You are on page 1of 1

Narito ang balangkas ng mga pangyayari sa Cupid at Psyche

- Ipinag-utos ni Venus na puntahan ni Cupid si Psyche upang isumpa na iibig sa isang halimaw.- Pumunta
si Cupid kay Psyche ngunit hindi naisagawa ang utos ng ina dahil siya man ay nahumaling kay Psyche. -
Umuwi si Cupid na hindi ipinagtapat sa ina ang tunay na nangyari.- Sa kabilang banda, inihatid ng tatay
ni Psyche papuntang bundok dahil ito lang ang paraan para mailigtas si Psyche sa isang
panghabangbuhay na pag-iisa dahil walang umiibig sa kanya.- Natagpuan ni Psyche ang kanyang sarili sa
isang palasyo kasama ang asawang hindi niya makita ang mukha- Dumalaw ang mga kapatid ni Psyche sa
kanya at sinulsulan si Psyche na alamin ang tunay na anyo ng asawa dahil baka ito ay isang halimaw.-
Sinunod ito ni Psyche, dahilan kaya't nasaktan si Cupid at umalis upang magpagaling sa kanilang
palasyo.- Sinundan siya ni Psyche upang suyuin ngunit pinahirapan lamang siya ni Venus, ang nanay ni
Cupid.- Nalaman ito ni Cupid kaya't hiningi nito ang ambrosia mula kay Jupiter na siyang susi sa pagiging
imortal ni Psyche.\- Mula noon naging imortal na si Psyche at namuhay sila ng maligaya.

You might also like