You are on page 1of 15

Filipino Bilang Wika ng

Komunikasyon sa Kolehiyo
at Mas Mataas na Antas
Malinaw na Filipino ang wikang
magagamit sa paglinang at pagpa-
palaganap ng “isang edukasyon na
nagtataguyod sa kapakanan ng
bansa, nagpapa- yaman ng diwang
mapagtanong at mapanlikha at
umuugat sa buhay at pakikibaka
sa naka-karami (Lumbera et al,
2007).
Ipinahayag ni Dr. Wilfrido V. Villacorta, isa sa mga
Komisyoner ng 1986 Constitutional Commission, na
nagpanukala ng mga probinsyong kalaunay naging
artikulo 14 sa saligang batas ukol sa edukasyon,
wika at sining na ang ating Wikang Pambansa ay:

 isang makabuluhang pangkulturang muhon para sa


pambansang pagkakakilanlan

 nagsisilbing pahatiran ng komunikasyon

 nagbibigay-daan sa pagkakaisa at

 pagkakaroon ng kapangyarihan ng ating mamamayan


Hindi lamang sa dimensiyong kultural mahalaga
ang wikang Filipino, kundi maging sa aspetong
ekonomiko rin. Gaya ng sinabi ni San Juan, ang
wikang pambansa lamang ang makapagtitiyak na
ang sistemang pangf-edukasyon ng bansa ay
nakaangkla sa pagpapaunlad ng buhay ng mga
Pilipino.
“Retaining Filipino in the tertiary level is just one step toward
aligning our education system with our goals as a nation. We can
change the subjects as often but we should emphasize inculcating
values for national development and international solidarity , rather
than subscribing to dependency on failed foreign frameworks and
the race to the bottom doctrine preached by global capital”. - San
Juan (2014a)
Ayon sa pamphlet ng KWF na
inihanda ni Almario (2014)

• malaki ang isinulong ng pagpapalaganap


sa Wikang Pambansa.

• 25.4% hanggang 44.4% ang nagsasalita


ng Wikang Pambansa
Noong 1989, lumitaw sa survey ng Ateneo de
Manila University na:

• 92% ang nakakaintindi ng Tagalog


• 83% ang nakakapagsalita nito
• 88% ang nakakabasa
• 81% ang nakakasulat gamit ito

Nangangahulugan lamang na ang pagsasalita


ng Filipino ay maituturing na “wika ng
bayan” o lingua franca
• Bunsod ng makasaysayang Unang Rebolusyon sa EDSA
noong 1986, nagkaroon ng bagong Saligang Batas ang
ating republika.

• Isa sa mga pinakamainit na usaping pinagtalunan ng mga


delegado sa kumbensyong konstitusyunal ay ang usapin
ng wikang Pambansa

• May ilang rehiyunalista na nagnanais ng unibersal na


dulog sa pagpili ng wikang pambansa: ang amalgamasyon
o paghahalo-halo ng wika ng Pilipinas

• Nakipagtagisan naman ng talino ang mga ultra-


konserbatibo na nagpanukala namang Espanol ang dapat
maging wikang opisyal
• Gayunpaman, nanaig ang konsensus na ang wikang
pambansa ay Filipino na ang nukleyo ay ang wikang
Pilipino.

• Ang wikang Filipino’y sumusulong na rin bilang


aktuwal na wikang opisyal ng Pilipinas.

• Upang lalong pasiglahin ang paggamit ng Filipino sa


mga opisyal na transaksyon, komunikasyon at
korespondensya ng gobyerno, nilagdaan ni dating
Pangulong Corazon Aquino ang Kautusang Tagapag-
paganap Blg. 335 noong Agosto 25, 1988 at ang
patakarang bilingguwalismo sa eduk-asyon sa
pamamagitan ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 53,
serye ng 1987.
Malalaking tagumpay at pagsulong ang kinamtan
ng wikang Filipino sa mass media kung saan
nauso ang paggamit ng Filipino sa mga public
affairs at news program.
• Ang popularisasyon ng mga radyo-dramang Tagalog
ay siya ring sinubaybayan ng masang Pilipino sa
buong kapuluan na nakapag-ambag din sa
pasusulong ng wikang Pilipino.

• Sa dalawang dekado ring ito sumulong ang


Filipinisasyon ng mga diyaryo.

• Bagamat napako sa mga tabloid ang Filipinisasyon


ng print media, malaking tagumpay ang pag-ungos
ng pahayagang Filipino sa bilang ng mga
mambabasa ng mga Ingles sa broadsheet na
nakalatha sa wikang English
• Lubos din naging maningning ang
pagsulong ng wikang Filipino sapagkat
naipasa ang Batas Republika Blg. 7104 na
nagtatadhana ng paglikha ng Komiyon sa
Wikang Filipino (KWF).

• Samakatuwid, ang adbokasiya ng Tanggol


Wika na adbokasiya rin ng maraming
makabayan sa bansa ay magtitiyak na ang
nasimulan na ay maipagpapatuloy at lalo
pang mapapaunlad tungo sa ganap na
paggamit ng Filipino bilang wika ng
komunikasyon sa iba't-ibang antas at
larangan.
Multimidya

• Isa sa mga institusyong may malaking ambag na sa


intelekwalisasyon ng Filipino ang Unibersidad ng Pilipinas
,Diliman.

• Pinatutunayan ito ng pag-iral ng progresibong patakarang


pangwika sa UP, simula pa sa pagkapresidente ni Dr.
Napoleon Abueva (Petras,2012),na kumikilala at
nagpapahalaga sa papel ng wikang Pilipino sa paglikha at
pagtuklas ng karunungan na kapaki-pakinabang sa mga
komunidad ng Pilipinas, at kayang -kayang unawain ng mga
ordinaryong Pilipino.

• Bunga nito, marami-raming tesis at disertasyon sa UP ang


naisulat sa wikang Pilipino sa ibat-ibang larangan.
Pagpapahalaga

• Ang makasaysayang adbokasiya ng Tanggol


Wika ay adbokasiyang dapat panghawakan
at itaguyod ng bawat Pilipino sapagkat ito'y
nagpapatibay sa bisa ng wikang pambansa
bilang wika ng komunikasyon. Sa ng iisang
pamamagitan ng pagkakaroon ng iisang
wika sa pambansang diskurso, lalong
mapaglalapit-lapit ang damdamin, mga
pangarap hinaing iba pa ng mga
mamamayang Pilipino sa buong arkipelago
tungo sa patuloy na paglinang sa wika at
kulturang sariling atin.
THANK YOU 💙💙
PANGKAT 5

Alcantara, Chelsea
De Jesus, Dynsty John
Delos Reyes, Danniela
Limbo, Daerenne
Lumanglas, Judy Ann
Ramos, Michelle
Santiago, Hanah Faith

FIL-101 BSPSY-1101

You might also like