You are on page 1of 33

Layunin

 Nasusuri ang iba’t ibang


Elemento ng tula(F10PB-Iic-d-72)
 Naibibigay ang kahulugan ng
matatalinghagang pananaplita na
ginamit sa tula (F10PT-Iic-d-70)
Suriin ang tula
Ibig mong mabatid,ibig mong malaman
Kung paano kita pinakamamahal?
Tuturan kong lahat ang mga paraan,
Iisa-isahin,ikaw ang bumilang.

Iniibig kita nang buong taimtim,


Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,
Lipad ng kaluluwang ibig na marating
Kawangis ito ng mga bayaning marunong umingos sa
mga papuri.
Ano ang ibig ipahiwatig ng mga
matalihangang pahayag sa
ikalawang saknong ng tula?

Sa tayog at saklaw ay walang


kahambing,
Lipad ng kaluluwang ibig na
marating
Kawangis ito ng mga bayaning
marunong umingos sa mga papuri.
1.ANONG PAG-IBIG ANG TINUTUKOY NG MAKATA SA TULA?
2.BATAY SA TULA ,ANO ANG NAGIGING BUNGA NG PAGKAKAROON
NG TUNAY NA PAG-IBIG?
3.PAANO NAIPAMALAS NG MAY AKDA ANG MASIDHING
PAGMAMAHAL?
Ilan ang linya sa bawat saknong?
Ilan ang bilang ng pantig sa bawat
linya ng tula?
Talakayin natin ang mga elemento
ng Tula
Elemento ng Tula
1. Sukat
- Ito ay tumutukoy sa bilang ng
pantig ng bawat taludtod. Ang
isang taludtod ay karaniwang may
8,12,at 16 na pantig o sukat.
Hal. Ako’y magsasakang bayani ng bukid
Sandata’y araro matapang sa init (sukat
lalabingdalawahing pantig)
2. Tugma
- Sinasabing may tugma ang isang tula kapag
ang huling pantig ng huling salitang bawat
taludtod ay magkasing-tunog.
Maaaring ganito ang tugma na hulihan: a-a-a-a,
a-b-a-b,o kaya ay a-b-b-a
Hal:Tugmang a-a-a-a (magkakaugnay lahat ng linya)
Sa aking lupain doon nagmumula
Lahat ng pagkain nitong ating bansa
Ang lahat ng tao,mayaman o dukkha
Sila’y umaasa sa pawis ko’t gawa
3. Kariktan
- Ito ay ang malinaw at di-
malilimutang impresyon na
naikintal sa isipan ng
mambabasa.
4. Talinghaga
-ito’y ang matayog na diwang ipinahihiwatig ng
makata.Ayon kay Abadilla,tugma at hindi tula ang
binasa kapag sa unang pagbasa ay nauunawaan
agad ang ibig sabihin. Kailangang may naitatagong
kahulugan sa salita o pahayag. Dito kinakailangan
ang paggamit ng tayutay o matalinhagang mga
pahayag.
Hal. Nahuli sa pain,umiyak ako’y hawak ng iyong
pag-ibig hindi ako makalpas.
Dito pumapasok ang iba’t ibang uri
ng tayutay
Mga Uri ng Tayutay
1. Pagtutulad o Simile - dalawang magkaibang bagay, tao,
pangyayari at iba pa.Gumagamit ng mga salitang tulad ng,
gaya ng, para ng,kawangis
Hal.Ang pangaral ng kanyang ina ay katulad ng isang sulong
tumatanglaw sa kanya.
2. Pagwawangis (metaphor)- katulad ng pagtutulad ngunit
hindi ito gumagamit ng mga salita gaya ng sa pagtutulad.
Hal. Ikaw ay tinik sa aking dibdib.
3.Pagmamalabis (hyperbole)- lubhang nagpapalabis sa
kalagayan ng tao, hayop, bagay at halaman
Hal. Pumutok ang kanyang ulo sa dami ng kanyang problema.
4. Pagbibigay katauhan o Personipikasyon-Pagsasalin ng mga katangian at talino
ng tao sa mga karaniwang bagay.
Hal. Nguniti ang bulakbak sa liwanag ng buwan.
5. Pagpapalit -saklaw –naisasagawa ang pagpapahayag ditto sa pamamagitan ng
pagbanggit sa bahagi bilang pagtukoy sa kabuuan at maaaring naming isang tao
ang kumakatawan sa isang pangkat.
Hal. Sampung bibig ang umaasa sa kanya.
6. Pagpapalit-tawag- nagpapalit ng katawagan o pangalan sa bagay na tinutukoy
ng uring ito ng pagpapahayag.
Hal. Binato niya ng tinapay ang nagkasala sa kanya.
7. Pag-uyam- ginagamitan ng mga salitang nangungutya sa tao o bagay sa
pamamagitan ng mga salitang tila kapuri-puri ngunit ang tunay na kahulugan ay
mauunawaan ayon sa paraan ng pagsasalita ng isang tao.
Hal. Tunay na magagalang ang ilang mga kabataan,umaalis ng bahay nang hindi
man lamang nagpapaalam sa kanilang mga magulang.
Mga gawain
Panuto: Batay sa mga elemento ng
tulang tinalakay paghambingin ang
Aking Pag-ibig ni Elizbeth Barret
Browning at Annabel Lee ni Edgar
Allan Poe.
Ang Aking Pag- Elemento Annabel Lee
Ibig
Sukat
Tugma
Kariktan
Talinghaga
Panuto:Unawaing mabuti ang mga
pangugusap.Tukuyin kung anong uri
ng tayutay ang bawat pahayag
1. Kay sipag mong mag-aral,palagi
kang bagsak sa iyong mga
pagsusulit.
2. Si lola ay tulad ng kadila na unti-
unting nauupos.
3. Nahati ang kanyang balakang sa
baku-bakong daan.
4.Masayaw ang mga alon sa
karagatan.
5. Natanggap ni Ben ang
hampas ng langit sa mabgat
niyang kasalanan.
Panuto: Pagtapatin ang katumbas na kahulugan ng mga matatalinghagang pahayag sa Hanay
A at Hanay B

HANAY A HANAY B
1.Kapilas ng buhay a. Hindi totoo
2. Bukas ang palad b. Pag-aaral ng mabuti
3. Tuyo ang papel c. matulungin
4. Pagsusunog ng kilay d. Magandang imahe
5. Balitang kutsero e. asawa
Output #2 Pagsulat ng sariling tula
Paksa: Pag-Ibig
Araw ng pagpapasa:December 14,2022
RUBRICS PAMAGAT NG TULA PUNTOS
ELEMENTO NG TULA
_________________

Sukat
Tugma
Kariktan
Talinghaga
Add a Slide Title - 1
Add a Slide Title - 2
Add a Slide Title - 3
Add a Slide Title
-4

You might also like