You are on page 1of 37

10

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1:
Ang Kahalagahan ng Pag-aaral ng
mga Kontemporaryong Isyu
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Kahalagahan ng Pag-aaral ng Mga Kontemporaryong Isyu
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Jed I. Bete
Editor: Angel Rose L. Suansing
Kontribyutor at Tagasuri: Angel Rose L. Suansing
Tagaguhit: Menard M. Arenas and Christopher V. Canete
Tagapamahala: SDS Reynaldo M. Guillena, CESO V
ASDS Basilio P. Mana-ay Jr., CESE
ASDS Emma A. Camporedondo, CESE
CID Chief Alma C. Cifra, EdD
LRMS EPS Aries B. Juanillo, PhD
AP EPS Amelia S. Lacerna

Inilimbag sa Pilipinas ng

Department of Education – Division of Davao City


Elpidio Quirino Avenue, Davao City, Philippines
Telephone: (082) 224 0100/ 228 3970

Email Address: info@deped-davaocity.ph/lrmds.davaocity@deped.gov.ph


10

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 1:
Ang Kahalagahan ng Pag-aaral ng
mga Kontemporaryong Isyu
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Kahalagahan ng Pag-aaral ng Mga
Kontemporaryong Isyu.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pampublikong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy
upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Kumusta ka, mag-aaral? Ihanda mo na ang iyong sarili sa ating aralin tungkol
sa kahalagahan ng pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu.

Ang mga kontemporaryong isyu ay mga usapin at kaganapan na nagaganap


sa kasalukuyang panahon. Lahat ng mga kaganapang ito ay nagaganap araw-araw
sa lipunang iyong kinatatayuan. Mula sa mga hamong pangkapalligiran hanggang
sa iyong pagiging isang mabuting mamamayan ay kakikitaan ng mga isyung
napapanahon. Bilang bahagi ng lipunan, mahalagang maunawaan mo ang mga
isyung ito sapagkat apektado nito ang iyong buhay.

Tiyak na marami kang matututunan sa mga paksa sa Baitang 10 ng Aralng


Panlipunan. Dahil ito ang unang modyul sa Aralin 10, hayaan mong ilahad ko sa iyo
ang mga pmantayang nararapat mong matamo. Sa unang markahan, inaasahan ka
na magkaroon ng pag-unawa sa mga sanhi ay implikasyon ng mga hamong
pangkapaligiran upang maging bahagi ng pagtugon na makapapabuti sa
pamumuhay ng tao. Sa ikalawang markahan naman ay kailangang magkaroon ka
rin ng pag-unawa sa sanhi at implikasyon ng mga lokal at pandaigdigang isyung
pang-ekonomiya upang mapaunlad ang kakayahan sa matalinong pagpapasya
tungo sa pambansang kaunlaran.

Samantala, inaasahan naman sa iyo sa ikatlong markahan na makagawa ka


ng malikhaing hakbang na nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa iba’t ibang
kasarian upang maitaguyod ang pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng
pamayanan. At panghuli, inaasahan ka rin na magkaroon ng pag-unawa sa
kahalagahan ng pagkamamamayan at pakikilahok sa mga gawaing pansibiko tungo
sa pagkakaroon ng pamayanan at bansang maunlad, mapayapa, at may pagkakaisa.

Handa ka na ba? Bago ka magsimula ay basahing muli ang mga nakapaloob


sa bahagi ng modyul bilang iyong gabay.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

iii
Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.

iv
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipan na hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, na makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kasanayan sa pagkatuto. Kaya mo ito!

v
Alamin

Sa mga nakaraang taon ay napag-aralan mo sa iba’t ibang baitang ang ilan


sa mahahalagang sangay ng Araling Panlipunan. Sa baitang 7 at 8 iyong natutunan
ang kasaysayan at mga kabihasnan na umusbong sa Asya at sa buong daigdig.
Noong ikaw ay nasa baitang 9 ay ang ekonomiya naman ang iyong pinag-tuonan ng
pag-aaral. Ngayong nasa baitang 10 ka na, ibang paksa sa Araling Panlipunan na
naman ang iyong matututunan. Iyong pag-aaralan sa taong ito ang mga paksa na
maituturing na mga kontemporaryong isyu. Sa mga susunod na pahina ay
hihimayin mo kung anu-ano ang mga ito.

Sa araling ito, tatalakayin mo ang kahalagahan ng pag-aaral ng mga


kontemporaryon isyu. Ito ay nakabatay sa Most Essential Learning Competency para
sa Baitang 10 na: Nasusuri ang kahalagahan ng pag-aaral ng
kontempporaryong isyu.

Mula sa nabanggit na kasanayan ay pag-aaralan mo ang sumusunod na paksa:


• Ang Kontemporayong Isyu
• Ang Konsepto ng Lipuan
• Ang Katuturan ng Kultura

Pagkatapos mong pag-aralan ang mga nabanggit na aralin, ikaw ay inaasahang:


1. naipaliliwanag ang kahulugan ng kontemporaryong isyu;
2. natatalakay ang mga konsepto ng lipunan bilang mga salik sa pag-aaral
ng kontemporaryong isyu; at
3. naipaliliwanag ang katuturan ng kultura at ugnayan nito sa pag-aaral
ng kontemporaryong isyu.

1
Subukin

Handa ka na bang magsimula? Sa bahaging ito ay susubukin ang lawak ng iyong


kaalaman tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng mga kontemporaryong isyu.
Basahing mabuti at intindihin ang bawat tanong. Isulat ang titik ng sagot na iyong
napili sa sagutang papel. Simulan mo na!

1. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng kahalagaan ng pag-aaal


ng kontemporaryong isyu?
A. Naiisa-isa ang mga mahahalagang kaganapan sa nakaraan na may epekto
sa buhay ng tao.
B. Nasusuri ang mga pangyayaring nagaganap sa kasalukuyan at may
lubusang epekto sa buhay ng tao.
C. Nabibigyang-halaga ang kontribusyon ng ating mga ninuno sa
pagpapayabong ng kulturang Pilipino.
D. Natutukoy ang mga pamamaraan upang makita at maunawaan ang
ugnayan ng iba’t ibang asignatura sa pag-aaral.

2. Paano maiuugnay ang pag-aaral ng konsepto ng lipunan sa kahalagahan ng


pag-aaral ng kontemporaryong isyu?
A. Nasasalamin sa lipunan ang tunay na saloobin ng mamamayan.
B. Nagaganap sa lipunan ang iba’t ibang kontemporaryong isyu sa pang-
araw-araw.
C. Nabibigyang halaga sa pag-aaral ng lipunan ang iba’t ibang
pagpapahalagang Pilipino.
D. Nagiging batayan ang opinyon ng mamamayan sa isang lipunan kung
papaano mas mapapaunlad ng mga namumuno ang kanilang
pamamahala.

3. Likas sa Pilipinas ang makaranas ng iba’t ibang sakuna dahil sa


kinaroroonan nito. Paano makatutulong ang kaalaman sa kontemporaryong
isyu sa pagharap sa mga hamong pangkapaligiran?
A. Mas napapatatag ang mga pundasyon ng mga gusali sa tuwing may lindol.
B. Nababawasan ang mga mapanganib na hazard na maaaring pumasok sa
teritoryo ng Pilipinas.
C. Natututunan ang mga nararapat gawin bago, tuwing, at hanggang
pagkatapos ng isang kalamidad.
D. Napapalakas pang lalo ang ugnayan ng bawat kasapi ng pamilya sa
paglutas sa mga suliraning pangkapaligiran.

4. Isa sa mga pinag-aaralan sa kontemporaryong isyu ay ang istruktrang


panlipunan. Alin sa sumusunod ang kahalagahan sa pag-aaral nito?
A. Nasusuri ang aspetong kultural ng isang bayan.
B. Naipapakita rito ang ugnayan ng bawat kasapi ng lipunan.
C. Dito natatamo ng isang indibiduwal ang kaganapang pagkatao.
D. Nagsisilbi itong inspirasyon upang matamo ang mga mithiin ng
mamamayan.

2
5. Tampok sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu ang iba’t ibang pananaw ng
mga sosyologo hinggil sa kahulugan ng lipunan. Bakit kinakailangang
maunawaan ang mga pananaw na ito mula sa mga kilalang sosyologo?
A. Mas nagiging malawak ang kaalaman ng isang tao kapag alam niya ang
iba’t ibang pananaw sa lipunan.
B. Malalim na nasusuri ang mga isyu sa kasalukuyan gamit ang iba’t ibang
pananaw at perspektibo hinggil sa lipunan.
C. Makatutulong ang mga pananaw na ito upang mas maipahayag ng tao ang
kaniyang opinyon sa tungkol sa mga kaganapan.
D. Nagbibigay kaliwanagan ang mga pananaw sa kung papaano malulutas
ang mga problemang kinahaharap ng bansa sa kabuuan.

6. Maituturing ang isyu sa paggawa bilang isang kontemporaryong isyu. Bakit


nararapat maunawaan ang usaping ito?
A. Nabibigyang linaw ang mga kontrobersyal na isyung pinag-uusapan tulad
ng agawan sa teritoryo.
B. Nabibigyang boses ang mga mamamayan tungkol sa giyera ng
pamahalaan kontra iligal na droga.
C. Natataya rito ang mga programa ng pamahalaan tungkol sa edukasyon.
D. Nasusuri ang kalagayan ng mga manggagawang Pilipino.

7. Ang isyung pangkasarian ay isang kontemporaryong isyu. Bakit mahalagang


pag-aralan ito?
A. Magbibigay ito ng oportunidad sa mga miyembro ng LGBT na maipakita
ang kanilang angking galing at talent.
B. Maghahatid ito ng kapanatagan sa mga mamamayang biktima ng
karahasan at diskriminasyon.
C. Tinataguyod dito ang pagkakapantay-pantay ng mamamayan sa mga
karapatan ano man ang kasarian.
D. Sumasalamin ang isyung ito sa samu’t saring kalagayan ng mamamayan
sa loob man o sa labas ng Pilipinas.

8. Paano mo maiuugnay ang iyong malalim na pang-unawa sa mga


kontemporaryong isyu sa iyong pagiging isang mabuting mamamayan?
A. Natutukoy rito ang mga programang magpapaunlad sa estado ng
mamamayan.
B. Nauunawan dito kung paano isinaalang-alang ng pamahalaan ang
kapakanan ng mga mamamayan nito
C. Napag-aaralan dito ang mga nararapat isagawa ng mamamayang
alinsunod sa kaniyang mga karapatan at tungkulin
D. Naririnig ang boses ng mamamayan sa iba’t ibang kontemporaryong isyu
na isang indikasyon ng kalayaan ng mamamayan sa pamamahayag.

9. Isa ang status sa mga istrukturang panlipunan na sinusuri sa pag-aaral ng


mga isyung pangkasalukuyan. Alin sa sumusunod ang kahalagahan nito?
A. Mauunawaan ng isang indibiduwal na maaari niyang mabago ang
kaniyang estado sa buhay sa pamamagitan ng pagsusumikap.
B. Nagiging inspirasyon ito sa pagtuklas ng mga solusyon upang masugpo
ang kahirapan ng mamamayan.
C. Nagiging instrumento ito upang tuluyang mawaksi ang katiwalian sa mga
ahensya ng pamahalaan.
D. Nagdudulot ito ng kaginhawaan sa mga ordinaryong mamamayan.

3
10. Mahalagang malinang ng isang mag-aaral ang kaniyang mga kakayahan sa
pag-aaral ng mga kontemporayong isyu. Alin sa sumusunod ang HINDI
kabilang sa kakayahang ito?
A. Balanse B. Makabuluhan C. Mapanuri D. Maka-Diyos

11. Laganap sa social media ang mga pekeng impormasyon tungkol sa iba’t ibang
isyung panlipunan. Paano maiiwasan ang mga ito sa pamamagitan ng pag-
aaral ng kontemporaryong isyu?
A. Iwasang magbabad sa mga social media sites.
B. Huwag basahin ang mga balitang inilalathala sa internet.
C. Suriin ang datos at kredibilidad ng pinagkunan ng impormasyon.
D. Huwag basta-basta maniwala lalo na kung ito ay hindi mo pa nababasa.

12. Maliban sa lipunan, pinag-aaralan din sa kontemporaryong isyu ang mga


konseptong may kinalaman sa kultura. Alin sa sumusunod na pahayag ang
nagsasaad ng ugnayan ng lipunan at kultura?
A. Bawat kultura ay mahalaga sapagkat sinasalamin nito ang buhay ng tao.
B. Nararapat mapangalagaan ang kultura dahil salamin ito ng ating pagiging
isang bansa.
C. Ang lahat ng mga bansa ay may natatanging kultura kaya naman
nararapat na ito ay bigyang-halaga.
D. Ang mga nagaganap na pangyayari sa kasalukuyan ay maaaring dulot ng
kultura sa lipunang kinabibilangan.
13. Bakit mahalagang masuri ang katuturan ng kultura sa pag-aaral ng mga
kontemporaryong isyu?
A. May natatanging kultura ang iba’t ibang bansa kaya naman nararapat na
ito ay bigyang-halaga.
B. Ang pamumuhay ng mga tao sa pang-araw-araw ay sinasalamin ng
kultura.
C. Napapanatili ang katiwasayan at kapayapaan sa lipunan.
D. Nauunawaan ang ugnayan ng bawat institusyon sa lipunan.

14. Ang paniniwala ay isa sa mga elemento ng kultura na bahagi ng pag-aaral


ng kontemporaryong isyu. Alin sa sumusunod ang nagsasaad sa
kahalagahan ng pagsusuri nito?
A. Ang isang lipunang naniniwala sa pagkakapantay-pantay ng mga tao
anoman ang kasarian ay magbibigay ng mga oportunidad para sa pag-
unlad ng tao anuman ang kasarian nito.
B. Ang paniniwala ang magbibigay sa isang tao ng kapayapaan sa buhay
sapagkat ito ang kaniyang ugnayan sa Diyos.
C. Ang paniniwala ay magpapalakas sa karapatan ng isang tao na
maipahayag ang kaniyang mga pananaw sa buhay.
D. Ang paniniwala ay magbubuklod sa mga mamamayan sa kabila ng
pagkakaiba ng bawat isa.
15. Bakit mahalagang masuri ang simbolo bilang isang elemento ng kultura sa
pag-aaral sa mga isyung panlipunan?
A. Nagbibigay ito ng daan upang maunawaan ang komunikasyon at
interaksyon.
B. Nabibigyang-pugay ang mga mahahalagang simbolismo sa ating bansa.
C. Napagtutuonan ang kahalagahan ng pagsusumikap upang uunlad.
D. Nagdudulot ito ng paglago sa kulturang kinabibilangan.

4
Aralin
Kahalagahan ng Pag-aaral ng
mga Kontemporaryong Isyu
1
Mahusay! Binabati kita sapagkat natapos mong sagutan ang Subukin Natin.
Kaya naman, sa puntong ito masasabi ko na handang-handa ka nang talakayin ang
mga inihandang paksa. Simulan mo na.

Balikan

Sa mga nakaraang leksyon sa Araling Panlipunan ay natutunan mo ang


kasaysayan at kultura ng iba’t ibang lahi hindi lamang sa Asya kundi maging sa
iba’t ibang panig ng mundo. Sa mga nagdaang aralin, ipinaliwanag sa iyo ang
kahulugan ng kasaysayan. Ang kasaysayan ay tumutukoy sa pag-aaral sa mga
kaganapan sa nakaraan na maituturing na makabuluhan o may saysay. Bukod sa
kahulugan, tinalakay mo rin ang kahalagahan ng pag-aaral nito at kung paano
magagamit ang mga leksyong hatid nito sa atin sa pagtahak sa kasalukuyang buhay
at maging sa hinaharap.

Maliban sa kasaysayan, isang sangay rin ng Araling Panlipunan ang iyong


pinag-aralan. Ito ay ang Ekonomiks. Ang Ekonomiks ay tumutukoy sa tamang
alokasyon ng limitadong pinagkukunang-yaman upang matugunan ang walang
hanggang pangangailangan at kagustuhan ng tao. Naging makabuluhan din ang
iyong pag-aaral sa ekonomiks sapagkat dito mo natutunan ang iyong mga karapatan
bilang mamimili, kilos at interaskyon sa pagitan mo at ng ibang tao sa isang
pamilihan, ang kabuuang galaw ng pambansang ekonomiya, at ang mga konseptong
may kinalaman sa pagsulong at pag-unlad.

Ang lahat ng napag-aralan mo ay lubhang mahalaga bilang bahagi sa


paghubog ng iyong pagkatao upang maging isang mapanuri, responsible,
mapanagutan, at mabuting mamamayan. Ang pag-aaral ng Araling Panlipunan ay
hindi lamang limitado sa kasaysayan at ekonomiya. Kabilang din sa pag-aaral sa
asignaturang ito ang pagsusuri sa mahahalagang isyu na nagaganap sa ating
lipunan sa kasalukuyang panahon.

5
Mga Tala para sa Guro
Maaaring balikan ang ilan sa mahahalagang paksa sa mga nakaraang
baitang. Nararapat na maiugnay ang mga paksang ito sa pag-aaral ng
kontemporaryong isyu.

Tuklasin

Ngayong alam mo na ang mga bagay na inaasahan mula sa iyo, subukan


naman natin kung anong mga konsepto ang alam mo na. Mahalaga ito sapagkat
maiuugnay mo ang gawaing ito sa mga paksang inilalaman ng modyul na ito. Tiyak
na marami kang matututunan kaya ay ipagpatuloy mo lamang ang pagbasa at
paggawa ng Gawain.
Gawain 1: Tukuyin Mo.
Suriin mo ang mga larawan sa ibaba. Ano sa tingin mo ang mga istrukturang
inilalarawan ng mga ito? Ang iyong sagot ay maaaring isang salita o parirala. Isulat
ang iyong kasagutan sa isang hiwalay na papel.

1. 2.

6
3. 4.

Magaling! Maayos mong naisagawa ang paunang gawain. Ang mga larawang
ito ay kumakatawan sa iba’t ibang mukha ng ating lipunan. Lagi mong tandaan na
sa ating lipunan nagaganap ang samu’t saring isyu na may epekto sa pang-araw-
araw nating pamumuhay.

Suriin

Bago mo pag-aralan ang kahalagahan ng pag-aaral ng kontemporayong isyu,


mas mainam muna na maipaliwanag mo ang kahulugan ng mga mahahalagang
salita na nakapaloob dito. Ang sumusunod ay magbibigay sa iyo ng malalimang
pagsusuri sa kung ano ang tunay na kahulugan ng kontemporaryong isyu at kung
bakit nararapat itong pag-aralan. Simulan mo na!

ANG KAHULUGAN NG KONTEMPORARYONG ISYU

Kung iyong napapansin, ang ating pangunahing paksa ay binubuo ng dalawang


mahahalagang salita. Ito ay ang mga salitang ‘kontemporaryo’ at ‘isyu’. Ang
sumusunod ay ang mga kahulugan ng mga salitang ito. Basahin mo ang mga ito at
unawain.

Ang salitang kontemporaryo ay


nangangahulugang ‘current’ o
napapanahon. Kaakibat din ng
Kontemporaryo salitang ‘kontemporaryo’ ang
salitang ‘kasalukuyan’.
Ang salitang ‘kasalukuyan’ ay
nangangahulugang ‘ang panahon
ngayon’ (Almario, 2001)

7
Ang isyu ay nangangahulugang
mga paksa o anumang tema ng
isang kaganapan na napag-
uusapan at may malaking epekto
sa pamumuhay ng mamamayan.
Isyu Ang ‘isyu’ batay sa konteksto ng
ating paksa ay
nangangahulugang anumang –
paksa na kailangan ng
paglilinaw, pagdedebate o
litigasyon (Almario, 2001)

Batay sa mga kahulugan, masasabing ang Kontemporaryong Isyu ay


tumutukoy sa mga napapanahong isyu. Ito ang mga paksa o tema na pinag-uusapan
sa kasalukuyan sapagkat nagdudulot ang mga ito ng malaking epekto sa buhay ng
tao.

Gawain 2: In Your Own Words

Upang matiyak ang tamang pang-unawa sa ating talakayan, isusulat mo ang


iyong sariling pakahulugan ng terminong Kontemporaryong Isyu. Simulan mo na.

Para sa akin, ang Kontemporaryong Isyu ay…


_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Binabati kita! Ngayong nabigyang kahulugan mo na ang kontemporaryong


isyu, tatalakayin mo naman ngayon ang mga halimbawa nito. Ang sumusunod ay
ilan lamang sa mga halimbawa ng kontemporaryong isyu na nagaganap sa ating
lipunang ginagalawan. Ipagpatuloy mo na ang talakayan.

MGA HALIMBAWA NG KONTEMPORARYONG ISYU

Lahat marahil ng mga nagaganap sa ating lipunan ay maituturing na


kontemporaryong isyu. Kung mahilig kang manood o makinig ng balita ay araw-araw
mo itong nakikita at napapakinggan. Saan mang panig ng bansa ay mayroong

8
nagaganap sa araw-araw nating pamumuhay. Sa ating aralin, ang sumusunod na
mga kontemporaryong isyu ang magiging mga pangunahing paksa ng ating
talakayan sa buong pampanuruang-taon. Halika’t sabay nating talakayin ang mga
ito.

Mga Hamon ng Isyung Pangkapaligiran

Isa marahil sa pinakamahalagang isyu ang tungkol sa ating kapaligiran. Isang


malaking hamon sa buong sangkatauhan ang maisalba ang daigdig mula sa
pagkasira nito dulot ng mga hindi mabubuting gawain ng tao tulad ng polusyon,
iligal na pagputol ng kahoy at pagkalbo sa kagubatan. Hindi lingid sa kaalaman ng
lahat ang pagnanais ng bawat bansa na makaranas ng kaunlaran. Subalit kaakibat
minsan ng kaunlaran ay ang pagkasira ng ating kalikasan. Ang pagkasira ng
kapaligiran ay lubusang nakakaapekto sa ating pang-araw-araw na buhay. Ang
paksang ito ay tatalakayin sa Unang Kwarter. Hihimayin sa mga susunod na aralin
ang mga suliraning pangkapaligiran, mga tugon sa mga ito, at kung paano maiibsan
ang mga posibleng epekto nito sa buhay at sa ari-arian.

Isyu sa Paggawa, Globalisasyon, at Migrasyon

Marahil pamilyar na sa iyo ang mga konseptong ito. Tama ka! Ito ay
naipaliwanag sa iyo noong pinag-aralan mo ang ekonomiks. Sa pagkakataong ito ay
mas magiging malaliliman ang talakayan hinggil dito.

Ang mga isyu patungkol sa paggawa ay palaging laman ng balita. Madalas


napapanood mo sa telebisyon ang mga manggagawang sumisigaw ng dagdag sahod,
nakikipaglaban upang mawaksi ang kontraktuwalisasyon, at iba pang usaping may
kinalaman sa mga manggagawa.

Hindi rin maitatanggi ang impluwensya ng globalisasyon sa ekonomiya at


maging sa kultura ng mga Pilipino. Mula sa pananamit, paniniwala, panlasa, at
pakikipag-ugnayan ng marami sa atin ngayon ay kakikitaan ng mga dulot ng
globalisasyon. Ang globalisasyon ay patuloy na nagaganap at nagbubunga ng iba’t
ibang epekto sa buhay ng tao.

Isa ring kontemporaryong isyu ang migrasyon. Sa kasakuluyan, kakikitaan


ng paglobo ng bilang ng mga Pilipinong nangingibang-bansa para makahanap ng
trabaho. Dahil sa kahirapan ay napipilitan ang ilan sa ating mga kababayan na
mangibang-bansa. Subalit dapat mong maintindihan na hindi lamang ito ang
tanging dahilan kung bakit nagaganap ang migrasyon. Ang seguridad, katiwasayan,
oportunidad, at ibang mga salik ay nagbubunsod sa tao na lumipat ng tinitirhan.

Isyung Pangkasarian

Isa marahil ang isyung ito sa pinaka-kontrobersyal na kontemporaryong isyu.


Kapag isyung pangkasarian na ang pinag-uusapan, hindi maiaalis dito ang usapin
tungkol sa sex at gender. Nananatili rin ang same-sex marriage bilang isa sa mga
maiinit na isyu na may kaugnayan sa kasarian. Oo nga at pinag-uusapan ito, iilan
lamang ang sumasang-ayon dito. Ayon sa isang sarbey na isinagawa ng Social
Weather Station (SWS) noong 2018 na inilathala ng Rappler, dalawa lamang sa

9
sampung Pilipino ang sumasang-ayon dito (Talabong, 2018). Batay sa nasabing ulat,
isang malaking salik ang relihiyon o paniniwala kung bakit ganoon ang naging tugon
ng mga nakasali sa naturang sarbey.

Kalakip din sa usaping ito ang patuloy na pakikibaka laban sa iba’t ibang uri
ng karahasan at diskriminasyon na may kinalaman sa kasarian. Ang malalim na
talakayan sa mga paksang ito ay iyong isasagawa sa Ikatlong Markahan.

Isyu sa Pagkamamamayan

Bilang isang mamamayan, nararapat na mulat ka hindi lamang sa mga


karapatan mo kundi pati na rin sa mga tungkulin mo bilang isang Pilipino. Ang isang
tunay na makabansa ay yaong mga mamamayan na may pagmamahal sa bayan. Sa
panahong ito, iba’t ibang kaparaanan ang maaaring isagawa upang ipakita ang
nasyonalismo. Tatalakayin ang mga ito sa ikaapat na markahan.

Gawain 3: Isyu-Halimbawa

Maliban sa mga isyung natalakay, magbigay ng iba pang halimbawa ng


kontemporaryong isyu ayon sa sumusunod na kategorya: Hamong Pangkapaligran,
Isyu sa Paggawa, Globalisasyon, at Migrasyon, Isyung Pangkasarian, Isyu sa
Pagkamamamayan. Isulat ang mga ito sa hiwalay na papel alinsunod sa format sa
ibaba.

Hamong Pangkapaligran Isyu sa Paggawa


Globalisasyon, at Migrasyon

1) ____________________
1) ____________________
2) ____________________
2) ____________________
3) ____________________
3) ____________________
4) ____________________
4) ____________________
5) ____________________
5) ____________________

Isyung Pangkasarian Isyu sa Pagkamamamayan

1) ____________________ 1) ____________________
2) ____________________ 2) ____________________
3) ____________________ 3) ____________________
4) ____________________ 4) ____________________
5) ____________________ 5) ____________________

10
Mahusay! Natukoy mo ang ilan sa mga halimbawa ng mga kontemporaryong
isyu sa ating lipunan. Marahil ay naitatanong mo kung saan at kung ano ang mga
maaaring pagkunan ng impormasyon hinggil sa iba’t ibang usapin. Sa ating
talakayan sa puntong ito natin ito pag-uusapan. Handa ka na ba? Tara!

MGA MAAARING SANGGUNIAN

Ang sumusunod ay ang mga maaaring pagkunan ng impormasyon tungkol sa


Kontemporaryong Istyu:

Pahayagan Internet
Talebisyon Pananaliksik
Radyo Pakikipagpanayam
Magasin Mga Dokumento

MGA KASANAYANG KAILANGAN SA PAG-AARAL NG KONTEMPORARYONG


ISYU

Bilang mag-aaral, nararapat mo ring maunawaan na kinakailangan mong


mahubog ang iba’t ibang kasanayan sa pagsusuri sa mga isyu sa lipunan. Hindi
lahat ng nababasa mo sa mga pahayagan o sa internet ay nagtataglay ng tamang
impormasyon. Kailangan ang pagsusuri at pagiging balanse sa pagsusuri sa mga
isyung ito. Samakatuwid, hindi madali ang pagsasagawa ng malalim na pagsusuri
sa mga kontemporaryng isyu. Kaya naman nararapat lamang na talakayin mo ang
mga kasanayan na tunay na makatutulong sa iyo sa pagtalakay sa mga paksa sa
modyul na ito at sa sumusunod pang aralin.

Mapanuri
Kinakailangang suriin ang mga nababasa o napakikinggang mga isyu. Dapat
alamin kung ito ba ay totoo at kung nanggagaling sa mga mapagkakatiwalaang
pinagkukunan o sources. Dapat ding mag-ingat sa mga fake news lalo na sa social
media.

Balanse
Dapat marunong kang tumingin sa magkabilang panig. Huwag agad gumawa
ng paghuhusga nang walang sapat na batayan.

11
Pagiging Makabuluhan
Kinakailangang marunong kang bumuo ng paghihinuha, paglalahat, o
konklusyon batay sa mga sangguniang nasuri.
Iilan lamang ang mga ito sa mga kasanayan na kinakailangan mo bilang mag-
aaral ng Araling Panlipunan. Maari ka pang magdagdag ng iba pang kasanayan na
sa tingin mo ay mahalaga sa pagsusuri sa mga isyung panlipunan.

Mga Tala para sa Guro


Maaari ring ipapanood sa mga mag-aaral ang YouTube video
lecture tungkol sa Kontemporaryong Isyu sa link na:
https://tinyurl.com/kontemporaryongisyu

Binabati kita! Natapos mong pag-aralan ang kahulugan ng kontemporaryong


isyu. Bagkus, binigyan mo pa ito ng sariling pakahulugan at nagbigay ka rin ng iba
pang mga halimbawa nito. Natutuwa ako sa iyong pagpupursige na matuto pa sa
aralin natin. Tulad ng mga naunang nabanggit, ang mga usapin at kaganapan sa
kasalukuyan at nangyayari sa lipunan na iyong kinagagalawan. Dahil dito, marapat
lamang na maunawaan mo ang konsepto ng lipunan at ang istruktura nito.

ANG KONSEPTO NG LIPUNAN

Ang lipunan ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang


organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga. May
pagpapaliwanang ang mga kilalang sosyologo sa kung ano ang kahulugan ng
lipunan. Ilan sa mga personalidad na ito ay sina Emile Durkheim, Karl Marx, at
Charles Cooley. Ang sumusunod ay ang kanilang pagpapaliwanag sa katuturan ng
lipunan na hinalaw mula sa Modyul ng Araling Panlipunan 10: Mga Kontemporaryong
Isyu. Mahalagang matalakay ang mga perspektibong ito upang magkaroon ka ng
malalim na pagsusuri sa mga kaganapan sa kasalukuyan.

12
“Ang lipunan ay isang buhay na organismo kung saan nagaganap ang
mga pangyayari at gawain. Ito ay patuloy na kumikilos at nagbabago.
Emile Binubuo ang lipunan ng magkakaiba subalit magkakaugnay na
Durkheim pangkat at institusyon. Ang maayos na lipunan ay makakamit kung
ang bawat pangkat at institusyon ay gagampanan nang maayos ang
kanilang tungkulin.”
“Ang lipunan ay kakikitaan ng tunggalian ng kapangyarihan. Ito ay
nabubuo dahil sa pag-aagawan ng mga tao sa limitadong
pinagkukunangyaman upang matugunan ang kanilang
Karl Marx pangangailangan. Sa tunggalian na ito, nagiging makapangyarihan
ang pangkat na kumokontrol sa produksyon. Bunga nito,
nagkakaroon ng magkakaiba at hindi pantay na antas ng tao sa
lipunan na nakabatay sa yaman at kapangyarihan.”
“Ang lipunan ay binubuo ng tao na may magkakawing na ugnayan at
tungkulin. Nauunawaan at higit na nakikilala ng tao ang kaniyang
Charles Cooley sarili sa pamamagitan ng pakikisalamuha sa iba pang miyembro ng
lipunan. Makakamit ang kaayusang panlipunan sa pamamagitan ng
maayos na interaksiyon ng mga mamamayan”

Mayroong dalawang mukha ang lipunan, ito ay ang istrukturang panlipunan at


mga elemento ng kultura. Sa bahaging ito ay pag-aaralang mo lamang ang tungkol
sa lipunan at mga elemento nito sapagkat sa susunod na bahagi ay sasanayin mo
ang iyong sarili tungkol sa mga elemento ng kultura.

LIPUNAN

ISTRUKTURANG ELEMENTO NG
PANLIPUNAN KULTURA

• INSTITUSYON
• SOCIAL GROUP
• ROLES

13
Ang mga istrukturang panlipunan ay ang: institusyon, social group, roles,
at status.

Simulan mo nang pag-aralan ang bawat isang istrukturang panlipunan.


Nararapat na iyong maintindihan ang kahulugang ng bawat istruktura at mailalapat
ito sa aktwal na lipunan natin ngayon.

Ang unang istrukturang panlipunan ay ang institusyon. Ang institusyon ay


organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan. Ito ay binubuo ng limang (5)
elemento:

INSTITUTSYONG
PANLIPUNAN

PAMILYA PAARALAN EKONOMIYA PAMAHALAAN SIMBAHAN

Ang bawat elemento ng institusyon ay mahalaga sa lipunan sapagkat bawat


isa ay mga gampanin upang mapanatili ang katatagan (stability) ng komunidad.
Kapag hindi nagampanan ng isa sa mga institusyon ang kanyang mga gampanin ay
maaring magdulot ng kawalan ng katatagan (instability).

Ang unang institusyon na siyang simula ng lahat at tinguriang basic unit ng


lipunan ay ang pamilya. Ang pangalawang institusyon naman ay ang paaralan na
siyang humuhubog sa kakayanan, karunungan, at talento ng isang bata. Ang
pangatlong institusyon ay ekonomiya na mahalagang bahagi ng buhay ng tao upang
siya ay patuloy na mabuhay. Dito nangyayari ang pagtatrabaho, paglikha ng
produkto and serbisyo at ang pagkonsumo ng produkto. Pang-apat naman ang
pamahalaan na nagbibigay serbisyo sa mga mamamayan mula sa imprastraktura
hanggang sa kalusugan. Ang panghuli ay ang simbahan o pananampalataya na
siyang pundasyon ng paniniwala ng mga mamamayan.

Ang pamilya, relihiyon, edukasyon, ekonomiya, at pamahalaan ang


itinuturing na mga institusyong panlipunan.

14
Ang pangalawang istrukturang panlipunan ay social group. Sabi nga nila
“No man is an island”, hindi maaring mabuhay ang isang tao na mag-isa kaya
nangangailangan siya ng mga taong pakikisamahan at makakasalimuha. Ang social
group ang tumutulong sa isang taong hubugin ang kaniyang personalidad at mga
kakayahan.

SOCIAL GROUP

PRIMARY SECONDARY
GROUP GROUP

Ang social group ay tumutukoy sa dalawa o higit pang taong may


magkakatulad na katangian na nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa at bumubuo
ng isang ugnayang panlipunan. May dalawang uri ng social group: ang primary
group at secondary group. Ang primary group ay mga tao na malapit sa iyo na
impormal mong nakakasalamuha. Halimbawa nito ay matalik mong kaibigan,
kasintahan, or parte ng iyong pamilya. Ang secondary group naman ay mga
indibidwal na pormal mong nakasasalamuha. Halimbawa nito ay iyong mga guro or
lider at pinuno sa trabaho.

Ang pangatlong istrukturang panlipunan ay ang Roles o Gampanin. Ito ay


tumutukoy sa mga karapatan, obligasyon, at mga inaasahan ng lipunan na kaakibat
ng posisyon ng isang indibiduwal. Ang mga gampaning ito ay naging batayan ng
kilos ng isang indibiduwal. Halimbawa, bilang isang mag-aaral inaasahang
gagampanan mo ang mga tungkulin ng isang mabuting mag-aaral at inaasahan mo
rin na gagampanan ng iyong guro ang kaniyang mga tungkulin tulad ng pagtuturo
nang mahusay at pagbibigay ng pagsusulit sa klase.

Isa pang halimbawa ay gampanin mo bilang isang anak. Nararapat na


gampanan mo ang iyong tungkulin at oblibasyon bilang anak sa bahay at sa
paaralan. Gayundin, ang tungkulin ng mga magulang ay magtrabaho at
sustentuhan ang pangkonsumo at pag-aaral ng kanilang mga anak lalo na yaong
mga anak na nasa edad labing-walong taong (18) gulang pababa. Hindi lamang mga

15
pinansyal na pangangailan ang nararapat ng gampanan ng bawat isa sa pamilya
kundi pati na rin ang mga emosyonal na pangangailangan.

Ang panghuling istrukturang panlipunan ay status na tumutukoy sa


posisyong kinabibilangan ng isang indibiduwal sa lipunan. Ang ating
pagkakakilanlan ay naiimpluwensiyahan ng ating status.

STATUS

ASCRIBED ACHIEVED
STATUS STATUS

May dalawang uri ng status: ito ay ang ascribed status at achieved status.
Ang ascribed status ay nakatalaga sa isang tao simula nang siya ay isilang
(halimbawa nito ay ang sex o kasarian) samantalang ang achieved status naman ay
nakatalaga sa isang indibiduwal sa bisa ng kaniyang pagsusumikap (halimbawa nito
ay ang pagiging magaling na abogado na bunga ng pagsusumikap sa buhay).

Ang mga istruktuang panlipunang ito ay mahalaga upang mapanatili ang


pagkamatatag ng isang komunidad. Ikaw, bilang isang mag-aaral, nararapat na alam
mo ang iyong status sa buhay, mga roles at gampanin na kaakibat ng status, at ang
iyong social group sa loob ng mga institusyon na iyong kinabibilangan.

Isa ring elelmento ang gampanin o roles. May gampanin ang bawat
indibiduwal sa loob ng isang social group. Tumutukoy ang mga gampaning ito sa
mga karapatan, obligasyon, at mga inaasahan ng lipunan na kaakibat ng posisyon
ng indibiduwal.

16
Gawain 4: Punan Mo!

Mula sa nabasang talata sa Pag aralan Natin, punan ang graphic organizer upang
mas matutunan mo ang ugnayan ng bawat istrukturang inilahad:

✓ Para sa unang bilang, isulat ang isa pang mukha ng lipunan maliban sa
elemento ng kultura.
✓ Para sa bilang 2 at 3, isulat ang dalawa pang elemento ng istrukturang
panlipunan.
✓ Para sa bilang 4 hanggang 8, isulat ang mga uri ng bawat istrukturang
panlipunan.
✓ Isulat sa bilang 9 at 10 ang mga uri ng social group, at para sa 11 at 12 naman
ang uri ng status

Lipunan

Elemento ng
1. kultura

2. Social Group Status. 3.

4.
9. 11.
5.
6.
7.
10. 12.
8.

17
ANG KATUTURAN NG KULTURA

Marahil nagtataka ka kung bakit pagkatapos mong talakayin ang konsepto


ng lipunan ay agad itong sinundan ng paksa hinggil sa katuturan ng kultura. Dapat
maunawaan mo na hindi kailanman maiaalis ang usapin tungkol sa kultura kung
ang pag-uusapan ay ang lipunan. Ang iba’t ibang kontemporaryong isyu na
nagaganap ay maaaring masuri sa pamamagitan ng pag-aaral sa mga elemento ng
kultura na kalakip sa isang lipunan.

Ang Kultura

Ang kultura ayon kina Andersen at Taylor (2007), ay isang kumplikadong


sistema ng ugnayan na nagbibigay-kahulugan sa paraan ng pamumuhay ng isang
grupong panlipunan, o isang lipunan sa kabuuan. Ika nga, kapag sinasabi nating
kultura, simple lang – ito ang iyong Way of Life.

Ang kultura ay maaaring hatiin sa dalawa. Ang una ay ang Materyal na


kultura. Halimbawa nito ay ang mga kasangkapan, pananamit, pagkain, at tirahan.
Ang mga bagay na ito ay may kahulugan at mahalaga sa pag-unawa ng kultura ng
isang lipunan. Ang ikalawa naman ay ang Hindi Materyal o Non-Material Culture
tulad ng paniniwala, sining o arts, edukasyon at mga kaugalian. Ito ay bahagi ng
pang-araw-araw na pamumuhay ng tao at sistemang panlipunan. Tunghayan ang
ilustrasyon sa ibaba.

18
Mga Elemento ng Kultura

Ang mga element ng kultura ay nahahati sa apat: ang paniniwala,


pagpapahalaga, norms, at simbolo. Ang unang elemento ay ang paniniwala.
Tumutukoy ito sa mga kahulugan at paliwanag tungkol sa pinaniniwalaan at
tinatanggap na totoo. Maituturing itong batayan ng pagpapahalaga ng isang grupo
o lipunan sa kabuuan. Halimbawa, ang isang lipunang naniniwala sa
pagkakapantay-pantay ng mga tao anuman ang kasarian ay magbibigay ng mga
oportunidad para sa pag-unlad ng tao anuman ang kasarian nito.

Ang ikalawa ay ang values o pagpapahalaga. Maituturing itong batayan ng


isang grupo o ng lipunan sa kabuuan kung ano ang katanggap-tanggap at kung ano
ang hindi. Batayan ito kung ano ang tama at mali, maganda o hindi, at kung ano
ang nararapat at hindi nararapat.

Ang pangatlo ay ang norms. Tumutukoy ito sa mga asal, kilos, o gawi na binuo
at nagsisilbing pamantayan sa isang lipunan. Ang mga norm ang nagsisilbing
batayan ng mga ugali, aksyon, at pakikitungo ng isang indibiduwal sa lipunang
kaniyang kinabibilangan.

Ang pang-apat ay ang simbolo. Ang simbolo ay ang paglalapat ng kahulugan


sa isang bagay ng mga taong gumagamit dito. Kung walang simbolo, walang
magaganap na komunikasyon at hindi rin magiging posible ang interaksiyon ng mga
tao sa lipunan. Ang pagmamano na isang gawi ng mga Pilipino ay isang halimbawa
ng simbolo.

Mga Tala para sa Guro


Maaari ring ipapanood sa mga mag-aaral ang YouTube video
lecture tungkol sa Katuturan ng Lipunan at Kultura sa link na:
https://tinyurl.com/lipunanatkultura

19
Pagyamanin

Gawain 5: Suriin Mo!


Ngayong natutunan mo na ang mga kosepto tungkol sa mga istrukturang
panlipunan ay nararapat din na alam mo kung paano ito mailalapat sa mga
pangyayari sa lipunan

A. Suriin ang sumusunod na parirala/pangungusap, Isulat kung anong


istrukturang panlipunan ang tinutukoy ng mga ito.

1. Mataas na bilang ng mga mamamayang walang trabaho.


_________________________________

2. Mga mag-aaral na naglalaro sa labas ng paaralan kahit may pasok.


_________________________________

3. Ipinanganak na mahirap, lumaking mayaman.


_________________________________

4. Pakikipaglaro ng DOTA kasama ang mga kaibigang magkaparehas ng hilig.


_________________________________

5. Build Build Build Program ng pamahalaan.


_________________________________

B. Sagutin ang sumusunod ng Profile tungkol sa iyong pagkatao:

1. Pangalan: __________________________________________________
2. Kasarian: __________________________________________________
1. Status: ________________________ (Halimbawa, mag-aaral, anak. Ito ay
maaaring higit pa sa isa)
2. Gampanin/Roles:
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
(Halimbawa, bilang isang mag-aaral, gampanin ko ang mag-aral nang
mabuti. Bilang isang anak, gampanin ko ang tumulong sa mga gawaing
bahay at iba pa)

3. Social Group
6.1 Sinu-sino ang iyong mga primary group?
________________________________________________________

6.2 Sinu-sino ang iyong mga secondary group?

________________________________________________________

20
Isaisip

Nararapat mong tandaan ang sumusunod na mahahalagang konsepto:

• Ang Kontemporaryong Isyu ay tumutukoy sa mga napapanahong isyu. Ito ang


mga paksa o tema na pinag-uusapan sa kasalukuyan sapagkat nagdudulot
ang mga ito ng malaking epekto sa buhay ng tao.

• Ang lipunan ay tumutukoy sa mga taong sama-samang naninirahan sa isang


organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga.
Mayroong dalawang mukha ang lipunan, ito ay ang istrukturang panlipunan
at mga elemento ng kultura.

• Ang kultura ayon kina Andersen at Taylor (2007), ang lipunan ay isang
kumplikadong sistema ng ugnayan na nagbibigay-kahulugan sa paraan ng
pamumuhay ng isang grupong panlipunan, o isang lipunan sa kabuuan.

• Mahalagang pag-aralan mo ang mga kontemporaryong isyu sa lipunan upang


malaman o mamulat ka sa kasalukuyan at kinahaharap na suliranin ng ating
bansa.

• Makabubuti sa iyo na habang bata ka pa ay alam mo na kung ano ang


nagaganap sa bansa.

• Sa Isyung Pangkapaligiran, napakahalaga na ikaw ay mulat sa iba't ibang


paksa ukol dito sapagkat maaari kang maapektuhan ng mga kalamidad sa
iyong pamayanan.

• Kung sapat ang kaalaman ukol sa kontemporayong isyu, hindi lang basta
mauunawaan kung paano nangyayari ang mga ito kundi makaiisip din ng
mga posibleng pamamaraan kung paano makaiiwas o makapag-iingat sa mga
kalamidad at mga trahedya.

• Sa pamamagitan ng pag-aaral sa mga kontemporaryong isyu, mapapaunlad


mo rin ang iyong kakayahang mag-isip; lalo na tungkol sa kung ano ang
maaari mong maiambag sa paglutas ng mga isyung kinahaharap ng
pamayanan o bansa.

21
Isagawa

Gawain 6: Data Retrieval Chart


Matapos mong mapag-aralan ang kahulugan ng kontemporaryong isyu at
maging ang katuturan ng lipunan at kultura, susubukin ngayon ang iyong mga
naunawaan mula sa talakayan. Alinsunod sa Data Retrieval Chart, isusulat mo ang
kahalagahan ng pag-aaral sa sumusunod na mga kontemporaryong isyu.

Mga Kontemporaryong Isyu Kahalagahan sa Pag-aaral Nito

Hamong Pangkapaligiran

Isyu sa Paggawa,
Globalisasyon at Migrasyon

Isyung Pangkasarian

Isyu sa Pagkamamamayan

Rubriks para sa Data Retrieval Chart


Krayterya 5 4 3 2
Content Ang nilalaman ng Ang nilalaman Ang nilalaman Ang nilalaman ay
may kaugnayan sa ay may ay hindi hindi maiuugnay
paksa. Ito rin ay kaugnayan sa masyadong sa paksa at hindi
makabuluhan at paksa at maiuugnay sa masyadong
nagpapakita ng makabuluhan. paksa ngunit ito makabuluhan.
malalim na Subalit ay Kakikitaan ang
pagkatuto ng mag- kakikitaan ito ng makabuluhan. sagot ng tatlo o
aaral ukol sa isang maling Kakikitaan ang higit pang maling
paksa. Lahat ng pahayag, sagot ng pahayag,
isinulat ay tama. dalawang maling
pahayag,

22
Tayahin

Gawain 7: Pagpipili
Sa bahaging ito ng modyul ay masusubok ang iyong pag-unawa sa mga paksang
tinalakay. Dito masusukat ang iyong mga natutunan at kung natamo mo ba ang
mga kasanayang pagkatuto na inaasahan mula sa iyo. Basahing mabuti ang bawat
tanong at isulat ang titik ng sagot na iyong napili sa sagutang papel.

1. Sa iyong palagay, bakit mahalagang pag-aralan ang mga kontemporaryong


isyu?
A. Nabibigyang-halaga ang kontribusyon ng ating mga ninuno sa
pagpapayabong ng kulturang Pilipino.
B. Natutukoy ang mga pamamaraan upang maunawaan ang ugnayan ng iba’t
ibang asignatura sa pag-aaral.
C. Nasusuri ang mga pangyayaring nagaganap sa kasalukuyan at may
lubusang epekto sa buhay ng tao.
D. Naiisa-isa ang mga mahahalagang kaganapan sa nakaraan na may epekto
sa buhay ng tao.

2. Bakit kinakailangang maunawaan ang mga pananaw tungkol sa lipunan sa


pag-aaral ng kontemporaryong isyu?
A. Makatutulong ang mga pananaw na ito upang mas maipahayag ng tao ang
kaniyang opinyon sa tungkol sa mga kaganapan.
B. Nagbibigay kaliwanagan ang mga pananaw sa kung papaano malulutas ang
mga problemang kinahaharap ng bansa.
C. Malalim na nasusuri ang mga isyu sa kasalukuyan gamit ang iba’t ibang
pananaw at perspektibo hinggil sa lipunan.
D. Mas nagiging malawak ang kaalaman ng isang tao kapag alam niya ang iba’t
ibang pananaw sa lipunan.

3. Pinag-aaralan sa mga kontemporaryong isyu ang istruktrang panlipunan. Bakit


kailangang pag-aaralan ito?
A. Nagsisilbi itong inspirasyon upang matamo ang mga mithiin ng
mamamayan.
B. Dito natatamo ng isang indibidwal ang kaganapang pagkatao.
C. Nasusuri ang aspetong kultural at tradisyon ng isang bayan.
D. Naipapakita rito ang ugnayan ng bawat kasapi ng lipunan.

4. Bakit nararapat na maiuugnay ang pag-aaral sa konsepto ng lipunan sa pag-


aaral ng kontemporaryong isyu?
A. Nagiging batayan ang opinyon ng mamamayan sa isang lipunan kung
papaano mas mapapaunlad ng mga namumuno ang kanilang pamamahala.
B. Nabibigyang halaga sa pag-aaral ng lipunan ang iba’t ibang
pagpapahalagang Pilipino.
C. Nagaganap sa lipunan ang iba’t ibang kontemporaryong isyu sa pang-araw-
araw.
D. Nasasalamin sa lipunan ang tunay na saloobin ng mamamayan.

23
5. Kadalasang nakararanas ang Pilipinas ng iba’t ibang uri ng sakuna. Paano
makatutulong ang kaalaman sa kontemporaryong isyu sa pagharap sa mga
hamong pangkapaligiran?
A. Napapalakas ang ugnayan ng bawat kasapi ng pamilya sa paglutas sa mga
hamong pangkapaligiran.
B. Natututunan ang mga nararapat gawin bago, sa tuwing, at hanggang
pagkatapos ng isang kalamidad.
C. Nababawasan ang mga mapanganib na hazard na maaaring pumasok sa
teritoryo ng Pilipinas.
D. Mas napapatatag ang mga pundasyon ng mga gusali sa tuwing may lindol.
6. Bakit mahalagang maunawaan ang isyu sa paggawa bilang isang
kontemporaryong isyu?
A. Nasusuri ang kalagayan ng mga manggagawang Pilipino.
B. Natataya rito ang mga programa ng pamahalaan tungkol sa edukasyon.
C. Nabibigyang linaw ang mga kontrobersyal na isyung pinag-uusapan tulad
ng agawan sa teritoryo.
D. Nabibigyang boses ang mga mamamayan tungkol sa giyera ng pamahalaan
kontra iligal na droga.

7. Ang isyung pangkasarian ay isang kontemporaryong isyu. Bakit mahalaga itong


pag-aralan?
A. Sumasalamin ang isyung ito sa samu’t saring kalagayan ng mamamayan.
B. Maghahatid ito ng kapanatagan sa mga mamamayan na biktima ng
karahasan at diskriminasyon.
C. Tinataguyod dito ang pagkakapantay-pantay ng mamamayan sa mga
karapatan ano man ang kasarian.
D. Magbibigay ito ng oportunidad sa mga miyembro ng LGBT na maipakita ang
kanilang angking galing at talent.

8. Paano nakatutulong ang pag-aaral ng kontemporaryong isyu upang mahubog


mo ang iyong pagiging isang mabuting mamamayan?
A. Naipapahayag dito ang boses ng mamamayan sa iba’t ibang
kontemporaryong isyu.
B. Napag-aaralan dito ang mga karapatan at mga tungkulin ng isang
mamamayang Pilipino.
C. Nahihinuha na isaalang-alang ng pamahalaan upang matiyak ang
kaligtasan ng sambayanan.
D. Natutukoy ang mga nararapat Nakasaad dito ang mga programang
magpapaunlad sa estado ng mamamayan.
9. Isa ang status sa mga istrukturang panlipunan na sinusuri sa pag-aaral ng
mga isyung pangkasalukuyan. Bakit nararapat itong pag-aralan?
A. Nagdudulot ito ng kaginhawaan sa mga ordinaryong mamamayan.
B. Nagiging instrumento ito upang tuluyang mawaksi ang katiwalian sa mga
ahensya ng pamahalaan.
C. Nagiging inspirasyon ito sa pagtuklas ng mga solusyon upang masugpo ang
kahirapan ng mamamayan.
D. Mauunawaan ng isang indibidwal na maaari niyang mabago ang kaniyang
estado sa buhay sa pamamagitan ng pagsusumikap.

24
10. Mahalagang malinang ng isang mag-aaral ang kaniyang mga kakayahan sa
pag-aaral ng mga kontemporayong isyu. Alin sa sumusunod ang HINDI
kabilang sa kakayahang ito?
A. Balanse B. Makabuluhan C. Mapanuri D. Maka-Diyos

11. Maliban sa lipunan, pinag-aaralan din sa kontemporaryong isyu ang mga


konseptong may kinalaman sa kultura. Alin sa sumusunod na pahayag ang
nagsasaad ng ugnayan ng lipunan at kultura?
A. Ang mga nagaganap na pangyayari sa kasalukuyan ay maaaring dulot ng
kultura sa lipunang kinabibilangan.
B. Ang lahat ng mga bansa ay may natatanging kultura kaya naman nararapat
na itoy bigyang-halaga.
C. Nararapat mapangalagaan ang kultura dahil salamin ito ng ating pagiging
isang bansa.
D. Bawat kultura ay mahalaga sapagkat sinasalamin nito ang buhay ng tao.

12. Bakit mahalagang masuri ang katuturan ng kultura sa pag-aaral ng mga


kontemporaryong isyu?
A. Nauunawaan ang ugnayan ng bawat institusyon sa lipunan.
B. Napapanatili ang katiwasayan at kapayapayapaan sa lipunan.
C. Ang pamumuhay ng mga tao sa pang-araw-araw ay sinasalamin ng kultura.
D. May natatanging kultura ang iba’t ibang bansa kaya naman nararapat na
itoy bigyang-halaga.
13. Ang paniniwala ay isa sa mga elemento ng kultura na bahagi ng pag-aaral ng
kontemporaryong isyu. Alin sa sumusunod ang nagsasaad sa kahalagahan ng
pagsusuri nito?
A. Ang paniniwala ay magbubuklod sa mga mamamayan sa kabila ng
pagkakaiba ng bawat isa.
B. Ang paniniwala ay magpapalakas sa karapatan ng isang tao na maipahayag
ang kaniyang mga pananaw sa buhay.
C. Ang paniniwala ang magbibigay sa isang tao ng kapayapaan sa buhay
sapagkat ito ang kaniyang ugnayan sa Diyos.
D. Ang isang lipunang naniniwala sa pagkakapantay-pantay ng mga tao
anoman ang kasarian ay magbibigay ng mga oportunidad para sa pag-unlad
ng tao anuman ang kasarian nito.
14. Bakit mahalagang masuri ang simbolo bilang isang elemento ng kultura sa pag-
aaral sa mga isyung panlipunan?
A. Nagbibigay ito ng daan upang maunawaan ang komuikasyon at
interaksyon.
B. Nabibigyang-pugay ang mga mahahalagang simbolismo ng bansa.
C. Napagtutuonan ang kahalagahan ng pagsusumikap upang uunlad.
D. Nagdudulot ito ng paglago sa kulturang kinabibilangan.
15. Laganap sa social media ang mga pekeng impormasyon tungkol sa iba’t ibang
isyung panlipunan. Paano maiiwasan ang mga ito sa pamamagitan ng pag-aaral
ng kontemporaryong isyu?
A. Huwag basta-basta maniwala lalo na kung ito ay hindi mo pa nababasa.
B. Suriin ang datos at kredibilidad ng pinagkunan ng impormasyon.
C. Huwag basahin ang mga balitang inilalathala sa internet.
D. Iwasang magbabad sa mga social media sites.

25
Karagdagang Gawain

Gawain 8: Reflection Paper

Mahalagang maunawaan mo ang mga paksang natalakay. Subalit mas


nagiging makabuluhan ito kung isasapuso mo rin ang iyong mga natutunan. Kaya
sa pagkakataong ito, susulat ka ng isang Reflection Paper. Gawing gabay ang mga
tanong sa ibaba at ang kalakip na rubric para sa pagwawasto. Gawin ito sa isang
hiwalay na papel.

Mga Gabay na Tanong:


1. Anong konsepto ang lubusan kong naunawaan?
2. Paano ko magagamit ang aking natutunan sa araling ito?
3. Paano ko ibabahagi sa iba ang aking mga natutunan?

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
______________
Gabay sa Pagwawsto (Rubric)

Pamantayan 3 2 1
Nilalaman Wasto at makatotohanan Maayos na nailahad Inilahad ang mga
ang impormasyon. May ang impormasyon. sagot gamit lamang
dalawa I higit pang Mayroong isang pag- ang isang pag-aaral
pinagbatayang pag- aaral, artikulo, o o artikulo
aaral, artikulo, o pagsasaliksik ang
pagsasaliksik ang ginamit sa
ginamit sa pagsalaysay. pagsalaysay.
Organisasyon Kumprehensibo at Malinaw ang daloy ng Kakikitaan ng
malinaw ang daloy ng pagkakasulat. Subalit dalawa o higit pang
pagkakasulat. Walang kakikitaan ng isang kamalian ang sagot
maling makikita sa maling pagkakasulat (pagkakabaybay,
pagkakasulat sa mga sa mga sagot. paglalahad ng mga
sagot. pangungusap, at
iba pa)

26
27
Gawain 3 Gawain 3
Mga Halimbawang Sagot: Mga Halimbawang Sagot:
Isyung Pangkasarian Mga Isyung Pangkapaligran
6. LGBT Rights 1. Bagyo sa Luzon
7. Diskriminasyon 2. Baha
8. VAWC 3. Lindol sa Davao del Sur
9. Same Sex Marriage 4. Pagtatapon ng Basura
10. Reproductive Health 5. Climate Change
Isyu sa Pagkamamamayan Isyu sa Paggawa, Globalisasyon at
Migrasyon
6. Citizenship
7. Human Rights 1. Employment Rate
8. Social Responsibility 2. Contractualization
9. Halalan 3. OFWs
10. Tungkulin ng 4. Covid-19
Mamamayan 5. Build Build Build Program
Gawain 2 Subukin
Tuklasin
Nararapat magtaglay 1. B
Gawain 1
ang sagot ng suusunod 2. B
na salita: 1. Simbahan 3. C
• kasalukuyan 2. Paaralan 4. B
• kaganapan 3. Kaibigan 5. B
• lipunan 4. Pamilya 6. D
• epekto sa 7. C
pang-araw- 8. C
araw na 9. A
pamumuhay 10. D
11. C
Note: Kailangang 12. D
nakabatay pa rin ang 13. B
sagot ng mag-aaral sa 14. A
tunay na kahulugan ng 15. A
kontemporarong isyu
Susi sa Pagwawasto
28
Tayahin
Gawain 7
1. C 6. A 11. A
2. C 7. C 12. C
3. D 8. B 13. D
4. C 9. D 14. A
5. B 10. D 15. B
Gawain 6 Gawain 4:
Ang sumusunod ay mga maaaring 1. Institusyong Panlipunan
sagot ng mga mag-aaral: 2. Institusyon
3. Roles
Isyu Kahalagahan
4. Pamilya
Isyung Naihahanda
Pangkapaligiran ang sarili sa 5. Paaralan
mga sakuna; 6. Ekonomiya
nababawasan 7. Pamahalaan
ang mga epekto 8. Relihiyon
ng mga sakuna
Isyu sa Paggawa, Nasusuri ang
Globalisasyon, at tunay na Gawain 5:
Migrasyon kalagayan ng 1. Institusyon
mga
2. Roles
manggagawa
3. Status
Isyung Naitataguyod
Pangkasarian ang
4. Social Group
pagkakapantay- 5. Institusyon
pantay ano
man ang Paalala: Ang sagot sa
kasarian
ikalawang bahagi ng Gawain 5
Isyu sa Naisasagawa
ay nakabatay sa personal na
Pagkamamamayan ang mga
karapatan at impormasyon ng mag-aaral.
tungkullin ng Hindi maaaring pilitin ang
mamamayan mag-aaral na ilahad ang iba
Paalala: Kailangang iproseso ng guro pang impormasyon tungkol sa
ang mga sagot ng mag-aaral. kaniyang personal na buhay.
Sanggunian

Abejo, A. G., Jose, M. D. D., Ong, J. A., Navarro, A. M., & Villan, V. C.
(2017). Kasaysayan, kaunlaran at kamalayan Serye: Mga Kontemporaryong
Isyu 10. Quezon City: Vibal Group, Inc.

Almario, V. (2001). UP Diksyunaryong Filipino. Pasig City: Sentro ng Wikang Filipino:


Inilathala at ipinamamahagi ng Anvil Pub

Antonio, E. D., Dallo, E. M., Imperial, C. M., Samson, M. C. B., & Soriano, C. D.
(2017). Kayamanan: Mga Kontemporaryong Isyu. Rex Bookstore.

Department of Education. (2017). Mga Kontemporaryong Isyu Module: Ang Lipunan.


13-19

Giddens, A., Duneier, M., & Appelbaum, R.P. (2007). Introduction to sociology. New
York: W.W. Norton & Co.

Margaret L. Andersen, Howard F. Taylor (2017). Sociology: Understanding a Diverse


Society, Updated. Cengage Learning; 004 edition

Talabong, Rambo (2018). Only 2 in 10 Filipinos favor same-sex marriage – SWS.


Retrieved on July 17, 2020 from https://rappler.com/nation/sws-same-sex-
marriage-survey-march-2018

Tylor, E.B. (1881). Anthropology: an introduction to the study of man and civilization.
New York: D. Appleton and Co.

29
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region XI Davao City Division

Elpidio Quirino Avenue


Davao City, Philippines

Telephone: (082) 224 – 0100 / 228 – 3970

Email Address: info@deped-davaocity.ph

You might also like