You are on page 1of 2

Pangalan: Joenard Cabael

Kurso: BSED FILIPINO 2


Pag-unawa sa paksa
1. Anu-ano ang mga paraan sa pagsasalin? Ipaliwanag ang bawat isa.
 Salita-sa-salita- Maaaring gamitin ang naturang paraan sa pagsisimula ng
gawaing pagsasalin, sa prosesong tinutuklas ng tagasalin ang kahulugan ng
orihinal ngunit hindi dito nagtatapos ang pagsasalin.
 Literal- Sa ganitong paraan ng pagsasalin, isinasalin ang mensahe mula sa
orihinal na wika tungo sa target na wika sa pinakamalapit na natural na katumbas
na nagbibigay halaga sa gramatikal na aspekto ng tumatanggap na wika.
 Adaptasyon- Sa paraang ito, tila isinasantabi ng tagasalin ang orihinal. Ginagamit
lamang niya ang orihinal bilang simulain at mula roon ay papalaot upang
makabuo ng bagong akda.
 Malaya- Inilalagay ng tagasalin sakanyang kamay ang ang pagpapasya kung
paano isasalin ang mga bahagi ng isang teksto na maituturing na may kahirapan.
 Matapat- Sa pamamaraang ito ay ginagamit ng isang tagasalin ang lahat ng
kanyang kakayahan upang manatiling tapat sa mensahe ng orihinal sa paraang
tanggap sa bagong wika.
 Idyomatiko- Ang kakayahan ng isang tagasalin na unawain ang kalaliman ng
wika ng orihinal at hanapin ang katumabas nito sa target na wika ang
nangingibabaw.
 Semantiko at komunikatibong salin- Pinangingibabaw ng tagasalin ang
pagiging katanggap-tanggap ng salin sa mga bagong mambabasa sa pamamagitan
ng pagtiyak na natural sa pandinig at paningin nila ang salin at hindi ito
lumalabag sa pinaniniwalaang katanggap-tanggap.
- Hindi lamang nagiging tapat sa pagpapakuhulugan ang tagasalin, ngunit
maging sa konteksto ng mensahe at nailipat niya ito sa paraang madaling
tanggapin ng bagong mambabasa dahil sa ginagamit na wika ay yaong
karaniwan at payak.
2. Sa anong paraan nagkakaiba ang semantiko at ang komunikatibong salin? Ipaliwanag sa
sariling pangungusap.
- Nagkakaiba ito sa maraming paraan gaya na lamang ng ang semantiko ay
hinuhuli ang nasa isip ng awtor samantalang hinuhuli naman komunitibong
salin ang intension ng awtor.

3. Sa iyong palagay, alin sa mga paraan ang pinaka angkop para sa pagsasaling
pampaaralan? Bakit? Paliwanag ang iyong sagot.
- Para sa akin ang pinaka ankop ay ang paraang MATAPAT dahil sinisikap
ibigay ang eksaktong kahulugan ng orihinal habang sinusundan naman ang
estrakturang gramatikal ng SL.

4. Paano pipili ng paraan ang tagasalin? Anu-ano ang mga dapat niyang isaalang-alang?\
- Pipili sya depende sa kung anong paksa ng kanyang isasalin at kung ano ang
pinakamabisang paraan kung pano nya ito isasalin. Dapat nyang isaalang
alang ang Kaalaman sa paksa, Mga kasanayan sa saliksik, kasanayan sa
pagtuturo, at Mga kasanayan sa pagsulat.

You might also like