You are on page 1of 2

Kabanata II

KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG- AARAL

Ang bahaging ito ay naglalahad ng mga lokat at banyagang

kaugnay na literatura at pag-aaral na makapagpapatibay sa

kasalukuyang pananaliksik.

Banyagang Literatura

Sa bahaging ito, binigyang pansin ang mga pag-aaral at

babasahin na nakatulong na makita ang kahalagahan at kaugnayan

ng kasalukuyang pag-aaral. Inilalahad dito ang kahalagahang

taglay ng paggamit ng iba’t ibang kagamitang pampagtuturo

gayundin ay ang paggamit ng sariling wika at ang maidudulot

nito sa pagpapataas ng antas ng edukasyon. Ang iba’t ibang

babasahin ay ginamit upang lalong mapagtibay ang isinagawang

pag-aaral ng mananaliksik.

Ang kagamitang panturo ay nagbibigay ng kaginhawaan sa

mga guro upang maipabatid ang mensahe nang angkop, tama,

malinaw, at madaling maunawaang paraan sa mga mag-aaral at mas

napadadali ang pagkaunawa sa mga komplikadong paksa. (Saglam,

2011 mula sa The Turkish Online Journal of Education).


Dagdag pa niya,“the higher the number of sensing organs

activated by the teaching materials employed in learning-

teaching process, the better and more enduring the learning

You might also like