You are on page 1of 12

Resolusyon ng

National Committee
on Language and
Translation Kaugnayan
ng Filipino sa Kolehiyo
• Naglabas kamakailan lamang ang Commission on Higher
Education (CHEd) ng Memorandum Order No. 20 Series
of 2013 (CMO 20-2013) na may titulong “General
Education Curriculum: Holistic Understandings,
Intellectual and Civic Competencies (GEC),” na
nagsasaad na alisin ang mga minor subject sa kurikulum
ng kolehiyo sa taong 2016 upang magbigay daan sa
pagpapaigting ng kaalaman ng mga mag-aaral sa mga
major o teknikal na kurso na may kaugnayan sa Agham
at Teknolohiya., na siya namang naging dahilan sa
pagtanggal ng English, Math, General Psychology,
Economics at Filipino.
• Ayon kay Herminio Coloma Jr., kalihim ng
Presidential Communications Operations
Office, noong Hunyo 19, bunsod ng
kagustuhang gawing rasyonal ang curriculum
ng bansa ang desisyong isama ang Filipino
subject sa listahan ng mga aalising asignatura
sa pagpapatupad ng programang K to 12
nang sa gayon, hindi maging paulit-ulit ang
mga aralin sa grade 11 at 12.
• Ayon naman kay Aurora Batnag, presidente
ng Pambansang Samahan sa Linggwistika at
Literaturang Filipino, Ink. (PSLLF), isang
malaking pagkakamali ang aksyong ito na sa
kolehiyo inalis ang Filipino sapagkat ito ang
antas kung saan mayroon nang mas malawak
na kaisipan ang mga mag-aaral upang mas
matanggap, maintindihan, matanggap at
mahalin ang kultura at panitikan ng bansa.
• Sa mas mataas na antas ng edukasyon
nagaganap ang intelektuwalisasyon ng wika
na kailangan para lubusang magamit ang
wikang ito sa lahat ng antas at disiplina,”
aniya.
• Samakatuwid,malinaw na naisasawalang
bahala sa kautusan ng CHEd ang
pagpapayabong at pagmamahal hindi
lamang sa wika kung hindi pati na rin sa
kultura at kasaysayan ng bansa.
• Dagdag pa rito, taliwas din ito sa College
Readiness Standards na nakapaloob sa
Resolusyon No. 298 ng CHEd na naglalayong
pag-ibayuhin ang pag-aaral ng Filipino sa
kolehiyo.
• Sumusoporta ang lahat sa pagnanais ng
gobyernong maki-ayon sa mabilis na
pagtakbo ng globalisasyon. Kailangan nating
humabol, kailangan nating sumabay. Subalit
hindi ibig sabihin nito na unti-unti nating
ibabasura ang pagpapayaman sa sariling wika
• Magbubunsod ang kautusang ito ng
pagtatakwil sa wikang Filipino dahil sa
kaisipang tanging Ingles ang wika ng
globalisasyon at tagumpay, at Filipino ang
wika ng kahirapan. Na tanging mga dukha
lamang ang nakatatalos at gumagamit ng
wikang Filipino, na Ingles ang kailangang
maging wika ng isang tao upang maituring
siyang may alam at mabigyan ng mataas na
pagpapahalaga sa lipunan.
• Hinububog umano ang sistema ng edukasyon
para magsilbi sa kasalukuyang katangian ng
ekonomiya na import dependent at export
oriented. Ang ganitong klase ng ekonomiya
laging nangangailangan ng murang lakas-
paggawa, ayon pa sa LFS.
• “Layunin nila’y lumikha ng kabataan na
walang pagmamahal sa sariling bayan,
maging sunud-sunuran na madaling siilin. Ito
ang mga katangian na kailangan ng
dambuhalang mga korporasyon–‘yung mga
mamamayan na hindi lalaban sa patuloy na
pagbaba ng sahod, unfair labor practices,
kontraktuwalisasyon,” ayon kay Charisse
Banez ng LFS.
• “Hangga’t ang gobyerno’y tuta ng dayuhan,
hindi talaga ito gagawa ng mga hakbangin
para maging makabayan ang edukasyon at
magkaroon ng sistema ng edukasyon na
maglilingkod sa bansa. Higit na kailangan ang
pagbuhos ng kabataan at mga mamamayan
sa mga unibersidad, sa mga lansangan.
Maliban pa ito sa petisyon na inihain natin sa
Korte Suprema,” pagtatapos ni Banez.

You might also like