You are on page 1of 5

I.

PANIMULA

A.) Uri ng Panitikan

Ang uri ng panitikan na ito ay tinatawag na MITOLOHIYA. Ito ay kuwento na


siyang nagbibigay paliwanag sa mga pinagmulan ng isang pangyayari ,
bagay, kuwento ng mga pakikipagsapalaran ng mga bayani o ng mga diyos
at diyosa.

B.) Bansang Pinagmulan


Ang bansang pinagmulan ng kwentong Cupid at Psyche ay Roma,Italy

C.)Pagkilala sa may Akda


Ang may-akda sa kuwentong Cupid at Psyche ay hindi matukoy dahil ang
kuwentong ito ay isang mito na nagmula ibat ibang henerasyon . Ito ay isinulat
upang ipakita o ipahayag ang kultura ng mga sinaunang tao sa
Mediterranean.

D.) Layunin ng Akda


Ipinapahiwatig ng akdang ito na ang tiwala ay makapangyarihan sapagkat
hindi mabubuhay ang pagibig kung wala ang tiwala. Layunin din nito na ipakita
sa lahat na ang kaiingitan sa iba ay nakakagawa lang ng mali at hindi tamang
gawi.
II. PAGSUSURING PANG NILALAMAN

A.) Tema ng Akda

Ang tema ng akdang Cupid at Psyche ay tungkol sa wagas na pag-ibig na


nababalutan ng katapatan at pagtitiwala sa isa't-isa upang mapanatili itong
matatag.

B.)Mga Tauhan

1.) Psyche – sinasabing pinakamaganda sa tatlong anak ng isang hari.


2.) Cupid- ang anak ni Venus at diyos ng pag-ibig. Nabighani sa kagandahan ni
Psyche.
3.) Venus – ang kinikilalang diyosa ng kagandahan at ina ni Cupid. Nagselos at
nainggit ang diyosang ito sa kagandahan ni Psyche. Nag selos sapagkat mas
marami ang pumapansin na kalalakihan sa kagandahan ng dalaga.
4.) Apollo – ito naman ang diyos ng propesiya. Dito itinanong ng haring ama ni
Psyche ang magiging kapalaran ng kanyang anak. Isang malungkot na balita
para sa buong pamilya ni Psyche ang mensahe ni Apollo.
5.)Zephyr – ito ang tinanyagang hari ng hangin. Siya ang nagdala kay Psyche
patungo sa bago niyang tahanan kasama si Cupid.
6.)Proserpine- Sa kanya humingi si psyche ng isang kahon ng kagandahan
bilang utos ni Venus.

7.)Charon – siya ang may-ari ng bangkang sinakyan ni Psyche patungo sa


underworld para gawin ang utos ni Venus.

8.)Cerberus – ang three-headed dog o asong may tatlong ulo.

9.)Jupiter-hari ng mga diyos at mga tao. SIya ang nagbasbas sa kasal nina
Cupid at Psyche.

10.)Mercury - mensahero ng mga diyos na siyang saksi rin sa pag-iisang dibdib


nina Cupid at Psyche.
C.)Tagpuan o Panahon

- Sa kaharian ng ama ni Psyche.

- Sa templo ng Diyosang si Venus.

- Sa tuktok ng Bundok kung saan dinala si Psyche ng kanyang amang hari.

- Sa palasyo ng bagong asawa ni Psyche.

- Sa Kaharian ni Zeus, ang Hari o Ama ng lahat ng Diyos sa Olympus.

D.) Balangkas ng Pangyayari

1.)May isang napakagandang mortal na tinatawag na Psyche. Lubha siyang


maganda kaya't nakakalimutan na ng lahat ang mag-alay sa Diyosa ng
kagandahan na si Venus dahil nandoon na kay Psyche ang kanilang oras.
Nagalit si Venus kaya't inutusan ang anak na si Cupid na paibigin si Psyche sa
isang nakakatakot na nilalang.
2.)Hindi sinunod ni Cupid ang utos ng ina dahil siya man ay napaibig din sa
taglay na kagandahan ni Psyche.
3.)Dahil labis na nabagabag ang ama ni Psyche kung bakit walang lalaking
umiibig sa kanya kaya humingi siya ng payo kay Apollo at siya'y sinabihan na
dalhin si Psyche at damitan ng maganda sa isang bundok.

4.)Imbes na mapahamak sa bundok ay doon pa niya nakilala ang lalaking


magpapaibig sa kanya

5.)Dumalaw ang mga kapatid ni Psyche at sinulsulan siya na alamin ang


pagkatao ng asawa dahil baka ito ay halimaw. Ito ay sinunod naman ni
Psyche. Ang resulta ay nasaktan niya si Cupid at umalis.

6.)Pumunta si Psyche sa kaharian ni Cupid upang suyuin ito.Ngunit pinahirapan


lamang siya ni Venus at kung anu-anong pagsubok ang ibinigay sa kaniya.
7.)Nang malaman ni Cupid na nandoon ang asawa ay agad niya itong
tinulungan at hiniling mula kay Jupiter ang ambrosia, isang pagkain upang
magiging imortal.

8.)Simula sa araw na iyon naging immortal na si psyche at namuhay sila ng


maligaya.
E.) Kulturang masasalamin sa Akda

Ang akdang Cupid at Psyche ay isang mitolohiya na nagpapakita ng kultura ng


mga sinaunang Griyego at Romano. Ang labis na paniniwala nila sa kanilang
intinuturing na mga diyos at diyosa ay malaking impluwensya sa kanilang
panitikan. Ang moral na batas na inilahad ng mga pinaniniwalaang diyos nila
ay naging batayan ng pamumuhay ng mga sinaunang Griyego.

III.PAGSUSURING PANGKAISIPAN

A.) Mga kaisipang taglay ng Akda.

Una ay ang hindi pag suko ni psyche kay cupid. GInawa ni Psyche ang lahat ng
pagsubok na ibinigay ni Venus para lamang makuha uli niya ang tiwala ni
Cupid.Totoo nga ang kasabihan nila na “Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung
wala ang tiwala” Sa bandang huli nanaig parin ang pagmamahalan ng
dalawa.

B.)Estilo ng pagkasulat ng Akda

- Nagbibigay ng ideya hingil sa paniniwala, kaugalian, at tradisyon.

-Nagpapahayag ng mga katangian ng tao (kalakasan, kahinaan atbp.)

-Kadalasang tungkol sa mga kakaibang nilalang at pangyayari.

-May paniniwalang kayang malampasan ng bida ang mga pagsubok.


IV. BUOD

Si Psyche ang pinakamagandang nilalang sa lupa at agad na nainggit si Venus


sa kanya. Inutusan ni Venus ang kanyang anak na si Cupid na gumawa ng
paraan upang turuan ng leksyon si Psyche ngunit umibig rin siya dito.

Sinabi ni Apollo sa ama ni Psyche na dapat siyang iwanan sa bundok upang


makapangasawa siya ng isang halimaw. Napadpad si Psyche sa isang palasyo.
Kinausap siya ni Cupid ngunit hindi ito nagpapakita kay Psyche.

Bumisita ang mga kapatid ni Psyche at nainggit sila dito. Inutusan nila ang
kapatid na patayin habang natutulog si Cupid. Nang makit ni Psyche ang itsura
ng kanyang asawa na si Cupid agad siyang nagsisi sa kanyang pinlano at
sinubukang patayin si Cupid. Nanginig ang kamay niya kaya't natuluan ng
mainit na langis si Cupid. Nagising ito at umalis sapagkat sumuway si Psyche sa
kanyang utos.

Nagsisi si Psyche at ninais na hanapin si Cupid at suyuiin ito. Napagdesisyonan


niyang pumunta kay Venus upang humingi ng tulong. Iba't iba ang pagsubok
na binigay ni Venus upang pahirapan si Psyche.

Sa huli, nalampasan ni Psyche ang mga pagsubok at nagpakasal sila ni Cupid.


Naging immortal na rin si Psyche at hindi na siya kinainggitan ni Venus.

You might also like