You are on page 1of 11

Filipino Grade 10 1st Quarter

Gawain 1. Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Paano makikilala na ang isang akda ay mitolohiya?

2. Ano ang mga layunin sa pagsusulat ng mitolohiya?

Answer in Activity 1

1. Makikilala mo ito kapag may nakikita kang mga kakaibang pangalan o salita katulad ng mga
dwende, tikbalang,enkantada at marami pang iba.
2. Ang pagsusulat ng mitolohiya ay importante dahil naibabalik natin o nalalaman natin ang
iba't ibang mga nilalang na kasama sa mitolohiya.

Gawain 2. Pag-uugnay: Batay sa naunawaan mong mensahe sa mitolohiyang “Cupid at Pysche”,


paano mo ito maiuugnay sa iyong sarili, pamilya, pamayanan at lipunan. Gamitin ang grapikong
representasyon sa pagpapahayag ng iyong kaisipan. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Sarili: Maiuugnay ko ang kwentong mitolohiya na Cupid at psyche sa aking sarili sa pamamagitan
ng mahalin ko ang aking sarili dahil kung di ka mahal ng ibang tao ay ikaw lang ang makakagawa
nito , kung may gusto kang gawin ay sundin mo ang iyong puso hanggang nasa tamang desisyon kapa
manalig ka sa panginoon dahil sya lang ang nag-iisa na hindi ka iiwan.

2. Pamilya: Maiuugnay ko ang kwentong mitolohiya na Cupid at psyche sa aking pamilya sa


pamamagitan ng mahalin sila dahil base sa kwentong aking nabasa ay tungkol ito sa pagmamahalan
ng dalawang imortal kaya mamahalin ko ang aking pamilya dahil sila ang sandigan ko kapag walang
wala ako sila ang nandiyan kapag ako ay nanlulumo kaya hanggang kaya nila ay kaya ko rin lagpasan
ang mga pagsubok ng buhay.

3. Lipunan: Maiuugnay ko ang kwentong mitolohiya na Cupid at psyche sa aking lipunan sa


pamamagitan ng tulungan ang isa't isa dahil base sa kwentong mitolohiya na Cupid at psyche di sila
nag iisa sa mga pagsubok na kinahaharap nila binigyan ng mga diyos si pysche ng ambrosia ang
pagkain ng mga diyos upang maging mortal, kaya sa aking lipunan ay kailangan natin o namin
magtulungan sa ano mang oras.

4. Maiuugnay ko ang kwentong mitolohiya na Cupid at psyche sa aking pamayanan sa pamamagitan


ng tulungan parang parehas lang yan sa lipunan kailangan natin ang isa't isa sa kagipitan sa kahit ano
mang sakuna katulad sa kwento Cupid at pysche may tumulong sa kanilang mga diyos upang maging
sila sa huli kaya dapat maging mabuti at mapagkumbaba sa ating kapwa para kapag walang wala
tayo nandiyan sila upang tayo ay tulungan.
Gawain 3. Gumawa ng isang Komik Istrip tungkol sa mahalagang pangyayari sa akda na iyong nabasa.
Kailangang gumamit ka ng 10 pandiwa o berbo sa iyong Komik Istrip. Salungguhitan ang 10 pandiwa o berbo.
Gamiting gabay ang pamantayan sa ibaba sa paggawa ng komik istrip.
Gawain 4A. Batay sa binasang halimbawa ng parabula. Ibigay ang hinihingi. Gumamit ng pang-ugnay
o panandang diskurso sa bawat sagot.

1. Tatlong kabutihan na makikita sa parabula

2. Apat na pangyayari na makikita sa parabula at sa tunay na buhay


3. Tatlong kagandahang-asal na makikita sa parabola, ipaliwanag ang bawat sagot

Mga Sagot:

1. Ang mensahe ng akda ay masasabi nating kakintal kintal sa isipan. Una, ito ay mga parangal ng
diyos na masasabing mailalagay sa sariling buhay. Pangalawa dahil binibigyang pansin ng aral ng
akdang tusong katiwala ang pagiging katiwa tiwala hindi lamang sa mga maliliit na bagay bagkus ay
mapagkakatiwalaan din sa mga malalaking bagay na maaaring mailagay sa mga taong madaling
matukso lalo na sa mga kayamanan sa mundo. At ikatlo, ang pagpili sa kayamanan na kung saan na
hindi maaaring dalawa ang sambahin ng isang tao dahil kung ang isa ay kanyang nagustuhan ang
ikalawa ay kanyang kamumuhian. Sa huling bahagi makikita na ang ginugusto para sa mga tao ay
kinasusuklaman ng diyos.

2. Una, Maraming tao ang mukhang pera, pangalawa maraming tao ang mandaraya sa mundong ito,
pangatlo maraming tao ang gumagawa ng masama para lang sa pera.

3. Una, may mga tao na kahit hindi sila ginagalang ay ginagalang parin nila ang mga nang mamaliit sa
kanila, pangalawa isang maikling kuwento na naglalayong magturo ng magandang asal at ugali,
pangatlo mapagkakatiwalaan ka sa malaking bagay kung naipakita mong mapagkakatiwalaan ka sa
kahit maliit na bagay lamang.

Gawain 4B. Isa-isang ibigay ang element ng binasa. Ilarawan ang mga ito.

1. Tauhan at paglalarawan

2. Tagpuan at paglalarawan

Mga Sagot:

1. Tauhan:

Hesus- Ating diyos na mapagkumbaba , mapagmahal at walang katulad, diyos ng mga diyos hari ng
mga hari sya ang nag-iisang diyos ko.

2. Tauhan ni Hesus- mga nagmamahal kay Hesus at alagad ng kabutihan.

3. Amo- Mukhang pera walang ibang iniisip kundi pera.

4. Katiwala- Isang sakim sa pera sinungaling na tao.

5. Mga may utang- Sila ay mababait na tao, nung pinatawag ni katiwala ay nilamangan ang
babayaran sa inutang pero wala silang magawa kundi manahimik.

2. Tagpuan at paglalarawan - Ang tagpuan ay isang silid kung saan nandoon ang mga tauhan doon
sila nag usap-usap tungkol sa tusong katiwala na nilakihan ang tubo ng utang ng mga nangutang.
Gawain 4C. Magsaliksik pa ng isang parabula. Pagkatapos, ilahad ang sinaliksik na parabula sa
pamamagitan ng isang collage.
Gawain 5. Sagutin ang mga tanong.

1. Paano sinimulan ni Plato ang kanyang sanaysay?

2. Ano-ano ang pananaw ni Plato tungkol sa tinalakay niyang paksa?

3. Paano binigyan ng konklusyon ni Plato ang kanyang sanayay?

4. May pangyayari bas a kasalukuyan na maihahalintulad mo sa paksang tinalakay sa sanayasay


ni Plato. Patunayan

1. Sa pamamagitan ng paglalatawan ng sitwasyon ng mga tao

2. Na ang edukasyon ay ang magsisilbing daan upang mabuksan ang ating isipan sa katototohanan sa
mundong ating tinatakpan.

3. Ayon kay plato,ang mga taong walang edukasyon ay parang nasa isang kweba, sa kanyang
pananaw pawang mga anino lamang ng katotohanan, ang mga imahe ng mga bagay na nakita nila sa
mundo ang tunay na imahe ay nasa mundo ng mga ideya ayon sa kanyang sanaysay ang mga
konsepto ng mga bagay ay nasa isipan na ng tao mula kapanganakan. Kakailanganin lamang na
gagamitin ang pangangatwiran upang sila'y matuklasan.

4. Sa kanyang pananaw, pawang mga anino lamang ng katotohanan ang mga imahe ng mga bagay na
nakikita nila sa mundo. Ang tunay na imahe ay nasa 'Mundo ng mga ideya'.

Gawain 6. Gumawa ng isang di pormal na sanaysay na nagpapahayag ng sarili mong pananaw sa


paksang tinatala ni Plato. Gumamit ng 10 ekspresyon sa pagpapahayag ng konsepto ng pananaw.

Aking Sagot:

Ang aking pananaw sa aking nabasang paksa na tinatala ni plato ay sya ay may magandang kaisipan
dahil gusto nyang umunlad ang kanyang nakikita ayaw nyang maraming naghihirap sa tingin ko ay
nasasaktan sya sa kanyang nasasaksihan dahil maraming nahihirapan na tao at mga batang kapos
palad na hindi makapagaral dahil sa kahirapan sa tingin ko ay parehas kami ng kaisipan tungkol sa
kahirapan dahil ako ay naawa sa mga taong kapos palad hindi ko naman sinasabi na ako ay
mayaman ngunit nakakakain ako tatlong beses sa isang araw at mayroon akong tirahan na maayos
kaya ako nag-aaral ng mabuti para magtulungan ko ang mga taong kapos palad para mapagaral ang
mga batang nahihirapan sa kanilang sitwasyon kaya malaki ang pasasalamat ko na nakakapagaral
ako at hindi ko sasayangin ang oportunidad na ito dahil isa itong malaking regalo na bigay ng diyos.

Gawain 7. Sa panahon ng Pandemic na ating nararanasan ngayon, sino-sino ang mga maituturing mong mga
bayani? Paano nila ipinapakita ang kanilang kabayanihan? Gayahin ang pormat na nasa ibaba. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.
Bayani: Aking mga Magulang
Kabayanihang Nagawa: Dahil hindi nila kami pinapabayaan kahit sobrang hirap ng panahon
Gawain 8. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa kwaderno.

1. Sino ang pangunahing tauhan sa epiko? Ano-anong katangiang taglay ang kanyang
ipinamalas?

2. Maituturing bang bayani si Tuwaang? Bakit?


3. Ano-anong mga katangian nila na maaaring maihahalintulad sa tao?

4. Sa tunay na buhay, anong supernatural na kapangyarihan mayroon tayo na maaring


panlaban natin sa mga kalamidad? Ipaliwanag.

5. Anong pagpapahalagang moral ang nais ipabatid ng akda? Ipaliwanag

Mga sagot:

1. Si Gilgamesh , sya ay gusto laging. May digmaan ginagawa nyang alipin ang kanyang nasasakupan
at higit sa lahat sarili nya lang ang iniisip nya.

2. Pasensya na ngunit wala pong tauhan na ang pangalan ay tuwaang.

3. Ang katangian nila na pwedeng maihahalintulad sa tao ay sila ay makasarili dahil sa panahon
ngayon ay wala ng paki ang ibang tao sa kapwa nila kaya masakit isipin ngunit kailangan tanggapin.

4. Sa tingin ang Supernatural na kapangyarihn natin na pwedeng panlaban sa mga kalamidad ay


Pagdarasal sa Panginoon dahil sya ang tagapagligtas at sabi nga sa bibliya tawagin mo ang aking
pangalan at ikaw ay maililigtas.

5. Sa tingin ang pagpalahalagang moral na nais ipabatid sa akda ay lahat ng kasamaan ay mayroong
katapusan hindi man ngayon ngunit darating at darating ang panahon na mangyayari ito.
Gawain 9. LIKHAKANTA. Panuto: Pumili ng ilang bahaging nababasa mula sa epiko at lapatan ito ng sariling
himig. Gumamit ng 10 panada sa mabisang paaglalahad. Irekord ang iyong nagawang output. Narito ang
pamantayan sa paggawa
Pamantayan Puntos Marka
Kalinawan sa Pagbigkas 5 puntos
Pagpapalutang sa Himig 5 puntos
Kaangkupan at Kaayusan 5 puntos
Kabuuan 15 puntos

Aking sagot: Diko po alam kung paano iaattach yung ginawa kong kanta para sa gawain 9 diko po
alam kung papaano ilagay sa Word Microsoft kaya paki chat nalang po ako sa Facebook Eric
Narbasa.
Gawain 10. Ilarawan ang pangunahing tauhan ng maikling kwento batay sa sumusunod:

a. Panlabas na anyo

b. Panloob na anyo

1. Mithiin

2. Damdamin

3. Pag-iisip

4. Pagkilos

5. Pananalita

Mga sagot:

a.panlabas na anyo: sya ay maganda kaakit-akit at kahali-halina.

b.Panloob na anyo: di nya iniisip ang kapakanan ng iba mataas ang prinsipyo.

1.Labis ang pagmimithi niyang maging kahali-halina, kaibig-ibig, maging tampulan ng papuri, at
pangimbuluhan ng ibang babae.

2.Hindi naging maligaya si Mathilde sa piling ng kanyang asawa.

3.Siya’y naniniwalang isinilang siya upang magtamasa ng karangyaan sa buhay.

Narito ang halimbawa ng panlabas na anyo.

4.Nanghiram siya ng kuwintas na diyamante sa kaibigang si Madame Forestier at kanyang nawala.

5.At ano ang nais mong isampay sa aking likod?”

Gawain 11: Talakayin ang sumusunod batay sa nilalaman ng maikling kwento na Ang Kwintas at
pangyayari sa ating bansa.

a.Isyu tungkol sa Paggamit ng Iisang Wika

b. Isyu tungkol sa Paraan ng Pananamit

c. Isyu tungkol sa Relihiyon at mga Tradisyon

d. Isyu tungkol sa Hilig at Pagpapahalaga

Aking Sagot:

a. Wala namang isyu sa paggamit ng Iisang wika dahil ito ay nagamit ng maayos.

b. Sa pananamit naman ay sya ay maarte kahit na sila ay mahirap lamang sa madaling salita sya ay
ayaw kutyain.

c. Wala namang nabanggit tungkolbsa kanyang relihiyon ang sa kanyang tradisyon ngunit sa tingin ko
ay sila ay pormal.
d. Sa hilig naman sya ay may hilig sa mga eleganteng bagay at sa pagpapahalaga naman ay di nya
pinahalagahan ang kanyang hiniram na kwintas.

Gawain 12: Balikan ang naging wakas ng maikling kwentong Ang Kwintas. Pag-aralan ito at sumulat
ng sarili mong wakas gamit ang kaalamang natutuhan sa wastong gamit ng mga salitang panuring sa
tauhan.

Aking Ginawang wakas:

Malakalipas ang matagal na panahon ay naghirap sila at iba na ang itsura nya sa dati ang dating
magandang tahanan ay nauwi sa tagpi-tagping kahoy, sya ngayo'y isang labandera at ang asawa
naman nya ay nagtitinda ng mga gulay di sapat ang kanilang kinikita para makapagpundar ng ari-
arian at isang araw ay nakita ni Mathilde si Madame Forestier at sa tindahan at di na sya makilala
nito sa sobrang laki ng pinagbago nito tinanong ito kung bakit naging ganito ang kinahinatnan nito ay
sinabi ang buong kwento at sinabi ni madame foster na Nagkakahalaga lang ito ng 100 prangko sya
ay naiyak sa kahihiyan na nagawa at simula non pinahiram silang magasawa ng puhunan ni madame
Forestier at unti-unting nakabangon sa kahirapan.

Gawain 13. Sumulat ng dalawang talatang pagsasalaysay ng ilang pangyayaring kahalintulad sa isa sa
mga nabasa mong nobela. Isaalang-alang ang paggamit ng mga panandang pandiskurso.

Salungguhitan ang mga ito at tukuyin kung alin sa sumusunod ang isinasaad a) pagpupuno o
pagdaragdag ng impormasyon; b) pagbubukod o paghihiwalay; c) kinalabasan o kinahinatnan; o kaya
‘y d) kondisyon o pasubali.

1. Mayroong isang kuba na naninirahan sa Notre dame na tanggap ang sariling kaanyuan at
katangian at napaibig sya sa isang magandang mananayaw na si La Esmeralda tinanggap nya ang
mga kutya ng mga tao saka nya tinanggap ang sinasabi ng iba.

2. Si Mathilde ay mapagmalaki maliban sa kanyang asawa kaya nung inimbitahan sila sa isang
pagdaraos ay nanghiram pa siya ng kwintas sa ibang tao bunga nito ay nawala nya ang kwintas at
nakabili ng bago upang may maibalik nag ka utang sila ng malaki na hindi napagaalaman na mura
lang ang kwintas at ito ay imitasyon lamang kaya naman malaki ang kanilang pagsisisi sa nagawang
kamalian.

Name: Eric G. Narbasa

Grade 10: under ma’am Zalsos

You might also like