You are on page 1of 28

YUNIT I:

ANG PAGTATAGUYOD NG
WIKANG PAMBANSA SA
MATAAS NA ANTAS NG
EDUKASYON AT LAGPAS PA
Tanggol Wika

– ang alyansang nanguna sa pakikibaka laban sa pagpaslang ng

Commission on Higher Education (CHED) sa Filipino, Panitikan at
Philippine Government and Constitution subjects sa kolehiyo at
kapatid na organisasyon ng Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng
Kasaysayan (Tanggol Kasaysayan), grupong nagtataguyod ng
pagkakaroon ng required at bukod na asignaturang Philippine
History/Kasaysayan ng Pilipinas sa hayskul – at paglalatag ng mga
susing argumento at mga dokumento kaugnay nito.

Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino | 2

Tanggol Wika

Nabuo ang Tanggol Wika sa isang konsultatibong forum noong

Hunyo 21, 2014 sa De La Salle University-Manila (DLSU). Halos
500 delegado mula sa 40 paaralan, kolehiyo, unibersidad,
organisasyong pangwika at pangkultura ang lumahok sa nasabing
konsultatibong forum. Kasama sa mga tagapagsalita sa forum na iyon
si Dr. Bienvenido Lumbera, Pambansang Alagad ng Sining.
Ang forum na iyon ay kulminasyon ng mga nauna pang
kolektibong inisyatiba mula pa noong 2012.

Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino | 3

CHED Memorandum Order (CMO) No.20, Series of 2013

By DEE AYROSO
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino | 4
Maikling Kasaysayan Ng Adbokasiya Ng Tanggol Wika
• Noong 2011 pa ay kumakalat na ang plano ng gobyerno
kaugnay ng pagbabawas ng mga asignatura sa kolehiyo, bagamat
wala pang inilalabas na opisyal na dokumento sa panahong iyon.
• Lagpas isang taon naman bago ang asembliya ng pagtatatag ng
Tanggol Wika, noong Oktubre 3, 2012 ay sinimulan ng mga
instruktor ng Filipino sa kolehiyo ang pagpapalaganap ng isang
petisyon nahumihiling sa CHED at DepEd na ipahinto ang
implementasyon ng senior high school/ junior college at ng Revised
General Education Curriculum (RGEC) sa ilalim ng Kto12 na
maaring makapagpalit o tuluyang lumusaw sa mga Departamento ng
Filipino sa mga unibersidad. Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino | 5
Maikling Kasaysayan Ng Adbokasiya Ng Tanggol Wika
• Ang batayan ng gayong pangamba sa posibleng pagpapalit o
paglusaw sa mga Departamento ng Filipino sa mga unibersidad ay ang
kawalan ng asignaturang Filipino sa bagong RGEC para sa antas
tersyarya na nasa presentasyon ni DepEd Assistant Secretary
Tonisito M. C. Umali noong Agosto 29, 2012.
• Disyembre 7, 2012 “Isinulong ang Ating Wikang Pambansang
Filipino, Itaguyod ang Konstitusyunal na Karapatan ng Filipino,
Ituro sa Kolehiyo ang Filipino Bilang Larangan at Asignaturang
may Mataas na Antas” – Prop. Ramilito Correa, noo’y
pangalawang tagapangulo ng Departamento ng Filipino ng DLSU.
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino | 6
Maikling Kasaysayan Ng Adbokasiya Ng Tanggol Wika

• “ Kto12 TOOLKIT: Reference Guide for Teacher Educators,

School Administrators, and Teachers (2012)”- isang asignaturang
Filipino subject (Retorika) lamang ang nakatala sa listahan ng mga
asignatura sa senior high school. Opsyunal nalang ang
asignaturang Filipino for Specific Purposes.

Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino | 6

Maikling Kasaysayan Ng Adbokasiya Ng Tanggol Wika

• Hunyo 28, 2013 -inilabas ng CHED ang CMO No. 20, Series of
2013 na nagtakda ng core courses sa bagong kurikulum sa antas
tersarya sa ilalim ng K to 12: “Understanding the Self; Readings in
Philippine History; The Contemporary World; Mathematics
in the Modern World; Purporsive Communication; Art
Appreciation; Science, Technology and Society; Ethics.”

Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino | 6

Maikling Kasaysayan Ng Adbokasiya Ng Tanggol Wika

• CMO No. 04, Series of 1997- 6 hanggang 9 na yunit ng

asignaturang Filipino
• Seksyon 3 ng CMO No. 20, Series of 2013- opsyonal na lamang
din ang Filipino bilang midyum sa pagtuturo
• CMO No. 59, Series of 1996- mandatoring wikang panturo ang
Filipino

Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino | 6

Maikling Kasaysayan Ng Adbokasiya Ng Tanggol Wika
• Marso 3, 2014- Sa udyok nina Dr. Fanny Garcia at Dr. Maria
Lucille Roxas (kapwa mula sa DLSU) ay gumawa ang may-akda ng
panibagong liham-petisyon na naka-address sa CHED
• Hunyo 2, 2014, sa inisyatiba ni Dr. Antonio Contreras ng
DLSU ay nakipagdiyalogo sila sa 2 komisyuner ng CHED na
personal niyang kakilala. Kalahok sa diyalogo kina CHED
Commissioner Alex Brillantes at Commissioner Cynthia Bautista
ang mga propesor ng DLSU, ADMU, UPD, UST, MC, at Marinduque
State University.

Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino | 6

Maikling Kasaysayan Ng Adbokasiya Ng Tanggol Wika
• Hunyo 16, 2014- muling sumulat sa CHED ang mga guro upang
pormal na i-reconvene ang Technical Panel/Technical Working
Group sa Filipino at ang General Education Committee, kasama
ang mga kinatawan ng mga unibersidad na naggigiit ng
pagkakaroon ng asignaturang Filipino sa antas tersyarya.
• Hunyo 21, 2014- nabuo ang alyansang Tanggol Wika. Si Dr. Rowell
Madula, vice-chair noon ng Departamento ng Filipino ng DLSU at
pangulo ng Alliance of Concerned Teachers (ACT)-Private Schools
ang nakaisip ng pangalan.

• Hulyo 4, 2014 ay nagpatawag ng konsultasyon ang CHED dahil
sa demand ng Tanggol Wika.
• Abril 15, 2015 ay nagsampa ng kaso sa Korte Suprema ang Tanggol
Wika, sa pangunguna ni Dr. Bienvenido Lumbera, ACT Teachers
Partylist Rep. Antonio Tinio, Anakpawis Partylist Rep. Fernando
Hicap, Kabataan Partylist Rep. Terry Ridon, at mahigit 100
propesor mula sa iba’t ibang kolehiyo at unibersidad. Inihanda nina
Atty. Maneeka Sarzan (abogado ng ACT Teachers Partylist), Atty.
Gregorio Fabros (abogado ng ACT), at Dr. David Michael San
Juan, ang nasabing petisyon.
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino | 6
Maikling Kasaysayan Ng Adbokasiya Ng Tanggol Wika
• Ang 45-pahinang petisyon ay nakasulat sa Filipino (ang kauna-
unahang buong petisyon sa wikang pambansa) at opisyal na
nakatala bilang G.R. No. 217451 (Dr. Bienvenido Lumbera,
Pambansang Alagad ng Sining, et al. vs. Pangulong Benigno Simeon
C. Aquino III, at Punong Komisyuner ng Komisyon sa Lalong Mataas
na Edukasyon/Commissioner on Higher Education [CHED] Dr.
Patricia Licuanan)
• Nakapokus ang nasabing petisyon sa paglabag ng CMO No. 20, Series
of 2013 sa mga probisyon sa Konstitusyon at sa mga batas gaya ng:

Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino | 6

Maikling Kasaysayan Ng Adbokasiya Ng Tanggol Wika
• Batas Republika 7104 o “Commission on the Filipino Language
Act” (“An Act Creating the Commission on the Filipino Language,
Prescribing Its Powers, Duties and Functions, and For Other
Purposes”)
• Batas Pambansa Bilang 232 o “Education Act of 1982,” at
• Batas Republika 7356 o “An Act Creating the National Commission
for Culture and the Arts, Establishing National Endowment Fund for
Culture and the Arts, and for Other Purposes.”

Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino | 6

Maikling Kasaysayan Ng Adbokasiya Ng Tanggol Wika
• Abril 21, 2015- Halos isang linggo pagkatapos ng pagsasampa ng
kasong ito ay kinatigan ng Korte Suprema ang Tanggol Wika sa
pamamagitan ng paglalabas ng temporary restraining order (TRO)
• Masasabing PUP ang pinakamalakas at pinakamaaasahang balwarte
ng Tanggol Wika, lalo na sa pagsasagawa ng mga malakihang
asembliya at kilos-protesta, dahil na rin sa sigasig ng
Departamento ng Filipinolohiya ng PUP na pinamumunuan ni
Prop. Marvin Lai. Mahalaga rin ang papel ng Departamento ng
Filipino ng DLSU sa pamumuno ni Dr. Ernesto Carandang II, sa
pagbibigay ng malalaki at libreng venue para sa mga asembliya at
forum ng Tanggol Wika. Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino | 6
Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan sa
Kolehiyo
• Mayo 31, 2013- pinakaunang posisyong papel na nagtataguyod sa
pagpapanatili ng Filipino at Panitikan sa kolehiyo ang resolusyon ng
humigit-kumulang 200 delegado sa isang pambansang kongreso ng
Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino
(PSLLF) sa ilalim ni Dr. Aurora Batnag, dating direktor sa
Komisyon sa Wikang Filipino (KWF)
• “PAGTIYAK SA KATAYUANG AKADEMIKO NG FILIPINO
BILANG ASIGNATURA SA ANTAS TERSYARYA”- resolusyon
na pangunahing inakda ni Dr. Lakandupil Garcia . Pangunahing
nilalaman nito ay ang paggigiit ng mga guro na hindi dapat patayin
ang asignaturang Filipino sa kolehiyo. Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino | 6
Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan sa
Kolehiyo
• Mayo 23, 2014- pinagtibay ng National Commission on Culture and
the Arts- National Committee on Language and Translation/ NCCA-
NCLT ang isang resolusyon na humihiling sa CHED at kongreso at
senado ng republika ng Pilipinas na agarang magsagawa ng mga
hakbang upang isama sa bagong GEC sa antas tersyarya ang
mandatory na 9 yunit ng asignaturang Filipino.
• Hunyo 20, 2014- inilabas ng KWF ang “kapasiyahan ng kalupunan
ng mga komisyoner blg. 14-26 serye ng 2014 na naglilinaw sa tindig
ng KWF hinggil sa CHED Memorandum Blg. 20, s.2013.”

Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino | 6

Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan sa
Kolehiyo
• Agosto 2014- inilathala ng Departamento ng Filipino ng De La Salle
University, Manila ang posisyong papel na pinamagatang
“Pagtatanggol sa wikang Filipino, tungkulin ng bawat
Lasalyano.” Binigyang diin na ang pagkakaroon ng asignaturang
Filipino ay nakapag-aambag sa pagiging mabisa ng community
engagement ng ating pamantasan sapagkat ang wikang Filipino ang
wika ng mga ordinaryong mamamayan sa mga komunidad na ating
pinaglilingkuran.

Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino | 6

Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan sa
Kolehiyo
• Ang pagapalakas sa ugnayan ng ating pamantasan at ng mga
ordinaryong mamamayan ay alinsunod sa bokasyon ni San Juan
Bautista De La Salle na nagsikhay sa paggamit ng wika ng mga
ordinaryong mamamayan sa edukasyon.
• “Ang Paninindigan ng Kagawaran ng Filipino ng Pamantasang
Ateneo de Manila sa Suliraning Pangwikang Umuugat sa CHED
Memorandum Order No. 20, Series of 2013.”- posisyong papel
mula sa mga guro ng Ateneo de Manila ay nagbigay diin na ang
pagkakait ng espasyo sa Filipino ay pagkakait ng espasyo para sa iba
pang wika ng bansa.
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino | 6
Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan sa
Kolehiyo
• Ang Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas sa ilalim ng
Kolehiyo ng Arte at Literatura ng Unibersidad ng Pilipinas- Diliman
ay naglabas din ng posisyong papel sa isyung ito . Binigyang diin din
nito ang kahalagahan ng Filipino sa komunikasyon panloob, bilang
wikang “susi sa kaalaman ng bayan”. Nasa wika ang pagtatanyag ng
kaalamang lokal-mga kaalamang patuloy na humuhubog sa bayan.

Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino | 6

Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan sa
Kolehiyo
• Inilathala ng iba’t ibang yunit at organisasyon sa PUP , Manila ang
“Paninindigan ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng Politeknikong
Unibersidad ng Pilipinas (PUP), Samahan ng mga Dalubguro sa
Filipino (SADAFIL), Samahan ng mga Batang Edukadorng Wikang
Filipino at mga Sining sa Pilipinas, PUP Sentro sa Malikhaing
Pagsulat, at PUP Ugnayan ng Talino at Kagalingan” noong 2014
• Naglabas din ng posisyong papel ang mga guro mula sa Pambansang
Sentro sa Edukasyong Pangguro, ang Philippine Normal University na
nagpapahayag na isang moog na sandigan ang wikang Filipino upang
isalin ang di magmamaliw na karunungan na papakinabangan ng mga
mamamayan para sa pambansang kapakanan. Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino | 6
Filipino Bilang Wika ng Komunikasyon sa Kolehiyo at Mas
Mataas na Antas
• Dr.Willfrodo V. Villacorta-
“ Ang ating Wikang Pambansa ay isang makabuluhang
pangkulturang muhon para sa pagkakakilanlan. Ngunit higit
sakaraniwang kulturang muhon, ang isang wika ng pambansang
nagsisilbing pahatiran ng komunikasyon sa pagitan ng mga etno-
lingwistikal na grupo at uri ay magbibigay-daan sa pagkakaisa ng
ating mamamayan”.

Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino | 6

Filipino Bilang Wika ng Komunikasyon sa Kolehiyo at Mas
Mataas na Antas
• Kung ibabatay sa dami nggumagamit ng senso mula 1939 hanggang
1980 ay dumami ang nagsasalita ng Wikang Pambansa, mula
4,068,565 hanggang 12,019,193 o mula 25.4% hanggang 44.4% ng
kabuuang populasyon ng Pilipinas.
• At ayon sa survey ng Ateneo de Manila University noong 1989 na:
- 92% ang nakaiintidi ng Tagalog - 41% ang nakakaintindi ng
- 83% ang nakakapagsalita Sebwano
- 81% ang nakakapagsulat nito
-51% ang nakaiintindi ng Ingles
Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino | 6
Filipino Bilang Wika ng Komunikasyon sa Kolehiyo at Mas
Mataas na Antas
• Nilagdaan ni dating Pangulong Corazon C. Aquino ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 335 noong Agosto 25, 1988 nanaglalayong
pagisglahin ang paggamit ng Filipino sa mga opisyal na transaksyon,
komunikasyon at korespondensya ng gobyerno.

• Lalo rimg pinagtibay ng administrasyong Aquino ang paatakarang

bilingguwalismo sa edukasyon sa pamamagitan ng Kautusang
Pangkagawaran Bilang 53, serye ng 1987.

Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino | 6

Filipino Bilang Wika ng Komunikasyon sa Kolehiyo at Mas
Mataas na Antas
• Malaking tagumpay at pagsulong din ang kinamtan ng wikang
Filipino sa Mass Media. Ginamit ang wikang Filipino sa mga
programa sa telebisyon gaya ng mga balita at Filipino cartoons,
kasama narin ang mga programa sa radyong tagalog
• Ang mga isinilang sa unang bahagi ng dekada 80 hanggang sa simula
ng dekada 90 ay may mas higit na kakayahang makipagtalastasan sa
wikang Filipino.
• Lubos ding nagningning ang paggamit ng wikang Filipino sa
dekadang ito mula ng naipasa ang Batas Republika Blg.7104.

Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino | 6

Multimidya
• Dr. Napoleon Abueva ( Petras, 2012)
- kumilala at nagpahalaga sa papel ng wikang Filipino sa
paglikha at pagtuklas ng karunungan na kapaki-pakinabang sa mga
komunidad ng Pilipinas.

• Unibesidad ng Pilipinas Diliman- institusyon may malaking ambag

sa intelektwalisasyon ng Filipino.

Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino | 6

Pagpapahalaga

Pagtataguyod ng bawat Pilipino sa wikang Pambansa

bilang wika ng komunikasyon laban sa mapangwasak na
daluyong ng globalisayon mula sa bansang karamihan ay nasa
kanluran.

Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino | 6

You might also like