You are on page 1of 8

GAWAIN 1: TAGAPAGLIGTAS

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Kung ikaw ay magiging isang superhero, ano ang pangalang gusto mong itawag sa iyo?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Ano ang mga katangian/kapangyarihang tataglayin mo bilang isang superhero?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Paano mo gagamitin ang mga kapangyarihan/katangiang taglay mo upang makatulong sa
kapwa?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

ALAM NIYO BA?

Ang Ilog Jalaur o Jalaud sa Iloilo na may sinaunang pangalang Halawod aysiyang pinagmulan o
tagpuan ng kilalang epiko ng mga Panay na may pamagat na Hinilawod. Ang epikong Hinilawod na
nangangahulugang “Mga Kuwento Mula sa Bukana ng Ilog Halawod” ay isang epiko ng mga sinaunang
nanirahan sa lugar na tinawag na Sulod sa Panay. Taglay ng epiko ang mga kaugalian, kultura, relihiyon,
at iba’t ibang ritwal at seremonyas ng mga sinaunang mamamayan ng Sulod. Ang epiko ay binubuo ng
28,000 berso kaya naman itinuturing itong isa sa mga pinakamahahabang epiko sa mundo. Katunayan,
kung bibigkasin ito sa orihinal na berso, aabot ng tatlong araw ang pagtatanghal.
Ang Hinilawod ay natuklasan noong 1955 ni F. Landa Jocano, isang Pilipinong antropologong
kilala sa pagtujlas at pagdodokumento ng ating mga katutubong karunungang-bayan at iba pang
yamang-kultural ng bansa habang siya ay naglilibot sa Iloilo na siyang lalawigan ng kaniyang sinilangan.
Ang orihinal na epikong binibigkas nang pasalita o paawit ay una niyang nadokumento sa pamamagitan
ng pag-awit ng matandang lalaking nagngangalang Ulang Udig. Ang iba pang episodyo ay inawit naman
para sa kaniya ni Hugan-an, isang matandang babaeng mang-aawit mula sa kabundukan. Sa tulong ng
ilang kasamahan ay nai-rekord ni F. Landa Jocano ang mga berso. Isinalin din niya ang mga ito sa Ingles.
Ang pinaikling bersiyon ng Hinilawod ay itinanghal sa kauna-unahang pagkakataon sa
inagurasyon ng Cultural Center of Western Visayas na matatagpuan sa kampus ng West Visayas State
University sa Lungsod ng Iloilo noong Marso 1983. Itinanghal ito ng grupong pangklturang Panayana.
Isang mural na nagpapakita sa mahahalagang eksena sa pakikipagsapalaran ng mga pangunahing tauhan
sa epiko ang iginuhit ni Art Geroche, isang pintor na Ilonggo. Ang mural na ito ay naka-displey ngayon sa
Cultural Center of Western Visayas.
Ang Hinilawod ay binubuo ng apat na mahahalagang episodyo:
1. Pangayaw o Paglalakbay na nagsasalaysay sa mga naunang pakikipagsapalaran ni Labaw
Donggon.
2. Tarangban o Yungib na nagsasalaysay sa pakikipagsapalaran ni Humadapnon sa ilalim ng lupa;
3. Bihag na nagsasalaysay sa mga pangyayaring nagbigay-daan sa pagkakabihag kay Labaw
Donggon ni Sarangyan, ang diyos ng kadiliman; at
4. Pagbawi na nagsasaad sa ginawang pagbawi ng mga anak at ng mga kapatid na sina
Humadapnon at Dumalapdap sa binihag na si Labaw Donggon.

GAWAIN 2: ETIMOSAAN?
Panuto: Subuking ipaliwanag ang pinagmulan ng mga salita sa ibaba batay sa ibinigay na pantulong.
Isulat ang kasagutan sa patlang na ibinigay.

1. Ang salitang magkabiyak ay nangangahulugang mag-asawa. Saan kaya nagmula ang salitang
magkabiyak?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Inalis ni Baranugon ang pagkakatali ng mga kamay ng kaniyang amang si Labaw Donggon. Ano
ang salitang ugat sa Inalis at ano naman kaya ang panlaping ginamit dito?
______________________________________________________________________________
3. Bumalik si Alunsina sa kalupaan upang samahan habambuhay ang kaniyang asawa. Ano ang
salitang ugat sa Bumalik at ano naman kaya ang panlaping ginamit dito?
______________________________________________________________________________

GAWAIN 3: SAAN?
Panuto: Mula sa kahon ng mga salita ay piliin ang kasingkahulugan ng salitang nakasalungguhit. Isulat
ang sagot sa patlang bago ang bilang.

____________1. Nang nanganak si Diwatang Alunsina ay agad ipinatawag ang pari upang magsagawa ng
ritwal para sa sanggol.
____________2. Ang magkakapatid ay nakatayo agad kahit mga sanggol pa lang sila.
____________3. Humingi ng payo si Baranugon sa kanilang Lola Alunsina tungkol sa kanilang problema.
____________4. Nagpunta si Labaw Donggon sa bayan ng Handug para ligawan ang magandang
dalagang si Angoy Ginbitinan.
____________5. Gamit ang pana ay natalo ni Baranugon ang lalaking bumihag sa kanilang ama.

Basahin ang epikong Epiko ng Hinilawod na isang epiko ng mga Bisaya. Pagkatapos basahin ay
sagutin ang mga sumusunod na katanungan

EPIKO NG HINILAWOD
(Epiko ng mga Bisaya)

Ang Pag-iibigan nina Diwatang Alunsina at Datu Paubari

Ipinag-utos ni Kaptan, ang hari ng mga diyos at diyosa, na ang magandang diwatang si Alunsina
ay ikasal pagsapit niyasa edad ng pagdadalaga. Maraming makisig na diyos sa iba’t ibang bahagi ng
daigdig ang naghangad sa kaniyang kamay subalit silang lahat ay nabigo dahil si Alunsina ayumibig at
nagpakasal sa isang mortal na si Datu Paubari, ang pinuno ng Halawod.
Dahil dito’y nagalit ang mga manliligaw ni Alunsina at nagkaisasilang gantihan ang mga bagong
kasal. Binalak nilang sirain ang Halawod sa pamamagitan ng isang malaking baha. Mabuti na lamang
atnalaman ni Suklang Malayon, kapatid ni Alunsina ang maitim na balak ng mga nabigong manliligaw
kaya;t ang magkabiyak ay nakatakas patungo sa isang mataas na lugar at sila’y nakaligtas sa baha.
Bumalik lang sila nang napawi na ang baha. Tahimik silang nanirahan sa bukana ng Ilog Halawod.
Paglipas ng ilang buwan ay nagsilang ng tatlong malulusog na sanggol na lalaki si Alunsina. Labis-
labis ang kaligayahan ng mag-asawa sa pagdating ng kanilang mumunting biyaya. Pinangalanan nilang
Labaw Donggon, Humadapnon, at Dumlapdap ang tatlong sanggol. Ipinatawag nila agad si Bungot-
Banwa, ang iginagalang na pari ng kanilang lahi upang isagawa ang ritwal na magdudulot ng mabuting
kalusugan sa tatlo. Nagsunog si Bungot-Banwa ng talbos ng halamang alanghiran na sinamahan niya ng
kamangyan at saka inialay sa isang altar. Pagkatapos ay binuksan niya ang bintana at sa pagpasok ng
malamig na hangin mula sa hilaga, ang tatlong sanggol ay biglang naging malalakas at makikisig na
binata.

Ang Pakikipagsapalaran ng Panganay na si Labaw Donggon

Sa tatlong magkakapatid, si Labaw Donggon ang nagpakita ng interes sa magagandang babae.
Nang marinig niyang may isang magandang babaeng nangngangalang Anggoy Ginbitinan mula sa bayan
ng Handug na nasa bukana ng Ilog Halawod aynagpaalam agad siya sa inau pang hanapin ang dalaga.
Bagama’t nag-aalala dahil halos kasisilang pa lang ng anak ay pinayagan na rin ni Alunsin ang anak
subalit bago umalis ay binigyan niya ito ng mahiwagang kasuotan. Pagkalipas ng ilang araw na
paglalakbay sa mga kapatagan, kabundukan, at mga lambak ay narrating din ni Labaw Donggon ang
Handug. Kinausap niya ang ama ng dalaga upang hingin ang kamay ng anak. Sinabi ng ama na papaya
lamang siyang makasal ang anak na si Anggoy Ginbitinan kay Labaw Donggon kung mapapatay niya ang
halimaw na si Manalintad. Agad pinuntahan ni Labaw Donggon ang halimaw at nakipaglaban siya rito.
Napatay niya ang halimaw at ibinigay ang pinutol na buntot nito sa ama ni Anggoy Ginbitinan bilang
patunay ng kaniyang tagumpay. Ikinatuwa ito ng ama kaya’t pumayag siyang ipakasal ang anak kay
Labaw Donggon. Pagkatapos ng kasal ay naglakbay ang dalawa pabalik sa tahanan nina Labaw Donggon.
Pagkatapos ng kasal ay naglakbay ang dalawa pabalik sa tahanan nina Labaw Donggon.
Sa kanilang paglalakbay ay may nasalubong silang mga binata na nag-uusap-usap tungkol sa
isang napakagandang dalagang nagngangalang Anggoy Doronoon na nakatira sa Tarambang Burok.
Narinig niya sa usapan ng mga binata na sila’y papunta sa tirahan ng dalaga upang manligaw sa kaniya.
Naging interesado sa narinig si Labaw Donggon kaya naman pagkalipas lang ng ilang linggong pagsasama
ay inihabilin niya ang bagong asawa sa inang si Alunsina at siya’y naglakbay na patungo sa Tarambang
Burok upang suyuin si Anggoy Doronoon. Nagtagumpay si Labaw Donggon na mapaibig ang
napakagandang dalaga.
Subalit hindipa roon nagtapos ang kaniyang paghahanap ng mapapangasawa sapagkat
pagkalipas ng ilang panahon, nabalitaan na naman niyang may isa pang napakagandang babae, si
Nagmalitung Yawa Sinagmaling Diwata na asawa ni Buyong Saragnayan,ang diyos ng kadiliman. Nais
niyang hanapin ang babaengito upang maging pangatlo niyang asawa. Ipinagpaalam niya sa unang
dalawang asawa ang kaniyang balak at pumayag naman sila. Ang pagkakaroon ng lalaki ng higit sa isang
asawa ay nakaugalian at tinatanggap sa panahong iyon.
Sakay ng kaniyang biday nga inagta o itim na bangka ay naglayag sa malalawak na karagatan
patungong Lupain ng Bukangliwayway si Labaw Donggon. Dinatnan niya si Saragnayan at tinanong kung
ano ang kaniyang pakay. Sinabi niyang gusto niyang mapangasawa si Malitong Yawa Sinagmaling Diwata.
Pinagtawanan ng diyos ng kadiliman si Labaw Donggon at sinabing imposible ang hinahangad nito dahil
sa asawa na niya ang Diwata ang maangkin lamang niya ito kapag patay na siya.
Subalit hindi basta sumuko si Labaw Donggon. SIla ni Saragnayan ay naglaban sa loob ng
maraming taon. Inilubog ni Labaw Donggon ang ulo ni Saragnayan sa tubig sa loob ng pitong taon subalit
nang iahon niya ito’y nanatili pa ring buhay. Kasunod ay hinampas niya nang hinampas ang katawan ni
Saragnayan ng binunot niyang puno ng niyog hanggang sa magkadurog-durog ang puno subalit hindi pa
rin ito namamatay. Nanghihina at pagod na pagod nasi Labaw Donggon sa napakatagal na
pakikipaglaban kaya sinamantala ito ni Saragnayan. Sa pamamagitan ng kaniyang pamlang o anting-
anting ay natalo niya si Labaw Donggon. Iginapos niya ang mga kamay at paa nito at ibinilanggo sa isang
kulungan sa ilalim ng kaniyang tahanan.
Samantala, kapwa nanganak ang dalawang asawa ni Labaw Donggon. Parehong lalaki ang naging
anak nila. Ang anak ni Anggoy Ginbitinan ay tinawag niyang Asu Mangga samantalang ang anak ni
Anggoy Doronoon ay pinangalanang Abyang Baranugon. Nakapagsalita at nakatindig agad ang mga bata.
Hinanap nila kapwa ang kanilang ama.
Sa kanilang paghahanap ay nakasalubong ang magkakapatid sa karagatan. Naglalakad sa ibabaw
ng tubig si Baranugon at lula naman ng mahiwagang bangka si Asu Mangga. Napag-alaman nilang iisa
ang amang hinahanap nila. Naglakbay sila patungong Lupain ng Bukangliwayway kung saan nila nalaman
ang ginawa ni Saragnayan sa kanilang ama. Sinabihan nila itong pakawalan ang kanilang ama.
Pinagtawanan lamang ni Saragnayan ang sinabi ng mga anak ni Labaw Donggon lalao pa’t nakita niyang
ni hindi pa napuputol ang pusod ni Baranugon. Buong tapang na nakipaglaban ang magkapatid kay
Saragnayan. Sa una’y palakasan ng taglay na anting-anting o pamlang ang naging labanan. Kalauna’y
naging pisikal ang labanang ginamitan ng magkapatid ng mga palasong may lason subalit kahit anong
lakas at husay nila ay hindi nila matalo-talo si Saragnayan. Naisip ni Baranugon na maaaring may sikreto
si Saragnayan kaya’t hindi siya basta namamatay. Pinabalik niya sa kanilang lolang si Abyang Alunsina
ang mga ispiritung kaibigan niya upang sumangguni. Dito nila nalamang ang kapangyarihan pal ani
Saragnayan ay nakatago sa isang baboy-ramo. Mapapatay lamang daw si Saragnayan kapag napatay ang
baboy ramo at nakain ang puso nitng kinatataguan ng kaniyang hininga. Sa tulong na taglay nialng
anting-anting na tinatawag na lumay ay natagpuan at napatay ng magkapatid ang baboy-ramo. Sa
pagkamatay ng baboy ramo ay nanghina si Saragnayan kaya’t madali na siyang napatay ng palaso ni
Baranugon. Gayunma’y hindi rin nila nakita ang ama sa bilangguan nito. Maging ang mga kapatid ng ama
na sina Humadapnon at Dumalaplap ay tumulong na rin sa paghahanap kay Labaw Donggon. Pagkalipas
ng mahabang panahon ng paghahanap, natagpuan din nila ang ama sa loob ng isang lambat na nasa may
pampang malapit sa bahay ng asawa ni Saragnayan.
Subalit wala na ang dating kakisigan at lakas ni Labaw Donggon. Nawala ito dahil sa matagal na
pakikipaglaban at pagkakakulong. Ibinalik ng magkapatid sa kanilang tahanan si Labaw Donggon at
pinakiusapan ni Humadapnon ang mga hipag na gawin ang kinakailangang ritwal at seremonya para
mabalik ang dating lakas at kisig niya. Ginawa ng dalawang babaeng nagmamahal ang lahat para muling
lumakas si Donggon. Hindi nagtagal ay muling nagbalik ang kakisigan at lakas ni Labaw Donggon

Mga Katanungan:
1. Ano-anong bagay ang hindi pangkaraniwan o kakaiba sa tatlong magkakapatid?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Paano nabihag ni Saragnayan si Labaw Donggon?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Kung ikaw ang asawa ni Labaw Donggon at sa kasalukuyang panahon nangyari ang pagtataya
niya sa kaniyang buhay para lamang makuha ang kamay ng iba pang babaeng nais niyang
mapangasawa, ano ang gagawin o sasabihin mo?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
4. Paano ipinakita ng mga anak niyang si Baranugon at Asu Mangga ang pagmamahal sa kanilang
ama?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
5. Sa iyong palagay, nararapat lang ba ang ipinakitang pagmamahal at pagmamalasakit ng mga
kapamilya kay Labaw Donggon kahit pa ang mga nangyari sa kaniya ay bunga ng hindi gaanong
magagandang desisyon niya sa buhay? Ipaliwang.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

GAWAIN 5: HART
Panuto: Basahin ang pahayag na nasa ibaba. Pagkatapos ay gawin ang iniatang na gawain.

Ipinakita sa akda ang pagdadamayan sa pamilya. Kahit pa sariling desisyon ni Labaw Donggon
ang nagdala sa kaniya sa isang mahirap na kalagayan ay hindi pa rin siya pinabayaan ng mga kapamilya
sa oras ng pangangailangan. Ikaw, ano naman kaya ang puwede mong gawin sa iyong mga kapamilya
para ipakita ang iyong pagmamahal at suporta kahit pa tulad ni Labaw Donggon ay may mga
pagkukulang o pagkakamali rin sila? Punan lang ang lingay depente sa kasapi ng sarili mong pamilya.
Kung kulang ay maaari kang magdagdag ng linya.

 Para sa iyong ama

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
 Para sa iyong ina

 Para sa iyong mga kapatid

BASAHIN
Mga Hakbang sa Pagsulat
Ang pagsulat ay isa sa mga makrong kasaayang dapat malinang sa dapat mag-aaral sapagkat
magagamit ito sa iba’t-ibang pagkakataon. Gayunpama’y ang pagsulat ay hindi basta malilinang sa lob
lang ng magdamag. Kakailanganin nito ang madalas na pagsasanay.Makatutulong sa isang bagong
manunulat ang paggamit ng mga sumusunod na hakbang:
Una, maghanda para sa isulat. Kung ang isusulat ay mga akdang hindi piksyon tulad ng sanaysay,
sulating pananaliksik, at iba pang kauri, kakailanganin ng isang manunulat na managalap ng datos,
impormasyon at ideya para sa kaniyang isusulat. Makatutulong ang pagbabasa o pagkuha ng
impormasyon sa mapagkakatiwalaang web site, aklat, magasin, at iba pa. Tiyaking mabibigyan ng
kaukulang pagkilala ang mga nagamit na sanggunian sa isusulat.
Pangalawa, ang pagbuo ng balangkas ng borador. Mahalaga ang bahaging ito dahil dito
malayang maisusulat ng manunulat ang lahat ng kaniyang ideya nang hindi muna iniisip ang kawastuhan
o kamalian ng mga pangungusap, gramatika, baybay at iba pa. Sa bahaging ito magagawa niyang
magbura, magbago, magpabuti ng kaniyang mga ideya hanggang sa masiyahan siya sa nilalaman ng
tekstong isinusulat.
Ikatlo at panghuli, ang pagrebisa sa borador. Dito, babasahing muli ang borador upang marebisa
o ma-edit. Makabubuting magpalipas ng ilang oras o araw bago gawin ang pagrebisa para maihiwalay ng
manunulat ang kaniyang sarili sa isinulat at mas makita niya ito sa perspektiba ng isang mambabasa. Sa
muling pagbasa o pagtingin nangyayari ang pagpapabuti sa nilalaman ng isinulat sa pamamagitan ng
pagdaragdag o pagbabawas ng detalye, gayundin ang pagwawasto ng mga kamalian sa gramatika,
baybay, wastong gamit, at iba pa.

Sagutin ang mga katanungan:

1. Bakit mahalagang malinang ang pagsulat?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Ano-ano ang mga mahahalagang hakbang sa pagsulat?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

PAGSASALAYSAY O PAGLALAHAD

Karaniwang ginagamit ng tao ang pagsasalaysay o paglalahad. Kung mayroon man siyang
gustong ibahagi sa kaniyang kausap, magpaliwanag, magbigay ng impormasyon o isang ideya sa isang
paksa ay nagagamit niya ang paglalahad.
Sa pagsasalaysay ng isang pangyayari ay maaaring gumamit ang mananalita o manunulat ng mga
salitang Isang araw, samantala, at iba pa upang maisalaysay niya ito nang epektibo. Kung gusto naman
niyang magsalaysay ng sunod-sunod na pangyayari ay maaari siyang gumamit ng mga salitang una,
ikalawa, ikatlo, kasunod, panghuli upang makita ang maayos na daloy ng impormasyon.
Kung maglalarawan naman, ay maaari niyang ibigay ang katangian ng isang bagay, anyo nito,
itsura, lasa, kulay, at iba pa na maaaring ilarawan dito. Kung sa paghahambing naman, ay maaaring
gumamit ng mga pahayag na pahambing na pareho sa, magkaiba sa, magkalayo sa, sa kabilang banda.
Kung gusto mo namang magbigay ng dahilan sa isang bagay ay maaari kang gumamit ng mga salita dahil
dito sa, sapagkat, palibahasa at iba pa.
Ang mga ito’y makatutulong upang mailahad mon\ ang maayos ang iyong gustong sabihin o
ipahiwatig sa iyong kausap. Kung hindi mo magagamit ang mga salitang ito sa paglalahad, ay hindi
magiging klaro ang kaniyang pagkakaintindi sa iyon sinasabi.

GAWAIN 6: ILAHAD MO
Panuto: Sa tulong ng mga salita sa pagsasalaysay o paglalahad, sumulat ng isang sanaysay na
nagpapakita ng isang pangyayari sa kasalukuyan na maihahalintulad sa pagtutulungan ng pamilya na
nakita sa epikong Hinilawod. Ilagay ang nabuong sanaysay sa ibaba.

_____________________________________________________________________________________

You might also like