You are on page 1of 38

Paano mo masasabi na

dakila ang pag-ibig ng


isang tao?
SI CUPID AT
PSYCHE
Mitolohiyang Romano
Ang mitolohiya ay nangangahulugang
agham o pag-aaral ng mga mito (myth).
Ang salitang mito o myth ay galing sa
salitang Latin na mythos at mula sa
Greek na muthos na ang kahulugan ay
kuwento. Tumutukoy ito sa kalipunan ng
mga mito mula sa isang pangkat ng mga
tao na naglalahad ng kasaysayan ng
mga diyos at diyosa.
Ang “Cupid at Psyche” ay isa sa
pinakapopular na mitolohiya ng
Rome. Ito ay tumutukoy sa mga
kwento ng mga diyos, diyosa, pag-ibig,
kapangyarihan at kabayanihan na
isinalaysay ni Apuleius. Isinalin ito sa
Ingles ni Edith Hamilton at isinalin
naman sa Filipino ni Vilma C. Ambat.
MGA TAUHAN
Psyche – ang pinakamaganda sa
tatlong anak ng isang hari. Labis
siyang hinahangaan at sinasamba ng
mga kalalakihan at tinanyagan nilang
mas maganda pa kay Venus na diyosa
ng kagandahan. Umibig siya sa anak
ni Venus na si Cupid.
MGA TAUHAN

Cupid - ang anak ni Venus at diyos


ng pag-ibig. Nabighani rin sa
kagandahan ni Psyche. Malihim si
Cupid at ikinubli ang tunay niyang
itsura at katauhan sa asawang si
Psyche.
MGA TAUHAN

Venus - ang kinikilalang diyosa


ng kagandahan at pag-ibig na
siyang ina ni Cupid. Naiinggit
ang diyosang ito sa kagandahan
ni Psyche.
MGA TAUHAN

Haring Ama ni Psyche - ang


ama ng tatlong magkakapatid na
babae. Sa kanya ipinahayag ni
Apollo ang propesiya tungkol sa
magiging kapalaran ng bunsong
anak na si Psyche.
MGA TAUHAN

Dalawang nakatatandang kapatid


na babae ni Psyche - ang nag-
udyok kay Psyche na kilatisin ang
kanyang mapapangasawa. Lihim na
may masamang balak ang dalawa sa
bunsong kapatid dahil sa inggit.
MGA TAUHAN

Apollo - diyos ng propesiya, araw,


musika, at liwanag. Siya ang
nagbigay ng propesiya sa haring ama
ni Psyche tungkol sa kalunos-lunos
na kapalaran ng anak.
MGA TAUHAN
Zephyr - ang tinaguriang hari ng
hangin. Siya ang nagdala kay Psyche
patungo sa bago nitong tahanan o
palasyo kasama si Cupid. Ito rin ang
hangin na nagdadala paakyat ng
palasyo at pababa sa mga kapatid na
babae ni Psyche.
MGA TAUHAN

Proserpine - ang tinaguriang reyna


sa ilalim ng lupa. Sa kanya humingi
ng isang kahon ng kagandahan si
Psyche bilang utos ni Venus.
MGA TAUHAN

Charon - ang may-ari at bangkero


ng bangkang sinakyan ni Psyche
patungo sa ilalim ng lupa
(underworld) para gawin ang utos
ni Venus.
MGA TAUHAN

Jupiter - ang hari ng mga diyos;


diyos ng kalawakan at panahon;
diyos ng mga diyos at tao.
Binasbasan niya ang kasal nina
Cupid at Psyche.
MGA TAUHAN

Mercury - ang mensahero ng


mga diyos na siyang saksi rin sa
pag-iisang dibdib nina Cupid at
Psyche.
SAGUTIN:

1. Sino si Cupid? Sino si Psyche?


2. Ano ang pagkakamaling
ginawa ni Psyche na nagdulot
sa kapahamakan ng kanyang
buhay?
SAGUTIN:
3. Bakit gayon na lamang ang
inggit ni Venus kay Psyche?
4. Bakit itinago ni Cupid ang tunay
niyang pagkatao kay Psyche?
SAGUTIN:

5. Masasabi mo bang tunay ang


pagmamahal ni Psyche kay Cupid?
Patunayan.
6. Bakit sa wakas ay naging panatag
na ang kalooban ni Venus na maging
manugang si Psyche?
SAGUTIN:

7. Bilang isang diyosa, ano ang


hindi magandang katangian ni
Venus? Ipaliwanag.
GAWAIN
1. Magbigay ng sariling reaksiyon
sa pahayag ni Cupid na:

“Hindi mabubuhay ang pag-


ibig kung walang pagtitiwala.”
GAWAIN
2. Kung ikaw si Psyche, tatanggapin
mo rin ba ang mga hamon ni Venus
para sa pag-ibig? Bakit?
3. Anong katangian ng mga tauhan
sa mitolohiya ang nais mong
tularan?
BUOD
Noong unang panahon, may isang
hari na may tatlong anak. Ang isa sa
kanila ay si Psyche, ang bunso at
pinakamaganda sa tatlo. Labis siyang
hinangaan ng mga kalalakihan at
kahit ang kagandahan ng Diyosang si
Venus ay hindi ito mapapantayan.
Dahil dito, ang lahat ng papuri ay
napunta kay Psyche at lubos itong
ikinagalit ni Venus kaya agad nitong
inutusan ang anak na si Cupid upang
paibigin si Psyche sa isang halimaw.
Ngunit taliwas ito sa nangyari
sapagkat si Cupid ay agad na umibig
kay Psyche nung unang beses pa
lamang niya itong nakita.
Nang makauwi na si Cupid ay inilihim
nito sa ina ang nangyari at tiwala
naman dito si Venus. Hindi naganap
ang gustong mangyari ni Venus kay
Psyche na ito ay umibig sa isang
halimaw. Sa halip ay sinamba lamang
ito ng mga kalalakihan maliban doon
ay tila walang nangahas na manligaw
kay Psyche.
Lubos na nabahala ang mga
magulang ni Psyche na baka hindi ito
makapag-asawa kaya't lumapit ito kay
Apollo upang himingi ng payo.
Ngunit lingid sa kaalaman ng mga
magulang ni Psyche ay nauna nang
humingi ng tulong si Cupid kay Apollo
at gumawa ng plano.
Sinabi ni Apollo sa ama ni Psyche na
bihisan ng damit pamburol ang anak
na dalaga at dalhin sa tuktok ng
bundok. Dito ay susunduin daw ito ng
mapapangasawa na isang halimaw.
Malungkot na umuwi ang amang hari
ni Psyche. Gayunman ay sinabi ng
hari ang kapalaran ng anak at buong
tapang itong hinarap ng dalaga.
Noong nasa tuktok na ng bundok si
Psyche ay unti-unti na itong nilamon
ng dilim. Natakot ang dalaga sa kung
ano ang naghihintay sa kanya.
Hanggang sa umihip ang malambing
na hangin (Zephyr) at inilipad siya ng
hangin patungo sa isang damuhan
na parang kama sa lambot at
napapaligiran ng mababangong
bulaklak.
Napakapayapa ng lugar at saglit na
nalimutan ni Psyche ang kalungkutan at
agad na nakatulog sa kapayapaan ng
gabi. Nagising si Psyche sa tabi ng ilog
at natanaw niya ang isang mansyon na
tila ginawa para sa mga Dyos. Lubos na
nalibang si Psyche at kumain ito ng
kumain ng masasarap na pagkain. Sa
pagsapit ng gabi ay dumating na ang
mapapangasawa niya.
Tulad ng mga tinig na di nya nakikita ay
ganoon din ang kanyang mapapangasawa
ngunit nawala rin ang takot nya na akala
nya'y halimaw ito ngunit sa wari nya ito
pala ay isang lalaking matagal na nyang
hinihintay. Isang gabi ay kinausap siya ng
lalaki at binalaan na darating ang dalawang
kapatid ni Psyche doon sa bundok kung
saan siya ay inihatid ng mga ito. Ngunit
pinagbawalan si Psyche na magpakita sa
mga kapatid.
Ganoon nga ang nangyari at walang
nagawa si Psyche kahit naririnig niya
ang pag-iyak ng kanyang mga kapatid.
Sa mga sumunod na araw ay nakiusap
si Psyche na kung maaari ay makita
ang mga kapatid at malungkot na
sumang-ayon ang lalaki.
Kinaumagahan ay inihatid ng ihip ng
hangin ang mga kapatid ni Psyche at
agad nagkita ang magkakapatid.
Dito nalaman ni Psyche na alam pala ng
kanyang mga kapatid na halimaw ang lalaki
ayon sa saad ni Apollo sa kanilang ama at
bawal makita ang mukha nito.
Doon natanto ni Psyche na kaya pala hindi
nagpapakita ng mukha ang lalaki marahil ay
tama nga ang sinabi ng kanyang kapatid.
Humingi ng payo si Psyche sa kanyang mga
kapatid ay siya'y binigyan ng punyal
(patalim) at lampara upang makita sa dilim
ang mukha ng lalaking mapapangasawa.
Nang mahimbing nang natutulog
ang lalaki ay sinindihan ni Psyche
ang lampara at kinuha ang punyal.
Lumapit ito sa higaan ng lalaki at
laking tuwa niya ng malamang hindi
naman pala ito halimaw bagkus ay
napakagwapo pala nito. Wari niya
ay ito na ang pinakagwapong
nilalang sa mundo.
Sa pagnanais na makita ang
mapapangasawa ay inilapit pa ni Psyche
ang lampara at natapunan ito ng mainit na
langis sa dibdib na siyang dahilan upang
magising ito. Nalaman ng lalaki ang
pagtataksil ni Psyche at agad itong umalis.
Sinundan ni Psyche ang lalaki sa labas
ngunit hindi na niya ito nakita. Narinig na
lamang niya ang tinig nito at ipinaliwanag
kung ano talaga ang pagkatao nito.
Umuwi si Cupid sa kanyang ina upang
pagalingin ang sugat sa balikat. Agad
naman nitong nalaman ang pangyayari at
determinado si Venus na ipakita dito kung
paano magalit ang isang Dyosa.
Naglakbay si Psyche at humingi ng tulong
sa ibang Dyos ngunit bigo sapagkat ang
mga ito ay tumangging makaaway si Venus.
Nang dumating si Psyche sa palasyo ni
Venus ay napahalakhak na lamang ito at
nabatid na nagpunta doon si Psyche
upang hanapin ang mapapangasawa.
Binigyan nito ng mahihirap na pagsubok si
Psyche kabilang na dito ang pagbuo ng
hiwa-hiwalay na buto bago dumilim,
pagkuha ng gintong balahibo ng
mapanganib na tupa, pagkuha ng itim na
tubig sa malalim na talon at kahon na may
lamang kagandahan mula kay Proserpine.
Magaling na si Cupid bago bumalik si Psyche
ngunit ang kanyang inang si Venus ay
ibinilanggo siya upang di makita si
Psyche.Masayang bumalik si Psyche sa
palasyo ni Venus at si Cupid naman ay
nagtungo sa kaharian ni Jupiter upang
humingi ng tulong na huwag na silang
gambalain ng kanyang ina. Ikinapahamak
naman ni Psyche ang pagbukas sa kahon na
naglalaman ng kagandahan ni Porsephine sa
pagnanais na madagdagan pa ang kanyang
taglay na kagandahan.
Nagpatawag ng pagpupulong si Jupiter
kasama na doon si Venus at ipinahayag
na si Cupid at Psyche ay pormal nang
ikinasal.
Dinala ni Cupid si Psyche sa kaharian ng
mga diyos at doon ay iniabot ang
"Ambrosia" na kapag ininom ay magiging
imortal. Naging panatag na si Venus na
mapangasawa ni Cupid si Psyche
sapagkat isa na din itong diyosa.

You might also like