You are on page 1of 20

10

Filipino
Unang Markahan – Modyul 2
Mga Akdang Pampanitikan ng
Mediterranean
(PARABULA)

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


Filipino – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 2: Akdang Pampanitikan ng Mediterranean (Parabula)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Bemel Joy C. Paderes
Editor: Rhea S. Taboada, Nenita M. Aboniawan, Elena G. Madria,
Delaila G. Cabahug
Tagasuri: Amelia L. Tortola, EdD EPS - FILIPINO
Tagaguhit: Faith Jade G. Curacho
Tagapamahala:
Punong Tagapamahala: Arturo B. Bayocot PhD, CESO III
Rehiyunal na Director
Ikalawang Tagapamahala: Victor G. De Gracia Jr. PhD, CESO V
Pangalawang Rehiyunal na Direktor
Randolph B. Tortola, PhD, CESO IV
Tagapamanihalang Pansangay
Shambaeh, A. Usman, PhD.
Pangalawang Tagapamanihalang Pansangay
Mga Kasapi: Mala Epra B. Magnaong, PhD, Chief-CLMD
Neil A. Improgo, PhD, EPS-LRMS
Bienvinido U. Tagalimot Jr., PhD, CESO IV
Elbert R. Francisco, PhD. Chief-CID
Amelia L. Tortola, EdD EPS-FILIPINO
Rejynne Mary L. Ruiz, PhD, LRMS-manager
Jeny B. Timnal, PDO II
Shella O. Bolasco, Division Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng: Department of Education- Region X


Office Address: Fortich Street, Sumpong, Malaybalay City 8700 Bukidnon
Telefax: 088 - 813 - 3634
E-mail Address: bukidnon@deped.gov.ph
Paunang Salita
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul para sa Unang Markahan hinggil sa mga Akdang Pampanitikan ng Mediterranean,
ang Parabula.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to 12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.

Para sa Mga Magulang:


Ang modyul na ito ay nilikha upang matugunan ang sitwasyong kinakaharap ng ating mga
mag-aaral. Ang magiging lugar ng kanilang kaalaman ay hindi lamang limitado sa silid-
aralan kundi maging sa inyong tahanan.
Inaasahan ang inyong pakikiisa, pakikipagtulungan at paggabay sa ating mga mag-aaral
upang mapatnubayan sa mga gawaing itinalaga sa kanila.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong


matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang
mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng
modyul.

ii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong
kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa


pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin


Karagdagang ang iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.
Gawain
Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul.
Pagwawasto

Ang manunulat ay nagnanais na matutuhan mo ang tungkol sa parabula na nagmula sa


Mediterranean nang sa ganoon ay lalawak pa ang iyong kaalaman hinggil dito lalo na sa
parabulang “Ang Tusong Katiwala”. Kasabay mo ring matutuhan sa modyul na ito ang
pagsasanib ng gramatika at retorika na nakatuon sa mga pananda sa mabisang paglalahad
ng pahayag na susubok sa kakayahan mong magpahayag at mangatwiran.

Tanggapin mo ang mainit na pagbati ng manunulat sa pagtanggap mo sa hamon sa gitna


ng pandemya na ipagpatuloy ang pagtuklas ng kaalaman at karunungan. Sapat na ito
upang maipakita mo ang kabayanihan sa iyong sariling kaparaanan.

Aralin
Panitikan: Ang Tusong Katiwala
1
Ang araling ito ay nagtatalakay tungkol sa “Ang Tusong Katiwala”. Ang araling
iyong babasahin ay magbibigay sa iyo ng aral. Ang pagtitiwala ay mahalaga sa isang tao.

Ang modyul tungkol sa parabula at elemento ng nito, ito ay ginawa at isinulat para sa
inyo. Sa pamamagitan nito tutulungan kayong mas lalo pang mabibigyan ng mas malalim na
kahulugan at maintindihan ang nais ipabatid ng isang Parabula.

ALAMIN

Sa mga araling mababasa at masusuri mo, makikita ang nais maipabatid ng akda sa
mga mambabasa. Maiuugnay mo ang mga tiyak na karanasan sa akda sa pansariling
karanasan at sa karanasan ng iba na nabatid at nasaksihan mo. Mapatunayan mo rin na sa
pamamagitan ng akda ang kahirapan at pagsisikap ay ang dahilan na makapagpapaunlad sa
tao.

iii
Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. F10PN-Ib-c-63 - Nasusuri ang tiyak na bahagi ng napakinggang parabula na


naglalahad ng katotohanan, kabutihan at kagandahang-asal.
2. F10PB-Ib-c-63 - Nasusuri ang nilalaman, elemento at kakanyahan ng binasang akda
gamit ang mga ibinigay na tanong
3. F10PT-Ib-c-62 - Nabibigyang- puna ang estilo ng may-akda batay sa mga salita at
ekspresyong ginamit sa akda
4. F10PS-Ib-c-65 - Naipakikita ang kakayahan sa pagsasalita sa paggamit ng mga
verbal at di-verbal na estratehiya
5. F10PU-Ib-c-65 - Naisusulat nang may maayos na paliwanag ang kaugnay na collage
na may kaugnayan sa paksa
6. F10WG-Ib-c-58 - Nagagamit ang angkop na mga piling pangugnay sa pagsasalaysay
(pagsisimula, pagpapadaloy ng mga pangyayari, pagwawakas)

iv
SUBUKIN

Panuto: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Saan sa Bibliya makikita ang kuwento ng Ang Tusong Katiwala.


a. Lukas 16:1-15 b. Lukas 18:1-15 c. Lukas 19:1-15 d. Lukas 20 :1-15

2. “Ang pangit na ‘yan ay aking alipin.” Ano ang katangian ng tauhan?


a. Malupit ang amo sa kaniyang alipin
b. Mausisa ang amo ang sa kaniyang alipin
c. Masaya ang amo sa pagkakaroon ng alipin
d. Mapanlait ang amo sa kaniyang alipin dahil sa pangit na anyo.
3. Kung ang isang tao ay may katiwala anong antas ng pamumuhay mayroon siya?
a. dukha b. mahirap c. marangya d. matiwasay

4. “Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay”. Ano ang
ipinapahiwatig ng pangungusap?
a. Maging matapat ka sa lahat ng bagay b. Ibigay ang hindi para sa iyo
c. Maging masunurin sa lahat ng oras d. Huwag maging sakim sa kapwa

5. Ano ang ginawa ng katiwala sa ari-arian ng amo?


a. inilustay b. pinundar c. ibinigay d. tinago

6. Sino ang nagkuwento ng “Ang Tusong Katiwala”?


a. Hesus b. Pedro c. Moises d. David

7. “Nagpapanggap kayong _____ sa harap ng mga tao, ngunit alam ng Diyos ang nilalaman ng inyong mga
puso? Punan ang nawalang salita.
a. mahirap b. matalino c. matuwid d. masipag

8. Magkano ang utang ng una sa kanyang amo?


a. Isandaang kabang bigas b. Isandaang tapayang alak po
c. Isandaang kabang trigo d. Isandaang tapayang langis po

9. Magkano ang utang ng ikalawa sa kanyang amo?


a. Isandaang kabang bigas b. Isandaang kabang trigo
c. Isandaang tapayang alak po d. Isandaang tapayang langis po

10. “Walang aliping maaaring maglingkod nang sabay sa dalawang panginoon. Anong ibig sabihin nito?
a. malungkot b. pagmamahal c. nagmamalaki d. sakim

11. “Mas mabuting maging mahirap na alipin ng dukhang panginoon”. Ang salitang may salungguhit ay
nangangahulugang ________.
a. amo b. Diyos c. bathala d. siga
12. Anong aral ang ipinahahayag ng “Ang Tusong Katiwala”?
a. Ang pagtitiwala b. Gawin lahat para matuwa ang iba
c. Pag-isipan ng mabuti ang desisiyon upang di magsisi sa huli d. Wag maging sakim

1
13. Mabuti bang taglayin ng Diyos ang katangian ng tao?
a. Oo, upang madaling magkaunawaan ang tao at Diyos.
b. Oo, upang maunawaan ng Diyos ang kahinaan ng tao.
c. Hindi, sapagkat banal ang Diyos at makasalanan ang tao.
d. Hindi, dahil ang Diyos ay sa langit samantalang ang tao ay sa lupa.

14. Galit ang mga Pariseo kay Hesus, sapagkat sila ay ___________.
a. mapagbigay b. maunawain c. masipag d. sakim

15. “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang __________ ng mundong ito sa paggawa ng mabuti.”
a. buhay b. katawan c. kayamanan d. utak

BALIKAN
Ano ang Parabula?

Ito ay isang kuwento na gumagamit ito ng pagtutulad at metapora upang mabigyang-diin ang
kahulugan.
Ang mga halimbawa ng parabula ay ang mga kuwento na hinango sa banal na Bibliya.
Ang mga detalye tungkol sa mga tauhan ay nagbibigay ng malalim na kahulugan at binibigyang -
diin ang aral sa kuwento.

Ang Parabula ay sinasabing natagpuan sa kauna-unahang mga taon sa mundo at nabuhay sa


mayamang wika ng mga taga-Silangan. Ang salitang ito ay hango sa salitang Griyego na parabole na
nangangahulugang pagtatabihin ang dalawang bagay upang pagtularin.

Isa itong maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na malimit nangangaral o
nagpapayo hinggil sa isang pangyayari na kadalasang isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral.
Taliwas sa pabula, ang parabula ay walang inilalahok na tauhang hayop, halaman, bagay, at puwersa sa
kalikasan na pawang kumikilos at nagsasalita gaya ng tao. Ang katangian nito ay pagiging isang kwentong
naglalahad o nagpapakita ng kung paanong katulad ang isang bagay sa iba pang bagay. Karamihan sa mga
talinghagang nasa Bibliya ay mga kuwentong sinabi ni Hesus, na nagtuturo ng kung ano ang katangian ng
Kaharian ng Diyos.
Ang parabula ay realistikong banghay at ang mga tauhan ay tao. Ang mga parabula ay may tonong
mapagmungkahi at maaaring may sangkap ng misteryo. Mula sa Elements of Literature nina Holt et. al.
2008. Texas, USA
Halimbawa ng mga Parabula:
 Ang Alibughang Anak
 Parabula ng Sampung Dalaga
 Ang Mabuting Samaritano
 Parabula ng Nawawalang Tupa
 Pinatigil ni Jesus ang Bagyo sa Lawa
 Pinagaling ni Jesus ang Sampung Ketongin
 Ang Talinghaga Tungkol sa Pariseo at Publikano

2
ELEMENTO NG PARABULA

Apat na Elemento o Bahagi ng Parabula:


1. Tauhan
• Sila ang gumaganap sa isang kuwento na hinango sa Banal na Bibliya na maaaring makapagbigay ng
magandang aral sa mambabasa.
2. Tagpuan
• Ito ang pinangyarihan ng isang kuwento. Maaaring ito ay tumutukoy sa lugar na pinagdausan ng
kuwento, oras at panahon.
• Sa parabula madalas hindi agad nasasabi ang tagpuan ng kuwento o may mga pagkakataong hindi na
ito nababanggit sa parabula.
3. Banghay
• Ito ang paglalahad ng pagkasunud-sunod ng mga pangyayaring naganap sa kuwento
4. Aral o magandang kaisipan
• Ito ang matututunan ng isang mambabasa matapos mabasa ang isang kuwento.
• Marami ang gustong iparating ng parabula sa atin kaya dapat natin itong isabuhay lalo pa at ito ay
nakasulat sa banal na Bibliya

TUKLASIN

Sa bahaging ito, basahin mo ang isa pang halimbawa ng parabula. Nais kong bigyan mo ng
pansin ang pagkakahabi ng mga pangyayari upang masagot mo ang pokus na tanong: Bakit mahalagang
maunawaan at mapahalagahan ang parabula bilang akdang pampanitikan?

Ang Tusong Katiwala


(Lukas 16:1-15)
Philippine Bible Society
Nagsalita uli si Hesus sa kaniyang mga alagad, “May taong mayaman na may isang katiwala. May
nagsumbong sa kaniyang nilulustay nito ang kaniyang ari-arian. Kaya’t ipinatawag niya ang katiwala at
tinanong, ‘Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng iyong pangangasiwa sapagkat
tatanggalin na kita sa iyong tungkulin. Sinabi ng katiwala sa kanyang sarili, “Ano ang gagawin ko? Aalisin
na ako ng aking amo sa pangangasiwa. Hindi ko kayang magbungkal ng lupa; nahihiya naman akong
magpalimos. Alam ko na ang aking gagawin! Maalis man ako sa pangangasiwa ay may tatanggap naman sa
akin sa kanilang tahanan!”
Isa-isa niyang tinawag ang mga may utang sa kaniyang amo. Tinanong niya ang una, “Magkano ang
utang mo sa aking amo?” Sumagot ito, “Isandaang tapayang langis po.” “Heto ang kasulatan ng iyong
pagkakautang. Dali! Maupo ka’t palitan mo, gawin mong limampu,” sabi ng katiwala. At tinanong naman
niya ang isa, “Ikaw, gaano ang utang mo?” Sumagot ito, “Isandaang kabang trigo po.” “Heto ang kasulatan
ng iyong pagkakautang,” sabi niya. “Isulat mo, walumpu.” Pinuri ng amo ang tusong katiwala dahil sa
katalinuhang ipinamalas nito. Sapagkat ang mga makasanlibutan ay mas mahusay gumawa ng paraan kaysa
mga maka-Diyos sa paggamit ng mga bagay ng mundong ito.
At nagpatuloy si Hesus sa pagsasalita, “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang kayamanan
ng mundong ito sa paggawa ng mabuti sa inyong mga kapwa upang kung maubos na iyon ay tanggapin
naman kayo sa tahanang walang hanggan. Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay
mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay, ang mandaraya sa maliit na bagay ay mandaraya rin sa

3
malaking bagay. Kaya kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa mga kayamanan ng mundong ito, sino ang
magtitiwala sa inyo ng tunay na kayamanan? At kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa kayamanan ng
iba, sino ang magbibigay sa inyo ng talagang para sa inyo?” “Walang aliping maaaring maglingkod nang
sabay sa dalawang panginoon sapagkat kamumuhian niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran
nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi kayo maaaring maglingkod ng sabay sa Diyos at sa
kayamanan.”
Nang marinig ito ng mga Pariseo, kinutya nila si Jesus sapagkat sakim sila sa salapi.Kaya’t sinabi
niya sa kanila, “Nagpapanggap kayong matuwid sa harap ng mga tao, ngunit alam ng Diyos ang nilalaman
ng inyong mga puso. Sapagkat ang itinuturing na mahalaga ng mga tao ay kasuklam-suklam sa paningin
ng Diyos.”

SURIIN

Ang pagtitiwala ang isa sa pinakamahirap na mawala sa isang tao. Kapag ito ay mawala hindi ka na
sigurado kung pagkakatiwalaan ka niyang muli.
Sa kuwentong “Ang Tusong Katiwala” ipinapakita sa atin na huwag maging manloloko. Ang
kanyang katiwala ay nilustay ang ari-arian ng kanyang amo. Dahil dito ay pinagdudahan siya ng kanyang
amo.
Ipinakita ni Hesus sa kanyang mga apostol at sa atin na kailangan gamitin natin ang ating kayamanan
sa tama. Huwag lokohin ang taong nagtitiwala sa iyo. Ibig ipahatid ni Hesus na ang tao ay mas madaling
gawin ang makamundong gawain kaysa sumunod sa utos ng Diyos. Mahirap kasi maging totoo kaysa
magsinungaling. Minsan din madali natin mabubulag ang mga taong sa atin ay may tiwala.
Sinabi rin ni Hesus na walang katiwala na magsisilbi sa dalawang amo. Dahil ang isa ay pupurihan
niya at ang isa ay ipagkakanulo niya. Ibig sabihin nito hindi pwedeng pagsabayin ang dalawa. Ang salapi at
pagsisilbi sa Panginoon. Minsan kasi ang tao ay mas gusto pang kumita ng pera kaysa pumunta sa simbahan.
Kapag panahon na ng pagpunta sa simbahan, marami na tayong ginagawa. Nasisilaw tayo sa pera kaya
minsan nalilimutan na nating magsilbi sa Diyos.
Sa panahon ngayon mas nakikita natin na kaunti lamang ang nagsisimba dahil ang iba ay abala sa
pagpapalago ng kanilang negosyo. Hindi lingid sa ating kaalaman na sa oras ng kagipitan lamang tayo
tumatawag sa Panginoon.
Huwag nating hayaan na maging alipin tayo ng salapi. Piliin natin nang maayos ang desisyon na
ating gagawin dahil nasa huli ang pagsisi.

PAGYAMANIN

GAWAIN 1: Bigyang-puna ang estilo ng may-akda sa pamamagitan ng pag-iisa-isa sa mga salita at


ekspresyong ginamit sa parabula.

Nagustuhan Hindi Nagustuhan Natutuhan

4
ISAISIP

Gawain 3: Ibuod ang natutuhan sa parabulang “Ang Tusong Katiwala”. Isulat ito sa sagutang papel.
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

ISAGAWA

GAWAIN 4: Iba Ka: Ilahad ang nilalaman, elemento at kakayahan ng parabulang “Ang Tusong Katiwala”.
Gamitin ang grapikong presentasyon.

Kakayahan

Parabulang “Ang
Tusong Katiwala”

Elemento

Nilalaman

TAYAHIN

Panuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang titik ng tamang sagot.

1. Anong aral ang ipinahahayag ng “Ang Tusong Katiwala”?


a. Ang pagtitiwala b. Gawin lahat para matuwa ang iba
c. Pag-isipan ng mabuti ang desisiyon upang di magsisi sa huli d. Wag maging sakim
2. “Mas mabuting maging mahirap na alipin ng dukhang panginoon”. Ang salitang may salungguhit ay
nangangahulugang ________.
a. . amo b. Diyos c. bathala d. siga
3. Magkano ang utang ng una sa kanyang amo?
a. Isandaang kabang bigas b. Isandaang tapayang alak po
c. Isandaang kabang trigo d. Isandaang tapayang langis po
4. “Walang aliping maaaring maglingkod nang sabay sa dalawang panginoon.”
Anong ibig sabihin nito?
a. malungkot b. pagmamahal c. nagmamalaki d. sakim
5
5. Galit ang mga Pariseo kay Hesus, sapagkat sila ay ___________.
a. mapagbigay b. masipag c. maunawain d. sakim
6. Ano ang ginawa ng katiwala sa ari-arian ng amo?
a. inilustay b. pinundar c. ibinigay d. tinago
7. Magkano ang utang ng ikalawa sa kanyang amo?
a. Isandaang kabang bigas c. Isandaang tapayang alak po
b. Isandaang kabang trigo d. Isandaang tapayang langis po
8. “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang __________ ng mundong ito sa paggawa ng mabuti.”
a. buhay b. katawan c. kayamanan d. utak
9. Kung ang isang tao ay may katiwala anong antas ng pamumuhay mayroon siya?
a. dukha b. mahirap c. marangya d. matiwasay
10. Mabuti bang taglayin ng Diyos ang katangian ng tao?
a. Oo, upang madaling magkaunawaan ang tao at Diyos.
b. Oo, upang maunawaan ng Diyos ang kahinaan ng tao.
c. Hindi, sapagkat banal ang Diyos at makasalanan ang tao.
d. Hindi, dahil ang Diyos ay sa langit samantalang ang tao ay sa lupa.
11. Sino ang nagkuwento ng “Ang Tusong Katiwala”?
a. Hesus b. Pedro c. David d. Moises
12. “Ang pangit na ‘yan ay aking alipin.” Ano ang katangian ng tauhan?
a. Malupit ang amo sa kaniyang alipin
b. Mausisa ang amo ang sa kaniyang alipin
c. Masaya ang amo sa pagkakaroon ng alipin
d. Mapanlait ang amo sa kaniyang alipin dahil sa pangit na anyo.
13. “Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay”. Ano ang
ipinapahiwatig ng pangungusap.
a. Maging matapat ka sa lahat ng bagay b. Ibigay ang hindi para sa iyo
c. Maging masunurin sa lahat ng oras d. Huwag maging sakim sa kapwa
14. “Nagpapanggap kayong _____ sa harap ng mga tao, ngunit alam ng Diyos ang nilalaman ng inyong mga
puso? Punan ang nawalang salita.
a. mahirap b. matalino c. matuwid d. masipag
15. Saan sa Bibliya makikita ang kuwento ng Ang Tusong Katiwala?
a. Lukas 16:1-15 b. Lukas 18:1-15 c. Lukas 19:1-15 d. Lukas 20 :1-15

KARAGDAGANG GAWAIN

GAWAIN 5: Ilarawan Mo: Para sa iyo, ano-ano ang katangian ng parabulang “Ang Tusong
Katiwala”? Magbigay ng tatlong katangian at isulat sa loob ng hugis-puso at ipaliwanag kung
bakit ito ang katangiang dapat niyang taglayin.

Ipaliwanag: _____________________________________________________________________
6
Aralin
Pagsasalaysay at Pang-ugnay
2

Ngayong maliwanag na sa iyo ang mga bagay na pag-aaralan mo tungkol sa “Ang Tusong Katiwala”
maaari mo nang ipagpatuloy ang susunod na aralin.

ALAMIN

Ang araling ito ay ginawa at isinulat para sa iyo. Sa pamamagitan nito, tutulungan kang mas maintindihan at
magagamit ang berbal at di-berbal na estratehiya ng pagpapahayag. Sinasaklaw ng araling ito ang tungkol
sa pagsasalaysay.

Sa pagtatapos ng modyul na ito inaasahan na:

1. F10PS-Ib-c-65 - Naipakikita ang kakayahan sa pagsasalita sa paggamit ng mga verbal at di-verbal na


estratehiya
2. F10WG-Ib-c-58 - Nagagamit ang angkop na mga piling pangugnay sa pagsasalaysay (pagsismula,
pagpapadaloy ng mga pangyayari, pagwawakas).

SUBUKIN

Panuto: Basahing mabuti ang tanong. Piliin ang tamang sagot at isulat ang titik sa iyong kwaderno.

1. Ginagamit sa pagsusunod-sunod ng pangyayari


a. pandiwa b. pang-abay c. pang-ugnay d. pangatnig

2. Siya ang kinikilalang pinakamahusay makisama sa kanilang lugar. _______, karapat-dapat lamang siya
na mahalal bilang susunod na punong barangay. Ano ang angkop na pang-ugnay upang mabuo ang
pangungusap?
a. dahil sa b. kung gayon c. tiyak d. tuloy

Para sa bilang 3-4

1. Sapagkat ang itlog ng manok na iyon ay ginto! Laking tuwa ng babae sa kanyang
natuklasan!
2. Ganoon nga ang kanyang ginawa.  Pinakain niya nang pinakain ang manok
hanggang sa ito’y mabundat. At dahil dito, namatay ang kanyang kawawang manok.
3. May isang babaing nakabili ng buhay na manok sa palengke
4. Upang makarami, naisip ng babae na baka kapag pinakain niya nang pinakain ang
manok ay mas dumalas ang pangingitlog nito.

7
3. Tukuyin ang pagkakasunod-sunod ng kwento.
a. 3124 b. 1432 c. 4312 d. 2341

4. Aling pangungusap sa teksto ang gumamit ng hudyat sa pagkakasunod-sunod?


a. pangungusap 1 b. pangungusap 3 c. pangungusap 2 d. pangungusap 4

5. Sising-sisi ang babae sa kanyang ginawa.  ____________ kanyang kasuwapangan, ang manok ay
namatay.  Ano ang angkop na pang-ugnay?
a. Ganoon din b. Kung ganoon c. Nang dahil sa d. Sapagkat

6. Dahil sa gusto ng babae na mangitlog ang manok ng ginto, pinakain niya ang manok hanggang sa ito ay
nabundat at namatay. Anong ugali mayroon ang babae.
a. mapagbigay b. matapobre c. mapagmahal d. sakim

7. __________, katalinuhan ng katiwala, pinuri ng amo ang tusong katiwala. Ano ang angkop na pang-
ugnay sa pangungusap.
a. dahil sa b. kung ganoon c. ganoon din d. sapagkat

8. Laking gulat niya nang mangitlog ito.  Sapagkat ang itlog ng manok na iyon ay ginto!. Anong damdamin
ang nangibabaw sa babae.
a. gulat b. panibugho c. lungkot d. tuwa

9. Pinakain niya ng pinakain ang manok __________ ito ay namatay.


a. dahil sa b. kung kaya’t c. saka d. tuloy

10. Ano ang kulay ng itlog ng manok?


a. ginto b. pula c. pilak d. tanso

11. _________ang manok ay minsan lang sa isang buwan kung mangitlog. Ano ang angkop na pang-ugnay
sa pangungusap?
a. ganoonpaman b. ngunit c. kung ganoon d. sapagkat

12. Ano sa Ingles ang komunikatibong gramatikang ito ng wikang Filipino, tinatawag na pang-ugnay
a. adjective b. cohesive device c. independent clause d. preposition
.
13. Nang dahil sa kanyang kasuwapangan, ang manok ay namatay. ___________ mas lalo pa siyang
nawalan.
a. at gayon b. saka c. dahil sa d. sapagkat

14. Ano ang magiging resulta kapag ang isang tao ay sakim?
a. magiging maligaya b. magsisisi bandang huli
c. maraming magmamahal sa kanya d. walang tutulong sa kanya

15. Lahat ay pang-ugnay na salita, maliban sa isa.


a. at gayon b. dahil sa c. nito d. sapagkat

8
BALIKAN

Sa nakaraang aralin ay tinalakay natin ang tungkol sa parabula Ang Tusong Katiwala. Nalaman din
natin kung gaano kahalaga ang pagtitiwala. Tinalakay din natin dapat gamitin sa mabuti ang kayamanan na
ating makukuha. Wag baliwalain kung anuman ang mayroon tayo, ‘wag mag papadala sa pagiging sakim sa
pera. Hindi natin kayang magsilbi sa dalawang panginoon sapagkat kailangan natin pumili kung kanino tayo
magiging tapat.

TUKLASIN

Gawain1: Alam-Nais-Natutuhan
Gayahin ang pormat ng talahanayan sa sagutang papel at isulat dito ang hinihiling na sagot sa
sumusunod:

Alam: Ano ang iyong nalalaman tungkol sa parabula at angkop na gamit ng pang-ugnay na salita?
Nais Malaman: Ano ang gusto mong malaman tungkol sa parabula at angkop na gamit ng pang-ugnay
na salita?
Natutuhan: Batay sa talakayan, ano ang natutuhan mo tungkol sa parabula at angkop na gamit ng pang-
ugnay na salita?

(Sasagutin ito pagkatapos talakayin ang tungkol sa parabula at apangkop na pang-ugnay).

A. Alam B. Nais Malaman C. Natutuhan

a. Parabula____________
a. Parabula_____________ a. Parabula_____________
_
b. Angkop na pang- b. Angkop na pang-
b. Angkop na pang-
ugnay_____________ ugnay_____________
ugnay_____________

SURIIN

Ang Manok at ang Gintong Itlog

May isang babaeng nakabili ng buhay na manok sa palengke.  Nang ito ay kanyang inuwi sa bahay
upang alagaan, laking gulat niya nang mangitlog ito sapagkat ang itlog ng manok na iyon ay ginto! Laking
tuwa ng babae sa kanyang natuklasan. Tiyak na ito ang magbibigay sa kanya ng kayamanan! Ngunit ang
manok ay minsan lang sa isang buwan kung mangitlog. Hindi naglaon, hindi na naging sapat sa karangyaang
pamumuhay ng babae ang minsan sa isang buwang pangingitlog ng manok. Upang makarami, naisip ng
babae na baka kapag pinakain niya nang pinakain ang manok ay mas dadalas ang pangingitlog nito.

9
Ganoon nga ang kanyang ginawa.  Pinakain niya nang pinakain ang manok hanggang sa ito’y
mabundat.Dahil dito, namatay ang kanyang kawawang manok. Sising-sisi ang babae sa kanyang ginawa.
Nang dahil sa kanyang kasuwapangan, ang manok ay namatay.  Ngayon, mas lalo pa siyang nawalan.

Mga piling pang-ugnay sa pagsasalaysay

Gumamit ng pang-ugnay sa pagsasalaysay upang madagdagan o di - kaya ay mapag-iisa ang


pangyayari o mga impormasyon.
Kabilang din sa pagsasalaysay ang pagpapahayag ng resulta o maaaring kinalabasan ng pangyayari
Pasalita man o pasulat, nakatutulong sa pag-unawa ng mensahe ng isang diskurso ang paggamit ng mga
salitang nagsasama-sama o nag-uugnay ng isang ideya sa mga kasunod na ideya.

Tinatawag sa Ingles na cohesive devices ang ganitong salita. Sa komunikatibong gramatikang ito ng
wikang Filipino, tinatawag na pang-ugnay ang mga ito.

Sa pagkakaroon ng organisadong mga pangyayari sa bawat bahagi, madali ngayong matutukoy ang
mensaheng nakapaloob dito. May mga angkop na pangugnay na ginagamit sa pagsasalaysay.

Tunghayan ang mga nakatalang impormasyon tungkol dito upang mabatid kung paano makatutulong
ang mga pang-ugnay sa pagsasalaysay upang mabisang maunawaan ang mensaheng nakapaloob sa akdang
pampanitikan.

Alam mo ba na...
ginagamit sa pagsusunod-sunod ng pangyayari ang mga pang-ugnay o panandang pandiskurso?
Narito ang mahahalagang gamit nito:
a. Pagdaragdag at pag-iisa-isa ng mga impormasyon
- Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito sa paglalahad ng pagkakasunodsunod ng mga
pangyayari o pag-iisa-isa ng mgaimpormasyon. Kabilang dito ang mga salitang: pagkatapos,
saka, unang, sumunod na araw, sa dakong huli, pati, isa pa, at gayon din.

b. Pagpapahayag ng mga kaugnayang lohikal


- Ginagamit ang pang-ugnay sa bahaging ito ng paglalahad ng dahilan at bunga, paraan at
layunin, paraan at resulta maging sa pagpapahayag ng kondisyon ang kasi.

- Samantalang sa paglalahad ng bunga at resulta ginagamit ang pang-ugnay na at


kinalabasan. Kabilang na pang-ugnay sa bahaging ito ang dahil sa, sapagkat at kaya, kung
kaya, kaya naman, tuloy at bunga.

ISAISIP

Gawain 2: Basahin ang sariling pagsasalaysay batay sa binasang parabula at piliin sa loob ng panaklong ang
angkop na pang-ugnay.

May isang babaing nakabili ng buhay na manok sa palengke. 1. (Noong ito’y, at nang ito’y) kanyang
inuwi sa bahay upang alagaan, laking gulat niya nang mangitlog ito. 2. (Sapagkat, Dahil) ang itlog ng
10
manok na iyon ay ginto! Laking tuwa ng babae sa kanyang natuklasan! Tiyak na ito ang magbibigay sa
kanya ng kayamanan! 3(Gayun pa man, Ngunit) ang manok ay minsan lang sa isang buwan kung mangitlog.
Hindi naglaon, 4. (hindi na, kaya’t) naging sapat sa karangyaang pamumuhay ng babae ang minsan sa isang
buwang pangingitlog ng manok.
5. (Upang, Nang) makarami, naisip ng babae na baka kapag pinakain niya nang pinakain ang manok
ay mas dumalas ang pangingitlog nito.6. (Dahil sa, Ganoon) nga ang kanyang ginawa.  Pinakain niya nang
pinakain ang manok hanggang sa ito’y mabundat. 7. (dahil dito dahil sa), namatay ang kanyang kawawang
manok. Sising-sisi ang babae sa kanyang ginawa.  Nang 8. (Dahil sa, kaya’t) kanyang kasuwapangan, ang
manok ay namatay, 9. (Kaya, Upang) mas lalo pa siyang nawalan.

PAGYAMANIN

GAWAIN 2: Unawain mo! Sagutin ang mga tanong sa sagutang papel.

1. Ano ang paksa ng parabulang binasa?


2. Bakit kaya pinakain nang pinakain ng babae ang manok? Sa anong kadahilanan?
3. Ano ang mahahalagang natutunan ng babae matapos mamatay ang manok?
4. Magbigay ng iyong reaksiyon sa ginawa ng babae. Anong aral ang nakuha mo sa binasang parabula.
Magbigay ng isang pangyayaring nahalintulad sa parabula.
5. Masasalamin ba sa binasang parabula ang kultura at kaugalian ng ating bansa? Sa paanong paraan
inilahad ito ng may-akda?

ISAGAWA

Gawain 4: Pumili ng isang paksa na gagamitin sa pagsulat ng isang kuwento o pangyayari. Salungguhitan
ang mga pang-ugnay na ginamit sa pagsulat.
Mga Paksang Pagpipilian:

EDUKASYON PANGARAP

PAMILYA PROPESYON

TAYAHIN 11
Panuto: Basahing mabuti ang tanong. Piliin ang tamang sagot at isulat ang titik sa iyong kwaderno.

1. Ginagamit sa pagsusunod-sunod ng pangyayari


b. pandiwa b. pang-abay c. pang-ugnay d. pangatnig

2. Siya ang kinikilalang pinakamahusay makisama sa kanilang lugar. _______, karapat-dapat lamang siya
na mahalal bilang susunod na punong barangay. Ano ang angkop na pang-ugnay upang mabuo ang
pangungusap?
b. dahil sa b. kung gayon c. tiyak d. tuloy

Para sa bilang 3-4


1. Sapagkat ang itlog ng manok na iyon ay ginto! Laking tuwa ng babae sa kanyang natuklasan!
2. Ganoon nga ang kanyang ginawa.  Pinakain niya nang pinakain ang manok hanggang sa ito’y
mabundat. At dahil dito, namatay ang kanyang kawawang manok.
3. May isang babaing nakabili ng buhay na manok sa palengke
4. Upang makarami, naisip ng babae na baka kapag pinakain niya nang pinakain ang manok ay mas
dumalas ang pangingitlog nito.

3. Tukuyin ang pagkakasunod-sunod ng kwento.


b. 3124 b. 1432 c. 4312 d. 2341

4. Aling pangungusap sa teksto ang gumamit ng hudyat sa pagkakasunod-sunod?


b. pangungusap 1 b. pangungusap 3 c. pangungusap 2 d. pangungusap 4

5. Sising-sisi ang babae sa kanyang ginawa.  ____________ kanyang kasuwapangan, ang manok ay
namatay.  Ano ang angkop na pang-ugnay?
b. Ganoon din b. Kung ganoon c. Nang dahil sa d. Sapagkat

6. Dahil sa gusto ng babae na mangitlog ang manok ng ginto, pinakain niya ang manok hanggang sa ito ay
nabundat at namatay. Anong ugali mayroon ang babae.
b. mapagbigay b. matapobre c. mapagmahal d. sakim

7. __________, katalinuhan ng katiwala, pinuri ng amo ang tusong katiwala. Ano ang angkop na pang-
ugnay sa pangungusap.
b. dahil sa b. kung ganoon c. ganoon din d. sapagkat

8. Laking gulat niya nang mangitlog ito.  Sapagkat ang itlog ng manok na iyon ay ginto!. Anong damdamin
ang nangibabaw sa babae.
b. gulat b. panibugho c. lungkot d. tuwa

9. Pinakain niya ng pinakain ang manok __________ ito ay namatay.


b. dahil sa b. kung kaya’t c. saka d. tuloy

10. Ano ang kulay ng itlog ng manok?


b. ginto b. pula c. pilak d. tanso

12
11. _________ang manok ay minsan lang sa isang buwan kung mangitlog. Ano ang angkop na pang-ugnay
sa pangungusap?
b. ganoonpaman b. ngunit c. kung ganoon d. sapagkat

12. Ano sa Ingles ang komunikatibong gramatikang ito ng wikang Filipino, tinatawag na pang-ugnay
b. adjective b. cohesive device c. independent clause d. preposition
.
13. Nang dahil sa kanyang kasuwapangan, ang manok ay namatay. ___________ mas lalo pa siyang
nawalan.
b. at gayon b. saka c. dahil sa d. sapagkat

14. Ano ang magiging resulta kapag ang isang tao ay sakim?
b. magiging maligaya b. magsisisi bandang huli
d. maraming magmamahal sa kanya d. walang tutulong sa kanya

15. Lahat ay pang-ugnay na salita, maliban sa isa.


b. at gayon b. dahil sa c. nito d. sapagkat

KARAGDAGANG GAWAIN

Child Labor tumaas ang bilang Maagang Pag-aasawa Epekto ng pagdating COVID 19

Bullying Act sa Paaralan Pinatupad Maagang Pagbubuntis Paggamit ng Gadgets bilang


alternatibo sa pag-aaral
Gawain 5: Pumili ng isang paksang nasa talahanayan at sumulat ng paliwanag hinggil dito gamit ang
mga pang-ugnay.

Rubriks sa Malikhaing Pagsulat


Mga Kailangan pang
Napakahusay Mahusay Katamtaman
Pamantayan pagbutihin
20-16 15-11 10-6
5-1
Nilalaman/ Angkop ang napiling Angkop ang Angkop ang napiling Hindi angkop ang
Paksa paksa o tema ng mito. napiling paksa o paksa o tema, hindi paksa, hindi maayos at
Napakahusay ang tema at mahusay masyadong maayos at malinaw ang
pagkakabuo at wasto ang ang pagkakabuo ng malinaw ang pagkakabuo at gamit
gamit ng pang-ugnay. mito at wasto ang pagkakabuo at gamit ng pang-ugnay
gamit ng pang- ng pang-ugnay.
ugnay
Pagkakalahad Pinakamalinaw ang Malinaw ang Hindi gaanong angkop Hindi angkop ang
ng ideya pagkakalahad ng ideya at pagkakalahad ng ang pagkakalahad at pagkakalahad at ideya
angkop ang ginamit na ideya at angkop ang ideya sa gamit ng sa gamit ng pang-
pang-ugnay. ginamit na pang- pang-ugnay ugnay
ugnay.
Gamit ng mga Napakahusay ang gamit Mahusay ang gamit Di-masyadong Kakikitaan ng
13
salita ng mga salita sa ng mga salita sa mahusay ang paggamit maraming mali sa
pangungusap pangungusap ng mga salita sa paggamit ng mga salita
pangungusap sa pangungusap.

Susi sa Pagwawasto

ARALIN 2

ARALIN 1

14
15

You might also like