You are on page 1of 21

10

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 3:
Mapanagutang Paggamit ng
Kalayaan
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 3: Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Remedios A. Loque
Editor:
Tagasuri: Lucille T. Omambac, Jeannie Pearl Y. Ninonuevo
Tagaguhit: Efren S. Hoyla
Tagalapat:
Tagapamahala: Reynaldo M. Guillena
Basilio P. Mana-ay Jr.
Emma A. Camporedondo
Alma C. Cifra
Aris B. Juanillo
Lydia V. Ampo

Printed in the Philippines by ________________________________________________

Department of Education – Davao City Division, Region XI


Office Address: Elpidio Quirino Ave., Poblacion District, Davao City 8000 Davao del Sur
Telefax: (082) 224-3274, (082) 222-1872
E-mail Address: davao.city@deped.gov.ph
10

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 3:
Ang Mapanagutang Paggamit ng
Kalayaan
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao


Baitang 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang
Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 10 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Mapanagutang Paggamit ng
Kalayaan!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.


Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Naging malinaw na ba sa iyo ang mataas na gamit ng isip at kilos-loob? Laging


tandaan na ang isip at kilos-loob ay ginagamit para lamang sa paghahanap ng
katotohanan at sa paglilingkod at pagmamahal. Araw-araw ay lagi kang nahaharap
sa buhay kung paano pumili. Minsan, nalilito ka kung paano magpasiya lalo na sa
panahon ng pandemya. Naging malaya ka ba sa iyong kilos? Ang dating normal ay
naging new normal na. Ang tradisyonal na pagkatuto sa loob ng silid-aralan ay
naging online class at sistemang modular na ginagawa mo ngayon. Sa isang iglap,
ang mga kinahihiligan mo ay di na pwede sa new normal. Maraming bawal dahil may
batas tayong sinusunod. Nakakatakot! Naisip mo ba na dahil sa Covid 19, di ka na
naging malaya? Huwag kang mag-alala! Tutulungan ka ng modyul na ito kung paano
maging mapanagutan sa paggamit ng iyong kalayaan.
Sa modyul na ito, inaasahang mong maipamamalas ang sumusunod na
kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:
1. Naipaliliwanag ang tunay na kahulugan ng kalayaan; (EsP10MP-ld-3.1)
2. Natutukoy ang mga pasiya at kilos na tumutugon sa tunay na gamit ng
kalayaan; (EsP10MP-ld-3.2)
3. Napatutunayan na ang tunay na kalayaan ay ang kakayahang tumugon sa
tawag ng pagmamahal at paglilingkod; (EsP10MP-le-3.3)
4. Nakagagawa ng angkop na kilos upang maisabuhay ang paggamit ng tunay
na kalayaan: tumugon sa tawag ng pagmamahal at paglilingkod. (EsP10MP-
le-3.4)

Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag. Piliin ang pinakawastong


sagot at isulat ito sa iyong kuwaderno.

1. Ano ang tunay na kahulugan ng kalayaan?


a. Ang tao ay malaya sa pagsunod ng batas at pag-iwas sa ipinagbabawal na
gawain
b. Ang tao ay nakapagsasarili at hindi dumedepende sa kagustuhan ng iba
c. Malaya ang tao sa kaniyang pamumuhay at napapanagutan niya ang
kaniyang kapuwa
d. Malaya ang tao sa kaniyang sarili

1
2. Ano ang itinuturing na kakambal ng kalayaan?
a. Konsensiya
b. Responsibilidad
c. Katotohanan
d. Pagmamahal

3. Alin ang katangiang dapat paunlarin ng kabataan kaugnay ng kalayaan?


a. Malayang kumimilos at pinanagutan ang anumang kahihinatnan ng
kilos
b. Malayang pagpuna sa sariling kaisipan, damdamin at kilos ng kapwa
c. Malayang nakapagpapasiya at ginagawa ito nang mabilisan
d. Malayang gawin ang kagustuhan nang may kasiyahan

4. Ano ang ibig sabihin nito? “Malaya ang tao kapag walang nakahahadlang sa
kaniya.”
a. Kalayaan sa (Freedom in)
b. Kalayaan ng (Freedom of)
c. Kalayaan para sa (Freedom for)
d. Kalayaan mula sa (Freedom from)

5. Ang pinakamalaking hadlang sa kalayaan ay hindi ang nagmumula sa labas


ng tao kundi ang nagmumula mismo sa loob ng tao. Ano ang nais
ipakahulugan nito?
a. Ang kalayaan ay matatagpuan sa sarili
b. Nakahahadlang ang kapuwa sa paggamit ng kalayaan
c. Niloob ng tao ang antas ng kaniyang pagiging malaya
d. Ang hadlang sa pagiging malaya ay ang sarili niyang pag-uugali

2
Aralin
Ang Mapanagutang
1 Paggamit ng Kalayaan

Ang tao ay may taglay ng kalayaan mula pa sa kaniyang kapanganakan.


Naalala mo pa ba ang kahulugan ng kalayaan noong ikaw ay nasa Baitang 7? Ayon
kay Santo Tomas de Aquino, “ang kalayaan ay katangian ng kilos-loob na itakda ng
tao ang kaniyang kilos tungo sa maaari niyang hantungan at itakda ang paraan
upang makamit ito.” Ibig sabihin, may kakayahan ang taong piliin kung paano siya
kikilos. Malaya ka ba sa kahinatnan ng iyong piniling kilos? Kaya mo bang
panagutan ang kahinatnan nito? Tandaan: wala tayong kalayaang piliin ang
kahihinatnan ng ating piniling kilos.

Balikan

Ngayon, subukan mong bumuo ng sariling pakahulugan sa tunay na


kalayaan. Punan ng mga salita ang bawat kahon sa ibaba upang magabayan ka sa
pagbuo nito. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.

Ako ay tunay na malaya kung _________ Ginagamit ko ang aking isip at kilos-
loob sa aking _________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________

KALAYAAN
May pananagutan ako sa kahinatnan Nakahahadlang sa pagkamit ng tunay
ng piniling kilos kaya _________________ na kalayaan ang ______________________
_______________________________________ _______________________________________
_______________________________________ _______________________________________
_______________________________________ _______________________________________

3
Ngayon, ipaliwanag mo ang kahulugan ng tunay na kalayaan batay sa
nabuong pangungusap sa itaas.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Mga Tala para sa Guro


Hinihikayat namin ang mga magulang na gabayan ang anak
sa pagbuo ng konsepto gamit ang larawang suri. Maaring
magkaroon ng talakayan sa mga nakikitang pangyayari sa
panahon ng pandemiya.

Tuklasin

Gawain 1- Larawan Suri


Panuto: Tunghayan ang larawan sa panahon ng online class at sagutan ang mga
tanong sa ibaba nito. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

A B

Mga Tanong:

1. Alin sa mga larawan ang nagpapakita ng mga pasiya at kilos na tumutugon


sa tunay na gamit ng kalayaan? Pangatwiranan.

2. Paano ginamit ng bawat tauhan sa larawan ang kanilang kalayaan?

4
3. Kung ikaw ang papipiliin, alin sa larawan ang naging mapanagutan sa
paggamit ng kalayan? A o B? Ipaliwanag ng mabuti.

Suriin

Naging madali ba ang pagbuo mo ng kahulugan sa tunay na kalayaan?

Noong Baitang 7 ka pa, binigyang-linaw ng guro mo sa EsP na ang kalayaan


ay palaging may pananagutan ang tao sa kahihinatnan ng piniling kilos.

Ngayong nasa Baitang 10 ka na, mas pinalalim ang kahulugan ng tunay na


kalayaan. Ito ay iniuugnay sa pakultad ng tao – isip at kilos- loob at sa pagpapakatao
ng tao.

Ayon kay Johann, ang salitang kalayaan ay karaniwang gumigising sa puso


ng bawat tao. Kadalasan, iniisip ng tao na ang kalayaan ay paggawa ng isang bagay
na nais gawin o ang karapatang sabihin ang gustong sabihin. Bihirang kinilala ng
karamihan na ang pinakamalaking hadlang sa kalayaan ay hindi nagmumula sa
labas kundi ang nagmumula mismo sa loob ng tao. Kailangan ang “higit” pa sa
malayang kilos-loob upang maging malaya. Ang tinutukoy na “higit” ay ang kalayaan
sa aspektong mayroon itong kakambal na responsibilidad.

May dalawang kahulugan ang responsibilidad na nakaapekto sa ideya ng


kalayaan:

1. Kalayaang kaugnay ng malayang kilos-loob


- Ito ay kilos na nagmula sa akin, “mananagot ako.”
- Ito ay likas sa akin dahil ako ay tao, may kilos-loob.
Kaya, may pananagutan ako sa kalalabasan ng aking kilos.
2. Kakayahan ng taong tumugon sa obhektibong tawag ng pangangailangan ng
situwasyon

Tulad ng nasa larawan ng online class, may kakabit na pananagutan ang mag-
aaral sa panahon ng pandemya. Paano ka tumugon? Alam mo ba ang kahihinatnan
kung paglalaro ng gadget ang aatupagin mo? Ano ang nakahadlang sa pagtugon mo
sa iyong responsibilidad?

Ang pamahalaang pambansa at lokal ay may awtoridad na gabayan at


mabigyan ng seguridad ang mamamayan na maging ligtas sa COVID 19. Nandiyan
ang Inter-Agency Task Force, Department of Health, at Department of Social Work
Development. Kailangang magsuot ng face mask, isang metro na social distancing,
palagiang paghuhugas ng kamay at manatili sa bahay. Kaya sa new normal na pag-
aaral, bakit mo ito seseryosohin?

5
Ang pagiging malaya ay ang kakayahang kumilos nang rasyonal o naaayon sa
katuwiran. Sa pamamagitan ng isip, nalaman at naunawaan natin ang katotohanan
tungkol sa COVID 19. Ito ay kaaway natin sa buhay na di makikita. Kaya sabi ng
mga awtoridad sa Kagawaran ng Edukasyon o DepEd, di tayo magpapatalo para
huminto sa pag-aaral.

Ang kakayahang kumilos nang may katuwiran ay nangangailangan o


humihingi ng pagpapalit ng pokus sa buhay. Una, pagpapahalaga sa kapuwa at
paglalagay sa kanila na una bago ang sarili. Pangalawa, tumugon sa kailangan ng
situwasiyon kaysa sa magpaalipin sa sariling pagnanais at kapritso.

Malinaw ba sa iyo ito? Tunay na malaya ang taong ginagawa ang tama at
mabuti. Sa modyul 1, tinalakay ninyo ang tungkol sa isip at kilos-loob. May
kakayahan ang isip na maghusga, mangatwiran, magsuri at matuklasan ang
katotohanan. Samantalang ang kilos-loob ay umaasa sa isip at ibinibigay ng isip ang
katwiran bilang isang kakayahan upang maimpuwensiyahan ang kilos-loob. Ito ay
ang tumugon sa obhektibong hinihingi ng sitwasiyon, ang pagmamahal. Maipakikita
ang pagmamahal sa pamamagitan ng paglilingkod sa kapuwa na siyang
pinagmumulan ng tunay na kaligayahan. Kaya, kung pinili mo ang paglalaro ng
gadget na kapritso mo, maging maligaya ka ba sa kahihinatnan ng iyong piniling
kilos? O di kaya’y nagiging makasarili ka lang?

May dalawang aspekto ng kalayaan:

1. Kalayaan mula sa (freedom from)


-Ito ay tumutukoy sa kawalan ng hadlang sa labas ng tao sa pagkamit ng
ninanais. Ngunit, ang tunay na nakahadlang sa kalayaan ng tao ay hindi ang
nagaganap sa labas o paligid kundi ang nagmumula sa kanyang loob. Ano
ito?
-Ito ay mga negatibong katangian at pag-uugaling ipinaiiral ng tao tulad ng
makasariling interes, pagmamataas, katamaran, kapritso at iba pa.

2. Kalayaan para sa (freedom for)


- Ito ang pagiging malaya ng tao mula sa mga pansariling hadlang upang
maging malaya siya para sa pagtugon sa pangangailangan ng kaniyang
kapuwa – ang magmahal at maglingkod.

Narito ang larawan bilang halimbawa ng paliwanag sa dalawang aspekto ng


kalayaan.

6
Ipinapakita sa larawan ang pagiging masunurin ng mga tao. Ito ay ang
pagtugon sa patakaran ng pamahalaan upang mapanatiling ligtas ang bawat isa sa
kapahamakan- ang tumugon sa tawag ng pagmamahal sa kapuwa.

Ayon kay Scheler, ang kalayaan ay kilos kung saan dumaraan ang isang tao
mula sa pagtataglay nito patungo sa pagiging uri ng taong ninais niyang makamit.
Ang kalayaang likas sa tao ay naiuugnay sa pagpapahalaga na ninanais niyang
taglayin bilang tao.

Ang pagsusuot ng face mask at pagsunod sa isang metro na social distancing


ay nagpapakita ng pagpapahalaga- kaligtasan ng buhay. Nagpapakilala rin ito ng uri
ng pagkatao ang bawat isa- hindi naging mapagmataas ang mayaman at ang
pagtitimpi ng lalaki sa haba ng pila o mahabang proseso bago makapasok sa
palengke.

Ayon naman kay Cruz (2012), may dalawang uri ng kalayaan:

1. Ang malayang pagpili (free choice) o horizontal freedom


- Ito ay tumutukoy sa sa pagpili ng tao kung ano sa tingin ng tao ang
makabubuti sa kaniya (goods).
- Pinili ang isang bagay ayon sa halaga nito.

2. Fundamental option o vertical freedom


- Ito ay nakabatay sa uri o istilo ng pamumuhay na pinili ng isang tao.
- Sa pagiging moral na indibiduwal, may dalawang fundamental
option na bukas sa tao.
a. Pataas tungo sa mas mataas na halaga o pagmamahal
b. Pababa tungo sa mas mababang halaga ng pagkamakasarili
(egoism)

Ayon kay Johann, ang fundamental option ng pagmamahal ay tinatawag na


panloob na kalayaan o inner freedom.

Sa panahon ng pandemya, marami tayong mga nasasaksihang pangyayari na


nagpapakita ng pagmamahal sa kapuwa. Nariyan ang pagbibigay ng ayuda sa mga
mahihirap na kababayan at pagsasakripisyo ng mga health fronliners at security
frontliners. Sila ang tinatawag na bagong bayani sa panahon ng COVID 19.

Handa ka bang suriin ang iyong kilos? Kaya mo na bang isabuhay ang tunay
na kalayaan? Tara! Simulan mo nang isabuhay ang natutunan mo!

7
Pagyamanin

Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ito sa iyong kuwaderno.

1. Ano ang simpleng kahulugan ng kalayaan?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. Ano ang responsibilidad o pananagutan?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Bakit kailangang gamitin ang rasyonal o katuwiran para maging malaya?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

4. Ipaliwang: Ang taong naging mapanagutan sa paggamit ng kalayaan ay


tunay na malaya at nagpapakatao.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

5. Magbigay ng halimbawa sa dalawang aspekto ng kalayaan.


Kalayaan mula sa: __________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Kalayaan para sa: __________________________________________________________________


__________________________________________________________________

Isaisip

Panuto: Punan ng tamang sagot ang mga sumusunod na pahayag tungkol sa


konsepto ng mapanagutang paggamit ng kalayaan. Hanapin sa kahon sa ibaba ang
tamang sagot sa patlang at ilagay sa kuwaderno ang iyong sagot.

1. Ang tao ay may ________ sa kahinatnan ng kanyang kilos .

2. Ano man ang piniling kilos ng tao, wala siyang kalayaang piliin ang
_______________ nito.

8
3. Ang tunay na kalayaan ay iniugnay sa _________ng tao – isip at kilos- loob at
sa pagpapakatao ng tao.

4. Ang itinuturing na kakambal ng kalayaan ay ______________.

5. Analohiya: Mataas na Halaga: ___________: _______: Pagkamakasarili

6. Ang tinutukoy na kawalan ng hadlang ay aspektong _____________.

7. May kakayahan ang _______ ng tao na maghusga, mangatwiran, magsuri at


matuklasan ang katotohanan.

8. Ang _________ tumugon sa obhektibong hinihingi ng sitwasiyon.

9. Kapag ang _______ ay inuuna ng tao, mahihirapan siyang maging malaya mula
sa pansariling hadlang.

Pakultad Kilos-loob Pananagutan Isip


Kahinatnan Pagmamahal Responsibilidad Kapritso

Mababang Halaga Kalayaan mula sa Kalayaan para sa

Isagawa

Panuto: Sa pagkakataong ito ay napatunayan mo na ang tunay na kahulugan


ng kalayaan, at ito ang kakayahang magmahal at maglingkod. Ngayon, balikan at
suriin mo naman ang naging pasiya at kilos nitong mga nagdaang araw. Isa-isahin
mo ang mga negatibong katangiang naipamalas mo na maaaring maging hadlang sa
iyong paggamit ng tunay na kalayaan. Sundin ang pormat sa ibaba. Isaulat ang sagot
sa iyong kuwaderno.

Mga Negatibong Mga Sitwasiyon na Ano ang Naging Epekto


Katangian na naging Naipakita ko ito Sa Akin at sa Aking
Hadlang sa aking Kapuwa?
Paggamit sa Tunay
Na Kalayaan
Halimbawa: Inutusan ako ng aking Nagalit ang aking Nanay
Nanay na hugasan ang at nakatikim ng
katamaran mga pinggan kaya lang mahabang sermon.
ay wala ako sa mood na
gawin ito.

9
1.

2.

3.

4.

5.

Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag. Piliin ang


pinakawastong sagot at isulat ito sa iyong kuwaderno.

1. Bakit malaya ang isang taong alipin sa paglilingkod?


a. Dahil malaya siya sa kaniyang paglilingkod
b. Dahil malaya siya sa kaniyang pagkamakasarili
c. Dahil ang pagilingkod ay nakapagpapalaya sa kahirapan
d. Dahil ang naglilingkod ay nagkakaroon ng mga mahal sa buhay

2. Alin sa sitwasiyon ang nagpapakita ng tunay na kalayaan?


a. Nagagawa ni Karlo ang mamasyal anumang oras niya gustuhin
b. Inamin ni Kyle ang kaniyang pagkakamali at humingi ng paumanhin sa
ginawa
c. Hindi mahiyain si Johann kaya nasasabi niya ang gusto niyang sabihin sa
mga tao
d. Kahit pagod na si Keith galing sa trabaho, sinamahan pa rin niya ang
kapitbahay na isinugod sa ospital

10
3. Bakit kailangang lumaya ang tao sa mula sa makasariling interes,
pagmamataas, katamaran at iba pang negatibong gawain?
a. Nakasentro lamang siya sa kaniyang sarili kaya hindi makakamit ang
kalayaan
b. Magkakaroon ng kabuluhan ang buhay kung walang ganitong katangian
c. Nag-iiwan ito ng magandang imahe sa pagkatao ng tao
d. Nilalayuan ng ibang tao ang may ganitong mga pag-uugali

4. Ang responsibilidad ay ang kakayahang tumugon sa tawag ng


pangangailangan ayon sa situwasiyon. Ang pahayag ay:
a. Tama, dahil ang tunay na responsableng kalayaan ay ang pagtulong sa
kapuwa
b. Tama, dahil may kakayahan ang taong magbigay paliwanag sa kilos na
ginawa
c. Mali, dahil ang responsibilidad ay palaging kakambal ng kalayaan na
ginagamit ng tao
d. Mali, dahil ang responsibilidad ay ang pagtanggap sa kahinatnan ng kilos
na ginawa

5. Hindi mo maunawaan ang leksiyon ng inyong guro at nakababagot sa


pakiramdam kaya nawalan ka ng interes na makinig sa kaniya. Dahil dito
wala kang natutuhan sa itinuro niya, sinisi mo ang iyong guro.
Sang-ayon ka ba?

a. Sang-ayon, dahil responsibilidad ng guro na maipaunawa sa nga mag-


aaral ang leksiyon
b. Sang-ayon, dahil kailangang mapaganda ang leksiyon para hindi
nakababagot sa mag-aaral
c. Di sang-ayon, dahil may pananagutan ang tao sa kaniyang kilos
d. Di sang-ayon, dahil may kakayahan ang tao na piliin ang kaniyang kilos

11
Karagdagang Gawain

Panuto: Ang pag-unlad mo ay matatamo sa pamamagitan ng paggamit nito sa


tunay na buhay nang paulit-ulit hanggang ito ay maging bahagi na ng iyong
pagkatao. Subukin mong gawin ang nasa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa
kuwaderno.

Mga Negatibong Mga Paraang Gagawin Paano ito tumugon sa


Katangian na Kailangan upang tawag ng pagmamahal at
Kong Baguhin Mapagtagumpayan/ paglilingkod?
Malampasan ang
Negatibong Katangian
1.

2.

3.

4.

5.

Sumulat ng maikling pagninilay sa aralin kung paano mo ito maisasabuhay


sa panahon ng pandemya
Ang aking natutuhan mula sa gawain _____________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________
_________________________________________________.

12
13
Subukin Isaisip Tayahin
1. c 1. Pananagutan 1. a
2. b 2. Kahinatnan 2. d
3. a 3. Pakultad 3. b
4. d 4. Responsibilidad 4. a
5. d 5. Pagmamahal: 5. d
Mababang Halaga
6. Kalayaan mula sa
7. Isip
8. Kalayaan para sa
9. Kapritso
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Covey, S. (1998). The Seven Habits of Highly Effective Teens: The Ultimate Teenage
Success Guide. Ontario: Fireside

Dy, Manuel Jr. B. (2012). Philosophy of Man (Selected Readings). Quezon City:
Katha Publishing Co., Inc.

Lipio, F. (2004). Konsiyensiya Para sa mga Katolikong Filipino. Mandaluyong City.


National Bookstore

Philip, J. (2006). I Choose to Be Free: The Power of Faith, Hope & Charity. Manila.
Sinag-tala Publishers

14
For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education – Davao City Division
Elpidio Quirino Ave., Poblacion District, Davao City, 8000 Davao del Sur
Telefax: (082) 224-3274, (082) 222-1672
E-mail Address: davao.city@deped.gov.ph

You might also like