You are on page 1of 5

REAKSYONG PAPEL

30 puntos
Regina Cuizon Hun 18 (Na-edit noong Hun 18)
1. Bigyan ng reaksyon ang nakasulat sa baba sa isang legal na papel. LEGAL BESES SA
PAGTUTURO NG FILIPINO BILANG PANGALAWANG WIKA Noong 1521
natuklasan ng mga Kastila na mayroong 200 na wikain o dayalekto ang mga
Pilipino.Tagalog ang itinuturing na pinakalaganap sa lahat. Bunga ito sa pag-aaral na
isinigawa nina Padre Chirino at Padre Colen. 1898 kinikilala sa unang Republika sa
Malolos sa Saligang Batas ng Biak na Bato, ang Tagalog bilang wikang pambansa at
opisyal na wika sa kapuluan. Batas Komonwelt Blg. 184 ipinatupad sa kautusang ito ang
pagtatag ng SURIAN NG WIKANG PAMBANSA. Naitatag naman ang ahensya ito
noong Oktubre 7,1936. Noong 1937, opisyal na nagkaroon ng wikang pambasa ang
Pilipinas at tinatawag itong WIKANG PAMBANSA BATAY SA TAGALOG .1940
unang itinuro ang wikang pambansang batay sa tagalog sa mataas na paaralan sa mga
Normal. Marso 26,1954 nilagdaan ni Pangulong Magsaysay ang Proklamasyon Blg.12 na
nagpapahayag ng pagdiriwang sa Araw ng Balagtas. Proklama Blg.186 (Setyembre 23,
1955) inilipat ang pagdiriwang ng Lingo ng Wikang Pambansa taun-taon simula ika-13
hanggang 19 ng Agosto bilang parangal naman ito kay Pangulong Manuel L. Quezon .
1959 nagpalabas ng kautusan ang kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon na si Jose E.
Romero na tawagin Wikang Pilipino ang wikang pambansa na Filipino na batay sa mga
katutubong wika sa bansa at pag-asimila ng mga salita mula sa wikang banyaga. Hulyo
19, 1974 nilagdaan ni kalihim juan I. Manuel ng Kagawaran ng Edukasyon at kultura ang
Kautusang Pangkagawaran Blg.25 na nagtakda sa mga panuntunan sa pagpapatupad ng
PATAKARANG EDUKASYON BILINGWAL sa mga paaralan simula 1974-1975 1987
ang kasalukuyang 1987 Konstitusyon ay nagtalaga ng isang probinsyon pangwika na
WIKANG FILIPINO ang maging wikang pambansa. Isinaad ito sa ART.XIV, Sek6 at
sek.7 Dalawa ang pangunahing dahilan kung bakit itinuturo ang Filipino sa ating mga
paaralang pambansa bilan pangalawang wika sa hindi mga taal na Tagalog Ang mga
dahilang ito ay nakatadhana sa umiiral na patakarang pangwika na ipinatutupad kaugnay
ng gagamiting wikang panturo sa mga paaralan. Una, ituturo bilang isang sabjek o aralin
na bahagi ng kurikulum sa elementary at sekundarya. Ikalawa, gagamitin ang Filipino
bilang wikang panturo sa mga tiyak na sabjek o aralin na iniatas sa Patakarang Bilingwal
noong 1974 at 1986. Malinaw ang pagkakaiba ng dalawang layunin subalit magkatuwang
ng kaganapan sa pagkatuto sa loob ng klase gamit ang Filipino. Kinakailangan matutuhan
ang Filipino bilang isang wikang may sariling kakanyahan upang magamit ito sa
pagkatuto ng iba pang sabjek na itinuro sa Filipino , tulay din ito sa pagkatuto ng Ingles
na pangalawang wika ng mga mag-aaral Ang Pagtuturo ng Wikang Batay sa DepEd
Kurikulum sa Filipino Sa ipinatupad na kurikulum ng DepEd para sa pagtuturo ng
Filipino may mga pananaw at simulain sa pagkatuto ng wikang na binibigyang pansin.
Una ay ang pagkakaroon ng interaksyon sa pagitan ng mga mag-aaral , ng guro at ng
teksto. Mas mabisa ang pagkatuto kung nagbibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral
na mag-isip, magpalitang-kuro at tumanggap ng ideya mula sa iba. Ikalawa, ang
pagkakaroon ng integrasyon sa mga kasanayan at gawain sa pagtuturo ng wika. Ang apat
na makrong kasanayan sa wika ay nakikita o naituturo sa isang kabuuan at hindi na hiwa-
hiwalay ma tulad ng ginagawa dati ( Whole Language Apporoach and Integrative
Approach) Ikatlo, mahalaga ang konteksto sa pag-aaral ng wika. Dito ginagamit ang
nilalaman ng ibang aralin o disiplina sa pagtuturo ng wika ( Content-based Instruction/
Literature based Instruction). DEPARTAMENTO NG FILIPINO Bilang bahagi ng isang
Filpinong Pamantasan ng Kagawaran ng Filipino para sa kanyang mag-aaral bilang
pangalawang wika: 1. Malinang ang kakayahan sa pakikinig, pagsasalita, pagbasa at
pagsulat, pag-iisip at pakikipagtalastasan sa wikang Filipino. 2. Mapaunlad ang
talasalitaan upang matugunan ang mga pangailangan sa ikatutulong ng mga mag-aaral sa
ibat-ibang pagkakataon. 3. Malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsasatitik ng
mga iniisip at dinaramdam at maitanim ang mga tunay na maka-Pilipinong kaisipan at
mithiin sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga kaugalian, tradisyon,paniniwala at
kasaysayan ng Filipino; 4. Malinang ang kasanayan sa pag-unawa tulad ng pang-
unawang literal, interpretasyon, panunuri, aplikasyon , at pagpapahalaga tungo sa
mahusay at mataas na pakikipagtalastasan maging sa pagsasalita o pagsulat: at 5. Mapa-
unlad ang kamalayang panlipunan bilang tao para sa kanyang kapwa, at paggalang at
pag-iingat sa kalikasan Bilang bahagi ng paghahanda para sa mga paaralang sekondarya,
Layunin ng Kagawaran Filipino na: 1. Ihanda ang mga mag-aaral sa mga gawaing sa
pamamagitan ng pagsasangkap ng kanilang kaalaman at galling upang magagamit nang
wasto sa pagsusulat, at pakikipagtalastasan nang wasto sa wikang Filipino bilang
paghahanda sa pangsekondaryang edukasyon at sa mataas pa; 2. Mabigyan din ng pansin
ang paglinang sa kakayahan makapaghahayag ng saloobin sa kritikal na pamamaraan at
malikhaing pag-iisip na gumagamit ng malinaw at makanghihikayat na ma salita sa pang-
araw-araw na buhay ar paglutas ng mga karaniwang suliranin. Bilang bahagi ng
paghahanda para sa mga paaralan, layunin ng Kagawaran ng Filipino na; 1. Ihanda ang
mga mag-aaral sa mga gawaing sa pamamagitan ng pangsasangkap ng kanilang kaalaman
at galling upangb magagamit nang wasto sa pagsusulat, at pakikipagtalastasan nang
wasto sa wikang Filipino bilang paghahanda sa pangsekondaryang edukasyon; at 2.
Mabigyan din ng pansin ang paglinang sa kakayahan makapagpapahayag ng saloobin sa
kritikal na pamamaraan at malikhang pah-iisip na gumagamit ng malinaw at
makapanghihikayat na mga salita sa pang- araw-araw na buhay at paglutas ng mga
karaniwang suliranin. Bilang bahagi ng isang Pamantasan, Layunin ng Kagawaran ng
Filipino na: 1. Mapag-aralin ang mga araling pangkaalaman at pangkasanayan na
tumutungo sa mga pangunahing kaisipan, kagandahang-asal, kahalagang moral at
ispiritwal, pagpapahalaga tungo sa pagkakaroon ng pananagutang panlipunan, lalohg-lalo
na ang pagpapakita ng pagpapakita ng paggalang sa kapwa na taglay ang pagmamalasakit
tulad ng ginawa ni Hesus Kristo sa paraang hindi ipinakita ang pagkampi sa alinmang
sekto ng relihiyon. Bilang bahagi ng Heswitang Pamantasan, nilalayon ng Kagawaran ng
Filipino na: 1. Hubugin at turuan ang mga kabataan ng mabuting pamumuhay a kalinisan
ng hangarin buhay ng kabanalan at pag-uugali, pagkakaroon ng kaukulang
responsibilidad, dedikasyon sa pagbibigay ng serbisyo tungo sa pagpapaunlad at
kahalagahan ng tungkulin ginampanan ng isang mamamayan sa bansa at sa buong
Kanlurang Mindanao, higit sa lahat ang pagiging tunay na Atenista para sa kapwa Mga
Simulain sa Pagtuturo ng Filipino Bilang Pangalawang Wika Maraming mga simulain sa
pagtuturo ang dumarating at lumilisan sa sinapupunan ng mga paaralan. Bawat panahon
ay may dalng pagbabago, natay sa takbo ng mga pangyayari sa buhay. Kaalinsabuhay
ang pag-unlad ng kabihasang bunga ng makabagong anyong dulot ng agham at
teknolohiya. Ang pagtuturo ng Pilipino p alin mang wika ay nasasaklaw at umalinsunod
sa mga simulain ng sining. Dahil ditto, isang guro ng wika ay dapat at mag-angkin ng
mga kaalaman., kasanayan at karanasang may mahigpit na kinalaman at kaugnayan sa
paraan ng pagtuturo. Ang ano mang paraan o bago natin talakayin ang mga simulain ay
narito muna ang ilang kabatiran tungokol sa kailikasan o katutubong ugali ng isang wika:
1. Ang wika ay tunig. Sa Plipino ang mga patinig ay may kani-kaniyang tunog at sa
paglalakip o pagsasama ng patinig at katinig, lumilitaw ang tunog ng pantig. Ang
pinagsama-sama tunog ng mga pantig, ang bumubuo ng salita . Ang titik, pantig at salita
ay kumakatawansa mga tunog. Ang mga ito an gang sagisag ng tunog at ang tunog
naman ay sagisag ng mga ahap o bagay na kanilang ipinakilala. 2. Ang wika ay palagi
nang nagbabago. May mga salitang Pilipino na ngayon ay hindi na gumagamit ng mga
tao, sapagkat maaring lipas na sa panahon o kayat kakaunti na o kaya namay wala nang
gumagamit sa salita. Ang pagbabago ay dala ng pagkawala ng matandang salita . Kung
minsan, ang pagbabago ay dahil sa pagkabalangkas o balarila ng wika. Ang ikatlong
dahilan ay mga pagbabago sa mga tunog ng wika 3. Ang pagsulat ay isa lamang
pagpapakilala ng pananalita. Itoy isang paraan ng pakikipaghatiran ng balita sa malayong
pook at sa mahabang patlang ng panahon. 4. Ang wikang pasalita ay nagtataglay ng mga
senyas o hudyat. Ang diin at ang taas at baba ng tinig ay siyang dalawa senyas ng wika.
Ang makabagong pananaw sa pagtuturo ng Pilipino bilang pangalawang wika ay
mabisang maisasagawa jung panununtunan ang mga sumusunod na simulain: 1. Ang mga
pag-uugali at kinagawian sa unang wika at taglay sa pag-aaral ng pangalawang wika. Ito
ay nasasaksihan natin sa araw-araw nating pakikitungo sa ating mga kaibigan bagamat
hindi natin gaanong pinag-uukulan ng pansin. Halimbawa: Sa mga Bisayang, Sebuwano,
gumiting gamitin sa wikain nila an gang panlaping nakadiwang mag sa halip ng umikayat
kung silay masalita sa Pilipino ay ganito ang kanilang sinasabi: “ Magkain na ako o
nagkainna ako.”sa halip ng “ Kakain na ako o Kumain na ako.” Kapag hindi nila gaanong
nauunawaan ang itinuro sa kanila sa klase ay pinagpapalit nila ang gamit ng-um-, at mag
kaya ang nabubuong pangungusap ay ganito:”Si Bb.Reyes ay tumuturo sa amin.” Sa
halip na Bb.Reyes sy magtuturo sa amin:” Kaya hindi katakatang tayo’y nakarining ng
taguriang Pilipinong Bisaya, Pilipinong Kapampangan, Pilipinong Bikol, Pilipinong
Ilukano at iba pa. 2. Sa pagtuturo ng pangalawang wika, dapat turuan ang mga mag-aaral
na mag-iisip sa bagong wika o sa wikang pinag-aaralan, ma amg ibig sabihi’y tuwirang
pagpapahayag ng karanasan sa sariling wikain bago isasalin sa wikang pinag-aaralan. Sa
pamamaraang ito’y makapagtitipid sa panahon at pagod bukod sa di-sinasadyang pag-
iwas sa tuwi-tipid nang pagsasalin ng isang wika sa iba. Samakatuwid, sa pagtuturo ng
Pilipinong bilang pangalawang wika , ang katutubong wikain ay dapat lamang gamitin
kung talagang kailangang-kailangan. Dapat turuan ang mg amah-aaral na magpahayag ng
kanilang iniisip sa pangalawang wika.Kailangan silang bigyan ng lahat ng pagkakataon
upang marinig ang bagong wika. Ang katutubong.” In ay dapat tipirin sa paggamit.
Hanggat’t maaaring maibigay ang kahulugan ng pinag- aaralan sa pamamagitan ng iba’t
ibang kalagayan ng mga pantulong sa pagtuturo, dapat iwasan ng guro ang paggamit ng
katutubong wikain ng mag-aaral. 3. Ang wikang sinasalita ay siyang tunay na wika. Ang
wikang isinusulat ay paglalarawan lamang ng wikang sinasalita .Ang ibig sabihin nito’y
dapat munang ituro ang wikang sinasalita bago ang anyo nitong pasulat. Alalaong bagay
dapat munang turuan ang mga mag-aaral ng pagsasalita , hindi gaanong nahirap mag-
aaral ng pagbasa at pagsulat sapagkat ang anyong pasulat ay umaalinsunod sa wikang
sinasalita. 4. Ang wikang ay binubuo ng mga huwaran o partisan at ng mga katutunan.
Ang mga huwaran sa palatunugan, o sound patterns , huwaran sa palatunungan, o sound
patterns, huwaran sa balangkas o structure patterns ay huwaran ng mga anyo ng salita o
morphological patterns ay siyang bumubuo ng isang wikang dapat makilala ng mag-aaral.
5. Ang pagkatuo ng isang wika ay nanganhulugan ng pagkatuto ng mga ugali sa
pagsasalita. Masasabing natuto ng wika ang isang mag-aaral kung madali niyang
nagagamit ang mga anyo at huwaran mg wikang kanyang pinag-aralan at kabahagi pa ng
kanyang kaugalian sa pagsasalita. Kaya sa pagtuturo ng bangong wiaka makatutulong sa
pagbubuo ng mga ugali ang pagbibigay ng maraming pagsasanay sa iba’t ibang
kalagayan. Kung maraming pagsasanay, madaling matatandaan ang pinag-aaralan at
kung iba’t iba ang kalgayan, tiyak na mapananatili ang kawilihan ng mga bata sa paulit-
ulit na pagsasalita. Upang maging mabisa ang pagsasanay, kinakailangan ito’y
makahulugan at naikli.Sa pamamagitan ng mabisang pagsasanay, madaling matutuhan
ang mga anyo at huwaran sa wika, bukod sa tumutulong pa ito sa pagbubuo ng wastong
kaugaliang pangwika. 6. Kasunod ng mga simulating kababaggi’t pa, mayroon tayo
ngayong tinatawag na pamamaraang pakikinig at pagsasalita o ang lalong kilalang aural-
oral approach at pamamaraang pahuwaran o patter technique, sa pagtuturo ng
pangalawang wika.Ang ibig sabihin nito’y sa pagtuturo ng pangalawang wika,dapat
linangin nang sunod-sunod ang mga kasaysayang ito sa wika: pakikinig, pagsasalita ,
pagbasa at pagsulat. Ito’y hindi nangangahulugang hindi natin, tuturuan bumasa
hanggang di sila natututong magsalita nang katulad ng isang taal sa wika. Manapa’y
nangangahulugan ito na sa pagtuturo ng alin mang bahagi ng wika, ang unang
pakikitungon ng mag-aaral ay marapat magbuhat sa pakikinig gaya ng mga sumusunod
na hakbang . Una’y makikinig siya sa huwaran (sa pagkakataong ito’y buhat sa guro) na
ginagamit sa makahulugang kalagayan. Pagtapos , turuan siyang sabihin ito. Bigyan ng
pagsasanay sa bahaging ito ng wika hangga’t hindi niyang lubusang natutuhan. Matapos
ito’y maaaring ituro sa kaniya ang pagbasa at ang anyong pagsulat. Kaya, ang pagbasa at
pagsulat ay kasunod ng pakikinig at pagsasalita .Sa madaling salita’y pinagbibigkas
lamang sa isang mag-aaral ang ano mang bahagi ng wikang kaniyang napakinggan o
pinababasa lamang ang ano mang kaniyang natutuhang sabihin; at tinuturuan siyang
sumulat ng ano mang kaniyang natutuhang basahin. Ito ang tinatawag nating
pamamaraang pakikinig at pagsasalita ng isang wika kapag sinasalita. Alinsunod sa
simulating ito ay nasasabi nating natuturuan lamang ang mga mag-aaral upang
makapagsalita sila sa wikang kanilang pinag-aaralan. Ito’y magagawa ng guro sa
pamamagitan ng pagbibigay ng masinsinang pagsasanay sa wastong huwaran, gayon din
sa paggamit ng oras ng pagkaklase sa pagsasanay sa pagsasalita sa halip na pag-uusap
tungkol sa wika, sa halip na ipaulit sa mga mag-aaral ang mga tuntunin at katuturan,
bigyan sila ng pagkakataong magamit ang wika sa mga salitaan o usapan. Dapat gunitan
na ang pagsasanay ay hindi siya na lamang sa pagtuturo ng pangalawang wika. Ito’y
paraan lamang tungo sa malayang pagpapahayag. Ito’y paraan lamang tungo sa malayang
pagpapahayag. Maraming paraan magagawa ang guro.Kapag ang isang mag-aaral ay
nagkakaron ng kasanayan sa batayang palatunungan, pagbabalangkas at kaanyuan ng
mga salita sa wikang kanyang piang-aarala, tiyak na siya’y makapaghahayag nang
Malaya sa wikang iyon. Ang mga dalubwika ay nanininwalang ang pag-aaral ng wikang
banyaga ay napakahirap sa dahilang ito’y naiiba sa kaanyuan at tunog ng sariling wika,
subalit napatunayang ang isang pilipinong di-tagalog na mag-aaral ng Plipinong ay
nakararanas ng kagaanan o kadalian sa pag-aaralng wikang dayuhan. Ang dahilan… ang
lahat ng wikain sa Pilipinas ay magkakahawig sa anyo, tunog ag kayarian.

Nakatakda sa Hul 2, 2:00 AM

Analisis at Interpretasyon
50 puntos
Pareho ang kriterya na gagamitin sa ginamit noong midterm sa pag -aanalisa 7. Bible- - 25 pts 8.
Paru paro - 25pts

bible.jpg
Image

butter.jpg
Image

You might also like