You are on page 1of 6

Filipino

( mga uri ng panitikan )

x-iodine
rowielyn saladino
kahulugan ng mito
 Ang ibig sabihin ng Mito o Mitolohiya at Myth naman sa wikang Ingles
ay kumpol ng mga tradisyunal na kwento, mga kuwento na binubuo ng
isang partikular na relihiyon o paniniwala. Karaniwang tinatalakay ng
mga kuwentong mito ang mga Diyos at nagbibigay ng mga paliwanag
tungkol sa likas na kaganapan. May Kaugnayan ang mito o mitolohiya
sa alamat at kuwentong bayan. Ang sikat na mitolohiya ay ang
mitolohiya ng mga Griyego na ang mga sikat na tauhan sa mitolohiya
ng mga Griyego ay ang mga diyos na sina Zeus, Aphrodite, Athena at
iba pa.

Mga Elemento ng Mitolohiya


 Ang mga Diyos at Diyosa
 Pinanggalingan ng Daigdig at Uniberso
 Katangiang Topograpikal ng Daigdig
 Pandaigdigang Kalamidad
 Pagkakaroon ng Natural ng Daloy
 Paglikha at Pagsasaayos ng Buhay
 Pinagmulan ng Hayop at mga Katangian Nito
 Pinagmulan ng mga Halaman at mga Katangian nito

Bansang pinagmulan
 Nagmula ito sa Rome o Roma

Layunin ng akda
 malaman ang pinanggalingan ng buhay
 ang pagsamba sa mga diyos diyosan
 ang panrelihiyon pampolitika at kultura
II.
TEMA O PAKSA ( main ideya )
 Pagmamahal ni Cupid sa kanyang asawa na si Psyche
 Pagkakaroon ng tiwala sa iyong partner/asawa
 Pag respeto sa magulang

Mga tauhan
Cupid
- Asawa ni Psyche
- Anak ni venus
- Diyos ng pag-ibig
Psyche
- Asawa ni cupid
- Isang mortal ng ubod ng kagandahan
ZEPHYR
- Diyos ng hangin
- Naglipad kay psyche at sa kaniyang mga kapatid patungo sa mansiyon
PROSPERINE
- Reyna sa ilalim ng lupa
- Pinagkunan ni pysche ng isang kahon ng kagandahan
VENUS
- Ina cupid
- Dyosa ng kagandahan
APOLLO
- Hiningian ng payo ng ama ni psyche
Charon
- Isang bangkero na naghahatid sa kaharian ni hades
Jupiter
- Diyos ng mga diyos at mga tao
Hedone
- Anak nila cupid at psyche
- Diyosa ng kasiyahan
tagpuan
- Sa kaharian ng ama ni Psyche
- Sa templo ng Diyosang si Venus
- Sa tuktok ng Bundok kung saan dinala si Psyche ng kanyang amang hari.
- Sa palasyo ng bagong asawa ni Psyche
- Sa Kaharian ni Zeus, ang Hari o Ama ng lahat ng Diyos sa Olympus.

Kultura nagsasalamin sa may akda

- Gagawin ang lahat para sa taong mahal nya


- Pagiging mapagkumbaba ni psyche
- Pagmamahalan ng dalawang tao
- Pag mamahal sa mga magulang
- Pagiging mapagmataas dahil sa kanyang posisyon

III

Aral at mensahe
 Ang aral at mensahe na nakuha ko sa kwento ni cupid at psyche ay pagtitiwala at pag
mamahal.
Sabi nga ni cupid ang tiwala ay mahalaga dapat ka magtiwala dahil gaano nyo man kamahal
ang isat isa kung wala kayo tiwala ay wala din patutunguhan ang inyo relasyo.wag agad
sumuko pag mahal mo ang isang tao ipaglaban mo ito kahit ano man ang pagsubok na
dumating matatagumpayan mo ito “hindi magbibigay ng pagsubok ang panginoon kung
hindi mo malalampasan ang kailangan mo lang magtiwala ka iyong kakayahan at wag
kalimutan ang panginoon pag nakuha mo na ang iyong hinihiling”
Buod

Ang akdang "Psyche at Cupid" ay umiikot sa pag-ibig ng dalawang nilalang na nagmula sa magkaibang mundo. Tinangkang sirain ng
ina ni Cupid na si Venus. Ngunit ang pag-iibigan nila ay naging matagumpay sa kabila ng mga pagsubok. Sa huli, ay naging immortal
na rin si Psyche at wala ng hadlang sa pagsasama nilang dalawa

Noong unang panahon mayroong isang hari na may tatlong anak na babae. Isa si Psyche sa tatlong magkakapatid at siya ang pinaka
maganda sa mga magkakapatid. Sa sobrang ganda ni Psyche ay talaga namang maraming umibig sa kanya. Sinasabi rin na kahit ang
diyosa ng kagandahan na si Venus ay hindi kayang tumapat sa gandang taglay ni Psyche. Ikinagalit ito ni Venus at mas lalo pang
nakapag pagalit sa kanya ay nakalimot na rin ang mga kalalakihan na magbigay ng alay sa kanya, maging ang kanyang templo ay
napabayaan na. Ang dapat sana na atensyon at mga papuri na para sa kanya ay napunta sa isang mortal.

Dahil dito, nagalit si Venus at inutusan niya ang kanyang anak na si Cupid upang paibigin si Psyche sa isang nakatatakot na nilalang,
ngunit ang nangyari ay ang kabaligtaran. Si Cupid ang umibig kay Psyche na tila siya ang nabiktima ng sarili niyang pana. Inilihim ito
ni Cupid sa kanyang ina, at dahil sa kampante naman si Venus sa kanyang anak hindi na rin ito nag-usisa.

Hindi umibig si Psyche sa sa isang nakakatakot na nilalang, ngunit wala ring umibig sa kanya. Kahit na sobra ang pagmamahal ng mga
ginoo kay Psyche ay sapat na sa kanila ang nakikita lang nila ang dalaga. Samantalang ang kanyang dalawang kapatid ay nakapag-
asawa na ng hari. Nagging malungkot si Psyche sa mga nangyayari. Kaya naglakbay ang amang hari ni Psyche upang humingi ng payo
kay Apollo upang makahanap ng mabuting lalaking makakabiyak ng kanyang anak. Hindi alam ng amang hari na naunahan na siya ni
Cupid upang hingin ang tulong ni Apollo kaya sinabi ni Apollo sa hari na makakapangasawa ng isang nakakatakot na halimaw ang
kanyang anak at kailangan nilang sundin ang kanyang ipapayo.

Nang nagawa na ng amang hari ang lahat ng ipinayo ni Apollo. Ipinag-utos niyang bihisan si Psyche ng pinakamaganda niyang damit.
Pagkatapos mabihisan si Psyche, ipinabuhat ng hari ang anak na parang ihahatid sa kaniyang libingan papunta sa tuktok ng bundok.
Nang makarating sa bundok na paroroonan naghintay ang magandang dalaga sa kanyang mapapangasawa. Walag kamalay mala
yang magandang dalaga na ang kanyang mapapangasawa ay ang Diyos ng pag-ibig na si Cupid.

Naging Masaya naman ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa mahal na mahal nila ang bawat isa ngunit may isang bagay ang
hindi masilayan ni Psyche, ang mukha ng kanyang kabiyak. Nangako si Psyche sa kanyang kabiyak na kahit kalian ay hindi niya
sasabihin sa mga kapatin niya na hindi pa niya nasisilayan ang mukha ng kanyang asawa, ngunit ang mga kapatid pala ni Psyche ay
may masamang binabalak at sa pangalawang pagbisita ng mga ito kay Psyche sinulsulan nila ito na suwain ang kondisyon ng kanyang
asawa.

Sa unang pagkakataon ay nasilayan niya ang napakagwapong mukha ni Cupid ngunit ito ay muntik ng ikamatay ni Cupid dahil sa
isang aksidente .Nang malaman ito ni Venus ay lalo itong nagalit kay Psyche at irto ay pinahirapan niya ng husto. Iba’y ibang mga
pagsubok ang ipinagawa niya kay Psyche subalit nalagpasan itong lahat ni Psyche at ‘di naglaon Ang pag-ibig (Cupid), at kaluluwa
(Psyche) ay nagkatagpo sa likod ng mapapait na pagsubok sa kanilang pagsasama ay hindi na mabubuwag kailanman.

You might also like