You are on page 1of 37

OHSP ONLINE LESSON TEMPLATE

FILIPINO ( Antas 7 )

Pamagat ng Modyul : IBONG ADARNA


Bilang ng Modyul: 3. 3 ( Saknong Blg. 779 - 1717 )

Panimula ng Modyul at Mahahalagang Tanong:


Mga inisyal na pahayag at tanong na ibibigay sa mga mag-aaral upang
pagtuunan nila ng pansin.

Ang Ibong Adarna ay isang awit na nagmula sa Europa na naisulat at


pinalaganap noong panahon pa ng mga Espanol. Pero hindi mo ba naitanong sa
iyong sarili kung bakit hanggang sa ngayon ay pinag-aaralan pa rin ito sa mataas
na paaralan, partikular na sa unang taon? Ano ba ang nakapaloob sa akdang ito
at patuloy pa rin itong tinatangkilik ng mga Pilipino? Talaga bang may Ibong
Adarna? Kung sakaling mayroon nga, marunong din ba siyang magmahal?
Wagas din ba o pakunwari lang kung magmahal ang Ibong Adarna? Tara na
at, ating tuklasin ang bagay na iyan.

Mga Araling Tatalakayin sa Modyul na Ito:


Sa modyul na ito, masasagot mo ang mga tanong sa itaas kung pag-aaralan at
uunawain mo ang sumusunod na aralin.

( Aralin 22 – 32 )

Narito ang balangkas ng mga aralin na dapat mong maunawaan sa pagtatapos


ng modyul na ito.

1
Upang higit na maunawaan ang nilalaman ng modyul na ito ay isagawa mo ang
mga sumusunod.

1. Bigyan ng kahulugan ang mga salita/pahayag/tayutay na hindi


mo maunawaan.
2. Sagutin ang lahat ng mga gawain/tanong.
3. Alamin ang iba’t ibang elemento ng tula o awit
4. Tukuyin ang mga mahalagang kaisipan/aral o mga pagpapahalagang angkop
sa kulturang Pilipino.

PANIMULANG PAGTATAYA/PRE ASSESSMENT:


Tingnan natin ang lawak ng kaalaman mo sa modyul na ito. I-klik lamang ang
titik na sa palagay mong tamang sagot sa mga tanong na ibinigay. Sagutin
lahat ng mga aytem. Matapos masagot ang maikling pagsubok ay makikita mo
kaagad ang iyong iskor. Markahan ang mga aytem na hindi nasagot nang tama
at tuklasin ang sagot nito habang binabaybay natin ang modyul .

FILIPINO ( ANTAS 7 )
Mga Katanungan sa Panimulang Pagtataya

1. Sino ang mga dayuhang nagdala ng koridong Ibong Adarna sa Pilipinas? ( A )


A. Amerikano
B. Intsik
C. Hapon
D. Kastila

2. Alin sa sumusunod ang layunin ng mga dayuhan sa pagdala ng Ibong


Adarna sa bansa? ( A )
A. pagpapalaganap ng kababalaghan
B. pagpapalaganap ng kabutihang-asal
C. pagpapalaganap ng pananampalataya
D. pagpapalaganap ng takot

3. Anong uri ng akdang pampanitikan ang Ibong Adarna? ( A )


A. dula
B. maikling kuwento
C. nobela
D. tula

4. Ano ang kapangyarihang taglay ng Ibong Adarna sa akda? ( A )


A. manghula
B. magpagaling ng may sakit
C. magpalit ng kulay
D. magsalita
.
5. Bakit tinulungan si Don Juan ng ermitanyo sa paghuli ng Ibong Adarna? ( A )
A. dahil binati niya ang ermitanyo
B. dahil binigyan niya ng damit ang ermitanyo
C. dahil binigyan niya ng pagkain ang ermitanyo
D. dahil binigyan niya ng tubig ang ermitanyo

Hingi ko sa Panginoon
gumapang kang parang
kuhol, at sa haba ng panahon
matuto ka ring lumingon.

6. Anong uri ng emosyon ang umiiral sa pahayag? ( A )


A. hinanakit
B. pagkamuhi
C. pagkasuklam
D. inggit

7. Anong kaugaliang Pilipino ang lumulutang sa pagsunod ng anak sa


kautusan ng magulang? ( A )
A. paggalang
B. pagmamahal
C. pagpakumbaba
D. pag-unawa

8. Gusto niyang tularan ang ibon. Ano ang sinasagisag ng ibon sa


pangungusap? ( A )
A. kalayaan
B. karapatan
C. karunungan
D. katotohanan

Hindi mo ba nababatid
Don Juan kong iniibig
Itong lilo mong kapatid
sa ayaw ay namimilit?

9. Ano ang kahulugan ng lilo sa saknong? ( M )


A. ahas
B. malupit
C. mayabang
D. taksil

Ngunit sa taong may gutom


matigas man at lumang tutong
kung nguyain at malulon
parang bagong pirurutong.
10.Aling sawikain/kasabihan ang nauugnay sa kaisipang inilahad ng saknong
sa itaas?( M )
A. Ang taong nagigipit, sa patalim kumakapit.
B. Habang maiksi ang kumot sisikapin mamaluktot.
C. Pag may tiyaga, may nilaga.
D. Walang pinipili ang taong gutom ang sikmura.

Inumin mo yong tubig


kristal waring anong linis
malinamnam at ang lamig
sa dibdib ay gumuguhit.

11 Ano ang sinasagisag ng kristal sa saknong? ( M )


A. kalooban
B. isipan
C. kasuotan
D. tubig

O, birheng kaibig-ibig
Ina naming nasa langit,
liwanagin yaring isip
nang sa layo’y di malihis.

12. Anong uri ng tayutay na ginamit sa saknong? ( M )


A. pagwawangis
B. paghihimig
C. pagtawag
D. pauyam

Baon sa puso at dibdib


ay makita ang kapatid
magsama sa madlang sakit
sa ngalan ng amang pag-ibig.

13. Anong emosyon ang napapaloob sa saknong ng tula? ( M )


A. pagmamahal sa magulang
B. pagmamahal sa pamilya
C. pagmamahal sa kapwa
D. pagmamahal sa sarili

Sa Diyos dapat manawagan


ang lahat ng nilalang,
ang sa mundo ay pumanaw
tadhana ng kapalaran.

14. Anong kaugaliang Pilipino ang nasisilay sa saknong ng tula ( M )


A. pananalig sa buhay
B. pananalig sa Maykapal
C. pananalig sa kamatayan
D. pananalig sa kapwa tao.

15. Bilang mag-aaral, alin sa sumusunod ang maaari mong gawin na


nagpapakita ng pagmamahal mo sa magulang? ( T )
A. Tumulong sa mga gawaing bahay.
B. Mag-aral nang mabuti.
C. Magmano sa magulang bago umalis ng bahay.
D. Sumunod sa utos ng mga magulang.

16. Nagmamadali kang tatawid ng daan dahil mahuhuli ka sa klase nang


makita mo ang matanda na natatakot tumawid sapagkat napakabilis ng
takbo ng mga sasakyan. Sa sitwasyong ito, alin ang pipiliin mong gawin?
(T)
A. Isabay sa pagtawid ang matanda.
B. Magkunwaring hindi nakita ang matanda.
C. Pabayaan na lang ang matanda.
D.Tumawag ng traffic enforcer para tulungan ang matanda.

17. Di sinasadyang nasagi at nabasag mo ang plorera ng guro. Walang ibang


tao sa silid nang mangyari ito. Alin naman ang maaari mong gawin? ( T )
A. Kaagad na umalis ng silid.
B. Sabihin sa guro ang totoo at humingi ng tawad.
C. Palitan ng bago ang plorera ng guro.
D. Manindigang hindi mo nagalaw ang plorera.

18. Di sinasadyang natuklasan mong ang itinuturing mong kaibigan ang siya pa
palang sumisira sa iyong pagkatao at gusto mong matigil na ito. Alin sa
sumusunod ang pinakamabisa mong gawin? ( T )
A. Isumbong siya sa kanyang mga magulang.
B. Kausapin siya at pagbantaan nang masama.
C. Magkalat ka rin ng bali-balita na ikakasira niya.
D. Pag-usapan ninyong dalawa ang problema.

19. Alin sa sumusunod ang kaugaliang Pilipino na higit na binibigyan-diin sa


mga saknong ng tulang Ibong Adarna? ( T )
A. kahalagahan ng pagtutulungan
B. katapatan ng puso at isipan
C. tunay na pananampalataya
D. wagas na pag-ibig sa pamilya at kapwa

20. Ano sa palagay mo ang dapat pairalin ng pamahalaan upang mapanatili ang
kaayusan at kapayapaan sa ating lipunan? ( T )
A. saligang batas ng Pilipinas
B. batas ng lipunan
C. batas ng kalikasan
D. batas ng simbahan

TUKLASIN:
Makinig ng isang Orihinal na Pilipinong Musika tungkol sa pag-ibig ( maaring
pag-ibig ito sa kapwa, magulang, Diyos, kalikasan o bayan ) pagkatapos,
sagutin ang mga tanong. ( Maaari ring buksan ang:
http://www.awitingpinoy.com/ at maghanap ng anumang liriko ng awit na gusto
mong basahin/pakinggan. ) ( A )

1. Kanino inialay ng komposer ang kanyang awitin?


2. Paano niya ipinadama ang kanyang pag-ibig o pagmamahal?
3. Kagaya ka rin ba ng komposer na nakaranas ng pagmamahal? Sa
paanong paraan mo ito ipinadama?
4. Paniniwalaan ka ba ang taong minamahal mo o hindi? Bakit? Ipaliwanag.
4. Paano mo masasabi na tunay o huwad ang pag-ibig na nararamdaman
ng tao? Ipaliwanag.
5.Ano naman ang sarili mong pakahulugan at pananaw sa salitang pag-ibig?
Ipaliwanag.

Katapusang Bahagi ng Pagtuklas:


Sa naibigay mong sagot tungkol sa pag-ibig ay atin namang alamin kung ano
ang pananaw o saloobin ng iba tungkol sa salitang ito. Iyong gawin ang kasunod
na aktibiti.

LINANGIN:
Ngayon, suriin ang mga piling saknong ng tulang Ibong Adarna at tuklasin mo
kung ang sagot na ibinigay ay magkatugma din sa mga kilos , damdamin at
saloobin ng mga tauhan na matutunghayan. ( A )

Sa pagpapatuloy, layunin sa bahaging ito ng modyul na matutunan at


maunawaan mo ang mga pangunahing konsepto na makikita sa bawat aralin ng
tulang Ibong Adarna, ngunit bago iyan ay kunin mo muna ang mga kahulugan at
kasalungat na kahulugan ng mga salitang nakatala sa kahon ng talasalitaan.
( A.M. )

KAHON NG TALASALITAAN

KASINGKAHULUGAN SALITA KASALUNGAT


Irog
Ikaw ang irog ko.
Namanglaw
Namanglaw si Donya
Leonora sa pagkawala ni
Don Juan.

Wagas
Wagas at dakila ang pag-
ibig ng Diyos sa tao.
Naparam
Parang bula na naparam
ang kanyang takot nang
makita ang ina.
Mabagsik
Leon na mabagsik ang
ama ni Donya Maria.
Marupok
Marupok ang kanyang
paninindigan sa buhay.
Busilak
Matulungin sa kapwa ang
taong may busilak na
puso.
Hinagpis
Labis ang kanyang
hinagpis sa pagpanaw ng
anak.
Matayog
Matayog ang kanyang
pangarap.

Naguho
Naguho ang lupang
kanyang kinatatayuan.

I-klik lamang ang kasunod na pahina para makuha/matunghayan ang iskor sa


pagsasanay na ito.

KASINGKAHULUGAN SALITA
KAHON NG TALASALITAAN KASALUNGAT
Mahal Irog Galit
Ikaw ang irog ko.
Namanglaw
Malungkot Namanglaw si Donya Masaya
Leonora sa pagkawala ni
Don Juan.

Wagas
Tunay Wagas at dakila ang pag- Huwad
ibig ng Diyos sa tao.
Naparam
Nawala Parang bula na naparam Nakita
ang kanyang takot nang
makita ang ina.
Mabagsik
Mabangis Leon na mabagsik ang Maamo
ama ni Donya Maria.
Marupok
Mahina Marupok ang kanyang Matatag
paninindigan sa buhay.
Busilak
Malinis Matulungin sa kapwa ang Marumi
taong may busilak na
puso.
Hinagpis
Hinaing Labis ang kanyang Nagalak
hinagpis sa pagpanaw ng
anak.
Matayog
Mataas Matayog ang kanyang Mababa
pangarap.
NAGUHO
Nasira Naguho ang lupang Nabuo
kanyang kinatatayuan.

Kumusta ang iskor mo? Ngayon, basahin ang sumusunod na saknong ng tula
at pagkatapos ay sagutin ang mga tanong na sadyang inihanda para sa iyo.
( A, M , T )

Saknong Bilang 779 – 856

1. Ano ang dahilan at hindi matanggap-tanggap ni Donya Leonora ang pag-ibig


ni Don Pedro? Ipaliwanag.
2. Ibigay ang mensaheng nais ilahad ng mga saknong. Liwanagin ito.

Araw gabi’t tumatangis Ako’y hindi isang lilo


sa kinalalagyang silid dakila ang pagsinta ko
walang laging nasasambit lilo ba itong
kundi si Don Juang ibig. matapat na alipin mo?
3. Anong mabuting kaugalian ang nakikita mong taglay nina Donya Maria at
Don Pedro? Nagustuhan mo ba ito o hindi? Ipaliwanag.
4. Tunay ba at wagas ang pag-ibig ng Donya kay Don Juan? Bakit mo
nasabi ito? Ipaliwanag
5. Ano naman ang masasabi mo sa pag-ibig na iniukol ni Don Pedro kay
Donya Maria? Ipaliwanag.
6. Kung gayon, ano ang sarili mong pag-unawa sa salitang pag-ibig?
Ipaliwanag.
7. Anong saknong ng awiting pag-ibig ang angkop na iugnay sa love triangle na
namagitan kina Don Juan, Donya Maria at Don Pedro? Awitin ito at bigyan ng
sariling interpretasyon.
8. Sa kabuuan, anong damdamin ang umiiral sa puso ng isang taong
nasasaktan? Ipaliwanag.

Saknong Bilang 857 – 985

1. Anong tipikal na kaugaliang Pilipino ang napansin mo sa mga saknong


ng tula? Ipaliwanag.
2. Sa mga anong panahon o sitwasyon naipapakita ng mga Pilipino ang
pagkakaisa nilang magbigay ng tulong sa kapwa na walang hinihintay
na kapalit? Bakit nila ginagawa ito? Ipaliwanag.
3. Anong kabutihan ang naidudulot ng pagtulong natin sa kapwa at sa bayan?
Ipaliwanag.
4. Sakaling darating ang panahon na hingin ng bayan o ng kapwa ang
tulong mo, pagkaitan mo ba sila ng tulong o hindi? Bakit? Ipaliwanag.

Siyanga pala, isang kaibigan ang may ibinigay na liham kung saan humihingi
siya ng tulong mo. Payuhan mo siya sa kanyang suliranin at nang malunasan
kaagad ang bigat na kanyang pinapasan. Tawagin natin itong liham ni Juan.
Heto ang nilalaman ng liham.

Mahal kong Juan,

Kaninang umaga ay nagbaka-sakali akong kausapin mo


kahit sandali ngunit masyado kang abala sa pagpili ng
damit na isusuot sa paaralan. Naghintay ako ngunit
minabuti mo pang tumawag sa isang kaibigan at makipag-
tsismisan.
Buong araw akong naghintay na iyong kausapin ngunit
dahil siguro sa dami ng mga gawain kung kaya abala kang
makipag-ugnayan sa akin.

Napansin ko bago mananghalian na gumala ang iyong


paningin pero nahihiya ka yatang makiusap sa akin kaya ni
hindi ka man lamang yumuko kahit natanaw mo ang
ilang mesa kung saan napansin mong ang ilang kaibigan
mo ay sandaling nakipag-usap sa akin bago kumain.

Okey lang, may panahon pa naman pero umaasa pa rin


akong kausapin mo, ngunit umuwi ka na ng bahay at
nanood ng telebisyon.

Oras na ng pahinga, siguro pagod ka na kaya matapos


magpaalam sa iyong pamilya ay nakatulog ka kaagad.

Okey pa rin sa akin iyon, maaaring di mo alam na


nandiyan lang ako palagi sa tabi mo. Hindi mo rin alam
kung gaano kahaba ang pasensya ko. Gusto nga kitang
turuan kung paano magkaroon ng pasensya sa iba. Mahal
kitang talaga kaya araw-araw akong naghihintay ng iyong
pagtango, panalangin o yaong maisipan mo ako at
pasalamatan sa iyong puso, Ngunit ang hirap na ako
lamang ang nakikipag- usap sa iyo kaya minabuti kong
sumulat na lang.

Babangon ka na naman at muli akong maghihintay na


kausapin mo. Naghihintay akong kahit saglit ngayong
araw na ito ay bibigyan mo ako ng iyong panahon.

Sana maging maganda ang araw mo

ngayon! Ang iyong kaibigan,

Hesus

Ngayong nabasa mo na ang liham ni Hesus ay kailangan mo rin siyang sulatan


at magpaliwanag ka kung kinakailangan. Ipadala natin ito kaagad. Huwag
kaligtaan na sundin ang tamang pormat sa pagsulat ng liham. ( M, T )
Saknong 986 - 1369

1. Anong uri ng damdamin ang namagitan kina Don Juan at Donya Maria sa
una nilang pagkikita? Totoo bang nangyayari ito sa tunay na buhay o
hindi? Ipaliwanag.
2. Anong uri naman ng pagmamahal para sa anak ang napapansin mong taglay
ni Haring Salermo? Masisisi mo ba siya sa labis nitong pagmamahal sa
anak kung kaya ayaw nitong mawala ito sa kanyang piling ? Ipaliwanag
3. Sa mga saknong ng tulang binasa, ano-ano ang nasisilay mong mga
pangyayari na nagpapakita ng labis na pagmamahal ni Donya Maria kay
Don Juan at ng pagmamahal naman ni Haring Salermo sa anak. Itala ito sa
tsart.
4. Sa huli, kaninong pag-ibig ang nangingibabaw sa tula at bakit? Ipaliwanag.
5. Sa kabuuan, makatarungan bang isumpa ng ama ang anak na lumabag
sa kanyang kagustuhan? Ipaliwanag.

Ang mga Sakripisyo ni Donya Juana


Donya Maria Para Lamang sa Pag-ibig

Ang mga Mabibigat na Utos ni Haring Salermo kay Don Juan

12
SARILI MONG REAKSYON /KURU- KURO SA NATUNGHAYAN NA MGA PANGYAYARI.Sanhi kung bakit nila ginawa ang lahat ng i

Saknong 1370 - 1689

1. Ipaliwanag sa sarili mong pangungusap ang kaisipang


isinasaad ng sumusunod na saknong.

Si Donya Maria’y nagtiis Pagkat ika.y minamahal


ng lahat ng madlang sakit, ng prinsesang itinanan
alang – alang sa pag-ibig nang kayo nga’y abutan
sa iyo, patay na dibdib. ama niya’y kinalaban

Ang totoo’y makinig ka Sa Diyos ay dumalangin


nang iyong maalaala, isa sa kanyang hiling,
sa galit ng kanyang anak niya ay limutin
ama isinumpa ang ng prinsipeng ginigiliw
prinsesa

Utos ito ng simbahan “O, ngayon ko napagtanto


at batas ng kalangitan, batas ng tao ay liko,
ang una’y may karapatan sa mali ay anong amo’t
sa pag-ibig ni Don Juan. sa tumpak ay lumalayo.”
13
2. Sa paanong paraan ipinaglaban nina Donya Leonora at Donya Maria ang
kanilang pag-ibig? Ipaliwanag.

3. Totoo ba ang tinuran/sinabi ni Donya Maria na may mga batas sa


ating lipunan na hindi makatarungan? Ipaliwanag.

4. Sa kasalukuyang panahon, may nabasa, nakita o naranasan ka ng pangya-


yari sa buhay na di makatarungang nangyayari sa lipunan. Sa paanong
paraan mo hinarap ito? Ipaliwanag.

5. Sa paanong paraan naman hinarap ng mga tauhan sa akda ang hindi


makatarungang mga pangyayaring naganap sa kanila? Ipaliwanag.

6. Sa kabuuan, anong mga aral o mensahe tungkol sa pag-ibig ang napulot mo


sa mga saknong ng Ibong Adarna na magagamit mo sa pakikiharap sa tunay
na buhay?

Katapusang Bahagi ng Paglinang:


Sa bahaging ito ay pag-uusapan natin ang tungkol sa…

Balikan ang nakaraang bahagi ng modyul at ihambing ang inisyal mong ideya/
kaisipan sa talakayang naganap. Ilan sa iyong mga ideya/kaisipang ito
angnapuna mong magkatugma sa usapin? Alin sa mga ideyang ito ang taliwas
at kailangang rebisahin.

Nakakatuwang malaman na may mga natutunan ka habang tinatalakay ang mga


saknong ng Ibong Adarna at lalo pa nating palalimin ang natutunan mo sa
pamamagitan ng pagtatala ng mga bagay na iyong natutuklasan. Ngunit bago ka
pumunta sa kasunod pang gawain ay tingnan mo muna kung anong pagbabago
ng ideya, saloobin o paniniwala ang nabuo sa iyong isipan.

PALALIMIN:

Ngayong alam mo na ang mga mahalagang kaisipan ng paksang tinatalakay ay


gawin mo ang kasunod na aktibiti at muling tingnan kung ano ang kahulugan
ng pag-ibig na huwad at pag-ibig na wagas at dakila.
kinalalabasan nito..

Huwag kalimutan na layunin mo sa bahaging ito ng pag-aaral ng modyul ay


ang suriin at unawain nang mabuti ang mga kaisipang isinasaad ng mga
saknong
ng tula upang lalong mapalalim ang iyong kaalaman sa paksa. Iyo nang gawin
ang kasunod na hamon ng pag-aaral.
Sa Tala ng Kalaaman ay isulat mo ang mga kanais-nais na mga mahalagang
kaisipan, aral o mga pagpapahalagang napapaloob sa mga tauhan ng Ibong
Adarna na nakikita ring kaugalian ng mga Pilipinong mamamayan na kagaya mo.
(T)
.

TALA NG AKING KAALAMAN

1.

2.

3.

4.

5.

6.

7.

8.

9.

10.

Tingnan natin kung tumutugma ba ang sagot mo sa mga sagot din ng ibang
nakabasa ng akda,

TALA NG AKING KAALAMAN

1. Ano mang kabutihan na nagagawa mo sa kapwa ay nasusuklian din


ng kabutihan

Hal: Tinulungan ni Don Juan ang ermitanyo at nang siya naman ang
nangangailangan ng tulong ay may nagbigay din sa kanya nito,
2. Ang tunay na pag-ibig ay nagsasakripisyo, nagpapaubaya, naghihintay
at handang sumuong sa panganib para sa kabutihan ng taong mahal
niya.

Hal.
Donya Leonora – naghintay ng matagal na panahon sa pagbabalik ni Don
Juan sa Berbanya.

Donya Juana – naputol ang daliri nito sa pagtulong kay Don Juan na makita
ang singsing ng ama at para lamang mailigtas ang lalaki sa kamatayan.

Don Juan - sinuong niya ang panganib mahanap lamang ang Ibong Adarna
para mailigtas ang ama sa kamatayan.

Don Pedro - nagtiis din at naghintay na mapunta sa kanya ang pagsuyo ni


Donya Leonora.
- nanganib din ang buhay nito sa paghahanap ng Ibong Adarna.

3. Sa lahat ng bagay, pasakit man o saya ay laging sandalan ng bawat isa


ang Maykapal sa siyang lumikha ng daigdig.

4. Maunlad at mapayapa ang isang bansa/kaharian kung makatarungan at may


mabuting kalooban ang namumuno dito,

5. Ang busilak na kalooban ng tao, pagiging mapakumbaba nito , pagiging


magalang at mapagmahal ay nakatutulong sa pagpapanatili ng kapayapaan
sa ating lipunan.

Ang mga nakatalang kaisipan ay iilan lamang sa mga nakalap ding sagot ng
ilang kabataan/mag-aaral na kagaya mo at sana maging gabay ito sa pagtahak
mo nang matuwid na landas ng buhay.

Sa bahaging ito ay iyo namang suriin ang mga uri ng tayutay na napapaloob sa
mga piling saknong ng tula. Kaugnay ito ng mga uri ng tayutay na napag-aralan
na sa aralin 1 at 2 ( saknong 1 – 778 ) at itala mo rin ang bagong
kaalaman/kaisipang natutunan dito.( M, T )

Halimbawa :

Saknong 109 Tayutay: Pagtutulad


Katulad din ni Don Pedro Ang naging batong katawan ng mag-
siya’y biglang naging bato, kapatid na sina Don Pedro at Don
magkatabi
Diego at animo’y Diego ay inihambing sa mga libingan
mganapuntod na may multo.
may multo. na minumulto.
ANG TALA NG MGA KAISIPANG NATUTUNAN KO SA TAYUTAY

Sa puntong ito ay alam kong malawak na ang kaalaman mo tungkol sa mga uri
ng tayutay kung kaya iugnay natin iyan sa mga larawang nakapaskil. Ang
gagawin mo ay ang lumikha/sumulat ng angkop na linya o saknong sa mga
larawan na nagpapahayag ng damdamin/kaisipang nais ilahad nito.Tingnan ang
halimbawa.( M. T )
Tayo ay tumawa ha! ha! ha! Ikaw at ako ay magsaya.
Dahil buhay natin sa mundo, Regalo ng Poong Maylikha.

Maaari ka ring gumawa ng sarili mong linya dito.

Nagagalit ako sa tao


Na ang kapwa ay niluluko.
Kaibigan ma;y tinatanso,

Sarili mong linya…

http://danidraws.com/
Facial Expressions Chart

Ngayon, lagyan mo nang madamdaming pahayag ang mga larawan. Pagkata-


pos, bigkasin ito ayon sa sarili mong pag-unawa at interpretasyon. ( ang mga
larawan ay kinuha mula sa http://danidraws.com/ Facial Expressions Chart )
Mga prosesong tanong ng guro sa mga larawang nilagyan ng mga pahayag.
( A, M, T )

1. Ano-ano ang mga ekspresyon at damdamin ang ipinahayag ng mga


larawan? Ipaliwanag.
2. Tumpak ba ang mga linya o saknong na nagawa mo sa bawat larawan? Bakit
mo nasabi ito? Ipangatuwiran.
3. Sa paanong paraan mo binigkas o binigyan buhay ang mga linya o
saknong na ginawa? Naging makatotohanan na ito o hindi? Ipaliwanag.
4..Anong pagbabago naman sa paraan ng pagpapahayag ng damdamin o
ekspresyon ang natuklasan mo sa sarili habang binibigkas ang mga
linya/saknong na ginawa? Ipaliwanag.
5. Sa huli, sino sa mga tauhan ng Ibong Adarna mo naiuugnay ang mga larawan
at pahayag na ginawa? Makatuwiran ba ito? Ipaliwanag.

Sa kabuuan, ilang paglilinaw lang tungkol sa nilalaman ng Ibong Adarna ang


gusto kong malaman mula sa iyo, kaya sagutin ang mga tanong na talagang
inilaan ng guro. iyo. ( M )

1. Naging makabuluhan ba ang pag-aaral mo ng korido? Bakit mo nasabi


ito? Ipaliwanag.
2. May nabago ba sa sarili mo, maging sa iyong pananaw sa buhay, sa
sarili, pamilya at lipunan matapos mabasa ang akda? Ano-ano ang mga
ito? Ipaliwanag.
3 Anong mahahalagang kaisipan ang naikintal sa iyo ng Ibong Adarna?
Magagamit mo ba ito sa iyong pakikipag-ugnayan sa kapwa, pamilya at
lipunan sa pang-araw-araw na buhay? Ipangatuwiran ang sagot.
4 .Ano ang napansin mong susing pinanghahawakan nina Haring
Fernando, Don Juan at Donya Maria at nagawa nilang magpatawad sa
mga taong nagkasala sa kanila? Ipaliwanag.
5. Sa tunay na buhay, kanino mo naiuugnay ang salitang
pagpapatawad, pagpapakasakit at pag-ibig? Ipaliwanag.
6.Sa kabuuan, ano ang mga bagong ideya tungkol sa pagmamahal o
pag-ibig ang nabuo sa iyong isipan? Ipaliwanag.

Bago ka dadako sa kasunod na gawain ay gusto ko munang punan mo ang 3-


2-1 na tsart kung saan itatala mo rito ang mga bagay na natutunan mo tungkol
sa pag-ibig, ang mga bagay na natuklasan at ang isang tanong na nananatili pa
rin sa iyong isipan matapos mabasa ang koridong Ibong Adarna.

3 - 2 - 1 CHART

3 2 1
BAGAY NA MAHALAGANG BAGAY TANONG NA
NATUTUNAN SA NA NATUKLASAN SA NANANATILI PA RIN
KORIDONG BINASA KORIDONG BINASA SA ISIPAN MATAPOS
BASAHIN ANG
KORIDO
1. 1. 1.

2.

2.

3.

Katapusang Bahagi ng Pagpapalalim:


Sa bahaging ito ng modyul, ang talakayan ay tungkol sa…

Ano ang bagong realisasyon/pagkaunawa mo sa paksa? Ano ang bagong


koneksyong nagawa mo para sa sarili?

Ngayong may malalim at sapat ka nang kaalaman sa nilalaman ng Ibong


Adarna ay panahon na para harapin ang kasunod na hamon.
ILAPAT:

Layunin sa bahaging ito ng modyul ay ang ilapat ang mga natutunan mo sa


pakikiharap sa realidad o tunay na buhay sa pamamagitan ng pagtatanghal ng
Reader’s Theater. Ito ay isang praktikal na gawain na nagpapakita ng sarili
mong pag-unawa sa mga saknong ng Ibong Adarna sa pamamagitan ng
pagbibigay ng tamang ekspresyon, kumpas at emosyon habang nagtatanghal,

Muli muna nating sariwain ang mga salik ng masining na pagbigkas na


natutunan sa aralin 1 at 2 bago sumabak sa pagtatanghal ng Reader’s Theater.
(A)

MGA SALIK NG MASINING NA PAGBIGKAS

( Hango sa Sining ng Pakikipagtalastasan Para sa Kolehiyo nina Felisa Principe


Mercene et al. ng National Book Store )

1. Lakas ng pagbigkas - tumutukoy ito sa malakas at mahinang pagbigkas


batay sa hinihingi ng kalagayang may kinalaman sa damdaming gustong
paratingin o ibigay ng bumibigkas.

Halimbawa: bulong/sigaw

2.Bilis ng pagbigkas - hindi tumutukoy ito sa tunay na kahulugan ng salita kundi


sa kaisipang ang mabilis at mabagal na pagbigkas ay nagbibigay mahalagang
kahulugan sa damdaming nais ihatid ng bumibigkas.

Halimbawa: Ang pangungusap na nagmamakaawa ay hindi binibigkas ng


mabilis dahil sa nawawala ang tunay na diwang inilalahad nito.

3. Linaw ng pagbigkas - tumutukoy ito sa tamang pagbigkas ng salita upang


hindi maipagkamali ang kahulugan nito sa iba pang salita. Hindi dapat kainin
ng bumibigkas ang mga salita kung kaya kailangan itong bigkasin sa tamang
bilis at lakas ng tinig.

Halimbawa:
tubo - sugarcane - mabilis na binibigkas amo - unggoy - maragsa
- kita/pinanggalingan - malumi - mabait - malumi
- water pipe - malumay - panginoon - malumay

4. Hinto - ang paghinto ng bumibigkas sa mga lugar na huminto siya ay nakaka-


tulong din sa pagbibigay kalinawan sa kanyang mga sinasabi. Dapat siyang
huminto sa mga pahayag na ginagamitan ng tuldok at kuwit.
Uri ng paghinto sa pagbigkas :

A. matagal na paghinto kapag ginamitan ng tuldok ang pahayag.


B. bahagyang paghinto kapag ginamitan ng kuwit ang pahayag.

5. Kilos at kumpas - ang pagbigkas ng tinutulungan ng kilos at kumpas ay


higit na kawili-wili dahil nagbibigay buhay ito sa taong nagsasalita.
Nakatutulong din ito sa pagbibigay diin sa damdaming nais ihatid ng
bumibigkas. Ngunit tandaan na dapat umaayon sa kilos at kumpas ng tao
ang bawat salitang bitiwan nito.

Matapos sariwain ang mga salik ng masining na pagbigkas, anong mga tanong
ang naglalaro sa iyong isipan na gusto mong matugunan.?

Sa puntong ito, ay balikan mo ang mga piling saknong ng Ibong Adarna na


may naibigay na malaking kakintalan sa iyong isipan/pagkatao at pagsanayan
mong bigkasin ang mga linya nito na may tumpak/angkop na damdamin at
ekspresyon. ( M, T )

Ngayon, dadako tayo sa paghamon ng kakayahan mong maging artista o


mambibigkas sa pamamagitan ng pagiging isang kasapi ng Reader’s Theater na
magtatanghal ng akdang nagpapalaganap at nagpapasariwa sa mga
mamamayan ng mga kaugaliang Pilipino na dapat nilang panatilihin at
pangalagahan. Narito ang iyong hamon na kailangan mong pagsanayan nang
mabuti

Sa mabilis na pag-unlad ng daigdig ng teknolohiya ay unti-unti ring


nakakaligtaan ng mga kabataan sa kasalukuyang panahon ang mga
mabubuting kaugalian at balyus na tipikal nang nagpapakilala sa kanila sa
buong mundo. Sanhi nito kung kaya ang Cultural Center of the Philippines ay
nagkakaroon ng taunang kompetisyon sa pagtatanghal ng Reader;s Theater na
ang piyesa ay pumapaksa sa kahalagahan ng tunay na pag-ibig sa buhay ng
tao at mga pagpapahalagang angkop sa kulturang Pilipino sa layuning
manariwa at maibalik ng sambayanan ang sarili nitong pagkakilanlan.

Isa ka sa mga kalahok ng paaralan na magtatanghal ng Reader;s


Theater sa CCP kung saan ang kraytiryang pagbabatayan ay ang Sining ng
Pagtatanghal, Tono/Boses, Nilalaman at Kooperasyon.

Ang Layunin:
Makapagtatanghal ng Readers Theater

Papel na Iyong Gagampanan:


Mambibigkas, Artista

Sino ang Manonood ng Itatanghal na Palabas?


Lahat ng mamamayan na mahilig manood ng teatro

Ano ang sitwasyon /Senaryo ?:


Sa mabilis na pag-unlad ng daigdig ng teknolohiya ay unti-unti ring
nakakaligtaan ng mga kabataan sa kasalukuyang panahon ang mga
mabubuting kaugalian at balyus na tipikal nang nagpapakilala sa kanila sa
buong mundo.. Sanhi nito kung kaya ang Cultural Center of the Philippines ay
nagkakaroon ng taunang kompetisyon sa pagtatanghal ng Reader;s Theater na
ang piyesa ay pumapaksa sa kahalagahan ng tunay na pag-ibig sa buhay ng
tao at mga pagpapahalagang angkop sa kulturang Pilipino sa layuning
manariwa at maibalik ng sambayanan ang sarili nitong pagkakilanlan.

Ano ang Produktong Hinihingi?


Mga larawang siyang dokumento sa pagtatanghal na ginawa.

Ang batayan/Kraytirya sa Galing ng Iyong Pagtatanghal


Nilalaman, Sining ng Pagtatanghal,
Elemento ng Reader’s Theater, Kooperasyon

Ano ang itatanghal mo? Walang iba kundi ang mga saknong ng koridong Ibong
Adarna. Ang mga saknong na itatalaga sa iyo ay madula at masining mong
bibigkasin sa entablado na may angkop na damdamin at ekspresyon. ( T )

Pagtanghal ng mag-aaral ng Readers’ Theater

Huling Bahagi ng paglalapat:


Gawain mo sa bahaging ito ang...

Ano ang masasabi mo sa inaasahang pagganap? Paano nakatutulong ang


araling at gawaing ito sa pakikiharap mo sa realidad/katotohanan ng buhay na
mundo?

Mga prosesong tanong nga guro sa mag-aaral matapos ang pagtatanghal:

1. Sa pagiging kasapi ng sa isang timpalak bigkasan, ano ang mga bagay-


bagay na nalinang at nanatili sa iyong isipan? Ipalwanag.
2. Anong pagbabago naman sa sarili ang iyong nararanasan habang
nagtatanghal? Ito ba ang nakatutulong upang magkaroon ka ng kasanayan
sa pagbigkas lamang o pagkakataon na pagtibayin ang tiwala mo sa sarili?
Ipaliwanag.
3. Ano ang naging saloobin o repleksyon mo sa buhay, lalo na sa pag-ibig
matapos matalakay ang nilalaman ng Ibong Adarna at matapos kang
makapagtatanghal ng mga piling saknong nito? Ipaliwanag. ( M )
Ngayon ay bibigyan kita ng pagkakataon para ítala ang mga repleksyon mo sa
buhay matapos mabasa ang akda. Pamagatan natin itong:” Ang Aral Tungkol sa
Buhay at Pag-ibig na Natutunan Ko sa Ibong Adarna”
Ang Aral Tungkol sa Buhay at Pag-ibig na Natutunan Ko sa Pag-aaral ng Ibong
Adarna

4. Sa kabuuan, maaari mo bang igawa ng buod ang akda kung saan ilalatag mo
dito ang mga kaisipan tungkol sa tunay na pag-ibig at mga aral na maaaring
mapulot ng sinumang mag-aaral na babasa nito. ( T )

BUOD NG IBONG ADARNA

Matapos makapagtanghal ng Reader’s Theater at mabuod ang koridong tina-


lakay sa mudyol na ito ay naging malinaw ba sa iyo kung bakit sa tinagal-tagal
ng panahon ay patuloy pa ring pinag-aaralan ito sa mataas na paaralan? Talaga
bang may ibong Adarna na nagsasalita at nakakagamot ng maysakit? Higit sa
lahat, gaano kahalaga ang pagpapatawad at tunay na pag-ibig na
pinangangalagahan ng mga tauhan ng Ibong Adarna? Ano ang mga bagay na
pinangangalagahan ng mga pangunahing tauhan sa akda na
pinangangalagahan din nating mga Pilipino? Ito ba ay buhay, pananampalataya,
pakikipagkapwa –tao, pag-ibig o pamilya? Sana naman ang sagot sa mga
katanungan ito ay natuklasan mo sa pagbasa at pag-unawa ng Ibong Adarna.

Natapos mo ang huling araling ito sa grade 7. Ngayon naman ay sagutin mo


ang panghuling pagtataya na ibibigay para malaman ang pag-unlad ng iyong
kaalaman sa paksa.

PANGHULINGPAGTATAYA/POST-ASSESSMENT:

Panahon na para alamin natin ang antas ng iyong kaalaman sa modyul na ito. I-
klik lamang ang titik ng sagot na siyang tama sa palagay mong sagot sa mga
tanong. Matutunghayan ang iyong iskor matapos masagot ang lahat ng mga
aytem Kapag magaling ang resulta ng pagtatayang ito ay magpapatuloy ka sa
kasunod na modyul. Kung hindi ka lumagpas sa inaasahang iskor o antas ng
pagkatututo ay muli kang babalik sa pag-aaral ng modyul ng Ibong Adarna.

FILIPINO ( GRADE 7 )
Post - Assessment Questionnaire

PAKSA: IBONG ADARNA ( KORIDO )

1. Mula sa Europa at dala sa bansa ng mga dayuhang ang koridong


Ibong Adarna? ( A )

A. Amerikano
B. Intsik
C. Hapon
D. Kastila

2. Alin sa sumusunod ang layunin ng mga dayuhan sa paglilimbag ng mga


aklat kagaya ng Barlaan at Josaphat at ng Ibong Adarna? ( A )
A. pagpapalaganap ng kababalaghan
B. pagpapalaganap ng kabutihang-asal
C. pagpapalaganap ng pananampalataya
D. pagpapalaganap ng takot

3. Sa anong uri ng tula naihahanay ang Ibong Adarna? ( A )


A. pandamdamin
B. pasalaysay
C. tulang dula
D. patnigan
4. Alin sa sumusunod ang dahilan at pinaghahanap ng tatlong magkapatid ang
Ibong Adarna? ( A )
A. para hulaan ang hari
B. para gamutin ang hari
C. para makahanap ng asawa
D. para awitan ang hari
.
5. Ano ang katangiang taglay ni Don Juan sa pagbigay niya ng pagkain sa
ermitanyo? ( A )
A. maawain
B. mabait
C. matapat
D. matulungin

Di ko akalaing iyong sasayangin


maraming luha mong ginugol sa akin;
taguring madalas na ako ang giliw,
mukha ko ang lunas sa madlang hilahil.

6. Anong uri ng emosyon ang umiiral na pahayag sa itaas ? ( A )


A. hinanakit
B. panghihinayang
C. pagkamuhi
D. pagseselos

7. Anong kaugaliang Pilipino ang lumulutang sa pagtutulungan ng bawat isa


upang maging makabuluhan at masaya ang isang okasyon/selebrasyon ?
(A)
A. pagkakaisa
B. bayanihan
C. mapagbigay
D. maluho

8. Krus siyang pinapasan ng magulang. Alin sa sumusunod ang sinasagisap ng


salitang krus sa pangungusap? ( A )
A. may kapansanan
B. pinapaaral
C. problema
D. responsibilidad

Kung nagbangis ka ma’t nagsukab sa akin,


mahal ka ring lubha dini sa panimdim;
at kung mangyayari hanggang sa malibing,
ang mga buto ko, ika’y sisintahin.
9. Ano ang kahulugan ng nagsukab sa saknong? ( M )
A. nanloko
B. nagsinungaling
C. nagtaksil
D. nagyabang

Kung ang isalubong sa iyong pagdating


ay masayang mukha’t may pakitang giliw,
lalong pag-ingata’y kaaway na lihim,
siyang isaisip na kakabakahin.

10. Alin sa sumusunod na kaisipan ang inilahad ng saknong sa itaas? ( M )


A. Mag-ingat sa taong dati mo nang nakalaban.
B. Mag-ingat sa mga taong nagkukunwaring magiliw sa iyo.
C. Mag-ingat sa mga taong hindi mo pa kakilala.
D. Mag-ingat sa lahat ng oras.

Di pa natapos itong pangungusap,


may dalawang leong hangos nang paglakad;
siya’y tinutungo’t pagsil-il ang hangad,
ngunit nangatigil pagdating sa harap.

11 Ano ang sinasagisag ng leon sa saknong? ( M )


A. panganib
B. kapangyarihan
C. kalupitan
D. kabayanihan

“Sa sinapupunan ni Konde Adolfo


aking natatanaw si Laurang sinta ko;
kamataya’y nahan ang dating bangis mo,
nang di ko damdamin ang hirap na ito?”

12. Anong uri ng tayutay na ginamit sa saknong? ( M )


A. pagwawangis
B. paghihimig
C. pagtawag
D. pagtanggi

Ngunit ang nanahanang maralitang tubig


sa mukha’t dibdib ko’y laging dumidilig
kay Ama nga galing datapwa’t sa bangis,
hindi sa andukha at pagtatangkilik.

13. Anong emosyon ang napapaloob sa saknong ng tula? ( M )


A. pagmamahal sa magulang
B. hinanakit sa magulang
C. paghihimagsik sa magulang
D. awa sa magulang

Datapwa’t sino ang tatarok kaya


sa mahal mong lihim Diyos na dakila?
Walang mangyayari sa balat ng lupa,
di may kagalingang Iyong ninanasa.

14. Anong kaugaliang Pilipino ang nilalaman ng saknong ng tula? ( M )


A. paggalang sa Maykapal
B. pananalig sa Maykapal
C. pagsamba sa Maykapal
D. paniniwala sa Maykapal

15. Alin sa sumusunod ang napili mong paraan sa pagpapanatili ng kapayapaan


at kaayusan sa ating bayan? ( T )
A. pagsunod sa batas
B. pagbigay ng tulong sa nangangailangan.
C. pakipag-ugnayan sa mga pulis at militar.
D. sumali sa mga proyekto ng pamahalaan

16. Isang karumal-dumal na krimen ang nasaksihan mo at kilala mo ang


salarin. Ngayon, bilang isang mamamayan, alin sa mga sumusunod ang
nararapat mong gawin? ( T )
A. Ipagbigay alam sa mga pulis ang nalalaman mo.
B. Manahimik na lamang at baka madamay ka.
C. Hayaan ang mga pulis na siyang lumutas ng
kaso D..Magtago at baka ikaw ang isusunod ng
salarin.

17. Napulot mo ang pitaka ng kaklaseng nanlait sa iyo noon. May laman itong
pambayad niya ng matrikula. Alin sa sumusunod ang dapat mong gawin?
(T)
A. Ibigay sa guro ang pitaka.
B. Personal na isauli ang pitaka ng kaklase.
C. Paiyakin muna ang kaklase para matuto.
D. Pahirapan muna siya sa paghahanap ng pitaka.

18. Wala sa wastong pag-iisip ang anak ng kapitbahay mo. Minsan, nakita mo
siyang umiiyak sa kabibiro ng mga bata sa lansangan . Alin sa sumusunod
ang nararapat mong gawin.? ( T )
A. Isumbong siya sa kanyang mga magulang.
B. Pagalitan ang mga bata sa lansangan.
C. Magbubulag-bulagan na lamang.
D. Iuwi siya sa bahay nila.
19. Krusada mong maiparating sa pamahalaan ang mga hinaing ng mga
karaniwang mamamayan.Ngayon, alin sa sumusunod ang napili mong
paraan para makatulong? ( T )
A. Pumasok sa larangan ng pulitika.
B. Sumali sa mga demonstrasyon at rally.
C. Makiisa sa programa ng pamahalaan para sa bayan.
D. Magtrabaho sa pamahalaan.

20. Kailangan mong mamagitan sa dalawang nag-uumpugang lakas. Ang


kompanyang pinagtatrabahuan mo at ang mga kawaning nagwewelga
laban dito. Sa pagiging tagapamagitan mo, alin ang dapat mong gawin? (T)

A. Dapat pairalin ang karapatan ng kompanya.


B. Dapat mangibabaw ang karapatan ng mga manggagawa.
C. Siguraduhing walang mang-aabuso sa karapatan ng bawat isa.
D. Siguraduhin na walang masaktan sa mga nagwewelga.

MGA BABASAHIN/TALASANGGUNIAN:

Glosari:

A
aktibiti - gawain
awit - kanta
ang tawag sa uri ng tulang pasalaysay kagaya ng Florante at Laura
B
bagsik-bangis
busilak - malinis
D
dakila - marangal
diwa - kaisipan
E
emosyon - damdamin
ermitanyo - isang taong malayo sa iba at mag-isang namumuhay
G
glosaryo - talaturingan
H
hinagpis-hinaing
huwad - pakunwari, hindi totoo
I
ideya - kaisipan
irog - mahal, giliw, sinta
K
kabuluhan - halaga
kalunus-lunos - kaawa-
awa kasapi - kasama
komposer - tagalikha/manunulat ng awit
korido – uri ng tulang pasalaysay na binubuo ng siyam na pantig lamang
kris – sandata ng mga moro
kuhol –suso
kuru-kuro - reaksyon
L
liko – kurba, di
tuwid lilo- taksil,
traidor
liriko – maikling awit/tulang nagsasaad ng damdamin
M
malihis - maligaw
marupok - mabuway, mahina
N
naikintal – naiwan
nakaligtaan - nakalimutan
namanglaw – nalungkot
nasambit - nasabi
naparam –nawala
O
OPM – akronim ng Original na Pilipinong Musika
P
pagsuyo – pag-big
pananampalataya - relihiyon
panangis – panaghoy
panimdim -isipan
pagpanaw – pagkamata
puntod - libing
R
reyno – kaharian
S
sagisag - simbolo
salik- elemento
saloobin - damdamin
sandalan - sandigan
sinta – mahal, giliw
suliranin - problema
T
tadhana - kapalaran
tayog - taas
W
wagas - totoo, tunay
Talasanggunian:

Ibong Adarna
Florante C. Garcia at Servillano T. Marquez, Jr
Phoenix Publishing House
Karapatang-ari- 2002

Ibong Adarna
Efren R. Abueg at Magdalena C. Sayas
DIWA Learning Systems, Inc.
Karapatang –ari – 2010

Ibong Adarna
Emerlinda G. Cruz
C and E Publising, Inc.
Karapatang-ari – 2008

Ang Ibong Adarna


Marcelo P. Garcia at Marissa E. Del Rosario
Philippine Book Company
Karapatang ari – 1981

Websites:

http://www.awitingpinoy.com/
1. Makikita at mapapakinggan sa website na ito ang mga liriko ng mga Orihinal
na Pilipinong Musika na likha ng iba’t ibang kompositor ng bansa. Narito ang iba
pang website na maaaring makikitaan ng iba pang uri ng liriko ng mga awit.
http://www.pinoyopmlyrics.com/
http://www.pinoycrafts.com/category/awiting-pilipino/

http://danidraws.com/2007/12/06/50-facial-expressions-and-how-to-draw-them/
2. Makikita sa website na ito ang iba’t ibang larawan ng mukha na makikitaan
ng iba’t ibang damdamin at ekspresyon ng tao. Ang isa pang website na kagaya
nito ay ang: http://www.aquiziam.com/facial_expression.html

http://face-and-emotion.com/dataface/emotion/expression.jsp
3. Mababasa sa website na ito kung ano ang kahulugan ng mga ekspresyon
na makikita sa mukha ng tao, na sa mga ekspresyong ipinakikita nila ay
mababasa ang kanilang disposisyon o saloobing nais ilahad.
http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Ibong_Adarna
4. Mababasa sa website na ito ang buod ng Ibong Adarna at ang ilang tala nito
bilang isang tulang pasalaysay. Maliban sa aklat, ang isa pang website na
puwedeng basahin at pag-aralan ay ang:
http://tl.answers.com/Q/Ano_ang_buod_ng_ibong_adarna

You might also like