You are on page 1of 48

ANG BERNAKULAR AT

WIKANG PAMBANSA SA
EDUKASYON (1957-1973)

Iniulat ni:
Elsie Joyce D. Danseco
IV- 6 BEEd
“ Ang problema sa paggamit ng
Ingles ay nasasakripisyo pati ang
pangunahing layunin ng edukasyon
na maging makabuluhang
mamamayan ang mga estudyante,”
(Bacobo 1953, nasa Constantino,
1991)
Higit na kongreto ang paglalahad ni Orata
(1953)
Sinabi niya na ang batang natuto ng kanyang
leksiyon sa Ingles ay pautal-utal, paulit- ulit at
pabulong bulong para lang maipahayag ang
gustong sabihin sa isang banyagang wika.
Nasasakripisyo aniya ang nilalaman dahil sa
pag-aaral ng wika. Para sa mga
masususwerteng natuto rito kung kaya hindi
humihinto sa pag-aaral, ang pag aaral ay
nagiging berbalisado at batay lagi sa
pagsasaulo kung kaya’t nakadududa kung
talaga ngang may natutuhan sila.
1951- idinaos ang
Kumperensiyang UNESCO
sa Paris, na nagtataguyod
sa paggamit ng
katutubong wika sa
edukasyon.
Ang mga konklusyon at
rekomendasyon sa kumperensiyang
ito ay katulad ng mga konseptong
isinaalang- alang ng mga edukador
sa Pilipinas nang magpasya silang
gamitin ang bernakular bilang
midyum ng pagtuturo sa mababang
grado, tulad ng mga sumusunod:
1. “…ang mga mag- aaral ay dapat
magsimula ng kanilang pag-aaral sa
pamamagitan ng unang wika, dahil ito
ang pinakanaiintindihan nila, at ang
pag sisimula ng kanilang pag-aaral sa
katutubong wika ay mag- uugany ng
tahan at paaralan.”
2. Sa paggamit ng bernakular, ang
natutuhan ng bata sa paaralan ay
madaling magamit sa tahanan. “Higit
sa lahat, ang mga magulang ay nasa
tamang posisyon upang maunawaan
ang mga problema sa paaralan, at sa
ibang kaparaanan ay tumulong sa
paaralan sa edukasyon ng bata.”
3. Kinakailangan na ang batao
matanda,ma nakababasa o
nakasusulat sa bernakular ay
mabigyan ng patuloy na insentibo na
magbasa sa pamamagitan ng
ipapanustos na mga babasahin.
4. Ang maaga at epektibong
pagsasanay sa unang wika ay
magsisilbing tulay sa iba pang wika,
tulad ng pambansang wika at wika ng
daigdig. Bagama’t ang paglilipat ay
hindi agaran, ito ay dapat isagawa
nang may kamalayan kapawa ng
guro at mag- aaral.
5. Ang edukasyon para sa
matatanda ay dapat isagawa sa
unang wika at ang mga materyal
na gagamitin ay dapat kawili-wili
sa kanila.
Mga Batayan sa Pagtuturo ng
Bernakular at Wikang
Pambansa
Ang Lupon ng Pambansang Edukasyon ay
nagpalabas ng desisyon na:

1. Bernakular ang gagamiting wikang panturo sa


Baitang I at II
2. Ang Wikang Pambansa ay ituturo bilang
asignatura mula Baitang I hanggang Baitang
VI habang ang Ingles ay magiging asignatura
sa Baitang I at II.
3. Ingles ang magiging midyum mula sa Baitang
III at magiging wikang pantulong naman ang
bernakular sa primarya at ang wikang
pambansa sa intermedya at hayskul.
Atas Pangkagawaran Blg. 2,
s. 1957
• Nakasaad sa seksiyon 10, 11, 12 ng
Artikulo II ang mga sumusunod:

(10) The Board adopts as a policy the use of


native language as the medium of
instruction in Grades I and II in the public
and private schools and urges the school
authorities to take practicable steps toward
its implementation
(11) The Filipino Language shall be
introduced as a subject to Grade I
and given increasing emphasis in the
higher grades.

(12)… The Filipino Language (shall be


used) as an auxiliary medium in the
intermediate and high schools.
Memorandum Blg. 56, s. 1957
- Ipinalabas ng Kagawaran ng
Edukasyon
- “Pagpapalaganap at Popularisasyon
ng Wikang Filipino”
- Paaralan ay ang legal na ahensiya
para sa pagpapalaganap ng wikang
Filipino
A. Teaching procedures should
be functional and interesting
1. Instead of the traditional grammar approach,
there should be emphasized conversations,
dramatizations, pattern practices, story telling,
letter writing, etc.
2. Vocabulary building should be based on the
expressional needs of the pupils.
3. Functional grammar and the development of
language abilities, habits and skills come in
naturally in the various language lessons, and
they should therefore be taken up as the need
for them arises.
B. School papers or news sheets should
have a Filipino Language section that not
only caters to the needs of the students
but is purposely beamed or directed to the
lay reading public. Thus may the school
paper contribute to the propagation of
Filipino language.
Implementasyon ng Paggamit
ng Bernakular at Wikang
Pambansa sa Edukasyon
Ayon kay Sibayan (1966),maaaring
nagkamali sa pag-unawa o interpretasyon ang
mga tagapamahala ng paaralan dahil kung
babasahing mabuti aniya ang Seksiyon 10, ito
ay naglalahad na nag paggamit ng bernakular
ay ipapatupad lamang ng Lupon ng
Pambansang Edukasyon bilang isang patkaran
at ang mga awtoridad ng paaralan ay hinihikayat
lamang na magsagawa ng mga praktikal na
hakbang para sa implementasyon nito at hindi
ang nagmamadaling paglundag sa sistema nang
walang anumang paghahanda.
Memorandum Blg. 73, s. 1957
Ang Kagwaran ng Edukasyon ay
nagkaroon ng mga bagong programa at
patnubay sa pagtuturo ng wikang
pambansa. Nagpalabas ito ng bagong
talaan ng pinagtibay na mga kagamitang
pampagtuturo tulad ng mga batayang
aklat, mga sangguniang aklat,
karagdagang babasahin, at mga aklat
para sa pangkalahatang pagbabasa, mga
magasin at mga pahayagan .
Nilalaman ng limang aralin:
Unang Pag-aaral: Salitang – ugat – TAO
Ikalawang Pag-aaral: Salitang – ugat - BATA
Ikatlong Pag-aaral: Salitang – ugat - TANDA
Ikaapat Pag-aaral: Salitang – ugat - GULANG
Ikalimang Pag-aaral: Salitang – ugat - ABALA
• 1959- sa pagdiriwang ng Linggo ng Wika
ay nagpalabas si Kalihim Jose
Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ng
isang Memorandum Pangkagawaran na
nagsasaad na mula sa araw na iyon ang
tawag na “PILIPINO” ay gagamitin sa
pagtukoy sa wikang pambansa ng
Pilipinas na tatak ng ating pagkabansa.
Simula sa Taong Panuruan
1960- 1961, ang Pilipino at Ingles na
pinag- iisa sa ilalim ng Language Arts
at binibigyan ng isa lamang na marka
sa ikaapat hanggang ikaanim na
baitang
Memorandum Blg. 84, s. 1960 ng
Kawanihan ng mga Paaralang Bayan

Ipapasok na sa B.P.S Forms 137-


B. 137- C at 138 bilang magkahiwalay
na asignatura na bibigyan ng
magkahiwalay na pagmamarka.
Subject Weight___
Good Manners and Right Conduct 1
Social Studies 1
Work Education 1
Health and Science 1
Pilipino 1
English 1
Arithmetic 1
Arts and Physical Education 1
Dahilan na Isinaalang-alang sa
mga nabanggit na pagbabago

A. Sa malinaw na dahilan, ang Pilipino at


Ingles ay hindi maaaring pagsamahin o
pag- isahin

B. Sa pagbibigay ng magkahiwalay
namarka at timbang sa Pilipino at Ingles,
makikita ang pag-unlad ng mag-aaral sa
bawat wika.
Grades I and II Grades III and IV Grades V and VI

In non- Tagalog In non- Tagalog In non- Tagalog


regions regions regions

Pilipino- 30 minutes Pilipino- 50 minutes Pilipino- 60 minutes


English- 20 minutes English- 60 minutes English- 60 minutes

Native language-
50 minutes

In Tagalog regions In Tagalog regions In Tagalog regions

Pilipino- 60 minutes Pilipino- 40 minutes Pilipino- 50 minutes


English- 50 minutes English- 70 minutes English- 70 minutes
Grade I at II, mayroong 60 minuto sa
Pilipino para s mga rehiyong nagsasalita
ng Tagalog (Tagalog-speaking) sapagkat
ito ang wika ng pahtuturo. Higit na
malaking oras ang inilaan sa Pilipino sa
Grade III hanggang Grade VI sa mga di-
Tagalog (non- Tagalog) kaysa sa mga
nagsasalita ng Tagalog (Tagalog speaking)
upang mabigyan ang mga mag- aaral ng
higit na maraming pagkakataon na
magpakasanay sa wika
Oktubre 25-26, 1962- idinaos ang Unang
Pambansang Kapulungan ng mga Guro sa
Pilipino.

Layunin ng kapulungang ito ang mga sumusunod:


1. Pag-ugnayin ang mga punyagi ng lahat ng
mamamayang Pilipino sa pamamatnubay ng
mga guro, upang lalong mapalakas ang
pagpapaunlad ng Pilipino

1. Ganyakin at pukawin ang lalong kawilihan sa


pagtuturo at pagpapalaganap ng Pilipino
3. Hikayatin ang paggamit ng mabisang
pamamaraan ng pagtuturo ng Pilipino

4. Gumawa ng maingat na pagsusuri sa


mga suliranin sa pagtuturo ng Pilipino at
magbalak at isakatuparn ang mga
maaaring sariling pantulong na mga
kalunusan.
Sa taon ding ito inatas ng Kalihim ng
Edukasyon ang pagpapaimprenta sa
Pilipino ng mga diploma at sertipiko ng
pagtatapos. Kung kaya, kasunod nito,
ipinalabas ng Kalihim ng Edukasyon ang
salin sa Pilipino ng mga pangalan ng mga
kurso at degri, gayon din salin sa Pilipino
ng mga pangalan ng paaralan, kolehiyo
at pamantasan.
Nobyembre 12, 1964 – sa pamamagitan
ng Memorandum Blg. 101 nagpalabas ang
pansamantalang direktor ng mga
Paaralang Bayan ng mga sumusunod na
tungkulin ng mga paaralan sa pagtuturo at
pagpapalaganap ng Pilipino:
A. Mga Guro
1. Paglinang ng saloobing mahilig sa Pilipino.
2. PAg-aangkin ng kasanayan sa Pilipino
3. Pagtuturo ng asignatura araw- araw ayon sa
palatuntunan ng klase
4. Pagpapasigla ng pagtuturo sa pamamagitan
ng paggamit ng mabibisang pantulong sa pag-
aaral at mga karaniwang pamamaraan sa
pagtuturo ng wika na ang binibigyang diin ay
ang mga pook na di- Tagalog
B. Mga Punong- guro at tagamasid na
pampurok
1. Pagganyak sa mga punong- guro at tagamasid
na pampurok na mag-angkin sila ng
kaalamang gamitin sa Pilipino.
2. Paghahanda ng isang palatuntunan ng
pagmamasid upang ang lahat ng lawak ng
asignatura ay mabigyan ng karampatang
bahagi sa mga panukala ng pagmamasid
3. Pagpapakita sa mga guro ng marapat na
halimbawa na sila ay may malasakit sa wika
4. Pagsisikap na tingnan na ang mga klase sa
Pilipino ay may nakalaang kinakailangang mga
kagamitan sa pagtuturo.
C. Tagamasid na pansangay sa Pilipino

1. Paghahanda ng isang palatuntunan ng


pagmamasid sa Pilipino para sa buong sangay
upang ang bawat purok ng superbisyon ay
tumanggap ng kanyang bahagi sa dalaw ng
mga superbisor.
2. Pagganyak sa paghahanda ng mga pampook
na kagamitan sa pagtuturo, batay sa mga
pamamaraang siyentipiko na isinasaalang –
alang ang mga lawak ng kabuhayan sa iba’t-
ibang pook upang makalakip sa kakulangan ng
mga kagamitan sa pagtuturo ng Pilipino.
3. Pagtulong sa mga guro at pinuno ng
paaralan sa paglinang ng isang
palatuntunan ng mga gawain sa
pagsasagamit ng mga lalong mabiang
pamamaraan sa pgtuturo at
pagpapalaganap ng Pilipino

4. Pagtulong sa mga tauhan ng sangay sa


pagtaya sa bisa ng pagtuturo at
pagpapalaganap ng Pilipino
D. Mga Superintendente
1. Pagpapamalas ng malasakit sa
pagtuturo ng Pilipino
2. Pagpapatupad na kapasiyahang
pinagtibay ng mga superintende ng mga
paaralan sa kanilang kapulungan na may
kaugnayan sa paggamit ng Pilipino
bilang isa sa mga wikang opisyal sa mga
kapulungan sa hinaharap.
3. Pagtulong sa paglalaban ng mga
kinakailangang kagamitan at kaluwagan
sa pagtuturo upang ang pagtuturo at
pagpapalaganap ng Pilipino ay maging
maginhawa, madali at mabisa.
4. Pagbibigay ng inspirasyon, patnubay at
liderato sa lahat ng mag- aaral, guro at
pinuno ng paaralan upang magkaroon ng
malasakit sa Pilipino tungkol sa pagtuturo,
pagpapalaganap at pagpapayaman nito.
Agosto 6, 1969- Nilagdaan ni Pangulong
Ferdinand E. Marcos, ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 187, na nag-aatas
sa paggamit ng wikang Pilipino sa mga
opisyal na komunikasyon at transaksiyon
ng pamahalaan, ang Kawanihan ng
Paaralang Bayan ay nagpalabas ng isang
sirkular kaugnay nito. Iniaatas sin sa
sirkular na ipaalam ng mga kinauukulang
sangay ang mga hakbang sa isinagawa
tungkol sa bagay na ito.
Sa loob ng tatlong taon, mula
1697 hanggang 1970, Isinagawa
ng KOMITE SA KURIKULUM
ang tatlong pangunahing hakbang
sa pagpapaunlad ng edukasyon
sa antas elementarya, tulad ng
mga sumusunod:
1. Muling pagsusuri ng layunin ng
edukasyong elementarya
2. Ang rebisyon ng kurikulum
alinsunod sa mungkahing
layunin
3. Ang pagbuo ng isang patakaran
sa wika
Ang mga talakayan ng komite sa
Kurikulum tungkol sa isyu ay binubuo ng
dalawang pananaw:

1. Ang patuloy na paggamit ng bernakular


sa unang dalawang baitang
2. Ang panimula ng Pilipino bilang midyum
ng pagtuturo mula sa unang baitang at
pagpatuloy sa mga susunod na baitang
sa bawat taon, maaring hanggang
ikaapat na taon sa hayskul.
1970- pagkatapos ng tatlong taong
deliberasyon ng Lupon ng
Pambansang Edukasyon, sa
pamamagitan ng Resolusyon Blg. 70-
5, pinagtibay ang muling
pagpapahayag ng mga layunin, ang
kurikulum at ang patakarang
pangwika sa antas elementarya na
itinagubilin ng Komite sa Kurikulum.
Bagama’t ipinatupad ang 1970
Nirebisang Programa ng Edukasyon
sa Elementarya pagkatapos na ito ay
mapagtibay, ang programa sa wika ay
hindi napagpasyahan dahil sa pag-
aaral sa iskedyul ng implementasyon
na isasagawa ng isang Komite sa
Pag-aaral.
Mga Dahilan sa pagpapaliban ng
implementasyon ng programa sa mga
sining ng wika:
1. Hayaang maipakilala sa Kawanihan ng
mga Paaralang Bayan ang larangang
nagbibigay ng idea sa pagtuturo ng
Pilipino
2. Makuha ang suporta ng Kongreso
3. Magkaroon ng sapat na panahong
magsagawa ng “crash program” na
maghahanda sa mga guro sa pagtuturo
ng Pilipino.
Ebalwasyon ng Patakaran sa
Pag- aaral/ Pagtuturo ng
Bernakular at Pilipino
Sa katapusan, iminungkahi ng SWANSON
SARBEY ang mga sumusunod:
1. Magkaroon ng isang malakas na
programang pampananaliksik sa mga
rehiyong Tagalog at di- Tagalog upang
malamn ang tamang grado na ilipat sa
Ingles ang midyum ng pagtuturo.
2. Maipagpatuloy at maiangat ang
kasalukuyang programa sa
pagpapaunlad ng Pilipino.
3. Sa tamang panahon sa hinaharap, kung
pahihintulutan ng pagkakataon, anh
Pilipino ay dapat gamiting midyum ng
pagtuturo mula sa Unang Baitang. Ang
paglilipat sa Ingles bilang midyum
midyum ng pagtuturo ay maaring
isagawa sa pinakaangkop ng grado
batay sa ebidensya ng mga pananaliksik

You might also like