You are on page 1of 18

8

Filipino (JHS)
Kwarter 1 – Modyul 2:
Paggamit ng Panghambing sa
Pagbuo ng Bugtong,
Sawikain/Kasabihan at
Salawikain
KARAPATANG SIPI ©2020

Filipino JHS – Baitang 8


Kwarter 1 – Modyul 2: Paggamit ng Paghahambing sa Pagbuo ng Bugtong,
Sawikain/Kasabihan at Salawikaiin

Isinasaad ng Batas Republika 8293, sekyon 176 na “Walang aangkin ng


karapatang-ari ng anumang akda na gawa ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay gagamitin upang pagkakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang karapatang-ari ng mga hiniram na kagamitan (tulad ng awit, kuwento, tula,


larawan, ngalan ng produkto, tatak atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay taglay ng may-akda
at ng tagapaglathala nito. Ginawa ang lahat ng paraan upang mahanap at makuha ang
pahintulot ng nagmamay-ari na magamit ang mga nabanggit na kagamitan. Hindi
kinakatawan maging inaangkin ng tagapaglathala at ng mga may-akda ang karapatang-ari
sa mga ito.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Panrehiyong Direktor: Gilbert T. Sadsad


Kawaksing Panrehiyong Direktor: Jessie L. Amin

Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat: Jessica G. Bardonado


Editor:
Tagasuri ng Nilalaman: Nora J. Laguda

Gumuhit ng Larawan: Mark Anthony Taduran


Nagdisenyo ng Pahina: Rey Antoni S. Malate at John Francis O. Tañamor

Kagawaran ng Edukasyon• Rehiyon V (Bicol)


Kagawaran ng Edukasyon• Rehiyon V (Bicol)
8

Filipino (JHS)
Kwarter 1 – Modyul 2
Paggamit ng Paghahambing sa
Pagbuo ng Bugtong,
Sawikain/Kasabihan at
Salawikaiin
Ang kagamitang ito ay nabuo sa tulong ng pampublikong kaguruan,
tagamasid sa Filipino at mga kaagapay sa sektor ng edukasyon, Hinihikayat
ang inyong pagtugon, puna at mungkahi sa ikauunlad ng kagamitan

Lubos naming pinahahalagahan ang inyong mga tugon, puna at


mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon• Rehiyon V (Bicol)


Paunang Salita

Bilang tugon sa makabagong tunguhin sa pagkatuto ay binuo ang serye ng


modyul na ito. Nilalaman nito ang mga lubhang mahahalagang kasanayang
pampagkatuto o Most Essential Learning Competencies (MELC) sa ilalim ng
kasalukuyang kalagayan ng edukasyon. Upang matugunan ang hamong
kinakaharap sa edukasyon, kalusugan at kaligtasan malaking tulong ang modyul na
ito sa patuloy na pag-aaral ng kabataan sa loob at labas ng paaralan sa
pakikipagtulungan ng mga magulang at tagagabay
Inaasahan na ang modyul na ito ay higit na makatutulong sa paglinang ng
kasanayan at kakayahan ng mga mag-aaral.

Para sa Tagagabay:
Upang lalong kagiliwan ng mag-aaral at maging kapaki-pakinabang
ang modyul na ito, tiyaking makapagbigay ng oryentasyon sa mga mag-
aaral, magulang, o sinomang miyembro ng pamilya kung paano gagamitin
at iingatan ang modyul na ito.
Ipabatid na kailangang magkaroon ng sariling sagutang papel ang
bawat mag-aaral para sa paunang pagsubok, mga gawain sa bawat
bahagi at panapos na pagsubok. Kung tapos nang sagutin ang modyul na
ito, ipaalala sa mag-aaral na kaagad itong ibalik sa guro para sa
kaukulang tunguhin.

Para sa mag-aaral:
Inihanda ang modyul na ito para sa iyo. Kailangan mong
sundin at saguting mag-isa ang mga gawaing nasa
loob nito. Huwag kang mag-alala, kayang-kaya mo
ito. Tiniyak kong matutuwa ka habang natututo.
Ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mong
susulatan at iwasang mapunit ang mga pahina. Gumamit ka
ng sagutang papel o ang iyong kuwaderno. Sige, simulan na
natin!

Kagawaran ng Edukasyon• Rehiyon V (Bicol)


Pamagat
Paggamit ng Paghahambing sa Pagbuo ng Bugtong,
Sawikain/Kasabihan at Salawikaiin)

Panimula:

Magandang araw!
Kumusta ka?

Mabuti naman at maayos ang iyong kalagayan!


Sabik ka na ba sa bago nating aralin?
Halika! umpisahan na natin.

Sa gawaing ito, magagamit mo ang


paghahambing sa pagbuo ng bugtong, sawikain at
salawikain.
O, ano kayang-kaya ba?

Layunin:

Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang…..

Natutukoy ang mga pahayag kung ito ay bugtong,


sawikain, salawikain o kasabihan.
Nagagamit ang dalawang uri ng paghahambing:
magkatulad at hindi magkatulad.
Nagagamit ang paghahambing sa pagbuo ng alinman sa
bugtong, salawikain, sawikain o kasa bihan.
1
Talahuluganan

 Ito ang mga bagong salita na dapat mong kilalanin para sa araling ito.

Narito ang mga salita na


dapat ninyong tandaan.

1. Salawikain- ito ay patalinhaga na may


kahulugang nakatago.
2. Sawikain- Tumutukoy ito sa mga salitang
sumasalamin sa mga tradisyon at
kultura ng mga Pilipino.
3. Bugtong- Isa itong pangungusap o tanong na
may doble o nakayaong kahulugan
na nilulutas bilang isang palaisipan.
4. Paghahambing – ay ginagamit kung naghahambing ng
dalawang antas o lebel ng katangian
ng tao, bagay, ideya, pangyayari at
iba pa.

Tandaan:
Gamitin ang mga bagong salitang natutuhan
upang mahasa ang kaalaman sa pakikipagtalastasan.

2
Panimulang Pagsubok

Para sa bilang 1-3. Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag sa ibaba.
Iguhit ang mga sumusunod sa inyong sagutang papel.

= kung BUGTONG = kung SALAWIKAIN

= kung SAWIKAIN

_________1. Para kang natuka ng ahas.


_________2. Kapag ang ilog ay magalaw, ang ilog ay mababaw.
_________3. Nagsusunog ng kilay.
_________4. Sa liwanag ay hindi mo makikita. Sa dilim ay maliwanag sila.
_________5. Kung maikli ang kumot, matutong mamaluktot.
_________6. Pantay na ang paa.
_________7. Kung hindi ukol, hindi bubukol.
_________8. Balat-sibuyas
_________9. Ibinilanggo sa mga bisig
_________10. Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan.

Binabati kita. Natapos mo ang unang pagsubok.


Alamin natin sa pahina 14 ang wastong sagot sa mga tanong.
Saang antas ka nabibilang?
9-10 tamang sagot – NAPAKAHUSAY
6-8 tamang Sagot – MAGALING
3-5 tamang sagot – PAGBUBUTIHAN PA
0-2 tamang sagot – KAYA MO YAN

3
Mga Gawain sa Pagkatuto

Basahin Mo

Kahapong Nagdaan
Jgb.2301

Henerasyon, pag-uugali at teknolohiya,


Labis na ang ipinagkakaiba,
Magkakonektado saan mang anggulo,
Kasabay ng pag-inog ng mundo,

Tahimik, mahinhin at magalang,


Larawan ng nakaraan,
Kabataang nilinang ng magulang,
Mayroon pa ba sa kasalukuyan?

Bata man o matanda,


Anuman ang estado,
Higit kaninuma’y may respeto,
At marunong makitungo,

Kabataa’y lalong masigla,


Tumbang preso, piko, Chinese garter at iba pa,
Di-hamak na mas mainam
Sa paglalaro ng online games, talamak na,

Pag-usbong ng bagong teknolohiya,


Kaugalia’y nabago na,
Susunod na henerasyo’y
Ano na nga ba?
Ano’ng mahahalagang impormasyon ang iyong nalaman?

Makatutulong kaya ang mga ito sa iyong pag-aaral?

Markahan sa ibaba ang antas ng iyong pagkaunawa:

Lubos na naunawaan
Naunawaan
Naguluhan

4
Pagsasanay 1

Simulan mo na ang iba’t ibang gawain.

Panuto: Pansinin ang mga salita/kataga o panlapi na makikita sa tula na inyong


binasa. Lagyan ng kung ito’y pahambing na magkatulad at kung
paghahambing na hindi magkatulad naman ang ilagay. Isulat sa inyong
sagutang papel.

_____________1. Labis
_____________2. Magka-
_____________3. Higit
_____________4. Lalo
_____________5. Di-hamak
_____________6. Mas

Pagsasanay 2
Dahil madali mo lang nasagutan ang unang
pagsasanay, heto pa ang isa pang gawaing
magpapatibay ng iyong kaalaman.

:Panuto: Tukuyin kung BUGTONG, SALAWIKAIN o SAWIKAIN ang mga


pahayag sa ibaba at salungguhitan ang salita o kataga na ginamit sa
paghahambing. Isulat sa sagutang papel ang inyong kasagutan.

___________1. Baboy ko sa pulo, balahiboy’y tila pako.


___________2. Instrumentong pangharana, wangis nito’y katawan ng dalaga.
___________3. Siya’y tila namamangka sa dalawang ilog.
___________4. Mas masarap sa pakiramdam ang tumulong ng bukal sa loob kaysa
may dinadala sa dibdib.
___________5. Mas mabuti pang tumira sa kubong nakatira ay tao kaysa mansiyon
na nakatira ay kuwago.

Ang galing-galing mo! Natapos mo ang Pagsasanay 2.


Saang pagsasanay ka nahirapan? Pagsasanay 1 Pagsasanay 2
Gayunpaman binabati kita sa iyong tagumpay.

5
Pagsasanay 3
Balikan ang mga natutuhan sa naunang mga gawain
upang masagutan ang sumusunod na pagsasanay.

Upang lubos nating maunawaan ang paggamit ng paghahambing, sumulat


ng, salawikain o sawikain batay sa mga larawang makikita ninyo sa ibaba at huwag
kakalimutan ang paggamit ng mga salita o kataga na ginagamit sa paghahambing.
Ang pagmamarka ay nakabatay sa rubriks sa kabilang pahina.

Sawikain

1.

Salawikain

2.

Sawikain

3.

Sawikain

4.

Salawikain

5.

6
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA

Elemento 5 4 3 2 1
(Napakagaling) (Magaling (Magaling (Katamtaman (Sanayin
na Magaling ) ) pa)
Nagagamit ang mga salita
o kataga sa
paghahambing.
Nakabuo ng bugtong,
salawikain o sawikain
batay sa mga larawan
Gramatika
Kabuoan

Yehey!
Binabati kita ! Ngayo’y alam mo na kung ano ang mga
kataga /salita o panlapi na ginagamit sa paghahambing na
ginagamit sa pagbuo ng bugtong, salawikain at sawikain.

Bilib na talaga ako sa iyo. Nasagutan mo lahat na pagsasanay.


Iwasto mo ang iyong mga kasagutan sa pahina ___.
Anong naramdaman mo matapos malaman ang
resulta ng iyong pagsisikap?

7
Panapos na Pagsubok
Ang bahaging ito ng modyul ay susukat sa mga
natutuhan mo sa loob ng aralin.
Huwag kang matakot dahil alam kong kayang-kaya
mo ito. Huling pagsubok na lamang ito na kailangan
mong sagutin.

Panuto:Salungguhitan ang salawikain, sawikain at bugtong na makikita sa


pangungusap, bilugan ang salita o kataga na ginamit sa paghahambing at
ipaliwanag ang ibig sabihin nito.

1. Maganda sana ang kanyang damit subalit parang suman na siya sa kanyang suot.

Sagot:
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. Siya’y tila basang sisiw ng siya’y pinaalis ng kanyang ina sa kanilang tahanan
dahil sa kanyang bisyo.

Sagot:
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

3. Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa amoy ng malansang isda.

Sagot:
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

4. Ang pag-iisang dibdib ay hindi parang kanin na pwede pang iluwa kapag ikaw ay
napaso.

Sagot:
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

5. Ang taong nasusugatan mas lalong tumatapang.

Sagot:
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
Yehey!
Malapit mo nang matapos ang araling ito. Iwasto ang
iyong mga sagot sa pahina _15___.
Ilang bituin kaya ang iyong matatanggap? Suriin sa ibaba.
8
nagawa lahat 1 hindi nagawa
2 hindi nagawa 3 pataas hindi nagawa
Karagdagang Gawain
Ang ganda ng aralin natin.
Ang dami kong natutuhan.
Na-enjoy ko rin ang mga gawain at pagsasanay.
Hindi rin ako nahirapan sa mga pagsasanay. Kaya parang
gusto ko pa ng karagdagang Gawain.

Panuto: Piliin ang angkop na pahambing sa pangungusap sa loob ng


panaklong. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.

1. (Mas, Lalo) _________akong manood ng telebisyon kaysa


maglaro ng online games kapag tapos na ako sa aking takdang aralin.
2. (Higit, Magka-) _________ na maganda ang buhay ng aking mga
magulang kumpara sa magandang buhay na ibinibigay nila sa akin ngayon.

3. Ako ay (mas, di-masyadong) ________ matanda sa aking kapatid kaya


sinisikap kong maging halimbawa sa kanila.

4. (Magkasim-, Magka-) _______ bait kami ng aking nanay, sabi ni Lola Iska.

5. Ang buhay noon ay (mas, di-magkatulad) _______ simple kumpara sa


komplikadong buhay sa kasalukuyan.

Sa wakas ay narating mo ang dulo ng aralin. Ang


saya-saya ko at napagtagumpayan mo ang mga
pagsasanay at gawain.
Ang husay mo kid!

9
Susi sa Pagwawasto

PANIMULANG PAGSASANAY 1 PAGSASANAY 2


PAGSUBOK

1. 1. X 1. Bugtong - tila

2. 2. + 2. Bugtong - wangis

3. 3. X 3. Bugtong - tila

4. 4. X 4. Sawikain - mas

5. 5. X 5. Salawikain - mas

6. 6. X

7.
8.
9. PAGSASANAY 3
1. Ang pagmumukha niya’y tila balat-kalabaw noon pa.
10.
2. Mas nakakatakot ang taong edukado kaysa mangmang
3. Ang bukang-liwayway ay tila buhay ng tao, nagbabadya ng bagong umaga.
4. Napakasarap langhapin ng simoy ng hangin, amoy pinipig.
5. Ang buhay ng tao’y parang gulong, minsan nasa ibabaw, minsan nasa ilalim.

10
PANAPOS NA GAWAIN

1. Maganda sana ang kanyang damit subalit parang suman na siya sa kanyang
suot.
 Ibig sabihin nito ay hindi na kasya o masikip na ang damit.

2. Siya’y tila basang sisiw ng siya’y pinaalis ng kanyang ina sa kanilang tahanan
dahil sa kanyang bisyo.
 Ang ibig sabihin ng basang sisiw ay kaawa-awa.

3. Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa amoy ng malansang isda.


> Ibig sabihin nito ay matuto tayong magpahalaga kung ano ang meron tayo
kasi
kung hindi ay ihahalintulad tayo sa malansang isda.

4. Ang pag-iisang dibdib ay hindi parang kanin na puwede pang iluwa kapag ikaw
ay
napaso.
 Ibig sabihin nito ay ang pag-aasawa ay isang malaking responsibilidad,
kailangang pag-isipang mabuti dahil hindi na ito maaaring takas an kapag
kayo ay kasal na.

5. Ang taong nasusugatan mas lalong tumatapang.


> Ibig sabihin nito ay ang taong nasasaktan ay mas lalong nagiging matapang

11
Sanggunian:

Dayag, A.,2014, Pinagyamang Pluma 8 (K to 12) Karunungang ng Buhay, Quezon


City, Phoenix Publishing House, Inc., pp. 7-23

Google 2020. Pinipig image (online) Available at Overseas Pinoy Cooking


https://www.overseaspinoycooking.com (Accessed 27 June 2020)

Google 2020 Salawikain halimbawa at kahulugan.(online) Available at:


https://mga-salawikain.com [Accessed 26 June 2020].

Google 2020 graduation picture. (online) Available at:


https://countryliving.com.com [Accessed 23 June 2020].

Google 2020 graduation picture. (online) Available at:


https://countryliving.com.[Accessed 26 June 2020)

Google 2020 bukangliwayway picture (online) Available at:


https://vistapointe.com.[Accessed 23 June 2020)

Google 2020 kalabaw (online) Available at:


https://pinterest.com [Accessed 23 June 2020)

Google 2020 balat/skin picture (online) Available at:


https://webstockreview.net [Accessed 23 June 2020)

12
Para sa iba pang katanungan at katugunan, mangyaring sumulat o
tumawag:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500

Mobile Phone: 0917 178 1288

Email Address: region5@deped.gov.ph

You might also like