You are on page 1of 45

10

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan Modyul 5:
Isyu sa Paggawa

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Araling Panlipunan- Grade 10
Alternative Delivery Mode
Quarter 2, - Module 5: Mga Mungkahi sa Paglutas sa iba’t ibang Suliranin sa
Paggawa
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Jackie Lou S. Matbagan
Editor: Maria Rowena R. Lee
Ella Rosario Sencio,
Wella E. Pidere
Tagasuri: Wendell C. Catam-isan,PhD
Punong Tagapamahala: Arturo B. Bayocot, PhD, CESO III
Rehiyunal na Director
Victor G. De Gracia Jr. PhD, CESO V
Pangalawang Rehiyunaln na Director
Randolph B. Tortola, PhD, CESO IV
Tagapamanihalang Pansangay
Shambaeh A. Usman, PhD
Pangalawang Tagapamanihalang Pansangay
Mala Epra B. Magnaong, Chief, CLMD
Neil A. Improgo, EPS-LRMS
Bienvenido U. Tagolimot Jr., EPS-ADM
Mga Miyembro: Elbert R. Francisco, PhD, Chief, CID
Wendell C. Catam-isan, PhD, EPS in Araling Panlipunan
Rejynne Mary L. Ruiz, PhD, LRMS Manager
Jenny B. Timbal, PDO II
Shella O. Bolasco, Division Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon-Dibisyon ng Bukidnon
Office Address: Fortich St., Sumpong, Malaybalay, Bukidnon
Telephone: (088) 813-3634
E-mail Address: bukidnon@deped.gov.ph
10
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan Modyul 5:
Mga Mungkahi sa Paglutas sa iba’t
ibang Suliranin sa Paggawa

KAHON NG KATUGUNAN

Ang modyul na ito ay sama-samang binuo at sinuri ng mga edukador sa mga


publikong paaralan.Hinihikayat naming ang mga guro at iba pang nasa larangan ng
edukasyon na mag e-mail ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng
Edukasyon sa bukidnon@deped.gov.ph.

Pinahahalagahan naming ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon.Republika ng Pilipinas

ii
TALAAN NG NILALAMAN

TAKIP NG PAHINA PAHINA


PAHINA NG KARAPATANG –ARI
PAHINA NG PAMAGAT
TALAAN NG NILALAMAN
Aralin 1 – Hamon sa Paggawa
Alamin 1
Subukin 1
Balikan 4
Tuklasin 4
Suriin 6
Pagyamanin 8
Isaisip 9
Isagawa 10
Tayahin 11
Aralin 2 – Globalisasyon sa Paggawa Mura at Flexible Labor
Alamin 1
Subukin 1
Balikan 5
Tuklasin 5
Suriin 6
Pagyamanin 9
Isaisip 10
Isagawa 11
Tayahin 11
Aralin 3 – Mungkahi ng kalutasan sa Suliranin sa Paggawa
Alamin 1
Subukin 1
Balikan 3
Tuklasin 3
Suriin 4
Pagyamanin 5
Isaisip 6
Isagawa 7
Tayahin 7

iii
Paunang Salita
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 10 ang Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa aralingMungkahi sa paglutas sa iba’t ibang
Suliranin sa Paggawa!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang denisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambulikong paaralan upang gabayan ka. Ang gurong tagapagdaloy ay
handing tumulong na makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng
Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at
pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Para sa mga Guro at Tagapagdaloy
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-
aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala
ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong
ito sa pinakakatawan ng modyul:
iv

Mga Tala para sa Guro


Ang Modyul na ito ay naglalaman ng mga kaalaman,
Gawain,paalala,panulong o estraheyang magagamit sa paggabay
naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral kahit sila ay nasa kanilang sariling tahanan.

Para sa mga Magulang


Ang modyul na ito ay nilikha upang matugunan ang sitwasyong kinaharap ng ating
mga mag-aaral.Ang magiging lugar ng kanilang kaalaman ay hindi lamang limitado
sa silid-aralan kundi maging sa inyong tahanan.
Inaasahan ang inyong pakikiisa,pakikipagtulungan at paggabay sa ating mga mag-
aaral upang mapatnubayan sa mga gawaing itinalaga sa kanila.

iv
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong


Alamin matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuha mo
Subukin ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang aralin
Balikan
sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo


sa maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin,
Tuklasin tula, pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa
aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan
Suriin ang bagong konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-unawa
at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang
Pagyamanin
mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang


Isaisip patlang ng pangungusap o talata upang maproseso
v
kung anong natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo
Isagawa upang maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa
tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang


Tayahin antas ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang
kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong
gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o
Karagdagang Gawain
kasanayan sa natutuhang aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


Susi sa Pagwawasto lahat ng mga gawain sa modyul.

Ang manunulat ay nagnanais na matutuhan v ang tungkol sa mungkahi sa paglutas sa


iba’t ibang suliranin sa paggawa dulot ng globalisasyon kung saan matutunghayan
ang suhestiyon at mga mungkahi upang malutas ang iba’t ibang suliranin sa
pagggawa. Naglalayon din ang Modyul na ito na matutuhan mo ang mga karapatan
ng mga manggagawa. Maipakikita rin sa modyul na ito kung paano tutugunan ng
pamahalaan mga suliraning dulot ng globalisasyon, paano ito nakakatulong sa araw-
araw na pamumuhay ng mga Pilipino.
Tanggapin mo ng mainit na pagbati ng manunulat sa pagtanggap mo sa hamon sa
gitna ng pandemya na ipagpatuloy ang pagtuklas ng kaalaman at karunungan.Sapat
na ito upang maipakita mo ang kabayanihan sa iyong kaparaanan.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay
na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Ang modyul na ito ay dinisenyo at nilikha kung saan una sa isip ng manunulat
ang kaalamang malilikom mo bilang mag-aaral. Ito ay ginawa upang makatulong sa
iyo na matutunan ang mga mungkahing solusyon sa iba’t ibang suliranin sa
pagggawa upang mapangalagaan ang karapatan ng mga manggagawang Pilipno.

vi
Ang modyul na ito na magamit ang iba’t ibang sitwasyong pangkaalaman.Ang
mga aralin ay inihanay upang makasunod sa istandard na pagkakasunod-sunod sa
asignatura.Ganoon pa man ang pagkakasunod-sunod ng iyong mga binasa ay
maaaring mabago batay sa uri ng teksbuk o sanggunian na iyong ginagamit.
Ang modyul ay hinati gaya ng nakasaad sa ibaba:

- Aralin 1: Hamon sa Paggawa

- Aralin 2: Globalisasyon sa Paggawa mura at flexible labor

- Aralin 3: Mungkahi ng kalutasan sa Suliranin sa Paggawa

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. Nakabubuo ng mga mungkahi upang malutas ang iba’t ibang suliranin sa


paggawa.

vii
Aralin
Hamon sa Paggawa
1

Alamin

Katatapos mo lang napag-aralan ang konsepto ng globalisasyon. Nalaman


mo nang malaki ang pagbabagong naidulot nito sa iba’t ibang aspekto ng buhay
nating mga Pilipino. Pag-aaralan naman natin ang mga pagbabagong naidulot ng
globalisasyon sa buhay ng mga manggagagawang Pilipino. Sa modyul na ito
bigyang pansin ang mga suliraning kinakaharap ng mga manggagawa at ang mga
kadahilanan ng pagkakaroon nila ng mga nasabing problema sa paggawa.

Aralin 1- Ang Globalisasyon at Ang Mga Isyu sa Paggawa

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang ang mga mag-aaral ay:


1. Natutukoy ang mga pangunahing suliranin ng mga manggagawang
Pilipino;
2. Naipapaliwanag ang mga dahilan ng mga nasabing suliranin sa paggawa;
3. Nakagagawa ng mga mungkahi o hakbang na makatutulong sa pamilya
na makatugon sa mga epekto na dulot ng mga suliranin sa paggawa

Subukin

Binabati kita! Narating mo na ang bahagi kung saan ay susubukin ang iyong
kaalaman sa araling ito. Isulat ang letra ng iyong napiling sagot. Makikita mo lamang
ang kabuuan ng iyong nakuha pagkatapos mong masagutan ang lahat ng aytem.

Panuto: Basahing mabuti at unawain ang mga katanungan sa bawat aytem. Piliin at
bilugan ang titik ng tamang sagot mula sa pagpipilian.
_____1. Ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap sa iba’t ibang anyo ng
hamon sa paggawa MALIBAN sa isa. Ano ito?
A. Kontraktuwalisasyon ng mga manggagawa
B. Mataas na sahod na inaalok ng mga MNCs at TNCs
C. Kawalang ng seguridad sa pinapasukang
1 kompanya
D. Mababang pasahod para sa mga manggagawang Pilipino
_____2. Ang ating mga manggagawa at empleyado sa iba’t ibang sektor ay
nakararanas ng maraming hamon at hindi mabuting kalagayan sa paggawa
dulot ng iba’t ibang kadahilanan. Sa palagay mo alin sa mga ito ang
pinakapuno’t dulo sa mga hamong ito?
A. Kawalan ng edukasyon at kasanayan
B. Dahil sa kawalan ng diskarte sa buhay at katamaran
C. Dahil walang magawa ang pamahalaan na malutas ang mga problema
sa paggawa
D. Dahil sa mga makabagong sistema sa paggawa na ipinakilala ng mga
dayuhang kompanya na pabor para sa kanila

_____3. Si Jun ay isang construction worker. Kamakailan lang ay naaksidente


siya, nahulog mula sa ikatlong palapag ng gusaling kanilang itinatayo dahil
wala siyang harness o tali sa katawan. Anong pang-aabuso sa mga
manggagawa ang ipinapakita sa pangyayaring ito?
A. Mababang pasahod
B. Mahabang oras sa paggawa
C. Kawalan ng sapat na seguridad sa paggawa
D. Hindi pantay na oportunidad sa pagpili ng mga empleyado

_____4. Halos mapudpod na ang sapatos ni Armando sa paghahanap ng trabaho


ngunit hindi pa rin siya natanggap. Maraming job fair na rin ang kanyang
pinuntahan ngunit bigo siyang makakuha ng trabaho. Bakit kaya ito
nangyayari kay Armando? Sadya ba talagang wala siyang swerte
pagdating sa paghahanap ng trabaho?
A. Marahil ay kulang pa ang kanyang kakayahan at kasanayan
B. Marahil ay may kakulangan siya sa aspekto ng personal relations kaya
hindi siya nagustuhan
C. Marahil ay hindi kaaya-aya ang kanyang pisikal na kaanyuan kaya hindi
siya natatanggap sa trabaho.
D. Biktima si Armando ng job mismatch kung saan hindi tugma ang
kanyang kakayahan at kasanayan na hinahanap ng mga kompanya.

_____5. Isa sa mga pagbabagong dulot ng globalisasyon ay ang sistema ng


kontraktuwalisasyon o ang pagtatakda ng kontrata sa pagtratrabaho na
hindi lalagpas sa anim na buwan. Ano ang epekto ng kontratuwalisasyon
sa mga manggagawa?
A. Tataas ang bilang ng mga manggagawang mawawalan ng trabaho.
B. Inaasahang mas paghusayan pa ng mga maggagawa ang kanilang
trabaho para ma-renew ang kanilang kontrata.
C. Maraming mga manggagawa ang masisiyahan dahil hindi sa lahat ng
panahon ay magtratrabaho sila bagkus magkakaroon sila ng panahon
na magbakasyon o magpahinga.
D. Hindi pangmatagalan o walang security of tenure ang mga manggagawa
at hindi sila makatatanggap ng mga benipisyong kagaya ng mga regular
na mga empleyado.

_____6. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang kumakatawan sa pahayag na


2
“binago ng globalisasyon ang workplace ng mga manggagawang Pilipino”?
A. Nagkaroon ng pag-angat sa kalidad ng manggagawang Pilipino.
B. Patuloy ang pagdagsa ng mga produktong dayuhan sa Pilipinas.
C. Patuloy ang pagdagsa ng mga Business Process Outsourcing (BPO) sa
bansa.
D. Paghuhulog, pagbabayad at pagwiwithdraw gamit ang mga Automatic
Teller Machince (ATM).

_____7. Dahil sa globalisayon sa paggawa, ano ang isang bagay na binago ng mga
dayuhang mamumuhunan at korporasyon sa sistema ng pagtratrabaho sa
bansa?
A. Maraming mga manggagawa ang nagkaroon ng maayos na
pamumuhay.
B. Malaki ang naitulong ng mga ito sa pamahalaan dahil sa malaking buwis
na ibinabayad nila.
C. Itinakda ng mga dayuhang ito ang mga kasanayan sa paggawa na
globally standard para sa mga manggagawa.
D. Maraming mga Pilipino ang hindi natanggap sa trabaho dahil mga
dayuhang manggagawa ang kanilang kailangan.

_____8. Bakit madali lamang para sa mga dayuhang mamumuhunan ang


magpresyo ng mura sa kanilang mga produkto?
A. Dahil malaki naman ang kanilang produksyon
B. Dahil mayayaman sila kaya hindi sila takot na malugi
C. Dahil sa hindi naman de-kalidad ang kanilang mga produkto
D. Dahil mura lamang ang pasahod nila sa kanilang mga manggagawa

_____9. Sa pangkalahatan, ano ang naidudulot ng kawalan ng trabaho sa mga ama


ng tahanan?
A. Kaginhawaan
B. Kalituhan
C. Kalungkutan
D. Kasiyahan

_____10. Sa mahabang panahon ng pamamasukan ng iyong ama sa isang pabrika,


kailanman man ay hindi siya nabigyan ng pagkakataon na maging regular
sa kanyang trabaho. Sa sitwasyong ito, paano ka mas higit na
makatutulong sa iyong pamilya para makaraos sa kahirapan?
A. Liliban ako sa klase upang magbenta ng pagkain sa lansangan.
B. Titigil na lamang ako sa pag-aaral para makapaghanap ng trabaho.
C. Titipirin ko ang aking baon at maghahanap ng mapagkakitaan kapag
walang pasok.
D. Magpapatuloy pa rin ako sa aking pag-aaral dahil responsibilidad naman
ng mga magulang ko na paaralin ko.

Balikan

3
Panuto: Bago mo umpisahan ang araling ito, magbalik-tanaw muna tayo sa
nakaraang aralin natin tungkol sa globalisasyon. Babalikan natin ang ilan sa mga
pagbabagong idinulot ng paglaganap ng globalisasyon sa buhay ng bawat Pilipino.

Nakalista sa unang kolum ang ilang mga gawain. Ilarawan mo kung paano
nila ito ginawa noon at kung ano naman ang sistema ngayon.

Mga gawain Ang Nakagawian Noon Mga Pagbabago Ngayon


Pagpapadala ng mensahe
Paglalakbay sa ibang
lugar
Pagbili ng mga produkto o
pangangailangan
Sa larangan ng pag-aaral
o pagtuturo

Tuklasin

Panuto: Basahin ang balitang ito tungkol sa kalagayan ng ilang mga mangagawang
Pilipino at pagkatapos ay sagutin ang mga pamprosesong tanong.

3 labor groups nagpetisyon para sa wage hike


ABS-CBN News
Posted at Apr 26 2019 09:21 PM | Updated as of Apr 27 2019 01:11 AM

Limang araw bago ang Labor Day sa Mayo 1, tatlong grupo ng mga manggagawa
ang humirit na gawin nang P750 kada araw ang minimum wage sa buong bansa. 

Inihain ng mga grupo ang petisyon sa Regional Tripartite Wages and Productivity
Board (RTWPB) ng National Capital Region nitong Lunes, na layong bigyan ng
dagdag-suweldo, benepisyo, at mas matatag na estado ng mga manggagawang
Pilipino.

Kabilang sa mga nagpetisyon ang Kilusang Mayo Uno, Kilos Na Manggagawa, at


Metal Workers Alliance of the Philippines (MWAP).

Giit nila, gawin nang P750 ang arawang sahod ng mga manggagawa sa buong
bansa lalo't lahat ay naghihirap naman umano sa epekto ng inflation at serye ng
pagtaas ng presyo ng petrolyo.

"Kahit bumaba na 'yung inflation rate hindi naman ito nangangahulugan na bumaba
4
na rin ang presyo ng bilihin," sabi ni Jen Pajel, chairperson ng Kilos Na
Manggagawa.
Kasalukuyang nasa P537 ang suweldo kada araw ng mga manggagawa sa NCR na
tumaas noon lang Nobyembre. Ibig sabihin, P213 ang kailangang umento kung
pagbibigyan ang petisyon.
    
"Du'n sa P537 na minimum wage ay pinagkakasya nila doon 'yung lahat ng gastusin
sa araw-araw, lalo na pinopondohan nila 'yung pamasahe... Mas malaki sa kanila
ang kawalan kung liliban sila," ani Julius Carandang, pangulo ng MWAP.
Wala pang tugon ang Department of Labor and Employment (DOLE) tungkol sa
inihaing wage hike petition ng mga manggagawa.
    
Pero ang grupong Employers Confederation of the Philippines (ECOP) ay
ipinagkibit-balikat lang ito.

"Live with reality... It's impossible na mangyari," sabi ni ECOP president Sergio Ortiz-
Luis.

Ipinaliwanag din ni Luis ang dahilan kung bakit iba-iba ang minimum wage ng mga
manggagawa kada rehiyon 

"For instance, in Samar, if the minimum wage is P750 a day, which company will go
there to establish? In the province hindi ganu'n kalaki ang pamasahe," aniya. 

Kung igigiit ang umento, tatamaan daw ang mga pinakamaliliit na negosyante sa
bansa, sabi ni Luis. 

Sa kasalukuyang sistema, itinatakda ang minimum wage sa bawat rehiyon ng mga


regional board. 
    
—Ulat ni Sherrie Ann Torres, ABS-CBN News
https://news.abs-cbn.com/business/04/26/19/3-labor-groups-nagpetisyon-para-sa-
wage-hike

Pamprosesong Tanong:

1. Batay sa ulat, ano-ano ang mga hinaing na ihaharap ng tatlong grupo ng mga
manggagawa sa gagawing protesta?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Sa palagay mo, makatarungan ba ang dahilan ng kanilang protesta? Ipaliwanag.


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Sumasang-ayon ka ba sa naging tugon ng president ng ECOP? Bakit?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

5
Suriin

Ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap sa iba’t ibang anyo ng


suliranin at hamon sa paggawa tulad ng mababang pasahod, kawalan ng seguridad
sa pinapasukang kompanya, ‘job-mismatch’ bunga ng mga ‘job-skills mismatch,’ iba’t
ibang anyo ng kontraktuwalisasyon sa paggawa, at ang mura at flexible labor. Isang
hamon din sa paggawa ay ang mabilis na pagdating at paglabas ng mga puhunan
ng mga dayuhang namumuhunan na mas nagpatingkad naman ng kompetisyon sa
hanay ng mga dayuhang kompanya at korporasyon sa bansa. Dahil dito mas
nahikayat ang mga namumuhunan na pumasok sa bansa na nagdulot ng iba’t ibang
isyu sa paggawa.
Dahil sa paglaganap ng globalisasyon naaapektuhan nito maging ang
workplace na kung saan nagbunga ito ng pagtatakda ng mga pandaigdigang
samahan tulad ng Word Trade Organization (WTO) ng mga kasanayan o kakayahan
sa paggawa na globally standard para sa mga manggagawa. Naglalagak ang mga
multi-national company ng mga investment para sa mga trabaho sa bansa na kung
saan ang mga kasanayan na kakailanganin ng isang manggagawa ay nakabatay sa
mga naging kasunduan ng bansa sa mga kompanyang ito.

Ilan sa maraming naidulot ng globalisasyon sa paggawa ay ang mga


sumusunod:

 una, demand ng bansa para sa iba’t ibang kakayahan o kasanayan sa paggawa


ng globally standard;
 pangalawa, mabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal na produkto na makilala
sa pandaigidigan pamilihan;
 pangatlo, binago ng globalisasyon ang workplace at mga salik ng produksyon
tulad ng pagpasok ng iba’t ibang gadget, computer/IT programs, complex
machines at iba pang makabagong kagamitan sa paggawa; at
 pang-apat, dahil sa mura at mababa ang labor o pasahod sa mga manggagawa
kaya’t madali lang sa mga namumuhunan na magpresyo ng mura o mababa
laban sa mga dayuhang produkto o mahal na serbisyo at pareho ang kalidad sa
mga produktong lokal.

Ang mga pagbabagong ito ay nakaapekto sa mga manggagawa sa iba’t ibang


aspekto na nagbunsod ng maraming isyu sa paggawa na hinaharap ng mga
manggagawang Pilipino sa kasalukuyan upang magkaroon ng desente at marangal
na pamumuhay.
(Hango mula sa Araling Panlipunan 10 Learner’s Manual)

6
Panuto: Punan ang graphic organizer na Four Corner Organizer batay sa iyong
naunawaan sa binasang teksto. Isulat sa espasyo ang mga hinihinging detalye batay
sa mga nakasulat sa bawat corner.

Mga Suliranin Mga Dahilan ng


ng mga mga Suliranin
Manggagawa sa Paggawa

Epekto ng Mga
Globalisasyon Pagbabagong
sa mga Dulot ng
Manggagawa Globalisasyon

Pamprosesong Tanong:

1. Ano-ano ang mga isyu na kinakaharap ng mga manggagawa sa


kasalukuyan?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
_____________________________________________________________.

2. Paano nakaapekto ang mga isyung ito sa kalagayan ng mga manggagawa?


______________________________________________________________
______________________________________________________________
_____________________________________________________________.

3. Sa palagay mo mayroon bang mabuting naidulot ang globalisasyon sa


paggawa? Pangatuwiran.
______________________________________________________________
______________________________________________________________
_____________________________________________________________.

7
Pagyamanin

Narito ang bahagi ng isang editoryal na tumatalakay sa isyu ng


kontraktuwalisasyon. Basahin mong mabuti para mas higit mong maunawaan ang
sistemang ito na laganap na sa buong bansa.
Editoryal – Wakasan na ang contractualization
(Pang-masa) - July 10, 2016 - 12:00am

ISA sa mga pangako ni President Rodrigo Duterte ay ang pagbuwag sa


CONTRACTUALIZATION. Sabi ni Duterte noong nangangampanya, pinapatay ng
contractualization ang skills ng manggagawa. Nararapat lamang umano ito sa mga
mauunlad na bansa at hindi sa Pilipinas. Malinaw ang pahiwatig ni Duterte na sa
kanyang termino, wawakasan na ang contractualization.

Ang CONTRACTUALIZATION ay isang praktis ng mga employer kung saan tuwing


ika-anim na buwan ay ni-renew ang kontrata ng mga manggagawa. Ginagawa ito
para makaiwas sa pagbibigay ng benepisyo ang mga employer sa kanilang
manggagawa. Kabilang sa mga benepisyo ay ang paghuhulog ng contributions sa
Social Security System (SSS).

Nararapat nang wakasan ang contractualization para malasap naman ng mga


manggagawa ang mga benepisyo na matagal nang naipagkait sa kanila. Tapusin na
ang walang katapusang pagpirma ng kontrata ng mga manggagawa at lagi nang
nag-agam-agam tuwing sasapit ang ika-anim na buwan. Walang kasiguruhan kung
ire-renew pa ng kanyang employer ang kontrata. Paano kung hindi na? Paano niya
bubuhayin ang kanyang pamilya? Paano ang mga pinapaaral na anak?

Sabi ng mga CONTRACTUAL WORKER, nawawalan sila ng gana sa pagtratrabaho


kapag malapit nang magtapos ang kanilang kontrata. Nawawalan ng pag-asa at
bagkus nasisira ang mga plano.

Maliwanag sa batas na ipinagbabawal ang CONTRACTUALIZATION alinsunod sa


SECURITY OF TENURE CLAUSE ng Konstitusyon.  Ipinagbabawal din ito sa
ARTICLE 280 ng LABOR CODE na nagsasaad na kapag ang trabaho ng isang
manggagawa ay “NECESSARY” o “DESIRABLE” sa negosyo ng employer, siya ay
itinuturing na regular na empleyado.

Wakasan na ang CONTRACTUALIZATION para mawala ang pangamba ng mga


manggagawa tuwing sasapit ang ika-anim na buwan. Panahon na para malasap nila
ang sarap nang may permanenteng trabaho.

https://www.philstar.com/pang-masa/punto-mo/2016/07/10/1601316/editoryal-wakasan-
na-ang-contractualization

8
Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang naunawaan mo sa konsepto ng kontraktuwalisasyon?


______________________________________________________________
______________________________________________________________
_____________________________________________________________.

2. “Wakasan na ang CONTRACTUALIZATION”, bakit ito ang naging


panawagan ng sumulat ng editoryal? Ano ba ang naidudulot nito sa mga
manggagawa?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
_____________________________________________________________.

3. Sa palagay mo, mawawakasan kaya ang sistema ng kontraktuwalisasyon sa


bansa? Ipaliwanag.
______________________________________________________________
______________________________________________________________
_____________________________________________________________.

Isaisip

Nalalaman ko na ang mga manggagawang Pilipino ay nakararanas ng iba’t


ibang suliranin sa paggawa. Ang ilan sa mga ito ay ang
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________.
Ang mga suliraning ito ay dulot ng globalisasyon sa paggawa na nagdulot ng
maraming pagbabago katulad ng
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________.
Bilang kasapi ng pamilya ng isang manggagawa o empleyado na
kontraktuwal, makatutulong ako na maibsan kahit papaano ang kahirapang
nararanasan namin sa pamamagitan ng
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________.

9
Isagawa

Panuto: Marahil sa bahaging ito ay mayroon ka nang nalalaman tungkol sa


kalagayan ng mga manggagawa sa ating bansa. Ngayon ang pagkakataon upang
personal mong malalaman ang kalagayan ng mga manggagawa sa iyong
komunidad lalo na sa iyong mga magulang at mga kamag-anak na
naghahanapbuhay.

Magsasagawa ka ng isang panayam sa tatlo hanggang limang


manggagawa sa iyong komunidad. Mas mainam kung magkakaiba-iba ang
kanilang mga trabaho. Gamitin mo ang mga katanungan sa ibaba.

I. Personal Background:

A. Buong Pangalan:
B. Edad:
C. Status:
D. Pinakamataas na lebel ng edukasyon na natapos
(Kung tapos sa kolehiyo, ibigay ang kurso na natapos):
E. Tirahan:

II. Mga Tanong:

1. Ano ang iyong kasalukuyang trabaho?


2. Kayo ba ay regular o kontraktuwal? Kung kontraktuwal, pinapayagan ba ang
pagre-renew?
3. Ilang buwan o taon na kayo sa inyong trabaho?
4. Magkano ang inyong sahod? Tinatanggap mo ba ito ng arawan, lingguhan,
bawat ika-15 o buwanan?
5. Maliban sa sahod, ano pa ang ibang benepisyo na iyong natatanggap? Ano
ang mga ito? (Halimbawa: SSS, GSIS, Philhealth, PAG-IBIG, bonuses,
allowances)
6. Sapat ba ang iyong sahod para sa pangangailangan ng inyong pamilya?
Kung hindi, paano mo ito hinahanapan ng solusyon?
7. Mayroon ka bang mga problemang nararanasan o kinakaharap sa inyong
kasalukuyang trabaho? (Halimbawa: sa sahod, sa pamamalakad ng
kompanya o may-ari, sa mga kasamahan sa trabaho, kondisyon ng
workplace) Ano-ano ang mga ito? Paano mo tinugunan ang mga ito?
8. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na makahanap ng ibang trabaho, anong
hanapbuhay ang nais mong pasukan? Bakit?

10
Pamprosesong Tanong:
1. Batay sa isinagawa mong panayam, ano ang nalalaman mo tungkol sa
kalagayan ng mga manggagawa sa iyong komunidad?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
__________________________________________________________.

2. Sa palagay mo, ano ang maitutulong ng lokal na pamahalaan upang


bumuti ang kanilang kalagayan?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
__________________________________________________________.

3. Bilang paghahanda, ano ang gagawin mo upang maging maayos ang


kalagayan ng iyong pagtratrabaho?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
__________________________________________________________.

Tayahin

Binabati kita! Narating mo na ang bahagi kung saan ay tatayahin ang iyong
pasiunang kalalaman sa araling ito. Isulat ang letra ng iyong napiling sagot. Makikita
mo lamang ang kabuuan ng iyong nakuha pagkatapos mong masagutan ang lahat
ng aytem.

Panuto: Basahing mabuti at unawain ang mga katanungan sa bawat aytem. Piliin at
bilugan ang titik ng tamang sagot mula sa pagpipilian.
_____1. Ang mga manggagawang Pilipino ay humaharap sa iba’t ibang anyo ng
hamon sa paggawa MALIBAN sa isa. Ano ito?
A. Kontraktuwalisasyon ng mga manggagawa
B. Mataas na sahod na inaalok ng mga MNCs at TNCs
C. Kawalang ng seguridad sa pinapasukang kompanya
D. Mababang pasahod para sa mga manggagawang Pilipino
_____2. Ang ating mga manggagawa at empleyado sa iba’t ibang sektor ay
nakararanas ng maraming hamon at hindi mabuting kalagayan sa paggawa
dulot ng iba’t ibang kadahilanan. Sa palagay mo alin sa mga ito ang
pinakapuno’t dulo sa mga hamong ito?
A. Kawalan ng edukasyon at kasanayan
B. Dahil sa kawalan ng diskarte sa buhay at katamaran
C. Dahil walang magawa ang pamahalaan na malutas ang mga problema sa
paggawa
D. Dahil sa mga makabagong sistema sa paggawa na ipinakilala ng mga
dayuhang kompanya na pabor para sa kanila
_____3. Si Jun ay isang construction worker.
11 Kamakailan lang ay aksidente siyang
nahulog mula sa ikatlong palapag ng gusaling kanilang itinatayo dahil wala
siyang harness o tali sa katawan. Anong pang-aabuso sa mga
manggagawa ang ipinapakita sa pangyayaring ito?
A. Mababang pasahod
B. Mahabang oras sa paggawa
C. Kawalan ng sapat na seguridad sa paggawa
D. Hindi pantay na oportunidad sa pagpili ng mga empleyado

_____4. Halos mapudpod na ang sapatos ni Armando sa paghahanap ng trabaho


ngunit hindi pa rin siya natatanggap. Maraming job fair na rin ang kanyang
pinuntahan ngunit bigo siyang makakuha ng trabaho. Bakit kaya ito
nangyayari kay Armando? Sadya ba talaga siyang walang swerte
pagdating sa paghahanap ng trabaho?
A. Marahil ay kulang pa ang kanyang kakayahan at kasanayan
B. Marahil ay may kakulangan siya sa aspekto ng personal relations kaya
hindi siya nagustuhan
C. Marahil ay hindi kaaya-aya ang kanyang pisikal na kaanyuan kaya hind
siya natatanggap sa trabaho.
D. Biktima si Armando ng job mismatch kung saan hindi tugma ang kanyang
kakayahan at kasanayan sa hinahanap ng mga kompanya.

_____5. Isa sa mga pagbabagong dulot ng globalisasyon ay ang sistema ng


kontraktuwalisasyon o ang pagtatakda ng kontrata sa pagtatrabaho na hindi
lalagpas sa anim na buwan. Ano ang epekto ng kontratwalisasyon sa mga
manggagawa?
A. Tataas ang bilang ng mga manggagawang mawawalan ng trabaho.
B. Inaasahang mas paghusayan pa ng mga maggagawa ang kanilang
trabaho para ma-renew ang kanilang kontrata.
C. Maraming mga manggagawa ang masisiyahan dahil hindi sa lahat ng
panahon ay magtatrabaho sila bagkus magkakaroon sila ng panahon na
magbakasyon o magpahinga.
D. Hindi pangmatagalan o walang security of tenure ang mga manggagawa
at hindi sila makatatanggap ng mga benipisyong kagaya ng mga regular
ng mga empleyado.

_____6. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang kumakatawan sa pahayag na


“binago ng globalisasyon ang workplace ng mga manggagawang Pilipino”?
A. Nagkaroon ng pag-angat sa kalidad ng manggagawang Pilipino.
B. Patuloy ang pagdagsa ng mga produktong dayuhan sa Pilipinas.
C. Patuloy ang pagdagsa ng mga Business Process Outsourcing (BPO) sa
bansa.
D. Paghuhulog, pagbabayad at pagwiwithdraw gamit ang mga Automatic
Teller Machince (ATM).

_____7. Dahil sa globalisayon sa paggawa, ano ang isang bagay na binago ng mga
dayuhang mamumuhunan at korporasyon sa sistema ng pagtatrabaho sa
bansa?
A. Maraming mga manggagawa ang nagkaroon ng maayos na pamumuhay.
B. Malaki ang naitulong ng mga ito sa pamahalaan dahil sa malaking buwis
na ibinabayad nila.
C. Itinakda ng mga dayuhang ito ang mga kasanayan sa paggawa na
globally standard para sa mga
12 manggagawa.
D. Maraming mga Pilipino ang hindi natanggap sa trabaho dahil mga
dayuhang manggagawa ang kanilang kailangan.

_____8. Bakit madali lamang para sa mga dayuhang mamumuhunan ang


magpresyo ng mura sa kanilang mga produkto?
A. Dahil malaki naman ang kanilang produksyon
B. Dahil mayayaman sila kaya hindi sila takot na malugi
C. Dahil sa hindi naman de-kalidad ang kanilang mga produkto
D. Dahil mura lamang ang pasahod nila sa kanilang mga manggagawa

_____9. Sa pangkalahatan, ano ang idudulot ng kawalan ng trabaho sa mga ama ng


tahanan?
A. Kaginhawaan
B. Kalituhan
C. Kalungkutan
D. Kasiyahan

_____10. Sa mahabang panahon ng pamamasukan ng iyong ama sa isang pabrika,


kailanman man ay hindi siya nabigyan ng pagkakataon na maging regular
sa kanyang trabaho. Sa sitwasyong ito, paano ka mas higit na
makatutulong sa iyong pamilya para makaraos sa kahirapan?
A. Liliban ako sa klase upang magbenta ng pagkain sa lansangan.
B. Titigil na lamang ako sa pag-aaral para makapaghanap ng trabaho.
C. Titipirin ko ang aking baon at maghahanap ng mapagkikitaan kapag
walang pasok.
D. Magpapatuloy pa rin ako sa aking pag-aaral dahil responsibilidad naman
ng mga magulang ko ang papag-aralin ako.
13

Aralin Globalisasyon sa Paggawa


2 Mura at Flexible Labor
Ang pagbabago ay patuloy na mararanasan ng tao at ang kanyang
kinabibilangan lugar o pook. Isa ito sa mga pagbabagong dulot ng globalisasyon.
Ano- ano ang mga nararanasan ng mga manggagawang Pilipino sa kasalukuyan?

Alamin

Alamin ang mga implikasyon na dulot ng globalisasyon. Ang modyul na ito ay


tumutulong na masuri at maunawaan ng mga mag-aaral ang implikasyon sa
suliranin sa aspetong paggawa .

Aralin 2 – Globalisasyon sa Paggawa Nakakatulong nga ba?

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang ang mga mag-aaral ay:

1. Natutukoy ang mga dahilan ng pagkakaroon ng iba’t ibang suliranin sa paggawa


dulot ng globalisasyon,
2. Nalalaman ang mga trabaho at kaakibat na suliranin para dito,
3. Nakakabuo ng paglalahat kung nakakabuti o nakakasama ba ang globalisasyon
sa paggawa sa buhay ng mga Pilipino.

Subukin

Binabati kita! Narating mo na ang bahagi kung saan ay susubukin ang iyong
paunang kalalaman sa araling ito. Isulat ang letra ng iyong napiling sagot.

_____1. Anong uri ng globalisasyona na mabilis na lumaganap sa buong daigdig?


A. Pampulitika
B. Pang-edukasyon
C. Pang-ekonomiya
D. Pangkultura
_____2. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang kumakatawan sa pahayag na
“binago ng globalisasyon ang workplace ng mga manggagawang Pilipino”?
A. Pag-angat ang kalidad ng manggagawang Pilipino.
B. Pagdagsa ng mga Business Process Outsourcing (BPO) sa bansa.
C. Paghuhulog, pagbabayad at pagwiwithdraw gamit ang mga Automatic
Teller Machince (ATM). 1
D. Pagdagsa ng mga produktong dayuhan sa Pilipinas.

_____3. Maaaring uriin ang outsourcing sa mga sumusunod maliban sa isa. Ano ito?
A. Nearshoring
B. Offshoring
C. Onshoring
D. Inshoring

_____4. Ano ang mura at flexible labor?


A. Ito ay paraan ng mga namumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at
tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad na mababang pasahod at
paglilimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.
B. Proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal
patungo sa iba pa maging ito man ay pansamantala o permanente
C. Paglipat ng gawain ng isang kompanya tungo sa ibang kompanya na ang
pangunahing dahilan ay mapagaan ang gawain upang mapagtuunan ng
pansin ang higit na magpapalaki ng kanilang kita.
D. Pagkuha ng isang kompanya sa isang ahensiya o indibidwal na
subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang
panahon

_____5. Alin sa sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa konsepto ng mura at


flexible labor?
A. Ito ay paraan ng mga namumuhunan na bigyan ng kalayaan ang mga
manggagawa sa pagpili ng kanilang magiging posisyon sa kompanya.
B. Ito ay paraan ng mga namumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at
tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad na mababang pasahod at
paglilimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.
C. Ito ay paraan ng mga namumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at
tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad na malaking pasahod at
pagpapahaba sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.
D. Ito ay paraan ng mga namumuhunan na ipantay ang kanilang kinikita at
tinutubo sa pagpapatupad na malaking pasahod at paglilimita sa panahon
ng paggawa ng mga manggagawa.

_____6. Ano ang iskemang subcontracting?


A. Sistema ng pagkuha ng isang kompanya sa isang ahensiya o indibidwal
na subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang
takdang panahon.
B. Iskema ng pagkuha ng isang ahensiya o indibiwal na subcontractor ng
isang kompanya para sa pagsagawa ng isang trabaho o serbisyo.
C. Pag-eempleyo sa isang manggagawa upang gawin ang isang trabaho o
serbisyo sa loob ng 6 na buwan.
D. Pagkuha sa isang ahensiya o indibidwal na subcontractor sa isang
manggagawa sa loob ng mas mahabang panahon.
_____7. Marami ang naniniwala na ang globalisasyon
2 ay nakabatay sa pang-
aabuso. Totoo ba ito?
A. Oo, dahil marami ang nag-iisip na ang isang taong namumuhunan o
nagnenegosyo ay umunlad sanhi ng kanyang pang-aapi.
B. Oo, dahil ang paraan lamang na yumaman ka ay ang pagkuha ng
C. Hindi, dahil napakalawak ng pagkakataong binibigay at nakukuha sa
kalakalan na kung saan ang parehong partido (namumuhunan at
manggagawa) ay nakikinabang.
D. Siguro, dahil marami ngayon ang naabusong manggagawa mula sa
ibang bansa.

_____8. Dahil sa globalisasyon, marami ang nagiging kakompetensiya ng mga


karaniwang kalakal ng mga maliliit na negosyante. Bilang economic adviser
ng Pangulo, ano ang maimungkahi mo para matulungan sila?
A. Hayaan silang magbenta kahit saan nila gusto.
B. Huwag silang magbayad ng buwis upang lumaki ang kita sa negosyo.
C. Gumawa ng programang maglalaan ng karagdagang pondo upang
makipagsabayan sa mga dayuhan.
D. Gumawa ng anunsiyo na hayaan na lamang magnegosyo ang mga
dayuhan sa kanilang lugar.

_____9. Marami sa mga pamilya ng OFW’s ay nakararanas ng pangungulila sa


kailang kaanak na humantong sa pagkawasak nito. Paano kaya sila
matutulungan?
A. Makisimpatiya sa kanila
B. Magtayo ng isang samahan ng mga pamilya ng OFW upang gumabay sa
kanila
C. Bigyan sila ng load pantawag sa kanilang kaanak.
D. Bigyan sila ng sulat isa-isa.

_____10. Ang transnational crime ay isang seryosong krimen na isinagawa ng mga


organisadong grupo na may layunin na magkamal ng salapi dulot ng
kawalang trabaho. Alin sa sumusunod na hakbang ang pinakamainam na
solusyon upang malutas, maiwasan o mawakasan ang ganitong krimen sa
buong mundo lalo na sa Pilipinas?
A. Gumawa ng sariling polisiya upang maiwasan ang terorismo.
B. Maglaan ng pondo pansuporta sa mga nagsulong ng transnational crime
C. Makipagpalitan ng kaalaman at intelligence report sa ibang bansa upang
maisulong ang seguridad at gumawa ng aksiyon ukol dito.
D. Isara ang bansa sa mga dayuhan upang masigurong walang terorista.

Para sa bilang 11-13, suriin ang talahanayan

_____11. Mula sa talahanayan, saang rehiyon ang may pinakamaraming OFW?


Table 2. Regional Distribution of Land-based Overseas Filipino Workers, 2004*
3
Region Numbers Percent
Asia 266,609 37.84
Middle East 352,314 50.00
Europe 55,116 7.82
Americas 11,692 1.66
Africa 8,485 1.20
Trust Territories 7,177 1.02
Oceania 3,023 0.43
Others 170 0.02
Total 704,586 100.00
Pinagkunan: http://www.migrationpolicy.org/article/philippines-culture-migration
A. Africa
B. Asia
C. Middle East
D. Oceania

_____12. Anong bansa ang may pinakamaliit na bilang ng nangingibang bansa?


A. Asia
B. Europe
C. Middle East
D. Oceania

______13. Ilang porsyento ng OFW sa Region ng Middle East?.


A. 7.82%
B. 37.84%
C. 352%
D. 100%

______14. Paano tinutugunan ng pamahalaan ang pang-aabusong nararanasan ng


mga manggagawa nito sa ibang bansa?
A. Binibigyan ng legal assistance
B. Financial assistance
C. Pinapauwi
D. Pinapakulong ang may sala

_____15. Paano nakaaapekto ang kontraktuwalisasyon sa mga manggagawang


Pilipino?
A. Walang karampatang sahod
B. Walang benepisyong ayon sa batas na tinatamasa ng
mga manggagawang regular
C. Walang katiyakan ang kanilang hanapbuhay
D. Hindi sila kasama sa bargaining unit

4
Balikan

Bago mo umpisahan ang araling ito, balikan muna ang iyong natutuhan
tungkol sa mga suliranin na kinakaharap nga ng mga manggagawa.
 Ano-anong hamon sa paggawa na kasalukuyang kinakaharap ng mga
manggagawang Pilipino?
 Sino-sinong manggagawa ang nakararanas ng hindi pantay na oportunidad at
mas vulnerable sa mga pang-aabuso?
 Bakit hindi naipatutupad ang ilan o mga stratehiya para sa isang disenteng
trabaho ng ilang kompanya sa bansa?

Tuklasin

Alam kung handa ka nang tuklasin ang mga karunungan na iyong


matututuhan sa araling ito. Ang gawaing inilaan ay makatutulong sa iyo upang
masubok ang iyong kakayahan at pagunawa. Natunghayan mo sa nakalipas na
paksa ang iba’t ibang hamon na kinakaharap ng mga manggagawang Pilipino sa
kasalukuyan dulot ng impluwensiya ng globalisasyon sa paggawa. Mababatid mo sa
kasunod na paksa ang mga naging implikasyon ng globalisasyon sa paggawa tulad
ng paglaganap ng mura at flexible labor, patuloy na paglala ng kontraktuwalisasyon
at iba pa. Tatalakayin din dito ang mga naging tugon sa mga hamon sa paggawa at
patuloy na kampanya para sa isang disente at marangal na trabaho.
Panuto: Suriin ang larawan na nasa ibaba. Paano nakaaapekto ang globalisasyon sa
lokal na kultura ng mga bansa lalo na sa mga bansang papaunlad pa
lamang tulad ng Pilipinas?

http://www.filipinopro.com/main/wp-content/uploads/2013/07/brain-drain.jpg

5
Suriin

“Mura at Flexible Labor”


Isang matinding hamon ang kinakaharap ng mga manggagawa mula nang
ipatupad ang patuloy na paglala ng “mura at flexible labor” sa bansa (IBON, 2006).
Ito ay isang paraan ng mga kapitalista o mamumuhunan upang palakihin ang
kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mababang
pagpapasahod at paglimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa. Isang
paraan ito upang sila ay makaiwas sa patuloy na krisis dulot ng labis na produksiyon
at kapital na nararanasan ng iba’t ibang mga bansa.
Tinalakay sa nakalipas na paksa ang iba’t ibang isyu at hamon na
kinakaharap ng mga manggagawang Pilipino bunga ng globalisasyon.
Sa kasunod na paksa ay iyong matutunghayan ang mga implikasyon ng
globalisasyon sa paggawa at maaaring nararapat na hakbang upang matugunan
mga ito.
Natunghayan mo sa nakalipas na paksa ang iba’t ibang hamon na
kinakaharap ng mga manggagawang Pilipino sa kasalukuyan dulot ng impluwensiya
ng globalisasyon sa paggawa. Mababatid mo sa kasunod na paksa ang mga naging
implikasyon ng globalisasyon sa paggawa tulad ng paglaganap ng mura at flexible
labor, patuloy na paglala ng kontraktuwalisasyon at iba pa. Tatalakayin din dito ang
mga naging tugon sa mga hamon sa paggawa at patuloy na kampanya para sa
isang disente at marangal na trabaho.
Sa panahon ng rehimeng Marcos, pinagtibay ang Presidential Decree (PD)
442 o Labor Code bilang patakarang pinaghanguan ng flexible labor. Nauna rito na
isinabatas ang Investment Incentive Act of 1967 para ilunsad ang malayang
kalakalan at pamumuhunan sa ilalim ng patakarang neo-liberal (Balikan ang naging
talakayan sa patakarang ito sa unang aralin). Isinunod dito ang pagsasabatas ng RA
5490 – para itayo ang Bataan Export Processing Zone (BEPZ), at iba pang
Economic Processing Zone (EPZ) bilang show case ng malayang kalakalan.
Sa pagpasok ng administrasyong Corazon C. Aquino, buong-buo nitong
niyakap ang neo-liberal na globalisasyon at kasunod nito, ginawang bukas para sa
mga dayuhang mamumuhunan ang kalagayan ng paggawa.Isinabatas ang Omnibus
Investment Act of 1987 at Foreign Investment Act of 1991 na batas na nagpapatibay
sa mga patakarang neo-liberal. Ang mga batas na ito na nagbigay ng buong laya sa
daloy ng puhunan at kalakal sa bansa ay nagsilbing malawak na impluwensiya ng
mga kapitalista upang ilipat lipat ang kanilang produksyon sa mga itinayong branch
companies sa panahong may labor dispute sa kanilang itinayong kompanya.
Sinusugan noong Marso 2, 1989 ang Labor Code - (PD 442) ni dating
Pangulong Marcos na kilala ngayong RA 6715 (Herrera Law) na isinulong ni dating

6
Senator Ernesto Herrera. ginamit ng mga kapitalista ang probisyon ng batas
paggawa hinggil sa kaswal, kontraktwal, temporary, seasonal, on the job training at
ang probisyon ng Article 106-109 hinggil sa pagpapakontrata ng mga trabaho at
gawaing hindi bahagi ng produksyon gaya ng security guard, serbisyong janitorial, at
messengerial. Isinunod ang iba’t bang bahagi ng operasyon ng kompanya gaya ng
pagbuburda, paggawa ng patches, etiketa, at emboss sa garments.
Pinalakas ang patakaran ng flexible labor gaya nga Department Order No. 1o
ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa panahon ng administrasyong
Ramos at Department Order 18-02 naman sa administrasyong Arroyo. Nilalaman ng
Department Order 10 ng DOLE ang probisyong maaaring ipakontrata ang mga
trabahong hindi kayang gampanan ng mga regular na manggagawa; pamalit sa mga
absent sa trabaho, mga gawaing nangangailangan ng espesyal na kasanayan o
makinarya – ang mga ito ay gawaing ginagampanan ng mga manggagawang
regular.
Naging malaking usapin ito kaya’t binalasa ang probisyon ng Department
Order 10 ng DOLE sa ilalim ng Department Order 18-02, isinaad dito ang
pagbabawal ng pagpapakontrata ng mga trabaho at gawaing makakaapekto sa mga
manggagawang regular na magreresulta sa pagbabawas sa kanila at ng kanilang
oras o araw ng paggawa; o kung ang pagpapakontrata ay makakaapekto sa unyon
gaya ng pagbabawas ng kasapi, pagpapahina ng bargaining leverage o pagkahati
ng bargaining unit.
Noong taong 1992, wala pa ang Department Order No. 10 at 18-02 ng DOLE,
may 73% nang pagawaan sa bansa ang nagpapatupad o gumagawa ng iba’t ibang
flexible working arrangements, ayon sa International Labor Organization o ILO
(1992).
Samantala sa pagitan ng 1992 at 1997, sa sektor ng industriya pa lamang sa
bawat isang manggagawang regular na nakaempleyo, lima ang kontraktuwal/kaswal.
Noong 1999, 90% sa mga kompanyang elektroniks ang nag-eempleyo ng mga
temporaryong manggagawa/kaswal dahil nagbabago-bago ang mga job orders o
purchase orders ng kanilang kalakal; at bumababa ang halaga ng kanilang produkto
sa pandaigdigang pamilihan. May 83% ng mga kompanya ang nag-empleyo ng mga
kaswal at kontraktuwal upang maiwasan ang pagkakaroon ng unyon sa mga
manggagawa noon. Ayon sa ulat ng DOLE (2016), patuloy pa ring umiiral ang
ganitong sistema ng kontraktuwalisasyon sa paggawa. Bunsod nito ay
iminumungkahi ng iba’t ibang mambabatas, ahensiya sa paggawa, at mga grupo ng
manggagawa na tuluyan ng ibasura ang sistemang kontraktuwalisasyon o kilala rin
ngayon na ’endo.’
Hindi nila natatamasa ang mga benepisyo ayon sa Collective Bargaining
Agreement (CBA) dahil hindi sila kasama sa bargaining unit. Hindi rin sila maaaring
magbuo o sumapi sa unyon dahil walang katiyakan o pansamantala lang ang
kanilang security of tenure. Maliban pa rito, hindi kinikilala ng contracting company
ang relasyong employee-employer sa mga manggagawang nasa empleyo ng isang
ahensya. Iginigiit ito ng mga kapitalista kahit ang mga ito ay itinuturing na labor only
contracting na ipinagbabawal ng batas.

7
Ang Department Order 18-A ng DOLE taong 2011 ay naghayag ng patakaran
ng pamahalaan laban sa pagpapakontrata. Hinigpitan ang probisyon ng
pagpapakontrata, pinatingkad (highlighted) ang usapin ng karapatan ng mga
manggagawang kontraktuwal (partikular na ang seguridad sa trabaho o pagka-
regular), at iba pang karapatang tinatamasa ng mga regular na manggagawa.
Makikita sa kasunod na Talahanayan ang mga probisyon ng ilang kautusan
mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) laban sa pagpapakontrata sa
paggawa.
Mga Ilang Probisyon Tungkol sa Labor-only Contracting

DOLE D.O. No. 10, DOLE D.O. No. 18- DOLE D.O. No. 18-
s. 1997 02, s. 2002 A, s. 2011
“Labor-only “Labor-only “Contracting or
Contracting is prohibited Contracting is prohibited subcontracting shall be
where…There is labor- where ...Labor-only legitimate if all the
only contracting where the contracting shall refer to following circumstances
contractor o sub- an arrangement where the concur:
contractor merely recruits, contractor or sub-
a)The contractor
supplies or places workers contractor merely recruits,
must be registered in
to perform a job, work or supplies or places workers
accordance with these
service for a principal, and to perform a job, work or
Rules and carries a
the following elements are service for a principal, and
distinct and independent
present: any of the following
and undertakes to perform
elements are present:
a) The Contractor the job, work or service on
or subcontractor does not i) The contractor or its responsibility,
have substantial capital or subcontractor does not according to its own
investment to actually have substantial capital or manner and method, and
perform the job, work or investment which relates free from control and
service under its own to the job, work or service direction of the principal in
account and responsibility; to be performed and the all matters connected with
and employees recruited, the performance of the
supplied or placed by work except as to the
such contractor or results thereof;
b) The employees subcontractor are
b)The contractor
recruited, supplied or performing activities which
has substantial capital
placed by such contractor are directly related to the
and/or investment; and
or subcontractor are main business of the
performing activities which principal; or c)The Service
are directly related to the Agreement ensures
ii) the contractor
main business of compliance with all the
does not exercise the right
rights and benefits under
to control over the
Labor Laws.
performance of the work
of the contractual --Section 4
employee.
--Section 5
8
Halaw mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) Orders 10, s.1997; 18-02, s. 2002; 18-A, s. 2011
Kailangan din ng mga manggagawa ng isang makauring pagkakaisa at
determinasyon upang isulong ang kanilang mga karapatan (tunghayan ang mga
karapatan ng manggagawa sa ibaba). Kung ang mga kapitalista ay mulat sa
kalakaran na maging dating bawal na kontraktuwalisasyon ay ligal na. Kailangan
maging mulat bilang uri at maging alerto ang mga manggagawa para magapi ang
patakarang mura at flexible labor. Mas paigtingin ang pag-oorganisa at pagpapakilos
sa mga manggagawa sa bago at mahirap na kalagayan. Pagsulong sa ilang
probisyon ng DO 18-A, na angkop para maisagawa ang bagong kaayusan sa
paggawa.
Sa kabilang banda, hindi maitaas ang suweldo, hindi maipagkaloob ang
kasiguraduhan sa trabaho, at madagdagan ang benepisyo ng mga manggagawa sa
bansa sapagkat mahihirapan ang mga namumuhunan, negosyante at may-ari ng
Transnational Corporations (TNCs) na ipagkaloob ang mga ito dahil sa patakarang
umiiral sa ilang bansa na kakompetensiya ng sariling bansa sa produksiyon, katulad
ng China na may mataas na demand ng pangangailangan ng mga pamumuhunan
dahil sa mababa, mura at flexible labor.

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan.


1. Ano ang mura at flexible labor?
2. Sa iyong palagay, anong sektor ng paggawa ang naaapektuhan ng mura at
flexible labor sa bansa?
3. Bakit umiiral ang mura at flexible labor sa bansa?

Magaling! Halika, tapusin mo ang gawaing inilaan para sa iyo sa Pagyamanin


upang mapalawak pa ang iyong kaalaman tungkol dito.

Pagyamanin

Mga Karapatan ng mga Manggagawa


Ayon sa International Labor Organization (ILO)
Ang mga manggagawa ay may karapatang sumali sa mga unyon na malaya
mula sa paghihimasok ng pamahalaan at tagapangasiwa.
Ang mga manggagawa ay may karapatang makipagkasundo bilang bahagi ng
grupo sa halip na mag-isa.
Bawal ang lahat ng mga anyo ng sapilitang trabaho, lalo na ang mapang-
aliping trabaho at trabahong pangkulungan. Dagdag pa rito, bawal ang
trabaho bunga ng pamimilit o ‘duress’.
Bawal ang mabibigat na anyo ng trabahong pangkabataan. Samakatwi’d,
mayroong minimong edad at mga kalagayang pangtratrabaho para sa mga
kabataan.
Bawal ang lahat ng mga anyo ng diskrimasyon sa trabaho: pantay na sweldo
para sa parehong trabaho.

9
Ang mga kalagayan ng pagtratrabaho ay dapat walang panganib at ligtas sa
mga manggagawa. Pati kapaligiran at oras ng pagtatrabaho ay dapat walang
panganib at ligtas.
Ang sweldo ng manggagawa ay sapat at karapat-dapat para sa makataong
pamumuhay.
Panuto: Piliin mula sa kahon ang titik ng tamang sagot at isulat sa patlang bago ang
bilang.
A. Presidential Decree (PD) 442 o Labor Code
B. RA 6715 Article 106-109
C. Flexible labor
D. Department Order No. 10
_____1. Isang paraan ng mga kapitalista o namumuhunan upang palakihin ang
kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpatupad ng mababang
pagpapasahod at paglimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.
_____2. Patakarang pinahuhugutan ng flexible labor.
_____3. Batas kung saan nagkakaroon ng pagpapakontrata ng mga trabaho
(CONTRACTUALIZATION)
_____4. Ang probisyong maaring ipakontrata ang mga trabahong hindi kayang
gampanan ng mga regular na manggagawa; pamalit sa mga absent sa
trabaho, mga gawaing nangangailangan ng espesyal na kasanayan o
makinarya.
_____5. Magbigay ng isang karapatan ng manggagawa ayon sa International Labor
Organization.

Isaisip

Panuto: Basahin ang mga kalagayan sa ibaba.Salungguhitan ang salita o


pangungusap at isulat ang S kung sa palagay mo ay ipinapakitang sinuportahan ang
karapatan ng manggagawa at isulat ang N kung nilalabag.

Nagtratrabaho si Aling Meding bilang isang mananahi sa pabrika ng


damit. Madalas,sinasabihan siya ng kanyang employer na magtrabaho nang
lampas sa karaniwang walong oras na trabaho. Dahil madalas na kailangan
nilang tugunan ang itinakdang araw ng kanilang mga kostumer. Tumatanggap
si Aling Meding ng bayad sa sobrang oras na pinagtatrabahuan niya.
Nang magsimulang magtrabaho sa isang kompanya ng sigarilyo ang
magkapatid na sina Lourdes at Mila, pinapirma sila ng employer ng isang
kasunduan na hindi sila sasapi sa alinmang organisasyon sa paggawa.
Isa si Marilyn sa opisyales ng marketing sa isang kumpanyang
nagbebenta ng beer. Dati-rati, ibinibigay lamang sa mga empleyadong lalaki
ang posisyong ito, dahil kinakailangan na lumibot ang empleyado sa kanyang
itinalagang lugar ng trabaho. Ngayong pinatunayan na ng mga
babaengmanggagawa, tulad ni Marilyn, na maaari silangmakipagkumpitensiya,
maging mahusay, at makaya ang trabaho sa posisyong ito. Sumasahod sila at
may mga benepisyong kapareho ng sa mga lalaking manggagawa.
Tumatanggap din sila ng mga pagkakataong umunlad sa pamamagitan ng
seminar.

10
Isagawa

Panuto: Ang editorial cartooning ay isang pamamaraan ng mga tao para ipahayag ang
kanilang opinyon sa isang isyu sa pamamagitan ng pagguhit. Gumawa ng isang
editorial cartoon kung saan ibabahagi mo ang iyong opinyon sa flexible labor.

Rubriks
Nilalaman at Kaugnayan sa Paksa 30%
Simbolong ginamit 20%
Kahusayan sa pagguhit at pagkamalikhain 20%
Pagpapaliwanag at pagbibigay kahukugan 20%
Kalinisan at anyo ng gawa 10%
Kabuuan 100%

Tayahin

Binabati kita! Narating mo na ang bahagi kung saan ay susubukin ang iyong
paunang kalalaman sa araling ito. Isulat ang letra ng iyong napiling sagot.

_____1. Anong uri ng globalisasyonang mabilis na lumaganap sa buong daigdig?


A. Pampulitika
B. Pang-edukasyon
C. Pang-ekonomiya
D. Pangkultura

_____2. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang kumakatawan sa pahayag na


“binago ng globalisasyon ang workplace ng mga manggagawang Pilipino”?
A. Pag-angat ang kalidad ng manggagawang Pilipino.
B. Pagdagsa ng mga Business Process Outsourcing (BPO) sa bansa.
C. Paghuhulog, pagbabayad at pagwiwithdraw gamit ang mga Automatic
Teller Machince (ATM).
D. Pagdagsa ng mga produktong dayuhan sa Pilipinas.

_____3. Maaaring uriin ang outsourcing sa mga sumusunod maliban sa isa. Ano ito?
A. Nearshoring
B. Offshoring
C. Onshoring
D. Inshoring

11
_____4. Ano ang mura at flexible labor?
A. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at
tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad na mababang pasahod at
paglilimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.
B. Proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal
patungo sa iba pa maging ito man ay pansamantala o permanente
C. Paglipat ng gawain ng isang kompanya tungo sa ibang kompanya na ang
pangunahing dahilan ay mapagaan ang gawain upang mapagtuunan ng
pansin ang higit na magpapalaki ng kanilang kita.
D. Pagkuha ng isang kompanya sa isang ahensiya o indibidwal na
subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang
panahon

_____5. Alin sa sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa konsepto ng mura at


flexible labor?
A. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na bigyan ng kalayaan ang mga
manggagawa sa pagpili ng kanilang magiging posisyon sa kompanya.

B. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at


12
tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad na mababang pasahod at
paglilimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.
C. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at
tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad na malaking pasahod at
pagpapahaba sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.
D. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na ipantay ang kanilang kinikita at
tinutubo sa pagpapatupad na malaking pasahod at paglilimita sa panahon
ng paggawa ng mga manggagawa.

_____6. Ano ang iskemang subcontracting?


A. Sistema ng pagkuha ng isang kompanya sa isang ahensiya o indibidwal
na subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang
takdang panahon.
B. Iskema ng pagkuha ng isang ahensiya o indibiwal na subcontractor ng
isang kompanya para sa pagsagawa ng isang trabaho o serbisyo.
C. Pag-eempleyo sa isang manggagawa upang gawin ang isang trabaho o
serbisyo sa loob ng 6 na buwan.
D. Pagkuha sa isang ahensiya o indibidwal na subcontractor sa isang
manggagawa sa loob ng mas mahabang panahon.

_____7. Marami ang naniniwala na ang globalisasyon ay nakabatay sa pang-


aabuso. Totoo ba ito?
A. Oo, dahil marami ang nag-iisip na ang isang taong namumuhunan o
nagnenegosyo ay umunlad sanhi ng kanyang pang-aapi.
B. Oo, dahil ang paraan lamang na yumaman ka ay ang pagkuha ng

12
C. Hindi, dahil napakalawak ng pagkakataong binibigay at nakukuha sa
kalakalan na kung saan ang parehong partido (namumuhunan at
manggagawa) ay nakikinabang.
D. Siguro, dahil marami ngayon ang naabusong manggagawa mula sa
ibang bansa.

_____8. Dahil sa globalisasyon, marami ang nagiging kakompetensiya ng mga


karaniwang kalakal ng mga maliliit na negosyante. bilang economic adviser
ng Pangulo, Ano ang maimungkahi para matulungan sila?
A. Hayaan silang magbenta kahit saan nila gusto.
B. Huwag silang magbayad ng buwis upang lumaki ang kita sa negosyo.
C. Gumawa ng programang maglalaan ng karagdagang pondo upang
makipagsabayan sa mga dayuhan.
D. Gumawa ng anunsiyo na hayaan na lamang magnegosyo ang mga
dayuhan sa kanilang lugar.

_____9. Marami sa mga pamilya ng OFW’s ay nakakaranas ng pangungulila sa


kailang kaanak na humantong sa pagkawasak nito. Paano kaya sila
matutulungan?
A. Makisimpatiya sa kanila
B. Magtayo ng isang samahan ng mga pamilya ng OFW upang gumabay sa
kanila
C. Bigyan sila ng Load pantawag sa kanilang kaanak.
D. Bigyan sia ng sulat isa-isa.

_____10. Ang transnational crime ay isang seryosong krimen na isinagawa ng mga


organisadong grupo na may layunin na magkamal ng salapi dulot ng
kawalang trabaho. Alin sa sumusunod na hakbang ang pinakamainam na
solusyon upang malutas, maiwasan o mawakasan ang ganitong krimen sa
buong mundo lalo na sa Pilipinas?
A. Gumawa ng sariling polisiya upang maiwasan ang terorismo.
B. Maglaan ng pondo pansuporta sa mga nagsulong ng transnational crime
C. Makipagpalitan ng kaalaman at intelligence report sa ibang bansa upang
maisulong ang seguridad at gumawa ng aksiyon ukol ditto.
D. Isara ang bansa sa mga dayuhan upang masigurong walang terorista.

Para sa bilang 11-13, suriin ang talahanayan

_____11. Mula sa talahanayan, saang rehiyon ang may pinakamaraming OFW?

Table 2. Regional Distribution of Land-based Overseas Filipino Workers, 2004*

Region Numbers Percent


Asia 266,609 37.84
Middle East 352,314 50.00
Europe 55,116 7.82
Americas 11,692 1.66
Africa 8,485 1.20
13
Trust Territories 7,177 1.02
Oceania 3,023 0.43
Others 170 0.02
Total 704,586 100.00
Pinagkunan: http://www.migrationpolicy.org/article/philippines-culture-migration

A. Africa
B. Asia
C. Middle East
D. Oceania
_____12. Anong bansa ang may pinakamaliit na bilang ng nangingibang bansa?
A. Asia
B. Europe
C. Middle East
D. Oceania

______13. Ilang porsyento ang OFW sa Region ng Middle East?.


A. 37.84 %
B. 7.82%
C. 352%
D. 100%

______14. Paano tinutugunan ng pamahalaan ang pang-aabusong nararanasan ng


mga manggagawa nito sa ibang bansa?
A. binibigyan ng legal assistance
B. financial assistance
C. pinapauwi
D. pinapakulong ang may sala

_____15. Paano nakaapekto ang kontraktuwalisasyon sa mga manggagawang


Pilipino?
A. walang karampatang sahod
B. walang benepisyong ayon sa batas na tinatamasa ng
mga manggagawang regular
C. walang katiyakan ang kanilang hanapbuhay
D. hindi sila kasama sa bargaining unit

14
Aralin Mungkahi ng Kalutasan sa
3 Suliranin sa Paggawa

Alamin

Alamin ang mga implikasyon na dulot ng globalisasyon. Ang modyul na ito ay


tumutulong na masuri at maunawaan ng mga mag-aaral ang implikasyon sa
suliranin sa aspetong paggawa .

Aralin 3 –Mungkahi sa Kalutasan sa Suliranin sa Paggawa

Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang ang mga mag-aaral ay:


1. Nalalaman ang implikasyon ng iba’t ibang suliranin sa paggawa sa
pamumuhay at sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa,
2. Natutukoy ang iba’t ibang epekto nito sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa,
3. Nakabubuo ng mga mungkahi upang malutas ang iba’t ibang suliranin sa
paggawa.

Subukin

Panuto: Piliin sa kahon ang akmang sagot sa bawat pangungusap.


A. Outsourcing F. PD 442
4.
B. Globalisasyon G. Iskemang Subcontracting
5.
C. Mura at Flexible labor H. RA 6715
6. D. Netizen I. Kontraktwalisasyon
7. E. DOLE J. Subsidiya
8.

_____1. Proseso ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay,


impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksyon

_____2. Ito ay pagkuha ng isang kompanya sa isang ahensiya o indibidwal na


subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang
panahon.

1
_____3. Ito ay paraan ng mga namumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at
tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad na mababang pasahod at
paglilimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.

_____4. Terminong ginagamit sa mga taong aktibong nakikilahok sa usaping


panlipunan maging ito man ay politikal, ekonomikal o sosyo-kultural gamit
ang internet bilang midyum ng pagpapahayag.

_____5. Paglipat ng gawain ng isang kompanya tungo sa ibang kompanya na ang


pangunahing dahilan ay mapagaan ang gawain upang mapagtuunan ng
pansin ang higit na nagpapalaki ng kanilang kita.

_____6. Ang ahensiyang bumuo ng Philippine Labor and Employment Plan, upang
ilatag ang mga pagtataya sa kalagayan ng paggawa sa bansa sa nakalipas
at sa mga susunod pa na taon.

_____7. Isa sa mga iskema upang higit na pababain ang sahod, tanggalan ng
benepisyo, at tangalan ng seguridad sa trabaho ang mga manggagawa.

_____8. Batas kung saan nagkakaroon ng pagpapakontrata ang mga trabaho.

_____9. Tulong ng pamahalaan sa mga na miyembro ng lipunan sa anyong


pinansyal at serbisyo.

_____10. Ang patakarang pinaghanguan ng flexible labor.

Para sa bilang 11-15.

Panuto:

____11. Ang mababang sahod ay isa sa mga suliraning hinaharap ng mga


manggagawang Pilipino.

____12. Call center ay halimbawa ng BPO.

____13. Isa sa mga sektor sa Pilipinas ang lubhang naaapektuhan ng globalisasyon


ay ang agrikultura.

____14. Sektor Agrikultura ang may pinakamalaking bahagdan na maraming


naempleyong manggagawa.

____15. BIR ang nangangasiwa at tumutulong sa mga manggagawang Pilipinong


nakaranas ng mga suliranin.

2
Balikan

Pagkatapos na napag-aralan ang mga suliranin sa paggawa na dulot ng


globalisasyon sa, suriin ang mga implikasyong dulot nito at magbigay ng sariling
mungkahi sa paglutas ng suliranin. Pero bago mo simulan ang paksang ito balikan
muna natin ang nakaraang aralin. Sagutin ang mga katanungan sa ibaba.
Bago mo umpisahan ang araling ito balikan muna ang iyong natutunan
tungkol sa mga implikasyon sa suliranin na kinakaharap nga ng mga manggagawa.

1. Ano ang mura at flexible labor?


2. Sa iyong palagay, anong sektor ng paggawa ang naaapektuhan ng mura
at flexible labor sa bansa?
3. Bakit umiiral ang mura at flexible labor sa bansa?

Sa araling ito, ikaw ay inaasahan ng malinang ang iyong pag-unawa sa mga


kalutasan sa mga suliranin sa paggawa. Suriin at intindihing mabuti upang
maisagawa ng maayos ang mga gawain sa susunod na bahagi ng modyul ang mga
gawain na makatulong sa pagpapalawak ng kaalaman sa paksa.

Tuklasin

Alam kong handa ka nang tuklasin ang mga karunungan na iyong


matututuhan sa araling ito. Ang gawaing inilaan ay makatutulong sa iyo upang
masubok ang iyong kakayahan at pag-unawa.Natunghayan mo sa nakalipas na
paksa ang implikasyon sa suliranin ng mga manggagawang Pilipino sa kasalukuyan
dulot ng impluwensiya ng globalisasyon sa paggawa. Tatalakayin dito ang mga
naging tugon o kalutasan sa mga hamon sa paggawa upang patuloy itong
malampasan at mapabubuti.
Malaking hamon sa bansa ang mga makabagong pagbabago sa iba’t ibang
larangan dulot ng globalisasyon. Mas nagiging bukas ang bansa sa iba’t ibang
oportunidad na tuklasin ang potensiyal na pakikipagsabayan sa pandaigdigang
kompetisyon.

Paano nakaaapekto ang isyu ng paggawa


sa globalisasyon ng ating bansa?

3
Suriin

Palagi nating napanonod sa telebisyon o di kaya ay marinig sa radyo ang


mga balita tungkol sa ating mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa. Kapag
narinig mo ang pahayag na ito, naaapektuhan ka ba? May ka pamilya ka ba na nasa
ibang bansa? Ikaw ay nangangarap rin bang magtrabaho sa ibang bansa? O anong
sarap sanang mangibang bansa. Dahil uunlad ang ating buhay o katayuan sa
pamumuhay. Subalit kung ito ay may magandang dulot, ito rin ay may masamang
epekto. At ang unang maaapektuhan nito ay ang pamilyang Pilipino. Masarap pa rin
kayang mangarap na mangibang bansa?

Isang malaking hamon ang kinakaharap ng mga manggagawa mula ng


ipinatupad ang patuloy na paglala ng mura at flexible labor sa bansa. Ito’y isang
paraan ng mga kapitalista upang palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa
pamamagitan ng pagpapatupad ng mababang pagpapasahod at paglimita sa
panahon ng paggawa ng mga manggagawa.

Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga katanungan.

1. Sa iyong palagay, anong sektor ng paggawa ang naaapektuhan ng mura at


flexible labor?
2. Ano ang mga dahilan ng iba’t ibang suliranin nasa paggawa dulot ng
globalisasyon ang implikasyon nito sa pamumuhay at sa pag-unlad ng
ekonomiya ng bansa?
3. Ano ang maaari mong mungkahi upang malutas ang iba’t ibang suliranin
sa paggawa? Ito ang mga katanungan na ating mahaharap sa pag-aaral sa
paggawa dulot ng globalisasyon.

Presidential Decree (PD) 442 o Labor Code ay ang patakarang pinaghanguan


ng flexible labor. Subalit nahihirapan ang dating Pangulong Marcos na maipatupad
ang flexible labor dahil sinalubong at binigo ito ng mga demonstrasyon at kilusang
anti-diktadura hanggang sa pagsiklab ng pag-alsa sa EDSA noong 1986. Isinunod
dito ang pagsasabatas ng RA 5490-para itayo ang Bataan Export Processing zone
(BEPZ), at iba pang Economic Processing Zone (EPZ) bilang showcase ng
malayang kalakalan.

4
Sa pamumuno ni dating President Corazon Aquino niyakap ang neo-liberal na
globalisasyon at kasunod nito, ginawang bukas para sa mga dayuhang
namumuhunan ang kalagayan ng paggawa. Isa itong patakaran ng paglilinlang na
maling naglalarawan sa monopolyong kapitalismo bilang “malayang pamilihan”
kapitalismo.
Ang kontraktwalisasyon ay isa sa mga iskema upang higit na pababain ang
sahod, tanggalan ng benepisyo, at tangalan ng seguridad sa trabaho ang mga
manggagawa. R.A.6715 artikulo 106-109 ang batas kung saan nagkakaroon ng
pagpapakontrata ang mga trabaho (Contractualization).

Sa panahon ni pangulong Fidel V. Ramos naman pinakalas ang flexible labor


gaya ng D.O. No. 10. Nilalaman ng Department Order ng Dole ang probisyong
maaring ipakontrata ang mga trabahong hindi kayang gampanan ng mga regular na
manggagawa; pamalit sa mga lumiban sa trabaho mga gawaing nangangailangan
ng espesyal na kasanayan.

Panuto: Gamit ang mga natutuhan sa aralin na ito, subukan ang sarili sa pagsagot
ng mga hinihingi sa ibaba. Magtala ng lima o higit pa sa abot ng iyong
makakaya.

Mga Isyu sa paggawa Bakit nagpapatuloy ang mga Paano mabibigyan ng


isyu? solusyon?
1.
2.
3.
4.
5.

Pagyamanin

Panuto: Ibigay ang hinihingi ng mga sumusunod.


1. Ano-ano ang mabuti at hindi mabuting epekto ng kontraktuwalisasyon sa
mga manggagawang Pilipino?

Mabuting epekto ng Hindi mabuting epekto ng


Kontraktwalisasyon kontraktwalisasyon
2. Isa-isahin ang mga batas o polisiya
5 ng pamahalaan na nagpapatibay sa
isyu ng kontraktuwalisasyon sa bansa at paano ito nakaapekto sa mga
manggagawang Pilipino?

Paano ito nakaaapekto sa mga


Mga Batas o Polisiya
manggagawa

Isaisip

Sagutin: Paano nakakamit ang isang matatag at nakikipagsabayang maunlad


na bansa sa gitna ng mga isyu at hamon ng migrasyon na dulot ng
globalisasyon?

Kaakibat ng mga pagbabagong ito ay ang mga hamon kung paano tutugunan
ng bawat pamahalaan sa daigdig ang mga suliraning naidulot ng globalisasyon, mga
isyu sa lipunan na napag-iwanan na ngunit hindi pa lubusang natugunan bagkus
patuloy pang lumalala lalo na sa mga usapin sa paggawa.

Hamon ng globalisasyon ang pagpasok ng Pilipinas sa mga kasunduan sa


mga dayuhang kompanya, integrasyon ng ASEAN 2015 sa paggawa at mga bilateral
at multi-lateral agreement sa mga miyembro ng World Trade Organization o WTO.
Bunga nito ay binuksan ang pamilihan ng bansa ng kalakalan sa daigdig.

Hindi mapasusubalian ang impluwensiya ng globalisasyon sa buhay ng tao.


Nagdala ito ng mga pagbabagong nagpabuti sa ilang aspeto ng ating buhay ngunit
kalakip din nito ang mga suliraning kailangang harapin at bigyang katugunan. Ang
pakikialam ng pamahalaan ay malaking tulong sa kalakalang panlabas na
naglalayong hikayatin ang mga lokal na namumuhunan at bigyang- proteksiyon ang
mga ito upang makasabay sa kompetisyon laban sa malalaking dayuhang
negosyante at wakasan ang kontraktwalisasyon na isyu hanggang sa kasalukuyang
administrasyon.
Panuto: Sumulat ng liham para sa pangulo ng Pilipinas na naglalaman ng iyong
mga mungkahing makapagpapabuti tungkol sa mga suliranin sa paggawa
ng ating bansa.
____________________________________________________________
____________________________________________________________
___________________________________________________________.

6
Isagawa

Panuto: Kumuha, magprint o gumupit ng larawan na nagpapakita ng suliranin sa


paggawa. Idikit sa bond paper at gumawa ng sanaysay ukol dito.

Rubriks

Nilalaman at Kaugnayan sa Paksa 30%


Pagkamalikhain 20%
Pagpapaliwanag at pagbibigay kahulugan 40%
Kalinisan at anyo ng gawa 10%
Kabuuan 100%

Tayahin

Binabati kita! Narating mo na ang bahagi kung saan ay tatayahin ang


iyong nalalaman sa araling ito. Isulat ang letra ng iyong napiling sagot. Makikita mo
lamang ang kabuuan ng iyong nakuha pagkatapos mong masagutan ang lahat ng
aytem. Kung mataas ang iyong makukuha at makakapasa, maaari ka nang
magpapatuloy sa susunod na modyul. Subalit kung ang iyong nakuha ay mababa sa
hinahangad na lebel, ikaw ay kinakailangang bumalik at kunin ulit ang modyul na ito.

Panuto: Piliin sa kahon ang akmang sagot sa bawat pangungusap.


A. Outsourcing F. PD 442
9.
B. Globalisasyon G. Iskemang Subcontracting
C. Mura at Flexible labor H. RA 6715
D. Netizen I. Kontraktwalisasyon
_____1. Proseso
E. DOLE ng mabilisang pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay,
J. Subsidiya
impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksyon

_____2. Ito ay pagkuha ng isang kompanya sa isang ahensiya o indibidwal na


subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang
panahon.

_____3. Ito ay paraan ng mga namumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at


tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad na mababang pasahod at
paglilimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.
_____4. Terminong ginagamit sa mga taong7 aktibong nakikilahok sa usaping
panlipunan maging ito man ay politikal, ekonomikal o sosyo-kultural gamit
ang internet bilang midyum ng pagpapahayag.

_____5. Paglipat ng gawain ng isang kompanya tungo sa ibang kompanya na ang


pangunahing dahilan ay mapagaan ang gawain upang mapagtuunan ng
pansin ang higit na nagpapalaki ng kanilang kita.

_____6. Ang ahensiyang bumuo ng Philippine Labor and Employment Plan, upang
ilatag ang mga pagtataya sa kalagayan ng paggawa sa bansa sa nakalipas
at sa mga susunod pa na taon.

_____7. Isa sa mga iskema upang higit na pababain ang sahod, tanggalan ng
benepisyo, at tangalan ng seguridad sa trabaho ang mga manggagawa.

_____8. Batas kung saan nagkakaroon ng pagpapakontrata ang mga trabaho.

_____9. Tulong ng pamahalaan sa mga na miyembro ng lipunan sa anyong


pinansyal at serbisyo.

_____10. Ang patakarang pinaghanguan ng flexible labor.

Para sa bilang 11-15.

Panuto: Modified TRUE or FALSE(binagong TAMA o MALI). Isulat ang T kung tama
ang pahayag at kung Mali palitan ang salitang may salunguhit upang
maging tama. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang.

____11. Ang mababang sahod ay isa sa mga suliraning hinaharap ng mga


manggagawang Pilipino.

____12. Call center ay halimbawa ng BPO.

____13. Isa sa mga sektor sa Pilipinas ang lubhang naaapektuhan ng globalisasyon


ay ang agrikultura.

____14. Sektor Agrikultura ang may pinakamalaking bahagdan na maraming


naempleyong manggagawa.

____15. BIR ang nangangasiwa at tumutulong sa mga manggagawang Pilipinong


nakaranas ng mga suliranin.

8
Susi sa Pagwawasto

Hamon sa Paggawa Globalisasyon sa Paggawa Mura


at Flexible Labor

Mungkahi ng kalutasan sa Suliranin sa Paggawa


Sanggunian

Antonio Eleanor L., Dallo Evangeline M., Imperial Consuelo M., Samson
Maria Carmelita B., at Soriano Celia D. Kayamanan Mga Kontemporaryong isyu,
Binagong Edition
Learners Manual, Mga Kotemporaryong Isyu Araling Panlipunan Grade 10
http//.google.com

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like