You are on page 1of 5

Baitang 10 -Kwarter 3_Linggo 3

Pangalan: ___________________________________ Baitang – Seksyon : _______


Pangalan ng Guro: ___________________________Iskor: _____________________

Fokus

Makatutulong saiyo ang Activity Sheet na ito upang ikaw ay masanay sa


mga sumusunod:
1. Nasusuri ang kasiningan at bisa ng tula batay sa napakinggan.

Inabel

Tula - Isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong maipahayag ang


damdamin sa malayang pagsusulat. Binubuo ang tula ng saknong at
taludtod. Maingat din pinipili ng makata ang mga salita at pagbuo ng
pahayag. May mga tayutay o mayaman sa matatalinhagang pananalita,
at simbolismo, at masining bukod sa pagiging madamdamin. Maindayog
din itong kung bigkasin kayat maaari itong lapatan ng himig.

A. Mga Elemento ng tula

1. Sukat – Ang bilang ng pantig sa bawat taludtod.


Halimbawa: Mula sa Tanaga ni Idelfonso Santos

A/li/pa/tong/lu/ma/pag
Sa/lu/pa/-- nag/ka/bi/tak
Sukat-Pipituhing pantig

2. Tugma – Ang tunog ng mga huling pantig sa bawat taludtod.


Halimbawa: Mula sa tulang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres
Bonifacio

Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya


Sa pagkadalisay at pagkadakila
Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa
Aling pag-ibig pa? wala na nga wala
Tugma-Ganap

3. Kariktan- Ang pagpili at pagsasaayos ng mga salitang ilalapat sat


ula at ang kabuoan nito.
Halimbawa: Mula sa Tulang Tinig na Darating ni Teo S. Baylen

1
Ito ba ang mundong hilila ung saan
Ng gulong ng inyong/Hidwang Kaunlaran?
Kariktan- Lalabindalawahing pantig, Tugmang Ganap at Tayutay

4. Talinhaga- Ito ang pinakapuso ng tula sapagkat ito ang kahulugan


ng tula o ang ipinahihiwatig ng may akda.
Halimbawa: Mula sa Tulang Tinapay ni Amado Hernandez
Putol na tinapay
at santabong sabaw
sa nabuksang pinto’y iniwan ng bantay
halos ay sinaklot ng maruming kamay
Talinhaga-nararanasang gutom ng isang mahirap

B. Ang matatalinhagang pahayag o pananalita ay may malalim o hindi


lantad na kahulugan. Sinasalamin ng paggamit nito ang kagandahan
ant pagkamalikhain ng anumang wika
Halimbawa:

1. butas ang bulsa – walang pera


2. ilaw ng tahanan – ina
3. kalog na ang baba – gutom
4. alimuom – tsismis
5. bahag ang buntot – duwag

C. Ang simbolismo naman ay naglalahad ng mga bagay, at kaisipan sa


pamamagitan ng sagisag at mga bagay na mahiwaga at metapisikal.
Ito ay ordinaryong bagay, pangyayari, tao, o hayop na may kakabit
na natatanging kahulugan.
Halimbawa:

1. silid-aklatan – karunungan o kaalaman


2. gabi - kawalan ng pag-asa
3. pusang – itim – malas
4. tanikalang bakal – kawalan ng Kalayaan
5. bulaklak – pag-ibig

Gawain Bilang 1. Basahin at unawain ang tula sa ibaba. Sagitin ang


tanong sa ibaba.

2
Anak
Ni Lyndon John de Leon

Patawarin mo ako,
kung hindi naging sapat
ang aking mahigpit na yakap
upang mailigtas ka.

Patawarin moako,
kung ang aking pagmamahal
ay walang laban
sa kalabit ng gatiyo nya.

Patawarin mo ako,
sapagkat isinilang kita
sa panahong ang buhay ng tao
ay walang halaga.

kasalanan ko ito,
anak,
kaya sasamahan kita,

Hayaan mong ang dugo mo


at dugo ko
ay muling mag-isa
tulad noong nasa sinapupunan
pa kita

Anak, tulog na,


nandito lang ang Nanay.

A. Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong. Bilugan ang letra ng


iyong tamang sagot.
1.Ilan ang saknong ng tula?
A. 4 C. 6
B. 5 D. 8
2. Ilan ang taludtod ng nabasang tula?
A. 2 C. 5
B. 4 D. 6
3. Anong uri na tula ang binasa ayon sa kayarian?
A. malayang taudturan C. maysukat at tugma

3
B. tulang liriko D. tulang pantigan
4. Ano ang talinhaga mayroon sa tula?
A.ang pagbibigay ng buhay ng ina sa anak
B. ang wagas na pagmamahal ng ina sa kanyang anak
C. ang masayang buhay ng mag-ina
D. ang pag-ibig ng anak sa kanyang ina
5. Anong kariktan ang makikita sa tula?
A. malayang taludturan, paggamit ng simbolismo at
matalinhagang pahayag.
B. may sukat at tugma, gumamit ng simbolismo at talinhaga
C. may sukat at tugma, gumamit ng mga tayutay
D. malayang taludturan na gumamit ng mga tayutay

Lingap
(Gawaing Pasulat # 1)
Ipabasa ang tula sa kasama mo sa bahay. Pakinggan at unawain ito nang
mabuti. Sagutan ang mga tanong sa baba .Isulat ang iyong sagot sa
patlang.
Ulan
Ang mga ulap sa langit ay tila naghahabulan,
Senyales na papatak na anag ulan
Parang pag-ibig na hindi mo mapipigilan
Tumampisaw ka kahit alam mong ika’y masasaktan
Dagunot nito’y parang kaysarap sa pandinig,
Bawat patak ay piyesa ng himig
At ika’y sumayaw sa ligaya ng tubig
Nilangoy mo kung saan ang baha ng pag-ibig
Tumila ang ulan at ika’y nabalot ng lungkot,
At ang puso mo’y wari’y nakulong sa laot.
Tumingala ka sa langit at ngiti mo’y nalukot
Tapos na ang laro, ika’y nilagnat ng poot.
Mga Tanong:
1. Ano uri ng pahayag ang “Ang mga ulap sa langit ay tila
naghahabulan”?
A. Tayutay C. talinhaga
B. Payak D. tambalan

2. Ano ang kahulugan ng salitang tumampisaw sa ikaapat na taludtod


unang saknong?

4
A. lumusong sa tubig C. hinayaan ang sarili
B. Go lang D. umibig

3. Ano ang ibig sabihin ng “ngiting nalukot”?


A. nalungkot C. lumigaya
B. nagalit D. naiyak

4. Ano ang talinhaga ng tula?


A. Tungkol sa bawal na pag-ibig
B. Tungkol sa wagas na pag-ibig
C. Tungkol sa paglalaro sa pag-ibig
D. Tungkol sa malakas na ulan

5. Ano ang sinisimbolo ng ulan?


A. Pag-ibig na panandalian
B. Pagibig na walang hanggan
C. Pag-ibig na hindi nagbabago
D. Pag-ibig na hindi magmamaliw

(Paggampan # 1)

Alin sa dalawang tulan ang mas nagustuhan mo?


Isulat kung anong aral ang iyong nakuha o natutunan dito.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
__________

You might also like