You are on page 1of 3

Aralin 3, grade 8 filipino

1. 1. ARALIN 3: Pagtatamo ng Kapayapaan, Kapanatagan ng Buhay GRADE 8- FILIPINO


2. 2. Paano matatamo ng bayan ang ganap na kapayapaan?
3. 3. Pag-aralan ang bawat sitwasyon at magmungkahi ng solusyon kung paano matatamo ang
kapayapaan Sitwasyon I:  Nag-aaral ka sa loob ng klase subalit dumating ang isang grupo
ng kalalakihan na napakaingay. May pagsusulit pa naman kayo. Hindi ka makapokus sa
iyong pag-aaral. Ano ang gagawin mo?
4. 4. Pag-aralan ang bawat sitwasyon at magmungkahi ng solusyon kung paano matatamo ang
kapayapaan Sitwasyon 2: Nasaksihan mong nagkapikunan at nagsuntukan ang dalawa
mong kaeskwela. Ano ang iyong gagawin?
5. 5. Pag-aralan ang bawat sitwasyon at magmungkahi ng solusyon kung paano matatamo ang
kapayapaan Sitwasyon 3: Nakita mong tinatakot ng isang di kilalang lalaki ang isa mong
kaeskwelang babae. Nakalarawan sa mukha ng iyong kaklase ang matinding takot. Ano ang
iyong gagawin?
6. 6. Babasahin: Agyu (Epiko ng Ilianon) Ang pangunahing pinanggalingan ng kabuhayan ng
mga Ilianon ay pangongolekta ng sera. Ipinampapalit nila ang sera sa mga Moro, sa
kanilang mga pangunahing pangangailangan tulad ng palay, asin at asukal. Nagkaroon ng
di-pagkakaunawaan si Agyu at ang Datu ng mga Moro dahil sa pagkakautang nila ng
isandaang tambak na sera (pagkit/ wax). Upang maiwasan ang madugong labanan, si Agyu
at ang kaniyang pamilya ay umalis
7. 7. sa Ayuman at pumunta ng Ilian. Ngunit hindi hinayaan ng mga Moro na mamuhay sila ng
payapa. Sinundan nila ang mag ito upang paslangin si Agyu at ang kaniyang pamilya.
Lumaban nang buong tapang si Agyu at sampu ng kaniyang pamilya, at nagwagi sila laban
sa mga Moro. Pagkatapos ng kanilang tagumpay, naisip ni Agyu na lisanin ang Ilian at
pumunta ng Bundok ng Pinamatun. Doon sila nagtayo ng mga bahay sa paanan ng bundok.
Isang araw, pumunta si Agyu sa bundok ng Sandawa upang manghuli ng baboy-ramo.
Umuwi siya na dala ang kaniyang huli habang ang kaniyang
8. 8. kapatid na lalaki na si Lono at mga kapatid na babaeng sina Yambungan at Ikwagan ay
nakahanap ng pulot pukyutan. Hinati na nila ang baboy-ramo at pulot pukyutan sa kanila at
sa kanilang mga alipin. “Bakit ayae mong kumuha ng karne at pulot para sa iyo, at sa iyong
asawa sa Ayuman, Banlak?” tanong ni Agyu sa kaniyang kapatid na lalaki. Ang asawa ni
Banlak na si Mungan ay naiwan sa Ayuman sapagkat nagkaroon ito ng ketong. Hindi
pumayag si Banlak sa ideya. Nagboluntaryo na lamang si Lono na pupunta sa Ayuman dala
ang karne at pulot para kay Mungan. Subalit sa kaniyang pagtungo kay Mungan, nakarinig
9. 9. siya ng malakas na boses na nagsasabi kay Mungan na tanggapin na ang imortalidad sa
pamamagitan ng pagkain ng mga diyos? Nang bumalik si Lono sa Pinamutan, sinabi niya
kay Agyu at Banlak kung ano ang narinig. Nais ni Banlak na Makita si Mungan ngunit
pinigilan sila ni Agyu. Bagkus, binagtas ni Agyu ang daan pababa ng Ayuman upang Makita
si Mungan ngunit huli na ang lahat. Pumunta na si Mungan sa langit. Ang natira lamang ay
isang gintong bahay. At nang bumalik si Agyu sa Pinamutan, iniwan nilang muli ang lugar at
nagpunta sa Tigyandang. Ngunit hindi nila nakita ang kapayapaan sa Tigyandang. Napaka-
10. 10. raming kaaway ang nagpapaalis sa kanila sa Tigyandang. At kahit anong gawin nila ay
hindi nila matalo ang kalaban. Nang dumating ang pang-apat na araw ng pakikilaglaban ay
lumapit ang binatang anak na si Tanagyaw. “Payagan mo akong lumaban,ama,” sabi niya.
“Ngunit napakabata mo pa, anak,” sinabi niya rito. “Marahil nga ay bata ako ngunit ako ay
matalino, ama,” pilit ni Tanagyaw. “Humayo ka at nawa ay tulungan ka ng mga
11. 11. Diyos. Ingatan mo ang iyong sarili!” At umalis na si Tanagyaw upang pumunta sa
labanan. At natalo niya ang mga kalaban. Nais ng pinuno ng mga kalaban na makasal si
Tanagyaw sa anak nitong babae na si Buy-anon ngunit tumanggi ito dahil napakabata pa
nila. Umabot si Tanagyaw sa bayan ng Baklayon at iniligtas ang bayan laban sa mga
kaaway. Pinatay niya si Bagili, ang anak ng pinuno ng mga kaaway ng Baklayon. Nais ng
Datu ng Baklayaon na ipakasal ang kaniyang anak na si Paniguan kay Tanagyaw ngunit
hindi pa ito handing mag-asawa. At nang bumalik si Tanagyaw sa Tigyang
12. 12. dang, nagtungo si Paniguan sa kanya. Sinabi nito kay Agyu na nais nitong pakasalan si
Tanagyaw. Sumang-ayon si Agyu at ikinasal sina Tanagyaw at Paniguan. Sa kabilang dako,
hindi tumigil ang pag-atake sa sambahayan ni Agyu. Paminsan-minsan, may mga kaaway
na umaatake sa mga pamayanan at pinapatay ang mga tao at mga hayop ni Agyu. Ngunit
matanda na upang lumaban pa si Agyu. Samantala, nag-isip si Tanagyaw upang makalaban
ang mga kaaway. Nagsuot siya ng baluti na kasintigas ng metal na sa lakas ay hindi
maigalaw ng hangin. Pagkatapos, kinalaban niya ang mga kaaway at lumabas na pana-
13. 13. lo. Ngunit hindi pa handing sumuko ang mga kalaban. Sinugod ng anak ng Datu si
Tanagyaw na gamit ang ginintuang espada. Ginamit naman ni Tanagyaw ang gintong
tungkod at nagawang patayain ang anak ng Datu at ang kaniyang mga kasama na tumakas
sa bundok dahil sa matinding takot. Napanatag na si Agyu. Nahihinuha na niya na
maghahari na ang kapayapaan sa kanilang kaharian. Ngayon, tatamasahin na nila ang
magandang buhay na mailap sa kanila noong una. Ang ani ay masagana at ang mga hayop
ay dumarami na sa bilang. Isang araw, tinawag niya ang anak na si Tanagyaw.
14. 14. “Ibinibigay ko na sa iyo ang Sunglawon. Ipagtatanggol mo ito at pamahalaan ito nang
may hustisya at pagpapahalaga sa mga tao.” “Tutuparin ko po ito sa tulong ng mga Diyos,
ama,” sagot ni Tanagyaw. Sa sumunod na umaga, sina Tanagyaw at Paniguan, kasama ang
kanilang mga alipin ay nagsimulang maglakbay patungo sa Sunglawon. Handa na sila
upang magsimula ng isang pamilya. Pinagkunan:
http://www.aralinsafilipino.com/2010/01/agyu-epikong-ilianon.html
15. 15. Alamin: Ibigay ang kahulugan ng salitang may salungguhit sa bawat pangungusap. 1.
Sinundan ng mga Moro si Agyu upang paslangin. 2. Si Mungan ay naiwan sa Ayuman
sapagkat nagkaroon ito ng ketong. 3. Hindi tumigil ang pag-atake ng mga kalaban sa
sambahayan ni Agyu. 4. Nahihinuha na niya na maghahari na ang kapayapaan. 5. Narinig ni
Lono ang isang malakas na boses na nagsasabing tanggapin ni Mungan ang imortalidad.
16. 16. Isa-isahin ang mga makatotohanan at hindi makatotohanang pangyayari sa binasang
epiko. _________________________________________________
___________________________________________________________
_______________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
17. 17. Tagpuan Isa sa mahalagang elemento ng epiko ang Bukod sa lunan o lugar na
pinangyarihan ng salaysay kaugnay rin dito ang panahon o klima. Sa ng tagpuan,
malalaman kung ang pangyayari ay may kontekstong pangkasaysayan o nagaganap sa
kasalukuyan. Sinasabing nakadepende ang ugali ng tauhan ayon sa panahon at
kapaligirang kinabibilangan niya. Sa tunay na buhay man, Malaki ang impluwensiya ng
kapaligiran , lokasyon o kontinen-
18. 18. teng kinabibilangan upang mahubog ang tradisyon, kaugalian, at kultura ng mga tao. Sa
madaling salita, ang tagpuan ay hindi lamang sumasakop sa mga bagay na nararamdaman
bagkus kasama rito ang namumuong damdamin sa isang kuwento.
19. 19. Balikan ang epiko at tukuyin ang mga bahagi ng akda na nagpapakita ng kapangyarihan
ng tao batay sa kaniyang kilos, gawi o ugali, paniniwala, at paninindigan. Isulat sa
talahanayan. Kilos Gawi/Ugali Paniniwala Paninindigan
20. 20. Paghihinuha: Magbigay ng hinuha batay sa mga ideya o pangyayari sa akda at sa dating
kaalaman kaugnay sa binasa. 1. Kung hindi umalis ng Ilian sina Agyu, ano ang posibleng
mangyari sa kanila? 2. Lagi na lamang lumilipat ng lugar ang sambahayan ni 3. Matanda na
si Agyu at hindi na niya kaya pang ang kaniyang sambahayan. 4. Nagwagi si Tanagyaw
laban sa mga kaaway. 5. Nagtungo na sina Tanagyaw at Paniguan sa Sunglawon.
21. 21. Ano ang nais mo pang malaman sa buhay ni Agyu? Isulat ang mga tanong sa grapikong
pantulong. Tanong na humihingi ng paliwanag
_________________________________________________________
_____________________________________ Tanong na humihingi ng impormasyon
_________________________________________________
_______________________________
22. 22. Takda: Makinig at manood ng balita tungkol sa napapanahong isyu, kalakaran ng ating
bansa. Isulat ito gamit ang paraan ng wastong pormat sa pagbabalita. Iparirinig ito sa klase
sa susunod na pagkikita.

You might also like