You are on page 1of 26

22

Dagdag pa niya,“the higher the number of sensing organs

activated by the teaching materials employed in learning-

teaching process, the better and more enduring the learning

process is.” Ang pahayag na ito ay mangyayari kapag nagamit

nang maayos ang mga limbag na materyal, awdyo-biswal na

kagamitan at mga gawaing nagbibigay ng konkretong karanasan ay

lubos itong nakatutulong upang maging mabisa ang pagkatuto.

Sinisugan naman ito ni Mazgon (2012) sa kaniyang

“Importance of the Various Characteristics of Educational

Materials: Different Opinions, Different Perspectives”

kailangang pumili ang guro ng kagamitang panturo na aangkop sa

layunin ng pagtuturo at inaasahang matutuhan sa pag-aaral.

Kaya’t ang kagamitang panturo ay nararapat lámang na binubuo

ng mababa at mataas na antas ng mga tanong upang lubos na

matutuhan ang aralin.

Kaugnay nito, ayon naman sa artikulo na isinulat ni

Sulaimain Kamal-deen Olawale (2013), ang mga materyales na

ginagamit sa pagtuturo ay magbibigay sa bawat kasapi ng

pangkat ng magkapareho at magkaugnay na karanasan. Naiiwasan

din nito ang hindi pagkakaunawaan, napadadali ang pagkaunawa,

at nagkakaroon ng malawak na kapakinabangan sa klase.

Nakababawas ito sa oras na gugugulin sa pagpapalawak ng

kaisipan kaya madaling nakukuha ng mga mag-aaral ang konsepto


23

at kaalaman na nais ibahagi ng kanilang guro. Nakatutulong din

ito sa pagbubuod at ginagawang simple ang mga paksa upang

mabawasan ang hirap na nararanasan ng mga mag-aaral.

Ang mga nabanggit na literatura ay tumatalakay sa

kahalagahan ng kagamitang panturo na ninanais na mabuo ng

mananaliksik. Gayundin, ang mga ito ay tumatalakay sa mga

katangian at mga dapat isaalang-alang sa pagbuo at paggamit

nang maayos at makatulong nang lubusan sa guro at mag-aaral.

Malaki ang maitutulong ng mga ito upang mapalawak ang kaalaman

ng mananaliksik hinggil sa angkop na gawain na dapat ihanda na

tutugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral sa ika-21 siglo.

Ayon naman kay Li (2013) mula kay Piaget ang

Constructivism ay isang dulog sa pagtuturo kung saan ang bawat

isa ay kabilang sa pagbubuo ng mga konsepto at kaalaman. Sa

pamamagitan nitó nagaganyak ang mga mag-aaral na magkaroon ng

mataas na antas ng pag-iisip na karaniwang napauunlad sa

pamamagitan ng paglutas sa mga problema at masusing pag-iisip.

Sinuportahan naman ito ni Gray (2012), sa pagsasabing ang

nararapat na pangunahing layunin ng paggamit ng Constructivist

Teaching ay matutuhan ng mga mag-aaral kung paano sila

matututong magkaroon ng sariling pagkukusa para sa kanilang

pagkatuto. Ayon din sa kaniya, ang mga katangian ng

constructivist klasrum ay ang mga sumusunod: ang mga mag-aaral


24

ay aktibong nakikilahok, demokratikong kapaligiran, ang mga

aktibidad ay interaktibo at nakasentro sa mga mag-aaral, at

ang mga guro ay nagiging tagapamahala lámang sa proseso ng

pagtuturo kung saan ang mga mag-aaral ay hinihikayat na maging

responsable sa kanilang sariling pagkatuto.

Sa kabilang dako, binigyang-pansin nina Metin at Özmen

(2009), ang gampanin ng guro. Ayon sa kanila ang guro ay may

malaking papel upang gabayan ang mga mag-aaral na maiugnay ang

mga bagong impormasyong natutuhan sa kanilang dating kaalaman.

Ang mga mag-aaral ay aktibong kabahagi sa proseso ng pagkatuto

at pagbuo ng kaalaman búhat sa iba’t ibang gawain. Ang angkop

na kagamitang panturo ay dapat na ihanda at gamitin upang

matamo ang inaasahang pagkatuto.

Batay sa nabanggit, nakatuon ang konsepto ng

constructivism at constructivist teaching sa paraan ng

pagkatuto ng mga mag-aaral batay sa kanilang pansariling

kawilihan subalit hindi pa rin matatawaran ang papel na

ginagampanan ng mga guro sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Higit

na magiging makabuluhan ang pagkatuto ng mga mag-aaral kung

sila mismo ang gumagawa ng mga paraan upang makatuklas ng mga

kasagutan at bagong kaalaman. Ang ganitong senaryo ay ang

layunin ng kasalukuyang pag-aaral kung saan aalamin sa pag-


25

aaral ang antas ng kahusayan ng mga mag-aaral sa pagsulat

batay sa gabay ng ortograpiyang Filipino.

Sa ginawang pag-aaral ni Figueroa (2013) mula Language

Education Policy ng Estados Unidos na sa panahong mabilis na

ang pagbabago ng demograpiya at globalisasyon ay dapat na

gamitin ang sariling wika bilang pangunahing wika sa paaralan

o lipunan. Isinasaad sa kanyang pag-aaral na sa isang lipunan

na may iba’t ibang lahi o pamilya na dayuhan na naging

mamamayan sa lugar na iyon ay mayroon silang laya na gamitin

ang kanilang wika kapag sila ay nasa kanilang tahanan. At

upang magkaroon ng pagkakaunawaan sa isa’t isa, sa panahong

sila ay magkakasama sa isang paaralan o komunidad ang wikang

Ingles ang kanilang gagamitin bilang pangalawang wika.

Ang pag-aaral ni Figueroa ay tumatalakay sa kahalagahan

ng paggamit ng iisang wika upang makamit ang pagkakaunawaan ng

bawat isa. Maiuugnay ang pag-aaral na ito sa kasalukuyang pag-

aaral sapagkat ito ay nakatuon sa iisang paggamit ng wika

kasabay ng mga pagbabagong nagaganap sa ating kapaligiran at

kung ano ang gampanin ng wika upang mapag-isa ang mga

mamamayang naninirahan dito. Ganito rin ang layunin ng

ortograpiyang Filipino ang maipamulat ang mga pagbabagong

naganap at patuloy na nagaganap sa ating wika upang magkaroon

ng kabatiran ang bawat isa at makamit ang pambansang


26

pagkakaunawaan sa paggamit ng mga salita pasulat o pasalita

man.

Lokal na Literatura

Napapaloob sa bahaging ito ang mga babasahin na may

kinalaman sa wika at mga batas nito maging ang pagtalakay sa

Ortograpiyang Filipino. Binigyang-pansin din dito ang ilang

babasahing may kinalaman sa pagbuo ng kagamitang panturo.

Unang binigyang pansin ng may-akda ang babasahing may

kinalaman sa batas upang magsilbing legal na batayan ng

kaniyang pag-aaral. Ayon sa Artikulo XIV, Seksyon 3 ng

Saligang Batas ng 1987 na ang Kongreso ay nakatadhanang gumawa

ng mga hakbangin tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansa

na ibabatay sa isa sa umiiral na katutubong wika. Ang ibig

lamang ipakahulugan nito ay sa simula't simula pa'y nagkaroon

na ng mga panukala ukol sa paggamit ng katutubong wika.

Kaugnay nito, ayon sa Batas Republika Blg. 7104, ang

Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ay tinakdang magsagawa, mag-

ugnay, at magtaguyod ng mga pananaliksik at pag-aaral para sa

pagpapaunlad, pagpapalaganap, at preserbasyon ng Filipino at

iba pang mga wika ng kapuluan. Kaugnay nito, malugod na

hinahangad ng KWF na buklurin ang mga ahensiya ng pamahalaan


27

upang tupdin ang tadhana ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335

na nilagdaan ni dating Pangulong Corazon C. Aquino noong 25

Agosto 1988 na pormal na nag-aatas sa lahat ng kagawaran,

kawanihan, opisina, ahensya, at instrumentaliti ng pamahalaan

na magsagawa ng mga hakbang na kailangan para sa layuning

magamit ang Filipino sa opisyal na transaksiyon, komunikasyon,

at korespondensiya.

Ang mga batas na may kinalaman sa wika ay nauugnay sa

kasalukuyang pag-aaral sapagkat patuloy ang isinasagawang

pagpapaunlad sa wikang Filipino kaakibat ng mga pagbabagong

nagaganap at maisasakatuparan ang layuning ito kung ang mga

mag-aaral sa kasalukuyan ay nakikiisa sa pagpapaunlad nito

bilang mga pangunahing tagapagtaguyod at gumagamit ng wikang

Filipino.

Bilang pagpapatibay ng malalim na kahulugan ng wika,

sinabi ni Faeldan (2010), na ang pagtuturo ng wika ay bunga ng

pag-aaral sa gramatika at paggamit ng mga tuntuning

pangkomunikasyon. Ang paggamit ng wika ay pagbibigay-diin sa

kahulugan ng mensahe at tinatapos sa wastong kayariang

pangwika. Isinasaad ditto ang katuturan ng bawat aspeto tulad

ng; kahusayang panggramatika, magkaroon ng lubusang kaalaman

ang guro sa paggamit ng wika, kasanayang pangsosyolinggwistik,


28

nagsasaad ng iba’t ibang kayariang panggramatika na magagamit

sa mga sitwasyong angkop sa pamantayang kinagisnan ng guro.

Kaugnay nito, batay sa isinulat ni Antonio (2006) tungkol

sa “Pag-igpaw sa Ilang Problema ng Pagtuturo at Paggamit ng

Filipino” tinalakay ang dalawang suliranin sa loob ng silid-

aralan tungkol sa pagtuturo at paggamit ng wikang Filipino.

Una, ang suliranin sa ugali ng guro tulad ng pagtanggap nila

sa wikang Filipino at ikalawa, ang kaligiran ng pagtuturo

kasama rito ang buong paaralan at ang komunidad ng pagtuturo.

Ang pahayag ni Faeldan at ang pag-aaral ni Antonio ay

nauugnay sa kasalukuyang pag-aaral sapagkat ang mga ito ay

nakatuon sa pagtuturo ng wika. Gayundin, binigyang pansin din

nila ang mga suliraning kinakaharap ng mga guro sa kasalukuyan

at kung paano itinuturo ang wika at gramatika sa tulong ng

buong komunidad upang lubos na maunawaan ng mga mag-aaral ang

bawat aralin.

Ayon kay Young (2007), ang wikang Filipino ay dinisenyo

upang mapalawak ang kaalaman ng bawat Filipino tungkol sa

sariling wika at ang mga kagamitan nito. Sa larangan ng

edukasyon ay lalong pinatitibay ng mga patunay ukol sa

magandang epekto sa pag-unawa ng mga mag-aaral sa mga aralin.

Patunay nito ang kahusayan ng mga mag-aaral sa kanayunan na

mas madaling nalilinang ang kahusayan sa mga makrong kasanayan


29

gamit ang wikang Filipino. Nakasaad sa Resolusyon Blg. 96-1 na

nilagdaan noong Agosto 28, 1996. Batay sa resolusyon: Ang

Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong

Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo.

Bilang suporta sa pahayag ni Young, sinabi ni Giron

(2008) sa isang lektyur-forum ang paggamitng wika ng bata

bilang midyum ng pag-aaral. Sinabi niya na ang unang wika ng

bata sa kaniyang tahanan, ang kaniyang pag-iisip ay naka-

encode sa wikang ito kung kaya ang pagkatuto sa unang wika ang

maghahanda sa bata upang maging multilinggwal. Ang pagtuturo

gamit ang unang wika ay isang mainam na puhunan kung ang layon

ay tumulong sa batang mag-aaral na sa dakong huli ay

makatatamo ng maaaring pinakamataas na antas ng kasanayan sa

nilalaman at kahusayan sa pangalawang wika.

Sa pahayag ni Villanueva (2012) sa isang pahayagan na

matatamo ang pag-unlad sa pamamagitan ng paggamit ng sariling

wika. Mamamalas ang gampanin ng wika sa pagpapaunlad ng bansa,

nararapat lamang na ang unang wika ang gamitin, nauunawaan, at

patuloy na pinayayaman ng lahat ng sector ng lipunan. Kaugnay

nito sa pananaliksik ni Bautista (2015) sinabi niya na

dumarami na ang sulating panggaramatika na nakasulat sa

katutubong wika dahil sa pangangailangan ng kaguruan sa mga

konsepto sa wikang madaling maunawaan ng mag-aaral.


30

Ang mga pahayag nina Young, Giron, Villanueva, at

Bautista ay may kaugnayan sa kasaukuyang pag-aaral. Ang mga

ito ay nakatuon sa paggamit at pagpapayaman ng sariling wika.

Kinakailangang patatagin ang kasanayan ng bawat isa sa

paggamit ng sariling wika. Mahalagang maunawaan ng mga mag-

aaral ang kahalagahan ng pagtatamo ng sapat na kaalaman sa

paggamit ng wika at kung ano ang kapangyarihang taglay ng wika

na magagamit sa pagpapaunlad ng pang-araw-araw na

pakikipagtalastasan.

Ayon kay Constantino (2007), ang wika ang pangunahing

instrumento ng pangkomunikasyong panlipunan. Ipinaliliwanag na

ang pagpaplanong pangwikang pang-akademiko ay kabilang sa

larangang sosyolingguwistiks na bunga nito ang pagpapaunlad ng

repleksyonistang kaisipan na nagsasabing ang wika ay

repleksiyong ng lipunan.

Bilang suporta sa pahayag ni Constantino, binanggit ni

Gregorio (2006) sa kanyang aklat na Principles and Method of

Teaching, ang pamamaraan upang maging epektibo. Ang wika ay

naglalayong luminang ng kakayahang komunikatibo at ng

kasanayang gumamit ng wikang Filipino sa iba’t ibang sitwasyon

sa pang-araw-araw na buhay na maaaring gamitin sa iba’t ibang

asignatura. Samakatuwid, ang binibigyan ng higit na diin ay

ang gamit ng wika, may mga aralin ding nagpapakita ng angkop


31

na anyo ng wika na gagamitin sa sitwasyon. Kaya importante na

ang wikang Filipino sa iba’t ibang asignatura sa pang-

akademiko at magamit sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Samantala sa isang panayam ang isinagawa ni Pagkalinawan

(2010) sa tesis niyang may pamagat na “Isang Malikhaing

Pagtuturo ng Wika tungo sa Paglinang ng Kasanayang

Komunikatibo: Mga Tuntunin at Estratehiya”. Binanggit niya ang

dalawang mahalagang konsepto sa malikhaing pagtuturo. Una, ang

guro ng wika ay dapat malikhain sa kaniyang pagtuturo at

ikalawa, ang paglinang sa kasanayang pangkomunikatibo ng mag-

aaral ng wika.

Ang isinagawang panayam ni Pagkalinawan ay may malalim na

kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral sapagkat ipinapakita ditto

ang layuning matalakay ang mga batayang konsepto sa pagtuturo

at pagkatuto ng wika, tinalakay rin ang papel na guro at mag-

aaral sa silid-aralang pangwika.

Samantala, batay sa aklat ni Bernales (2013), ang

Pilipinas ay isa sa mga bansang may pinakamaraming diyalekto.

Sa mahigit na pitong libong pulo, higit sa apatnaraang iba’t

ibang diyalekto o wikain ang ginagamit. Bawat rehiyon ay may

sari-saring wikain o mga wikain. Kung tutuusin, hindi sana

tumagal nang mahigit tatlong daan at tatlumpu ang ating

pagkakaalipin kung noon pa mang unang taon ng pananakop ay may


32

isa nang malawak na wikang nauunawaan at ginagamit mg

Pilipino. Samakatuwid, upang magamit sa sukdulang kagamitan

ang wika, dapat itong mahawakan nang buong-husay, maangkin ng

ganap.

Ayon naman kay Male (2016), ang patuloy na pagkilos tungo

sa tinatawag na globalisasyon at habang umuunlad ang isang

global language ay lalong pinahahalagahan ng bawat bansa ang

kani-kanilang ethnicity o sariling pagkakakilanlan partikular

na ang lengguwahe at kulturang identidad. Ang Pilipinas ay isa

sa mga bansang mayroong napakaraming wika. Sa kabila ng

pagiging linguistically diverse ng bansa natin, mula pa 1974

ang ating edukasyon ay nakatutok sa patakarang bilingguwal,

paggamit ng Filipino at Ingles bilang midyum ng pagtuturo sa

mga tiyak na asignatura.

Upang bigyang-linaw ang sitwasyon pangwika sa bansa,

nagkaroon ng iba’t ibang serye ng reporma ang patnubay sa

ortograpiya, nauna sa mga serye ng ipinatupad na gabay at

kautusan ng Departamento ng Edukasyon ang 1987 Alpabeto at

Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino sa pamamagitan ng

Kautusang Pangkagawaran Blg. 81, s. 1987, sinundan ng 2001

Revisyon ng Alfabeto at Patnubay sa Ispeling ng Wikang

Filipino sa pamamagitan ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 45, s.

2001, sinundan ng 2009 Gabay sa Ortograpiya ng Wikang


33

Filipino batay sa Kautusang Pangkagawaran Blg. 104, s. 2009 at

ang pinakahuli ay Binagong Gabay sa Ortograpiyang Pambansa

batay sa Kautusang Pangkagawaran Blg. 34, s. 2013.

Kaugnay nito sa akdang Pagpaplanong Wika at Filipino ni

Almario at salin sa Ingles ni Kilates (2015), mariin niyang

ipinahayag na kailangan ang mahigpit na pagkakaisa ng KWF at

ng DepEd hinggil sa reedukasyon ng mga gurong kasalukuyang

nagtuturo at sa rebisyon ng mga materyales panturo.” Dagdag pa

niya na sa “Ortograpiyang Pambansa ay napakaliwanag na isang

taktika ito upang mapabilis ang modernisasyon at hindi sagwil

ang maramihang paghiram para sa pagtuturo ng makabagong agham

at teknolohiya, produksiyon ng mga aklat at iba pang

materyales.”

Dagdag pa niya na dalawa ang pinakaepektibong

tagapagpalaganap ng Filipino ngayon ay binubuo ng mga guro at

ang naglilingkod sa ugnayang-madla. Ang mga guro sa batayang

edukasyon ang tagahubog ng uri ng wikang isasaloob at

gagamitin ng kabataan. Ang mga peryodista at brodkaster ang

tagapagbalita ng pagbabago bukod sa sila rin ang

tagapagpalaganap ng estandardisadong anyo ng pabigkas at

pasulat na Filipino.

Hindi natin maitatanggi ang pag-unlad ng wikang Filipino

gayundin ay ang mga wikain na umiiral sa loob ng bansa. Malaki


34

ang kaugnayan ng mga babasahing may kinalaman sa ortograpiyang

Filipino sapagkat ito ang tuon ng kasalukuyang pag-aaral. Ang

pagkakaroon ng isang pang-unawa sa mga salita ang magiging

daan upang matamo ng buong bansa ang pagkakaunawaan na

hinadlangan ng magkakalayong mga pulo.

Ayon naman kina Villafuerte at Bernales (2008) sa

kanilang aklat na Pagtuturo ng/sa Filipino: Mga Teorya at

Praktika ay nagbigay ng ilang magagandang bungang matatamo ng

mga guro at mag-aaral sa paggamit ng modyul. Ang mga guro ay

nagiging malayá sa pagtuturo ng maraming pangunahing kasanayan

sa partikular na asignatura. Natuklasan ang tamang

pangangailangan sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Naipagkakaloob

sa mga mag-aaral ang maayos na palatuntunan ng pagkatuto.

Nakapagdudulot ng higit na mataas na antas ng kasiyahan.

Nakatutulong na maging tagapanayam at gabay na nakadaragdag sa

mga kagamitang panturo.

Binanggit pa ni Villafuerte (2008), sa kaniyang pag-

aaral na nagkakaroon ng impak ang kagamitang panturo kapag ito

ay may kapuna-punang epekto sa mga mag-aaral o kapag nagkaroon

ng interes, atensiyon at kuryosidad ang mga mag-aaral. May

impak ang mga kagamitang panturo sa pamamagitan ng mga

sumusunod: novelty, varayti, kalugod-lugod na presentasyon at

nakasisiyang nilalaman.
35

Sa pag-aaral nina Faeldan (2010), Antonio (2006), at

Pagkalinawan (2010), binigyang-pansin nila ang wika bilang

isang asignatura na dapat matutunan ng mga mag-aaral sa silid-

aralan. Gayundin kung paano maituturo at matutunan ang wika

gamit ang iba’t ibang paraan o estratehiya. Nakatuon naman ang

pag-aaral nina Berbales (2013), Kilates (2015), at Villafuerte

(2008) sa pag-unlad na naganap sa wika.

Ang mga nabanggit na literatura ay mahalaga sa

kasalukuyang pag-aaral sapagkat ang mga ito ay tumalakay sa

Ortograpiyang Pambansa at kagamitang panturo. Ang pagtalunton

sa kasaysayan ay makatutulong upang maunawaan ang kasalukuyang

kalagayang pangwika na sanligan sa pagbuo ng mungkahing modyul

na ninanais ng mananaliksik.

Sa kabuuan, lahat ng mga kinalabasan, obserbasyon, at

konsepto ng iba’t ibang mga may-akda ay nakapagbigay ng

mahahalagang ideya upang maging batayan sa bubuuing modyul ng

mananaliksik sa paglinang sa pagsulat na kakayahan.

Banyagang Pag-aaral

Nakatuon ang bahaging ito sa mga pag-aaral na tumatalakay

sa paggamit ng iba’t ibang estratehiya sa pagtuturo na

pinaniwalaang malaki ang naging epekto sa pagtatamo ng mga


36

mag-aaral ng mga kasanayan na inaasahang kanilang maaangkin.

Binigyang-pansin din ng mananaliksik ang magandang bunga ng

paggamit ng wikang Filipino bilang wikang panturo.

Ayon sa pag-aaral ni Kirschner (2006) ang mga mag-aaral

ang dapat pumanday sa sariling kaalaman subalit ito ay

magiging tumpak at mahusay kung ang kanilang interes ay

mapupukaw ng mga gawain at kagamitang pampagtuturo na inihanda

ng guro. Bilang suporta sa pag-aaral ni Kirschner, binigyang-

diin ni Olson (2008) na maraming estratehiya, dulog, at

pamamaraan ng pagtuturo ang nanghihikayat at humihimok sa mga

mag-aaral upang maging aktibo sa klase. Ilan sa mga

inirerekomenda ng pag-aaral niya ay ang kooperatibong

pagtuturo at ang pagbibigay ng mga orihinal at kapaki-

pakinabang na gawain.

Maiuugnay ang mga pag-aaral nina Kirscher at Olson sa

kasalukuyang pag-aaral sapagkat isinasaad sa mga ito ang papel

ng guro. Gayundin, ang mga kinakailangang gawin ng mga guro

gaya ng estratehiya, mga paraan, at kagamitang panturo upang

maging lubusan ang pagkatuto ng mga mag-aaral na tunguhin din

ng isinasagawang pananaliksik.

Ayon kay Andam, sa pag-aaral ni Delen (2016), propesor sa

Kwame Nkrumah University of Science and Technology tunay na

mahalaga ang pagkakaroon ng epektibong pasilidad at sapat na


37

kagamitang pampagtuturo sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Sa

kaniyang pag-aaral, lumalabas na ang mga mag-aaral sa

paaralang may kakapusan sa maayos at angkop na pasilidad at

kakulangan sa mga kagamitan sa pagtuturo ay mayroon lamang

maliit na porsyento upang magtagumpay at makapasa sa mga

pangunahing eksaminasyong pangnasyonal.

Kaugnay nito, inilahad ni K. May sa pag-aaral na

isinagawa ni Delen (2016), na ang pagkakaroon ng maliit na

silid-aralan at kawalan ng sapat na kagamitan ay isang

malaking problema sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

Kinakailangang masiguro na ang mga aktibidad na kaugnay ng

kanilang aralin ay matagumpay na maisasagawa ng bawat mag-

aaral.

Ang pag-aaral nina Andam at K. May ay nauugnay sa

kasalukuyang pananaliksik sapagkat tinatalakay ang tungkol sa

mga pangunahing kakulangan sa pagtuturo na nakaaapekto nang

malaki sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Malaki ng papel na

ginagampanan ng bawat silid-aralan, pasilidad, at mga

kagamitang pampagtuturo sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa bawat

aralin.

Sang-ayon sa disertasyon ni Decker (2014) may pamagat na

“Ortography Development for Creole Language” ay inilahad niya

ang pag-unlad sa pagsulat ang pinakamahalagang imbensiyon ng


38

tao sa kasaysayan. Sa kabila nito, halos kalahati lamang ng

mga wika sa mundo ang mayroong estandardisadong ortograpiya.

Binigyang-diin pa niya na kahit maraming búhay na wika na

hindi pa naisusulat, mayroon itong kapakinabangan sa

pagkakaroon ng estandardisadong ortograpiya. Tulad ng pagsulat

ng mga ideya, kasaysayan, at polisiya. Sa pamamagitan nito ay

nagiging posible ang komunikasyon. Mangyari pa, ang

estandardisadong ortograpiya ay mabisang kasangkapan sa

pagkatuto sa kasalukuyang panahon at ito rin ang kailangan sa

preserbasyon ng sinasalitang wika.

Sa disertasyon na ginawa ni Athamni (2010), tungkol sa

pagkatuto sa wika gamit ng kooperatibong pagkatuto, nalaman

niya na bukod sa wika kinakailangang ding mahasa ang mga mag-

aaral sa gramatika. Maaari itong ituro sa pamamagitan ng

pangkatang gawain o pandalawahang gawain. Sa pagkadalubhasa sa

estrukturang panggaramatika, magiging tumpak at mahusay ang

paggamit ng wika. Nabatid din mula sa mga respondenteng guro

na ang pangkatang gawain ay nagreresulta upang mahikayat ang

mga mag-aaral na aktibong makilahok sa talakayan. Sa

pamamagitan nito nagkakaroon ng interes ang mga mag-aaral na

itama ang kanilang mga pagkakamali, magbigay ng ideya, at

impormasyon habang sila ay nag-aaral sa ilalim ng

kooperatibong dulog. Sa panig ng mga respondenteng mag-aaral,


39

nalalaman nila na sila ay nagkukulang sa gramatikang pasulat

at nangangailangan pa ng ibayong pag-aaral dito.

Sa pananaliksik na ginawa ni Soltera (2009), sa pag-aaral

ni Urbano (2015), tungkol sa performance ng mga mag-aaral sa

interaktibong pagsusulat at ang epekto nito sa California

English Language Development Test (CELDT), lumalabas na

bagaman ang interaktibong pagsusulat ay walang positibong

epekto sa gramatika at pagpapalawig ng kaalaman tungkol sa

paksa, nakita naman ang malaking pagbabago sa larangan ng

pagbabaybay at paggamit ng tamang salita. Gayundin, natuklasan

ang pag-angat ng marka ng mga respondente mula sa paunang

pagtataya sa panghuling pagtataya na nagkaroon ng makabukuhang

kaibahan ayon sa iilapat na statistics.

Inilahad naman sa pag-aaral ni Sejpal (2013) na may

pamagat na “Modular Method of Teaching” na isinagawa sa

Haribapa Arts and Commerce College, Jasdan, Gujarat, India ay

natuklasan sa pag-aaral na ang paggamit ng modyul ay mas

epektibo sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

Kaugnay ng mga naunang nabanggit na pag-aaral ang

pananaliksik nina Sadiq at Zamir (2014) na may pamagat na

“Effectiveness of Modular Approach in Teaching” mula sa 30

respondente buhat sa National University of Modern Languages,

Islamabad na kumukuha ng Master in Educational Planning and


40

Management ay napatunayan na ang paggamit ng modyular na

pagtuturo ay epektibo sa pagkatuto kumpara sa tradisyonal na

paraan ng pagtuturo dahil ang mga mag-aaral ay malayang natuto

sa kani-kaniyang pamamaraan at interes.

Malaki ang kaugnayan ng mga nabanggit na pag-aaral sa

kasalukuyang pananaliksik sapagkat ipinapakita sa mga ito kung

anong kahalagahan ang taglay ng paggamit ng modyul upang

maging matagumpay ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Gayundin,

ang mga pag-aaral na ito ay nagbibigay ng liwanag sa

mananaliksik na tama ang nais niyang buuing kagamitang panturo

na gagabay sa mga mag-aaral sa kanilang pagkakaroon ng sapat

na kaalaman ukol sa ortograpiya.

Isinasaad sa artikulo ni Martin (2008) ng University of

the East na may pamagat na “English as Medium of Instruction

in the Philippines” mayroong magandang maidudulot kung may isa

lang midyum na gagamitin sa pagtuturo at ang paggamit nito ay

makakapaghubog sa edukasyon ng mga estudyante. Edukasyong

magsisibol ng mga bagong lider sa lipunan.

Sa isinagawang pananaliksik ni Bush (2012), kinilala ang

katutubong wika sa ilang rehiyon ng Europa, binigayn ito ng

pagkilala at suporta. Ang multilingwalismo o ang pagsasalita

ng iba’t ibang uri ng wika ay isang espesyal na katangian sa

mga tagapagsalita na malaking hamon sa nais na matuto nito. Sa


41

kanyang pag-aaral, ginamit niya ang kasong Basque at Frisian,

pinagbatayan ang pagkakapareho at pagkakaiba. Ang sistema ng

edukasyon ng Basque Autonomous Community ay may limang

bahagdan ng mga guro na may kakayahang magturo gamit ang

wikang Basque. Mula sa limang bahagdan ng mga guro ay umabot

ng 80 bahagdan ang may kakayahang magturo ng katutubong wika-

Basque, kasama ang pangunahing wika, ang espanyol at ang

wikang pang-internasyunal na Ingles. Ang naging resulta ng

pag-aaral ay nakatulong upang mas mapataas ang kamalayan ng

kabataan sa kanilang katutubong wika.

Malaki ang kinalaman ng artikulo nina Martin at Bush sa

kasalukuyang pag-aaral sapagkat mahalaga ang wikang ginagamit

sa pag-aaral, madaling maunawaan at matutuhan. May mga paraan

rin upang mapataas ang antas ng pagkatuto at madali itong

matutuhan ay ang paraan ng pagtuturo. Sa paghubog ng proseso

ng pagtuturo at pagkatuto interaksyon sa pagitan ng mag-aaral

at guro ay ang pangunahing paraan ng paghahatid ng kaalaman at

kasanayan.

Lokal na Pag-aaral

Tinatalakay sa bahaging ito ang iba’t ibang pag-aaral

ukol sa wika, pagbuo at paggamit ng kagamitang panturo

gayundin ang kahalagahang dulot ng mga ito.


42

Ayon sa pag-aaral ni Palmaria (2014) siya ay naniniwalang

ang kasanayan sa wika ay magagamit sa paggdukal ng mataas na

karunungan ng mga mag-aaral. Dagdag pa niya, ang pag-aaral ng

wika ay makapagpapataas sa pagkamamamayan ng mga mag-aaral.

Malaki ang kaugnayan ng pag-aaral ni Palmaria sa

kasalukuyang pananaliksik sapagkat layunin nito na mapataas

ang antas ng kahusayan ng mga mag-aaral sa pagsulat batay sa

ortograpiyang Filipino partikular sa wastong gamit ng tuldik.

Ang kasanayan sa wika at pagsulat ay mahalaga sa pang-araw-

araw na pakikipagkomunikasyon ng mga mag-aaral.

Ayon naman sa pag-aaral ni Taruc (2014) na Pagbuo ng

Isang Prototipong Sanayang Aklat para sa Pagtuturo ng Pagsulat

sa Baitang 11 at 12: Tugon sa K to 12 Kurikulum sa Filipino,

lumabas sa pag-aaral ang sumusunod: Interesting ang mga

paksang pinili sa mga modyul, sadyang mapakikinabangan ng mga

gagamit. Nagkaroon ng pagtalakay sa bawat bahagi ng aralin

gayundin sa paggising sa kanilang iskema ukol sa paksa. Ang

mga patnubay na halimbawa ay magsisilbing gabay sa mga mag-

aaral sa kanilang pagsulat. Pedagohikal ang buong materyal at

nakapaghatid ng inaasahang awtput para sa kasanayan at

kakayahan ng mag-aaral. Awtentiko, praktikal at makabuluhan

ang mga gawain.


43

Sa pananaliksik naman ni Ymasa at Acas (2012), Pagbasa at

Pagsulat sa Fil. 102, nilayon na makabuo at magbalideyt ng

isang kagamitang panturo/sanayang aklat sa Pagbasa at Pagsulat

na magagamit ng mag-aaral at guro ng kursong Edukasyon sa

Filipino 102. Nakabatay ang pag-aaral na ito sa mga

pangangailangan sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa Unang Taon at

kasalukuyang estado ng mga kagamitang panturo sa Don Mariano

Marcos Memorial State University, La Union. Natuklasan na

balido ang angkop gamitin sa pagtuturo ng Pagbasa at Pagsulat

ng Filipino 102 ang nalinang na prototype na sanayang aklat

sang-ayon sa grand mean na 4.36 at may descriptive rating na

“mataas na pagkabalido.”

Ayon naman sa pag-aaral na isinagawa ni Rada (2010) sa

“Pagbuo ng Instrumento sa Pagtataya ng Kognitibong Akademikong

Kahusayang Pangwika sa Filipino: Tuon sa Kasanayan sa Pagsulat

ng mga Estudyanteng nasa Kolehiyo”. Ang pananaliksik niya ay

may kinalaman sa pagbuo ng kagamitan upang masukat ang

kakayahang pangwika sa Filipino na nakatuon sa kasanayan sa

pagsulat ng mga mag-aaral. Nabatid niya na malaki ang epekto

ng pagbuo ng iba’t ibang kagamitang pampagtuturong pangwika sa

resulta ng pagsusulit ng mga mag-aaral sa pasulat na paraan.

Ipinapakita ang malaking kaugnayan ng pag-aaral na

isinagawa ni Rada sa kasalukuyang pananaliksik sapagkat


44

binibigyang-halaga niya ang paggamit ng wikang Fipino at ang

kasanayan ng mga mag-aaral sa pagsulat na tuon din ng pag-

aaral na ito. Binigyang-diin din ng pag-aaral niya ang

malaking epekto ng mga kagamitang pampagtuturo sa resulta ng

pagsusulit ng mga mag-aaral.

Ayon naman sa pag-aaral ni Ramos (2012) na “Tradisyunal

na Pamamaraan at Instruksyong Modyular sa Pagtuturo ng

Filipino : Isang Komparatibong Pagsusuri” Nakatuon ang pag-

aaral na ito sa paghahambing sa antas ng kakayahan sa

pagsusulit ng mga mag-aaral sa College of Accountancy and

Commerce ng Saint Louis University. Lumabas na mataas ang mean

score ng mga mag-aaral na sumailalim sa istruksiyong modyular

kumpara sa tradisyonal na pamamaraan.

Sa pananaliksik naman ni Dela Cerna (2010) ukol sa

“Umiiral na Rehistro ng Filipino sa mga Pahayagang Filipino:

Gabay sa Pagbuo ng Ilang Alituntunin sa Pagbaybay ay nalinaw

na nakíta sa pag-aaral na malawakan ng ginagamit ng direkta, o

hindi na binabago pa ang baybay ng maraming hiram na salita,

lalo na ng mga salitang Ingles, sa anim na sinuring tabloid na

nakasulat sa Filipino. Batay sa naging resulta ng pag-aaral ay

bumuo ang mananaliksik ng ilang mungkahing alituntunin sa

paggamit ng pagbaybay ng mga hiram na salita sa wikang

Filipino. Nakabatay ang mga mungkahing ito sa nakítang mga


45

konsistensi ng anim na sinuring tabloid sa pagbaybay ng mga

salitang hiram.

May kaugnayan ito sa pag-aaral ni Setubal (2012) ukol sa

Paghahanda at Pagtataya ng Workteks sa Ikatlong Baitang gamit

ang Kinaray-A: Tugon sa Kurikulum ng K to 12 at MTB—MLE ay

nakatuon sa pagtugon sa pangangailangan ng mag-aaral na matuto

sa pamamagitan ng kaniyang unang wika. Ang proseso ng pag-

aaral ay hinati sa limang yugto.

Sa pananaliksik naman na isinagawa ni Prof. de Cadiz

(2011), nabuo niya ang mga sumusunod na rekomendasyon:

Magkakaroon lamang ng mataas na kalidad ng edukasyon kung ang

pamahalaan ay may totoo at malinaw na polisiya sa pagpapaunlad

ng sistema ng bansa. Ang bawat isang mag-aaral ay

kinakailangang mabigyan ng oportunidad na mapaunlad ang

kabuuan ng kaniyang pangunahing kasanayan katulad ng pag-

uanwa, teknolohikal, masusing pag-iisip at pag-iimbestiga,

komunikasyon, personal, at sosyal na kasanayan sa kaniyang

mapipiling propesyon.

Mula sa mga resulta ng pag-aaral na isinagawa nina

Alcantara atpb. (2014), ang mga sumususunod na kongklusyon ay

nabuo; una, ang mga estudyante ay may katamtamang antas ng

konsentrasyon sa pag-aaral, mayroong mahina o mababang

kasanayan sa pagguguol ng kanilang oras ng tama (poor time


46

management skills), katamtamang kasanayan sa pagkuha ng mga

detalye at mahahalagang datos mula sa nabasa o napakinggang,

tamang paghahanda para sa pagsusulit at katamtamang kasanayan

sa pagbasa.

Mula rito, iminungkahi ng may-akda na dagdagan pa ang

konsentrasyon sa pag-aaral sa pamamagitan ng pagbabawas o pag-

aalis ng mga bagay na makaagaw ng atensyon, magpokus muna sa

iisang asignatura bago mag-aral sa iba, gawing sistematiko ang

pag-aaral at humanap ng komportableng lugar.

Ang mga pag-aaral na nabanggit ay maihahambing sa

kasalukuyang pag-aaral sapagkat tinatalakay ng mga ito ang

kahalagahang dulot ng paggamit ng kagamitang panturo

partikular ang modyul na inaasahang mabubuo ng pananaliksik.

Sa kabuuan, ang mga nabanggit na literatura at pag-aaral ay

nagtataglay ng malaking kahalagahan at kaugnayan sa

kasalukuyang pag-aaral sapagkat ito ay tumatalakay sa

ortograpiya gayundin ay sa nilalayong pagbuo ng isang modyul

biang kagamitang panturo na lilinang sa kahusayan sa pagsulat.

Binigyang-diin naman ni Male (2016) na ang pagpili ng

wikang panturo batay sa naging karanasan n gating sistema ng

edukasyon ay hindi lamang isang panandaliang usaping nakabatay

sa pangangailangang pang-ekonomiya. Sa halip, mahalaga ring

isaalang-alang dito kung paano nauunawaan ng mga estudyante


47

ang kanilang paligid. Kaya’t nararapat lamang na pag-isipan

nang mabuti ng pamahalaan ang mga polisiyang pangwika upang sa

gayon ay higit itong magtagumpay.

Dagdag pa niya, may malaking ambag o pakinabang ang

Filipino bilang wikang panturo. Sa pag-usbong at pagyabong ng

bansa, ito ang pagkabuo ng ating pambansang diwa, ng ating

pambansang pagkakakilanlan, ng ating pambansang katapatan. Ang

lahat ng ito ay nasasalamin sa ating kani-kaniyang wika,

maging sa pagkukuwento, pagtuturo, pagpapahayag ng galit o

pagpapahayag ng pag-ibig o sa pagpapatawa. Ito ay musika sa

ating pandinig, tumatalab, at nadarama.

Ang pag-aaral na ito ni Male ay may malalim na kaugnayan

sa kasalukuyang pag-aaral sapagkat ang kaniyang mga naging

pahayag ay sumasalamin sa pinagdadaanan ng ating pambansang

wika na patuloy na pinauunlad upang maging salamin at sandata

ng ating lahi sa pagharap sa mga hamon bunsod ng mga pagbabago

sa ating paligid na masasangkot ang paggamit at

pagkakakilanlan ng wikang ating kinagisnan.

You might also like