You are on page 1of 16

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD – MAYNILA
Sentrong Edukasyon ng Maynila, Luntiang Parke ng Arroceros
Daang Antonio J. Villegas. Ermita, Maynila
TeleFax: 5272315 / 5275184 / 5275180
manila_deped@yahoo.com

Filipino 10
Filipino 10
MITO:
MAGING INSTRUMENTO, TAPAT AT OBLIGADO

Unang Markahan
Unang Linggo
Modyul 1

Kasanayang Pampagkatuto:
Naiuugnay ang mga mahahalagang kaisipang nakapaloob sa binasang akda sa nangyayari
sa sariling karanasan, pamilya, pamayanan, lipunan at daigdig

1
PAANO GAMITIN ANG MODYUL?
Bago simulan ang modyul na ito, kailangang isantabi muna ang lahat ng inyong
pinagkakaabalahan upang mabigyang pokus ang inyong gagawing pag-aaral gamit
ang modyul na ito. Basahin ang mga simpleng panuto na nasa ibaba para makamit
ang layunin sa paggamit nito.
1. Sundin ang lahat ng panutong nakasaad sa bawat pahina ng modyul na ito.
2. Isulat ang mahahalagang impormasyon tungkol sa aralin sa inyong kwaderno.
Nagpapayaman ng kaalaman ang gawaing ito dahil madali mong matatandaan
ang mga araling nalinang.
3. Gawin ang lahat ng mga pagsasanay na makikita sa modyul.
4. Hayaan ang iyong tagapagdaloy ang magsuri sa iyong mga kasagutan.
5. Pag-aralang mabuti ang naging katapusang pagsusulit upang malaman ang
antas ng iyong pagkatuto. Ito ang magiging batayan kung may kakailanganin ka
pang dagdag na pagsasanay para lalong malinang ang aralin. Lahat ng iyong
natutuhan ay gamitin sa pang-araw-araw na gawain.
6. Nawa’y maging masaya ka sa iyong pag-aaral gamit ang modyul na ito.

BAHAGI NG MODYUL
1. Inaasahan – ito ang mga kasanayang dapat mong matutuhan pagkatapos
makompleto ang mga aralin sa modyul na ito.
2. Unang Pagsubok – ito ang bahaging magiging sukatan ng mga bagong kaalaman
at konseptona kailangang malinang sa kabuuan ng aralin.
3. Balik-tanaw – ang bahaging ito ang magiging sukatan ng mga dating kaalaman at
kasanayang nalinang na.
4. Maikling Pagpapakilala ng Aralin – dito ibibigay ang pangkalahatang ideya ng
aralin.
5. Gawain – dito makikita ang mga pagsasanay na gagawin mo ng may kapareha.
6. Tandaan- dito binubuo ang paglalahat ng aralin.
7. Pag-alam sa mga Natutuhan – dito mapatutunayan na natutuhan mo ang bagong
aralin.
8. Pangwakas na Pagsusulit – dito masusukat ang iyong antas ng pagkatuto sa
bagong aralin.

2
Pag-uugnay ng Mahahalagang
Aralin Kaisipan Mula sa Binasang
1
Akda

INAASAHAN

Nais mo bang marating ang mga lugar na ipinagmamalaki ng daigdig? Alam kong
nasasabik ka nang maglakbay kaya sasamahan ka ng modyul na ito bitbit ang mga
kaalaman, karunungan at ang iyong kawilihan para may matuklasan at maibahaging
kaalaman sa kapwa mo kabataan.
Karagdagan pa, sa iyong paglalakbay kasama ang modyul na ito ay
mapagaaralan mo ang hiwaga at talinghaga ng buhay!
Kaya naman, halina’t makiisa at gawing gabay ang mga layunin sa paglalakbay!
Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
1. naiuugnay ang mga mahahalagang kaisipang nakapaloob sa binasang akda
sa nangyayari sa sariling karanasan, pamilya, pamayanan, lipunan at daigdig;
2. naiuugnay ang kahulugan ng salita batay sa kayarian nito;
3. naipahahayag nang malinaw ang sariling opinyon ukol sa paksang
tinatalakay.
Ngayong alam mo na ang iyong misyon, susubukin muna ang iyong kaalaman
kung may sandata ka na ba sa iyong paglalayag. Kaya naman, upang malaman kung
ano na ang iyong kakayahan, narito ang isang pagsubok.

UNANG PAGSUBOK
Panuto A: Tukuyin ang titik ng tamang sagot sa bawat bilang at itala sa kuwaderno.

1. Saang uri/genre ng panitikan nabibilang ang Cupid at Psyche?


A. sanaysay B. epiko C. mitolohiya D. dula

2. Anong kaisipan ang maiuugnay sa pinagdaanang buhay nina Cupid at


Psyche?
A. Bagong hari, bagong ugali.
B. Ang tumatakbo nang matulin kung matinik ay malalim.
C. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
D. Sa hinaba-haba ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.

3
3. Aling katangian ni Cupid ang magandang tularan bilang anak?
A. masunurin B. matapang C.maawain D. madasalin

4. Anong kaisipan ang nagpapahiwatig ng hindi magandang katangian ni


Psyche?
A. Ang kalahating kasinungalingan ay kalahating katotohanan.
B. Ang maniwala sa sabi-sabi, walang bait sa sarili.
C. Ang di lumingon sa pinanggalingan, hindi makararating sa paroroonan.
D. Kuwarta na, naging bato pa.

5. Sa pangungusap na “Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang


pagtitiwala,” aling sitwasyon ang HINDI ANGKOP sa pahayag na ito?
A.Pagiging tapat ng mag-asawa sa kabila ng long-distance relationship (ldr)
B.Bukas na komunikasyon sa pagitan ng bawat miyembro ng pamilya
C.Pagtupad sa pangakong binitawan sa iyong kaibigan
D.Iasa ang lahat ng gawa sa Diyos

Panuto B: Lagyan mo ng tsek (√) ang kahon na tumatalakay sa konsepto ng


Mitolohiya at ekis (X) kung walang kinalaman. Itala sa kuwaderno ang
kasagutan.

√ /X Konsepto
6 Tumutukoy ito sa kalipunan ng mga mito ukol sa mga diyos-diyosan.
7 May sukat at tugma sa bawat taludtod
8 Ipinaliliwanag ang pagkakalikha ng daigdig.
9 Nagpapahayag ng kuro-kuro ukol sa isang paksa
10 Nagpapahayag ang marubdob na pangarap at pag-asa ng sangkatauhan.

BALIK-TANAW
Nakapanood ka na ba ng mga palabas na kinagigiliwan mo ang tauhan dahil sa
kakaiba niyang lakas? Naisip mo ba minsan na ikaw ay isa sa mga tauhang may
natatanging kakayahan? O kaya’y nakasama mo na ba minsan sa iyong pagbabasa at
maging sa panaginip ang mga iniidolo mong “Gods and Goddesses” na may kakaibang
kapangyarihan? O baka naman nakuwentuhan ka na rin ng iyong mga lolo at lola o ng
iyong ina o tatay ng mga kuwentong punong-puno ng kababalaghan na tulad ng mga
mitikal na nilalang.

Ang lahat ng ito’y maaaring maging bahagi ng yugto ng iyong kabataan. Hindi
man kapani-paniwala ang mga nabasa, narinig o iyong napapanood ngunit ang mga
hatid nitong ARAL, PAG-ASA at PAG-IBIG sa sangkatauhan ay mananatili mula
kamusmusan, kabataan hanggang sa pagputi ng mga buhok ng karunungan.

Panuto: Pagmasdang mabuti ang mga larawan. Muling alalahanin ang mga narinig,
nabasa, napanood at napakinggang mitikal na nilalang ng sinaunang
mitolohiyang Pilipino sa pamamagitan ng pagsagot sa mga nakahandang

4
tanong. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.

________1. Sa kasalukuyang yugto ng pandemya na nararanasan natin, kung ikaw


ay magpapaabot ng iyong hinaing sa Diyos, kanino mo ipadadala ang iyong
mensahe?
________2. Kung may pagkakataon kang humingi ng gabay at mga panuntunan sa
mabisang pakikidigma (pagharap sa hamon ng buhay) kanino ka
dudulog?
_________3. At kung gusto mong makita ang liwanag ng buhay sa kabilang ng
pagharap natin sa COVID-19, sinong pinakamakapangyarihan ang iyong
tatawagin?
_________4. Kung gusto mong mapanatili ang ani ng iyong tagumpay sa buhay,
kanino ka dudulog?
_________5. Sa panahon ng pandemya, tayo ay may kakayahang maglingkod para
sa kapakanang panlahat. Kung gayon, sino ang katulad ng mga
FRONTLINERS dahil sa tapat at mabuting paglilingkod?

MAIKLING PAGPAPAKILALA NG ARALIN

Malawak ang sinapupunan ng MITOLOHIYA sa daigdig. Hindi lamang ang


Pilipinas ang may sariling panitikang nagpapahalaga sa mga mitolohikal na larawan ng
sangkatuhan. Maging ang ROMA at GRESYA ay mayroon ding maipagmamalaking
larawan at kuwento ng pagkakalikha ng daigdig.

Ang Panitikan ng Roma ay nagsimula noong kalagitnaan ng ikatlong siglo BCE.


Subalit ang mga ito ay salin lamang ng mga tula at dula ng Gresya. Halimbawa nito si
Livius Andronicus na nagsalin ng Odyssey sa Latin. Kaugnay nito, batid ng sandaigdigan
na makapangyarihan ang panitikan ng mga Griyego na naging salamin ng
pagkakakilanlan ng panitikang Romano. Ngunit di lumaon ay namayagpag din ang
panitikan sa Roma dahil sa mahuhusay na manunulat ng kanilang henerasyon. Isa na
sa mga kinilala ay si Lucius Apuleius Madaurensis, isang latinong manunulat dahil sa
kaniyang nobelang Metamorphosis na kilala sa tawag na The Golden Ass (donkey). At
isa nga sa mga bahagi nito ay ang itinuturing na Mitolohiya ng Roma dahil sa
pagkakalikha sa imahe at katauhan nina Cupid at Psyche bilang mga kanonisadong
tauhan ng panitikang pandaigdig.

Sino nga ba sina Cupid at Psyche?

5
Upang mas makilala mo pa ang ipinagmamalaking akda ng Roma na “SI CUPID
at PSYCHE, maaari mo nang basahin ang isa sa mga akdang ipinagmamalaki ng
Mediterranean.

SI CUPID AT SI PSYCHE
Isinalin sa Filipino ni Bb. Angela Ong
Isinaayos ni Bb. Gloria I. Alday

Noong unang panahon, may isang hari na may tatlong anak na babae, lahat ay
naggagandahang dalaga, ngunit ang pinakabata, si Psyche ay higit na nakalalamang sa
dalawang kapatid. Animo’y diyosa na may mga abay na mortal. Ang bantog na di mahihigitang
kagandahan ay kumalat sa malayo at malawak na lupain at di lumaon, maraming tao ang
sinasamba siya na waring isang diyosa. Samantala ang mga templo ni Venus ang itinuturing na
diyosa ng kagandahan ay napabayaan na, naging marumi at ang paboritong siyudad ay naging
magulo na, ang lahat ng tagahanga ni Venus ay pawang naging mga tagahanga ni
Psyche. Nainggit si Venus kay Psyche, kaya tulad ng dati, hiningi niya ang tulong ng anak na si
Cupid. Sinabihan niya si Cupid na bumaba sa lupa at panain si Psyche, upang ito ay mapaibig
sa pinakasusuklamang nilalang sa lupa. Susundin sana ito ni Cupid kung hindi ipinakita sa kaniya
si Psyche. Para bang isa sa mga pana ni Cupid ang tumagos sa sariling puso.Iniwan na ni Venus
si Cupid, tiwala na gagampanan nito ang kaniyang ipinag-uutos.
Ang sumunod na pangyayari ay di na pinagtuunang pansin ng anak. Hindi umibig si
Psyche sa nakapangingilabot na nilalang at higit pang nakapagtataka, hindi naman niya maibig
ang sinuman. Ang lahat ng kalalakihan ay nagkasya na lamang sa pagsamba at paghanga sa
kaniya, ngunit wala ni isa sa kaniya’y tunay na nagmahal. Ang dalawang kapatid naman ay
nakapangasawa ng mga hari, samantalang si Psyche ay naiwang sawi at magisa; para hangaan
lamang at hindi para ibigin.
Lumapit ang kaniyang ama sa dambana ni Apollo upang humingi ng payo. Ayon sa
orakulo o hula, sinabihan siya ni Cupid na pagbihisin si Psyche ng damit na panluksa at dalhin
siya sa tuktok ng isang bundok, kung saan ililipad siya ng serpiyenteng may pakpak, mas malakas
pa kaysa sa mga diyos, pang maging asawa. Nahapis ang ama at ipinarating sa pamilya ang
nakalulungkot na balita. Binihisan nila si Psyche na para bang makikipagburol sa sariling libing at
sila’y tumungo sa tuktok ng burol. Bagama’t ang mga magulang niya ay humahagulgol, nanatili
siyang matapang at sinabing nagagalak siya na ang oras ay dumating na. Naghihinagpis na
naiwan siyang walang kalaban-laban sa tuktok ng bundok. Ang mga kaanak ay nagbalik sa
palasyo at habambuhay na nagluksa para sa kaniya.
Habang si Psyche ay nakaupo sa tuktok ng bundok, umiiyak at nanginginig siya sa takot,
di alam kung ano ang mangyayari. Karak-karaka, isang mainit na ihip ng hangin ang humaplos
sa kaniyang leeg at kaniyang naramdaman na siya ay itinataas, palayo hanggang sa makarating
sa isang parang na ang mga bulaklak ay humahalimuyak. Dito, nalimutan niya ang lahat ng takot.
Nang magising siya ay malapit sa maningning na dagat, at sa pampang nito ay isang palasyo, na
para lamang sa mga diyos. Labis na namangha, nag-alangan siya. Nang sa bubungad siya, ay
kaniyang narinig ang mga tinig na nagsasabing ang palasyo ay para sa kaniya; dapat siyang
maligo at magpalamig at isang handaan ang nakalaan sa kaniya, at sinabi rin ng tinig na sila pa
ang kaniyang tagapagsilbi.
Ang mga pagkain ay napakasarap at ang tubig panligo ay napakalamig. Habang siya ay
kumakain, narinig niya ang malambing na musika ngunit di niya makita ang umaawit. Lumipas
ang araw na iyon na dama niya, na tiyak na malapit na niyang makita ang mapapangasawa.
Pagsapit ng gabi, narinig niya ang pabulong na kalugod-lugod na tinig ng mapapangasawa; at
kaniyang nadama na hindi ito nakasisindak na halimaw na sa halip ay ito na ang asawang
pinakaaasam-asam.
Hindi nakakausap ni Psyche ang mga kapatid sa mahabang panahon, kaya pinakiusapan
ang asawa na anyayahan sila sa palasyo. Ayon sa asawa, ito raw ay magdudulot ng masamang
kapalaran sa kaniya. Di lumaon ay napapayag din niya ito na ipagkaloob ang kaniyang kahilingan.

6
Sinalubong siya ng mga luha yakap ng mga kapatid. Subalit ang mga ito ay napuno ng inggit,
nang matanto na ang kanilang kayamanan ay balewala kung ihahambing sa kayamanan ni
Psyche. Nagsimula silang bumuo ng plano kung paano siya sirain.
Nang gabi ring iyon, pinaalalahanan si Psyche ng asawa. Noon ay batid na ng mga kapatid
niya na hanggang sa mga sandaling iyon hindi pa nakikita ni Psyche ang asawa. Sinimulan nilang
maghasik ng pagdududa at takot sa kapatid; na ang kaniyang asawa ay isang serpiyente tulad
ng sinabi ng orakulo, at darating ang isang gabi, siya ay lalamunin nito.
Napuno ng takot sa halip na pag-ibig ang puso ni Psyche. Nang gabing iyon, nagpauna siyang
matulog sa tabi ng kama ng asawa na may matalas na patalim at lampara; at sa sandaling ang
asawa ay tulog na, pupuntahan niya ito at itatarak ang patalim sa katawan nito, na sa isip niya ay
katawan ng isang nakahihindik na halimaw.
Naguluhan siya, akala niya ito ang kaniyang mapagmahal na asawa, hindi isang halimaw;
ngunit maaari ring ito nga ang mapagmahal na asawa. Kinakailangan niyang matiyak, kaya’t siya
ay nagpasya na ito ay makita ngayong gabi. Nang gabi ring iyon, nag-ipon siya ng sapat na
tapang, sinindihan ang lampara at lumakad nang patiyad sa higaan ng asawa. Nang ilawan ang
lalaki, dito niya natanto na hindi ito halimaw; bagkus ay ang pinakamagandang lalaki na kaniyang
nakita. Nadaig ng hiya dulot ng kawalang tiwala, itatarak na sana niya ang patalim sa sariling
dibdib ngunit ito ay nahulog sa kaniyang kamay. Ang kamay ding iyon na nagligtas sa kaniya,
ang nagkanulo sa kaniya. Habang nanginginig ang mga kamay, isang tulo ng mainit na langis
mula sa lampara ang tumulo sa balikat ng asawa, kaya’t siya ay nagising. Sa nakitang kataksilan,
tumalilis ang lalaki na walang sinabi kahit isang salita. Sinuong ni Psyche ang kadiliman ng gabi
sa paghahanap sa asawa sa malayo at malawak na lupain. Samantala, ang kaniyang asawa ay
tumungo kay Venus upang magamot ang kaniyang sugat. Nang malaman ng ina ang nangyari,
iniwan siya sa gitna ng sakit, sapagka’t lalo itong napuno ng pagseselos. Isinumpa niyang ipakita
kay Psyche, kung ano ang maaaring mangyari kung ang poot ng isang diyosa ay ilalagay sa
pagsubok.
Ang paghahanap ni Psyche ay bigo, kaya siya ay tumungo kay Venus. Ito na ang
pagkakataong hinihintay ng diyosa. Ipagkakaloob ni Venus ang kahilingan ni Psyche, kung
matatapos niyang ihiwalay ang napakaraming maliliit na binhi sa loob ng gabing iyon. Batid ni
Psyche na hindi niya kayang tapusin ang imposibleng gawaing ito. Walang nakaririnig sa
dalanging tulong ni Psyche, sapagka’t ayaw nilang maging kaaway ni Venus. Subali’t ang
pinakamaliliit na nilalang, ang mga langgam, ay nakadama ng simpatiya kay Psyche. Inihiwalay
ng mga ito ang binhi, inilatag sa maaayos na pila. Ito ang nakita ni Venus sa kaniyang pagdating.
“Ang gawain ay di mo nagampanan”, sabi ni Venus. Binigyan niya si Psyche ng kapirasong
matigas na balat at sinabihang matulog sa lupa, habang siya ay nasa malambot at mabangong
sopa.
Kinaumagahan, umisip ng panibagong gawain si Venus na ngayon ay mapanganib. May
mga tupang malapit sa pampang ng dagat na may mga ginintuang balahibo. Kukunin ni Psyche
ang mga balahibong ito at dadalhin niya ito kay Venus. Habang palapit na si Psyche sa dagat,
inisip niyang tumalon na lamang sa dagat upang matapos na ang lahat ng paghihirap; subali’t
may mga tinig na pumigil sa kaniya. Sapagkat ang mga tupa ay maiilap at mabibilis, tinuruan siya
ng mga tinig na hintayin ang paglabas nito sa palumpong (bushes) pagsapit ng gabi. Sinunod ni
Psyche ang turo at pagkalabas ng mga tupa, kinuha at tinipon niya ang mga balahibong sumabit
sa matitinik na sanga ng mga halaman at dinala ang mga ito sa malupit na diyosa. Tinanggap ito
ni Venus nang mabigat sa kalooban. Alam niya na hindi ito kayang gawin ni Psyche nang mag-
isa; kaya, kailangan niyang patunayan na nakarating siya roon sa pamamagitan ng pagpuno sa
bote, ng tubig mula sa dagat Styx. Nang palapit na si Psyche sa talon, lumitaw ang kaniyang
tagapagligtas, isang agila na may malalaking pakpak, ang tumabi sa kaniya na dagliang kinuha
ang sisidlang bote kay Psyche sa pamamagitan ng kaniyang tuka at muling ibinalik na puno ng
itim na tubig.
Subali’t hindi tumigil si Venus sa mga pagsubok. Inatasan niya si Psyche na bumaba sa
lupa dala ang isang kahon, upang hilingin kay Persephone na lagyan ito ng ilang bahagi ng
kaniyang kagandahan. Natagpuan ni Psyche ang magsisilbing gabay sa kaniyang daanan sa
isang kastilyo at binigyan siya nito ng malinaw na direksiyon, patungo sa palasyo ni Persephone.

7
Lahat ay nangyari ayon sa mga sinabi ng kaniyang gabay. Pinagbigyan ni Persephone ang
kagustuhan ni Venus, kaya buong siglang naibalik ni Psyche ang kahon kay Venus.
Ang huling pagsubok ay nagmula kay Psyche at nag- ugat sa kaniyang pagiging mausisa.
Nais niyang makita ang kagandahang panghalina sa loob ng kahon at gamitin ang ilan para sa
sarili, pagka’t dapat siyang maganda sa muling pagkikita nila ng diyos ng pagibig. Binuksan niya
ang kahon, ngunit walang nakitang anumang laman sa loob nito. Nakaramdam siya ng biglaang
panghihina at siya’y nahimbing nang malalim.
Dito na dumating si Cupid, magaling na sa kaniyang sugat at tumakas sa palasyo sa
pamamagitan ng paglipad mula sa mga bintana ng silid-tulugan, kung saan siya
kinandado ni Venus. Binuhat niya si Psyche at pinahid ang mga antok mula sa mga mata at
inilagay ang mga ito sa kahon. Sinabi ni Cupid na dalhin niya ang kahon sa kaniyang ina at ang
lahat ay magiging maayos na.
Upang makatiyak, lumipad si Cupid sa itaas ng bundok Olympus at siya mismo ang
nakipag-usap kay Jupiter. Bagama’t si Cupid ay may dating nagawang masama kay Jupiter, na
kung saan ginawa niya itong toro at isang swan (ibong tubig), pumayag si Jupiter na tulungan si
Cupid. Tinawag ni Jupiter ang lahat ng mga diyos, kasama si Venus, at dito na ipinahayag ang
kasal nina Cupid at Psyche. Inilipad ni Mercury si Psyche sa palasyo ng mga diyos at mismong
si Jupiter ang nagbigay sa kaniya ng ambrosia, pagkain ng mga diyos na kasiya-siya ang lasa,
upang si Psyche ay maging imortal. Nakuntento na rin si Venus, sapagka’t kung si Psyche ay
wala na sa lupa, di na siya mabibigyang-pansin ng mga mortal.
Kaya’t ang lahat ay nagtapos sa isang napakasayang pagtatapos. Ang Pag-ibig na
kahulugan ng Cupid at ang Kaluluwa na siyang kahulugan ng Psyche ay naghanapan at matapos
ang maraming pagsubok ay nagtagpo ang isa’t isa, kaya’t ang pagsasamang ito ay di masisira
kailanman.
-Mula sa Kayumanggi LEO-ROSS Publication pahina 5-7

GAWAIN

Gawain 1 TALASALITALAS
Panuto: Pag-aralang mabuti ang datos na inihanda pagkatapos ay sagutin ang
nakalaang gawain kaugnay nito.

Ang kayarian ng salita ay tumutukoy sa lipon ng mga salita sa tulong ng mga


panlapi na tulad ng -um, -in, -pag, -nag, -in-, -um-, han-, an-, in- at marami pang iba.
Ang bawat salita na lalapian ay maaaring makapagdulot ng pagbabago sa kaanyuan at
kahulugan nito.

Halimbawa:

Isa sa tradisyong Pilipino ang DASAL bilang pagpupuri sa Panginoon. Mula


sa salitang “DASAL”, lapian natin ito.

unlapi -nag + dasal = nagdasal


gitlapi -in- + dasal = dinasal
hulapi an- + dasal = dasalan
kabilaan -ma at –in + dasal = madasalin
Ang salitang DASAL nang nilapian ay nagbago ang anyo at kahulugan. Ang una
at ikalawa na nilapian ay pawang mga pandiwa na nasa aspektong perpektibo.
Samantalang ang ikatlong salita na nilapian ay naging isang pangngalan na tumutukoy
sa isang pook na pinagdarausan ng panalangin at ang huli ay isang pang-uri na

8
naglalarawan sa isang taong mahilig magdasal. Bagamat iba’t ibang kahulugan ang
nalikha, sila ay pawang pinagbuklod ng isang salita na nagbibigaypansin sa sagradong
tradisyon ng mga Pilipino na ginagawa sa oras ng pagsamba o panalangin.

Ngayong malinaw na sa iyo ang nabanggit na datos, halina’t subukin mo ang


kasunod na bahagi.

Isulat ang angkop na kayarian sa salita upang mabuo ang kaisipan sa


pangungusap. Gamitin ang tsart sa ibaba at itala ang kasagutan sa iyong kuwaderno.
1. (GALIT) si Venus at inutusan niya si Cupid, ang kaniyang anak upang paibigin si
Psyche sa isang nakatatakot na nilalang.
2. (LIPAS) ang maghapon nang hindi niya namamalayan.
3. (BABALA) siyang may panganib na darating sa pamamagitan ng dalawa niyang
kapatid.
4. (SAYA) nagtungo si Psyche sa palasyo samantalang si Cupid naman ay lumipad
patungo sa kaharian ni Jupiter.
5. Laking kaginhawaan at (LIGAYA) ang nag-uumapaw sa kaniyang puso.
Sagot Kahulugan Sariling Pangungusap
1
2
3
4
5

Gawain 2 ABAKADA: Ano/BAkit/KAilan/DAhilan


Panuto: Sagutin nang komprehensibo at tiyak ang mga tanong sa ibaba. Maaari kang
sumangguni sa iyong kakilala na makatutulong sa gawain mong ito. Isulat
sa kuwaderno ang iyong kasagutan.

1. Ano ang pinakanangibabaw na katangian ang ipinakita ng mga pangunahing


tauhan sa akda? Paano ito naipakita sa akda?
______________________________________________________________

2. Bakit nagkaroon ng matinding suliranin si Psyche sa akda? Ilahad.


____________________________________________________________
3. Kailan nagtatagumpay si Psyche sa pagsubok na ibinibigay sa kaniya ni
Venus? Ipaliwanag.
______________________________________________________________

4. Maglahad ng mga komprehensibong dahilan kung bakit mahalaga ang


“pagtitiwala’ at “katapatan” sa iyong sariling karanasan, pamilya, kapwa, lipunan
at daigdig?
______________________________________________________________

9
Gawain 3 S3: SIPAT, SURI, SIYASAT

Panuto: Gamit ang societal profile box, tukuyin at ihambing ang mga kasapi ng
bayan o lipunan na sa iyong palagay ay katulad ng mga tauhan sa akdang
binasa. Itala ang kasagutan sa iyong kuwaderno.

Bilugan ang kawangis ni Psyche

Kahunan ang kawangis ni Cupid

Salungguhitan __________ang katulad ng mga kapatid ni Psyche

Lagyan ng ekis ang katulad ni Venus

Ngayon ay tunghayan ang kasunod na societal profile at suriing


mabuti ang mga katangian ng mga kasapi ng lipunan bago magpasya sa
pinal na paghahambing. Pagkatapos ay ilahad ang inyong paliwanag,
saloobin at pananaw ukol sa inyong pagpapasya.

magulang Midya COVID-19


frontliners Pari Kabataan
Guro Politiko Pulubi
AKO Guro mag-aaral
covid patients Simbahan OFW

Tauhan Psyche Cupid Venus Mga Kapatid


Kawangis
Paliwanag
Kawangis
Paliwanag
Kawangis
Paliwanag
Kawangis
Paliwanag
Kawangis
Paliwanag

Gawain 4 HANAPIN ANG “x”

Panuto: Muling balikan at basahin ang Cupid at Psyche. Pagkatapos ay sagutin at


sundin ang mga kasunod na gawain. Ilahad ang kasagutan sa iyong
kuwaderno.

10
Pagmasdang mabuti ang pormularyo.
Batay sa pag-unawa mo sa binasa, anong imahe ang tinutukoy ng
mga simbolo sa pormularyo?
Sa inyong palagay, ano kaya ang hinahanap na “x” sa pormularyong
nabanggit?

Sa pagtukoy ng “x”, makatutulong sa iyo ang “link” na nasa gawing kanan.


Ngunit isang PAALAALA na bubuksan lamang ang “link” pagkatapos magbasa
ng akda. Sinusukat ng gawaing ito ang “KATAPATAN” at “PAGTITIWALA”.
Kung nasunod ang panuntunan ng katapatan at pagtiitwala ng gawaing ito,
mapagtatanto mo kung sino ka sa akdang binasa.

Kapag natukoy na ang “x” ipaliwanag ang kahalagahan nito sa buhay.

Pagkatapos, irekord ang iyong paliwanag at isend ito sa


www.FILPANATA.com

TANDAAN
ANG MITOLOHIYA
Ang salitang mitolohiya ay nangangahulugang agham o pag-aaral ng mga
mito/myth at alamat. Tumutukoy rin ito sa kalipunan ng mga mito mula sa isang pangkat
ng tao sa isang lugar na naglalahad ng kasaysayan ng mga diyos-diyosan noong unang
panahon na sinasamba, dinarakila, at pinipintakasi ng mga sinaunang tao.
Ang salitang mito/myth ay galing sa salitang Latin na mythos at mula sa Greek na
muthos, na ang kahulugan ay kuwento. Ang muthos ay halaw pa sa mu, na ang ibig
sabihin ay paglikha ng tunog sa bibig. Sa klasikal na mitolohiya, ang mito/myth ay
representasyon ng marubdob na pangarap at takot ng mga sinaunang tao. Nakatutulong
ito upang maunawaan ng mga sinaunang tao ang misteryo ng pagkakalikha ng mundo,
ng tao, ng mga katangian ng iba pang nilalang. Ipinaliliwanag din ditto ang nakatatakot
na puwersa ng kalikasan sa daigdig – tulad ng pagpapalit ng panahon, kidlat, baha,
kamatayan, apoy. Ito ay naglalahad ng ibang daigdig tulad ng langit at ilalim ng lupa.
Hindi man ito kapani-paniwalang kuwento ng mga diyos, diyosa at mga bayani, subalit
tinuturing itong sagrado at pinaniniwalaang totoong naganap. Karaniwang may
kaugnayan ito sa teolohiya at ritwal.

11
Gamit ng Mitolohiya
1. Ipaliwanag ang pagkakalikha ng daigdig.
2. Ipaliwanag ang puwersa ng kalikasan.
3. Maikuwento ang mga sinaunang gawaing panrelihiyon.
4. Magturo ng mabuting aral.
5. Maipaliwanag ang kasaysayan.
6. Maipahayag ang marubdob na pangarap, matinding takot, at pag-asa ng
sangkatauhan

Upang mas maunawaan ang katuturan ng mitolohiya, ilapit natin ang gampanin nito
sa akdang binasa.

PAGLALAPIT NG KONSEPTO SA AKDA

I. Ipaliwanag ang pagkakalikha ng daigdig


- Ang Cupid st Psyche ay naglalarawan kung paano isinilang ang dalawang
mukha ng sangkatauhan – ang pag-ibig at kaluluwa ; pawang mga
instrumento kung paano ang isinilang na daigdig ay namumuhay nang
payapa at may pag-asa sa tagumpay ng sangkatauhan.

II. Ipaliwanag ang puwersa ng kalikasan


- Makikita sa akda kung paano tinulungan ng langgam, hangin, agila at iba
pang kawaksi ng kalikasan upang mapagtagumpayan ng pangunahing
tauhan ang mga pagsubok.

III. Maikuwento ang mga sinaunang gawaing panrelihiyon


- Ang orakulo ni Apollo at ang ritwal na naganap sa kasalang mortal at imortal
ay ilan lamang sa nagbigay-kulay sa kapanabikan ng akda.

IV. Magturo ng mabuting aral


- Ang akda ay mainam na tumatalakay at nagbibigay-pansin sa kahalagahan
ng pagtitiwala at tapat na pag-ibig sa sarili, kapuwa, pamilya, bayan at
daigdig. Ang pananalig sa ating Maylikha ay pinatitibay rin ng akda anumang
estado o kalagayan mayroon ang bawat tao sa daigdig.

V. Maipaliwanag ang kasaysayan


- Gumuhit na sa kuwento ng daigdig ang kuwento ng pag-ibig na binuo ng
isang mortal at imortal. Ang kasaysayan ng daigdig ay pinaniniwalaang
pinagtagpo ng puso at kaluluwa sa imahe ng mga tauhan sa akda.

VI. Maipahayag ang marubdob na pangarap, matinding takot, at pag-asa ng


sangkatauhan
Dito ipinahayag ang pangarap ng magulang sa anak at ang pagmamahalan ng
mag-asawa. Bawat bahagi ng akda ay nakaugat sa matinding takot na
nararamdaman ng mga tauhan ngunit sa huli ay may katumbas na pag-asang
hindi lamang para sa kapakanang pansarili kung para sa lahat – para sa
mapayapang pamumuhay ng daigdig.

12
PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN
Panuto: Punan ng wastong kasagutan ang patlang upang mabuo ang diwa ng
pangungusap. Piliin ang angkop na titik ng tamang sagot na nasa loob ng
kahon at isulat ang mga ito sa iyong sagutang papel.

A. covid patients G. mag-


B. inggit H. sarili
C. kabilaan I. katapatan
D. magsakripisyo J. Pilipino
E. maka- K. isa
F. pananalig / pananampalataya L. mitolohiya

1. Si Psyche ay tulad din ng mga frontliners sa kasalukuyang nararanasan nating


pandemya dahil sila ay may kakayahang ___________para sa kapakanan ng
kapwa at bayan.
2. Ang panlaping ginamit sa sagot sa bilang 1 upang tukuyin ang kabayanihan ng
mga frontliners ay ___________.
3. Samantalang si Cupid ay maihahalintulad sa mga ___________ dahil sila ang
nakatamo ng sugat o sakit na pinaglalabanan nila sa kasalukuyan.
4. Ang sagot sa bilang 3 ay maituturing ding mga bayani na hindi nawawalan ng
pag-asa dahil sa kanilang _____________sa Maykapal.
5. Ang sagot sa bilang 4 ay isang kulturang ___________na hanggang sa
kasalukuyan ay pinakamabisang armas sa pagpuksa ng suliraning kumakalat sa
mundo.
6. Ang kawalan ng tiwala sa minamahal at __________ sa puso ay tulad din ng
COVID-19 na kapag hindi nagamot o nalunasan ay maaaring kumalat o dumami
ang nagtataglay nito.
7. Ang gamot sa sakit na tinutukoy sa bilang 6 ay ang nagsisimulang hilumin o
gamutin ng ___________.
8. Ang ___________ ay ang panlapi na maaaring gamitin sa sagot sa bilang 7
upang ilarawan ang isang taong walang pagmamalasakit sa kapakanan ng
nakararami.
9. Ang ___________ ay isa sa mga nasyunalistikong katangiang binigyangpansin
sa mitolohiyang binasa na hindi lamang sumusukat sa wagas na pagibig sa sarili,
kapuwa ngunit maging sa bayan at Diyos.
10 Ang sagot sa bilang 9 ay gumamit at nagtataglay ng __________ panlapi.

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT

Panuto: Tukuyin ang pinakatamang sagot na hinihingi sa bawat patlang. Isulat ang
iyong sagot sa kuwaderno.

1. Ang ____________________ ay isa sa mga bansang nagpatingkad sa


panitikan dahil sa “Metamorphosis” na kilala sa tawag na The Golden Ass.
A. Roma C. Pransya
B. Gresya D. Pilipinas

13
2. Ang Metamorphosis ay kilala rin sa tawag na ______________________.
A. Biradalli C. The Golden Ass (donkey)
B. Noli Me Tangere D. The Monkey and Donkey
3. Ayon sa mitong binasa, si __________________ay kumakatawan sa pag-ibig.
A. Venus C. Psyche
B. Apollo D. Cupid
4. Ang mga sumusunod ay gampanin ng mitolohiya maliban sa ____________.
A. magturo ng mabuting aral C. may diyos at diyoses
B. ipaliwanag ang kasaysayan D. maglahad ng argumento
5. Ang Cupid at Psyche ay isang ____________________.
A. kuwentong bayan C. mito
B. alamat D. kasaysayan
6. Ang pagsunod ni Cupid kay Venus ay maihahalintulad sa mga ____________.
A. masunuring anak C. taksil na kaibigan
B. mapagmahal na tao D. mapanlilong kapatid
7. Kumakatawan naman sa akda bilang ___________________ si Psyche.
A. puso C. kamatayan
B. kaluluwa D. kagandahan
8. Ang sakit ng lipunan sa katauhan ni Venus ay ang __________________.
A. kawalan ng pag-asa C. takot sa mga pagsubok
B. inggit sa puso D. galit sa mundo
9. Pinatunayan sa akda na ang mito ay nagpapahayag ng pag-asa ng _________.
A. sangkatauhan C. bayan
B. lipunan D. bahay
10. Ang pagtulong ng kalikasan kay Psyche ay tulad din ng mga taong _________.
A. mapagpatawad C. matatakutin
B. masintahin D. mapagmalasakit

Bago mo isara ang pahina ng modyul na ito, ipagmalaki mo sa daigdig ang


nahulmang imahe sa iyo ng araling ito bilang isang kabataang tapat maglingkod para sa
kapakanang panlahat.

PAPEL SA REPLEKTIBONG PAGKATUTO

SULO NG KATAPATAN

Ang sulo ay simbolo ng liwanag patungo sa pag-asang tinatamasa. Kaya naman,


kung bibigyan ka ng pagkakataong pumili sa mga kasapi ng lipunan, sino ang
pagbibigyan mo ng SULO sa kasalukuyan.
Mula sa iyong mga natutuhan sa ating aralin, sino sa iyong palagay ang karapat-
dapat na hiranging bayani ng kasalukuyang panahon dahil sa kaniyang TAPAT na
paglilingkod sa bayan. Isulat sa isang malinis na papel ang iyong paglalahad.

14
SUSI SA PAGWAWASTO

UNANG PAGSUBOK PANGWAKAS NA PAGSUSULIT


1. C 1. A
2. D 2. C
3. A 3. D
4. B 4. D
5. D 5. C
6. / 6. A
7. x 7. B
8. / 8. B
9. x 9. A
10. / 10. D

BALIK-TANAW
1. Makalun
2. Apolaki
3. Bathala
4. Dumangan
5. Idionale

GAWAIN 1: TALASALITALAS
1. Nagalit
2. Lumipas
3. Nagbabala
4. Masaya
5. Kaligayahan

GAWAIN 4: Hanapin ang “X”


➢ Buhay + Cupid = Pag-ibig
➢ Buhay + Psyche = Kaluluwa
➢ X = TAPAT at WAGAS NA PAG-IBIG/PAGMAMAHAL

PAG-ALAM SA MGA NATUTUHAN


1. D
2. G
3. A
4. F
5. J
6. B
7. H
8. E
9. I
10. C

15
SANGGUNIAN

Resuma, V. (2010). Pedagohikal na Pag-aaral ng Wika at Gramatika. University of the


Philippines

Ambat, V (2015). Cupid at Psyche. http://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/05/cupid -


at-psyche-mitolohiya-panitikang.html

Gaverza, C. (2018). Biradalli. http://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/05/cupid-at-


psyche-mitolohiya-panitikang.html

Magalong, N. S. 2019. Mga Akdang Mediterranean . KAYUMANGGI LEO-ROSS Publication.


(3). 2, 4, 7, 9

Pangkat ng Tagapamahala at Paglinang sa SLeM

Tagapamanihala ng mga Paaralang Sangay: Maria Magdalena M. Lim, CESO V


Punong Superbisor ng Edukasyon: Aida H. Rondilla
CID Superbisor sa Programang Edukasyon: Edwin R. Mabilin, Ph. D.
CID Superbisor sa LR: Lucky S. Carpio, Ed. D.
CID-LRMS Biblyotekaryo II: Lady Hannah C. Gillo
CID-LRMS PDO II: Albert James P. Macaraeg

Editor/Tagasuri: Museta DR Dantes, PSDS


Lucelma O. Carpio, HT VI

Manunulat: Joswe Emanuel C. Jobog MT1

Ilustrador: Maria Angelica C. Jobog

Tagalapat: Evangeline P. De Leon, HT VI

16

You might also like