama ang dalaga
niyang si Nati at ang kanyang pamangking si Pilang. Ang tatlo'y may sunong na mga matong nag
kasangkapan at pagkain.
"Ang Ka Teryo mo'y hindi makalulusong. Masihi na naman ang kanyang rayum," wika ni Ka
Albina sa akin. "Kung di nga lamang lubugin ang tubigan naming yaon ay naurong sana ang
pasuyo namin ngayon. Mahirap ang wala roon ang Ka Teryo mo."
"Maano naman ho iyon," tugon ko. "Nariyan naman si Ka Ipyong at si Fermin."
"Ilan ang natawag ninyo, Ka Albina?" tanong ni Ore.
" Aanim pa kaming nagkakasabay-sabayngayon."
"Wika ni Ipyong ay baka raw umabot sa dalawampu kayong lahat." Nilingon ni Pakito ang
dalawang dalaga. "Kaya pala mukhang mabigat ang mga matong na iyan.kayraming pagkain
marahil," wika niya.
Nagtawa si Nati. Tila nga naman nagpapahiwatig ng malaking gutom ang panannalita ni
Pakito.S i P i l a n g a y w a l a n g i m i k a t t i l a m a t a m a n g p i n a g m a m a s d a n a n g l a n d a s
n a t i n a l u n t o n . Magaganda ang mga paa ni Pilang. Ilang sandaling pinagmasdan ko ang
kanyang banayad na paghakbang.

Sinutsutan ni Pastor ang kanyang pinauunang kalakian hanggang maagapay siya kay Nati,
"AlingNati," wika niyang nakatawa, "ako na ho sana ang pasunungin ninyo ng matong na
iyan."nagtawanan kami. Sinulyapan ni Nati si Pastor. "Salamat ho," tugon niya. "Diyan ho
lamang sa araro at kalabaw ninyo ay napuputot na kayo, magsusunong pa kayo ng
matong. Nais ba ninyong matambak?"

"Bakit hindi mo aluking sunungin ang matong ni Pilang?" wika ni Pakito. "Si Nati ba
lamang ang pinahahalagahan n'yo?"

Lalo kaming nagkatawanan. Si Pastor ay halos pagulantang na tumawa kay Pakito. At


lumingon si Ka Albina sa amin alangang matawa, alangang magalit ang anyo ng kanyang mukha.

Pinamulahan ng mukha si Pilang ngunit kahit isang ngiti ay wala siyang isinalo sa aming
katuwaan. Patuloy ang banayad niyang paghakbang. At tila lalong mapuputi ang kanyang binti
sa ibabaw ng putikang landas. Si Ore ay napansin kong dahan-dahang nagpatihuli. Nang lingunin
ko siya ay napansin kong tila may malalim na iniisip ang binata ni Ka Inso.
Nang Kami'y dumating sa tubigang aararuhin ay malapit nang makatapos ng pagtitilad si
KaIpyong at si Fermin. Sa hindi kalayuan ay natanaw naming dumating sina Ka Punso, Ka
Imong,Toning , Ilo, at Asyong. Sa malayo ay may ilan nang dumarating na hindi namin
mapagpasiya.
Tinitigan ni Filo ang kalabaw ni Fermin. "Tila pusang nanunubok kung humila ang kalabaw ni
Fermin," wika niya sa amin.
"Mangyari'y isang buong tag-araw na hindi nilubayan iyan sa kariton,” wika ni Pastor. “Kung sa
hininga ko’y hindi ko…
Mangyari’y nagpapagawa naman ng bahay si Fermin," pagtatangol ni Pakito. "Hayan nga
naman, mayroon na silang bahay."
"Parang bakal naman ang kalabaw na iyan," wika ni Ore, "At saka matakaw pa. Kupi kasi
angsungay kaya matigas."
"Siyanga," ayon ni Yoyong. "Talaga namang ibang-iba ang mga hita ng kalabaw na
iyan."Pinagmasdan ko si Bonita ko. "Paano kaya ang matsora ko? Huwag di mahirapan ay ayaw
nang kumain. Ayaw magtakaw.'
“Bayaan mon a,” wika ni Filo, “matakaw rin lamang ng darak.”
Nalingunan ko si Pastor na nakaupo sa tabi ni Pilang at tumutulong sa dalaga sa pag-ayos ng
mga kasangkapang gagamitin. "Huwag na, Pastor," wika ng dalaga. "Piniritong kamote at kape
Lang naman ang ihahain. Kaya na naming ni Nati iyan.”
“Bakit mo naman tinatanggihan ang aking pagtulong?” tanong ni Pastor. Nang yumuko si Pilang
upang hanguin ang iba pang mga kasangkapan ay Nakita kong sumulyap ang binate sa dibdib ng
dalaga.
Nilingon ko si Ore. Ang binate ay nakaupo at tila ang kanyang guyurang pinagdurugtong lamang
ang kanyang nakikita. Mapula-pula ang mukha ni Ore.
Nang dumating sina Ka Punso ay ang kalabaw ni Asyong na bagong bili ang aming
pinagkulumutan.
Walang malamang tugunin si Asyong sa aming mga pagtatanong. “Dalawa’t kalahati ng aba
iyan, Asyong?” “Mabuti bas a ubigan?” “Tila maliksi! Maiinam ang mga baraso.” “Tuyung-tuyo
ang mukha.” “May ilalabas ang kalabaw na iyan.” “Hindi naman lubhang Malaki, ano?” “Ano
kaya, maiharap kaya natin iyan sa kalakian ni Ka Pedro?” “Saan mo nabili, Asyong?” “Sino ang
kasama mong pumili?”
“Si Punso ata ang kasama niya,” wika ni Imong.
Nilingon naming si Ka Punso na hindi nakikisalamuha sa aming pagkakagulo sa kalabaw ni
Asyong. “Hoy, tsip,” wika naming, “kaya ka pala nagmamadali ay ikaw ang may tuklas nito,
ah.”
Nagtawa si Ka Punso. “paano pa. Sa lagay ba’y asin ko na’y lako ko pa?” At nagtawanan
kaming lahat.
“halina kayo,” tawag ni Ka Albina sa amin. Nakahanda na ang kape at mga pinggan ng
piniritong kamote. “Magpainit muna tayo ng tiyan.”
Gumawi ako sa dalawang dalagang nag-aabot ng mga tasa ng kape at mga pinggan ng piniritong
kamote. “Maari na ba akong maging serbidor diyan? Wika ko kay Nati.
Bigla akong inabutan ni Nati ng isang tasang kape. “Kumain ka na lamang, lalaki ka. Tinawag ka
rito upang mag-araro, hindi upang magserbidor.”
Lumapit si Pastor kay Pilang. Kitang-kita ko nang abutin niya ang tasa ng kape ay kusa niyang
sinapupo ang mapuputing daliri ng dalaga. Kaunti nang maligwak ang kapeng mainit. “Salamat,”
wika pa ng saragateng si Pastor. Kumislap ang mga mat ani Pilang ngunit hindi siya nagsalita
gaputok man.
Lumapit si Ore sa aking kinatitingkayaran. Mayroon pang isang tasang kape na tinitimplahan ni
Pilang ng asukal. Akala ko’y kay Ore ibibigay yaon. Ngunit kay Ore lumapit. Si Nati ang
nagbigay ng kape at kamote kay Ore.
Habang nagkakainan kami ay pasulyap-sulyap ako kina Nati, Pilang, Ore at Pastor. Makailang
nagpalitan ng mga makahulugang titig sina Nati at Ore. Si Pastor ay lagging kay Pilang
nakasulyap. Ang dalaga naman ni Ka Ato ay lagging nakatungo sa kanyang ginagawa. Ngunit
nang minsang nahuli niyang sa kanya nakatitig si Pastor ay pinamulahan siyang gayon na lamang
ng mga pisngi at dagli niyang inayos ang kanyang saya upang matakpang Mabuti ang kanyang
binti.
Pagkatapos ng kainan ay nagsipagsingkaw na kami. At siyang pagdating ni Pekto. Nagpapatakbo
ng kalabaw na nakasingkaw na sa araro ang binata ni Ka Gabino. At humihiyaw. “Kaunti na
akong mahili sa pista… kaunti na akong mahuli…” Kaysaya ni Pekto at kayliksi niya sa pag-
aangat ng kanyang arao kung nilalampasan niya ang mga pilapil. Si Pekto ang may sabi sa akin
na kung mayroon daw suyuan sa tubigan ay tila may pista ang mga magsasaka. Makisig dangan
kasi ang kalakian ni Pekto.
Naunang nagpalakad si Ka Punso.At kami’y nagsunud-sunod. Ikalabinlima ako sa hanay. Ang
sinusundan ko ay si Ka Imong. “Huwag muna kayong bubugaw. Bayaan muna nating mag-init-
init ang ating mga kalabaw, “ wika ni Ka Imong.
Nilingon ko sina Ore at Pastor. Nahuhuli sila ng isang unat-suga sa amin. Ang dalawa’y tila
nagkakahiyaang hindi ko mawari.
Nang tanawin ko ang dalawang dalaga ay Nakita kong nanonood sila ng tila paradang ayos ng
aming mga kalabaw.
Nakalimang likaw muna kami bago bumugaw si Ka Toning. Nang matilamsikan ng putik si Filo
ay bumugaw na rin ito. At nang maramdaman ni Asyong at ni Ka Punso ang kilusan sa kanilang
likuran lumingon ang dalawa. Nakatawa si Ka Punso. Ang kanyang kalabaw ay tila
nakikimatyag. Sanay na sanay sa mga katuwaan ng suyuan ang kalabaw na iyon.
Si Uwing na pagdating ay nagtilad na sa ikatlong pitak, ay humiyaw sa amin. “Arya na kayo …
arya na…”hiyaw niya. Tila ko nakikita kahit mula sa malayo ang dalawang ngiping yaon ay
tatawing-tawing sa kanyang pagsasalita. Nagunita ko tuloy ang mga ngipin ni Pilang- pantay-
pantay, mapuputi at nagkikislapan.Nilingon ko sina Ore at Pastor. Tila nagkakahityaan pa rin ang
dalawa.
Binanat ni Ka Punso ang kanyang pamitik. Umigpaw ang kanyang Kalakian. Sinutsutan ni
Asyong ang kanyang bagong bili. Nagpitikan kami ng aming mga kalabaw. Nagbugawan kami.
Nag-umalon ang mga kalamnan ng mga hita ng aming mga katuong. Sumasagitsit ang sudsod
kung bungkalin ang malagkit na putik. Halos kumalabog ang lupa kung ibaligtad ng lipya. At
nagtayo ang mga ulo ng aming mga kalabaw. Tila nahahalata ng aming mga katulong na hindi
nila dapat isubo sa kahihiyan ang kanilang mga panginoon.
At sa gayon ay madaing natapos ang malaking pitak na nilusungan naming. Gayunman ay
mataas-taas na rin ang araw nang kami’y lumipat sa pitak na tinilad ni Uwing.
“Halina muna kayo,” hiyaw ni Ka Albina. “Mamininda muna kayo bago simulant iyan.”
“Nariyan na kami,” hiyaw ni Ka Punso,sabay pitik sa kanyang kalakian. Sunud-sunod kaming
pumitik, nagbugawan kami, naghiyawan kami. Nagpanukbuhan ang mga kalabaw. Sumagitsit
ang tubig, tumilapon ang putik, kumikislap ang mga sudsod at lipya sa liwanag ng araw.
Kaysaya ng aming hiyawan at tawanan. At namamaibabaw ang tinig ni Pekto. “Pista… pista ng
magsasaka”
Kaning mainit, bukayong niyog, at adobong manok ang aming minindal. Nagmamadali tuloy ako
ng paglalatag kay Bonita. Ngunit nang nagkakainan na kami ay saka lamang naming napansing
sina Pator, Ore at Tinong pala ay kasalukuyang nagsusubukan sa takaran sa ikatlong pir\tak.
Nauuna si Pastor, sumusunod si Ore, nasa hulihan si Tinong.
Salbahe talaga iyang si Tinong,” wika ni Ka Punso. “Tiyak na siya ang nagbuyo sa dalawa.
Nakakainisan ba ang dalawang iyan?”
Lumingon si Asyong. “Hindi naman yata. Wala akong napapansin.”
Malimit ang hiyaw ni Tinong sa kanyang kalabaw ngunit sina Pastor at Ore ay walang imikan.
Banat na banat ang kanilang mga pamitik, [igil na pigil ang mga ugit ng kanilang mga arao, nag-
uumalon ang mga kalamnan sa mga hita ng kanilang mga kalabaw. At sumusubo lamang kami
ng pagkain ay nasa malayo ang aming isip at mga maata. Sinulyapan ko ang dalawang dalaga.
Nakatawang nanonood si Nati. Si Pilang ay nakatungong may kung anong inaayos. Bahagya na
siyang mapasulyap sa tatlong nagtatakaran.
“Noong araw na si Juana ay aking nililigawan ay nagkatagpo kami niyong taga-Dalig sa pasuyo
ni Tandang Lucio sa Nabao,” wika ni ka punso. “Alam kong nais niyang gumiri kay Juana.
Maganda ang kalabaw ng taga-Dalig na yaon. Ang gilas ng tindig-kung masisindakin ka’y
sasabihin mong mahirap girian nang gayun-gayon lamang.” Kumislap ang mga mat ani Ka
Punso.
Mangyari pang di si Pekto ang hahabol sa pangyayari. “Ano ang nangyari, Ka Punso,” tanong ng
binate ni Ka Gabino, “nagkahiritan ba kayong mabuti?”
“Nahuhuli ako. At sampung likaw na yata ay hindi ko pa maalataan ang kalabaw niya. Ang
kalabaw ko naman ay napapansin kong ibig nang tumigil. Bumubula na ang bunganga. Palagay
ko’y abot na ang hingal.”
Nilingon ko ang tatlong nagsusubukan. Naiiwan na si Tinong, Nagkakabuntutan pa rin ang mga
kalabaw nina Ore at Pastor.
“Noong nagdadalawampung likaw a=na kami marahil ay pinilantik ng taga-Dalig ang kanyang
kalabaw. Akala niya marahil ay maiiwan na ako. Sa pilantik niyang iyon ay akalain ninyong
biglang mahiga ang kanyang kalabaw? Kaylalim ng labak na ginawa.’ Kaylakas ng halakhak ni
Pekto.
“At ang kalabaw mo, Ka Punso,” tanong ko, “hindi ba nahirapan?”
Nagtawa nang malakas si Ka Punso. “Anong hindi nahirapan? Ang sabihin mo’y ayaw man
lamang tumayo, kinabukasang ipagsuyod ni Ama. Kaunti na akong hambalusin ng urang ni
Ama.” Lalong napalakas ang tawanan. Tinamaan tuloy ako sa ilong ng isang butyl na kanilang
nanggaling sa bibig ni Ka Punso.
Patuluyan nang tumigil si Tinong. Pinapanood na lamang niya ang nagtatarakan. May
labinlimang likaw na ang kanilang nadaraanan ay hindi pa nagkakahiwalay ang dalawa.
Napabuntung-hininga ako nang pilantikin ni Ore ang kanyang kalabaw. Mula sa kinauupuan
namin tila ko nakikita ang mukha ni Ore- kunot ang noo, tiim ang mga ngipin, tikom ang mga
labi, pigil na pigil ang ugit ng araro, at halos magsugat ang kaliwang palad sa pagbanat sa
pamitik. Napapaangat ako sa bawat hakbang ng kalabaw ni Ore. Batid kong ang buong lakas ng
kaisipan ni Ore ay nakatuon sa likuran ng kanyang kalabaw.
At sa wari’y isang malikmatang gumuhit sa balintataw ng aking mga mata ang mga lihim na
dulang nangyari na sa paligid-ligid ng mga tubigang yaon: si Ka Punso’t si Ka Juana, si Ka
Imong at si Ka Marta, si Fermin at si Gundang, si Asyong at si Auring, si… mga pasalising
tagpo sa malaki’t lalong makabuluhang dula ng buhay.
Muling pumilantik si Ore. Umigpaw ang kanyang kalabaw. Nakatawang lumingon si Pastor.
Hindi pa siya pumipilantik ay nakadadalawa na si Ore.
Nilingon ko si Nati. Ang dalaga I Ka Albina ay napapatunganga sa panonood ng pagsusubukan.
Si Pilang ay nakatungong naglilinis ng mga pinggan. Mapulang mapula ang mga pisngi ng
dalaga. Pumilantik si Pastor. Umigpaw ang kanyang kalabaw. Unti-unting naiiwan si Ore.
Ngunit ang kalabaw nito ay lalong nag-uumunat. Tila may isip ang kalabaw ni Ore sa pagsunud
sa kalabaw ni Pastor, isang pamitik na ang agwat ni Pastor kay Ore. At dama-damak na palayo
nang palayo si Pastor. Naghihiyawan kami.
Pumilantik si Ore at sinabayan ng isang sutsot. Lalong nag-umalon ang mga kalamnan sa mga
hita ng kanyang kalabaw. Umigpaw ang kalakian. Muling pumilantik si Ore. Lalong bumilis ang
hakbang ng kanyang kalabaw. At sa layo nang dalawang unat-suga ay unti-unting umaabot si
Ore kay Pastor. Isa pang pilantik. Nag-umunat ang kalabaw ni Ore. Bumubula ang bunganga ng
kalakian. Yuko ang ulo at ang lahat ng lakas ay ibinibigay na. Lalo kaming naghiyawan.
Lumingon si Pastor. Nakita niyang umaabot na sa kanya si Ore. Itinaas ni Pastor ang kanyang
pamitik. Sinutsutan niya ang kanyang kalakian. At saka sinabayan ng isang makalatay na
pilantik. Umigpaw ang kalabaw. Lalo namang nag-umunat ang kalakian ni Ore. Mayroon pa
kayang ilalabas na lakas ang bumubuntot na kalabaw?
At naghiyawan kami nang malakas nang aming makitang pagkatapos ng ilang makalagot-litid na
pagpupumilit ay biglang tumigil ang kalabaw ni Ore. Talagang makisig ang kalabaw ni Pastor.
“Magkalag muna kayo,” hiyaw ni Ka Punso. “Naghihintay ang pagkain. Pastor, agkalag muna
kayo.”
Tumigil si Pastor. Kinalagan ang kanyang kalabaw. Pagkatapos masabuyan ng tubig ay
nakatawang lumapit sa amin. Nilalamas pa ni ore ang batok ng kanyang kalabaw na abut-abot
ang hingal.
Inabutan ni Pilang ng pinggan ng pagkain si Pastor. Namumula ang mga pisngi ng dalaga.
“Ore, “hiyaw ko, “halika na. Kumain ka na at ako na ang magsasaboy ng tubig sa kalabaw mo.”
Dahan-dahang lumapit sa amin si Ore. Mapulang mapula ang kanyang mukha. At paulit-ulit
niyang ikinukuskus ang kanyang palad sa kanyang pantalong maong. Malinis na malinis na ang
kanyang mga palad na siya lamang ang nakakakita?
“Talagang matigas ang kalakian ni Pastor,” wika niya.
Naupo si Ore, ilang hakbang ang layo kina Nati at Pilang. Tinanaw ko si Pastor-kumakain na
siya sa tabi ng dalawang dalaga.
Nang ako ay tumayo upang tunguhin ang kalabaw ni Ore. Nakita kong palapit si Pilang sa binate.
At doon sa kinauupuan ng binate-ilang hakbang ang layo sa karamihan-doon siya dinulutan ni
Pilang. Nakita kong kumislap ang mga ngipin ni Pilang. Ano kaya ang kanyang sinasabi kay
Ore?
Nang ako’y muling tumanaw mula sa aking pagsasaboy ng tubig sa humihingal na kalabaw ay
Nakita kong tila naibsan na ng hirap si Ore. At mula sa kinatatayuan ko, ang mga binti ni Pilang
ay tila lalong pumuputi.

Mga gabay na tanong


1. Ano-ano ang mga internal na tunggalian ng mga lalaking tauhan sa kuwento?
2. Ano-ano naman ang mga internal na tunggalian ng dalawang dalaga sa kuwento?
3. Ano ang ugat ng tunggalian sa kuwentong ito?
4. Tukuyin ang lantad at pangunahing eksternal na tunggalian sa kuwento. Sa palagay mo,
ano ang sinisimbolo nito?
5. Mapagtimpi ba ang istilo ni Macario Pineda kaugnay sa mga tunggalian sa mga tauhan?
Ano ang bukal ng tunggalian ng kuwento?
6. Kung nakalunan sa kasalukuyang panahon ang kuwento, paano kaya itatanghal at
isasabuhay ang tagisan ng pagkalalaki?
7. Paano naman sinusukat ang pagkalalaki sa kuwento?
8. Ano-ano ang mga katangian ng babae na inilarawan sa kuwento? Ito kaya ang
pinagmulan ng tunggalian ng kalalakihan sa akda?

XIV
Sinabi ng dalaga : hindi ngayon tayo maaaring magkita. Sinabi ng binata: magkikita tayo,
magtatago
tayo…ililihim natin sa kanila ang lahat.
At sila nga ay nagkita, sa mga pook na hindi sana nila dapat pagkitaan , ngnit doon sila itinaboy
ng
kanilang paghihimagsik, ng takot na matupto[ at ng pangangailangan.
Sa mga pook na iyon pinilit nilang iginupo ang dingding na ipinagitan sa kanila. At sa palagay
nila, sila ay
nagtatagumpay. Naaalis ang hadlang. Ngunit sa kanilang utak, nagsusumiksik at nanunumbat
ang
alingawngaw ng pagbabawal, lumalarawan ang mga nananalim na tingin masama…tukso.
XV
At ngayon ang kanilang paraiso ay hindi na malawak na looban.o kaya ang dalampasigang
malamig kung
ang dapithapon ang silahis ng araw ay mapulang parang dugo. Ang daigdig nila ngayon ay
makitid, suluk-
sulok, malamig din, ngunit lagging hinahamig ng init ng kanilang lumayang katawan.
XIV
Maligaya sila sa kanilang daigdig. Maligaya sila sa kanilang bagong paraiso. Hanggang isang
araw ay
kumulog, dumagundong ang kalawakan at nangagulat ang mga tao sa lansangan; pamayamaya,
pumatak ang ulan, na ang pasimulang madalang ay naging masinsin.
Ang dalaga ay dumungaw sa bintana- masama ang kanyang pakiramdam. May kung anong
nakakatakot
na bagay sa kanyang katawan na ibig niyang ilabas at itapon. At iyon ay waring umaakyat sa
kanyang
lalamunan.
Humawak siya sa palalabahan ng bintana. Tumingala siya upang pawiin ang pagsama ng
kanyang
pakiramdam. Natanaw niyng maitim ang langit at naisip niyang magtatagal ang ulan. Tumungo
siya at
nakiya niyangnililinis ng tubig ang bangketa. At kasabay ng kanyang pagtungo,parang may
isinakad na
pataas sa lalamunan ang kanyang bituka at siya’y napanganga at siya’y napapikit at siya’y
napaluha at
paghigpit ng kanyang paghawak sa palababahanng bintana ay naduwal siya…at ang lumabas
pagkaraa’y
nilinis ng patak ng ulan, inianod ng nalikhang mumunting agos sa gilid ng daan
Basahin ang kuwentong Sa Bagong Paraiso ni Efren Abueg. Tukuyin ang bukal at uri ng
tunggalian sa kuwento.
Sa Bagong Paraiso
Ni Efren R. Abueg

I Sa simula’y mga bata silang walong taong gulang – isang lalaki at isang babae. At ang kanilang
daigdig ay isang malawak na loobang kinatitirikan ng dalawang tabla’t yerong bahay, na ang
isa’y nasa Silangan at isa’y nasa Kanluran; at sa pagitan niyon ay walang bakod na nakapagitan.
Ang malawak na looban ay mapuno at mahalaman, maibon at makulisap at ang kanilang mga
magulang ay walang sigalutan- ang mga ito’y makaDiyos at walang araw ng Linggo o araw ng
pangolin na hindi makikita ang mga ito sa kanilang bisita sa dakong hilaga ng nayon. Ang mga
ito’y may rosaryo sa kanilang mga palad at may usal ng dalangin sa mga labi. At silang dalawa-
ang batang lalaki at batang babae ay nagsisipag-aral kasama ng ibang bata sa maliit na gusaling
may tatlong silid, sa gusaling nasa dakong timog ng nayon. Sila’y may mga pangarap, na ang
sakop ay lumalakdaw sa hangganan ng nayong iyon, ng baying iyon at ng lalawigang
kinaroroonan niyon.
II. Wala silang pasok kung araw ng Sabado at Linggo o mga araw na pista opisyal. Silang
dalawa’y naglalaro sa loob ng bakurang iyon, mula sa umaga hanggang sa hapon. Umaakyat sila
sa mga punong santol, sa punong bayabas, marurupok na sanga ng sinigwelas, sa maligasgas at
malulutong na sanga ng punong mangga. Nagagasgas ang kanilang mga tuhod, nababakbak ang
kanilang mga siko, nagagalusan ang kanilang mga mukha at kung minsan ay nalilinsaran sila ng
buto kung nahuhulog-ngunit ang lahat ng iyon ay hindi nila iniinda; patuloy sila sa paglalaro.
Malamig sa ilalim ng punong mangga. Makapal ang damo sa sakop ng lilim niyon kung umaga
at doon silang dalawa naghahabulan, nagsisirko, nagpapatiran at kung sila’y hinihingal na’y
hihiga sila sa damuhang iyon, titingalain nila ang malalabay na sanga ng puno, sisilip sa langit
ang kanilang mukha. ‘Loko mo…makikita mo ba ang mukha mo sa langit?’ minsan ay sabi ng
babae sa lalaki. ‘Bakit hindi? Ang langit ay isang malaking salamin…ang sabi ng tatay ko,’ sagot
naman ng batang lalaki. Ang batang babae ay makikisilip din sa pagitan ng masinsing mga
dahon, na waring ibig patunayan ng sariling paningin ang sabi ng kalaro. At pagkaraang
tumingin sa langit nang matagal-sila’y lalagumin ng katahimikan-ang kanilang katawan ay
nakalatag na parang kumot, hanggang sa sila’y makatulog at gisingin sila ng tawag mula sa
kanilang bahay. Kung minsan, ang batang lalaki ang unang magigising: kung minsan naman ang
batang babae. Ngunit sinuman sa kanila ang unang magising, kukuha ito ng kaputol na damo at
kikilitiin sa tainga ang natutulog. At ang natutulog ay mapupukaw, mababalikwas at pagkarining
sa siya’y pinagtatawanan ay magtitindig at ang nangingiliti ay mapapaurong naman at anyong
tatakbo at sila’y maghahabulan sa damuhang iyon, magpapaikot-ikot hanggang ang isa’y mahapo
at sila’y muling bumagsak sa kalamigan ng damuhan, magkatabi at hindi nila pinapansin ang
pagkakadantay ng kanilang mga binti o ang pagkakatabi ng nag-iinit nilang katawan.
Kung sila’y nagsasawa na sa loobang iyon, sila’y magtutungo sa dalampasigan kung malamig na
ang araw sa hapon. Namumulot sila ng kabibe. Nilalagay ng batang lalaki sa bulsa ng kanyang
putot na pantaloon at ang napupulot niyang kabibe at ang nadarampot naman ng batang babae ay
inilalagay nito sa sinupot na laylayan ng suot nitong damit. Kung hindi naman kabibe ang
pinagkakaabalahan nila sa dalampasigan, naghuhukay sila ng halamis sa talpukan, o kaya’y
gumagawa ng kastilyong buhangin o kaya nanunugis ng mga kulukoy na kung hindi
makapangubli sa malalim na lungga ay lumulusong sa talpukan at bumabaon sa masigay na
buhangin. Ngunit hindi lamang iyon ang kanilang ginagawa: nagtutudyuan din sila,
naghahabulan at kapag nahahapo na, mahihiga rin sila sa buhanginan tulad ng ginagawa nila sa
damuhan sa looban, at sa kanilang pagkakatabi nagkakatinginan sila. Minsan ay itinanong ng
batang lalaki sa batang babae: ‘Naririning mo ba…..may tumutunog sa aking dibdib?’ Ang
batang babae ay nagtakaa. Bumangon ito ay tumingin sa nakatihayang kalaro. ‘Pakinggan ko
nga,’ anang batang babae. Inilapit ng batang babae ang kaniyang tainga sa dibdib ng batang
lalaki, dumadaigdig ang katawan niya sa katawan ng kalaro at nalalanghap naman ang nakahiga
ang halimuyak ng kanyang buhok. ‘Ang bango mo pala!’ Ang batang lalaki ay nakangiti. ‘Aba…
hindi naman ako nagpapabango,’ anang batang babae na lumupasay sa tabi ng nakahigang
kalaro. ‘Paglaki ko raw ay saka na ako magpapabango, sabi ng nanay ko.’ ‘Teka nga pala,
narinig mo ba ang tunog sa dibdib ko?’ usisa ng batang lalaki. ’Oo...ano kaya ang ibig sabihin
niyon?’ Nagkatinginan ang dalawa at ang lalaki ang unang nagbawi ng tingin. ’Malay ko...tena
na nga.’ Bumangon ang batang lalaki, pinagpag ang buhanging dumikit sa kanyang bisig at sa
kanyang pantalon at nagsimula nang lumakad. Sinabayan siya ng batang babae at habang
isinasalisod nila ang kanilang mga paa sa buhanginan habang lumalakad, nakatanaw sila sa
papalubog na araw. ’Ang ganda, ano? Bakit kaya kulay-dugo ang araw kapag palubog na?’ sagot
naman ng batang babae. Hindi sumagot ang batang lalaki. Nakatanaw ito sa mapulang latay ng
liwanag ng araw sa kanluran. III Puring-puri ang dalawang bata ng kanilang mga magulang, ng
kanilang mga kanayon. At kinaiingitan naman sila ng ibang batang hindi nagkaroon ng
pagkakataong makihalubilo sa kanila. ’Siguro, paglaki ng mga batang ’yan...silang dalawa ang
magkakapangasawaan.’ Maririnig ng dalawang bata ang salitang iyon at sila’y nagtataka. Hindi
nila madalumat ang kaugnayan ng kanilang pagiging magkalaro sa isang hula sa hinaharap. Higit
pang nakaabala sa kanilang isip ang sinasabi ng kanilang mga kaklase sa silang dalawa’y parang
tuko – magkakapit.
At minsan nga ay napalaban ng suntukan ang batang lalaki. Isang batang lalaking malaki sa
kanya ang isang araw na pauwi na sila ay humarang sa kanilang dinaraanan at sila’y tinudyo ng
tinudyo. ’Kapit-Tuko!’ Umiyak ang batang babae. Napoot ang batang lalaki. Ibinalibag nito sa
paanan na nanunudyong batang lalaki ang bitbit na mga aklat. Sinugod nito ang mga kalaban.
Nagpagulong-gulong sila sa matigas na lupa, nagkadugu-dugo ang kanilang ilong, nagkalapak-
lapak ang kanilang damit, hanggang sa dumating ang guro at sila’y inawat at sila’y pinabalik sa
silid-aralan at pinadapa sa magkatabing desk at tumanggap ng tatlong matinding palo sa puwit.
Pagkaraan ng pangyayaring iyon, napag-usapan ng dalawang bata ang bansag sa kanila. At sila’y
nag-isip, na lalo lamang nilang ikinalunod sa kanilang kawalang-malay.
IV. Namumulaklak ang mga mangga, namunga, nalaglag ang mga bugnoy, dumating ang
namamakyaw at sa loob ng ilang araw lamang nagsanib ang bunga ng mga sanga nila sa
damuhan at sila ang unang sumungkit sa mga unang hinog. Nangalaglag ang mga dahon ng
sinigwelas, namulaklak iyon at dumaan ang mahabang tag-araw, at ang damuhan ay natuyo at
kanilang naging tagpuan ay ang dalampasigan at madalas man sila roon ay hindi nila masagut-
sagot ang bugtong kung bakit kulay dugo ang silahis ng araw kung dapithapon. At sa wakas ay
namunga ang sinigwelas, mga luntiang bubot na pinitas nila ang ilan at pagkaraang isawsaw sa
asin ay kanilang tinikman at sila’y naasiman at idinalangin nila ang maagang pag-ulan-sapagkat
sabi ng kanilang lola’y madaling bibintog at mahihinog ang bunga ng sinigwelas kapag
naulanan. Sila’y naniniwala at hinintay nila ang ulan, at nang pumatak iyon sa kalagitnaan ng
nayon, silang dalawa’y nagpugay, naligo sa ulan, naghabulan sa looban at nayapakan nila ang
tuyong damo, na waring bankay ng siang panahong hinahalinhinan ngayon. Pagkaraan pa ng
ilang araw, nadungawan nilang hinog na nga ang sinigwelas. Nagmamadali silang nanaog at ang
batang lalaki’y umakyat sa puno at ang batang babae naman ay naghanap ng sungkit. At ang
pamumulaklak, pamumunga at pamumulaklak at pamumunga ng mangga, santol at sinigwelas at
ng iba pang punungkahoy, halaman sa bagong supling; ang araw ay lumubog at sumikat at hindi
pa rin nagbabago ang kulay ng silahis niyong kung dapithapon. Ang paaralan sa nayon ay
malapit nang magpinid; ang guro ay naghanda na ng isang palatuntunan’ ang mga magulang ay
walang pinaguusapan kundi ang katalinuhan ng kanilang mga anak.
V. Nang dumating ang pasukan, ang batang lalaki at ang batang babae ay sakay ng kalesa
patungo sa bayan. Doon sila mag-aaral ng haiskul. Ngunit iba na ang kanilang ayos. Ang batang
lalaki ay hindi na nakapantalong maikli-putot; siya’y nakalargo na at pantay na ang hati ng
buhok na nangingintab sa pahid ng pomada. Samantala, ang batang babae ay may laso sa buhok
na nakatirintas at ang kanyang suot na damit ay lampas tuhod at hindi makikita ng batang lalaki
ang alak-alakan nito. Dito dumaan sa kanilang buhay ang isang pagbabago, na hindi nila mapigil
at siyang nagbukas sa kanila upang masaklaw ng tingin ang paraisong kanilang kinaroroonan. Sa
paghawak na kanilang daigdig, ang batang lalaki’y hindi na sa batang babae lamang
nakikipaglaro-siya’y kahalubilo na rin ng maraming batang lalaking pumapasok sa magagapok
na gusaling iyon ng paaralan. Nakikipagharutan siya sa mga ito, nakikipagbuno,
nakikipagsuntukan-at higit sa laht nakikituklas ng lihim ng isa’t isa. Isang araw, sa likod ng
paaralan, isang pangkat ng batang lalaki ang nakapabilog at isang batang lalaki ang nasa loob
niyon at may pinakikita sa kasamahan. Nakisiksik din siya sa mga batang lalaki at nakita niya
ang isang bagay na hindi niya alam na kailangang mangyari sa kanya. Umuwi siyang parang
tulala nang hapong iyon at kinagabihan ay hindi siya nag-aral. Umupo siya sa baitang ng
kanilang hagdan at nag-isip hanggang sa makita siya roon ng kaniyang ama. Inusisa niya sa ama
ang kanyang natuklasan sa paaralan at itinanong niya rito kung bakit kailangang gawin pa iyon.
Nagtawa ang kanyan ama. Tinapik siya nito sa balikat. ’Kailangan niyon upang ikaw ay maging
isang ganap na lalaki,’ sagot ng kaniyang ama. Natingala lamang niya ito at ang pamimilog ng
kanyang mga mata’y naghiwatig ng pagkakaroon ng lamat sa kanyang kawalang-malay. ’Hayaan
mo...’ dugtong ng kaniyang ama. Isang araw isasama kita kay Ba Aryo. Maging matapang ka
lang sana...’ Ibig niyang ipagtapat iyon sa batang babae, ngunit aywan niy kung bakit nahihiya
siya. Ngayon lamang niya nadama iyon. Kaya’t kahit patuloy pa rin silang naglalaro sa damuhan
o kaya’y nagtutungo sa dalampasigan tuwing wala silang pasok, ang alalahanin ukol doon ay
nakabawas sa sigla ng batang lalaki. At isa ngang araw, Sabado ng umaga, isinama siya ng
kaniyang ama sa bahay ni Ba Aryo sa tabi ng ilog. Ngumata siya ng dahon ng bayabas, pumikit
siya at pagkaraan ng iba pang ginawa, siya’y itinaboy ni Ba Aryo upang maligo sa ilog. ’Ang
damuho...pagkalaki-laki’y parang hindi lalakit.’ Ang narinig niyang iyon kay Ba Aryo, kabuntot
ng malutong na halakhak ng kanyang ama ay natanim sa kaniyang isip at patuloy na nagpalaki sa
lamat ng kaniyang kawalang-malay.
VI Kasunod ng panyayaring iyon, aywan niya kung bakit iba na ang kanyang pakiramdam.
Gayong magaling na ang sugat na nilikha isang umaga sa harapan ng bahay ni Ba Aryo. Hindi pa
rin nagbabalik ang kanyang sigla. Natitigilan siya kung nakikipaglaro sa batang babae.
Nangingimi siyang tumabi rito kung ito’y nakahiga sa damuhan o dalampasigan. Hanggang
isang araw ay napansin niyang namumula ang mata ng batang babae nang dumating ito isang
dapithapon sa tabing-dagat. ’Bakit?’ usisa niya. ’Wa-wala...wala!’ Nag-isip ang batang lalaki.
Naisaloob niyang baka ang kawalang-sigla niya sa pakikipaglaro niya rito ang dahilan. Tinudyo
niya ang batang baba, kiniliti, napahabol dito hanggang sa mahawa ito at sila’y naghabulan na sa
buhanginan, sumsisigaw sila sa katuwaan hanggang sa manigas ang kanilang mga binti at
kinakailangang humiga na naman sila sa buhanginan. Humagikgik pa sila ng mapatong ang
kamay ng batang lalaki sa kanyang dibdib at madama niyang lalong malakas ang pintig doon.
‘Tingnan mo...pakinggan mo ang tunog sa dibdib ko,’ anyaya ng batang lalaki.
Ngunit hindi kumilos sa pagkakahiga ang batang babae. Nakatitig lamang ito sa maaliwalas na
mukha ng langit. Nagtaka ang batang lalaki. Bumangon ito at tinunguhan ang nakahigang kalaro.
Nangingilid ang luha sa mga mata nito. ’Bakit?’ Saka lamang tumingin ang batang babae sa
batang lalaki at ito’y umiyak at ang luhang tumulo sa pisngi’y pinahid nitong palad at ang palad
na iyong ipinatong sa buhanginan ay pinaniktikan ng buhangin. ’Hindi na pala tayo maaaring
maglaro...tulad ng dati,’ anang batang babae sa basag na tinig.
VII Hindi nga sila mga bata. Siya’y dalagita na. Siya naman ay binatilyo na. Ang pagbabagong
iyon ang nagpaunawa sa kanilang may tumataas nang dingding sa pagitan nila. Nagkikita pa rin
sila sa looban ngunit hindi nga lamang tulad ng dating nagtatagal ang kanilang pag-uusap.
Nayon, parang laging may nakatingin sa kanilang mga matang nagbabawal-sa looban, ang
kanilang mga magulang ; sa paaralan, ang kanilang mga guro. Ang kanilang tawa tuloy ay hindi
na matunog; ang hiyaw ng dalagita ay hindi na matinis, malayo sa hiyaw nito noong araw; ang
kanilang pag-uuusap ay hindi na Malaya at pumipili na sila ng salitang kanilang gagamitin. At
buwan-buwan, ang dalagita ay may kapirasong damit na itinatago sa ilalim ng kaniyang katre at
kapag tapos na sa paglalaba ang kaniyang ina, palihim niyang lalabhan iyon sa silong at ikukula
sa kubling bahagi ng kanilang likod-bahay. Minsan ay natutop siya ng kanyang ina sa paglalaba
sa silong at sinabi nito sa kanya: Hindi mo na kailangang dito pa labhan iyan..
VIII Natapos ng haiskul. Nagkamay sila pagkaraang maibaot sa kanila ang kanilang diploma. At
nang nagsayawan ng gabing iyon, magkatambal sila. Gayong hindi naman sila nahapo, ang tibok
ng kanilang dibdib ay mabilis at malakas at ngayon ay hindi maungkat iyon ng kanilang mga
labi’y tikom at kung gumalaw man ay upang pawiin ang kanilang panunyo o paglalamat niyon.
At hindi nila alam na ang tibok ng pusong iyon ay isa pang pangyayaring nagpalaki sa lamat sa
kanilang kawalang-malay.
IX Maliwanag ang narinig na salita ng dalagita: kung gusto mong makatapos ng karera, huwag
muna kayong magkita ni Ariel. Naunawaan niya ang ibig sabihin niyon, ngunit ang pagtutol ay
hindi niya maluong sa kanyang kalooban. ’Pero, Inya...kaibigan ko si Ariel!’ May himagsik sa
kanyang tinig. ’Kahit na...kayo’y dalaga at binata na. Alam mo na siguro ang ibig kong sabihin,’
may langkap na tigas ang sagot na iyon. Alam niya ang kahulugan niyon: masama. Parang pait
iyong umukit ng kung anong bagay sa kanyang isip. At saglit iyong inagaw ng tinig ng kaniyang
ama. ’Ibig kong magdoktora ka, kaya kalimutan mo muna ang lalaki!’
At ang pait na may inuukit sa kanyang isip ay parang pandalas na pinukpok at ang kanyang
katauhan ay nayanig at ang tunog na pagpukpok ay nag-aalingawngaw ng Lalaki! Lalaki! Hindi
siya nakatagal sa harap ng kanyang mga magulang. Nakatiim ang mga labing pumasok siya sa
kanyang silid. Iyon lamang at minsang dalawin siya ng binata sa dormitoryo ay natuklasan nila
sa isa’t sia na mataa na ang dingding sa kanilang pagitan. Matatag iyon at makapal at waring
hindi nila maibubuwal. ’Huwag muna tayong magkita, Ariel,’ sabi niya sa binata. Napatitig sa
kanya si Ariel at nakita niya ang pamamantal sa noo nito-at pagtataka, sa damdaming untiunting
nasasaktan. ’Ba-bakit...dati naman tayong...’ ’Ayaw nila...ng Inay, ng Itay…masama raw,’ at ang
mga labi niya’y nangatal kasabay ng luhang umahon sa kanyang mga mata. Masama! Masama !
At si Ariel, ang kanyang kababata, ay lumisang larawan ng isang bilanggong hindi makaigpaw sa
isang mataas na pader.
X Minsan ang binata ay umalis sa lalawigan. Mapanglaw ang kanyang mukha at napuna agad
iyon ng kanyang ama. “Bakit?” “Ayaw nang makipagkita sa akin ni Cleofe” Nagtawa ang
kanyang ama, tulad ng nakaugalian nito tuwing may ilalapit siyang suliranin. “Walang kwenta
iyon. Makita mo, kapag tapos na si Cleofe ay magkakalapit kayong muli. Hindi mo baa lam… na
gusting- gusto ka ng mga magulang niya na maging doktora siya?” Pasigaw ang alingawngaw ng
kanyang tinig sa kanyang isip. “At habang nagdodoktora siya ay masamang kami’y magkita?”
“Tama ka,” maaagap na pakli ng kanyang ama. “ Hindi mo ba alam na kapag malapit ka sa babae
ay malapit ka rin sa tukso?” “ Tukso! Tukso! Parang matalim na kutsilyong isinaksak sa kanyang
utak ang mga katagang iyon. Mahapdi. Makirot. Parang binibiyak ang kanyang ulo. Napapikit
siya. Nagunita niya ang luntiang damuhan sa looban, ang malamig na buhanginan kung hapon,
ang mapulang silahis ng araw na parang dugo.
XI At ang dalawa’y hindi na nagkita, gayong hindi na sa lungsod na maliit at maglakad ka
lamang sa mga lansangan ay hindi ka mawawalan ng masasalubing na kakilala. Mangyari’y
iniiwasan nila ang magkita, mangyari’y sinikil nila ang paglago ng halaman sa kanilang katauhan
na pinapag- ugat at pinag- pausbong ng mga araw sa luntiang damuhansa looban at malamig na
buhanginan sa dalampasigan kung dapithapon. Hindi sila nagkita sapagkat inihasik sa kanilang
isip na ang pagkikita nila’y magiging masama, tukso. At sa kanilang daigdig ng mga aklat, ng
matataas na gusali, ng malalayang kabataan sa kapaligiran, ang isiping iyon ay parang batak na
nakabitin sa tabak ng kanilang ulo o kaya’y tulad din ng isang mansanas, pulang mansanas na
bibitin- bitin sa nakayungyong na sanga ng punungkahoy. Hindi sila nagkita sa loob ng mahaba
ring panahon, mga buwan at sana’y mga taon kung nakatiis sila…kung tuluyang nasikil nila ang
halamang patuloy sa paglago sa kanilang katauhan.
XII Hindi nga sila nakatiis…isang araw na hindi sinasadya’y nagkasalubong sila sa pamimili ng
kagamitan. Kapwa sila napahinto sa paglakad at nagbabangga na sila ng mga tao sa bangketa ay
hindi parin sila makakilos. Ang binata ang unang naglakas- loob at binati niya ang dalaga. Hindi
makasagot ang dalaga. Nakatitig lamang siya sa mukha ng binata at nang anyayahan siya nitong
magpalamig sila sa isang kanugnog na restawran ay anapasunod lamang siya , napatangay sa
agos ng kanyang damdamin. At sa harap ng kanilang hinihinging pagkain, sila’y nagkatitigan at
sila’y nakalimot at akala nila’y sa luntiang damuhan sila sa looban ng lalawigan, nakahiga at
nakabaling sa isa’t isa. At pagkaraan ng maraming sandali ng pagdidilidili, ng pagsusuri sa sarili,
ng pagtantiya sa pandama, hinawakan ng lalaki ang kamay ng babae, pinisil at hinalikan at saka
sa tinig na nababasag ang pananabik at pangungulila ay sinabi : Ibig kong magkita tayo, kahit
saan, kahit saan! At ang babae ay hindi sumagot at tumango lamang at lalong ipinaubaya sa
lalaki ang kanyang palad. At sila’y nagkita sa Luneta, hindi lang minsan, kundi maraming
pagkikita….maraming- marami at ang kanilang sikil na damdamin ay lumaya at sa unang
pagkakataon, pagkaraan ng ilang buwang pagkakalayosila’y lumigaya. Ngunti ang inihasik na
binhi ng pagkakakilala sa masama ta sa mabuti sa kanilang isip sy sumibol at nagpaunawa sa
kanilang ang ginagawa nilang iyon ay masama. Ngunit sila’y uhaw sa gunita ng kanilang
kamusmusan at sila’y naghihimagsik.
XIII Malinaw ang sinabi ang sinabi sa sulat: sa pook pa naming iyon, sa lahat ng pook na dapat
pagkaiwasan …doon kayo nakita. Hindi sana malubha kung nakita lamang kayo, ngunit nakita
kayong magkahawak kamay… sa karamihan ng tao sa paligid. Hindi na kayo nahiya! Hindi na
ipinagpatuloy ng dalaga ang pagbasa ng liham. Nababanta ang mga sumusunod na talata:
luluwas ang ama mo kapag hindi mo itinigil ang kabaliwang iyan. Ang binata ay hindi
makatulog. Nalukot na ang suot niyang damit ay hindi parin niya hinuhubad. Ibig niyang
lumabas ng bahay- paupahang iyon, maglakad sa lansangan at sa labas paabot ng umaga. …
ipinaaabot ditto ng mga magulang ni Cleofe ang ginawa ninyo. Hiyang hiya kami ng iyong ama.
Ibig naming makatapos ka … at ibig ipaalaala mula sa iyo na ang babae at tukso…tukso!

XIV Sinabi ng dalaga : hindi ngayon tayo maaaring magkita. Sinabi ng binata: magkikita tayo,
magtatago tayo…ililihim natin sa kanila ang lahat. At sila nga ay nagkita, sa mga pook na hindi
sana nila dapat pagkitaan , ngnit doon sila itinaboy ng kanilang paghihimagsik, ng takot na
matupto[ at ng pangangailangan. Sa mga pook na iyon pinilit nilang iginupo ang dingding na
ipinagitan sa kanila. At sa palagay nila, sila ay nagtatagumpay. Naaalis ang hadlang. Ngunit sa
kanilang utak, nagsusumiksik at nanunumbat ang alingawngaw ng pagbabawal, lumalarawan ang
mga nananalim na tingin masama…tukso.
XV At ngayon ang kanilang paraiso ay hindi na malawak na looban.o kaya ang dalampasigang
malamig kung ang dapithapon ang silahis ng araw ay mapulang parang dugo. Ang daigdig nila
ngayon ay makitid, suluksulok, malamig din, ngunit lagging hinahamig ng init ng kanilang
lumayang katawan.
XVI Maligaya sila sa kanilang daigdig. Maligaya sila sa kanilang bagong paraiso. Hanggang
isang araw ay kumulog, dumagundong ang kalawakan at nangagulat ang mga tao sa lansangan;
pamayamaya, pumatak ang ulan, na ang pasimulang madalang ay naging masinsin. Ang dalaga
ay dumungaw sa bintana- masama ang kanyang pakiramdam. May kung anong nakakatakot na
bagay sa kanyang katawan na ibig niyang ilabas at itapon. At iyon ay waring umaakyat sa
kanyang lalamunan. Humawak siya sa palalabahan ng bintana. Tumingala siya upang pawiin ang
pagsama ng kanyang pakiramdam. Natanaw niyng maitim ang langit at naisip niyang magtatagal
ang ulan. Tumungo siya at nakiya niyangnililinis ng tubig ang bangketa. At kasabay ng kanyang
pagtungo,parang may isinakad na pataas sa lalamunan ang kanyang bituka at siya’y napanganga
at siya’y napapikit at siya’y napaluha at paghigpit ng kanyang paghawak sa palababahanng
bintana ay naduwal siya…at ang lumabas pagkaraa’y nilinis ng patak ng ulan, inianod ng
nalikhang mumunting agos sa gilid ng daan.
At ang dalaga’y napabulalas ng iyak.

You might also like