You are on page 1of 5

10

Gawain 5: Usap Tayo…


Panuto: Sagutin ang tanong sa iyong sagutang papel.
1. Ipaliwanag ang katuturan ng simposyum.
Ito ay isang okasyon o pagpupulong kung saan nagtitipon-tipon ang mga
kalahok para talakayin ang isang partikular na paksa o isyu. Ito ay parang sa
komperensya ngunit mas maliit ang sakop ng simposyum. Sa isang
simposyum, karaniwan nang may isa o ilang taong gumaganap bilang
pangunahing tagapagsalita. Ang ilang piling eksperto ang tumatalakay sa paksa
o usaping napakaloob sa simposyum. Pakkinggan naman sila ng mga kalahok,
bisita, kapwa eksperto sa paksa o tagasubaybay sa nagaganap na simposyum.

2. Anong mga isyung panlipunang iyong napakinggan sa balita ang nais mong
pag-usapan sa isang simposyum at bakit?
Nais kong talakayin ang isyu tungkol sa diskriminasyon sa mga taong
parte ng LGBTQ at sa mga taong may kakaibang katangian. Gusto kong
malaman ng lahat na anuman ang anyo natin ay pantay pantay ang lahat
ng karapatan nating mga tao. Nais ko ring talakayin ang mga paraan na
aming puwedeng maisagawa upang ipagbigay alam ito sa mga tao at
maging maalam at gumawa ng tama.

Pagyamanin

Ang pagiging isang mahusay na pinuno ay tunay na ikinararangal ng isang


bansa at kaniyang mga mamamayan. Isang napakalaking hamon ang maging isang
marangal na pinuno at maging isang mandirigma sa ikadarakila ng kaniyang mga
nasasakupan.
Ngayon, iuugnay naman natin ang mensaheng nakapaloob sa nabasang
akda sa iyong sarili at sa lipunang iyong ginagalawan. Sagutin mo pang muli ang
kasunod na mga tanong upang mas mapalalim ang iyong pag-unawa.
Gawain 6: Saliksik Epiko!
Panuto: Magsaliksik at pumili ng epikong natatangi sa iyong lokalidad. Magbahagi
ng sariling opinyon o pananaw sa pagkakaiba at pagkakatulad ng epikong ito sa
epikong Troy? Punan ang tsart sa ibaba.

TROY
Epikong Lokal: IBALON
Pagkakaiba: Labanan ng mga kaharian ang mayroon sa epikong Troy
samantala sa epikong Ibalon naman ay labanan ng mga tao at mga
dambuhala.
Patunay: Sa epikong Troy ay naglalaban laban ang mga kahariang Trojan at
Greek samantala sa epikong Ibalon naman ay nilalabanan nila ang mga
dambuhala tulad ng malaking baboy-ramo, buwaya, mababangis na tamaraw
at lumilipad na mga pating at mga halimaw na kumakain ng tao.
Pagkakatulad: Ang dalawang epiko ay may mga pinuno sa kanilang kaharian
o lupa at ang parehas ay may malalakas na tagapagtanggol o tagapaglaban.
Patunay: Sa epikong Troy, si Haring Agamemnon ang pinuno ng kahariang
Greece at ang kanyang pinakamalakas na mandirigma na si Achilles, at sa
kahariang Trojan naman ay si Haring Priam at ang pinakamalakas niyang
mandirigma ay si Hector. Sa epikong Ibalon naman ay pinuno ng ibalon si
Baltog at ang kanyang inaasahang tagapagtanggol ng kanilang bayan ay ang
kanyang kaibigan na si Handiong.

Isagawa

Upang matiyak mo kung talagang naintindihan ang araling ating tinalakay sa


mga nagdaang araw tungkol sa suring-basa at simposyum, isagawa mo ang
pangwakas na gawain para sa Unang Markahan.

Gawain 8: GRASPS

Goal Makasusulat ng suring-basa ng Epikong Troy upang ito’y maaaring


maipresenta sa isang simposyum.
Role Isang presenter o maglalahad ng isang suring-basa.
Audience Guro, mga kapwa mag-aaral.
Situation Ipagpalagay na ikaw ay nasa simposyum at ikaw ay naatasang
magsagawa ng suring-basa sa Epikong Troy.
Product Suring-basa sa Epikong Troy na maipepresenta sa isang
simposyum. Maaaring ihayag sa hatirang pangmadla o social
media.
A. Mabisang Panimula........................................................10 puntos
B. Pagsusuring Pangnilalaman............................................25 puntos
Standards C. Pagsusuring Pangkaisipan..............................................25 puntos
D. Lalim ng Pagsusuri..........................................................20 puntos
E. Buod….............................................................................20 puntos
Kabuoan.........................................................................100 puntos

SURING-BASA SA ISANG AKDANG MEDITERRANEAN


I. Panimula
Pamagat:
May-akda:
Uri ng panitikan:
Bansang pinagmulan:
Layunin ng Akda:
II. Pagsusuring Pangnilalaman
Tema o Paksa ng akda:
Mga Tauhan sa Akda:
Tagpuan / Panahon:
Balangkas ng mga Pangyayari:
Kulturang Masasalamin sa Akda:
III.Pagsusuring Pangkaisipan
Mga Kaisipan / Ideang Taglay ng Akda:
Estilo ng Pagkakasulat ng Akda:
IV. Buod
4

You might also like