You are on page 1of 17

Kontesktwalisadong Komunikasyon sa Filipino (GE10)

Aurora State College of Technology

Zabali, Baler, Aurora
Bachelor in Industrial Technology

MODYUL SA
KONTEKSTWALISADONG
KOMUNIKASYON SA FILIPINO
(KOMFIL)
GE10

MODYUL 1
INTRODUKSYON: ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG
PAMBANSA SA MATAAS NA ANTAS NG EDUKASYON AT
LAGPAS PA

PANGALAN NG MAG-AARAL:
__________________________________

KURSO/ TAON AT SEKSYON:

__________________________________

1
Kontesktwalisadong Komunikasyon sa Filipino (GE10)

ARALIN
1
INTRODUKSYON: ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA
SA MATAAS NA ANTAS NG EDUKASYON AT LAGPAS PA
Nakalaang Oras: 9 Oras

Mga Layunin:
Sa pagtatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
 Naipaliliwanag ang kabuluhan ng wikang Filipino bilang
mabisang wika sa kontekstwalisadong komunikasyon sa
mga komunidad at sa buong bansa;
 Nailalahad ang mahahalagang pangyayari sa
kasaysayan ng Adbokasiya ng Tanggol Wika;
 Nabibigyang-kahulugan ang mga makabuluhang salita;
 Nakasusulat ng argumentatibong sanaysay patungkol sa
isang mahalagang paksa;
 Nagagamit ang wikang Filipino sa iba’t ibang tiyak na
sitwasyong pangkomunikasyon sa lipunang Pilipino;
 Nalilinang at napahahalagahan ang paggamit ng wikang
Filipino sa pag-unlad ng bansa.

PANIMULANG GAWAIN
Paunang Tanong
1. Mahalaga ba ang pag-aaral ng wikang Pambansa? Bakit?
___________________________________________________________

2. Paano nakatutulong sa pagpapaunlad ng indibiduwal ang paggamit ng

wikang Filipino sa iba’t ibang larangan?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

3. Ano ang kalagayan ng wikang Filipino batay sa iyong karanasan?

___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

2
Kontesktwalisadong Komunikasyon sa Filipino (GE10)

Paunang Gawain
Gumawa ng maikling komik strip o diyalogo ng mga tauhan na
nagpapakita nang maling paggamit ng wikang Filipino batay sa nakasaad
na sitwasyong pangkomunikasyon sa ibaba.

A. Pag-uusap ng guro at kaniyang mag-aaral

B. Pag-uusap ng nanay at kaniyang anak

 Gaano mo kadalas marinig o masaksihan ang mga isinaad mong

sitwasyong pangkomunikasyon na nagtataglay ng maling paggamit ng
wikang Filipino?
________________________________________________________

 Ano sa tingin mo ang nararapat na gawin upang maitama ang mga
sitwasyong pangkomunikasyon na iyong narinig o nasaksihan?
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

3
Kontesktwalisadong Komunikasyon sa Filipino (GE10)

PAGTALAKAY

ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA SA MATAAS

NA ANTAS NG EDUKASYON AT LAGPAS PA
LUNSARAN

 Panoorin sa Youtube ang dokumentaryong “Sulong Wikang Filipino:

Edukasyong Pilipino, Para Kanino?” https://m.youtube.com/watch?
v=sLJsYViUzGQ na tumatalakay sa mga pagbabago sa kurikulum
kaugnay ng Kto12.
 Sipatin din ang pahina ng Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang
Filipino (Tanggol Wika) (www.facebook.com/TANGGOLWIKA) upang
balikan ang kasaysayan ng pakikipaglaban ng mga Pilipino para hindi
mawala ang mga asignaturang Filipino at Panitikan sa kolehiyo.

BABASAHIN

 2014- taon ng pagtatatag ng Tanggol Wika.

 nabuo ang Tanggol Wika sa isang konsultatibong forum noong Hunyo
21, 2014 sa De La Salle University, (DLSU)- Manila.
 halos 500 delegado mula sa 40 paaralan, kolehiyo, unibersidad,
organisasyong pangwika at pangkultura ang lumahok.
 Kasama sa mga tagapagsalita sa nasabing forum si Dr. Bienvenido
Lumbera, “Pambansang alagad ng sining”.
 CHED Memorandum Order (CMO) No. 20, Series of 2013- nagtangka na
alisin ang mga asignaturang Filipino at Panitikan sa Kolehiyo, para diumano’y
mabawasan at mas mapagaan ang kurikulum sa kolehiyo.
 Malaki at makabuluhan ang papel ng Tanggol Wika sa pagtataguyod ng
asignaturang Filipino at Panitikan sa kolehiyo, bagay na lubhang mahalaga sa
pagtataguyod ng wikang pambansa sa mas mataas na antas ng edukasyon.

Maikling Kasaysayan ng Adbokasiya ng Tanggol Wika

 2011- kumakalat na ang plano ng gobyerno kaugnay ng pagbabawas ng mga
asignatura sa kolehiyo.
 Oktubre 3, 2012- sinimulan ng mga instruktor ng Filipino sa Kolehiyo ang
pagpapalaganap ng petisyon na humihiling sa CHED at DepEd na ipahinto
ang implementasyon ang Senior High School/ Junior College at ng Revised
General Education Curriculum (RGEC) sa ilalim ng Kto12 na maaring
makapagpalit o tuluyang lumusaw sa mga Departamento ng Filipino sa mga
unibersidad.
 Inilabas noong Disyembre 7, 2012 ng Departamento ng Filipino ng DLSU
ang “Posisyong Papel para sa Bagong CHED Curriculum” na may pamagat
na “Isulong ang Ating Wikang Pambansang Filipino, Itaguyod ang

4
Kontesktwalisadong Komunikasyon sa Filipino (GE10)

Konstitusyunal na Karapatan ng Filipino, Ituro sa Kolehiyo ang Filipino bilang

Larangan at Asignaturang may Mataas na Antas.” Ang may akda ng nasabing
posisyong papel ay si Prop. Ramilito Correa, ang noo’y pangalawang
tagapangulo ng Departamento ng Filipino ng DLSU.
 Noon pa man ay binibigyang-diin na ng mga maka-Kto12 na babawasan ang
mga asignatura sa kolehiyo at ililipat ang mga ito sa senior highschool.
 Noong Hunyo 28, 2013- inilabas ng CHED ang CMO No. 20, Series of 2013
na nagtakda ng core courses sa bagong kurikulum sa antas tersyarya sa
ilalim ng K to 12.
 Ang dating balita ay kumpirmado na: walang Filipino sa planong kurikulum
ng CHED sa ilalim ng K to 12.
 Sa udyok nina Dr. Fanny Garcia at Dr. Maria Lucille Roxas mga batikan at
premyadong manunulat na kapwa faculty ng DLSU ay gumawa ang may-akda
ng panibagong liham petisyon na naka-address sa CHED at may petsang
Marso 3, 2014.
 Sa pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang kolehiyo at unibersidad ay mayroong
humigit-kumulang 200 na pirma agad ang natipon. Dinala sa CHED ang
nasabing liham-petisyon.
 Noong Hunyo 2, 2014 sa inisyatiba ni Dr. Antonio Contreras ng DLSU ay
nakipagdiyalogo sa 2 komisyuner ng CHED na personal niyang kakilala.
Kalahok sa diyalogo kina CHED Commissioner Alex Brillantes at
Commissioner Cynthia Bautista ang mga propesor ng DLSU, ADMU, UPD,
UST, MC at Marinduque State University.
 Napagkasunduan sa diyalogo na muling sumulat sa CHED ang mga guro.
 Nagpadala ng liham sa CHED noong Hunyo 16, 2014.
 Dr. Rowell Madula- vice-chair noon ng Departamento ng Filipino sa DLSU at
pangulo ng Alliance of Concerned Teachers (ACT)-Private Schools.
 ang nakaisip ng pangalan ng Alyansa.
 Malaki ang papel ng ACT sa mabilis na pagpapalawak ng Tanggol
Wika sa akademya at lagpas pa.
 Noong Hulyo 4, 2014- nagpatawag ng konsultasyon ang CHED dahil sa
demand ng Tanggol Wika. Simula lamang iyon ng napakarami pang
pakikipagtunggali ng Tanggol Wika sa diyalogo sa mga opisyal ng CHED na
noo’y hindi pa kumbinsido sa pangangailangang mapanatili ang Filipino at
Panitikan sa kolehiyo.
 Mula 2014 hanggang kasalukuyan, sunod-sunod ang mga forum at
asembliya, diyalogo at kilos-protesta ng Tanggol Wika sa buong bansa.
 Noong Abril 15, 2015- nagsampa ng kaso sa Korte Suprema ang Tanggol
Wika sa pangunguna ni Dr. Bienvenido Lumbera.
 Ang 45 pahinang petisyon ay nakasulat sa Filipino. (ang kauna-unahang
buong petisyon na nakasulat sa wikang pambansa)
 Halos isang linggo pagkatapos ng pagsasampa ng kasong ito ay kinatigan
ng Korte Suprema ang Tanggol Wika sa pamamagitan ng paglabas ng
temporary restraining order (TRO) na may petsang Abril 21, 2015.

5
Kontesktwalisadong Komunikasyon sa Filipino (GE10)

Mga Posisyong Papel Hinggil sa Filipino at Panitikan sa Kolehiyo

Isa sa pinakaunang posisyong papel na nagtataguyod sa pagpapanatili ng
Filipino at Panitikan sa kolehiyo ang resolusyon ng humigit-kumulang 200 delegado
sa isang Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino
(PSLLF) noong Mayo 31, 2013, sa ilalim ng pamumuno ni Dr. Aurora Batnag,
dating director sa Komisyon sa Wikang Filipino (KWF), Pinamagatang “PAGTIYAK
SA KATAYUANG AKADEMIKO NG FILIPINO BILANG ASIGNATURA SA ANTAS
TERSYARYA” ang nasabing resolusyon na inilakip ng PSLLF sa isang posisyong
papel na isinumite sa CHED noong 2014.
Ang resolusyon na ito na pangunahing inakda ni Dr. Lakandupil Garcia
(noo’y isa sa mga opisyal ng PSLLF) ay ekspresyon ng kolektibong reaksyon ng
mga guro sa patuloy na pagkalat ng balita na wala na sa bagong kurikulum ng
kolehiyo (na noon ay inihahanda pa lamang ng CHED) ang asignaturang Filipino.
Pangunahing nilalaman ng nasabing resolusyon ang paggiit ng mga guro na hindi
dapat patayin ang asignaturang Filipino sapagkat “sa antas tersyarya
nagaganap at lubhang nalilinang ang intelektwalisasyon ng Filipino sa
pamamagitan ng pananaliksik, malikhaing pagsulat, pagsasalin, pagsasalitang
madla at kaalamang pangmidya.
Inilahad din ng PSLLF ang argumentong maka-Filipino sa konteksto ng
globalisasyon sa isang bukod na posisyong papel na inilabas noong 2014. Ayon sa
PSLLF, sa panahon ng patuloy na globalisasyon at ng napipintong Association of
Southeast Asian Nations (ASEAN) Integration, nararapat lamang na patibayin ng
mga Pilipino ang sariling wika at panitikan, upang makapag-ambag ang mga
ito sa proyekto ng global at rehiyonal na integrasyong sosyo-kultural.
Idinagdag din ng PSLLF ang ugnayan ng wikang pambansa at holistikong
paghubog sa mga mamamayang Pilipino: lagpas pa sa pag-aambag sa kultura ng
daigdig, ang pagtuturo ng wika at panitikang Filipino ay paggiit ng espasyo
para sa humanidad ng mga Pilipino. Ang ating wika at panitikan ay salamin at
tagapagpahayag n gating mga hinaing, kasawian, tagumpay, kasiyahan, hinanakit,
sama ng loob, pangarap, pag-asa at iba pang damdaming nagbibigay sa ting ng
lakas upang humakbang mula rito patungo sa dako pa roon ng hinaharap. “Ang
pagkakait ng espasyo para sa wika at panitkang Filipino ay pagkakait ng
espasyo para sa ating pagkatao at pagiging tao.”
Inilahad din ng PSLLF na”…ang pagtuturo sa wikang pambansa bilang
required na asignatura sa kolehiyo, bukod pa sa paggamit nito bilang pangunahing
wikang panturo ay ginagawa rin sa iba pang bansang nagpapatupad ng sistemang K
to 12 gaya ng Malaysia, Indonesia, at Estados Unidos.
Detalyado ring ipinaliwanag ng PSLLF ang historikal na paninindigan para sa
bilinggwalismong pabor sa wikang pambansa: Naninindigan ang aming
organisasyon na gamitin ang wikang Filipino bilang mandatory na wikang panturo sa
12 yunit sa bagong General Education Curriculum (GEC), bukod pa sa asignaturang
Rizal. Ang ganitong paninindigan ay alinsunod sa patakarang bilinggwal sa
edukasyon na ipinatupad sa pamamagitan ng Department Order No. 25, Series of
1974 ng Deparment of Education, Culture, and Sports (DECS) na hanggang ngayo’y
operatibo at may bias mula Baitang 4 hanggang antas tersyarya. Alinsunod sa
nasabing dokumento, ang wikang pambansa ang dapat maging wikang panturo sa
‘social studies/social sciences, music, arts, physical education, home economics,
practical arts and character education’. Katunayan, maraming asignatura sa
larangan ng agham panlipunan sa kolehiyo ang matagal nang itinuturo sa Filipino.

6
Kontesktwalisadong Komunikasyon sa Filipino (GE10)

Ang pagpapalawak sa paggamit ng Filipino bilang wikang panturo sa kolehiyo ay

alinsunod din sa Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Konstitusyong 1987….Hinggil
naman sa pagkakaroon ng asignaturang Filipino bilang mandatory core course sa
kolehiyo, sumusuporta kami sa pagkakaroon ng 9 yunit ng asignaturang Filipino na
may multi/interdisiplinaring disenyo.
Pinagtibay naman noong Mayo 23, 2014 ng National Commission on Culture
and the Arts-National Committee on Language and Translation/NCCA-NCLT
ang isang resolusyon na humihiling sa Commission on Higher Education (CHED), at
kongreso at senado ng republika ng Pilipinas, na agarang magsagawa ng mga
hakbang upang isama sa bagong General Education Curriculum (GEC) sa antas
tersiyarya ang mandatory na 9 yunit ng asignaturang Filipino.
Noong Hunyo 20, 2014 ay inilabas naman ng KWF ang “kapasiyahan ng
kalupunan ng mga komisyuner blg.14-26 serye ng 2014 na naglilinaw sa tindig
ng Komisyon sa wikang Filipino (KWF) hinggil sa Commission on Higher Education
(CHED) Memorandum Blg. 20, s. 2013.” Kagaya ng lupon ng mga komisyuner ng
NCCA ay tila nakatuon sa sitwasyon ng Filipino bilang wikang panturo ang
resolusyon ng mga komisyuner ng KWF na naggiit ng “pagtuturo ng siyam (9) nay
unit sa Wikang Filipino, na hindi pag-uulit lamang ng mga sabjek sa Filipino sa antas
sekundarya, kundi naglalayong magamit at maituro ang wika mula sa iba’t ibang
disiplina-na pagkilala sa Filipino bilang pintungan ng karunungan at hindi lamang
daluyan ng pagkatuto, at upang matiyak ang pagpapatuloy ng intelektuwalisasyon
ng Filipino” at pagtitiyak na “kalahati o apat (4) sa panukalang Core Courses, bukod
sa kursong Rizal na nakasaad sa Memorandum Order Blg. 20, s. 2013 ay ituro gamit
ang Wikang Filipino.”
Agosto 2014 naman nang ilathala ng Departamento ng Filipino ng De La
Salle University, Manila ang posisyong papel na pinamagatang “Pagtatanggol
sa wikang Filipino, tungkulin ng bawat Lasalyano.” Ipinakita ng nasabing
dokumento ang kahalagahan ng pagtataguyod sa wikang Filipino bilang batayan ng
pagpapalakas ng ugnayan ng akademya o mga unibersidad at ng sambayanang
Pilipino.
Naglabas din ng posisyong papel ang mga guro mula sa Ateneo de Manila
University, na pinamagatang “Ang paninindigan ng Kagawaran ng Filipino ng
Pamantasang Ateneo de Manila sa Suliraning Pangwikang Umuugat sa CHED
Memorandum Order No. 20, Series of 2013.” Binigyang-diin ng nasabing
dokumento na ang pagkakait ng espasyo sa Filipino ay pagkakait din ng espasyo
para sa iba pang wika ng bansa.
Ang Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas sa ilalim ng
Kolehiyo ng Arte at Literatura ng Unibersidad ng Pilipinas, Diliman ay naglabas
din ng posisyong papelsa isyung ito. Gaya ng posiyong papel ng DLSU, Manila,
binigyang-tuon din ng posisyong papel ng UP ang kahalagahan ng Filipino sa
komunikasyon panloob, bilang wikang “susi ng kaalamang bayan.” Ayon sa
nasabing posisyong papel, “nasa wika ang pagtatanyag ng kaalamang lokal—mga
kaalamang patuloy na hinubog at humuhubog sa bayan. Gawain ng mga guro sa
Filipino sa antas tersyarya ang sanayin ang mga mag-aaral na gamitin ang wikang
Filipino upang gawing kapaki-pakinabang ang napili nilang disiplina sa pang-araw-
araw na buhay ng mga mamamayan.
Inilathala rin ang iba’t ibang yunit at organisasyon sa Polytechnic University
of the Philippines, Manila ang “Paninindigan ng Kagawaran ng Filipinolohiya ng
Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP), Samahan ng mga Dalubguro sa
Filipino (SADAFIL), Samahan ng mga Batang Edukador ng Wikang Filipino at mga

7
Kontesktwalisadong Komunikasyon sa Filipino (GE10)

Sining sa Pilipinas PUP. Sentro sa Malikhaing Pagsulat at PUP Ugnayan ng Talino

at Kagalingan” noong 2014.
Malinaw rin sa iisang tinig ng mga taga PUP ang kahalagan ng wikang Filipino
bilang wika ng pakikipagtalastasan ng mga Pilipino, gaya ng inilahad nila sa
pangwakas ng kanilang posisyong papel: “Umiiral sa realidad ng Pilipinas na ang
Filipino ay wikang panlahat. Nandyan ito, umiiral at ginagamit sa araw-araw na
pakikipagtalastasan ng mga Pilipino.
Noong 2014 ay naglabas din ng posisyong papel sa isyung ito ang mga guro
mula sa Pambansang Sentro sa Edukasyong Pangguro, ang Philippine Normal
University. Na nagpapahayag na “isang moog na sandigan ang wikang Filipino
upang isalin ang hindi magmamaliw na karunungan na pakikinabangan ng mga
mamamayan para sa pambansang kapakanan.
Bukod sa mga nabanggit na paaralan ay marami pang mga unibersidad sa
buong bansa ang nagpapahayag ng pagsuporta sa adbokasiya ng Tanggol Wika,
gaya ng NTC, MSU-IIT, ang noo’y SBC-Manila, Technological University of the
Philippines (TUP)-Manila, De La Salle-Collegeof St. Benilde (DLS-CSB), Xavier
University at Pamantasang Lungsod ng Marikina (PLMar). Ang ilang organisasyong
pangkabataan gaya ng Dalubhasaan ng mga Umuusbong na Mag-aaral ng Araling
Filipino (DANUM), League of Filipino Students (LFS), at ang University Student
Government (USG) ng DLSU ay naglabas din ng kaniya-kaniyang mga posisyong
papel.

FILIPINO BILANG WIKA NG KOMUNIKASYON SA KOLEHIYO AT

MAS MATAAS NA ANTAS
 Filipino ang wikang magagamit sa paglinang at pagpapalaganap ng “isang
edukasyon na nagtataguyod ng kapakanan ng bansa, nagpapayaman ng
diwang mapagtanong at mapanlikha at umuugat sa buhay at pakikipagbaka
ng nakararami” -Lumbera, 2007
“ang ating Wikang Pambansa, walang kaduda-duda, ay isang makabuluhang
pangkulturang muhon para sa pambansang pagkakakilanlan.” – Dr. Wilfredo
V. Villacorta
 “Kung susuriing mabuti, hindi lamang sa dimensiyong kultural mahalaga ang
wikang Filipino, kundi maging sa aspektong ekonomiko rin.” –San Juan
(2014)
 “Malayo na ang narating ng wikang pambansa dahil na rin sa pagiging bahagi
nito ng kurikulum sa lahat ng antas ng edukasyon. Ginamit na ito sa Luzon,
Visayas at Mindanao.” –Ayon sa pamphlet ng KWF na inihanda ni Almario
(2014)
 Maituturing na “wika ng bayan” o lingua franca at ginagamit na wika ng
komunikasyon ng sinumang dalawang Filipino na may magkaibang wikang
katutubo at nais mag-usap.
 Ang wikang pambansa ay wikang Filipino na ang nukleyo ay ang wikang
Pilipino, sa pasubaling ito/y patuloy na lilinangin salig sa umiiral na mga
katutubong wika sa Pilipinas at handa ring humiram ng mga salitang banyaga.
Sa pagpapalit ng pangalan mula “Pilipino” tungong “Filipino” ganap na

8
Kontesktwalisadong Komunikasyon sa Filipino (GE10)

napatahimik na ang protesta ng mga rehiyunalista. Hindi simpleng pagpapalit

ng titik ang nangyari: testamento ito na ang wikang pambansa ay hindi na
lamang sa tagalog nakasandig, sapagkat wala namang “F” sa Abakadang
Tagalog. Ang pagbabanyuhay ng Pilipino na naging “Filipino” ay pagyakap ng
wikang banyaga. Ang wikang Filipino’y sumusulong na rin bilang aktuwal na
wikang opisyal ng Pilipinas. Upang lalong pasiglahin ang paggamit ng Filipino
sa mga opisyal na transaksyon, komunikasyon at korespondensya ng
gobyerno, nilagdaan ni dating Pangulong Corazon C. Aquino ang
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 noong Agosto 25, 1988. Lalo ring
pinatibay ng administrasyong Aquino ang patakarang bilingguwalismo sa
edukasyon sa pamamagitan ng Kautusang Pangkagawaran Bilang 53,
serye 1987.
 Malalaking tagumpay at pagsulong din ang kinamtan ng wikang Filipino sa
mass media.
 Ang adbokasiya ng Tanggol Wika sa bansa ay magtitiyak na ang nasimulan
na ay maipagpapatuloy at lalo pang mapauunlad tungo sa ganap na paggamit
ng Filipino bilang wika ng komunikasyon sa iba’t ibang antas at larangan.

9
Kontesktwalisadong Komunikasyon sa Filipino (GE10)

Pangalan: Petsa:
Kurso/Taon/Seksyon: Marka:

GAWAIN BLG. 1 PAGSASANAY

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Sang-ayon ka ba na tanggalin ang asignaturang Filipino at Panitikan sa

Kolehiyo? Bakit? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________

__________________________________________________________________

2. Paano naapektuhan ng Kto12 ang kurikulum ng Filipino at Panitikan?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________

3. Bakit maituturing na makasaysayan ang adbokasiya ng Tanggol Wika sa

pagtataguyod ng wikang Filipino bilang asignatura at bilang wikang
panturo?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_________________________________________________________________

4. Paano ipinaliwanag ng mga posisyong papel ang kani-kanilang adbokasiya

hinggil sa wikang pambansa at sariling panitikan?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

5. Sa pangkalahatan, bakit kapwa mahalaga ang Filipino bilang asignatura at

Filipino bilang wikang panturo?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

10
Kontesktwalisadong Komunikasyon sa Filipino (GE10)

Pangalan: Petsa:
Kurso/Taon/Seksyon: Marka:

GAWAIN BLG. 2
Bigyan ng kahulugan ang mga sumusunod na makabuluhang salita:

1. Tanggol Wika
______________________________________________________________

2. CHED Memorandum Order (CMO) No. 20, Series of 2013

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

3. Opisyal na Wika

4. Wikang Filipino

5. Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF)

______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

11
Kontesktwalisadong Komunikasyon sa Filipino (GE10)

Pangalan: Petsa:
Kurso/Taon/Seksyon: Marka:

GAWAIN BLG. 3
Isulat sa kahon ang pagkakasunod-sunod ng mahahalagang pangyayari batay sa
maikling kasaysayan ng adbokasiya ng Tanggol Wika.

12
Kontesktwalisadong Komunikasyon sa Filipino (GE10)

PAGTATAYA

Pagsulat ng Argumentatibong Sanaysay

Kinatawan ka ng iyong kolehiyo o unibersidad sa isang pambansang
patimpalak sa pagsulat ng argumentatibong sanaysay. Susulat ka ng sanaysay na
hindi hihigit sa 500 salita at nakaangkla sa temang “Mula Noon Hanggang
Ngayon: Wikang Sarili Ang Wikang Tulay sa Mabisang Pagkakaunawaan ng
mga Mamamayan sa Ating Arkipelago.” Ang iyong sanaysay ay dapat na may
angkop na pamagat, pumapaksa sa temang ibinigay, wasto ang pagbabaybay ng
mga salita at gramatika, malinaw ang paraan ng pagpapahayag, at naglalahad ng
mga makabuluhang argumento na nakabatay sa iba’t ibang sanggunian. Maaring
gamiting sanggunian ang mga tinalakay na teksto sa araling ito, gayundin ang
antolohiyang “Isang sariling wikang pambansa: mga babasahin sa kasaysayan ng
Filipino” na inilabas ng KWF (2015).

Rubriks sa Pagsulat ng Argumentatibong Sanaysay

Pamantayan Napakahusay Mahusay Di-gaanong Di-mahusay Marka

Mahusay
Paksa/Nilalaman Nakaangkla sa Nakaangkla sa Nakaangkla sa Hindi
(60%) ibinigay na tema ibinigay na tema ibinigay na tema nakaangkla
ang buong ang malaking ang ilang bahagi sa ibinigay
sanaysay. bahagi ng ng sanaysay. na tema ang
(60) sanaysay. (30-49) buong
(50-59) sanaysay.
(0-29)
Kabuluhan at Bigat Makabuluhan at Makabuluhan at Makabuluhan at Hindi
ng Mga may bigat ang may bigat ang may bigat ang makabuluha
Argumento mga argumento mga argumento mga argumento n at walang
(20%) sa buong sa malaking sa ilang bahagi bigat ang
sanaysay. bahagi ng ng sanaysay. mga
(20) sanaysay. (8-13) argumento
(14-19) sa buong
sanaysay.
(0-7)
Kawastuhan ng Walang mali sa May ilang mali Marami-raming Napakarami
baybay at pagbabaybay ng sa pagbabaybay mali sa ng mali sa
gramatika mga salita at sa ng mga salita at pagbabaybay ng pagbabayba
(20%) gramatika ang sa gramatika mga salita at sa y ng mga
buong sanaysay. ang buong gramatika ang salita at
(20) sanaysay. buong sanaysay. gramatika
(14-19) (8-13) ang buong
sanaysay
(0-7)
Kabuuan

13
Kontesktwalisadong Komunikasyon sa Filipino (GE10)

Pangalan: Petsa:
Kurso/Taon/Seksyon: Marka:

Panuto: Gamitin ang espasyo sa ibaba para sa pagsulat ng argumentatibong

14

15

PAGPAPAHALAGA

Ang makasaysayang adbokasiya ng Tanggol Wika ay adbokasiyang

dapat panghawakan at itaguyod ng bawat Pilipino sapagkat ito’y nagpapatibay sa
bisa ng wikang pambansa bilang wika ng komunikasyon. Sa pamamagitan ng
pagkakaroon ng iisang wika sa pambansang diskurso, lalong mapaglalapit-lapit ang
damdamin, mga pangarap, hinaing ng mga mamamayang Pilipino sa buong
arkipelago tungo sa patuloy na paglinang sa wika at kulturang sariling atin, sa
panahong nanganganib mabura ang mga lokal at pambansang identidad dahil sa
mapangwasak na daluyong ng globalisasyong pinangingibabawan ng iilang
makapangyarihang bansang karamihan ay nasa Kanluran.

Pagsulat ng Journal

Sa iyong palagay, bakit mahalaga ang wikang pambansa sa paghubog ng

kamalayang Pilipino? Paano nakatutulong ang wikang Filipino sa
pagpapaunlad ng bansa?

16
Kontesktwalisadong Komunikasyon sa Filipino (GE10)

______________________________________________________________
_____________________________________________________________

MGA SANGGUNIAN

San Juan, D. et al. (2018). Ugnayan kontekstwalisadong komunikasyon sa Filipino. (Teksbuk

sa bagong asignaturang Filipino sa kolehiyo) Malabon City: Mutya Publishing
House, Inc.

Twamkittens. (2014, July 19). Sulong Wikang Filipino (Bienvenido Lumbera).Retrieved

from https://m.youtube.com/watch?v=sLJsYViUzGQ.

Zapico, M.M. et al. (2018). Kontekstwalisadong komunikasyon sa Filipino:sanayang aklat sa

antas tersaryo. Malabon City: Jimczyvill Publications.

17

You might also like