You are on page 1of 36

Proyekto sa mga Anyo

ng Kontemporaryong
Panitikang Pilipino
(Midterm)

Ipinasa nina: Ipinasa kay:


July ann S. Delgado BEED 3 Gng. Virginia Echanojaurique
Joshua L. Galido BEED 3
Abegail A. Grijaldo BEED 3
Rhylen S. Villamor BEED 3

1
Mga Akdang
Pampanitikan
sa Ibat-ibang
Rehiyon
2
Talaan ng Nilalaman

Pamagat Pahina
Panguna 1
Pamagat 2
Talaan ng Nilalaman 3-4
Kaligirang kasaysayan ng Hiligaynon 5
Mga akdang Pampanitikan sa Hilagaynon 5-6
-Si Pinkaw 7
- labaw Donggon 8
-Sa kamingaw sa kagab-ihon
Kaligirang kasaysayan ng Cebuano 10-11
Mga akdang Pampanitikan sa Cebuano: 11
- Ang kwento ni Maria Kakaw 12
- Maragtas 13
-Paalam sa Pagkabata 13-15
Kaligiramg kasaysayan ng mga Tagalog 15
Mga akdang Pampanitikan sa Tagalog: 15-17
- Alamat ng Bundok Pinatubo 17
- Alamat ng Unang Bababe at Lalaki 18
-Juan Tamad 18-20
-Mariang Makiling
-Gubat na mapanglaw 20-21

Kaligirang kasaysayn ng Bikol 21


Mga akdang Pampanitikan ng Bikol: 22

3
- Alamat ng Bulkang Mayon 22-23
- Ibalon 23-24
Kaligirang kasaysayan ng mga Ilokano 24-25
Mga akdang Pampanitikan sa Ilokano: 25
- Biag ni Lam- ang 25-26
-Si haring Tamaraw atsi Daga 27
Kaligirang kasaysayan ng Kapampangan 27-28
Mga Akdang Pampanitikan ng mga Kapampangan: 28
- Alamat ng Bundiok Arayat 29
- Atin Cupong Singsing 29-30
Kaligirang kasaysayan ng Pangasinan 30
Mga akdang Pamopanitikan sa Pnagasinan: 30-31
- Alamat ng Isandaaang pulo 31-32
- Nyebeng Itim 32-33
Kaligirang kasaysayan ng mga Muslim 33
Mga akdang Pampanitikan ng Muslim: 34
- BAntugan 34-35
- Bidsari 35-36

4
Kaligirang Kasaysayan ng Hiligaynon

Ang Wikang Hiligaynon ay tumutukoy sa wika at kultura na may kaugnayan sa Negros


Occidental, Bacolod, Iloilo at Capiz. Kilala rin sa tawag na Wikang Ilonggo. Ginagamit rin ito sa
mga grupo ng isla sa Panay, at probinsiya na rin tulad ng Capiz, Antique, Aklan, Guimaras, at
mga parte ng Mindanao tulad ng Koronadal, Timog Cotabato, Sultan Kudarat at gayundin ang
malalaking parte ng Hilagang Cotabato. Meron itong mahigit 7,000,000 katao sa loob at maging
sa labas ng Pilipinas na bihasa sa wikang Hiligaynon, at ang karagdagang 4,000,000 katao
naman na marunong nito at karagdagan lang sa kanilang lingua franca. Kabilang ito sa pamilya
ng Wikang Bisaya na kung saan ay kabilang din ito sa mga pangunahing diyalekto ng Pilipinas.
Maraming salitang Kastila sa Hiligaynon, mas marami kaysa Tagalog, bagaman sa
kolokyal na pananalita madalas gamitin sa Tagalog ang mga salitang Kastila.
Kadalasang "Ilonggo" ang tawag sa Wikang Hiligaynon sa Iloilo at Negros Occidental.
Kung tutuusin, ang Ilonggo ay isang pangkat ng ethnolinggwistiko na tumutukoy sa mga
mamamayan ng Iloilo at gayundin ang kulturang Hiligaynon. Ang pagitan ng diyalektong
Ilonggo at ang katawagang Hiligaynon ay hindi matukoy sa kadahilangang maaaring ang isa ay
pwedeng tumukoy sa wika at ang isa naman ay sa tao.
Ang Hiligaynon ay maraming hiram na salita mula sa wikang Espanyol mula sa mga
pangngalan (hal., santo mula sa santo), pantukoy (hal., berde mula sa verde, luntian), pang-ukol
(e.g., antes mula sa antes, bago), at pangatnig (hal. pero mula sa pero). Gayumpaman, marami pa
ring wikang Espanyol ang hiniram ng wikang Hiligaynon tulad ng barko (barco), sapatos
(zapatos), kutsilyo (cuchillo), kutsara (cuchara), tenedor, plato (plato), kamiseta (camiseta), and
kambiyo (cambio).

Panitikan sa Hiligaynon

URI PAMAGAT PAKSAIN ARAL REPLEKSYON


- Kahit ano ang - Sa maikling
Maikling Si Pinkaw Teoryang ating katayuan kwentong "Si
kwento humanismo. natin sa lipunan ay Pinkaw" ipinakita
magpakumbaba kung gaano kalupit
tayo at huwag tayo ang ating lipunan.
umasa sa tulong ng Pinapakita sa
iba dahil mayroon kwento na talagang
tayong sariling may

5
katawan an kayang diskriminasyong
gumawa para sa nangyayari sa
atin. pagitan ng
mahihirap at
mayayaman. Kung
ang mga mahihirap
ang
nangangailangan ay
hindi agad ito
tinutugunan ng ating
pamahalaan, pero
kung ang mga
mayayaman ang
nangangailangan ng
tulong ay
nagkukumahog ang
mga nasa posisyon.
Ipinapakita rin sa
kwento na talagang
kulang ang
ginagawang
solusyon ng
pamahalaan upang
masugpo ang
kahirapan na siyang
pangunahing
problema ng ating
lipunan.

Sa Kamingaw Tungkol sa Hindi lahat ng pag Masarap ng


TULA sa Kagab-ihon nasirang ibig ay dapat magmahal pero
pagmamahalan ipaglaban, kung gaano kalalim
bumitaw kung ang pagmamahal ay
kailangan at kung ganon din kalalim
ito’y di na ang sugat kapag
nakakapagpasaya nasira ito.
sayo
Epiko Labaw Tungkol sa Huwag tayong Maraming tao ang
Donggon pag-ibig ng magpakampante sa hindi makontento sa
isang lalaki sa sarili nating kung anong meron
maraming kapangyarihan o sila minsan ito pa
babae. kakayahan, dahil ang dadala sa iyo sa
hindi sa lahat ng kapahamakan.
oras ikaw ang
mananalo.

6
Si Pinkaw (Buod)
Mahirap ang pamumuhay ni Pinkaw at kaniyang tatlong anak. Tanging pamamasura
lamang ang ikinabubuhay nila. Gayunman, positibo pa rin ang pananaw ni Pinkaw sa buhay.
Masaya siyang nangangalakal.

Ang mga bagay na mapakikinabangan ay iniuuwi pa rin niya sa kanila. Sa basurahan na rin siya
minsan kumukuha ng kanilang pagkain.

Si Poray ang panganay ni Pinkaw na labis sa pagkapayat. Si Basing naman ang ikalawa na isang
bungal. Si Takoy naman ang bunso na pinakagwapo sa lahat.

Dahil sa iba-ibang hitsura ng mga anak niya, nababalitang iba-iba raw ang ama ng mga anak
niya. Hindi naman ito pinapansin ni Pinkaw.

Minsan, nakapag-uwi si Pinkaw ng sardinas sa kanilang bahay na napulot sa basurahan. Pinakain


niya ito sa kanyang mga anak. Dahil hindi na bago ang sardinas, sumakit ang tiyan ng tatlong
anak.

Isinakay niya ang mga ito sa kanyang kariton upang isugod sa pagamutan. Binawian ng buhay
ang isa niyang anak habang papunta sa ospital.

Nang makarating sa pagamutan, hindi sila inasikaso agad at inuna ang mapepera. Dahil dito,
kinabukasan ay binawian din ng buhay ang dalawa pang anak.

Dahil sa pangyayari ay nawala sa katinuan ni Pinkaw. Hindi niya kinaya ang sinapit ng mga
anak. Madalas na lamang makita si Pinkaw na palakad-lakads sa kalsada at nagiging tampulan
ng tukso.

7
Labaw Donggon
(Epikong Bisaya)

Labaw Donggon ay anak ni Anggoy Alunsina at Buyung Paubari. Siya ay napakakisig na lalaki
na umibig kay Abyang Ginbitinan. Binigyan niya ng maraming regalo ang ina ni Abyang
Ginbitinan na si Anggoy Matang-ayon upang pumayag lamang na makasal ang dalawa. Inimbita
niya ang buong bayan sa kanilang kasal. At hindi nagtagal ay umibig siyang muli sa isang
magandang babae na nagngangalang Anggoy Doronoon. Niligawan niya ito at hindi nagtagal ay
nagpakasal.

At muli ay umibig si Labaw sa isa pang babae na nagngangalang Nagmalitong Yawa


Sinagmaling Diwata. Ngunit ang babae ay nakasal na kay Buyung Saragnayan na katulad niya
na may kapangyarihan din.
Patayin mo muna ako bago mo makuha ang aking asawa, sabi ni Buyung Saragnayan sa kanya.

Handa akong kalabanin ka, sagot ni Labaw kay Saragnayan.

Naglaban sila ng maraming taon gamit ang kanilang mga kapangyarihan ngunit hindi mapatay ni
Labaw si Saragnayan. Mas malakas ang kapangyarihan ni Saragnayan kaysa kay Labaw.

Natalo si Labaw at siya ay itinali at ikinulong sa kulungan ng baboy ni Saragnayan. Samantala


ang kanyang mga asawa na si Abyang Ginbitinan at Anggoy Doronoon ay nanganak sa kanilang
panganay. Tinawag ni Abyang ang kanyang anak na Asu Mangga at si Anggoy Doronoon na
Buyung Baranugun. Gustong makita si Labaw ng kaniyang dalawang anak at nagpasya na
hanapin siya. Sa tulong ng bolang kristal ni Buyung Barunugun ay nalaman nlla na bihag siya ni
Saragnayan. Ang dalawang magkapatid ay nagtagumpay sa pagpapalaya sa kanilang ama na
napakatanda na at ang kanyang katawan ay nababalutan na ng mahabang buhok.

Kailangan nyo munang malaman ang sikreto ng kapangyarihan ni Saragnayan bago ninyo siya
labanan! sabi ni Labaw sa kanyang dalawang anak.

Opo ama, sagot ni Baranugun. Ipapadala ko sina Taghuy at Duwindi kay Abyang Alunsini
upang itanong ang sikreto ng kapangyarihan ni Saragnayan.

Nalaman ni Baranugun kay Abyang na ang hininga ni Saragnayan ay itinatago at


pinangangalagaan ng isang baboy ramo sa kabundukan. Siya at si Asu Mangga ay nagtungo sa
kabundukan upang patayin ang baboy ramo. Kinain nila ang puso nito na siyang buhay ni
Saragnayan.

Biglang nanghina si Saragnayan. Alam niya kung ano ang nangyari. Nagpaalam na siya kay
Nagmalitong Yawa. Handa na siyang upang kalabanin ang dalawang anak ni Labaw. Si

8
Baranugun lamang ang humarap sa kanya sa isang madugong laban. Napatay siya ni Baranugun
sa isang mano-manong laban. Pagkatapos ng labanan ay hinanap nila ang kanilang ama. Nakita
nila na siya ay nakasilid sa lambat ni Saragnayan. Natakot sila sa mga kapatid ni Saragnayan.
Pinatay silang lahat ni Baranugun at pinalaya si Labaw sa lambat.

Sa Kamingaw sa Kagab-ihon

Sa kamingaw sa kagabhion,

og sa dughang ga maoy,

naa ko dinhi

naghuna-huna sa kagahapon

ang mga katawa

na atong kinaon sa dugay na panahon,

imong gi suka sa kadali na panahon,

Imong luha og akong luha

tagsa tagsa nato gikuha,

og gipulihan sa matam-is na katawa,

sa kadaghan na sala na imo gi buhat

naa gyapon ko permi ga hulat,

pero sama sa dahon,

deli ko permi mo kapot

kay sa kadugay sa panahon

9
akong gugma malaya,

sama sa dahon,

ang katam-is sa kagahapon

maoy ka pait sa kaugmaon.

Kaligirang Kasaysayan ng Cebuano

ANG BUHAY AT PANITIKAN NG CEBUANO
 Hindi lamang kilala ang Cebu sa kanilang otap, dried mango, daing nadainggit atdekaledad
na gitara. Kilala rin ang lugar na ito sa kanilangmakulay na kasaysayan at magingsa kanilang
mayamang panitikan.Ang Cebu angisa sa pinakamatandang lungsod sa Pilipinas. Sa Cebu
unangumusbongang relihiyong Kristiyanismo. Itinatag ito ng kilalang manlalakbay na si Miguel
Lopez deLegazpi. Ayon sa mga alamat at kuwentotungkol sa kasaysayan ng Cebu, nagsimula
angbinyagan para magingKristiyano ilang araw matapos matuklasan ni Ferdinand Magellan,
isapangtanyag na Kastilang mananakop, ang lalawigan. Si Rajah Humabon,
pinunong Cebunoong mga panahong iyon, kasama ang kanyang asawa at ilanpang mga kalugar,
ay ilanlamang sa mga kauna-unahang Pilipino na buong-
pusong yumakap sa sa relihiyongKristiyanismo. Dahil dito, tinagurian
ang bayang ito sa Visayas bilang ‘Lungsod ng Kabanal
-banalang Pangalan ni
Hesus’ at nagsilbing kabisera ng kolonya ng mga Kastila sa loob ng animna taon,
bago pa man itanghal ang Maynila na kabisera noong 1571.Sa kasalukuyan, angCebu ay
tinaguriang
“Queen City of the South
 
” dahil ito ang sentrong kalakalan, edukasyon at kultura ng rehiyon ng Visayas at
Mindanao. Tanyag din ang Cebusa larangan ng turismo dahil sa taglay nitong naturalna
ganda.Kung gaano kayaman ang kanilang kasaysayan at lugar ay
ganoondin ang kanilangpanitikan. Dahil sa makulay nitong nakaraan, mayaman ang Cebu

10
sa iba’t ibang uri
 ng panitikanna nasusulat sa dalawang uri ng wika na kanilangginagamit: ang kanilang lokal
na diyalekto naCebuano at ang banyagang wikangIngles.Noon pa man, mahilig na ang mga
Cebuano sa pagsulat ngbalak, ang tawag nila satulang galing sa kanilang lugar. Ang mga tulang
ito ay masnakilala at mas naging tanyag dahilsaAng Suga, ang kauna-unang peryodikal na
nasusulat sa wikang Cebuano. Naging daan dinangperyodikong ito upang umusbong ang isa
pang uri ng panitikan na sadyangkinagigiliwanng mga Cebuano, angsugilanono maikling
kuwento.Patuloy ang pag-usbong ng panitikang Cebuano. Ang
kanilangpagkamalikhain ay hindimatatawaran at hanggang ngayon mababakas pa rinsa kanilang
panitikan ang impluwensiyang Kristiyanismo at ang kanilangpagiging relihiyoso.

Mga Akdang panitikan ng Cebuano

URI PAMAGAT PAKSAIN ARAL REPLEKSYON


Alamat Ang Kwento ni Paglalakbay o - Ito man ay halatang hindi totoo, - wag mag pakampante sa
Maria kakaw paghahanap ng ang alamat ay naging base at mga bagay na kung ano
tableya patunay ng paglikha ng tsokolate man ang meron ka ngayon
ng mga Pilipino noon pa man. Ang dahil kahit ano mang oras
alamat ay nagbibigay ng konteksto ay pwede itong mawala.
sa mga pamamaraan ng ating mga
ninuno at ang kanilang kabuhayan.
Ngunit, hindi laman ito ang silbi
ng kuwento, ngunit ito rin ay
naging batayan sa iba’t ibang mga
mitolohiya tulad ng mga bangkang
kumukuha ng kaluluwa.

Epiko Maragtas Tungkolsa isang Mas mabuting umiwas sa gulo at Sa minsan sa buhay
malupit na piliin ang makakabuti sa nahaharap tayo sa mga
pinuno nakakarami. pagsubok na mabibigat pero
lagging isaalang alang ang
mga posibleng mangyari at
piliin kung ano ang tama
Maikling Paalam sa Tungkol sa Ang aral na matutunan don ay Ang ating ama’t ina ang
kwento Pagkabata magulong huwag magtanim ng galit kahit unang gagabay sa atin,
pamilya makasalanan man ang isang tao hindi dapat Gawain ng
may pag asa pa itong magbago isang magulang na saktan
bastat laging gabayan at ituro kung ang isang anak, datapwat

11
anu ang tama at mali ang mga kausapin at paintindi ang
dapat o hindi dapat, lahat ng tao ay mga nangyayari. At hindi
may konsensya hindi man nito dapat pinapakita ng mga
maramdaman bukas magulang ang pag aaway
mararamdaman niya ito habang ng mag-asawa dahil minsan
siyay nabubuhay kaya may pag ito ang dahilan ng pag
asa itong magbago rerebelde ng isang bata.

Ang Kwento ni Maria kakaw

Noong unang panahon, sa bansang Indonesia may isang diwata at ang pangalan niya ay
Maria. Si Maria ay isang magandang dalagang negosyante at nag mamay-ari ng pabrika ng
tsokolate at mayroon rin siyang barko. Isa sa mga pangunahing sangkap ng kanyang tsokolate ay
ang tableya, ang tableya ay mula sa boto ng cacao na siyang niluluto, binayo at giniling. Isang
araw ay naubosan si Maria ng tableya, kahit saan man siya maghanap ng sangkap sa kanilang
lugar ay wala ito. Narinig niya na sa bansang Pilipinas ay ang pangunahing produkto doon ay
bukod sa niyog ay ang cacao, kaya napagpasyahan niya na pupunta sa pilipinas.Dumating si
Maria sa Pilippinas ngunit sa nakikita ng mga tao ay matanda ito sa kabila ng lahat, ay walang ka
malay-malay ang mga tao na si Maria ay isa palang diwata. Nagpapakilala ang matanda sa mga
tao. Ako pala si Maria na nang gagaling sa bansang Indonesia nandito po ako upang maghanap at
bumili ng cacao, matanong kulang kung saan mayroong nagbebenta dito ng cacao? sagot ng
karamihan ay makakabili ka lamang ng cacao sa bundok ng Tagugpo at Kamaroyan tiyak
maraming nag bebenta ng cacao doon at pagkatapos noon ay biglang naglaho ang matanda.
Kinagabihan ay umuulan at lumaki ang ilog ng sumlog. Malapit sa ilog ay may mga nakatira
doon nagtataka sila kung bakit ganoon kadali lumaki at bumaha ang ilog samantalang
napakahina lamang ng ulan. Ilang oras at minuto ang nakaraan ay nagsipag tanaw sa bentana ang
mga tao na nakatira malapit sa ilog dahil na dinig nila ang bosena ng barko nang pagtingin nila
sa ilog ay napakaliwanag nito at nakikita nila ang napakalaking barko na sumosulong sa tubig
papunta sa bundok at nakikita nila ang magandang babae sakay sa barko, nanginginig sila at
namumutla sa takot sa kanilang na saksihan. Kinaumagahan ay malaking pagtataka ng
karamihan ng nakita nilang putol na ang tulay ng sumlog. At ang usap-usapan ay dumaan ang
barko ni Maria kagabi papunta sa bundok upang bumili ng cacao. kaya si Maria ay
pinangalanang "Maria Cacao".

12
Maragtas

Ang Borneo noon ay nasa pamumuno ng isang malupit at masamang sultan na si Sultan
Makatunao. Kinamkam niya ang lahat ng yaman ng nasasakupan. Kanya ring pinupugayan ng
dangal ang mga babae, pati ang mga asawa at anak na dalaga ng mga datu na nasa ilalim niya.

Isang araw, si Pabulanan, ang asawa ni Datu Paiborong, ang nais halayin at angkinin ng
masamang sultan. Nalaman ni Datu Paiborong ang tangka ni Sultan Makatunao. Nagbalak ang
magigiting na datu na manlaban kay Sultan Makatunao. Nag-usap-usap silang palihim. Naisipan
sin nilang humingi ng tulong kay Datu Sumakwel.

Si Sumakwel ay mabait, magalang at matalino. Alam niya ang kasaysayan ng maraming bansa at
marami siyang alam kung tungkol sa paglalayag. Dinalaw ni Datu Paiborong at ni Datu
Bangkaya si Sumakwel. Ipinagtapat ng dalawa ang paglaban na nais nilang gawin. Ayaw ni
Sumakwel sa balak na paglaban.Pinuntahan ni Sumakwel si Datu Puti. Si Datu Puti ay punong
ministro ni Makatunao. Sinabi ni Sumakwel ang suliranin ng mga datu at ang balak na paglaban.
Ipinasiya nina Sumakwel at Datu Puti ang palihim na pag-alis nilang sampung datu sa Borneo.
Hindi nila magagapi si Makatunao. Maraming dugo ang dadanak at marami ang mamamatay.
Ayaw ni Datu Puti na mangyari ang ganoon. Iiwan nila ang kalupitan ni Sultan Makatunao at
hahanap sila ng bagong lupain na maaaring pamuhayan nila nang malaya at maunlad. Sila’y
mararangal na datu na mapagmahal sa kalayaan.

Nagpulong nang palihim ang sampung datu. Sila’y tatakas sa Borneo. Palihim silang naghanda
ng sampung malalaking bangka, na ang tawag ay biniday o barangay. Naghanda sila ng
maraming pagkain na kakailanganin nila sa malayong paglalakbay. Hindi lamang pagkain ang
kanilang dadalhin kundi pati ang mga buto at binhi ng halamang kanilang itatanim sa daratnan
nilang lupain. Madalas ang pag-uusap ni Sumakwel at ni Datu Puti. Batid ni Sumakwel ang
malaking pananagutan niya sa gagawin nilang paghanap ng bagong lupain. Silang dalawa ni
Datu Puti ang itinuturing na puno, ang mga datung hahanap ng malayang lupain.

Paalam sa Pagkabata

Ni Nazareno D. Bas

Narito ang buod ng kwentong “Paalam sa Pagkabata”. Mailalarawan ang buhay ni Celso sa
buhay na walang pagbabago.  Sapagkat paulit-ulit at madalas niyang madinig ang pagtatalo at
pag-aaway ng kanyang mga magulang. Madalas din niyang madinig ang pag-iyak ng kanyang
inang si Isidra mula sa kabilang silid. Ngunit hindi niya alam kung ano ang pinag-aawayan ng
kanyang mga magulang.

13
Masasabi mong si Celso ay isang batang mainipin. Ngunit isa sa kanyang mga pangarap ay
magkaroon ng kapatid sapagkat siya ay madalas lamang na nag-iisa kung kaya gusto niyang
magkaroon ng makakasama.  

Noon ang nakasampay na lambat sa kanilang sampayan ay hindi niya pinapansin. Kanyang
natatandaan dalawang taon na ang nagdaan ng itapon ng kanyang ina ang lambat na ikinagalit ng
husto ng kanyang ama kung kaya ibinalik muli ito ng kanyang ina.  

Nang mga oras na iyon naririnig muli ng batang si Celso ang pag -aaway muli ng kanyang mga
magulang. Ipinaliwanag ng kanyang ina si Isidra na wala siyang kasalanan, na dapat ay kanilang
kalimutan ang mga pangyayari noon na hindi niya sinasadya na siya ay nagkamali. Ang asawa
lamang na si Tomas ang kanyang mahal.  

Mamula nga noon hindi na itinapon ni Isidra ang lambat. Kahit luma na ito, sa paningin ni Isidra
ito ay buong buo pa din. Gustong gustong tanungin ni Celso ang kanyang ina kung bakit sobrang
mahalaga dito ang lambat. Ngunit ito ay naputol dahil sa kadahilanang kailangan na nilang
umalis sapagkat ang kanyang ama ay darating mula sa pangingisda.

Nagpunta si Celso sa dalampasigan kung saan ang hintayan sa mga parating na mangingisda.  

Si Celso ay napalingon ng siyang makarinig na nag-gigitara mula sa bahay-pawid. Ito ay


naggigitara at umaawit ng Isang awit tungkol sa kasawian sa pag-ibig.

Si Celso ay hindi nakatiis, siya ay lumapit at pumunta sa bahay-pawid. Kahit pa mahigpit na


ipinagbilin nhg kanyang amang si Tomas na siya ay bawal pumunta doon. Hindi namalayan ng
batang si Celso na siya nakalapit na sa naggigitara. Lumuluhang lumapit ito sa kanya, sa takot
niya ay patakbo na siyang aalis ngunit nahawakan ng lalaki ang kanyang kamay.

Mahigpit na niyakap ng lalaki si Celso, sa takoy ay umiiyak si Celso pinahid ng lalaki ang luha
niya at sinabi nito kay Celso na siya ay dalawin nito palagi.

Sa batang isipan ni Celso parang nakita na niya ang lalaking iyon.    

Hindi namalayan ni Celso na nagdatingan na ang mga mangingisda kasama ang kanyang ama.
Kung kaya nakita ni Tomas ang mga pangyayari. Nang lumapit si Celso sa kanyang ama siya ay
sinampal nito. Dahil hindi daw siya siya nakikinig sa habilin nito sa kanya. Naguguluhan man si
Celso kung bakit ayaw ng kanyang amang si Tomas na siya lumapit at pumunta sa bahay-pawid.

Umuwi ng bahay ang mag-ama. Nakita niyang muli ang kanyang inang si Isidra ay nakatingin na
naman ito sa sampayan ng lambat. Ito ay luhaan na naman gabang nakatingin dito.

14
Biglang naalala ni Celso ang lalaki sa bahay pawid kung kaya siya ay lumapit sa salamin at siya
ay nanalamin dito. Doon nakita niya ang mukha ng lalaki sa salamin. Kung kaya sa bugso ng
emosyon kumuha ng itak ang batang si Celso. Kanyang pinagtataga ang lambat sa sampayan.
Nabigla ang kanyang mga magulanmg sa kanyang pinaggagawa. Nagalit si Tomas kay Celso
ngunit ang batang si Celso ay puno ng emosyon ng mga sandaling iyon kung kaya kanyang
nilabanan ang nag-aapoy na mata ng kanyang amang si Tomas. Sa galit ni Tomas kay Celso
sInuntok at tinadyakan niya ang ito hanggang si Celso ay mawalan ng malay. Nang pagbalikan
ng malay si Celso naramdaman niya ang yakap ng kanyang amang si Tomas, Ang mukha nito
puno ng pagsisi at pang-unawa. Matagal na nIyakap ni Tomas ang batang si Celso.  

Kaligirang Kasaysayan ng Tagalog

Ang salitang Tagalog ay hinango sa salitang taga-ilog, gáling sa unlaping tagá- na


nangangahulugang "katutubo ng" na idinagdag sa harap ng salitang ilog o "Naloy" (Tagal),
kaya't may ibig sabihing "mga taong nagbuhat sa matandang Kabihasnan o sa Daluyan ng Tubig.
Walang mga halimbawang kasulatan ng orihinal na Tagalog bago dumating ang mga Kastila.
Sinasabi ng ilan na marahil sinunog ng mga unang paring Kastila ang mga ito, dahil sinasabi ring
masademonyo ang mga halimbawang ito. Kakaunti lámang ang kaalaman tungkol sa kasaysayan
ng wikang ito, ngunit sa haka-haka ng mga dalubhasa sa pananalita, katulad nina Dr. David Zorc
at Dr. Robert Blust, nagmula ang mga ninuno ng mga Tagalog sa hilagang-silangang Mindanao o
sa silangang Kabisayaan, kasama ng mga kamag-anak nitong wika ng mga taga-Gitnang
Pilipinas.
Ang Doctrina Cristiana (Doktrinang Kristiyano) ang pinakaunang aklat na naisulat sa
Tagalog, na inakdaan noong 1593. Nakasulat ito sa Kastila at dalawang uri sa Tagalog: nakasulat
ang una Baybayin habang ang sa mga titik ng Latin naman ang isa. Pinaniniwalaang hinango rin
ang Tagalog mula sa salitang taga-irog dahil kilalá ang pangkat ng mga kayumangging ito sa
pag-irog sa sinisintang kabiyak at sa pagiging tapat din sa pakikipag-ugnayan sa pinili niyang
makakasáma sa búhay. Batay ito sa isang nakaraang kaganapan, noong may higit pang katinuan
at takot sa Diyos ang mga tao. May kaugnayan ang salitang ito sa isang kasabihang Tagalog na
"mahirap mamangka sa dalawang ilog (o irog). Wala pang nailathalang aklat na nagsasabi kung
gaano katanda ang wikang Tagalog, subalit may dokumento o kasulatang nakalimbag sa tanso na
nagpapatunay na ang isang matandang uri ng wikang pinagmulan ng wikang Tagalog ay umiiral
at ginagamit na mahigit sa isang libong taon nang nakalipas.

Mga Akdang Panitikan ng Tagalog

15
URI PAMAGAT PAKSAIN ARAL REPLEKSYON
Ang pinakamahalagang Maraming ipinakita ang
Alamat ng Bundok Pag-ibig ng ipinakita ng alamat na ito ay alamat na ito. Ipinakita rito
Alamat Pinatubo Prinsipe sa ang pagbibigay ng pansin sa ang pagmamahal ng isang
Prinsesa kapaligiran. Makikita rin sa pinuno sa kaniyang
alamat na ito ang mga pinamumunuan at ang
kaugalian ng ating mga kaniyang kalupitan sa
ninuno na nakahubog sa isang inosente. Ipinapakita
kanilang kapaligiran: tulad ng nito ang pagmamahal ng
pagkahilig sa pangangaso. isang ama sa kaniyang
anak.
Alamat Alamat ng Unang Pinagmulan ng Tayong mga tao ang tagapag Ang tao kailangan ang
Lalaki at Babae unang tao sa alaga at pinagbilinan ng lahat kalikasan dapat nating
Pilipinas ng nilikha ng Diyos dapat pangalagaan at mahalin
nating pagyamanin.
Kwentong Si Juan Tamad Batang tamad - kapag meron tayong gusting - likas sa mga tao ang
Bayan makamit dapat nating mapadali ang mga Gawain
paghirapan at huwag umasa subali’t kung gusto nating
sa swerte. malasap ang tunay na
tagumpay kailangan nating
mag pursigi at magsikap sa
buhay.
Kwentong Mariang Makiling Pagiging - Ibahagi natin ang lahat ng - sa buhay dapat maging
bayan mapagbigay pagpapala sa higit na makontento tayo at
nangangailangan. Sabi nga, magpasalmat sa mga bagay
mas pinagpapala ang na kung anong meron tayo,
sinumang nagbibigay. At sa huwag tayong mag-abuso
ating pagbibigay, huwag ng kapwa para sa sariling
tayong maghangad ng kapakanan.
kabayaran. Ito’y dapat na
bukal sa ating kalooban.
Sapat na ang sinserong
pasasalamat mula sa mga
natulungan.
Tula Gubat Na Pananampalataya - Ang aral na mapuupulot ay - Sa isang madilim, gubat
Mapanglaw sa Diyos ang paniniwala at pananalig na mapanglaw ipinahayag
sa Diyos sa tuwing tayo ay ang kalagayan ni Florante
may kinahaharap na sa gitna ng gubat at
problema. Nararapat rin na kawalan. Inilarawan dito
hindi tayo agad sumuko, kung paano sya nakatali sa
maging ano man ang ating puno, sa isang lugar na
maranasan, gaano man mapanglaw. Kung pano
kahirap. syang nanawagan sa
maykapal,
nagbabakasakaling

16
matulungan. Ipinakikita
dito ang kanyang emosyon,
kung paanong nawalan
siya ng pag-asa.

“Alamat ng Bundok Pinatubo”


ZAMBALES

Sa kaharian ng Masinlok naging usap-usapan ang suliranin ng Datu doon sapagkat ninanais
nito na magawa ang mga dati nitong gawain ang mangaso sa kabundukan kanyang dating
pinupuntahan. Ngunit dahil sa kanyang katandaan hindi na niya ito magagawa kung kaya siya ay
naging malungkutin.

Nakarating iyon sa kaalamn ng isang matandang salamangkero kung kaya siya ay pumunta sa
palasyo at nagsabi sa Datu na siya ay magpapatubo ng isang bundok kapalit ng kamay ni
Prinsesa Alindaya. Pumayag ang Datu sa sinabi ng salamangkero. Pagkalipas ng mga araw may
tumubong bundok sa pinagtaniman ng bato ng salamangkero. Unti-unti itong tumataas at
lumalaki kung kaya lubhang nalungkot si Prinsesa Alindaya na naging dahilan ng kanyang
pagkakasakit. Nang bumalik ang salamangkero sa kaharian hindi ibinigay ng datu ang prinsesa
sa kanya sa kadahilanang ito nga ay mayroong malubhang karamdaman. Kung kaya umuwing
masamang masama ang loob ng salamangkero. Sa sama ng loob nakalimutan ng salamangkero
ang bundok na kanyang pinatubo kung kaya ito ay patuloy na tumaas at lumaki. Lubhang
nabahala ang kaharian sa nangyayari kung kaya ipinag-utos niya na hulihin ang salamangkero at
ito ay pugutan ng ulo. Ngnit ang bundok ay patuloy pa din sa paglaki at pagtaas. Na lubhang
nagpabahala sa kanilang kaharian. Ang balitang ito ay nakarating sa kay Prinsepe Malakas kung
kaya siya ay pumunta sa kaharian ng Masinlok. Sinabi niya sa Datu ang kanyang pakay at dagli
niyang isinagawa ang pagbunot sa bundok at hinagis sa malayo. Kung kaya ng bumalik ang Datu
at Prinsepe Malakas sa kaharian nagbunyi ang kaharian at nagsagawa ng kasiyahan. Doon nakita
ni Prinsipe Malakas si Prinsesa Alindaya. At di nagtagal nasaksihan ng lahat sa kaharian ng
Masinlok ang marangyang kasalan sa pagitan ni Prinsipe Malakas at Prinsesa Alindaya. Ang
lupang pinag-alisan ng bundok ay naging lawa at tinawag itong “Lawa ni Alindaya”. Na
nagpapagunita ng kagandahan ni Prinsesa Alindaya at ng pag-ibig nito. Na siyang naging dahilan
ng pagkakaroon ng Bundok ng Pinatubo.

Alamat ng Unang Lalaki at Babae

17
Nang ang daigdig ay bata pa, halos isang paraiso ito sa kagandahan. Maraming matitibay at
mayayabong na mga puno, makukulay na bulaklak, mga hayop na naglalaro sa palibot-libot.
Ipinasya ni Bathala na magkakaroon ng mga mag-aalaga sa mga ito para manatili silang kasiya-
siya. Isang kainitan ng araw sa tuktok ng langit, may narinig na tinig. Nanggaling ito sa loob ng
isang punong kawayan.
Maganda: Palabasin ninyo ako! Napakainit dito. Hindi ako makahinga. Matutunaw ako kapag
hindi ako nakalabas.
Malakas: Sige. Tulungan mo akong itulak itong nagkukulong sa atin. Hindi ko kaya ito nang
nag-iisa.
Biglang nabiyak ang kawayan at nakalabas sina Maganda at Malakas. Natakot sa nakita ang mga
hayop at naglayuan sila.
Maganda: Ang ganda pala dito! Mabuti na lang at nakalabas tayo.
Malakas: Oo nga. Hindi na tayo magkasiyang dalawa sa loob ng kawayan. Maganda dito at kay
luwag-luwag pa.
Nagpagala-gala sila sa kahuyan. Pinagmasdan ang mga bulaklak, halaman, ang langit at mga
hayop sa paligid.
Maganda: Iyon si Ibong Hari. Atin siyang kausapin.
Malakas: Ikaw ba ay inutusan ni Bathala para magsabi sa amin ng mga dapat naming gawin?
Ibong Hari: Tama ka. Sasamahan ko kayo para makita ninyo ang lahat ng aalagaan ninyo. Lahat
na ito ay kaloob niya sa inyo, ngunit dapat ninyong ingatan.
Sina Malakas at Maganda nga ang naging unang Filipino at Filipina, at ang buong Pilipinas ay
ibinigay sa kanila upang mapaganda at lalong maalagaan.

SI JUAN TAMAD
Si Juan Tamad ay kilalang tauhan sa mga kwentong bayan. Siya ay inilalarawan bilang isang
batang may angking katamran at kahinaan ng isip. Narito ang buod sa mga kwento ni Juan
Tamad.

Sa isang nayong ay may mag - inang simpleng naninirahan sa isang kubo. Ang ina ay abala sa
mga gawaing bahay. Samantalang ang anak nito na si Juan ay walang ibang alam gawin kung

18
hindi ang matulog. Si Juan ay isang batang napakakupad at saksakan ng tamad. Kaya sya ay
binansagan ng kanyang ina ng "Juan Tamad."

Isang araw, si Juan ay nagnais kumain ng bunga ng bayabas, ngunit sa halip na pitasin nya ito ay
pinili nyang humiga sa tapat at hintaying bumagsak ang bunga ng bayabas. Nakita ng isang
dalaga ang kanyang ginagawa at sa paglapit ay pinitas nya ang bunga ng bayabas. Sya ay si
Maria - kilala bilang si Mariang Masipag. Sinabihan nya si Juan na mali na maging tamad. Nang
magmulat ng mata si Juan, agad syang humanga sa ganda ni Mariang Masipag.

Kinabukasan ay umakyat ng ligaw si Juan kay Mariang Masipag. Agad naman syang
kinapanayam ng ina nito. Tinanong si Juan kung bakit sya nakilalang si "Juan Tamad." Ibinahagi
ni Juan ang mga kadahilanan kung bakit sya tinawag na Juan Tamad.

Unang dahilan: Noong sya ay pinagtinda ng kanyang ina ng puto. Dahil sa sobrang init ng araw
at kapaguran ay pinili nyang mamahinga kaysa magtinda. Habang nagpapahinga ay kinakain ni
Juan ang paninda para malaman kung ito ay talagang masarap. Maya - maya pa ay nakita nya
ang dalawang gutom na palaka. Naawa siya sa mga ito kaya pinakain nya ang lahat ng tinda
nyang puto. binitbit nya ang mga palaka sa kanyang pag - uwi sa pag-aakalang hindi sya
mapapagalitan ng kanyang ina. Nagalit ang kanyang ina sa ginawa ng anak at pinagbabato sya ng
mga kagamitang pambahay.

Ikalawang dahilan: Noong naapektuhan ng pagkalat ng galis at garapata ang kanilang nayon.
Hindi makayang lumabas ng kanyang ina ng bahay dahil sa sobrang pangangati kaya inutusan
nya si Juan na magbenta ng palayok sa palengke. Sa di inaasahang pangyayari at dala ng
kaantukan ay nahagip si Juan ng nagbibisikletang si Mariang Masipag. Humingi ng paumanhin si
Maria dahil nabasag ang palayok na bitbit ni Juan. Ginawan ni Juan ng paraan ang nabasag na
palayok, dinikdik nya ito ng pinong-pino at ibinalot sa dahon. Ibinenta nya ito sa palengke bilang
pulbos na panggamot sa pulgas. Binili ito ng mga tao, ngunit nang malamang hindi iyon totoong
gamot ay nagalit ang mga tao at dinumog si Juan.

Umuwi si Juan na taglay ang maraming sugat. Hinanap ng ina ang napagbentahan sa palayok.
Kaya nagsinungaling na naman si Juan. Nagalit lalo ang kanyang ina at bilang parusa ay
pinaluhod si Juan sa asin upang magtanda. Pagkatapos nito ay inutusan ng ina si Juan na bumili
ng asin upang may magamit sa pagluluto.

Sa daan pauwi, natanaw ni Juan ang ilog. Nagdalawang-isip syang maligo dahil baka manakaw
ang dala nyang asin. Ngunit naisip nyang ilubog ang asin na malapit sa dalmpasigan habang siya
ay naliligo. Nang makita nyang natunaw ang asin ay umuwi syang bitbit ang supot at sinabi sa
ina na ito ay nanakaw. Galit na galit na naman ang kanyang ina.

Nagpatulog si Juan sa panliligaw kay Mariang Masipag, taliwas sa kagustuhan ng ina ng dalaga.
Isang araw, inutusan ng ina na bumili si Juan ng alimango sa palengke. Nang siya ay nasa tapat
na ng bahay ni Maria ay inutusan ni Juan ang mga alimango na mauna nang umuwi sa kanilang

19
bahay. Sabay sabing sa pangalawang kanto lumiko ang mga ito at sa pangpitong pinto doon
makikita ang kanilang bahay.

Matapos ang pangyayaring iyon ay masaya syang nagpunta sa bahay ni Maria upang umakyat ng
ligaw. Nakita ng ina ni Maria si Juan kaya naman pinauwi nya ito sa kadahilanang hinahanap sya
ng kanya ina at baka mahawa si Maria sa katamaran ni Juan.

Nang makauwi si Juan ay hinanap ng ina ang mga pinabiling alimango. Laking gulat ni Juan
dahil hindi p nakakarating ang mga alimango. Napaupo sa tabi ang kanyang ina, lumong-lumo sa
nangyari at dala ng katandaan ay sumakit ang puso nya dahil sa paulit-ulit na gawain ng anak.

Dahil sa pangyayaring iyon, napagtanto ni Juan na kailangan na nyang magbago. Nakita ni Maria
ang buong pagbabago ni Juan. Mas inuuna na ni Juan ang mga importanteng bagay bago ang
layaw. Lalong hindi na sya ang dating Juan na walang pagpapahalaga sa oras at sa magulang.

Ito ang simula ng kanyang pagbabago. Sinubok ng mga magulang ni Maria ang katatagan at
determinasyon ni Juan. Pinagtrabaho nila ito at matagumpay naman na naisagawa ni Juan ang
lahat. Lagin na syang gumagawa ng tama. Naikasal sila ni Mariang Masipag at nang tumagal ay
hindi na "Juan Tamad" ang tawag sa kanya kung hindi "Juan Tama" dahil laging tama na ang
kanyang ginagawa.

GUBAT NA MAPANGLAW

Sa isang madilim gubat na mapanglaw


dawag na matinik ay walang pagitan,
halos naghihirap ang kay Pebong silang
dumalaw sa loob na lubhang masukal.

Malalaking kahoy ang inihahandog


pawang dalamhati, kahapisa’t lungkot,
huni pa ng ibon ay nakalulunos
sa labong matipi’t nagsasayang loob.

Tanang mga baging, na namimilipit


sa sanga ng kahoy, ay balot ng tinik
may bulo ang bunga’t nagbibigay-sakit
sa kangino pa mang sumagi’t malapit.

Ang mga bulaklak ng nagtayong kahoy


pinakamaputing nag-ungos sa dahon,
pawang kulay luksa at nakiki-ayon
sa nakaliliyong masangsang na amoy.

20
Karamiha’y sipres at higerang kutad
na ang lihim niyon ay nakasisindak,
ito’y walang bunga’t daho’y malalapad
na nakadidilim sa loob ng gubat.

Ang mga hayop pang dito’y gumagala,


karamiha’y s’yerpe’t basilisko’y madla
hyena’t tigreng ganid na nagsisisila
ng buhay na tao’t daigdig kapuwa.

Kaligirang Kasaysayan ng Bikol

Ang rehiyon ng Bicol ay kinilala din bilang “Ibalon” na ang ibig sabihin ay “mga tao mula sa
kabilang dako”, na isang “sitio” o baryong itinatag ng mga Espanyol sa kanilang unang
pagdating noong 1567. Ang rehiyon ay tinawag ding “Los Camarines” matapos itong makilala
ng mga Espanyol sa panahon ng kanilang pananakop sa bansang Pilipinas. Ayon sa pag-aaral,
walang labi ng mga hayop ang natagpuan sa rehiyon, at ang mga labi ng mga sinaunang
katutubong nanirahan dito ay nananatiling lingid. Ngunit, ang pag-aanyo ng mga Aeta mula sa
Camarines Sur hanggang sa Sorsogon ay nagpapahiwatig na mayroon ngang mga
katutubong nanirahan sa rehiyon noon pa man. Magpahanggang ngayon, nananatiling pinaka-
maagang ebidensya ng kabuhayan sa sinaunang rehiyon ng Ibalon na natagpuan ang mga labi
mula sa Panahong Neoteliko.

Mula sa mga pagsisisyasat, napagtanto na noong 1569, isang sistema ng lipunan na tinatawag
na “Barangay” ang umiral. Ito ay pinamunuan ng isang “datu”, na hinihirang ayon sa kanyang
kakayanan, katapangan, at katalinuhan. Ang impluwensya ng datu ay higit na importante lalo na
sa panahon ng giyera at krisis, sapagkat siya ang nangunguna sa paggawa ng desisyon ukol sa
mga gagawing hakbang sa panahon ng kaguluhan. Ang sinaunang kalipunan ng mga Bikolano ay
nakasentro sa prinsipyong pam-pamilya, at ang tumatayong pinuno ng bawat pamilya ay ang
mga ama.

Mga Akdang Panitikan sa Bikol

21
URI PAMAGAT PAKSAIN ARAL REPLEKSYON

Alamat Ang Alamat Ng Tungkol sa pag- Kung totoong mahal mo Sa buhay kailangan
Bulkang Mayon ibig ng isang ang isang tao dapat nating tanggapin ang
prinsesa sa isang gawin mo kung ano ang mga bagay na hindi para
mandirigma. magpapasaya sa kanya. sa atin.

Epiko Ibalon Tungkol sa -Ipaglaban mo ang sa Maging matapang na


pakikipaglaban tingin mo ay nararapat, lumaban at ugaliing
wag kaagad sumuko sa tumulong sa
mga bagay bagay nangangailangan.

ANG ALAMAT NG BULKANG MAYON

Noong unang panahon, may isang babaeng nagngangalang Daragang Magayon. Maraming
kalalakihan ang nanliligaw sa nasabing dalaga sapagkat siya ay maganda at may makinis na
kutis. Ayon sa ama ni Magayon na si Rajah Makusog nasa tamang edad na ang dalaga upang
magpakasal kung kaya’t pinapayagan na niya ito kung sakaling magpasya ang dalaga na
makipag-isang dibdib. Ngunit si Magayon ay wala pang napipili mula sa kanyang mga
manliligaw. Magpapakasal lang daw siya sa taong kanyang iniirog.

Isang araw habang naliligo si Magayon sa ilog, bigla siyang nadulas at nahulog sa malalim na
parte nito. Hindi marunong lumangoy ang dalaga. Mabuti na lamang at nakita siya ni
Panganoron at iniligtas ang dalaga. Si Panganoron ay ang matapang na anak ni Rajah Karilaya.
Nangangaso siya noong araw na iyon nang marinig niya ang iyak ni Magayon. Mabilis na
tumalon ang matapang na mandirigma upang iligtas ang dalaga.

Nabighani si Panganoron sa ganda ni Magayon kung kaya’t niligawan niya ang dalaga.
Gayundin si Magayon ay napa-ibig sa matapang na lalakeng nagligtas sa kanya. Di kalaunan ay
ipinahayag ang pag-iisang dibdib ng dalawa sa buong kaharian.

Subalit, si Pagtuga, isang masugid na manliligaw ni Magayon, ay naka-isip ng paraan upang


hindi matuloy ang kasal. Binihag niya ang ama ni Magayon na si Rajah Makusog at hindi raw
niya ito pakakawalan kundi papayag si Magayon na pakasal sa kanya. Dahil mahal ni Magayon
ang kanyang ama, wala siyang magawa kundi pumayag sa kondisyon ni Pagtuga.

Nagpunta ang dalaga sa lugar ni Pagtuga upang ibigay ang sarili upang pakawalan nito ang
kanyang ama. Napag-alaman ni Panganoron ang ginawa ni Magayon. Tinipon nito ang kanyang
mga matatapang na mandirigma upang iligtas ang mag-ama laban kay Pagtuga.

22
Isang malaking digmaan ang naganap sa pagitan ng dalawang kampo. Nanaig si Panganoron
laban kay Pagtuga at napatay niya ito. Noong makita ni Magayon na napatay ng kanyang
kasintahan ang kalaban ay dali-dali itong tumakbo patungo kay Panganoron. Ngunit bago pa man
magkalapit ang dalawa ay isang ligaw nasibat ang tumusok sa likod ni Magayon. Habang
bumagsak si Magayon ay tinaga naman sa likod si Panganoron ng mandirigma ni Pagtuga.
Nakita ni Rajah Makusog ang nangyari. Sinundan nito ang taong pumatay kay Panganoron at
pinaslang ito.

Nang matapos ang digmaan, iniuwi ng Rajah ang walang buhay na katawan nila Magayon and
Panganoron. Humukay ito at inilibing na magkasama ang magkasintahan.
Ilang araw ang lumipas ng mapansin ng mga taong bayan na ang libingan ay tumaas. Lumaki
ang libingan at ang lupa ay naghugis apa. Tinawag ito ng mga taong bayan ng Mayon mula sa
kanilang magandang prinsesang si Magayon. Kung minsan maririnig ang Mayon na
dumadagundong at lumilindol, ayon sa mga tao ito ang patunay ng pagmamahalan nila Magayon
at Panganoron.

Ibalon

Si Baltog, isang bantog na mandirigma, ay mula sa Batavara at naparaan sa Bikol.


Napamahal sa kanya ang Bikol dahil sa maganda nitong tanawin. Lumipas ang mga taon at siya
ay naging hari ng Ibalondia. Siya ay napamahal sa mga tao roon dahil sa siya’y maunawain,
matapang at makatarungan.
Sa gitna ng kasaganaan ay sumipot ang isang dambuhalang baboy-ramo na pumuksa sa ani ng
mamamayan at pumuti ng buhay ng maraming kawal. Si Baltog, ang bayaning katulad ni
Beowulf, ay siyang pumatay sa higanteng baboy-ramo. Nagbalik na muli sa Ibalondia ang
katahimikan.
Nang tumanda si Baltog, sumipot naman sa Ibalondia ang mga higanteng kalabaw, mga pating
na lumilipad at buwayang ganggabangka. Si Handiong na naparaan doon ang sumagip sa
kahimbal-himbal na katayuan ng kaharian. Pinagpapatay niya sa tulong ng kanyang mga kawal
ang mga damulag.

May isang kaaway na hindi mapasuko ni Handiong. Ito’y si Oriol na minsa’y ulupong at
minsa’y nakabibighaning binibining nais manlinglang. Siya’y hindi nagtagumpay kay Handiong.
Hindi niya madaya ang bayani kaya kanyang tinulungan ito upang lipulin ang mga salimaw, ang
mga malignong mapanligalig. Si Oriol ay naniniwala sa kasabihang “Kung hindi talunin, makiisa
sa layunin.”
Ang kilabot na si Rabot ay dumating sa Ibalondia. Kung kanyang maibigan, ang mga tao’y
kanyang nagagawang pawang bato. Sapagkat na si Handiong, ang humalili sa kanya na bagong
tagapagligtas ay si Bantong.

23
Ang dambuhala ay napatay ng makapangyarihang espada ng bagong manunubos. Dahil sa
labanan, ang lupa ay yumanig at umalon ang karagatan. Nang matapos ang malagim na
sagupaan, namalas na may maliliit na pulo sa dagat sa kalapit ng Ibalondia. Nagbago ng landas
ang Ilog Inarinan. Ang bundok ng Bato ay lumubog at ito’y naging lawa. Namalas sa gitna ng
mga sira-sirang paligid ang isang umuusok na bulkan. Iyan ang Bulkan ng Mayon ngayon.

Kaligirang Kasaysayan ng Ilokano

Ay ang ikatlong pinakamalaking ethnolinguistic grupo sa Pilipinas. Ang terminong


“Ilocano” ay nagmula sa salitang “i-” (mula sa) at “looc” (cove o bay), na kapag pinagsama ay
nangangahulugan ng “Tao ng bay”. Sila rin ay tinukoy bilang Samtoy, na kung saan ay isang
pagpapaikli ng pariralang sao mi ditoy (ito ay ang aming wika).
Talaga, ang Ilokano ay Austronesian-tao / Austronesian taong nagsasalita. Ang Ilocano dialect ay
may kaugnayan sa wika Indonesian, Malay, Fijian, Maori, Hawaiian, Malagasy, Samoan,
Tahitian, Chamorro, Tetum at Paiwan. Ngayon, ang mga Ilocano dialect ay ang ikatlong pinaka
pasalitang wika sa Pilipinas.
Spanish era
Bago ang kolonyal na rehimeng Espanyol, isang abang sibilisasyon na namamalagi sa Ilocos
Region (Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Abra). Ang rehiyon stretched mula sa Cape
Bojeador sa northwestern tip ng Luzon hanggang sa Gulpo ng Lingayen.
Ang Ilocos rehiyon ay lalo sikat para sa kanilang mga mina ginto. Ang unang Ilocos naninirahan
ay nakatira sa malaking nayon sa lukob coves o rivermouths. Traders mula sa Tsina at Japan ay
madalas na dumating dito sa kalakalan ginto na may kuwintas, keramika at sutla.
Espanyol conquistadors pinamumunuan ni Juan de Salcedo dumating sa Vigan in 1572.
Pagkatapos landing sa Vigan, ang conquistadors buhok sa Laoag, Currimao at upang Badoc. Sila
na pinangalanan ang rehiyon “Ylocos” at ang mga tao “Ylocanos”.

Ang mga Kastila ay hindi partikular na masuwerteng sa kanilang pananakop ng Ilocos. Ang
Ilokano ay ang unang pangkat etniko sa pag-aalsa laban sa mga Espanyol na opisyal. Ito ay sa
Enero 1661 kapag ang Ilokano ipinahayag ang kanilang bantog na lider, Don Pedro Almazan,
bilang kanilang Hari. Siya ay naisakatuparan sa pamamagitan ng mga Espanyol matapos ang
kaharian ay dissolved.
Ang isa sa pinaka-memorable uprisings ng Pilipinas ay humantong sa pamamagitan ng Ilocano
Diego Silang, kung saan ay patuloy sa pamamagitan ng kanyang asawa Gabriela Silang. Ang

24
Silangs ‘revolt ay fueled sa pamamagitan ng grievances stemming mula sa Espanyol pagbubuwis
at mga pang-aabuso.
Ang Ilokano ay kitang-kitang sa makabayan kilusan. Maraming Ilokano ay may risen sa mataas
na tanggapan sa pamahalaang sentral. Ang pinaka-sikat at kontrobersyal sa lahat ay ang late
dating pangulo Ferdinand Marcos.
Wika
Ilokano ang pangunahing wika na ginagamit ng 95% ng populasyon na may kabuuang
594,206 noong 2000. Ang iba pang wika na ginagamit sa lalawigan ay Tagalog, Pangasinense,
Bisaya, Ingles, Kannkanai, Tinggian at Muslim

Mga Akdang Panitikan ng Ilokano


URI PAMAGAT PAKSAIN ARAL REPLEKSYON
Epiko BI-AG NI Pagiging Maging malikhain at Minsan may mga
LAM-ANG bayani wag hahayaan na nagagawa tayong
mangibabaw ang hindi tama para
galit para lang makuha ang
maisakatuparan ang gusto natin. Abutin
paghihiganti. natin ito sa tamang
Mahalin ang iyong paraan.
magulang. Makapangyarihan
ang pagmamahal
Pabula Si Haring Pagkakaibiga Maging Hindi sa lahat ng
Tamaraw at si n mapagpatawad at oras ay kaya mo,
Daga wag magdalawang maging ang isang
isip ng magbigay ng simpleng tao o
isa pang pagkakataon hayop ay
sa iba dahil baka sa makatulong sayo
di inaasahang ng malaki kaya
pagkakataon sila ay laging piliin ang
makatulong sayo. maging mabuti sa
iba.

BI-AG NI LAM-ANG
Noong unang panahon, may mag-asawang nag ngangalang Juan at Namongan. Ang mag
asawa ay nakatira sa baryo ng Nalbuan.
Noong magbuntis si Namongan ay umalis ang asawang si Juan upang parusahan ang isang grupo
ng igorot.
25
Habang wala si Juan ay isinilang ni Namongan ang kanilang anak na lalake. Lubos na kahanga
hanga ang sanggol sapagkat pagkapanganak pa lamang ay marunong na itong magsalita.
Ang pangalang "Lam-ang" ay sya mismo ang pumili. Maging ang mga ninong at ninang ay sya
ring nagtalaga.
Isang araw, nagtanong si Lam-ang kung nasaan ang kanyang ama.
Nasa bundok ito upang parusahan ang mga igorot" na saad naman ng ina.
Nalungkot si Lam-ang sapagkat matagal na nyang di nakikita ang ama buhat ng sya ay isilang.
Isang araw ay nanaginip si Lam-ang na ang kanyang ama ay pinatay ng mga igorot. Sa galit nito
ay nagpunta sya sa kabundukan at pinatay lahat ng igorot doon.
Ang batang si Lam-ang ay syam na taong gulang pa lamang noon.
Sa kanyang paguwi sa kanilang lugar sa Nalbuan ay napadaan si Lam-ang sa ilog ng Amburayan.
Doon ay pinaliguan sya ng mga kabigang babae. Ang mga dumi at dugo sa katawan ni Lam-ang
ay naging tila lason na pumatay sa mga isdang nasa ilog.
Nang nasa wastong gulang na si Lam-ang ay nakilala nya si Ines Kannoyan. Sya ay umibig dito.
Nagpasyang manligaw si Lam-ang sa magandang si Ines. Dala ang kanyang tandang at
paboritong aso.
Lubos na nainis si Lam-ang nang makitang maraming nakapalibot na manliligaw sa bahay ni
Ines kaya't inutusan nya ang kanyang tandang na tumilaok. Sa tinalok ng manok ay agad na
nasira ang bahay ni Ines at namatay ang lahat ng manliligaw.
Agad namang inutusan ni Lam-ang na kumahol ang aso at tumahol nga ito. Sa tahol naman ng
kanyang aso ay tila himalang bumalik sa dati ang gumuhong bahay ni Ines.
Lumabas si Ines at ang magulang nito upang harapin si Lam-ang.
Hiningi ni Lam-ang ang kamay ni Ines upang pakasalan. Hindi naman tumanggi ang mga
magulang ni Ines sa isang kondisyon.
Tapatan lamang ang kanilang kayamanan. Hindi naman ito naging hadlang kay Lam-ang.
Umuwi si Lam-ang at bumalik na may dalang bangka na puno ng ginto. At kalaunay ikinasal din
sila ni Ines.
Lumipas ang maraming taon ay dumating ang pagkakataon upang manghuli si Lam-ang ng
isdang "Rarang". Isang obligasyon sa mga lalaking may asawa ang humuli nito.
Ngunit may pangitain na si Lam-ang na mapapatay sya ng isdang "Berkahan". Ito ay isang isda
na kalahi ng mga pating.
Sa kabila nito ay di pa rin nagbago ang isip ni Lam-ang na hulihin ang isdang Rarang.
Ngunit nangyari nga ang pangitain ni Lam-ang at sya ay napatay ng Berkahan.
Lubhang nagtangis si Ines at agad na umupa ng mga maninisid upang makuha ang mga buto ni
Lam-ang.
Agad namang nakuha ang mga buto ni Lam-ang.
Kasama ni Ines ang tandang at aso ni Lam-ang, kanilang dinasalan gabi-gabi ang mga buto ng
asawa.
Hanggang sa isang araw, si Lam-ang ay muling nabuhay.
Mula noon ay namuhay sila ng masaya.

26
Si Haring Tamaraw at si Daga
Minsan, nilibot ni Haring Tamaraw ang kagubatan. Dumating siyang pagod na pagad.
Kaagad siyang nakatulog sa ilalim ng punong Narra. Dumating si Daga. Tuwang-tuwa siyang
naglalaro sa may puno ng Narra. Sinaway siya ng mga ibon na nakadapo sa mga sanga ng puno.
Ipinaalam nilang natutulog si Haring Tamaraw. Dali-daling tumakbong paalis si Daga. Hindi
sinasadyang natapakan ni Daga ang paa ni Haring Tamaraw. Kumilos si Haring Tamaraw at
naipit ang paa ni Daga. Umirit si Daga.
Nagising si Haring Tamaraw. Galit na galit siya. Hinuli niya si Daga at bilang parusa, kakainin
sana niya ito. Nagmakaawa si Daga kay Haring Tamaraw. Nangakong hindi na siya uulit at
sinabi pang baka siya'y makatulong kay Haring Tamaraw pagdating ng panahon. Pinakawalan at
pinatawad ni Haring Tamaraw si Daga. Nagpasalamat naman si Daga.
Isang araw, naghahanap si Haring Tamaraw ng makakain sa kagubatan. Sa kanyang paglalakad
ay natapakan niya ang isang patibong na hawla na panghuli ng malalaking hayop sa kagubatan.
Napasok at nakulong sa hawla si Haring Tamaraw. Walang magawang tulong ang mga hayop.
Nagkagulo sila at hindi malaman kung ano ang gagawin sa kanilang hari.
Walang anu-ano dumating si Daga na galing sa paghahanap ng pagkain. Nginatngat kaagad niya
ang mga tali sa hawla. At nakalusot si Haring Tamaraw sa pagkakaligtas ni Daga sa kanya.
Nagpasalamat si Haring Tamaraw kay Daga. Mula noon, naging mabuting magkaibigan si
Haring Tamaraw at si Daga.

Kaligirang Kasaysayan ng Kapampangan


Ang tawag sa wikang sinasalita ng mga Kapampangan ay “Pampango” o “Kapampangan”.
Ito ay miyembro ng Wikang Malayo-Polynesia . Noong 1571, napag-alaman ng mga Español na
ang palapantigan ng wikang ito ay maaring iugat sa wikang Devangari . Ito ay may sariling
ortograpiya at alpabeto. Kapansin-pansin sa alpabetong ito ang kawalan ng titik “h”. Noong
1896, nailimbag ang isang aklat tungkol sa Kapampangang alpabeto sa pamagat na “Alfabeto
Pampango” na isinulat ni Alvaro de Benavante.  Sa kasalukuyan, karamihan ng mga taong
nagsasalita ng Kapampangan ay nakatira sa mga lalawigan ng Pampanga at Tarlac subalit
mayroon din naman sa ilang bahagi ng Zambales at Bataan .
 
PANITIKAN

Noong mga panahong ito, mayroon ng iba’t ibang uri ng panitikan. Nariyan ang alamat,
tumayla, bugtong, kuwentong bayan, salita, kasebian at awiting bayan.

27
Ang Alamat ng Sinukwan ay isa sa mga pinakatanyag ng Kapampangang alamat. Marami itong
bersyon.  Ang tumayla o tumaila ay hele o awiting pampatulog . Ito ay maituturing na orihinal sa
mga Kapampangan .
Ang bugtong ay kilala rin sa tawag na “Bugtoñgan”. Karaniwan itong binibigkas sa mga
lamayan at kasal. Sinasambit din ito sa mga kritikal na panahon kung saan nangangailangan ng
mabigat na pagpapasya. Halimbawa, ang pagsagot sa isang bugtong ay maaring maging
pahiwatig ng magandang kahihinatnan ng isang pangyayari at mapagpalang kapalaran. Ang sa
ibaba ay mga halimbawa ng bugtong:
Metung a butil a pale                                       (Isang butil ng bigas
Sakup ne ing mabilug a bale                         Sakop ang buong bahay.)
 
Sagot: Sulu                                                                          Lampara
 Salita naman ang tawag sa anumang panitikan na nakasulat sa tuluyan.
Tulad ng bugtong, ang kasebian o casebian  ay binibigkas din sa mga pampublikong salu-salo
tulad ng lamay at kasal. Ito ang katumbas ng salawikain ng mga Tagalog. Isang halimbawa nito
ay ang sa ibaba:
Ing asung balabaluktut
Butul man e akapulut
(Isang asong nakabaluktot buong araw
  Hindi makahahanap ng buto)

Panitikan sa Kapampangan
URI PAMAGAT PAKSAIN ARAL REPLEKSYON
Kailangan nating Maging responsible
Alamat Alamat ng Tungkol sa pangalagaan, pag sa ating kapaligiran
bundok Arayat kawalan ng pasalamatan,
respito sa pagyabungin at
kalikasan abusuhin ang mga
likas na ibinigay ng
may kapal
Atin cu pong Bagay na Dapat pahalagahan Sa buhay natin may
sing sing minana at ingatan ang mga mga bagay na
Tula bagay na ibinigay sa ibinigay sa atin na
atin kailaingan natin ito
bigyan ng halaga.

28
Alamat ng Bundok Arayat

Noong unang panahon, ang orihinal na kilalagyan ng Mt. Arayat ay wala sa bayan ng
Arayat kundi nasa bayan ng Candaba. Itinayo ni Sinukuan, ang hari ng Arayat and bundok para
sa mga mamamayan ng Pampanga lalo na para sa mga taga Candaba. Subalit dahil hindi naging
maganda ang pag-uugali ng mga tao noon doonay nagalit si Sinukuan at inilipat ang bundok sa
bayan ng Arayat kung saan narooon ito ngayon. Ang dating kinalalagyan ng bundok sa bayan ng
Candaba ay naging isang malalim na hukay kung kaya ito ngayon ang tinatawag na Candaba
Swamp.

Pinaganda at pinatibay ni Sinukuan ang bundok Arayat upang magpakitang gilas sa kanyang
iniirog na si Maria Makiling. Iniibig din ni Makiling si Sinukuan kung kaya ang isa pa niyang
manliligaw na si Pinatubo ay galit na galit sa kanila.

Isang araw, habang namamasyal sina Sinukuan at Maria Makiling ay binato ni Pinatibo ang
matayog na bundok ng Arayat (kung kaya’t ang hugis ng Mt. Arayat ngayon ay tila napingas ang
tuktok nito). Nasira ang pinakatuktok na bahagi ng bundok. Nang dumating si Sinukuan sa
kaniyang bayan ay nagalit siya sa kaniyang nakita, kung kaya’t dali-dali siyang sumugod kay
Pinatubo at ginulo ang at sinira niya ang napakataas na bundok nito.

Kaya ngayon kung inyong makikita, ang Mt. Pinatubo ay isang napakahabang hilera ng mga
bundok at hindi kagaya ng ibang bundok na nag iisa lang.

KAPAMPANGAN LYRICS

. Atin Cu Pung Singsing (I Have a Ring).


KAPAMPANGAN LYRICS ENGLISH TRANSLATION
I had a ring
With a beautiful gem
Atin cu pung singsing
I inherited it
Metung yang timpucan
From my mother
Amana que iti
I kept it very well
Quing indung ibatan
In a chest
Sancan queng sininup

29
Queng metung a caban
But it just disappeared
Mewala ya iti
Without my noticing.
E cu camalayan.

The heartache within me


Ing sucal ning lub cu
Is as high as the sky
Susucdul king banua
My crossed hands
Picurus cung gamat
Are upon the table
Babo ning lamesa
Whoever can find
Ninu mang manaquit
That ring I inherited
Quing singsing cung mana
My poor heart
Calulung pusu cu
Shall forever worship.
Manginu ya caya.

Kaligirang Kasaysayan ng Pangasinan.

Ang Pangasinan ay isang lalawigan ng Pilipinas sa rehiyon ng Ilocos. Matatagpuan ang


lalawigan sa kanlurang bahagi ng pulo ng Luzon sa may Golpo ng Lingayen at Timog Dagat
Tsina. Ito ay may kabuuang sukat na 5,451.01 square kilometre (2,104.65 mi kuw).[1] Ayon sa
senso noong 2010, ang populasyon ay nasa 2,779,862.Pangasinan ang pangalan ng lalawigan, ng
mga mamamayan, at ang pangunahing wikang sinasalita sa lalawigan. Tinatayang nasa 1.5
milyong ang mga katutubong Pangasinan. Isa ang wikang Pangasinan sa mga opisyal na
kinikilalang wikang rehiyunal sa Pilipinas. Sinasalita ang Pangasinan bilang ikalawang wika ng
mga etnikong minorya sa Pangasinan. Ang pinakakilalang pangkat etnikong minorya sa
Pangasinan ay ang mga Iloko, Bolinao at mga Tagalog.

Panitikan sa Pangasinan
URI PAMAGAT PAKSAIN ARAL REPLEKSYON

30
Alamat Alamat ng Tungkol sa pag Wag mag asam Ang mga tao ay hindi
Isandaang pulo aagawan ng ng subra at marunong
perlas maging kontento makontento sa kung
anong meron sila.
Gustong manglamang
sa kapwa.

Maikling Nyebeng itim Tungkol sa pag Magiging Mahirap ang buhay


kwento asa at tamang matiyaga para sa pero bawal sumuko.
dedikasyon matatag na
buhay. Anumang
klaseng
pagsubok ang
ating
mararanasan
kahit na sa
pinakamasamang
panahon pa ay
dapat tayong
magiging
matiyaga.

Alamat ng Isandaang pulo (Hundred Islands)

Noong unang panahon, ang Alaminos ay kilala bilang isang maasensong bayan. Sagana
ang bayan sa mga likas na yamang dagat. Ang mga mangingisda ay tuwang-tuwa sa dami ng
kanilang nahuhuli sa araw-araw. Maski ilang oras pa lamang sila pumapalaot ay tiyak silang
babalik sa pampang na puno ng huli ng iba’t-ibang klase ng isda.

Isang diwata ang nakatira sa karagatan ng Alaminos. Ayon sa mga matatanda may isang perlas
ang diwata na siyang nagbibigay ng magandang huli sa mga mangingisda. Inatasan ng diwata
ang kanyang nag-iisang anak na si Liglioa na maging tagabantay sa nasabing perlas. Di tulad ng
kanyang ina, si Liglioa ay may dugong mortal kung kaya’t siya ay nakatira sa isang kubo malapit
sa pampang at nakikihalubilo sa taombayan. Mahal na mahal ng mga taombayan si Liglioa hindi
lamang dahil sa siya ang bantay ng perlas kundi pati na rin dahil mabait at matulungin ang
dalaga.

31
Nalaman ng kabilang bayan ang dahilan ng likas na yamang dagat ng Alaminos. Naiingit sila at
sa pamumuno ni Datu Masubeg ay nagpasya silang dakpin si Liglioa at itago sa kanilang bayan.
Nakakasiguro silang ibibigay ng diwata ang perlas kapag nakita nitong hawak nila ang kanyang
anak. Sa ganoon, ang bayan din naman nila ang magkararanas ng masaganang huli.
Ngunit bago pa man makalapit ng pampang ang mga taga-ibayo ay tinipon na ni Datu Mabiskeg
ang mga mahuhusay na mandirigma ng Alaminos upang ipagtanggol si Liglioa. Nagkaroon nga
ng digmaan sa karagatan ng Alaminos. Maraming mga mandirigma ang namatay mula sa parehas
na kampo.
Nagmakaawa si Liglioa sa kanyang diwatang ina na gumawa ng paraan upang matigil na
madugong digmaan. Hiniling niya sa kanyang ina na gumawa na lamang ng isa pang perlas para
sa kabilang bayan upang hindi na nila asamin ang perlas ng Alaminos.Ngunit umiling ang
diwata. Hindi na raw ito makakagawa ng isa pang perlas. Paliwanag ng kanyang ina na ang tunay
na perlas na nagbibigay ng masaganang huli sa taombayan ng Alaminos ay walang iba kundi ang
nag-iisa nitong anak- si Liglioa.Nang marinig ni Liglioa ang sinabi ng ina ay napa-isip ito ng
mabisang paraan upang matigil na ang awayan. Nagsalita ang dalaga at hiniling nito sa kanyang
ina na siya ay pumalaot na lamang at magtago sa ilalim ng dagat upang sa ganoon ay walang
sinoman ang makakakuha ng perlas. Pumayag ang diwata sa nais ng dalaga. Mas magiging ligtas
para sa lahat ang naisip na paraan ng dalaga. Samantala ang mga patay na mandirigma na
palutang-lutang sa karagatan ay unti-unting naging mga pulo. Halos isandaan ang mga nasawi sa
nasabing digmaan para sa perlas na nagdudulot ng masaganang huli. Ito ngayon ang naging
tanyag na isandaang mga pulo ng Alaminos.

Nyebeng Itim

Bisperas ng bagong taon noong nagpakuha si Li Huiquan ng labinlimang litrato kasama


ang kanyang tiya Luo.
Tutol man na magpakuha ng litrato ay napilitang magpakuha si Huiquan sa Red Palace Photo
Studio.Gagamitin niya ang larawang iyon upang kumuha ng lisensya para sa kariton at pagtitinda
ng prutas.
Naaprubahan ang pagkuha nya ng kariton ngunit sa pag titinda ng prutas ay hindi.Puno na kasi
ang kota. Hindi rin nakatulong ang kontak ng kaniyang tiya Luo o ayaw nitong tumulong.
Ang tanging lisensyang naroon ay para sa tindahan ng damit, sumbrero at sapatos.Wala nang
pakialam si Huiquan kahit anung itinda. Ang mahalaga ay may gawin kahit pa mas mahirap
itinda ang damit kaysa prutas.

32
Inimbita si Huiquan ng kanyang tiya na manood ng magandang palabas sa tv ngunit tumanggi ito
sa kadahilanang marami pa itong gagawin.
Ibinigay kay Huiquan ang pwesto sa may timog ng silangang tulay. Wala man lang ni isa ang
nagtangkang tumingin ng mga paninda nya."Sapatos na tatak Perfection mula shenzen free
economic zone! sapatos tatak perfection gawa sa Shenzen..." ang sigaw ni Huiquan"Mga blusang
batwing! halikayo rito!" muling sigaw ni Huiquan.Ngunit wala pa rin syang nabenta.Siya ang
huling tindahan na nagsara sa hanay ng mga tindahan na naroon.Sa sumunod na araw ay
nakabenta sya ng muffler.Sa ikatlong araw ay wala syang benta.Sa ikaapat na araw naman, wala
pang kalahating oras simula ng magbukas ang kanyang tindahan ay nakabenta sya ng damit na
pang army sa apat na karpintero.Nang makarating ang mga karpintero sa silangang tulay ay
nagkulay talong ang mga labi nila sa lamig. Ngunit nailigtas naman ang kanilang balat ng
kasuotang ibinenta ni Huiquan.Bago magtinda ay matamlay na hinarap ni Huiquan ang negosyo.
Ngunit naging inspirasyon sa kanya ang pagbili ng mga karpintero.Mas mabuting maghintay
kaysa umayaw dahil hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay malas ka diba?

KALIGIRANG KASAYSAYAN NG MUSLIM

Ang isang Muslim (sa wikang Arabo: ‫ )مسلم‬ay ang taga-taguyod ng Islam. Sa literal na
kahulugan ng salita, paa sa paatao na ipinagkaloob ang sarili sa Diyos (Allah sa wikang Arabo).
Tinatanggap ng karamihan ng mga Muslim bilang kapwa Muslim ang sinumang matapat na
binigkas ang Shahada, isang ritwal na pagpahayag ng pagkakaloob sa Diyos at ang
paninindigang na si Muhammad ang huling propeta. Isinasalarawan ng mga Muslim ang mga
maraming karakter sa Tanakh at Bibliya, katulad nina Musa (Moses) at Isa (Hesus), bilang mga
Muslim, dahil, bilang mga propeta, ipinagkaloob nila ng buo ang kanilang sarili sa Diyos.
Sa Islam, kinakailangang mamuhay ang mga Muslim ayon sa mga patakarang ng pamumuhay na
itinalaga ng Diyos at sa nakasaad sa mga pahayag na dumaan sa Arabong propetang si
Muhammad noong nabubuhay pa siya.Dahil dito tinatawag rin ang mga Muslim bilang mga
Mohamedano, ngunit mas ninanais ng mga sumasampalataya sa Islam na tawagin sila bilang
mga Muslim o Moslem. Ilan sa mga kadahilan kung bakit mas gusto nilang tawagin silang mga
Muslim ang kanilang pagsamba lamang sa Diyos, hindi sa kay Muhammad at dahil na rin sa
marami nang iba pang mga Muslim bago pa dumating si Muhammad, kaya't hindi sila dapat na
pangalanan alinsunod sa pangalan ni Muhammad.
Para sa mga Muslim, isa lamang sa kanilang mga propeta si Hesus. Hindi sila tinataguriang mga
Kristiyano dahil hindi sila naniniwalang anak ng Diyos si Hesus.

33
MGA AKDANG PANITIKAN NG MUSLIM
URI PAMAGAT PAKSAIN ARAL REPLEKSYON

Epiko Bantugan Pagtanggap at Ang aral sa Bawat sa sa tin


kababaan ng kwentong ito ay ay pwdedeng
loob. wag mainggit o magabago
Pakikipaglaban mag tanim ng
galit sa iyong
kapwa.

Huwag kang Magpsalamat sa


Epiko Bidsari Pagkainggit at mainggit sa kahit kung anung
kawalan ng ano man na meron tayo.
kompyansa sa meron ang iba. Masama ang
sarili. Bagkos mapag-inggit
magsumikap ka
paramakuha mo
ang iyong
minimithi

MUSLIM

Bantugan – ARNEL CLAVERO


(Epikong Mindanao)
Prinsipe Bantugan at siya'y naglagalag, siya'y nagkasakit at namatay sa pintuan ng palasyo ng
Kaharian ng Lupaing nasa Pagitan ng Dalawang Dagat.  Ang hari rito at ang kapatid niyang si
Prinsesa Datimbang ay naguluhan.  Hindi nila kilala si Bantugan.  Tumawag sila ng pulong ng
mga tagapayo.  Habang sinasangguni nila ang konseho kung ano ang gagawin sa bankay,

34
isang loro ang pumasok.  Sinabi ng loro na ang bangkay ay si Prinsipe Bantugan na mula naman
sa Bumbaran at ibinalita naman ang pangyayari kay Haring Madali.
Nalungkot si Haring Madali.  Dali-dali siyang lumipad patungo sa langit upang bawiin ang
kaluluwa ni Bantugan.  Nang makabalik si Haring Madali, dala ang kaluluwa ni Bantugan, ay
dumating din si Prinsesa Datimbang na dala naman ang bangkay ni Bantugan.  Ibinalik ang
kaluluwa sa katawan ni Bantugan.  Nabuhay na muli si Bantugan at nagdiwang ang buong
kaharian pati na si Haring Madali.
Samantala, nakarating naman ang balita kay Haring Miskoyaw na namatay si Bantugan, ang
matapang na kapatid ni Haring Madali.  Nilusob ng mga kawal niya ang Bumbaran.  Itinigil ang
pagdiriwang at nakilaban ang mga kawal ng Bumbaran.  Nanlaban din si Prinsipe Bantugan
subalit dahil sa siya ay nanglalata pa dahil sa bagong galing sa kamatayan, siya ay nabihag.
Siya'y iginapos, subalit nang magbalik ang dati niyang lakas, nilagot ni Bantugan ang kanyang
gapos at buong ngitngit niyang pinuksa ang mga kawal ni Haring Miskoyaw.  Nailigtas ni
Bantugan ang kaharian ng Bumbaran.  Ipinagpatuloy ng kaharian ang pagdiriwang.  Nawala na
ang inggit sa puso ni Haring Madali.  Dinalaw ni Bantugan ang lahat ng mga prinsesang kanyang
katipan.  Pinakasalan niyang lahat ito at iniuwi sa Bumbaran na tinanggap naman ni Haring
Madali nang malugod at buong galak.  Namuhay si Bantugan ng maligaya ng mahabang
panahon.

Bidasari – EPIKO
Marlon Miguel and John Borgy Danao
Ang buod ng Kwentong Bidasari. Ito ay mula sa Kamindanawan, isang romansang
Malay. Ayon sa kanilang paniniwala, upang magtagal ang buhay ng tao, Ito ay pinapaalagaan at
pinapaingatan sa isang isda,hayop,halaman, o punong kahoy.
Ang kaharian ng Kembayat ay naliligalig dahil sa ibong garuda, isang dambuhalang ibon na
kumakain ng tao. Tuwing dumarating ito nababalot ng takot ang mga tao sa kaharian ng
Kembayat sila ay dagling nagtatakbuhan at nagtatago sa yungib.
Isang araw na pagdating ng garudo ang lahat nagsipagtakbuhan kabilang na dito ang Sultan at
Sultana ng Kembayat. Ngunit ang Nagdadalantaong Sultana ay napahiwalay sa kanyang asawa.
Siya ay napunta sa tabi ng ilog kung saan naisilang nya ang kanyang sanggol. Dahil sa laki ng
takot at pagkalito ang sanggol na ito ay kanyang naiwan.
Na napulot naman ni Diyuhara, isang mangagalakal mula sa kabilang kaharian. Kanyang inuwi
at dagling pinagyaman ang sanggol.
Itinuring niya itong anak at binigyan ng pangalang Bidasari, lumaking isang napakagandang
dilag.
Samantalang sa kaharian ng Idrapura. Ang Sultan dito ay dalawang taon pa lamang nakakasal sa
asawang si Lila Sari,isang mapanigbuhuin Sultana. Kaya madalas ay tatanungin nya abg sultan
kung siya ay mahal nito na sinasagot nama ni Sultan Mongindra na “Mahal na mahal ka sa akin”.

35
Walang pagkasiya ang Sultana minsan namn ay tinanong niya ang asawa “Hindi mo kaya ako
makalimutan kung may makita ka ng higit na maganda sa akin?”. Na tinutugon naman ng Sultan
“Kung higit na maganda pa sayo, ngunit ikaw ang pinakamaganda sa lahat.”
Nag-alala ang Sultana na baka mayroong higit na maganda pa sa kanya kung kaya’t inutusang
nya ang kanyang mga matatapat na kabig upang saliksikin ang hanapin kung mayroon pang
babaeng higit na maganda kaysa sa Sultana.
At ito nga ay si Bidasari na kanyang inanyayahan sa palasyo upang gawing dama ngunit ito lihim
na kinulong at pinarusahan ni Lila Sari.
Hindi na natiis ni Bidasari ang pagpaparusa sa kanya kung kaya’t sinabi nya dito na kunin ang
isdang ginto sa halamanan ng kanyang ama. Sa araw ikukuwintas ito ni Lila Sari at sa gabi
naman ay ibabalik sa tubig at hindi maglalaon ay mamatay si Bidasari. Pumayag ang Sultana
kinuha nya ang isdang ginto at pina uwi na si Bidasari.
Nang isuot nga ng Sultana ang kwintas ng gintong isda sa araw nga ay nakaburol si Bidasari at
muling nabubuhay sa gabi.
Dahil sa pag aalala ni Diyuhara na baka tuluyang patayin si Bidasari ito ay nagpagawa ng
palasyo sa gubat kung saan nya itinira ang kanyang anak.
Isang araw si Sultan Mongindra ay nangaso sa gubat doon nya nakita ang isang magandang
palasyo ngunit ito ay nakapinid. Pinilit nya itong buksan at pinasok ang mga silid. Doon nakita
niya ang isang magandang babae na natutulog, si Bidasari. Ngunit ito ay hindi nya magising.
Umuwi ang Sultan na hindi nakakausap si Bidasari kung kaya’t kinabukasan ay bumaliksiya at
naghintay hanggang gabi. Nang gabi ngang iyon ay nabuhay si Bidasari. Dito nalaman nya ang
ginawa ng Sultana. Nagalit ang si Sultan Mongindra kay Lila Sari ito ay kanyang iniwan sa
palasyo at pinakasalan si Bidasari.
Samantala, ang mga tunay na magulang ni Bidasari ay tahimik ng naninirahan sa Kembayat.
Nagkaroon pa sila uli ng supling at ito ay si Sinapati, na kamukhang kamukha ni Bidasari.
Nang pumunta sa Kembayat ang isang anak ni Diyuhara nakita nito si Sinapati kanya itong
kinaibigan. Ibinalita nya din dito na ito ay may kamukha. Kaya dagling tinanong ni Sinapati ang
kanyang mga magulang kung siya ba ay mayroong nawalay na kapatid. Kung kaya’t pinasama
ng ama ang anak na si Sinapati sa Indrapura.
Nang magkita ang magkaptid ay kapwa sila nagulat sapagkat sila ay magkamukhang
magkamukha. Natunton na ang nawawalang prinsesa ng Kembayat. At ito’y nalaman ng sultan
ng Indrapura ang kanya palang pinakasalan ay isang palang prinsesa.

ARAL- Huwag kang mainggit sa kahit ano man na meron ang iba. Dahil sa ating mundo, laging
mayroong taong mas maganda sayo, mas matalino, at mas magaling. Mas importante na
makuntento ka sa anong meron ka, at mapahusay mo ang iyong talento."

36

You might also like