You are on page 1of 28

Republika ng Pilipinas

Rehiyon 10
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Sangay ng Cagayan de Oro
Cagayan de Oro
SANAYANG PAPEL
IKA-10 BAITANG
(LEARNING ACTIVITY SHEET)

Pangalan: Petsa: Iskor:

Paksa: Aralin 1.1 Mitolohiya mula sa Rome-Italy


Cupid at Psyche
Kasanayang Pampagkatuto:
Natutukoy ang mensahe at layunin ng napanood na cartoon ng isang mitolohiya.
F10PD-Ia-b-61

Sanayang Papel Bilang


Sanggunian: Filipino 10: Panitikang Pandaigdig
Pahina 9-24 1
www.youtube.com (panoorin at kilalanin ang 12
pinakadakilang diyos at diyosa ng Mitolohiya ng Rome at Greece,
maaari itong panoorin sa youtube.)
GAWAIN 1

Panuto: Kilalanin at punan ng mga katangian at kapangyarihang taglay ang mga sumusunod na
mga diyos at diyosa. Nasa ibaba ang mga maaring pagpiliian na mga sagot.

GREEK ROME Katangian at Kapangyarihang Taglay


1. Zeus Jupiter
2. Hera Juno
3. Poseidon Neptune
4. Hades Pluto
5. Ares Mars
6. Apollo Apollo
7. Athena Minerva
8. Artemis Diana
9. Hephaestus Vulcan
10. Hermes Mercury
11. Aphrodite Venus
12. Hestia Vesta

diyosa ng apoy diyosa ng pangangsaso diyos ng apoy diyos ng karagatan

diyos ng digmaan panginoon ng impiyerno Reyna ng mga diyos, tagapangalaga


ng pagsasama ng mag-asawa
diyos ng propesiya,liwanag, araw
Hari ng mga diyos, diyos ng diyosa ng karunungan, digmaan
kalawakan at panahon
Mensahero ng mga diyos
diyosa ng kagandahan, pag-ibig

GAWAIN 2

Pumili ng isa sa mga diyos/diyosa sa Gawain 1 at magbigay ng hinuha kung ano-ano ang mga
kahinaan at kalakasan nito sa tulong ng character profile.
Republika ng Pilipinas
Rehiyon 10
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Sangay ng Cagayan de Oro
Cagayan de Oro

Pangalan: Petsa: Iskor:

Paksa: Aralin 1.1 Mitolohiya mula sa Rome-Italy


Cupid at Psyche
Kasanayang Pampagkatuto:

Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa akda sa nangyayari sa: sarili pamilya
pamayanan lipunan daigdig
F10PB-Ia-b-62

Sanggunian: Filipino 10: Panitikang Pandaigdig Sanayang Papel Bilang


Pahina 9-24
2
KONSEPTONG PANGNILALAMAN

Cupid at Psyche
Isinalin sa Ingles ni Edith Hamilton
Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat

Noong unang panahon, may isang hari na may tatlong anak. Ang isa sa kanila ay si Psyche. Ang
bunso at pinakamaganda sa tatlo. Labis syang hinangaan ng mga kalalakihan at kahit ang kagandahan
ng Dyosang si Venus ay hindi ito mapapantayan.Dahil dito, ang lahat ng papuri ay napunta kay Psyche
at lubos itong ikinagalit ni Venus at agad nitong inutusan ang anak na si Cupid upang paibigin si Psyche
sa isang halimaw. Ngunit taliwas ito sa nangyari sapagkat si Cupid ay agad na umibig kay Psyche nung
unang beses pa lamang nya itong nakita.

Nang makauwi na si Cupid ay inilihim nito sa ina ang nangyari at tiwala naman dito si
Venus.Hindi naganap ang gustong mangyari ni Venus kay Psyche na ito ay umibig sa isang halimaw. Sa
halip ay sinamba lamang ito ng mga kalalakihan maliban doon ay tila walang nangahas na umibig kay
Psyche. Lubos na nabahala ang mga magulang ni Psyche kaya't lumapit ito kay Apollo upang himingi ng
payo.

Ngunit lingid sa kaalaman ng mga


magulang ni Psyche ay nauna nang humingi ng
tulong si Cupid kay Apollo at gumawa ng plano.
Sinabi ni Apollo sa ama ni Psyche na bihisan ng
damit pamburol ang anak na dalaga at dalhin sa
tuktok ng bundok. Dito ay susunduin daw ito ng
mapapangasawa na isang halimaw. Malungkot na
umuwi ang amang hari ni Psyche. Gayunman ay
sinabi ng hari ang kapalaran ng anak at buong
tapang itong hinarap ng dalaga.

Noong nasa tuktok na ng bundok si


Psyche ay unti-unti na itong nilamon ng dilim.
Natakot ang dalaga sa kung ano ang naghihintay
sa kanya. Hanggang sa umihip ang malambing na hangin at inilipad sya ng hangin patungo sa isang
damuhan na parang kama sa lambot at napapaligiran ng mababangong bulaklak.

Napakapayapa ng lugar at saglit na nalimutan ni Psyche ang kalungkutan at agad na nakatulog


sa kapayapaan ng gabi. Nagising si Psyche sa tabi ng ilog at natanaw niya ang isang mansyon na tila
ginawa para sa mga Dyos. Napakaganda nito, ginto at pilak ang mga haligi. Maya maya lamang ay may
narinig na tinig si Psyche at ang sinabi ng tinig na sila ay mga alipin at sinabihang mag-ayos ang dalaga
sapagkat sila'y may inihandang piging. Lubos na nalibang si Psyche at kumain ito ng kumain ng
masasarap na pagkain. Sa pagsapit ng gabi ay dumating na ang mapapangasawa nya. Tulad ng mga
tinig na di nya nakikita ay ganoon din ang kanyang mapapangasawa ngunit nawala rin ang takot nya na
akala nya'y halimaw ito ngunit sa wari nya ito pala ay isang lalaking matagal na nyang hinihintay.

Isang gabi ay kinausap sya ng lalaki at binalaan na darating ang dalawang kapatid ni Psyche doon
sa bundok kung saan siya ay inihatid ng mga ito. Ngunit pinagbawalan si Psyche na magpakita sa mga
kapatid. Ganoon nga ang nangyari at walang nagawa si Psyche kahit naririnig nya ang pag iyak nang
kanyang mga kapatid. Sa mga sumunod na araw ay nakiusap si Psyche na kung pwede ay makita ang
mga kapatid at malungkot na sumang ayon ang lalaki. Kinaumagahan ay inihatid ng ihip ng hangin ang
mga kapatid ni Psyche at agad nagkita ang magkakapatid. Dito nalaman ni Psyche na alam pala ng
kanyang mga kapatid na halimaw ang lalaki ayon sa saad ni Apollo sa kanilang ama ay bawal makita
ang mukha nito.

Doon natanto ni Psyche na kaya pala hindi nagpapakita ng mukha ang lalaki marahil ay tama nga
ang sinabi ng kanyang kapatid. Humingi ng payo si Psyche sa kanyang mga kapatid ay siya'y binigyan
ng punyal at lampara upang makita sa dilim ang mukha ng lalaking mapapangasawa. Nang mahimbing
nang natutulog ang lalaki ay sinindihan ni Psyche ang lampara at kinuha ang punyal. Lumapit ito sa
higaan ng lalaki at laking tuwa nya ng malamang hindi naman pala ito halimaw bagkus ay napakagwapo
pala nito. Wari nya ay ito na ang pinaka gwapong nilalang sa mundo. Sa pagnanais na makita ang
mapapangasawa ay inilapit pa ni Psyche ang lampara at natuluan ito ng mainit na langis sa dibdib na
syang dahilan upang magising ito. nalaman ng lalaki ang pagtataksil ni Psyche at agad itong umalis.

Sinundan ni Psyche ang lalaki sa labas ngunit hindi na nya ito nakita. Narinig na lamang niya ang
tinig nito at ipinaliwanag kung ano talaga ang pagkatao nito. Umuwi si Cupid sa kanyang ina upang
pagalingin ang sugat sa balikat. Agad naman nitong nalaman ang pangyayari at determinado si Venus
na ipakita dito kung paano magalit ang isang Dyosa. Naglakbay si Psyche at humingi ng tulong sa ibang
Dyos ngunit bigo sapagkat ang mga ito ay tumangging makaaway si Venus. Nang dumating si Psyche
sa palasyo ni Venus ay napahalakhak na lamang ito at nabatid na nagpunta doon si Psyche upang
hanapin ang mapapangasawa. Binigyan nito ng mahihirap na pagsubok si Psyche kabilang na dito ang
pagbuo ng hiwa-hiwalay na buto bago dumilim, pagkuha ng gintong balahibo ng mapanganib na tupa,
pagkuha ng itim na tubig sa malalim na talon at kahon na may lamang kagandahan mula kay
Proserpine.

Magaling na si Cupid bago bumalik si Psyche ngunit ang kanyang inang si Venus ay ibinilanggo
siya upang di makita si Psyche. Masayang bumalik si Psyche sa palasyo ni Venus at si Cupid naman ay
nagtungo sa kaharian ni Jupiter upang humingi ng tulong na wag na silang gambalain ng kanyang ina.
Nagpatawag ng pagpupulong si Jupiter kasama na doon si Venus at ipinahayag na si Cupid at Psyche
ay pormal nang ikinasal. Dinala ni Cupid si Psyche sa kaharian ng mga Dyos at doon ay iniabot ang
"Ambrosia" na kapag kinain ay magiging imortal.

Naging panatag na si Venus na mapangasawa ni Cupid si Psyche sapagkat isa na din itong
Dyosa.

GAWAIN 1 KRUSIGRAMA
Basahin ang talaan ng kahulugan sa kolum na PAHALANG at PABABA. Gamitin ang letrang nasa
krusigrama bilang karagdagang palatandaan upang matukoy ang salita.

Pahalang Pababa
1. Nanaig ang pagkainggit 1.Kuwento tungkol sa mga diyos at diyosa
2. Tumupad sa tungkulin, utos 2.Walaang kamatayan, walang katapusan
3. Nahimok, mahikayat 3.Masidhi, maalab
4. Pagkain ng diyos-diyosan 4.Lumakas, tumindi
5. Tayo lakad na ang mga daliri ng paa
lamang ang sumasayad
6. Nag-alab na damdamin
1. P M
1. B

2.T 2

3.B U Y M
O
4.A R S I A

M
3. I 6.P T Y D
6. N O 4.S

B I

B I

GAWAIN 2: Pagkukuro-kuro

1. Kung ikaw si Psyche, tatanggapin mo rin ba ang hamon ni Venus para sa pag-ibig? Bakit?

2. Magbigay ng sariling reaksyon sa pahayag ni Cupid na: “ Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung
walang pagtitiwala.”
Republika ng Pilipinas
Rehiyon 10
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Sangay ng Cagayan de Oro
Cagayan de Oro

Pangalan: Petsa: Iskor:

Paksa: Aralin 1.2 Ang Alegorya ng Yungib


Sanaysay mula sa Greece
Mula sa Allegory of the Cave ni Plato
Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo
Kasanayang Pampagkatuto:

Nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng sariling pananaw


F10WG-Ic-d-59

Sanggunian: Filipino 10: Panitikang Pandaigdig Sanayang Papel Bilang


Pahina 30, 39-40
3
KONSEPTO

Alam mo ba na…

May mga ekspresiyong ginagamit sa pagpapahayag ng pananaw at nagpapahiwatig ng


pagbabago o pag-iiba ng paksa at/o pananaw?

1. Mga ekspresiyong nagpapahayag ng pananaw. Kabilang dito ang: ayon, batay, para,
sang-ayon sa/kay, ganoon din sa paniniwala/pananaw/akala ko, ni/ng at iba pa.
inihuhudyat ng mga ekspresiyong ito ang iniisip, sinasabi o pinaniniwalaan ng tao.

Hal.: Ayon sa tauhang si Simon sa El Filibusterismo, “Habang may sariling wika ang
isang bayan, taglay niya ang kalayaan.”

Sa paniniwala ko ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay


isang sanligan upang mabago ang takbo ng isang lipunan.

2. May mga ekspresiyong nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa at/o pananaw,


tulad ng sumusunod na halimbawa. Gayunman mapapansing di tulad ng naunang mga
halimbawa na tumitiyak kung sino ang pinagmumulan ng pananaw, nagpapahiwatig
lamang ng pangkalahatang pananaw ang sumusunod na halimbawa:

Hal.: Sa isang banda, mabuti na ngang nalalaman ng mamamayan ang mga anomalya
sa kanilang pamahalaang local nang sa gayo’y masuri nila kung sino ang karapat-dapat
na ihalal para mamuno sa kanilang lungsod.

Sa kabilang dako, sa dami ng naglalabasang isyung pampolitika hindi tuloy


malaman ng sambayanan kung ano ang kahihinatnan ng bansa sa kamay ng mga
politikong pinagkakatiwalang mamuno dito.

Samantala, mamamayan mismo ang makapagpapasya kung paano nila nais makita
ang kanilang bansa sa susunod na mga taon. Matalinong pagpapasya ang kailangan
kung sino ang karapat-dapat pagkatiwalaan ng kanilang boto.
GAWAIN: Pagtibayin ang Palagay

Panuto: Batay sa larawan, dugtungan ang pahayag sa speech balloon ng iyong nabuong
konsepto o pananaw gamit ang mga ekspresiyon ng pagpapahayag.

Sa aking pananaw,_______________________________________________

Sa kabilang dako_______________________________________________

Ayon sa_______________________________________________

Sang-ayon sa_______________________________________________
Republika ng Pilipinas
Rehiyon 10
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Sangay ng Cagayan de Oro
Cagayan de Oro

Pangalan: Petsa: Iskor:

Paksa: Aralin 1.2 Ang Ningning at ang Liwanag


(Mula sa Liwanag at Dilim)
Ni Emilio Jacinto
Kasanayang Pampagkatuto:

Naitatala ang mga impormasyon tungkol sa isa sa napapanahong isyung pandaigdig


F10PU-Ic-d-66

Sanggunian: Filipino 10: Panitikang Pandaigdig Sanayang Papel Bilang


Pahina 38

https://www.youtube.com/watch?v=3XE8boOXVNk
4

KONSEPTONG PANGNILALAMAN

Ang Ningning at ang Liwanag


(Mula sa Liwanag at Dilim)
Ni Emilio Jacinto

Ang ningning ay nakasisilaw at nakasisira sa paningin. Ang liwanag ay kinakailangan ng


mata, upang mapagwari ang buong katunayan ng mga bagay-bagay.

Ang bubog kung tinatamaan ng nag-aapoy ng sikat na araw ay nagniningning; ngunit


sumusugat sa kamay ng nagaganyak na dumampot.

Ang ningning ay maraya.

Ating hanapin ang liwanag; tayo’y huwag mabighani sa ningning.

Sa katunayan ng masamang kaugalian: Nagdaraan ang isang  karuaheng maningning na


hinihila ng kabayong matulin. Tayo’y magpupugay at ang isasaloob ay mahal na tao ang
nakalulan. Datapua’y marahil naman ay isang magnanakaw, marahil sa isang malalim ng
kaniyang ipinatatanghal na kamahalan at mga hiyas na tinataglay ay natatago ang isang
sukaban.

Nagdaraan ang isang maralita na nagkakanghihirap  sa pinapasan. Tayo’y napapangiti, at


isasaloob.

Saan kaya ninakaw? Datapua’y maliwanag nating nakikita sa pawis ng kaniyang noo at
sa hapo ng kaniyang katawan na siya’y nabubuhay sa sipag kapagalang tunay.

Ay! Sa ating naging ugali ay lubhang nangapit ang pagsamba sa ningning at pagtakwil sa
liwanag. Ito nga ang dahilan kung kaya ang mga loob na inaakay ng kapalaluan at ng kasakiman
ay nagpupumilit na lumitaw na maningning, lalong-lalong na nga ang mga pinuno na
pinagkatiwalaan ng ikagiginhawa ng kanilang mga sakop at walang ibang nasa kundi ang
mamalagi sa kapangyarihan sukdang ikainis at ikamatay ng bayan na nagbibigay sa kanila ng
kapangyarihan.

Tayo’y mapagsampalataya sa ningning, huwag nating pagtakhan ang ibig mabuhay sa


dugo ng ating mga ugat at magbalat-kayong maningning.
Ay! Kung ang ating dinudulugan at hinahainan na puspos na galang ay ang maliwanag,
ang magandang asal at matapat na loob, walang magpapaningning pagka’t di natin
pahahalagahan. At ang mga isip at akalang ano pa man ay hindi hihiwalay sa maliwanag na
banal na landas ng katuwiran.

Ang kaliluhan at ang katampalasanan ay humahanap ng ningning upang hindi


mapagmalas ng mga matang tumatanghal ang kanilang kapangitan; nguni’t ang   kagalingan at
ang pag-ibig na dalisay ay hubad sa ningning, mahinhin, at maliwanag na mapatatanaw sa
paningin.

Ang mahabang panahong  lumipas ay isang labis na nagpapatunay ng  katotohanan nito.
Mapalad ang araw ng liwanag!

Ay! Ang Anak ng Bayan, ang kapatid ko, ay matututo kaya na kumuha ng  halimbawa at
lakas sa pinagdaanang mga hirap at binatang mga kaapihan? 

- Mula sa Panitikan ng Pilipinas nina Panganiban at Panganiban, 1998

Gawain: Pagpapalawak ng Kaalaman


Sagutin ang mga tanong:

1. Ano ang pangunahing kaisipan ng binasang sanaysay?

2. Isa-isahin ang pagkakaiba ng ningning at liwanag ayon sa sanaysay?

3. Tukuyin ang mga pangyayaring binanggit ng may-akda tungkol sa kalagayang panlipunan


noong panahong naisulat ito.

4. Batay sa nilalaman ng sanaysay, ano ang layunin ni Jacinto sa pagsulat nito?


Republika ng Pilipinas
Rehiyon 10
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Sangay ng Cagayan de Oro
Cagayan de Oro

Pangalan: Petsa: Iskor:

Paksa: Aralin 1.3 Ang Tusong Katiwala


Parabula mula sa Syria

Kasanayang Pampagkatuto:

Nagagamit ang angkop na mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay (pagsisimula,


pagpapadaloy ng mga pangyayari, pagwawakas)
F10WG-Ib-c-58

Sanggunian: Filipino 10: Panitikang Pandaigdig Sanayang Papel Bilang


Pahina 53
5
KONSEPTONG PANGNILALAMAN

Alam mo ba na…

Ang parabula ay maikling salaysay na nagtuturo ng kinikilalang pamantayang moral na


karaniwang batayan ng mga kuwento ay nasa Banal na Kasulatan. Realistiko ang banghay at
ang mga tauhan ay tao. Ang mga parabola ay may tonong mapagmungkahi at maaaring may
sangkap na misteryo.

-Mula sa Elements of Literature nina Holt et.al. 2008. Texas, USA


Ang Tusong Katiwala
(Lukas 16:1-15)
Philippine Bible Society

1) Nagsalita uli si Hesus sa kaniyang mga alagad, “May taong mayaman na may isang katiwala.
May nagsumbong sa kaniyang nilulustay nito ang kaniyang ari-arian.  2) Kaya’t ipinatawag niya ang
katiwala at tinanong, ‘Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng iyong
pangangasiwa sapagkat tatanggalin na kita sa iyong tungkulin.’ 3) Sinabi ng katiwala sa kanyang sarili,
‘Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako ng aking amo sa pangangasiwa. Hindi ko kayang magbungkal ng
lupa; nahihiya naman akong magpalimos. 4) Alam ko na ang  aking gagawin! Maalis man ako sa
pangangasiwa ay may tatanggap naman sa akin sa kanilang tahanan.

5) Isa-isa niyang tinawag ang mga may utang sa kaniyang amo. Tinanong niya ang una,
‘Magkano ang utang mo sa aking amo?’ 6) Sumagot ito, ‘Isandaang tapayang  langis po.’ ‘Heto ang
kasulatan ng iyong pagkakautang. Dali! Maupo ka’t palitan mo, gawin mong limampu,’ sabi ng katiwala.
7) At tinanong naman niya ang isa, ‘Ikaw, gaano ang utang mo?’ Sumagot ito, ‘Isandaang kabang trigo
po.’ ‘Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang,’ sabi niya. ‘Isulat mo, walumpu.’ 8) Pinuri ng amo ang
tusong katiwala dahil sa katalinuhang ipinamalas nito. Sapagkat ang mga makasanlibutan ay mas
mahusay gumawa ng paraan kaysa mga maka-Diyos sa paggamit ng mga bagay ng mundong ito.

  9) At nagpatuloy si Hesus sa pagsasalita, “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang


kayamanan ng mundong ito sa paggawa ng mabuti sa inyong mga kapwa upang kung maubos na iyon ay
tanggapin naman kayo sa tahanang walang hanggan. 10)  Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay
mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay; ang mandaraya sa maliit na bagay ay mandaraya rin sa
malaking bagay. 11) Kaya kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa mga kayamanan ng mundong ito, sino
ang magtitiwala sa inyo ng tunay na kayamanan? 12) At kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa
kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng talagang para sa inyo?

13) “Walang aliping maaaring maglingkod nang sabay sa dalawang panginoon sapagkat
kamumuhian niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang
ikalawa. Hindi kayo maaaring maglingkod ng sabay sa Diyos at sa kayamanan.” 14) Nang marinig ito ng
mga Pariseo, kinutya nila si Jesus sapagkat sakim sila sa salapi.  15) Kaya’t sinabi niya sa kanila,
“Nagpapanggap kayong matuwid sa harap ng mga tao, ngunit alam ng Diyos ang nilalaman ng inyong
mga puso. Sapagkat ang itinuturing na mahalaga ng mga tao ay kasuklam-suklam sa paningin ng Diyos.

Alam mo ba na…

Pasalita man o pasulat, nakatutulong sa pag-unawa ng mensahe ng isang diskurso ang


paggamit ng mga salitang nagsasama-sama o nag-uugnay ng isang ideya sa mga kasunod na
ideya. Tinatawag sa Ingles na cohesive devices ang ganitong salita. Sa komunikatibong
gramatikang ito ng wikang Filipino, tinatawag na pang-ugnay o panandang pandiskurso ang mga
ito. Naririto ang mahahalagang gamit nito:

a. Pagdaragdag at pag-iisa-isa ng mga impormasyon


Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito sa paglalahad ng pagkakasunod ng mga
pangyayari o pag-iisa-isa ng mga impormasyon. Kabilang dito, ang mga salitang
pagkatapos, saka, unang, sumunod na araw, sa dakong huli, pati, isa pa at gayon din.

b. Pagpapahayag ng mga kaugnayang lohikal


Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito ng paglalahad ng dahilan at bunga,
paraan at layunin, paraan at resulta maging sa pagpapahayag ng kondisyon at
kinalabasan. Kabilang na pang-ugnay sa bahaging ito ang dahil sa, sapagkat at kasi.
Samantalang sa paglalahad ng bunga at resulta ginagamit ang pang-ugnay na kaya,
kung kaya, kaya naman, tuloy at bunga.

GAWAIN 1
Basahin ang sariling pagsasalaysay batay sa binasang parabula at piliin sa loob ng panaklong
ang angkop na pang-ugnay at salungguhitan ito.

1. May taong mayaman na may isang katiwala. May nagsumbong sa kaniyang nilulustay nito
ang kaniyang ari-arian (kaya’t, saka) ipinatawag niya ang katiwala at tinanong. 2. (Unang,
Pagkatapos) tinawag ng katiwala ang may utang na isandaang tapayang langis. 3. (Saka,
Pati) pinaupo at pinapalitan ng limampu ang kasulatan. 4. (Gayon din, dahil sa) ang
ginawa sa isa pa. Ginawang walampung kabang trigo mula sa isandaang trigo. 5. (Dahil
sa, upang) katalinuhan ng katiwala, pinuri ng amo ang tusong katiwala.

GAWAIN 2

Bigyang-puna ang estilo ng may-akda batay sa salita at damdaming ipinapahayag sa bahagi ng


parabula. Hanapin sa loob ng kahon ang damdaming angkop sa pahayag.

1. “May taong mayaman na may isang katiwala. May nagsumbong sa kaniyang nilulustay
nito ang kaniyang ari-arian. 
2. “Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng iyong pangangasiwa
sapagkat tatanggalin na kita sa iyong tungkulin.”
3. “Ano ang gagawin ko? Aalisin na ako ng aking amo sa pangangasiwa. Hindi ko kayang
magbungkal ng lupa; nahihiya naman akong magpalimos.”
4. “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang kayamanan ng mundong ito sa paggawa ng
mabuti sa inyong mga kapwa upang kung maubos na iyon ay tanggapin naman kayo sa
tahanang walang hanggan.”
5. At kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa
inyo ng talagang para sa inyo?

lungkot galit panghihinayang

pagtataka pagkaawa pag-aalinlangan


Republika ng Pilipinas
Rehiyon 10
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Sangay ng Cagayan de Oro
Cagayan de Oro

Pangalan: Petsa: Iskor:

Paksa: Aralin 1.3 Mensahe ng Butil ng Kape


“The Story of a Carrot, Egg and a Coffee Bean
Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo

Kasanayang Pampagkatuto:

Nasusuri ang tiyak na bahagi ng napakinggang parabula na naglalahad ng katotohanan,


kabutihan at kagandahang-asal
F10PN-Ib-c-63

Sanggunian: Filipino 10: Panitikang Pandaigdig Sanayang Papel Bilang


Pahina 50-52
6
KONSEPTONG PANGNILALAMAN

Isang araw, habang nagbubungkal ng lupa ang magsasaka, narinig niyangnagmamaktol ang
kaniyang anak na lalaki. Narinig nitong binabanggit ng kaniyang anak ang hirap at pagod na 
nararanasan sa pagsasaka at pagbubungkal ng bukirin.

Ayon pa sa anak , nararamdaman niya na hindi makatarungan ang kaniyang buhaydahil sa hirap na
nararanasan niya. Sa pagkakataong iyon, tiningnan  ng ama anganak  at tinawag  niya papunta sa 
kusina.

Nilagyan ng ama ang tatlong palayok ng tubig at saka isinalang sa apoy.Walang narinig na ano
mang salitaan sa mga oras na yaon. Hinayaan lamang nila angnakasalang na mga palayok. Hindi
nagtagal, kumulo ang tubig. Sa unang palayok ,inilagay ng ama ang carrot. Sa pangalawa naman ay mga
itlog. Sa panghuli, butil ng kape ang inilahok.

“Sa tingin mo, ano ang maaaring mangyari sa carrot, itlog at butil ng kape na aking inilahok?”   tanong ng
ama.

“Maluluto?” kibit-balikat na tugon ng anak.

Makalipas ang dalawampung minuto, inalis ng ama ang mga baga at pinalapit ang anak sa mga palayok.

“Damhin mo ang mga ito,” hikayat ng ama.

“Ano ang iyong napuna?” bulong ng ama.

Napansin ng anak na ang carrot ay lumambot. Inutusan naman siya ng ama na kunin ang itlog at hatiin
ito. Matapos mabalatan ang itlog, napansin niya na buo at matigas na ito dahil sa pagkakalaga.

“Higupin mo ang kape,” utos ng ama.

“Bakit po?” nagugulumihanang tanong ng anak.

Nagsimulang magpaliwanag ang ama tungkol sa dinaanang proseso ng carrot, itlog,at butil ng kape.
Pare-pareho itong inilahok sa kumukulong tubig subalit iba-iba ang naging reaksiyon.

Ang carrot na sa una ay matigas, malakas, at tila di matitinag subalit matapos mailahok sa kumukulong
tubig ay nagging malambot na kumakatawan sa kahinaan. Ang itlog na may puti at manipis na balat
bilang proteksiyon sa likidong nasa loob nito, ay naging matigas matapos mapakuluan. Samantala, ang
butil ng kape nang ito ay mailahok sa kumukulong tubig ay natunaw ngunit kapalit nito ay karagdagang
sangkap na magpapatingkad dito.

“Alin ka sa kanila? tanong ng ama sa anak.


“Ngayon, nais kong ikintal mo ito sa iyong isipan, ang kumukulong tubig ay katumbas ng suliranin sa
buhay. Kapag ito ay kumatok sa ating pinto, paano ka tutugon? Ikaw ba ay magiging carrot, itlog o butil
ng kape?” usal ng ama.

“Ikaw ba ay magiging carrot na malakas sa una subalit nang dumating ang pagsubok ay naging mahina?
O kaya naman ay magiging tulad ng itlog na ang labas na balat ay nagpapakita ng kabutihan ng puso
subalit nabago ng init ng kumukulong tubig? Ang itlog ay nagpapaalala na minsan may mga taong sa una
ay may mabuting puso subalit kapag dumaan ang pagsubok tulad ng sigalot sa pamilya o mga kaibigan,
sila ay nagkakaroon ng tigas ng kalooban upang hindi igawad ang kapatawaran sa nagkasala. O maging
tulad ka kaya ng butil ng kape na nakapagpabago sa kumukulong tubig? Kapuna-puna na sa tulong ng
butil ng kape, nadagdagan ng kulay at bango ang kumukulong tubig,” paliwanag ng ama.

“Kung ikaw ay tulad ng butil ng kape, ikaw ay magiging matatag sa oras ng pagsubok. Higit sa lahat, ikaw
mismo ang magpapabago sa mga pangyayari sa paligid mo,” dagdag na paliwanag ng ama.

“Paano mo ngayon hinaharap ang mga suliranin sa iyong buhay?” Ikaw ba ay sumusunod lamang sa
kung ano ang idinidikta ng sitwasyon o nagsusumikap kang maging matatag sa harap ng mga pagsubok.
Gayundin, patuloy ka rin bang lumilikha ng positibong pagbabago na dulot ng di magagandang
pangyayari?

“Kaya anak, ikaw ba ay carrot , itlog, o butil ng kape?” tanong muli ng ama.

Ngumiti ang anak, kasunod ang tugon – “ako ay magiging butyl ng kape...” katulad mo mahal na ama.

-Mula sa Elements of Literature nina Holt et. al. 2008. Texas, USA

GAWAIN: Sino Ako?


Magsalaysay ng pangyayari sa buhay mo na may kaugnayan sa naging kalagayan ng mga
tauhan sa binasang kuwento. Gamitin ang kasunod na grapikong presentasyon sa
pagsasalaysay ng mga pangyayari.

Ako bilang

Pangyayari Pangyayari Pangyayari


Republika ng Pilipinas
Rehiyon 10
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Sangay ng Cagayan de Oro
Cagayan de Oro

Pangalan: Petsa: Iskor:

Paksa: Aralin 1.4 Ang Kwintas


Maikling Kuwento mula sa France
Ni Guy de Maupassant

Kasanayang Pampagkatuto:

Naipagpaliliwanag ng ilang pangyayaring napakinggan na may kaugnayan sa kasalukuyang


mga pangyayari sa daigdig
F10PN-If-g-66

Sanggunian: Filipino 10: Panitikang Pandaigdig Sanayang Papel Bilang


Pahina 60-66
https://www.youtube.com/watch?v=SCUprYhoT6I
7

GAWAIN: Kilalanin Mo!

Sa isang manila paper, isusulat at ipakilala ang mga pangunahing tauhan sa kuwento, si
Mathilde, G. Loisel at Madame Forestier sa pamamagitan ng character map. Ipapakilala nila
ang bawat isa batay sa kanilang anyo o katangiang pisikal kung paano sila inilarawan sa akda.
Ihambing sila sa ilang kakilala na may pagkakatulad ang ugali. Ilahad ito sa masining na
pagpapakilala.
Republika ng Pilipinas
Rehiyon 10
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Sangay ng Cagayan de Oro
Cagayan de Oro

Pangalan: Petsa: Iskor:

Paksa: Aralin 1.4 Ang Kwintas


Maikling Kuwento mula sa France
Ni Guy de Maupassant

Kasanayang Pampagkatuto:

Naisusulat ang paliwanag tungkol sa isyung pandaigdig na iniuugnay sa buhay ng mga Pilipino
F10PU-If-g-68

Sanggunian: Filipino 10: Panitikang Pandaigdig Sanayang Papel Bilang


Pahina 60-66
https://www.youtube.com/watch?v=SCUprYhoT6I
8

GAWAIN: Kultura: Paghambingin


Magsaliksik tungkol sa kultura ng France sa larangan ng pagpapahalaga sa kababaihan,
pagkain at pananamit. Magsagawa ng paghahambing sa kultura nating mga Pilipino gamit ang
pormat na nasa ibaba.

Kulturang Pranses Kulturang Pilipino

Pagpapahalaga sa mga
Kababaihan

Pagkain

Pananamit
Republika ng Pilipinas
Rehiyon 10
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Sangay ng Cagayan de Oro
Cagayan de Oro

Pangalan: Petsa: Iskor:

Paksa: Aralin 1.4 Ang Kwintas


Maikling Kuwento mula sa France
Ni Guy de Maupassant

Kasanayang Pampagkatuto:

Napahahalagahan ang napanood na pagtatanghal ng isang akda sa pamamagitan ng


paghanap ng simbolong nakapaloob dito
F10PD-If-g-65

Sanggunian: Filipino 10: Panitikang Pandaigdig Sanayang Papel Bilang


Pahina 73
https://www.youtube.com/watch?v=SCUprYhoT6I
9
KONSEPTONG PANGNILALAMAN

Ang story board ay isang grapikong representasyon ng mga pangyayari sa pamamagitan ng


mga larawan na inaayos sa pagkakasunod-sunod sa layuning buhayin sa isip o diwa ang
larawang gumagalaw, animation at motion graphic. Nagsimula ang story boarding sa Walt
Disney Productions sa pagsisimula ng 1930, pagkaraan ng ilang taon ng katulad na proseso
ng paggamit sa Walt Disney at iba pang animation studios.

Narito ang halimbawa ng story board.

GAWAIN

Gumawa ng storyboard sa kwentong binasa na nagpapakita ng mga simbolong nakapaloob


dito.

Paalala: Maaari rin magsaliksik ng ilan pang halimbawa ng mga storyboard sa internet
Republika ng Pilipinas
Rehiyon 10
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Sangay ng Cagayan de Oro
Cagayan de Oro

Pangalan: Petsa: Iskor:

Paksa: Aralin 1.4 Ang Kwintas


Maikling Kuwento mula sa France
Ni Guy de Maupassant

Kasanayang Pampagkatuto:

Nagagamit ang angkop na mga panghalip bilang panuring sa mga tauhan


F10WG-If-g-61

Sanggunian: Filipino 10: Panitikang Pandaigdig Sanayang Papel Bilang


Pahina 68-70
https://www.youtube.com/watch?v=SCUprYhoT6I
10

KONSEPTONG PANGNILALAMAN

Alam mo ba na…

Ang isang babasahin o teksto ay binubuo ng magkakahiwalay na mga pangungusap o


sugnay? Ang mga pangungusap o sugnay na ito bagaman magkakahiwalay ay
pinagdudugtong o pinag-uugnay ng mga gamit na pang-ugnay o kohesyong gramatikal.
Ginagamit na pang-ugnay na ito ay referents o reperensiya na kung tawagin ay anapora at
katapora.

Ang anapora ay mga reperensiya na kalimitan ay panghalip na tumutukoy sa mga nabanggit


na sa unahan ng teksto o pangungusap.

Hal.: 1. Karamihan sa mga tao ay ikinakabit ang kulturang Pranses sa Paris. Ito ang sentro ng
moda, pagluluo, sining at arkitektura.

2.Ang France ay una nang tinawag na Rhineland. Noong panahon ng Iron Age at Roman
era, ito ay tinawag na Gaul.

Ang katapora naman ay mga reperensiya na bumabanggit at tumutukoy sa mga bagay na


nasa hulihan pa ng teksto o pangungusap.

Hal.: 1. Sila ay sopistikado kung manamit. Mahilig din sila sa masasarap na pagkain at alak.
Ang mga taga-France ay masayahin at mahilig dumalo sa mga kasayahan.

2.Labis ang kaniyang pagdurusa at paghihinagpis dahil sa may paniniwala siyang


isinilang siya sa daigdig upang magtamasa nang lubos na kaligayahan sa buhay. Taglay ni
Mathilde ang alindog na hindi nababagay sa kasalukuyang kalagayan sa buhay.
GAWAIN 1: Basahin ang pangungusap sa bawat bilang. Punan ng angkop na panghalip ang
mga patlang mula sa ibinigay na mga pagpipilian sa loob ng panaklong.

1. _____(siyaý, ika’y kami’y) isa sa magaganda’t mapanghalinang babae na sa


pagkakamali ng tadhanaý isinilang sa angkan ng mga tagasulat.

2. Labis ang pagdurusa at paghihinagpis ni Mathilde dahil may paniniwala_______(akong,


kaming, siyang) isinilang siya sa daigdig upang magtamasa ng lubos na kaligayahan sa
buhay na maidudulot ng salapi.

3. Malimit na sa pagmamasid________(niya, nito, siya) sa babaeng Briton na gumaganap


ng ilang pangangailangan niya sa buhay ay nakadarama si Mathilde ng panghihinayang
at napuputos ng lumbay ang kanyang puso.

4. “Mahal, akala koý ikinatutuwa_____(nila, ko, mo) ang pagkakuha ko sa paanyaya.”

5. SUmapit ang inaasam( naming,kong, niyang) araw ng sayawan. Nagtamo ng malaking


tagumpay si Madame Loisel.

GAWAIN 2: Tukuyin kung ang sumusunod na pangungusap ay anapora o katapora.

_____________1. “O, kahabag-habag kong Mathilde! Ang ipinahiram kong kwintas sa iyo ay
imitasyon lamang, puwit lamang ng baso.”

_____________2. Labis ang pagdurusa at paghihinagpis ni Mathilde dahil sa may paniniwala


siyang isinilang siya sa daigdig upang magtamasa ng lubos na kaligayahan na maidudulot ng
salapi.

_____________3. Sa halip na matuwa, na siyang inaasahan ng lalaki ay padabog na inihagis


ni Mathilde ang paanyaya.

_____________4. Pagalit na pinagmasdan niya ang asawa at sinabi ni Mathilde sa asawa na.
“Ano ang isasampay ko sa aking likod?”

_____________5. Sampung taong naghirap ang mag-asawa sa pagbabayad ng kanilang mga


utang.
Republika ng Pilipinas
Rehiyon 10
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Sangay ng Cagayan de Oro
Cagayan de Oro

Pangalan: Petsa: Iskor:

Paksa: Aralin 1.5 Ang Kuban g Notre Dame


Nobela mula sa France
The Hunchback of Notre Dame ni Victor Hugo
Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo
Kasanayang Pampagkatuto:

Naibibigay ang katangian ng isang tauhan batay sa napakinggang diyalogo


F10PN-Ig-h-67

Sanggunian: Filipino 10: Panitikang Pandaigdig Sanayang Papel Bilang


Pahina 74-76
https://www.youtube.com/watch?v=SCUprYhoT6I
11

KONSEPTONG PANGNILALAMAN

Alam mo ba na...

Ang nobela ay bungang-isip/katha na nasa anyong prosa, kadalasang halos pang-aklat


ang haba na ang banghay ay inilalahad sa pamamagitan ng mga tauhan at diyalogo. Itoý
naglalahad ng isang kawil ng mga kawili-wiling pangyayari na hinabi sa isang mahusay na
pagbabalangkas.

Ang tatlong elemento na karaniwang matatagpuan sa isang mahusay na nobela ay 1.


Isang kwento o kasaysayan 2. Isang pag-aaral at 3. Paggamit ng malikhaing guni-guni.

Pangunahing layunin ng nobela ay lumibang, bagaman sa di-tahasang paraan. Itoý


maaari ring magturo, magtaguyod ng isang pagbabago sa pamumuhay o sa lipunan o
magbigay ng isang aral.

Mga Pangyayari- dahil binubuo ito ng mga kabanata, dapat na ang mga pangyayari ay
magkakaugnay. May panimula, papaunlad na mga pangyayari na magsasalaysay ng
tunggalian ng nobela, kasukdulan at kakalasan na patungo na sa wakas.

Paglalarawan ng Tauhan- ang lalong mahusay na nobela ay naglalarawan ng tauhan. Ito ay


ginagawa nila sa isang paraang buhay na buhay, kaya’t parang mga tunay na tauhan ang
kinakaharap natin habang binabasa ang nobela. Sa kanilang bukambibig, sa kanilang mga
kilos at sa mga sinasabi ng may-akda tungkol sa kanila ay natutuhan nating kilalanin at
pahalagahan ang mga lalaki at babae ng isang katha na naiuugnay sa mga taong nakapaligid
sa atin.
GAWAIN: Katangian Ko….Diyalogo Ko!

Ibigay ang katangian ng tauhan batay sa babasahing diyalogo na hango sa mga akda.

1. “Daddy, patawad po. Nais ko lamang na lumigaya sa buhay. Nasa katanghalian na po


ako ng buhay ko. Ayaw ko pong mag-isa baling-araw kapag akoý nawala.”

Halaw sa kuwentong “Nang Minsang Naligaw si Adrian”

2. “Hindi ako pumupunta sa bahay ng isang lalaking estranghero sa akin,” sabi ng babae.

Halaw sa nobelang “Isang Libo’t isang Gabi

3. “Sige, bibigyan kita ng trabaho. Pero ayoko ng tamad ha? Dos singkwentang gana mo.”
(don ho sa pinagtatrabahuan ko, tatlong pisong…) O, e, di don ka magtrabaho. Burahin
ko ng pangala mo?”

Halaw sa nobelang “Maynila sa Kuko ng Liwanag”

4. “Kasalanan niyo ang nangyari e! natataranta kasi kayo basta may kostumer kayong
kano. Paano natitipan kayo ng dolyar. Basta nakakita kayo ng donyar, naduduling na
kayo, binabastos ninyo ang mga kapawa Pilipino.”

Halaw sa nobelang “Gapo” ni Lualhati Bautista

5. “Walang ibang babae akong minahal.”

Halaw sa nobelang “Ang Kuba ng Notre Dame”

Mga Gabay na Tanong

1. Paano nakatulong ang mga pangyayari sa pagkilala ng katangian ng tauhan?

2. Anong uri ng tauhan ang nabuo ng may-akda?

3. Nalaman bas a diyalogo ang pagkakilanlan ng isang tauhan? Patunayan.


Republika ng Pilipinas
Rehiyon 10
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Sangay ng Cagayan de Oro
Cagayan de Oro

Pangalan: Petsa: Iskor:

Paksa: Aralin 1.5 Ang Kuba ng Notre Dame


Nobela mula sa France
The Hunchback of Notre Dame ni Victor Hugo
Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo
Kasanayang Pampagkatuto:

Naihahambing ang ilang pangyayari sa napanood na dula sa mga pangyayari sa binasang


kabanata ng nobela
F10PD-Ig-h-66

Sanggunian: Filipino 10: Panitikang Pandaigdig Sanayang Papel Bilang


Pahina 74-76
https://www.youtube.com/watch?v=SCUprYhoT6I
12

GAWAIN: MAKABULUHANG HAMBINGAN

Magsaliksik sa buod ng nobelang pinamagatang Ang Kuba ni Notre Dame ni Victor Hugo at
ihambing ang ilang pangyayari sa napanood na dula sa mga pangyayari sa binasang kabanata
ng nobela. Gamitin ang talahanayan sa ibaba.

PAGHAHAMBING
Ang Kuban g Notre Dame Napanood na Dula (Pamagat)

Pangyayari 1

Pangyayari 2

Pangyayari 3

Republika ng Pilipinas
Rehiyon 10
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Sangay ng Cagayan de Oro
Cagayan de Oro
Pangalan: Petsa: Iskor:

Paksa: Aralin 1.5 Ang Kuba ng Notre Dame


Nobela mula sa France
The Hunchback of Notre Dame ni Victor Hugo
Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo
Kasanayang Pampagkatuto:

Naisasadula ang isang pangyayari sa tunay na buhay na may pagkakatulad sa mga piling
pangyayari sa kabanata ng nobela
F10PU-Ig-h-69

Sanggunian: Filipino 10: Panitikang Pandaigdig Sanayang Papel Bilang


Pahina 74-76
https://www.youtube.com/watch?v=SCUprYhoT6I
13

GAWAIN: Diyalogo Ko, Isasadula Ko!

Pumili ng isang pangyayari sa nobelang binasa na may pagkakatulad sa tunay na buhay.


Gumawa ng diyalogo hinggil sa napiling pangyayari at isadula ito gamit ang diyalogong nilikha.

Republika ng Pilipinas
Rehiyon 10
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Sangay ng Cagayan de Oro
Cagayan de Oro
Pangalan: Petsa: Iskor:

Paksa: Aralin 1.6 Ang Tinig ng Ligaw na Gansa(Tula mula sa Egypt)


Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
Mula sa Ingles na Sali ni Wiliam Kelly Simpson

Kasanayang Pampagkatuto:

Naipaliliwanag ang mga alegoryang ginamit sa binasang akda


F10PT-Ie-f-65

Sanggunian: Filipino 10: Panitikang Pandaigdig Sanayang Papel Bilang


Pahina 88-98
14

Narito ang isang tulang nasulat noong panahon ng Bagong Kaharian(1570-1085 B.C) ng
Sinaunang Egypt. Ito ang panahon ng pagpapalawak ng Empire ng Egypt at panahon ng
napakasopistikadong pag-usbong ng kultura nito. Tuklasin mo kung bakit mahalagang unawain
ang tulang pastoral ng mga taga-Egypt na nagpapakita ng pagnanais ng simpleng buhay sa
gitna ng komplikadong sitwasyon ng kanilang panahon.

Ang Tinig ng Ligaw na Gansa

Ang tinig ng ligaw na gansa 


nahuli sa pain, umiyak
Ako'y hawak ng iyong pag-ibig,
hindi ako makaalpas.

Lambat ko ay aking itatabi,


subalit kay ina'y anong masasabi?
Sa araw-araw ako'y umuuwi, 
karga ang aking mga huli
Di ko inilagay ang bitag
sapagkat sa pag-ibig mo'y nabihag.

GAWAIN: Kaisipan Moý Mahalaga

Iguhit ang larawang nabuo sa iyong kaisipan pagkatapos mong basahin ang tula.

Republika ng Pilipinas
Rehiyon 10
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Sangay ng Cagayan de Oro
Cagayan de Oro
Pangalan: Petsa: Iskor:

Paksa: Aralin 1.6 Ang Tinig ng Ligaw na Gansa(Tula mula sa Egypt)


Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat
Mula sa Ingles na Sali ni Wiliam Kelly Simpson

Kasanayang Pampagkatuto:

Nabibigyang-puna ang bisa ng paggamit ng mga salitang nagpapahayag ng matinding


damdamin
F10PT-Ie-f-64

Sanggunian: Filipino 10: Panitikang Pandaigdig Sanayang Papel Bilang


Pahina 88-98
15

GAWAIN 1: Paglinang ng Talasalitaan

a. Piliin sa talaan ng mga salita ang katulad na kahulugan ng salitang nasa loob ng kahon.

nakulong naloko mailap kawala

pain mahirap hulihin silo bilanggo

takas preso pugante nabihag

alpas

bitag

bihag

Ligaw na gansa

b. Basahin ang mga taludtod ng tula at ilarawan kung anong damdamin ang ipinapahayag
nito gamit ang pormat sa ibaba.

Taludtod ng Tula Damdamin


Nahuli sa pain, umiyak
Hindi ako makaalpas
Lambat ko ay aking itatabi subalit kay inaý
anong masasabi?

Sapagkat sa pag-ibig moý nabihag

Republika ng Pilipinas
Rehiyon 10
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Sangay ng Cagayan de Oro
Cagayan de Oro
Pangalan: Petsa: Iskor:

Paksa: Aralin 1.7 Epiko ni Gilgamesh


Epiko mula sa Mesopotamia
Salin sa Ingles ni N.K Sandars
Saling-buod sa Filipino ni Cristina S. Chioco
Kasanayang Pampagkatuto:

Naibibigay ang sariling interpretasyon kung bakit ang mga suliranin ay ipinararanas ng may-
akda sa pangunahing tauhan ng epiko
F10PB-Ie-f-65

Sanggunian: Filipino 10: Panitikang Pandaigdig Sanayang Papel Bilang


Pahina 105-107
16

Mula sa Epiko ni Gilgamesh


salin sa Ingles ni N.K. Sandars
saling-buod sa Filipino ni Cristina S. Chioco
     Mga Tauhan:
  Anu     -  Diyos ng kalangitan; ang Diyos Ama
  Ea       -  Diyos ng karunungan; kaibigan ng mga tao
  Enkido  -  Kaibigan ni Gilgamesh; matapang  na tao na nilikha mula sa luwad 
  Enlil    -  Diyos ng hangin at ng mundo
  Gilgamesh  -  Hari ng Uruk at ang bayani ng epiko
  Ishtar  -  Diyosa ng pag-ibig at digmaan; ang reyna ng mundo
  Ninurta  -  Diyos ng digmaan at pag-aalitan
  Shamash  -  Diyos na may kaugnayan sa araw at sa mga batas  ng tao
  Siduri  -   Diyosa ng alak at mga inumin
  Urshanabi  -   Mamamangkang  naglalakbay araw-araw sa dagat ng kamatayan patungo sa tahanan ng
Utnapishtim
  Utnapishtim  -  Iniligtas ng mga diyos mula sa malaking baha upang sirain 
  ang mga tao; binigyan ng mga diyos ng buhay na walang hanggan.
 
1. Nagsimula ang epiko sa pagpapakilala kay Gilgamesh, ang hari ng lungsod ng Uruk, na ang
dalawang katlo ng pagkatao ay diyos at ang sangkatlo ay tao. Matipuno, matapang, at
makapangyarihan. Ngunit mayabang siya at abusado sa kaniyang kapangyarihan. Dahil sa kaniyang
pang-aabuso, patuloy na nananalangin ang kaniyang mga nasasakupan na nawa’y makalaya sila sa
kaniya.

2. Tinugon ng diyos ang kanilang dasal.  Nagpadala ito ng isang taong kasinlakas ni Gilgamesh, si
Enkido, na lumaking kasama ng mga hayop sa kagubatan. Nagpang-amok ang dalawa nang sila ay
magkita. Nanalo si Gilgamesh. Ngunit sa bandang huli ay naging matalik na magkaibigan sila. Di
naglaon ay naging kasa-kasama na ni Gilgamesh si Enkido sa kaniyang mga pakikipaglaban. Una,
pinatay nila si Humbaba, ang demonyong nagbabantay sa kagubatan ng Cedar. Pinatag nila ang
kagubatan. Nang tangkain nilang siraan ang diyosang si Ishtar, na nagpahayag ng pagnanasa kay
Gilgamesh, ipinadala nito ang toro ng Kalangitan upang wasakin ang kalupaang pinatag nila bilang
parusa. Nagapi nina Gilgamesh at Enkido ang toro. Hindi pinahintulutan ng mga diyos ang kanilang
kawalan ng paggalang kaya itinakda nilang dapat mamatay ang isa sa kanila, at iyon ay si Enkido na
namatay sa matinding karamdaman.

3. Habang nakaratay si Enkido dahil sa matinding karamdaman, sa sama ng loob ay nasabi niya sa
kaniyang kaibigan ang  ganito: “Ako ang pumutol sa punong Cedar, ako ang nagpatag ng kagubatan,
ako ang nakapatay kay Humbaba, at ngayon, tingnan mo kung ano ang nangyari sa akin. Makinig ka
kaibigan, nanaginip ako noong isang gabi. Nagngangalit ang kalangitan at sinagot ito ng galit din ng
sangkalupaan. Sa pagitan ng dalawang ito ay nakatayo ako at sa harap ng isang taong ibon. Malungkot
ang kaniyang mukha, at sinabi niya sa akin ang kaniyang layon. Mukha siyang bampira, ang kaniyang
mga paa ay parang sa leon, ang kaniyang mga kamay ay kasintalim ng kuko ng agila. Sinunggaban
niya ako, sinabunutan, at kinubabawan kaya ako ay nabuwal. Pagkatapos ay ginawa niyang pakpak
ang aking mga kamay. Humarap siya sa akin at inilayo sa palasyo ni Irkalla, ang Reyna ng Kadiliman,
patungo sa bahay na ang sinumang mapunta roon ay hindi na makababalik
4. Sa bahay kung saan ang mga tao ay nakaupo sa kadiliman, alikabok ang kanilang kinakain at luad
ang kanilang karne. Ang damit nila’y parang mga ibon na ang pakpak ang tumatakip sa kanilang
katawan, hindi sila nakakikita ng liwanag, kundi pawang kadiliman. Pumasok ako sa bahay na
maalikabok, at nakita ko ang dating mga hari ng sandaigdigan na inalisan ng korona habang buhay,
mga makapangyarihan, mga prinsipeng naghari sa mga nagdaang panahon. Sila na minsa’y naging
mga diyos tulad nina Anu at Enlil ay mga alipin  ngayon na tagadala na lamang ng mga karne at
tagasalok ng tubig sa bahay na maalikabok. Naroon din ang mga nakatataas na pari at ang kanilang
mga sakristan. May mga tagapagsilbi sa templo, at nandun si Etana, ang hari ng Kish, na minsa’y
inilipad ng agila sa kalangitan. Nakita ko rin si Samugan, ang hari ng mga tupa, naroon din si
Ereshkigal, ang Reyna ng Kalaliman, at si Belit-Sheri na nakayuko sa harapan niya, ang tagatala ng
mga diyos at tagapag-ingat ng aklat ng mga patay. Kinuha niya ang talaan, tumingin sa akin at
nagtanong: “Sino ang nagdala sa iyo rito? Nagising akong maputlang-maputla, naguguluhan, tila nag-
iisang tinatahak ang kagubatan at takot na takot.”

5. Pinunit ni Gilgamesh ang kaniyang damit, at pinunasan niya ang kaniyang luha. Umiyak siya nang
umiyak. Sinabi niya kay Enkido, “Sino sa mga makapangyarihan sa Uruk ang may ganitong
karunungan? Maraming di-kapani-paniwalang pangyayari ang nahayag. Bakit ganyan ang nilalaman ng
iyong puso? Hindi kapani-paniwala at nakatatakot na panaginip. Kailangan itong paniwalaan bagaman
ito’y nagdudulot ng katatakutan, sapagkat ito’y nagpapahayag na ang matinding kalungkutan ay
maaaring dumating kahit sa isang napakalusog mang tao, na ang katapusan ng tao ay paghihinagpis.”
At nagluksa si Gilgamesh. “Mananalangin ako sa mga dakilang diyos dahil ginamit niya ang aking
kaibigan upang mahayag ang kasasapitan ng sinoman sa pamamagitan ng panaginip.”

6. Natapos ang panaginip ni Enkido at nakaratay pa rin siya sa karamdaman. Araw-araw ay palala nang
palala ang kaniyang karamdaman. Sinabi niya kay Gilgamesh, “Minsan ay binigyan mo ako ng buhay,
ngayon ay wala na ako kahit na ano.” Sa ikatlong araw ng kaniyang pagkakaratay ay tinawag ni Enkido
si Gilgamesh upang siya’y itayo. Mahinang-mahina na siya, at ang kaniyang mga mata ay halos di na
makakita sa kaiiyak. Inabot pa ng sampung araw ang kaniyang pagdadalamhati hanggang
labindalawang araw. Tinawag niya si Gilgamesh, “Kaibigan, pinarusahan ako ng mga dakilang diyos at
mamamatay akong kahiya-hiya. Hindi ako mamamatay tulad ng mga namatay sa labanan; natatakot
akong mamatay, ngunit maligaya ang taong namatay sa pakikipaglaban, kaysa katulad kong nakahihiya
ang pagkamatay.” Iniyakan ni Gilgamesh ang kaniyang kaibigan.

7. Pinagluksa ni Gilgamesh ang pagkamatay ng kaniyang kaibigan sa loob ng pitong araw at gabi. Sa
huli, pinagpatayo niya ito ng estatwa sa tulong ng kaniyang mga tao bilang alaala.

Gawain: Ipagtangol Mo!

Suriin ang mga suliraning pinagdaanan ng mga pangunahing tauhan sa epiko. Kailangan bang
maranasan ng pangunahing tauhan sa epiko ang mga suliraning ito? Pangatwiranan.

Republika ng Pilipinas
Rehiyon 10
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Sangay ng Cagayan de Oro
Cagayan de Oro
Pangalan: Petsa: Iskor:

Paksa: Aralin 1.7 Epiko ni Gilgamesh


Epiko mula sa Mesopotamia
Salin sa Ingles ni N.K Sandars
Saling-buod sa Filipino ni Cristina S. Chioco
Kasanayang Pampagkatuto:

Nahihinuha kung bakit itinuturing na bayani sa kanilang lugar at kapanahunan ang piling
tauhan sa epiko batay sa napakinggang usapan/diyalogo
F10PN-Ie-f-65

Sanggunian: Filipino 10: Panitikang Pandaigdig Sanayang Papel Bilang


Pahina 105-107
17
GAWAIN: Kapangyarihan Mo, Ipakita Mo

Isa sa katangian ng epiko ay ang pagkakaroon nito ng supernatural na kapangyarihan.


Bagaman ang binasang epiko ay isang buod lamang, sikaping matukoy ang supernatural na
katangiang ng bawat tauhan.
Ako si Enkido. Sa taglay kong
supernatural na kapangkarihan, kaya
Ako si Gilgamesh. Ako ay may kong
kapangyarihang
______________________________________
_______________

________________________________

Ako si Utnapishtim, mula sa mga diyos,


taglay ko ang kapangyarihang
Ako si Urshanabi. Ako ay isang _______________________________________
mamamangkang may kapangyarihang ____________________________________
______________________________________

______________________________________

You might also like