You are on page 1of 18

Filipino

Ikalawang Markahan
Sariling Linangin Kit 5:
Maikling Kuwento
Filipino – Ikasiyam na Baitang
Ikalawang Markahan – Sariling Linangan Kit 5: Maikling Kuwento
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa Sariling
Linangan Kit na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng
mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa SLK na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng
mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI
Regional Director: Allan G. Farnazo
Assistant Regional Director: Maria Ines C. Asuncion

Bumubuo sa Paghahanda ng Sariling Linangan Kit

Manunulat: Avelino T. Gapol, Emily G. Bayla


Editor: Phelma O. Camacho
Tagasuri: Rene P. Sultan, Phelma O. Camacho
Tagaguhit: Hareld O. Candari, Jemar D. Alinabo
Tagalapat:
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala:
Allan G. Farnazo Reynaldo M. Guillena
Mary Jeane B. Aldeguer Alma C. Cifra
Analiza C. Almazan Aris B. Juanillo
Ma. Cielo D. Estrada May Ann M. Jumuad
Mary Jane M. Mejorada Rene P. Sultan

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon


Department of Education – Davao City
Office Address: DepEd Davao City Division, Elpidio Quirino Ave. Davao City
Telefax: 224-3274
E-mail Address: davaocity.division@deped.gov.ph
9
Filipino
Ikalawang Markahan
Sariling Linangin Kit 5:
Maikling Kuwento
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang SLK na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang
hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.
Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
SLK.

Para sa mag-aaral:
Ang Sariling Linangan Kit na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan
ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang SLK:


1. Gamitin ang SLK nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang
bawat pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring sulatan
ng mga kasagutan mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang
mga gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa,
pagsagot at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako
sa susunod na gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang SLK sa inyong guro o tagapagdaloy pagkatapos
ng mga gawain.

Kung mayroon kayong kinahihirapan sa pagsagot sa mga


inilaang gawain, huwag mag-atubiling komunsulta sa inyong guro o
tagapagdaloy. Tandaan na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan
namin na sa pamamagitan ng SLK na ito, ay mararanasan mo ang
isang makabuluhan, masining at malalim na pagkatuto at pag-unawa
sa mga kasanayang pampagkatuto. Kaya mo iyan!

4
Alamin Natin

Ang maikling kuwento mula sa Tsina ang tatalakayin sa SLK na


ito na magsasalaysay sa pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan.
Sa pagtatapos ng SLK na ito, inaasahang maisakatuparan mo ang
sumusunod:
1. nasusuri ang maikling kuwento batay sa estilo ng pagsisimula,
pagpapadaloy at pagwawakas ng napakinggang salaysay;
2. nahihinuha ang kulturang nakapaloob sa binasang kuwento;
3. nabibigyang-kahulugan ang mga imahe at simbolo sa binasang
kuwento;
4. naisasalaysay ang sariling karanasan na may kaugnayan sa kulturang
nabanggit sa nabasang kuwento;
5. nagagamit ang mga pahayag sa pagsisimula, pagpapatuloy ng mga
pangyayari at pagtatapos ng isang kuwento; at
6. naisusulat ang isang paglalarawan ng sariling kultura na maaaring
gamitin sa isang pagsasalaysay.

Subukin Natin
Magandang araw sa iyo. Ang iyong dating kaalaman ay masusubukan
sa bahaging ito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong. Bahagi ng
pagsusulit ang pagsunod sa panuto, kaya marapat lamang na basahin ang
panuto bago ka magsimula.

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang titik sa mapipili mong
sagot sa sagutang papel.

1. Ano ang higit na binibigyang-pansin ng may-akda sa kuwentong


makabanghay?
A. tauhan C. pangyayari
B. lugar D. aral

2. Paano sinimulan ang kuwento?


A. Inilahad ang mga plano ng pangunahing tauhan.
B. Binanggit ang panahon, damdamin at katayuan ng pangunahing
tauhan.
C. Sinimulan ang kuwento sa pagsasalaysay sa suliranin ng pangunahing
tauhan.
D. Ipinakilala ang magiging hadlang sa pangunahing tauhan.

5
3. Pahayag na ginagamit upang simulan, ipagpatuloy at wakasan ang mga
pangyayari sa kuwento?
A. pang-ugnay C. salitang naglalarawan
B. pang-uri D. pang-abay na pamanahon

4. Uri ng maikling kwento na ang binibigyang-diin ng sumulat ay ang


pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o ang madulang pangyayari.
A. pangkatauhan C. makabanghay
B. pangkatutubong-kulay D. pangkaisipan

5. Uri ng maikling-kuwento na pinapahalagahan ang tagpuan, ang


pook/lugar na pinangyarihan ng kuwento, mga kaugalian at pananamit ng
mga tauhan, uri ng pamumuhay at hanap-buhay ng mga tao sa nasabing
lugar.
A. pangkatauhan C. makabanghay
B. pangkaisipan D. katutubong-kulay

Aralin Natin

Ang paksang tatalakayin ay isang maikling kuwento na nagmula sa


bansang China. Matutunghayan dito ang pakikipagsapalaran ng
pangunahing tauhan upang muling makabangon mula sa madilim na
nakaraan. Makikita rin dito ang pakikitungo ng mga tao sa isang katulad
niyang nadapa at pilit na bumabangon.

Niyebeng Itim (Buod)


ni Liu Heng
isinalin sa Filipino ni Galileo S. Zafra

Si Li Huiquan ay isang dating bilanggo at ulilang lubos na


nagsusumikap upang makabangon muli. Bisperas ng bagong taon noong
nagpakuha si Li Huiquan ng labinlimang litrato kasama ang kanyang tiya
Luo. Tutol man na magpakuha ng litrato ay napilitang magpakuha si Huiquan
sa Red Palace Photo Studio. Gagamitin niya ang larawang iyon upang
kumuha ng lisensya para sa kariton at pagtitinda ng prutas.

Naaprubahan ang pagkuha n’ya ng kariton ngunit sa pagtitinda ng


prutas ay hindi. Puno na kasi ang kota. Hindi rin nakatulong ang kontak ng
kaniyang tiya Luo o ayaw ng tumulong. Ang nais sana ni Huiquan ay lisensiya

6
sa tindahan ng prutas sapagkat mabilis kumita dito, ngunit ang tanging
naroon ay lisensiya para sa tindahan ng damit, sombrero at sapatos. Wala ng
pakialam si Huiquan kahit anong itinda. Ang mahalaga ay may gawin kahit
pa mas mahirap ibenta ang damit kaysa prutas.

Paglabas nila mula sa compound ng gobyerno, nakabangga nila ang


isang matabang mama na si Hepeng Li. Sabi ni Tiya Luo kay Huiquan na
tawagin itong Tiyo Li. Walang ideya si Huiquan kung hepe ito ng ano at
kaninong tiyo ito, ngunit naaalala niya rito ang matatabang sumo wrestler ng
Hapon. Magalang na yumuko si Huiquan, isang ugaling natutunan niya sa
kampo.

Kailangang yumuko ang mga bilanggo sa lahat ng guwardya, inspektor,


at tagamasid na nakikipag-usap sa kanila o nakatingin man lang sa kanila-
iyon ang pagsasanay. Ginagawa na niya iyon dahil nakasanayan na. Ngunit
halos di siya napansin ng mama -- tila ito isang lalaking tumitingin ng kung
anong paninda. Pakiramdam ni Huiquan ay isa siyang basurahan o isang
pirasong basahan na nais magtago sa isang butas.

Inimbita si Huiquan ng kanyang tiya na manood ng magandang palabas


sa tv ngunit tumanggi ito sa kadahilanang marami pa itong gagawin. Ibinigay
kay Huiquan ang pwesto sa may timog ng silangang tulay. Wala man lang ni
isa ang nagtangkang tumingin ng mga paninda nya.

"Sapatos na tatak Perfection mula shenzen free economic zone! sapatos


tatak perfection gawa sa Shenzen..." ang sigaw ni Huiquan. Ngunit wala pa
rin siyang nabenta. Siya ang huling tindahan na nagsara sa hanay ng mga
tindahan na naroon.

Sa sumunod na araw ay nakabenta siya ng muffler. Sa ikatlong araw


ay wala siyang benta. Sa ikaapat na araw naman, wala pang kalahating oras
simula ng magbukas ang kanyang tindahan ay nakabenta siya ng damit na
pang army sa apat na karpintero. Nang makarating ang mga karpintero sa
silangang tulay ay nagkulay talong ang mga labi nila sa lamig. Ngunit
nailigtas naman ang kanilang balat ng kasuotang ibinenta ni Huiquan.

Bago magtinda ay matamlay na hinarap ni Huiquan ang negosyo.


Ngunit naging inspirasyon sa kanya ang pagbili ng mga karpintero. Mas
mabuting maghintay kaysa umayaw dahil hindi naman sa lahat ng
pagkakataon ay malas ka diba?

Pinagkunan: https://www.marvicrm.com/2017/09/niyebeng-itim-buod

7
Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa iyong sagutang papel.

1. Paano sinimulan ang kuwento?


A. Inilahad ang mga plano ng pangunahing tauhan.
B. Binanggit ang panahon, damdamin at katayuan ng pangunahing
tauhan.
C. Sinimulan ang kuwento sa pagsasalaysay sa suliranin ng pangunahing
tauhan.
D. Ipinakilala ang magiging hadlang sa pangunahing tauhan.

2. Ano ang tema ng kuwento?


A. Ang pagpapasensiya ay mahalagang katangian upang umunlad.
B. Huwag magpapadala sa mga panghuhusga ng ibang tao.
C. Manatiling matatag at positibo sa kabila ng mga pagsubok at
panghuhusga.
D. Kumilos at patuloy sa pakikibaka sa halip na magmumukmok sa isang
sulok.

3. Bakit tindahan ng prutas ang nais niya?


A. Ang pagtitinda ng prutas ang uso at nais niyang sumunood.
B. Ang tindahan ng prutas ay mas mabilis ang kita.
C. Nabanggit ni Tiya Luo ang tungkol dito.
D. Hindi mahirap ang pagkuha ng mga kakailanganin para sa lisensya.

4. Paano hinarap ni Huiquan ang kaniyang problema?


A. Pinatitibay niya ang kaniyang loob at nanatiling matatag sa kabila ng
iba’t ibang masasakit na panghuhusga sa kaniya.
B. Nilalabanan niya nang patas ang mga taong mapanghusga.
C. Patuloy niyang ginagawa ang sa tingin niya’y tama.
D. Itinatago na lamang niya ang kaniyang mga hinanakit.

5. Ano ang kinalabasan ng mga hakbang na ginawa ni Huiquan?


A. Siya ay biglang yumaman.
B. Naging kilala sa kanilang luga si Huiquan.
C. Siya ay natutong sumabay sa daloy ng buhay sa labas ng rehas at unti-
unting nakakita ng pag-asa.
D. Minahal siya ng mga taong nanghusga sa kaniya.

8
6. Bakit pakiramdam ni Huiquan na siya ay isang pirasong basahan lamang?
A. Sapagkat si Huiquan ay isang dating bilanggo.
B. Si Huiquan ay isang ulilang lubos
C. Hamapalupa ang tiungin nila kay Huiquan.
D. Kahit na si Huiquan ay malaya na, patuloy pa rin ang panlalait sa
kaniya at pang-aalipusta.

7. Anong kultura ng Tsina ang ipinakita sa kuwentong binasa?


A. pagiging positibo sa buhay
B. pagiging magaling sa negosyo
C. pagiging mapagkumbaba
D. pagkakaroon ng mahabang pasensiya

8. Ano ang masasabi mo sa paglalawaran kay Hepeng Li?


A. siya ay mapanlait
B. siya ay mapagkakatiwalaan
C. si Hepeng Li ay matulungin
D. si Hepeng Li ay mabuting tao

9. Paano winakasan ng may-akda ang kuwento?


A. Inilahad ang mga kaganapan na naranasan ni Huiquan.
B. Ipinakita na ang buhay ay hindi laging nasa ibaba.
C. Tinalakay ang mga maaaring gawin upang kumita.
D. Ipinakita ang mga magandang katangian ni Huiquan sa pagharap sa
mga pagsubok sa buhay na maaaring maging inspirasyon sa iba.

10. Ano ang simbolo ng niyebeng itim?


A. malamig na panahon
B. malungkot na panahon ng kapaskuhan
C. madilim na karanasan ng bida sa panahon ng taglamig
D. masaklap na karanasang hindi nagtatagal at nahihilom din ng panahon

9
Sa kuwentong makabanghay, ang binibigyang-diin ng sumulat
ay ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o ang madulang
pangyayari. Sa kuwento naman ng tauhan, nakapokus ang mga
pangyayari sa tauhan upang mabigyan ng kabuoang pag-unawa ang
mga mambabasa tungkol sa kanila. Pinapahalagahan naman sa
kuwento ng katutubong-kulay ang tagpuan - ang pook/lugar na
pinangyarihan ng kuwento. Karaniwan ay maraming paglalarawan
tungkol sa pook - hindi lamang pisikal kundi pati na rin ang mga
pangkalahatang pag-uugali ng mga tao roon, ang kanilang mga
kilos/gawi, mga paniniwala, pamahiin, at pananaw sa buhay.

Hango sa Modyul 9 (pahina 149) Panitikang Asyano


- mula sa Sambotani III ni Bernie C. Santos, 2007

May mga pahayag na ginagamit upang simulan, ipagpatuloy at


wakasan ang mga pangyayari sa kuwento.

Ang mga pang-abay na pamanahon ay nagsasaád ng panahong


ipinangyayari o ikinagaganáp ng bagay o gáwaing sinasabi ng pandiwà
o ng ibá pa mang panalitáng makadiwà. May tatlong uri nito, 1. may
pananda, mga halimbawa nito: noong, kung, kapag, tuwing, buhat,
mula, hanggang at iba pa. 2. walang pananda, halimbawa nito: ngayon,
bukas, kanina, mamaya at iba pa. 3. nagsasaad ng dalas, halimbawa
nito: araw-araw, taon-taon, paminsan-minsan tuwing umaga at iba pa.

https://www.slideshare.net/carolenenicolas/pang-abay-26426663

10
Gawin Natin

Panuto: Bigyan ng kahulugan ang sumusunod na may salungguhit na imahe


at simbolismo sa pangungusap. Piliin ang wastong sagot na matatagpuan sa
loob ng kahon. Titik lamang ang isulat.

a. hindi pinansin
b. napaparam na pighati
c. sulyap sa bagong buhay
d. mahirap kumite
e. wala ng mga magulang

1. Ang masakit na nakaraan ni Huiquan animo’y niyebeng itim paglipas ng


panahon.
2. Naaninag niya ang kaginhawaan sa bisperas ng bagong taon.
3. Dinaana lamang ang mga kaniyang paninda.
4. Lumaki siyang malungkot at ulilang lubos.
5. May mga araw na si Huiquan ay walang benta sa kkaniyang mga paninda.

Sanayin Natin

Panuto: Ilahad o isalaysay ang sariling karanasan sa sitwasyong nakatala sa


ibaba na may kaugnayan sa kulturang nabanggit sa nabasang kuwento;

1. Paghingi ng tulong sa hindi mo kakilala na may kaangasan ang tugon sa


iyo.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

11
Tandaan Natin

Ang maikling kuwentong Nyebeng ni Liu Heng na mula sa China at


isinalin sa Filipino ni Galileo S. Zafra ay isang kwentong makabanghay. Sa
kwentong makabanghay, ang binibigyang-diin ng sumulat ay ang
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari o ang madulang pangyayari.

Ang paksa ng nasabing kwento ay tungkol sa isang taong may


madilim na nakaraan na nagsisikap makabangon sa mabuting paraan,
bagama’t patuloy siyang hinuhusgahan ay naging positibo pa rin siya sa
kaniyang pananaw sa buhay. Siya ay puno ng pag-asa at mapagkumbaba,
naging matatag sa kabila ng pangmamaliit sa kaniyang kakayahan.

Ang pang-abay na pamanahon ay mga pahayag na ginagamit upang


simulan, ipagpatuloy at wakasan ang mga pangyayari sa kuwento. May
tatlong uri ito: 1. may pananda, mga halimbawa nito: noong, kung, kapag,
tuwing, buhat, mula, hanggang at iba pa. 2. walang pananda, halimbawa
nito: ngayon, bukas, kanina, mamaya at iba pa. 3. nagsasaad ng dalas,
halimbawa nito: araw-araw, taon-taon, paminsan-minsan tuwing umaga at
iba pa.

Suriin Natin

Suriin ang daloy ng kuwento at piliin ang mga pang-abay na


pamanahon na ginamit sa pagkukuwento. Isulat ang iyong sagot sa sagutang
papel.

1. Noong araw kung saan nakalabas si Huiquan sa piitan ay agad itong


nagpakuha ng litrato.
2. Pinuntahan nila kinabukasan ang taong makatutulong sa kaniya upang
makakuha ng lisensiya ng tindahan.
3. Nakaramdam ng panghuhusga si Huiquan sa araw-araw niyang
pagtitinda.
4. Hindi nawalan ng pag-asa si Huiquan kahit pa man paminsan-minsan
lamang may bumibili sa kaniyang mga panindang damit.
5. Napagtanto niyang hindi dapat mawalan ng pag-asa at sa tuwina ay
kailangan maging matatag at matibay sa pagharap sa pagsubok sa buhay.

12
Payabungin Natin

A. Suriin ang mga nakatala sa ibaba tungkol sa binasang maikling kuwento


batay sa estilo ng pagsisimula, pagpapadaloy at pagwawakas ng
napakinggang salaysay, isulat sa patlang ang Tama kung wasto ang mga
ito at Mali naman kung di wasto.

_____1. Mababasa ang mapait na nakaraan ni Li Huiquan at ang panahon


sa panimula ng kuwento.
_____2. Naging madali kay Huiquan ang pagharap niya sa kaniyang
suliranin.
_____3. Maraming tao ang nais tumulong sa kaniyang muling pagbangon.
_____4. Naramdaman ng pangunahing tauhan ang pagiging bilanggo kahit
pa man siya ay malaya na.
_____5. Tagumpay siya sa kagustuhang makuha ang tindahan ng prutas.
_____6. Naging matiyaga si Huiquan sa paniniwalang may pag-asa pa.
_____7. Ang akda ay tumutukoy sa tunggalin laban sa sarili.
_____8. Sa kasukdulang bahagi ay nakita niya na hindi madali ang buhay
sa labas ng rehas.
_____9. Nagwakas ang kwento sa paniniwala ng pangunahing tauhan na
hindi sa lahat ng pagkakataon ang kamalasan.
_____10. Ipinakita sa kuwentong tinalakay ang pagkakaroon ng positibong
pananaw sa kabila ng maraming kinakaharap na mga pagsubok.

B. Bigyan ng kahulugan ang mga sumusunod na imahe at simbolismo sa


akda na makikita sa Hanay A, piliin ang wastong sagot sa Hanay B, titik
lamang ang isulat.

HANAY A HANAY B
1. yumuko si Huiquan a. nais mawala na parang bula
sa sobrang hiya
2. walang gulong, pero
mapakikinabangan pa rin b. tanda ng paggalang at
mababang kalooban
3. sa pagtingin sa kaniya nang
mababa, umaangat ang kanilang c. hindi tanggap sa lipunan
sarili
d. nagkalamat man ay may silbi
4. isa siyang basurahan o pirasong pa
basahan na nais magtago sa
isang butas

13
e. mamulat sa katotohanan
5. siguradong hindi siya kabilang
sa kanila f. hinihila siya ng pababa

6. kung ididilat lamang niya ang g. nakakita ng pag-asa


kaniyang mga mata
h. wala ng nadaramang
7. oras na para matulog ang kasiyahan
lungsod
i. matahimik na gabi
8. at ang mga pader ay tila blangko
j. malinaw na kaisipan
9. kumislap ang kaniyang mata
k. matinding pagsubok
10. mas mabuting maghintay kaysa
umayaw l. tanggapin ang kakatok na
oportunidad at pagkakataon

C. Ilahad o isalaysay ang sariling karanasan sa sitwasyong nakatala sa ibaba


na may kaugnayan sa kulturang nabanggit sa nabasang kuwento.

1. May hinarap kang pagsubok o suliranin sa inyong pamilya at


kailangang maging matatag ka at magkaroon ng positibong pananaw
dahil sa iyo kumukuha ng lakas ang mga kasapi ng inyong pamilya.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

D. Bumuo ng maikling buod ng niyebeng itim gamit ang mga pang-abay na


pamanahon o ang mga pahayag sa pagsisimula, pagpapatuloy ng mga
pangyayari at pagtatapos ng isang kuwento. Salungguhitan ang mga
ginamit na pang-abay na pamanahon.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

14
Pagnilayan Natin

Panuto: Sumulat ng paglalarawan tungkol sa kagandahan ng ating bansa na


nais mong ipagmalaki sa lahat upang sila ay mahikayat na bumisita rito. Ang
paglalarawan na iyong isusulat ay tatayain sa mga sumusunod na
pamantayan.

(Hango sa Modyul 9 pahina 156 Panitikang Asyano)

A. Tiyak ang mga Datos na Ginamit sa Paglalarawan …….. 10 %


B. Paggamit ng mga Salita …………….. 10 %
C. Panghikayat at Presentasyon …………… 5%
Kabuoan ………………………… 25 %

_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Binabati kita dahil natapos mo ang panlimang Sariling Linangan Kit


para sa ikalawang markahan.

15
16
Payabungin Natin Payabungin Natin Suriin Natin
B A. 1. noong araw
1. b 1. Tama 2. kinabukasan
2. d 2. Mali 3. araw-araw
3. f 3. Mali 4. paminsan-
4. a 4. Tama minsan
5. c 5. Mali 5. tuwina
6. e 6. Tama
7. i 7. Mali
8. h 8. Mali
9. g 9. Tama
10. l 10. Tama
Gawin Natin Aralin Natin Subukin Natin
1. b 1. B 1. C
2. c 2. C 2. B
3. a 3. B 3. D
4. e 4. A 4. C
5. d 5. C 5. D
6. D
7. B
8. A
9. D
10. D
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Peralta, Romulo N. et.al. Panitikang Asyano (2014). 2nd Floor Dorm G,


Philsports Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600

Rivera, Ryan C. at ng Innovative Education Materials, Inc. (2015). Gantimpala


IEMI Building, 2356 Revellin St. Sta. Ana, Manila

https://wwwslidesharenet.china

https://www.slideshare.net/rosemelyn/maikling-kuwento

https://www.marvicrm.com/2017/09/niyebeng-itim-buod

https://www.slideshare.net/carolenenicolas/pang-abay-26426663

17
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Region XI

F. Torres St., Davao City

Telefax:

Email Address: lrms.regionxi@deped.gov.ph

You might also like