You are on page 1of 13

FILIPINO 10 UNANG

MARKAHAN - LINGGO 1 I. MGA PAUNA


A. Naipapahayag ang mahahalagang kaisipan/pananaw sa
napakinggang mitolohiya. (F10PN-1a-b-62)
Kasanayan sa B. Naiuugnay ang mga mahahalagang kaisipang nakapaloob
Pagkatuto sa binasang akda sa nangyayari sa
sariling karanasan, pamilya, lipunan at daigdig.
(F10PB-1a-b-62)

1. Nakapagbibigay sa kaugnay na kahulugan ng mga


salita batay sa konteksto ng binasang mitolohiya. 2.
Nasusuri ang kalakasan at kahinaan ng tauhan sa
nabasang mitolohiya.
3. Nakapagpapaliwanag kung bakit may mga katangian
Layunin
ang mga tauhan sa mitolohiya na gusto at ayaw
tularan. at
4. Nakapagpapahalaga sa matalinong pagpapasiya sa
buhay.
* PANITIKAN: MITOLOHIYA MULA SA ROME-ITALY
Paksa Hal. Akda: Cupid at Psyche

Mga Kagamitan Internet at Batayang Aklat

Copyright DepEd Talisay City

Kabuoang Puntos 97 pts.

Petsa Setyembre 13 - 17, 2021

II. MAPA NG NILALAMAN

1
MITOLOHIYA (Cupid at Psyche)

Pag-uugnay sa sariling karanasan,


Talasalitaan pamilya, lipunan, at daigdig
daigdig

Matalinong
Pagpapasya

III..PAGLALAHAD NG ARALIN / MGA NILALAMAN


Pansinin ang larawan ng dalawang pinakapangunahing tauhan ng mitolohiyang
iyong
babasahin. May ideya ka ba kung ano ang naging takbo ng kanilang kakaibang love
story? Anong hinuha ang pumapasok ngayon sa isip mo?

Ang pagkukuwento ng mitolohiyang ito ay maaari mo ring mapanood at


mapakinggan sa link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=hteaGOOA_3A.
Kung walang pagkakataon, maaari mo rin naman itong basahin sa ibaba.

CUPID AT PSYCHE

2011.google. February 16. Accessed June 22, 2020. https://www.deviantart.com/artbyamandalauren/art/Cupid-and-Psyche-197540755.

2
Noong unang panahon, may isang hari na may tatlong anak. Ang isa sa kanila ay si Psyche.
Ang bunso at pinakamaganda sa tatlo. Labis syang hinangaan ng mga kalalakihan at kahit
ang kagandahan ng Dyosang si Venus ay hindi ito mapapantayan.Dahil dito, ang lahat ng
papuri ay napunta kay Psyche at lubos itong ikinagalit ni Venus at agad nitong inutusan ang
anak na si Cupid upang paibigin si Psyche sa isang halimaw.

Ngunit taliwas ito sa nangyari sapagkat si Cupid ay agad na umibig kay Psyche nung unang
beses pa lamang nya itong nakita. Nang makauwi na si Cupid ay inilihim nito sa ina ang
nangyari at tiwala naman dito si Venus. Hindi naganap ang gustong mangyari ni Venus kay
Psyche na ito ay umibig sa isang halimaw. Sa halip ay sinamba lamang ito ng mga
kalalakihan maliban doon ay tila walang nangahas na umibig kay Psyche.

Sinabi ni Apollo sa ama ni Psyche na bihisan ng damit pamburol ang anak na dalaga at
dalhin sa tuktok ng bundok. Dito ay susunduin daw ito ng mapapangasawa na isang
halimaw. Malungkot na umuwi ang amang hari ni Psyche. Gayunman ay sinabi ng hari ang
kapalaran ng anak at buong tapang itong hinarap ng dalaga.

Noong nasa tuktok na ng bundok si Psyche ay unti-unti na itong nilamon ng dilim. Natakot
ang dalaga sa kung ano ang naghihintay sa kanya. Hanggang sa umihip ang malambing na
hangin at inilipad sya ng hangin patungo sa isang damuhan na parang kama sa lambot at
napapaligiran ng mababangong bulaklak.

Napakapayapa ng lugar at saglit na nalimutan ni Psyche ang kalungkutan at agad na


nakatulog sa kapayapaan ng gabi. Nagising si Psyche sa tabi ng ilog at natanaw niya ang
isang mansyon na tila ginawa para sa mga Diyos. Napakaganda nito, ginto at pilak ang mga
haligi. Maya maya lamang ay may narinig na tinig si Psyche at ang sinabi ng tinig na sila ay
mga alipin at sinabihang mag-ayos ang dalaga sapagkat sila'y may inihandang piging.

Lubos na nalibang si Psyche at kumain ito ng kumain ng masasarap na pagkain. Sa


pagsapit ng gabi ay dumating na ang mapapangasawa nya. Tulad ng mga tinig na di nya
nakikita ay ganoon din ang kanyang mapapangasawa ngunit nawala rin ang takot nya na
akala nya'y halimaw ito ngunit sa wari nya ito pala ay isang lalaking matagal na nyang
hinihintay.

Isang gabi ay kinausap sya ng lalaki at binalaan na darating ang dalawang kapatid ni Psyche
doon sa bundok kung saan siya ay inihatid ng mga ito. Ngunit pinagbawalan si Psyche na
magpakita sa mga kapatid. Ganoon nga ang nangyari at walang nagawa si Psyche kahit
naririnig nya ang pag iyak nang kanyang mga kapatid. Sa mga sumunod na araw ay
nakiusap si Psyche na kung pwede ay makita ang mga kapatid at malungkot na sumang
ayon ang lalaki.

Kinaumagahan ay inihatid ng ihip ng hangin ang mga kapatid ni Psyche at agad nagkita ang
magkakapatid. Dito nalaman ni Psyche na alam pala ng kanyang mga kapatid na halimaw
ang lalaki ayon sa saad ni Apollo sa kanilang ama ay bawal makita ang mukha nito.

Doon natanto ni Psyche na kaya pala hindi nagpapakita ng mukha ang lalaki marahil ay
tama nga ang sinabi ng kanyang kapatid. Humingi ng payo si Psyche sa kanyang mga
kapatid ay siya'y binigyan ng punyal at lampara upang makita sa dilim ang mukha ng
lalaking mapapangasawa.

Nang mahimbing nang natutulog ang lalaki ay sinindihan ni Psyche ang lampara at kinuha
ang punyal. Lumapit ito sa higaan ng lalaki at laking tuwa nya ng malamang hindi naman
pala ito halimaw bagkus ay napakagwapo pala nito.

3
Wari nya ay ito na ang pinaka gwapong nilalang sa mundo. Sa pagnanais na makita ang
mapapangasawa ay inilapit pa ni Psyche ang lampara at natuluan ito ng mainit na langis sa
dibdib na syang dahilan upang magising ito. nalaman ng lalaki ang pagtataksil ni Psyche at
agad itong umalis.

Sinundan ni Psyche ang lalaki sa labas ngunit hindi na nya ito nakita. Narinig na lamang
niya ang tinig nito at ipinaliwanag kung ano talaga ang pagkatao nito.

Umuwi si Cupid sa kanyang ina upang pagalingin ang sugat sa balikat. Agad naman nitong
nalaman ang pangyayari at determinado si Venus na ipakita dito kung paano magalit ang
isang diyosa.

Naglakbay si Psyche at humingi ng tulong sa ibang Dyos ngunit bigo sapagkat ang mga ito
ay tumangging makaaway si Venus. Nang dumating si Psyche sa palasyo ni Venus ay
napahalakhak na lamang ito at nabatid na nagpunta doon si Psyche upang hanapin ang
mapapangasawa.
Binigyan nito ng mahihirap na pagsubok si Psyche kabilang na dito ang pagbuo ng
hiwahiwalay na buto bago dumilim, pagkuha ng gintong balahibo ng mapanganib na tupa,
pagkuha ng itim na tubig sa malalim na talon at kahon na may lamang kagandahan mula
kay Proserpine.

Magaling na si Cupid bago bumalik si Psyche ngunit ang kanyang inang si Venus ay
ibinilanggo siya upang di makita si Psyche. Nakatakas naman si Cupid at nahanap si
Psyche. Ibinigay ni Psyche kay Venus ang kahon at dito nagtapos ang pagpapahirap ni
Venus sa kanya.

Masayang bumalik si Psyche sa palasyo ni Venus at si Cupid naman ay nagtungo sa


kaharian ni Jupiter upang humingi ng tulong na wag na silang gambalain ng kanyang ina.
Nagpatawag ng pagpupulong si Jupiter kasama na doon si Venus at ipinahayag na si Cupid
at Psyche ay pormal nang ikinasal.

Dinala ni Cupid si Psyche sa kaharian ng mga Dyos at doon ay iniabot ang "Ambrosia" na
kapag kinain ay magiging imortal. Naging panatag na si Venus na mapangasawa ni Cupid at
Psyche sapagkat isa na rin itong diyosa.

ALAM MO BA NA…?
Ang salitang mitolohiya ay nangangahulugang agham o pag-aaral ng mga
mito/myth. Tumutukoy rin ito sa kalipunan ng mga mito mula sa isang pangkat
ng tao sa isang lugar na naglalahad ng kasaysayan ng mga diyos-diyosan
noong unang panahon na sinasamba, dinarakila at pinipintakasi ng mga
sinaunang tao.

Ang salitang mito/myth ay galing sa salitang Latin na mythos at mula sa Greek


na muthos na ang kahuluga’y kuwento. Ang mito ay nakatutulong upang
maunawaan ng sinaunang tao ang misteryo ng pagkalikha ng mundo, ng tao,
ng mga katangian ng iba pang nilalang. Ipinaliliwanag din dito ang nakakatakot
na puwersa ng kalikasan sa daigdig - tulad ng pagpapalit ng panahon, kidlat, baha,

4
kamatayan at apoy. Hindi man ito kapani-paniwalang kuwento ng mga diyos, diyosa,
itinuturing itong sagrado at pinaniniwalaang totoong naganap. Karaniwang may kaugnayan
ito sa teolohiya at ritwal.

Ang iba’t ibang gamit ng mitolohiya: Ipaliwanag ang pagkalikha ng daigdig at ng puwersa ng
kalikasan, maikuwento ang sinaunang gawaing panrelihiyon, magturo ng mabuting aral,
maipaliwanag ang kasaysayan at maipahayag ang marubdob na pangarap, takot at pag-asa
ng sangkatauhan.

Ang mitolohiya ng mga taga-Rome ay kadalasang tungkol sa politika, ritwal at moralidad.


Kabayanihan ang isang mahalagang tema sa mga kuwentong ito. Itinuturing ng mga
tagaRome na nangyari sa kanilang kasaysayan ang nilalaman ng mga mito. Ang kanilang
mitolohiya ay hinalaw mula sa Greece na kanilang sinakop. Labis nilang nagustuhan ang
mitolohiya ng bansang ito, kaya, inangkin nila na parang kanila at pinagyaman nang husto.
Binigyan nila ng bagong pangalan ang karamihan sa kanilang diyos at diyosa ayon sa
kanilang mga paniniwala at kultura. Sinikap nilang ipasok ang kanilang pagkakilanlan sa
mga mitolohiyang kanilang nilikha.

Sa Pilipinas naman, ang mito ay kinabibilangan ng mga kuwentong-bayang naglalahad ng


tungkol sa mga anito, diyos at diyosa, mga kakaibang nilalang at sa mga pagkagunaw ng
daigdig noon. Maaaring matagpuan ang mga mitong ito sa mga kuwentong-bayan at epiko
ng mga pangkat-etniko.sa.kasalukuyan.

May kuwento tungkol sa pagkagunaw ng daigdig ang mga Ifugao. Inilarawan sa kanilang
epikong “Alim” kung paanong nagunaw ang daigdig. Ayon dito, nagkaroon ng malaking
pagbaha sa mundo at ang tanging nakaligtas ay ang magkapatid na sina Bugan (babae) at
Wigan (lalaki). Sa kanila nagmula ang bagong henerasyon ng mga tao sa mundo.

IV. MGA GAWAIN


Gawain 1: TALASALITAAN - PAGSASAGOT NG KRUSIGRAMA
(Nakapagbibigay sa kaugnay na kahulugan ng mga salita batay sa konteksto ng binasang mitolohiya.)
*Makikita ang krusigrama sa huling bahagi ng modyul na ito, kasama ng Sagutang Papel.

Panuto: Ibigay ang katumbas na salitang hinihingi sa krusigrama. (Mga mga kasagutan ay
pawang may kinalaman sa binasang mitolohiyang Cupid at Psyche). Piliin mula sa inihandang
pagpipilian ang iyong isasagot. Kabuoang iskor: 30 pts.

Gawain 2: PAGSUSURI NG MAHAHALAGANG TAUHAN


(Nakapagpapaliwanag kung bakit may mga katangian ang mga tauhan sa mitolohiya na gusto at ayaw tularan)

5
Panuto: Pumili ng 4 na mahahalagang tauhan sa mitolohiya. Ano-anong mga katangian
nila ang gusto mong tularan / ayaw tularan? Ipaliwanag kung bakit. 5 pts. ang pagsasagot sa
hinihingi ng bawat tauhan. Gamitin ang Pamantayan sa Pagwawasto na nasa ibaba para sa
inyong iskor. Kabuoang puntos: 20 pts.
TAUHAN NAIS TULARAN/BAKIT HINDI NAIS TULARAN/BAKIT

PAMANTAYAN SA PAGWAWASTO
makabuluhan ang paliwanag - 3
malinaw at organisado -1
wastong gramatika -1
KABUOAN 5

GAWAIN 3: PAGSUSURI NG KALAKASAN AT KAHINAAN NG TAUHAN


(Nasusuri ang kalakasan at kahinaan ng tauhan sa nabasang mitolohiya)
Panuto: Suriin ang katangian nina Cupid at Psyche. Tukuyin ang kalakasan at kahinaan ng
bawat isa. Magbigay ng tig-tatatlong kasagutan sa ilalim ng kanilang kalakasan at kahinaan.
1 pt. sa bawat kasagotan. (12 pts. lahat).
CUPID PSYCHE

KALAKASAN KAHINAAN KALAKASAN KAHINAAN

V. PAGTATAYA
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang letra ng pinakaangkop na sagot sa bawat
katanungan.

1. Ano ang isang katangian ni Cupid na masamang halimbawa lalo na sa mga


kabataan?
A. Makulit B. Mahina C. Mabisyo D. Sinungaling

2. Anong kalakasan ni Psyche na siyang naging dahilan ng kanyang pagdurusa?


A. Kabaitan B. Kagandahan C. Katalinuhan D. Katapangan
6
3. Aling kalakasan ni Psyche ang nakatulong sa kanya upang
mapagtagumpayan niya ang kanyang mga pagsubok?

A. Pagpapatuloy sa kabila ng mga pagsubok C. Matapang na pagharap sa


problema
B. Pagpapakumbaba sa harap ng kaaway D. Kagandahang walang kapantay

4. Aling kalakasan ni Cupid ang nagbibigay ng kasiguruhang siya’y iibigin


ninuman, anuman ang kanyang hitsura?
A. Kapangyarihang magpalit ng anyo C. Kakayahang mapaibig ang
isang nilalang
B. Nakahuhumaling na kagwapohan D. May sariling paninindigang
ipinaglaban

5. Ano sa tingin mo ang nagbibigay ng lakas kay Psyche upang malampasan


nito ang mga pagsubok na ibinigay ni Venus sa kanya?
A. Matinding pagmamahal para kay Cupid C.Sariling pamilyang nagmamahal
sa kanya
B. Paghahangad na mapantayan si Venus D.Walang makakapantay na
kagandahan

6. Batay sa pangkalatang pananaw, alin sa sumusunod ang naglalahad ng tunay


na pagmamahal batay sa mitong Cupid at Psyche?
A. Ginawa ni Psyche ang lahat-lahat upang may mapatunayan siya sa kanyang
sarili.
B.Binalak ni Psyche ang magpakamatay upang mapatunayan na mahal niya si
Cupid.
C. Pagpayo kay Psyche ng kanyang mga kapatid upang makaligtas siya sa
halimaw.
D. Hinarap ni Psyche ang pagsubok ni Venus para sa pagmamahal niya kay
Cupid

7. Sa iyong palagay (ayon na rin sa mga kaganapan ng mitolohiyang Cupid at


Psyche), bakit kaya nagawang buyuin ng mga kapatid nito si Psyche? A.
Nais talaga nilang mapatay yaong halimaw.
B. Lubos na naiinggit ang mga ito kay Psyche.
C.Gusto nilang sila ang papalit kay Psyche.
D.Ibig nilang mapasama si Psyche kay Cupid.

8. Dapat ba nating tularan si Venus sa mga ugaling ipinakita niya sa mitolohiyang


Cupid at Psyche?
A. Oo, dahil isa siyang mapagmahal na ina kay Cupid.
B. Oo, dahil isa siyang diyosa na nararapat sambahin.
C. Hindi, dahil gusto niyang siya palagi ang nasusunod.
D. Hindi, dahil punong-puno ng inggit ang kanyang puso.

7
9. Kapag iyong iugnay ang mga pangyayari sa akda sa sariling karanasan, bakit
muntik nang HINDI napagtagumpayan ni Psyche ang kanyang mga pagsubok
sa huling bahagi?
A. Ginigipit siya ni Venus. C. Nahirapan na siya.
B. Napakamausisa niya. D. Wala na siyang lakas.

10. Sa iyong sariling matalinong pagpapalagay, paano ipinakita ng mga Romano


ang kanilang sobrang pagkagiliw sa panitikan ng mga Griyego?
A. Pinalathala nila ang maraming bahagi nito at ginawang aklat.
B. Hinimok nila ang mamamayan nila na ito’y lubos na tangkilikin.
C. Pinagyaman nila ito nang husto at inangkin na parang kanila.
D. Ineregalo nila ang mga popular na akda sa lider ng ibang bansa.

11. Anong kultura ng mga taga-Rome ang masasalamin sa mitolohiyang “Cupid at


Psyche”?
A. Paniniwala sa itim na mahika C. Pagsamba sa mga diyos/diyosa
B. Pakipaglaban para sa pag-ibig D. Paggalang sa mga magulang

12. Mabuti bang taglayin ng mga diyos ng nasabing mitolohiya ang katangian ng
tao?
A. Oo, upang maunawaan ng mga diyos ang kahinaan ng tao.
B. Oo, upang madaling magkaunawaan ang diyos at mga tao.
C. Hindi, dahil banal ang mga diyos at makasalanan ang tao.
D. Hindi, dahil sadyang magkaiba ang kanilang kinaroonan.

13. Kung ikaw si Venus, gagawin mo rin ba ang ginawang pakikipaglaban niya para
sa pag-ibig?
A. Oo, dahil sadyang ito ang talagang nararapat upang mapaligaya ko ang aking
sarili.
B. Oo, dahil pinatunayan naman ni Cupid na nararapat lamang na siya’y
ipaglaban ko.
C. Hindi, dahil nakakapagod ang panggigipit ni Venus at gusto ko na lamang
manahimik.
D. Hindi, dahil marami pa namang ibang lalaki sa aking paligid na maaari kong
mahalin.

14. Sa iyong opinyon, paano nakaimpluwensya ang mitolohiyang


Griyego/Romano sa modernong panahon?
A. Mas umiigting ang pagsamba ng mga parokyano ng simbahan sa ating
Poong Maykapal.
B. Maraming nabuong magagandang arkitektura sa ating paligid na
ipinatayo para sa kanila.
C. Maraming Griyego/Romanong mito ang isinangkap sa mga nobela,
pelikula at video games.
D.Nalulong ang mga kabataan sa panahon ngayon sa mga bagay-bagay na di
kapani-paniwala.

8
15. Kung ihambing natin sa sitwasyong politikal ng ating pamahalaan ang
bangayan sa pagitan nina Venus at Psyche, sa anong nangyayaring
pangkalahatang usapin natin ito maiuugnay?
A. Pangmamaltrato ng isang mapaghiganting amo sa kanyang walang
kalaban- labang emplyeyado
B. Pangingialam ng isang mataas na opisyal sa usapin sa puso ng
kanyang kawawang kawani
C. Pangingikil ng isang mataas na opisyal sa isang maliit na kawani
lamang ng ating gobyerno
D. Pang-aabuso sa katungkulan ng isang mataas na opisyal sa isang
ordinaryong mamamayan

VI..PAGPAPAYAMAN:.PAG-UUGNAY
(Naiuugnay ang mga mahahalagang kaisipang nakapaloob sa binasang akda sa nangyayari sa sariling karanasan,
pamilya, lipunan at daigdig. F10PB-1a-b-62 )
Panuto: Batay sa naunawaan mong mensahe sa mitolohiyang "Cupid at Psyche," sabihin
kung paano mo ito maiuugnay sa iyong sarili, pamilya, lipunan, at daigdig? Gamitin ang
grapikong representasyon sa pagpapahayag ng iyong kaisipan/pananaw. 5 pts. bawat isa.
Tingnan sa ibaba ang Pamantayan sa Pagwawasto para sa iyong iskor.

pamilya lipunan
Mensahe
mula sa
Cupid at
sarili Psyche
daigdig
PAMANTAYAN SA PAGWAWASTO
makabuluhan ang paliwanag - 3 malinaw
at organisado -1
wastong gramatika -1
Kabuoan 5

VII. SUSI SA PAGWAWASTO

GAWAIN 1: KRUSIGRAMA

9
GAWAIN 2: Magkaiba-iba ang sagot
GAWAIN 3: Magkaiba-iba ang sagot
PAGPAPAYAMAN: Magkaiba-iba ang sagot

VIII. SANGGUNIAN
Website:
n.d. google. Accessed June 22 , 2020.
https://www.slideshare.net/daniholic/filipinograde-10-learners-module.
2017. google. Dec. 1. Accessed June 22, 2020.
Alejo, John Ervin C., Eliminaco. n.d. google. Accessed June 22, 2020.
https://www.slideshare.net/JohnErvin4/rubrics-sa-pasalitang-pagsulat.
(LikeMaria’s Story 2019)

Isinulat ni: Divina Chello C. Mariblanca / Mohon (Divino Amore) NHS


Tel. # 491-57-48
Editor: Arvin Cabañero / Tangke National High School
Tel. # 462-54-98

FILIPINO 10
UNANG MARKAHAN - LINGGO 1

10
IX. MGA PUNA SA PAGSASAGAWA NG ARALIN (Ipasa ito nang may sagot kasama
ng sagutang papel.)

Pangalan: __Trish Dayniel Ty_____________________________________


Baitang at Seksyon: ___10- Sapphire___________ Contact No: ______________
Paaralan: __Talisay City Science Highschool__ Guro: ____________________

Hello po, may gusto ba kayong sabihin- maaaring, komento, suhestiyon at rekomendasyon hinggil
sa pagsagot mo sa SLK na ito? Isulat ang
mga ito sa mga nakalaang espasyo. Salamat!

1. Mag-aaral
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________.

2. Magulang
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________.

FILIPINO 10 UNANG MARKAHAN – LINGGO 1

X. SAGUTANG PAPEL

Pangalan: _Trish Dayniel Ty____________ Baitang at Seksyon: 10- Sapphire Petsa: September 15, 2021

11
GAWAIN 1 (nasa sunod na pahina, hiwalay na papel)
GAWAIN 2
NAIS TULARAN/BAKIT HINDI NAIS TULARAN/BAKIT
TAUHAN

1 Cupid Ipaglalaban ang minamahal. Hindi kayang humindi sa pabor ng


ina.

2 Psyche Kusang magpupursige na malutas Kayang magpakasal sa isang


ang mga pagsubok ni Venus. estranghero nab ago niya lamang
nakilala.

3 Venus Kalaunan pagtanggap niya kay Pagkagalit kay Psyche dahil sa


Psyche para kay Cupid. sabisabing mas maganda ito sa
kaniya.

4 Hari (ama ni Marunong makiramdam sa maaring Kayang ipakasal ang anak sa


Psyche) nararamdaman ng anak. kanilang inaakalang halimaw.

GAWAIN 3

CUPID PSYCHE

KALAKASAN KAHINAAN KALAKASAN KAHINAAN


- Ang kaniyang - Kagandahan - Ang angking - Madaling
kakayahang ni Psyche. kagandahan niya. maimpluwensiyahan
magpaibig.

- Pagmamahal para - Pagkahulog - madiskarte - Naging sunud-sunuran


kay Psyche. kay Psyche at sa kagustuhan ni Venus.
hindi nagawa
ang inutos ng
ina.
- Pagiging - Pagiging - angking - Pagmamahal niya
mapagmahal. malihim. determinasyon kay Cupid.

PAGPAPAYAMAN:

12
Sa ibaba nito isulat ang sagot:
SARILI: _Maiuugnay ko ang mensahe sa mitolohiyang Cupid at Psyche sa aking sarili, sa
pamamagitan ng pagiging determinado na lutasin ang mga problema. ____________

PAMILYA: _Maiuugnay ko ang mensahe sa mitolohiyang Cupid at Psyche sa aking pamilya, sa


pamamagitan ng pagsakripisyo at handang dumaan sa mga pagsubok para sa minamahal.
___________________________________________________________

LIPUNAN: _Maiuugnay ko ang mensahe sa mitolohiyang Cupid at Psyche sa lipunan, sa


pamamagitan ng pagtingin sa pagkakapareha ng pagabuso ni Venus sa kaniyang
kapangyarihan bilang isang diyos at sa pagaabuso ng isang makapangyarihan din na tao sa
lipunan sa kaniyang impluwensiya bilang isang makapangyarihang tao._________________

DAIGDIG: _ Maiuugnay ko ang mensahe sa mitolohiyang Cupid at Psyche sa daigdig, sa


pamamagitan ng paghanga sa mga taong katulad nina Psyche at Cupid sa buong daigdig na
kayang dumaan sa maraming pagsubok para lamang sa minamahal._____________

PAGTATAYA
1. D. 6. D 11. B.
2. B. 7. A. 12. B.
3. C. 8. D. 13. B.
4. C. 9. A 14. C.
5. A 10. A. 15. D.

13

You might also like