You are on page 1of 34

QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.

Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon


Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

KALAGAYAN NG KAALAMAN SA KATUTUBONG PANITIKANG SALAWIKAIN

NG MGA PILING MAG-AARAL SA KURSONG BATSELYER NG EDUKASYON

SA SEKONDARYA SA FILIPINO IKATLONG TAON PANGKAT B SA

QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE INC. ATIMONAN QUEZON

AKADEMIKONG TAON 2021-2022

MABELLE M. ORTEGA

BSED FILIPINO 3B

Mananaliksik

MITZI G. CANAYA EdD

Propesor

I
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Paghahandog

Buong puso at pagmamahal na inihahandog ng mananaliksik ang pag-aaral na


ito sa mga taong tumutulong, gumagabay at naging bahagi’t inspirasyon upang
matagumpayan na maisagawa ang pananaliksik na ito. Sa nagbigay nang lakas,
katatagan, patnubay at walang hanggang biyaya upang maayos na maisakatuparan ang
pag-aaral na ito. Sa walang hanggang pag unawa at pagsupporta, sa mga taong naging
daan para maging possible ito sa mga taong nagbuhos at namuhunan ng oras at pagod
upang ang pagsusuring ito ay maisaganap ng matagumpay.

- Mananaliksik

II
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Pasasalamat

Walang hanggan ang pasasalamat ng mananaliksik sa mga taong tumulong sa


upang mapagtagumpayan at maging epektibo ang ginawang pananaliksik.

Una, nagpapasalamat ang mananaliksik sa Panginoon dahil hindi ito magagawa


at matatapos kung wala ang kanyang patnubay, binigyan niya din ng lakas ng loob at sa
lahat ngaming ginagawa, nandoon ang kanyang presensya.

Pangalawa, sa mga magulang na walang sawang sumusuporta sa


pangangailangan lalong-lalo na sa problemang pangpinansyal at oras na binigay upang
magawa ang amingpananaliksik.

Pangatlo, sa kanyang guro na si Ma’am Mitzi G. Canaya EdD na kaniyang


professor sa Filipino na ginabayan sa pananaliksik at binigyan ng mga ideya upang mas
mapalawak ang pamanahong papel.

Pang-apat, sa mga mananaliksik sa mga pag-aaral na ito dahil nadagdagan ang


mga nakalap na impormasyon at nagkaroon ng mga basihan sa kaniyang pag-aaral.

Pang-lima, sa kaniyang mga kamag-aral na tumulong magbigay ng impormasyon


tungkol sa kaniyang paksa. Lubos ang pasasalamat ng mananaliksik kung wala ang mga
taong ito, hindi magiging epektibo, kasiya-siya, makabuluhan, maging maayos,
organisado, at kapani-paniwala ang pamanahong papel.

III
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Abstrak

Ang pag-aaral na ito ay pinamagatang “Kalagayan ng Kaalaman sa Katutubong


Panitikang Salawikain ng mga piling mag-aaral sa kursong Batselyer ng Edukasyon sa
Sekondarya sa Filipino ikatlong taon pangkat B sa Quezonian Educational College Inc.
Atimonan, Quezon Akademikong taon 2021-2022.” Upang malaman ang kalagayan ng
kaalaman sa katutubong panitikang salawikain ng mga mag-aaral. Ang mananaliksik ay
namigay ng talatanungan sa mga respondente. Layunin ng mananaliksik na malaman
ang kalagayan ng kaalaman sa katutubong panitikan na salawikain ng mga respondente.

IV
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Talaan ng Nilalaman

ANG PAUNANG PARTE NG PANANALIKSIK

 Paghahandog…………………………………………………………………………………. II
 Pasasalamat…………………………………………………………………………………… III
 Abstrak………………………………………………………………………………………….. IV
 Talaan ng Nilalaman………………………………………………………………………. V

KABANATA I: Ang Suliranin at Kaligiran nito

 Panimula…………………………………………………………………………................ 1
 Batayang Konseptwal…………………………………………………………………….. 2
 Layunin ng Pag-aaral………………………………………………………………………. 3
 Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral………………………………………………. 3
 Depinasyon ng Katawagan………………………………………………….…………. 4

KABANATA II: Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

 Mga Kaugnay na Literatura…………………………………………………………….. 5


 Mga Kaugnay na Pag-aaral……………………………………………………………… 6

KABANATA III: Metodolohiya

 Uri ng Pananaliksik…………………………………………………………………………. 8
 Lunan ng Pag-aaral…………………………………………………………………………. 8
 Mga Kalahok…………………………………………………………………………………… 8
 Mga Instrumento ng Pananaliksik…………………………………………………… 9
 Mga Teknik sa Pagtuturo………………………………………………………………… 9
 Istatistikal Tritment ng mga Datos………………………………………………….. 9

V
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

KABANATA IV: Paglalahad ng Interpretasyon ng mga Datos

 Distribusyon ng mga respondente ayon sa kasarian……………………………. 11


 Distribusyon ng mga respondente ayon sa edad…………………………………. 12
 Distribusyon ng mga respondente ayon sa tirahan……………………………… 12
 Mga Datos ayon sa kahulugan ng salawikain………………………………………. 13
 Mga Datos ayon sa pagkakabuo ng salawikain……………………………………. 15
 Mga Datos ayon sa pagkakagamit ng salawikain…………………………………. 17

KABANATA V: Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon

 Lagom…………………………………………………………………………………………………. 20
 Kongklusyon……………………………………………………………………………………….. 21
 Rekomendasyon…………………………………………………………………………………. 21

Talaan ng Sanggunian

Apendesis……………………………………………………………………………………………. 23

Bionete..................................................................................................... 28

VI
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

KABANATA 1

Ang Suliranin at Kaligiran Nito

Panimula

Bahagi ng panitikang Pilipino ang mga salawikain. Binubuo ito ng mga salitang
matatalinhaga at mapalamuti. Ito rin ay maaaring binubuo ng mga idyoma. Ang
panitikan ay isang sining na maayos at magandang pagpapahayag ng damdamin ng tao
hingil sa mga bagay-bagay na may kaugnayan sa kanyang sarili o sa pakikitungo niya sa
kapwa. Ito ay maaaring pasulat o pasalita. Ayon kay Calayo (2016), mayroong mga
maituturing na pasalindilang panitikan na napapangkat ayon sa anyo ng pagkakalahad
gaya ng salawikin na naglalarawan ng ating mga katutubong pinagmulan, mga karanasan
at kaalaman at nagsasalaysay ng ating pinaniniwalaan at iba pa. Ito ay maituturing na
isang yaman ng bansang Pilipinas na nararapat lamang na pahalagahan at payabungin sa
pamamagitan ng mas higit na pag-aaral at pagpapalaganap partikular sa mga kabataang
hindi batid ang kahulugan at kahalagahan nito dala ng impluwensya ng makabagong
panahon. Bunga rin ng panitikang ito, maaaring mas mahasa ang kaisipan ng mga tao at
matamo ang mga aral at mensahe na nais ipabatid sa atin nito.

1
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Batayang Konseptwal

INPUT PROCESS OUTPUT

Kalagayan ng
BSED FILIPINO 3B
kaalaman sa
Demograpik Profayl
katutubong panitikan
- Edad na salawikain batay sa: Kompilasyon ng mga
- Kasarian salawikain at
- Kahulugan
- Tirahan kahulugan ng mga ito
- Pagkakabuo
- Pagkakagamit

Pig.Konseptwal na Balangkas

2
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Layunin ng Pag-aaral

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay matamo ang kalagayan ng kaalaman sa


katutubong panitikan na salawikain ng mga mag-aaral ng BSED FILIPINO 3B kung saan
ang mga sumusunod na katanungan ay nais na mabigyan ng kasagutan ng mananaliksik.

1. Ano-ano ang kalagayan ng kaalaman sa katutubong panitikan na salawikain


batay sa kahulugan?

2. Ano-ano ang kalagayan ng kaalaman sa katutubong panitikan na salawikain


batay sa pagkakabuo?

3. Ano-ano ang kalagayan ng kaalaman sa katutubong panitikan na salawikain


batay sa pagkakagamit nito?

Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral

Saklaw at pokus lamang ng pag-aaral ang kalagayan ng kahulugan, pagkakabuo at


pagkakagamit ng katutubong panitikan na salawikain.

Ginawa ang pag-aaral sa paaralan ng Quezonian Educational College Inc.


matatagpuan sa Atimonan, Quezon sa dalawampung (20) mga mag-aaral gamit ang
surbey.

3
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Depinasyon ng Katawagan

Upang lubos na maunawaan ng mga mag-aaral at mambabasa ang pag-aaral ma ito,


ang mga sumusunod ay binibigyang kahulugan sa bahaging ito:

Kultura – ang itinuturing na kaluluwa ng isang bansa. Masasabing ito ang nagbibigay
buhay sa isang lugar sapagkat ito ang nagiging batayan ng kilos o gawi ng mga
mamamayan.

Pananaliksik – ay pagtuklas at pagsubok ng isang teorya para sa paglutas ng isang


suliranin na nangangailangang bigyan ng kalutasan.

Panitikan – ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga


karanasan, hangarin at diwa ng mga tao.

Salawikain – ay ang maiksing pangungusap na lubhang makahulugan at naglalayang


magbigay patnubay sa ating pang araw-araw na pamumuhay. Naglalaman ito ng mga
karunungan.

4
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

KABANATA 2

Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay nagpapakita ng mga kaugnay na literatura at pag-aaral upang


mas lalong mapagtibay ng mananaliksik ang pag-aaral na ito.

Mga Kaugnay na Literatura

Sinabi ni Batnag (2019) ang mga panrehiyong panitikan ay higit na nagiging kawili-
wili kung ito ay naisalin sa Filipino nang sa gayo’y maintindihan ng nakararami.
Napauunlad nito ang panitikang pambansa. Mahalaga ang ugnayan ng panitikang
panrehiyon at panitikang pambansa. Kapwa may natatanging bisa ang dalawang ito na
higit na maisasakatuparan sa pagsasalin.

Sa pag-aaral ni Macan, [3] mayaman ang panitikang Filipino at ito’y hitik sa bungang
karunungan ng malikhang isipan ng mga manunulat na Filipino. Mga manunulat itong
nagmula sa ating mga ninuno, na gumamit ng kanilang karunungan sa pagtugon sa
maraming katanungan tungkol sa kanilang karunungan sa kalikasan at sa kanilang
kapaligiran. Bunga nito’y nalikha nila ang ating mayamang folkor at maikling kwento sa
iba’t ibang rehiyunal na wika, na sumasaklaw ng ating nabuong mito, epiko, alamat,
kwentong bayan, at katutubong awit at tula. Samantalang sumusunod sa mga yapak ng
ating mga malikhaing mga ninuno ang maraming manunulat na humabi ng maraming
obra sa iba’t ibang genre.

Sa aklat na isinulat ni Bendalan (2013) ang mga karunungang-bayan ay mababakas


ang mga kaugalian, asal, gawi at katangian na tanging atin lamang. Ito’y mga kaban ng
yaman ng lahing kayumanggi. Sa katunayan, ang karunungang-bayan ay binubuo ng mga
bugtong, salawikain, kasabihan at palaisipan.

5
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Ayon kay Calayo (2016), mayroong mga maituturing na pasalindilang panitikan na


napapangkat ayon sa anyo ng pagkakalahad gaya ng salawikain at kasabihan na
naglalarawan ng ating mga katutubong pinagmulan, mga karanasan at kaalaman at
nagsasalaysay ng ating pinaniniwalaan at iba pa.

Ang kasabihan ay pawang mga paalala na may halong panunukso at nagtataglay ng


payak na kahulugan. Ito’y bukambibig o sabi sabing hinango sa karanasan ng buhay
nanagsisilbing patnubay sa mga dapat ugaliin na tinanggap ng bayan sa pagdaraan ng
panahon(Bendalan , 2013).

Mga Kaugnay na Pag-aaral

Nailimbag sa Watchtower (2013), na maaaring mabawasan ang ganda ng isang


argumento dahil sa di-wastong paggamit ng mga salawikain. At yamang sa ilang kultura
ang paggamit ng mga salawikain ay may mahalagang ginagampanan sa etika ng
pakikipag-usap, anumang pagkakamali sa paggamit nito ay makasisira sa tingin ng mga
tao sa nagsasalita.

Sabi nina Enrijilo, W at iba pa (2013), kasabay ng pag unlad ng bayan ang pag unlad
ng kaniyang mamamayan sa lahat ng aspekto ng buhay. Tugon sa pag unlad at
pagbabago sa bawat sulok ng mundo ang pagyakap at pakikipagsabayan sa agos na ito
ng PanitikangPilipino. ‘ng pagpapalit anyo nito at pagbibihis mula sa lumang panitikan
haggang sa ngayon. Kung gayong nga at umuunlad ang bayan dahil tumutugon ito sa
modernisasyon hindi ba at masasabi ding pagunlad ang pagbabago sa panitikan dahil
itinuturo natin ito kasabay ng pangpapalawig ng ating kabuhayan at pagkatao.

Ayon sa Salawikain (2016), isang website, ang salawiakin ay binubuo ng mga


matalinhaga at mapalamuting mga salita. Maari itong my idyoma at nagiiwan ng aral at
pilosopiya. Marami pa rin naman ang naniniwala at gumagamit sa mga sa kasabihan at
salawikain sa kadahilanang halos lahat ng mga respondante ay nagsasabing ginagamit

6
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

pa rin naman nila ito upang makakuha ng kaalaman, payo at aral. Ang mga kasabihan at
salwikain at mga matandang panitikan na nag bibigay gabay at aral sa mga tao. Ang mga
salitang ito ay maaring sumalamin sa kultura ng bayan. Ang mga mamayan ng Lucena at
Padre Burgos ay nag papakita na binibigyan pa rin nila ng importansya ang mga
pasalindilang mga panitikan dahil sa tulong nito sapag hulma ng kanilang pagkato kahit
hindi ito nakatutulong sa pinansyal na aspeto.

Ayon kay Reyes (2013), ang mga pasalindilang panitikan ay “Words of our ancestors
and Words of experience”. Ang mga salitang ito ay pinag salin salin na ng ibat ibang
henerasyon at nahulma mula sa iba’t ibang mga exeperyensya para magbigay aral at
pilosopiya sa makabagong henerasyon. Ito ay lumaganap na rin dahil sa malawak na
gamit ng mga salita dahil nga sa nabuo ito mula sa experyensya ng mga nakatatanda at
inililipat sa mga nakababata bilang aral at gabay na rin nila sapag harap sa buhay.
Mahihinuha rin sa mga palagay ng respondante ang paniniwala na ang mga
pasalindilang panitikan ay nakatutulong upang mas mapabuti ang isang tao. Dahil nga sa
ng mga salita ay nagtuturo at naggagabay ay ginagawa itong batayan ng nakatatanda
para ihulma ang pagkatao ng mga kabataan. May mga magandang dulot ang kasabihan
at salawikain ngunit hindi din maalis na may ilang negatibong pananaw dito. Ilan sa mga
respondante ang nagsabi na ginagawa na lamang itong katatawanan ng mga kabataan at
hindi na sineseryoso. Ginagawang literal ang mga pahayag kaya naman na papahamak.

Ayon kay Calibayan (2015), ang panitikan ay salamin ng kultura ng isang lipi at
napakainam gunitain ang mga mabubuti at mayayamang kaugalian at tradisyong
itinuturing na mga ginintuang alaala na mula pa sa ating mga ninuno. Dapat panatilihing
buhay sa ating puso’t isipan ang mga alaalang ito sapagkat nagsisilbi itong
tagapagmansag ng tunay na kaugaliang Pilipino. Marami ang naniniwala na ang
salawikain at mga kasabihan ay pamana sa ating mga Pilipino ng ating mga ninuno. Mga
salitang binalot ng palamuti upang magbigay aral at gabay.

7
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

KABANATA 3

Metodolohiya

1.1 Uri ng Pananaliksik

Ang isinasagawang pananaliksik na may paksang KALAGAYAN NG KAALAMAN SA


KATUTUBONG PANITIKANG SALAWIKAIN NG MGA PILING MAG-AARAL SA KURSONG
BATSELYER NG EDUKASYON SA SEKONDARYA NA SA FILIPINO IKATLONG TAON
PANGKAT B SA QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE INC. ATIMONAN QUEZON
AKADEMIKONG TAON 2021-2022 ay ginagamitan ng deskriptong pananaliksik.
Maraming uri ng pananaliksik ngunit ito ang napili gamitin dahil sa ginagamitan ito ng
talatanungan o mas kilala sa tawag na sarbey, isang instrumento ng pananaliksik na
madaling makakuha ng datos o impormasyon mula sa mga napiling respondente.

1.2 Lunan ng pag-aaral

Isinagawa ang pananaliksik na ito mula sa mga mag-aaral ng Quezonian Educational


College Inc, sa bayan ng Atimonan, Quezon. Bago pa isagawa ng mananaliksik ang
pagaaral o ang pananaliksik na ito ay gumawa ng liham pahintulot sa kinauukulan ng
paaralan upang maisagawa ang pananaliksik o pagaaral.

1.3 Mga kalahok

Ang mga taong kailangan sa pananaliksik upang makakuha ng impormasyon o ng


mga datos batay sa pananaliksik na isinasagawa at ito ay tinatawag na respondente na
silang sasagot sa tanong mula sa mananaliksik. Mga respondente ang daan upang
malaman ang kasagutan sa isinasagawa na pananaliksik tungkol sa napiling paksa. Ang
napiling respondente ay ang mga mag-aaral ng Quezonian Educational College Inc, na
nasa Batselyor ng Edukasyon sa Sekondarya na nagpapakadalubhasa sa Filipino Ikatlong
taon pangkat B.

8
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

1.4 Instrumento ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng pagbibigay ng talatanungan sa


mga respondente upang malaman ang kalagayan ng kaalaman sa katutubong panitikang
salawikain.

Ang talatanungan ay binubuo ng tatlongpung tanong (30) na may apat (4) na


pagpipiliang sagot. Ang resulta na isinasagawang pananaliksik ay matatagpuan sa
Kabanata 4.

1.5 Mga Teknik sa Pagtuturo

Susubukin at aalamin ng mananaliksik ang kalagayan ng kaalaman sa katutubong


panitikang salawikain. Isa sa mga teknik na ginamit ay ang talatanungan na kung saan ito
ang paraan upang makakuha ng impormasyon o kasagutan sa isinagawang pag-aaral.

1.6 Istatistikal Tritment ng mga Datos

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay malaman ang KALAGAYAN NG


KAALAMAN SA KATUTUBONG PANITIKANG SALAWIKAIN NG MGA PILING MAG-AARAL
SA KURSONG BATSELYER NG EDUKASYON SA SEKONDARYA NA NAGPAPAKADALUBHASA
SA FILIPINO IKATLONG TAON PANGKAT B SA QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE INC.
ATIMONAN QUEZON AKADEMIKONG TAON 2021-2022 . Ang mananaliksik ay mamahagi
ng talatanungan sa mga mag-aaral.

9
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Upang malaman ang kasagutan ng respondente ukol sa paksang ito ay ginagamitan ng


pormulang;

% = f × 100

Kung saan ito ang paran upang makuha ang kabuuang bahagdan.

Kung saan ang: %= ay nangangahulugang bahagdan

F= ay nangangahulugang prekwensi

N= ay nangangahulugang bilang ng kabuuang tumugon

10
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

KABANATA 4

Paglalahad ng Interpretasyon ng mga Datos

Nilalaman ng bahaging ito ang resulta ng pag-aaral batay sa mga layunin ng pag-aaral
batay sa mga layunin ng pag-aaral na matatagpuan sa Kabanata 1. Susundan ito ng
pagpapaliwanag sa mga itinalang datos sa tsart at bibigyan ng interpretasyon ayon sa
resulta ng pagsusuri ng mananaliksik.

Distribusyon ng mga respondente ayon sa kasarian

Kasarian Prekwensi Bahagdan


Lalaki 10 50%
Babae 10 50%
Kabuuan 20 100%

Talahanayan Blg.1 Kasarian

Makikita sa Talahanayan 1. 50% ang mga lalaki at mayroon ding 50% ang mga babae.
Sa makatuwid pantay lamang ang bilang ng mga respondente.

11
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Distribusyon ng mga respondente ayon sa edad

Edad Prekwensi Bahagdan


20-22 14 70%
23-24 3 15%
30-33 2 10%
42 1 5%
Kabuuan 20 100%
Talahanayan Blg.2 Edad

Makikita sa Talahanayan 2. 70% ang nasa edad na 20-22, 15% ang nasa edad na 23-
24, 10% ang nasa edad na 30-33 at 5% ang nasa edad na 42.

Distribusyon ng mga respondente ayon sa tirahan

Tirahan Prekwensi Bahagdan


Atimonan 9 45%
San 5 25%
Andres
San 3 15%
Francisco
Padre 2 10%
Burgos
Unisan 1 5%
Kabuuan 20 100%
Talahanayan Blg.3 Tirahan

Makikita sa Talahanayan 3. 45% ang mga nakatira sa Atimonan, 25% sa San Andres,
15% sa San Francisco, 10% sa Padre Burgos at 5% naman sa Unisan.

12
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Ano-ano ang kalagayan ng kaalaman sa katutubong panitikan na salawikain batay


sa kahulugan

Mga Datos

Kahulugan LS S HS LHS Kabuuang


4 3 2 1 Bahagdan
1. Nakapagbibigay
ako ng pakahulugan 15% 85% 0% 0% 100%
tungkol sa salawikain.
2. Ang salawikain ay
mga tradisyunal na
kasabihang ginagamit ng 80% 20% 0% 0% 100%
mga Pilipino batay sa
katutubong kalinangan,
karunungan, at pilosopiya
mula sa buhay sa Pilipinas.
3. Ang salawikain ay
mga pangungusap na
maiiksi lamang ngunit
punong-puno ng 90% 10% 0% 0% 100%
kahulugan.
4. Bahagi ng
panitikang Pilipino ang
salawikain. 90% 10% 0% 0% 100%

5. Ang salawikain ay
tumutukoy sa mga
kasabihan na may layuning
magbigay aral. 75% 25% 0% 0% 100%

6. Ang salawikain ay
base sa mga totoong
karanasan o pangyayari sa
buhay. 20% 75% 0% 0% 100%
7. Nahihirapan akong

13
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

makapagbigay ng
kahulugan ng salawikain.

8. Humihingi muna 15% 65% 20% 0% 100%


ako ng opinyon ng iba
bago ako makapag-isip ng
aking sariling kahulugan ng
salawikain. 15% 70% 10% 5% 100%

9. Mas bihasa ako sa


kahulugan at katawagang
Ingles ng mga salawikain
kaysa Filipinong wika.
10% 10% 75% 5% 100%
10. Kinakailangan ko
pang hanapin sa internet
ang salawikain para
malaman ang kahulugan
nito. 15% 20% 65% 0% 100%

Talahanayan Blg.4 Kahulugan

Kahulugan LS S HS LHS
Bahagdan 43% 39% 17% 1%

Talahanayan Blg.4.1 Kabuuan

Makikita sa talahanayan 4.1 ang kabuuan ng resulta na lumabas sa datos. 43% ang
sumagot sa lubos sa sumasang-ayon, 39% ang sumagot sa sumasang-ayon, 17% ang
sumagot sa hindi sumasang-ayon at 1% naman ang sumagot sa lubos na hindi

14
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

sumasang-ayon. Sa makatuwid mas lamang ang nagsasabing lubos na sumasang-ayon


ang mga respondente na nakapagbibigay sila ng pakahulugan ng salawikain.

Ano-ano ang kalagayan ng kaalaman sa katutubong panitikan na salawikain batay


sa pagkakabuo

Mga Datos

Pagkakabuo LS S HS LHS Kabuuang


4 3 2 1 Bahagdan

1. Nakakabuo ako
ng salawikain 70% 25% 5% 0% 100%
mula sa aking
karanasan.

2. Naibabahagi ko 20% 70% 10% 0% 100%


ang mga
salawikain na
aking nalalaman.

3. May 30% 70% 0% 0% 100%


magagandang
naidudulot sa
aking paniniwala
ang salawikain.
90% 10% 0% 0% 100%
4. Mahalaga na
mabatid ang
salawikain ng
mga kabataan.

15
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

5. Nahihirapan ako 5% 70% 25% 0% 100%


na maintindihan
kung ano ang
nais ipahiwatig
ng salawikain.
5% 25% 65% 5% 100%
6. Madalas akong
gumamit ng mga
salawikain.

15% 75% 10% 0% 100%


7. Nagkakaroon
ako ng mas
malalim na
interpretasyon 15% 75% 10% 0% 100%
sa salawikain.

8. Nagiging malalim
ang aking
bokabularyo
dahil sa
salawikain.

15% 75% 10% 0% 100%


9. Natutulungan
akong maging
maayos ang
gramatika sa
pagsulat ng
salawikain. 20% 65% 15% 0% 100%

10. Nagiging matatas


ako sa pagbasa
dahil sa
salawikain.

16
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

Talahanayan Blg.5 Pagkakabuo

Pagkakabuo LS S HS LHS
Bahagdan 28% 56% 15% 1%

Talahanayan Blg.5.1 Kabuuan

Makikita sa talahanayan 5.1 ang kabuuan ng resulta na lumabas sa datos. 28% ang
sumagot sa lubos na sumasang-ayon, 56% ang sumagot sa sumasang-ayon, 15% ang
sumagot sa hindi sumasang-ayon at 1% ang lubos na hindi sumasang-ayon. Sa
makatuwid mas lamang ang nagsasabing sumasang-ayon ang mga respondente na
nakabubuo sila ng salawikain ngunit nahihirapang maintindihan ang ipinapahiwatig nito.

Ano-ano ang kalagayan ng kaalaman sa katutubong panitikan na salawikain batay


sa pagkakagamit

Mga Datos

Pagkakagamit LS S HS LHS Kabuuang


4 3 2 1 Bahagdan
1. Alam ko kung
saan at paano gagamitin 15% 80% 5% 0% 100%
ang salawikain.

2. Nagagamit ko
ang aking kaalaman 20% 75% 5% 0% 100%
upang makabuo ng
sariling salawikain.

3. Nababatid ko
ang nais ipahiwatig ng 15% 85% 0% 0% 100%
salawikain.

17
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

4. Sa
pamamagitan ng 15% 80% 5% 0% 100%
salawikain, nailalagay ko
ang aking sarili sa
katayuan ng ibang tao.

5. Natutulungan 20% 80% 0% 0% 100%


ako ng salawikain upang
magkaroon ng mas
malawak na pang-
unawa.
10% 75% 15% 0% 100%
6. Nagagamit ko
ang salawikain para
hindi para hindi
masaktan ang
damdamin ng ibang tao.
75% 15% 10% 0% 100%
7. Ang salawikain
ay ginagamit ng mga
matatanda upang
mangaral at akayin ang
mga kabataan sa 25% 75% 0% 0% 100%
mabuting asal.

8. Nababatid ko
ang kahalagahan ng 5% 75% 20% 0% 100%
salawikain.

9. Nagagamit ko
ang salawikain sa pang- 10% 85% 5% 0% 100%
araw-araw na
pamumuhay.

18
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

10. Natutulungan
ako ng salawikain upang
maiparating ang aking
mensahe sa iba.

Talahanayan Blg.6 Pagkakagamit

Pagkakagamit LS S HS LHS
Bahagdan 21% 72% 7% 0%

Talahanayan Blg.6.1 Kabuuan

Makikita sa talahanayan 6.1 ang kabuuan ng resulta na lumabas sa datos. 21% ang
sumagot sa lubos na sumasang-ayon, 72% ang sumagot sa sumasang-ayon, 7% ang
sumagot sa hindi sumasang-ayon at 0% sa lubos na hindi sumasang-ayon. Sa makatuwid
mas lamang ang nagsasabing sumasang-ayon sila na alam nila kung paano gamitin ang
salawikain upang maiparating ang kanilang mensahe sa iba.

KABANATA 5

Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng lagom, kongklusyon at rekomendasyon ng


naisagawang pag-aaral.

19
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

a. Lagom

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman kung ano ang kalagayan ng kaalaman sa
katutubong panitikang salawikain ng mga mag-aaral. Ang pananaliksik na ito ay gumamit
ng deskriptibong pananaliksik, upang makakalap ng mga datos na hahanguan ng
interpretasyon upang makamit ang layunin ng pananaliksik. Nagsagawa ng panayam ang
mananaliksik sa pangkat ng BSED Filipino 3B sa pamamagitan ng messenger upang
kumuha ng mga impormasyong magagamit sa pagsusuri ng kaalaman ng mga
respondente sa katutubong panitikang salawikain.

Batay sa isinasagawang pakikipanayam sa dalawampung (20) respondente ng BSED


Filipino 3B sa pamamagitan ng talatanungan na kanilang sinagutan. Nagkaroon ang
mananaliksik ng interpretasyon batay sa paksang napili.

Natuklasan sa pag-aaral na ito na ang mga mag-aaral ay may mataas na pang-unawa at


kaalaman sa panitikang salawikain.

b. Kongklusyon

Batay sa kinalabasan ng pananaliksik, nabuo ang mga sumusunod na kongklusyon:

20
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

1. Mayroong mataas na pang-unawa at kaalaman ang mga mag-aaral


patungkol sa panitikang salawikain. Nauunawaan nila kung ano ba ang
nais iparating na mensahe gamit ang salawikain.
2. Marami ang nakapagbibigay ng kahulugan ng salawikain.
3. Naibabahagi ng mga mag-aaral ang kanilang nalalaman at karanasan sa
pamamagitan ng salawikain.
4. Nakapagbubuo ang mga mag-aaral ng sariling salawikain.

c. Rekomendasyon

Ang mananaliksik ay nagbigay ng rekomendasyon aa mga kasagutan at kongklusyong


nahinuha.

1. Para sa Kultura ng Pilipinas. Inirerekomenda ng mananaliksik na


magkaroon ng mas malalim na pag-aaral sa mga katutubong panitikang
Pilipino. Upang mapagyaman ang ating kultura at mapaunlad ang ating
panitikan.
2. Para sa edukasyon. Bigyang kahalagahan ang panitikan at itanim sa mga
isipan ng mga mag-aaral kung bakit mahalaga itong pag-aralan.
3. Para sa mga kabataan. Inirerekomenda ng mananaliksik na bigyang
pansin ng mga kabataan ang ating panitikang salawikain at patuloy parin
itong gamitin at isabuhay upang mapagyaman at mapagyabong para sa
susunod n henerasyon.

Talaan ng Sanggunian

http://oaji.net/pdf.html?n=2020/1543-1585281163.pdf

21
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

https://www.scribd.com/document/373679365/SUPER-FINAL-kasanayan-Sa-
Karunungang-bayan

https://pdfcoffee.com/aaaaa-3-pdf-free.html

Apendesis

Quezonian Educational College Inc.

Atimonan, Quezon

22
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

TALATANUNGAN

Panuto: Isulat sa patlang at lagyan ng tsek ( ✓) ang mga hinihinging impormasyon ayon
sa iyong demograpikong profayl.

Pangalan (Opsyonal): ____________________________________

Edad: ____________

Kasarian: [ ] Babae [ ] Lalaki

Pangkat/Seksyon: _______________________________________

Tirahan: _______________________________________________

Mahal na Respondente,

Magandang Pagbati!

Ako ay mag-aaral mula sa BSED FILIPINO 3B na kasalukuyang


nagsusulat ng pamanahonh papel hinggil sa KALAGAYAN NG KAALAMAN SA
KATUTUBONG PANITIKANG SALAWIKAIN NG MGA PILING MAG-AARAL SA
KURSONG BATSELYER NG EDUKASYON SA SEKONDARYA NA
NAGPAPAKADALUBHASA SA FILIPINO IKATLONG TAON PANGKAT B SA
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE INC. ATIMONAN QUEZON AKADEMIKONG
TAON 2021-2022

Kaugnay nito, inihanda ko ang kwestyoner na ito upang makapangalap


23
ng mga datos na kailangan namin sa aming asignaturang Introduksyon sa
Pananaliksik: Wika at Panitikan.

Kung gayon, mangyaring sagutan nang buong katapatan angga


QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

PANUTO : Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Lagyan ng tsek
(✓) ang angkop na bilang na tugma sa iyong kasagutan

24
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

BILANG KATUMBAS NA PAHAYAG

4 Lubos na sumasang-ayon (LS)

3 Sumasang-ayon (S)

2 Hindi sumasang-ayon (HS)

1 Lubos na hindi sumasang-ayon (LHS)

LS S HS LHS
Kahulugan ng salawikain 4 3 2 1

1. Nakapagbibigay ako ng pakahulugan


tungkol sa salawikain.

2. Ang salawikain ay mga tradisyunal na


kasabihang ginagamit ng mga Pilipino batay
sa katutubong kalinangan, karunungan, at
pilosopiya mula sa buhay sa Pilipinas.

3. Ang salawikain ay mga pangungusap na


maiiksi lamang ngunit punong-puno ng
kahulugan.
4. Bahagi ng panitikang Pilipino ang
salawikain.
5. Ang salawikain ay tumutukoy sa mga
kasabihan na may layuning magbigay aral.

6. Ang salawikain ay base sa mga totoong


karanasan o pangyayari sa buhay.

7. Nahihirapan akong makapagbigay ng


kahulugan ng salawikain.

8. Humihingi muna ako ng opinyon ng iba

25
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

bago ako makapag-isip ng aking sariling


kahulugan ng salawikain.
9. Mas bihasa ako sa kahulugan at
katawagang Ingles ng mga salawikain kaysa
Filipinong wika.
10. Kinakailangan ko pang hanapin sa internet
ang salawikain para malaman ang
kahulugan nito.

LS S HS LHS
Pagkakabuo ng salawikain 4 3 2 1
1. Nakakabuo ako ng salawikain mula sa aking
karanasan.
2. Naibabahagi ko ang mga salawikain na
aking nalalaman.

3. May magagandang naidudulot sa aking


paniniwala ang salawikain.

4. Mahalaga na mabatid ang salawikain ng


mga kabataan.

5. Nahihirapan ako na maintindihan kung ano


ang nais ipahiwatig ng salawikain.

6. Madalas akong gumamit ng mga


salawikain.

7. Nagkakaroon ako ng mas malalim na


interpretasyon sa salawikain.

8. Nagiging malalim ang aking bokabularyo


dahil sa salawikain.

9. Natutulungan akong maging maayos ang


gramatika sa pagsulat ng salawikain.

26
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

10. Nagiging matatas ako sa pagbasa dahil sa


salawikain.

LS S HS LHS
Pagkakagamit ng salawikain 4 3 2 1

1. Alam ko kung saan at paano gagamitin ang


salawikain.

2. Nagagamit ko ang aking kaalaman upang


makabuo ng sariling salawikain.

3. Nababatid ko ang nais ipahiwatig ng


salawikain.

4. Sa pamamagitan ng salawikain, nailalagay


ko ang aking sarili sa katayuan ng ibang
tao.
5. Natutulungan ako ng salawikain upang
magkaroon ng mas malawak na pang-
unawa.
6. Nagagamit ko ang salawikain para hindi
para hindi masaktan ang damdamin ng
ibang tao.
7. Ang salawikain ay ginagamit ng mga
matatanda upang mangaral at akayin ang
mga kabataan sa mabuting asal.
8. Nababatid ko ang kahalagahan ng
salawikain.

9. Nagagamit ko ang salawikain sa pang-


araw-araw na pamumuhay.

27
QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE, INC.
Dr. R. Soler St., Zone II Poblacion, Atimonan, Quezon
Tel. No. (042) 316-4129 / Email: qecatimonan@yahoo.com.ph

10. Natutulungan ako ng salawikain upang


maiparating ang aking mensahe sa iba.

BIONETE

QUEZONIAN EDUCATIONAL COLLEGE INC.

Atimonan, Quezon

MABELLE M. ORTEGA

Mananaliksik

28

You might also like