You are on page 1of 2

Ang Pag-aaral ko ng asignaturang Sanaysay at Talumpati: Byahe

Tunay nga na ang kaalaman ay walang katumbas na kahit ano. Sa aking pag-aaral sa
asignaturang sanaysay at talumpati ako ay maraming na-diskubre at natutunan. Akala ko sa mga
lugar lang magandang mamasyal ngunit pwede rin pala sa asignatura ng Sanaysay at Talumpati.
Kung iisipin madali lamang para sa iba ang malaman kung ano nga ba ang sanaysay at talumpati,
kung saan at papaano ito gagamitin. Ngunit ngayon, aking napagtanto na may iba’t ibang pasyalan
pa pala ang sanaysay at talumpati na kay sarap libutin at tanawin. Mahahalintulad ko ang aking
pag-aaral sa sanaysay at talumpati na isang byahe. Maraming madadadaan at patutunguhan, tila ba
pasyalan ito ng aming asignatura. Maraming pagsubok man ang dumaan ngunit patuloy pa rin sa
pag-andar upang mapuntahan ang dapat tunguhan. Hindi maiiwasan ang pagka-plat ng sasakyan,
hihinto ng saglit at magpapatuloy muli. Maubusan ng gasolina o oras patuloy pa rin sa pag-aaral
kahit sa labas. Sa aking byahe nadaanan namin ang sanaysay at talumpati. Ito ay lugar na makikita
ang iba’t ibang pamaaraan ng paggamit nito, ang kanyang uri at estruktura. Para itong magandang
pasyalan na may magagandang tanawin. Sa pag byahe hindi maiiwasan ang trapik gaya na rin sa
pag-aaral ng sanaysay at talumpati. Trapiko na pumigil sa amin panandalian. May mga
komplikadong pamamaraan kung kaya’t kami ay huminto ngunit patuloy pa rin ang byahe ng
aming pag-aaral. Sa pagbyahe ng aming pag-aaral kami man ay huminto panandalian ay patuloy
pa rin ang pagmamaneho upang mapuntahan ang nais na patunguhan. Ang magagandang tanawin
o ating masasabing magagandang uri at pamaraan ng sanaysay at talumpati ay siyang nagging
tulay upang kami ay maging interesado at mamangha sa magandang estruktura ng sanaysay at
talumpati. May iba’t ibang ruta ang aming byahe. Ruta na tama at rutang mali. Alam naman natin
na walang perpektong tao at may iba’t ibang opinion sa pagkakaintindi ng aralin kung kaya’t hindi
maiiwasan na mapunta ang iba sa ibang ruta. Pu-pwede silang mapunta sa tamang ruta o sa maling
ruta. Magkaiba man ang ruta ay iisa pa rin ang hangad, iyon ay mapag-aralan ng maagham ang
sanaysay at talumpati nang sa gayon ay magkaroon ng magandang resulta na siyang magagamit sa
aming pang araw-araw na pamumuhay bilang isang mag-aaral ng sanaysay at talumpati. Ang
byahe ng sanaysay at talumpati ay byaheng nakapagbigay kaalaman bilang isang mag-aaral. Hindi
man naging perpekto o sumang-ayon sa daloy ang pagtuturo ng sanaysay at talumpati naging mas
makabuluhan naman ang aming paglalakbay. Sa katotohan, malaki ang nagging tulong ng pag-
aaral na ito sapagkat nadagdagan ang aking kaalaman. Ang pagkakaroon ng matibay at mataas na
kaalaman sa larangan na ito ay isang saligang magagamit sa kinabukasan. Bagamat hindi pa man
ganoon kalawak ang aking kaalaman sa aspektong ito ay maipagyayaman ko pa ito sa susunod
pang pag-aaral.

You might also like