You are on page 1of 40

78

Kagamitang Pampagtuturo batay sa Binagong


Gabay ng Ortograpiyang Filipino
(Mungkahing Modyul)

Ang Modyul na ito ay sadyang nakalaan para


sa’yo. Mahalagang pag-aralan mo ito dahil
makatutulong ito sa iyo sa pag-aaral ng
paggamit ng tuldik. Nakapaloob dito ang limang
tuldik sa pamamagitan ng mga gawain sa
pagkatuto.

May mga pagsasanay kang sasagutin upang


masukat mo ang iyong kaalamang nalinang sa
modyul na ito.

Pasasalamat
79

Sa pagsulat ng modyul na ito, ipinaaabot ng may-akda ang kanyang taos-

pusong pasasalamat sa mga sumusunod: Gng. Sharon M. Gardoce, Dr. Loida G.

Marasigan, Dr. Christian Anthony M. Agutaya, at Dr. April M. Bagon-Faeldan sa

kanilang matiyagang pagbibigay ng mga suhestiyon upang maisaayos at

maisakatuparan ang pagbuo ng modyul na ito.

Isang natatanging pasasalamat ang nais ipaabot ng may-akda sa kanyang

gurong tagapayo na si Dr. Fe P. Abaca na siyang naglaan ng panahon at

sumubaybay sa kanya sa pagbuo ng modyul na ito at pagtatamo ng kaniyang titulo

sa Master sa Sining ng Edukasyon (Pagtuturo ng Wika) sa Paaralang Gradwado ng

Mindoro State College of Agiculture and Technology – Calapan City Campus.

Sa mga awtor ng mga aklat at akda na pinaghanguan ng mga kaalaman at

pagsasanay na siyang pumuno sa modyul na ito. Kay Matthew Joseal Rivera sa

kaniyang pagguhit ng pabalat na pahina. Sa mga kaibigan at kasamahan ng may-

akda sa AAMNHS sa suporta at pagbibigay ng mga kaisipan na nakatulong nang

malaki sa pagbuo nito.

Sa kaniyang buong pamilya at kay Sarj sa nag-uumapaw na suporta,

pagmamahal, at pagtitiwala na magtatagumpay siya sa gawaing ito. Higit sa lahat

sa pinagmumulan ng lakas at kaalaman, sa POONG LUMIKHA.

ANG INYONG SUPORTA AT PAGMAMAHAL AY KALAKIP NG BAWAT

PAHINA NG MODYUL NA ITO.

MARAMING SALAMAT PO.

Debie T. Mangurali

May-akda

Paghahandog
80

Sa pagnanais na makabuo ng isang mungkahing modyul upang

makatulong sa mga guro at mag-aaral sa Filipino, sa kabila ng

kaniyang pagod at puyat ay may mga taong nagsilbing inspirasyon at

kaagapay niya upang matagumpay na maisakatuparan ito. Kung kaya’t

ito ay inihahandog niya sa mga sumusunod:

Sa aking mga magulang, mga kapatid, sa nag-iisa kong pamangkin

Micah Bless, kaibigan, at sa aking kasintahan (Sarj).

At sa lahat ng mga mag-aaral, mga guro, at mga patuloy na

nangangalaga at nagpapaunlad ng wikang pambansa.

D.T.M.

Panimula
81

Sa pagnanais na makatulong sa pagpapataas ng antas ng

kahusayan ng mga mag-aaral sa pagsulat batay sa binagong gabay ng

ortograpiyang Filipino partikular sa wastong paggamit ng tuldik

kaalinsabay na rin ng nagbabago at umuunalad na panahon, isinilang

ang layunin na makabuo ng isang mungkahing modyul na maaaring

makatulong sa mga mag-aaral at guro sa kasalukuyan at sa hinaharap

na panahon.

Binuo ng mananaliksik ang mga paksang nakapaloob sa modyul na

ito upang makaagapay ng mga guro tungo sa lalong maunlad na

pagtuturo at para na rin sa mga mag-aaral upang mapalalim ang

kanilang kawilihan at pagmamahal sa pag-aaral.

Ang modyul na ito ay binubuo ng mga kaisipan at mga

pagsasanay na magagamit ng mga guro sa pagtataya ng mga aralin

gayundin sa mga mag-aaral upang mapaunlad ang kanilang kaalaman.

Sa kabuuan, ang modyul na ito ay makatutulong sa lalong pag-

unlad ng mga mag-aaral at guro upang sila ay maging ganap na

mahusay at epektibo sa pagsulat sa kasalukuyan at maging sa

hinaharap na panahon.
82

Mahal kong Mag-aaral,


Magandang araw! Kumusta ka? Naghanda ako
ng isang modyul na tutulong sa iyo upang lalong
mapaunlad ang antas ng iyong kahusayan sa
pagsulat batay sa binagong gabay ng Ortograpiyang
Filipino na may tuon sa paggamit ng tuldik na isang
anyo, iba-ibang bigkas, dagdag na gamit ng pahilis,
pahilis sa mahabang salita, “ma-” na may pahilis, at
kung hahanapin sa computer. Sa pamamagitan ng
inihanda kong mga gawain magkakaroon ka ng
pagkakataong mabigyang-linaw ang iyong mga
katanungan ukol sa paggamit ng tuldik.
83

Ano ang matutuhan mo?


Ang layuning panlahat ng modyul na ito ay:

Makamit ang pinakamataas na antas ng kahusayan sa pagsulat batay sa

binagong gabay sa ortograpiyang Filipino sa paggamit ng tuldik sa isang anyo, iba-

ibang bigkas, dagdag na gamit ng pahilis, pahilis sa mahabang salita, “ma-” na may

pahilis, at kung hahanapin sa computer.

Paano mo gagamitin ang modyul na ito?


Patnubay mo sa iyong sariling pagkatuto ang modyul na ito. Kagamitan mo

ito bilang gabay sa tulong ng mga tuntunin. Upang maging makabuluhan at wasto

ang paggamit nito, kinakailangang maging malinaw sa iyo ang mga tuntuning dapat

mong sundin.

Huwag kang mabahala, simple lamang ang mga ito.

1. Sagutin ang unang pagtatayang pagsusulit pagkatapos sagutin,iwasto ito.

2. Basahin at unawaing mabuti ang mga munting kaalaman tungo sa pagkatuto

at sagutin ang mga pagsasanay.

3.  Iwasto ang mga gawain o pagsasanay sa bawat modyul.

4.  Maaari mo nang sagutin ang susunod na bahagi  kung

naunawaan nang lubos ang mga gawain sa sinundang modyul.


84

Modyul 1: Isang Anyo,


Iba-ibang Bigkas

Sa pakikipagtalastasan, kailangan ang wastong bigkas ng mga

salita upang magkaunawaan ang dalawang panig na nag-uusap. Sa

wikang Filipino, mahalaga ang palatuldikan sapagkat marami ang mga

salitang iisa ang baybay ngunit may dalawa, tatlo o higit pa ang bigkas

at kahulugan.

Layunin nitong maipakita ang iba’t ibang bigkas ng mga salita

gamit ang tuldik.

Tandaan:

Ang tuldik ay mga pananda sa ilang uri ng diin sa pagbasa ng

mga salitang nakasulat o nakalimbag. Ang bawat tuldik ay may

diing kinakatawan o kinauukulan. Sa anim na uro ng diin, tatlo

lamang ang tuldik na ginagamit na pananda tulad ng:

1. tuldik na pahilis (/)

2. tuldik na paiwa (\)

3. tuldik na pakupya (ˆ)


85

Handa ka na ba? Kung


oo, simulan mo na ang
pagsasagot.   

Unang Pagtatayang Pagsusulit


Panuto: Bigkasin at lagyan ng angkop na tuldik ang mga salita sa
ibaba. Pagkatapos gamitin ang mga salita sa loob ng pangungusap.
Maaaring gamitin ang espasyo sa ibabang bahagi.

Malumi Malumay Mabilis Maragsa


Baro babae pito ginawa
laso lalake dahon salita
tasa buhay

1. baro- _________________________________________
2. laso - _________________________________________
3. tasa - _________________________________________
4. babae- _________________________________________
5. lalake- _________________________________________
6. pito - _________________________________________
7. dahon- _________________________________________
8. buhay- _________________________________________
9. ginawa- _________________________________________
10. salita- _________________________________________

Pagsasanay 1
86

Panuto: Ibigay ang pangalan ng mga sumusunod ayon sa diin nito.


87

Pagsasanay 2
Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga halimbawa ng salitang may

iba-ibang diin. Ibigay ang isinasaad na kahulugan nito.

1. /BU:kas/= __________ / bu:KAS/= _________

2. /LI:gaw/= __________ / li:GAW/ = _________

3. /GA:lah/= __________ / ga:LAH /= _________


88

4. /PU:la?/= __________ / pu:LAH/ = _________

5. /BU:koh/=__________ / bu:KOH/ = _________

Pagsasanay 3
Panuto: Bigkasin ang mga sumusunod. Lagyan ng diin ang nakasulat sa

malaking titik.

a. KIta vs kiTA

b. Upo vs uPO

c. haPON vs hapon

d. magsaSAka vs magsasaKA

e. MAya vs maYA

f. PAso vs paSO

g. KAibigan vs kaiBIgan

Pagsasanay 4
Panuto: Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na salita. Ipakita ang

pagbabago ng kahulugan batay sa diin.

Halimbawa : /SA:ka/ - bukid , /saKA/ at saka (also)

1. /BA:ba/ at /ba:BA/
89

_________________________________________________

_______________________________________________

2. /BA:ta?/ at / ba:TAH/

_________________________________________________

_______________________________________________

3. /BA:gah/ at /ba:GA?/

_________________________________________________

_______________________________________________

4. /LA:bi// at / la:BI/

_________________________________________________

_______________________________________________

5. /BA:sah/ at / ba:SA?/

_________________________________________________

_______________________________________________

Alam kong ikaw ay


nasisiyahan sa pagsasagot sa
aking inihandang mga pagsasanay
kaya naman mayroon akong
inihandang karagdagang gawain
para sa iyo. Sana ay magustuhan
mo!!

Karagdagang Pagsasanay:
90

Panuto: Isulat ang wastong diin ng mga salitang nasa panaklong


ayon sa wastong gamit nito sa pangungusap.

gamit nito sa pangungusap.


a. Dumating na ______ siya kagabi na may dalang maraming
_________. (pala)
b. Hindi nakadalo ang kanyang _______ _________ may lagnat
ito. (kasi)
c. Si Ben ang _____________ ng aming lupain kasama ang
masisipag na _____________ mula sa karatig lugar.
(magsasaka)
d. ____________ ang pangako niya sa kaniyang kasintahan
sapagkat ______________ siya sa likod bahay. (napako)
e. Ako ________ dapat ang maging __________ sa amin.
(lamang)
f. ______ ni Anna ang papel na __________ ng kaniyang
nakababatang kapatid. (binasa)
g. Ang lalaking ______ probinsiya ay may ______ sa kanyang
mukha. (taga)
h. Ang ______ ng aming manok ay ______ ni nanay patungo sa
kanilang kulungan. (inakay)
i. Ang pagpapaayos ng kanilang ______ ang laging nasa kanyang
_____. (puso)

Modyul 2:
Dagdag na
gamit ng pahilis
91

100

Alam mo ba?
Ang tuldik pahilis (΄) ay ginagamit sa dalawang
paraan ng bigkas. Una, ang mabilis na mabilis ang
bigkas at laging nasa huling pantig ng salita.
Ikalawa, malumay na marahan o mabagal ang bigkas
ng salita at laging nasa una o mga gitnang pantig.

Layunin nitong ituro sa mga mag-aaral ang


kahalagahan ng kaalaman sa paggamit ng tuldik na
pahilis upang magamit nang wasto sa pakikipag-
ugnayan sa kapwa pasulat o pasalita man.

Unang Pagtatayang Pagsusulit


Panuto: Bigkasin at lagyan ng tuldik na pahilis ang mga salita batay sa
kahulugan ng mga ito.

1. buhay (alive)
2. bukas (tomorrow)
3. baka (cow)
92

4. ako (I)
5. bilang (dami)

Alam kong handang-


handa ka na kaya
naman simulan mo na
ang pagsasagot.

Pagsasanay 1
Panuto: Bigkasin at lagyan ng tuldik ang mga sumusunod na salita.

a. dala, ganda, hininga

b. atake, balde, ditse

c. bili, dumi, gabi

d. buto, damo, gulo

e. dibdib, kintab, marubdob

f. gadgad, kidkid, lingid

g. dalag, kulog, labag

h. bitak, hibik, katok

i. dahop, ganap, langkap

j. bigas, dahas, malakas


93

Pagsasanay 2
Panuto: Bigkasin at lagyan ng tuldik ang mga salita batay sa
kahulugan ng mga ito. Gamitin ang mga ito sa pagbuo ng
pangungusap.

1. mayaman (rich)
_______________________________________________
2. dalawa (two)
_______________________________________________
3. hamon (pagsubok)
_______________________________________________
4. timpalak (contest)
_______________________________________________
5. malaman (to know)
_______________________________________________
6. halaman (plant)
_______________________________________________
7. masayang (to be wasted)
_______________________________________________
8. talakayin (to discuss)
_______________________________________________
9. malaman (maraming laman)
_______________________________________________
10. mahirap (poor)
_______________________________________________
94

Pagsasanay 3
Panuto: Ibigay at tuldikan ang pangalan ng mga larawan.
Isulat ang sagot sa patlang sa ibaba ng bawat larawan.
95

Marahil ay pagod
ka na, maaari kang
tumigil sandali bago
magpatuloy sa
pagsasagot.

Pagsasanay 4
96

Panuto: Sumulat ng isang talatang nagsasalaysay, gamitin ang iyong


mga sagot mula sa pagsasanay 3.

Mga Mungkahing Paksa:


1. Ang Bagong Buwan
2. Paraiso
3. Sariling Paksa

_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
________________________________________________

Binabati kita
nagtagumpay ka
sa paggamit ng
dagdag na gamit
ng pahilis. 

Modyul 3:
Pahilis sa
Mahabang Salita

Tandaan
Mahalagang gamitin ang pahilis upang maayos na
mabigkas ang mahigit tatlong pantig at mahahabàng
salita.
97

Paunang Pagtataya
Panuto: Lagyan ng wastong tuldik ang mga salita sa ibaba.

1. batubato - _______________

2. kinikita - ________________

3. mananahi - _______________

4. pasintabi - _______________

5. namimintana - ____________

Mukhang nahihirapan ka sa
pagkakatong ito subalit huwag
kang mag-aalala may pagkakataon
ka pang bumawi at matuto.

Kaya ano pang hinihintay mo


tayo na at magsagot!!!!
98

Pagsasanay 1
Panuto: Lagyan ng wastong tuldik ang mga salitang nasa loob ng
panaklong. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.
_____________ 1. Nagsimula ang (rebolusyon) na pinamunuan ng
magigiting na mga bayani dahil sa kalupitan ng mga mananakop.
_____________ 2. Lumahok siya sa (paligsahan) upang ipamalas ang
kaniyang natatagong husay sa pagpipinta.
_____________ 3. (Nagkalituhan) ang mga mag-aaral sa kanilang
iskedyul sa pagkuha ng pagsusulit sapagkat huli na ang anunsiyo na
ibinigay ng pamunuan ng paaralan.
_____________ 4. Itinuturing na paraiso ang (Kamaynilaan) sa pag-
aakalang dito matatagpuan ang kaginhawaan ng buhay.
_____________ 5. Ang (kaligtasan) ng bansa ang tinitiyak ng mga
sundalo na handang magbuwis ng kanilang buhay.
99

Pagsasanay 2
Panuto: Tuldikan at gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na
salita.

1. mananahi –
_______________________________________________
2. kinakapatid –
_______________________________________________
3. katiwala –
______________________________________________
4. kinikita –
_______________________________________________
5. namamanhid –
_______________________________________________
6. napasubo –
_______________________________________________
7. lamang-lupa -
_______________________________________________
8. nagpasiklaban –
_______________________________________________
9. nagliliyab –
_______________________________________________
10. mapariwara –
Pagod ka na
_______________________________________________
ba? Kung oo,
magpahinga ka
muna at
magrelaks.
100

Kumusta ang iyong


pamamahinga? Maayos ba
ito? Kung oo, ipagpatuloy
na natin ang pagsasagot.

Pagsasanay 3
101

Panuto: Bumuo ng isang tula mula sa mga larawan sa ibaba. Gamitin ang bagong
kaalaman sa paggamit ng tuldik sa mahahabang salita
sa pagbuo ng tula.

Dito mo isulat
ang iyong tula.
102

Binabati kita!!

Modyul 4: “Ma-” na
may Pahilis

Mahalaga ang dagdag na markang pahilis para sa unlaping

ma- (na-) na nagpapahayag ng kilos o pangyayaring hindi

sinasadya at upang maibukod ito sa kahawig ng baybay ngunit ibang


103

bahagi ng pananalita. Layunin ng modyul na ito na magamit nang wasto

ang tuldik upang ipakita ang pagkakaiba ng kahulugan ng mga salita.

Halimbawa:

 mádapâ, nádapâ

 másagasáan, násagasáan

 máligtás, náligtás

Humanda sa pagsasagot
sa susunod na pahina.

Pagsasanay 1
Panuto: Bumuo ng mga salitang nagsisimula sa “ma” o “na”
gamit ang mga salitang ugat na ibinigay. Tuldikan ang
mga nabuong salita.
104

Salitang-ugat “ma-” “na-”


1. huli
2. hulog
3. rinig
4. labas
5. tuyo
6. pagod
7. uhaw
8. galit
9. lungkot
10. lulong

Isulat sa ulap
ang iyong
obserbasyon sa
pagsasanay 1.

Pagsasanay 2
Panuto: Tuldikan at gamitin sa pagbuo ng pangungusap
ang mga salita sa bawat bilang.

1. namamaga
105

_______________________________________________
2. mahuli
______________________________________________
3. nalulong
______________________________________________
4. marinig
______________________________________________
5. nakinang
______________________________________________
6. mapahamak
______________________________________________
7. nauuhaw
_______________________________________________
8. masamid
_______________________________________________
9. mawaglit
_______________________________________________
10. nangingilag
______________________________________________

Pagsasanay 3
Panuto: Gamit ang bagong natututunan sa paggamit ng
tuldik sa “ma-” na may pahilis, sumulat ng isang
sanaysay na naglalarawan.

Mga Mungkahing Paksa:


106

1. Paghahanda para sa Bakasyon


2. Panliligaw ng Kabataan sa Bagong Henerasyon
3. Sariling Piling Paksa

Mga pamantayan sa Pagmamarka


 Kaangkupan ng mga salita sa kaisipan - 30%
 Kawastuan ng pagbabago ng diin - 30%
 Organisasyon ng ideya - 40%
100 %

Dito mo isulat ang iyong sanaysay.

Kung hindi pa sapat ang espasyo sa


sinundang pahina maaari mong
ipagpatuloy ang pagsulat dito.
107

Sagutin ito!!
Bakit mahalaga ang paggamit ng tuldik sa mga salitang
nagsisimula sa “ma” o “na”?

___________________________________________________
___________________________________________________
___________________________________________________
_______________________________________________

Kung Hahanapin sa
Computer

Bilang dagdag na tulong sa mga gumagamit ng computer, narito

ang talahanayan ng mga dapat tipahin para makabuo ng mga titik na


108

may tuldik at ng iba pang espesyal na karakter. . Layunin nito na

matulungan ang mga mag-aaral na maging mabihasa sa paggamit ng

mga tuldik Á Alt 160 kung computer

ang à Alt 133 gagamitin sa

pagsulat bilang bahagi


â Alt 131
ng makabagong
ä Alt 132
teknolohiya.
é Alt 130

è Alt 138

ê Alt 136

é Alt 137

í Alt 161

ì Alt 141

î Alt 141

ó Alt 162

ò Alt 149

ô Alt 147

ú Alt 163

ù Alt 151

û Alt 150

ˆ Alt 0136

´ Alt 0180

` Alt 096

¨ Alt 0168
109

Pangwakas na Pagsusulit

Pagpapahalaga

Natatandaan mo ba ang iyong napag-


aralan sa modyul na ito? Naging
matiyaga ka ba at naging masigasig sa
iyong pagsagot sa mga pagsasanay?
Naunawaan mo bang mabuti ang mga
aralin? Kung oo, binabati kita dahil
natapos mo ito nang may kasiyahan at
puno ng kaalaman. Sana ay maging
kapaki-pakinabang ang iyong mga
natutuhan.
110

Susing Sagot
A. Isang Anyo, Iba-ibang Bigkas

Unang Pagtatayang Pagsusulit

1. barò
2. lasò
3. tasà
4. babáe
5. laláke
6. pitó
7. dahón
8. búhay
9. ginawâ
10. salitâ

Pagsasanay 1

1. saLA sala
2. siRA SIra
3. PAsa paSA
4. kaWAyan kawaYAN
5. baSA BAsa
111

Pagsasanay 2

1. /BU:kas/= tomorrow / bu:KAS/ = open

2. /LI:gaw/= _to court / li:GAW/ = _wild

3. /GA:lah/=long sleeve shirt / ga:LAH /= palaboy

4. /PU:la?/= to criticize / pu:LAH/ = _red color

5. /BU:koh/= _coconut /bu:KOH/ = being discovered

Pagsasanay 3

1. KÍta vs kiTÁ
2. Úpo vs upÓ
3. hapÓN vs hápon
4. magsaSÁka vs magsasaKÁ
5. MÁya vs maYÁ
6. PÁso vs paSÓ
7. KÁibigan vs kaiBÍgan

Pagsasanay 4

1. jaw at go down
2. child at robe
3. ningas ng apoy at lungs
4. lips at corpse
5. to read at wet

Karagdagang Pagsasanay

a. palá at pála
b. kási at kasí
c. magsasáka at magsasaká
d. napáko at napáko
112

e. lámang at lamáng
f. binása at binasá
g. tága at tagâ
h. inakáy at inákay
i. pusò at pusô

B. Dagdag na Gamit ng Pahilis

Unang Pagtatayang Pagsusulit

1. buháy
2. búkas
3. báka
4. akó
5. biláng

Pagsasanay 1

a. dalá, gandá, hiningá


b. ataké, baldé, ditsé
c. bilí, dumí, gabí
d. butó, damó, guló
e. dibdíb, kintáb, marubdób
f. gadgád, kidkíd, lingíd
g. dalág, kulóg, labág
h. biták, hibík, katók
i. dahóp, ganáp, langkáp
j. bigás, dahás, malakás

Pagsasanay 2
113

1. mayáman
2. dalawá
3. hámon
4. timpalák
5. maláman
6. haláman
7. masáyang
8. talakáyin
9. malamán
10. mahírap

Pagsasanay 3

1. dalawá
2. bulaklák
3. basúra
4. kahón
5. buwán
6. kúbo
7. púno
8. dahón
9. báta
10. tála

Pagsasanay 4

Batay sa sagot ng mga mag-aaral.

C. Pahilis sa Mahabang Salita

Paunang Pagtataya

1. batubató
114

2. kiníkitá
3. mánanahì
4. pasìntabí
5. namímintanà

Pagsasanay 1

1. rebolusyón
2. páligsáhan
3. nagkálitúhan
4. Kamáynilaàn
5. kaligtásan

Pagsasanay 2

1. mánanahì
2. kinákapatíd
3. kátiwalà
4. kiníkitá
5. namámanhíd
6. nápasubò
7. lámang-lupà
8. nagpásiklában
9. nágliliyáb
10. mápariwarà

D. “Ma-” na may Pahilis

Pagsasanay 1
115

1. máhulí; náhulí
2. máhúlog; náhúlog
3. márinig; nárinig
4. madulás; nadulás
5. mátuyô; nátuyô
6. mapagód; napagód
7. maúúhaw; naúúhaw
8. magalít; nagalít
9. malungkót; nalungkót
10. málulóng; nálulóng

Pagsasanay 2

1. namamagá
2. máhulí
3. nálulóng
4. márinig
5. nákináng
6. mápahamák
7. naúúhaw
8. masamíd
9. máwáglit
10. nangíngílag

Pagsasanay 3

Batay sa sagot ng mga mag-aaral.


116

SANGGUNIAN

Tanawan, et. al., (2007). Istruktura ng Wikang Filipino. Jimcy


Publishing House. Lungsod ng Cabanatuan

Almario, Virgilio (2014), KWF sa Masinop na Pagsulat. Aklat ng


Bayan. Metro Manila

Almario, Virgilio (2013), Ortograpiyang Filipino

Almario, Virgilio (2014), Ortograpiyang Filipino

https://www.slideshare.net/luzypearl/tono-diin-at
antala?next_slideshow=1. Nakuha noong Marso 7, 2017.

https://www.google.com.ph/search?
q=dalawa&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwj7yL3Vn7SAhWBnZQKHa
jHD4MQ_AUIBygC&biw=1366&bih=613#tbm=isch&q=kahon&*&imgrc=qnj58KFG
d7WEeM: Nakuha noong Marso 7, 2017.

https://www.google.com.ph/search?
q=dalawa&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwj7yL3Vn7SAhWBnZQKHa
jHD4MQ_AUIBygC&biw=1366&bih=613#tbm=isch&q=buwan&*&imgrc=WH6ZKt
RiFiECFM: Nakuha noong Marso 7, 2017.

https://www.google.com.ph/search?
q=dalawa&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwj7yL3Vn7SAhWBnZQKHa
jHD4MQ_AUIBygC&biw=1366&bih=613#tbm=isch&q=kubo&*&imgrc=9Xo7PM-
vJXolkM: Nakuha noong Marso 7, 2017.
117

https://www.google.com.ph/search?
q=dalawa&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwj7yL3Vn7SAhWBnZQKHa
jHD4MQ_AUIBygC&biw=1366&bih=613#tbm=isch&q=punong+kahoy&*&imgrc=Z
ajX5crWzT60pM: Nakuha noong Marso 7, 2017.

https://www.google.com.ph/search?
q=dalawa&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwj7yL3Vn7SAhWBnZQKHa
jHD4MQ_AUIBygC&biw=1366&bih=613#tbm=isch&q=bulaklak+rose&*. Nakuha
noong Marso 7, 2017.

https://www.google.com.ph/search?
q=dalawa&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwj7yL3Vn7SAhWBnZQKHa
jHD4MQ_AUIBygC&biw=1366&bih=613#tbm=isch&q=batang+babae&* Nakuha
noong Marso 7, 2017.

https://www.google.com.ph/search?
q=dalawa&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwj7yL3Vn7SAhWBnZQKHa
jHD4MQ_AUIBygC&biw=1366&bih=613#tbm=isch&q=bituin&* Nakuha noong
Marso 7, 2017.

https://www.google.com.ph/search?
q=dalawa&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwj7yL3Vn7SAhWBnZQKHa
jHD4MQ_AUIBygC&biw=1366&bih=613#tbm=isch&q=leaves&* Nakuha noong
Marso 7, 2017.

https://www.google.com.ph/search?
q=dalawa&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwj7yL3Vn7SAhWBnZQKHa
jHD4MQ_AUIBygC&biw=1366&bih=613#tbm=isch&q=dalawang+daliri&* Nakuha
noong Marso 7, 2017.

https://www.google.com.ph/search?
q=dalawa&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=0ahUKEwj7yL3Vn7SAhWBnZQKHa
jHD4MQ_AUIBygC&biw=1366&bih=613#tbm=isch&q=pencil+animated+pictures
&*. Nakuha noong Marso 7, 2017.

https://www.slideshare.net/berdeventecinco/iba-t-ibang-uri-ng-
pagpapahayagno-effects. Nakuha noong Marso 8, 2017.

You might also like