You are on page 1of 37

10

10
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 4
Mga Isyu sa Kasarian sa Lipunan
Araling Panlipunan- Grade 10
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan - Modyul 4: Mga Isyu sa Kasarian sa Lipunan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon - Sangay ng Bukidnon


Tagapamanihalang Pansangay - Randolph B. Tortola, PhD, CESO IV
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Aloma B. Agapay, Reynard Aldwin M. Barcelona


Editor: Maria Rowena R. Lee, Ella Rosario A. Sencio
Keen Mart M. Cordero
Tagasuri: Elvira Ruvi U. Camocamo
Tagaguhit: Vic Dominic O. Boyles

Tagapangasiwa:
Punong Tagapamahala: Randolph B. Tortola, PhD, CESO IV
Tagapamanihalang Pansangay

Ikalawang Tagapamahala: Shambaeh, A. Usman, PhD


Pangalawang Tagapamanihalang Pansangay

Elbert R. Francisco, PhD Chief-CID

Miyembro: Wendell C. Catam-isan, PhD, EPS- Araling Panlipunan


Rejynne Mary L. Ruiz, PhD, LRMS-Manager
Jeny B. Timbal, PDO II
Shella O. Bolasco, Division Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng
Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Bukidnon – Rehiyon X

Office Address: Fortich Street, Sumpong, Malaybalay City


Telefax:(088) 813-3634
E-mail Address:bukidnon@deped.gov.ph
i
10
Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 4
Mga Isyu sa Kasarian sa Lipunan

Ang Modyul na ito ay sama-samang binuo at sinuri ng mga edukador


mula sa mga publikong paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang
larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa
Kagawaran ng Edukasyon sa bukidnon@deped.gov.ph.

Pinapahalagahan namin ang inyong mga tugon at mga rekomendasyon

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


ii
Talaan ng Nilalaman
Pahina
Takip ng Pahina
Pahina ng Karapatang-Ari i
Pahina ng Pamagat ii
Talaan ng Nilalaman iii
Paunang Salita iv

Aralin 1 - Karahasan/Diskriminasyon sa Kababaihan ng Bansang China


Alamin 1
Subukin 2
Balikan 3
Tuklasin: Gawain 1: Kababaihan, Ipaglaban! 4
Suriin: Gawain 2: Karahasan, Bigyang Katapusan! 4
Pagyamanin: Gawain 3: Tara’t Pag-isipan Natin! 6
Isaisip 7
Isagawa: Gawain 4: Pagnilayan Natin! 7
Tayahin 8

Aralin 2- Karahasan/Diskriminasyon sa Kababaihan ng Bansang Cameroon,


Africa
Alamin........................................................................................................ 10
Subukin 11
Balikan 12
Tuklasin: Gawain 1: Larawan Mo, Suriin Ko! 13
Suriin: Gawain 2: Basahin at Matuto! 15
Pagyamanin: Gawain 3: Sagutan Natin! 16
Isaisip 14
Isagawa: Gawain 4: Pagnilayan Natin! 16
Tayahin 17

Aralin 3- Karahasan sa mga Kalalakihan


Alamin 17
Subukin 18
Balikan 19
Tuklasin: Gawain 1: Larawan Mo, Suriin Ko! 19
Suriin: Gawain 2: Basahin at Matuto! 20
Pagyamanin: Gawain 3: Karahasan, Matuldukan! 21
Isaisip 22
Isagawa: Gawain 4: Opinyon Mo, Saloobin Ko! 22
Tayahin 23
Huling Pagtataya 24

Susi ng Pagwawasto 27

Sanggunian ..................... 30
iii
Modyul 4
Mga Isyu sa Kasarian sa Lipunan

Paunang Salita
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 10 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa Ikatlong Markahan hinggil sa Mga Isyu sa
Kasarian sa Lipunan.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang denisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampublikong paaralan upang gabayan ka. Ang gurong
tagapagdaloy ay handing tumulong upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to 12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis
at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Para sa mga Guro at Tagapagdaloy:


Bilang gurong tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman
ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga
kaalaman, gawain, paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mga mag-aaral kahit sila ay nasa kanilang
sariling tahanan.

Para sa Mga Magulang: iv


Ang modyul na ito ay nilikha upang matugunan ang sitwasyong kinakaharap ng ating
mga mag-aaral. Ang magiging lugar ng kanilang kaalaman ay hindi lamang limitado sa silid-
aralan kundi maging sa inyong tahanan.
Inaasahan ang inyong pakikiisa, pakikipagtulungan at paggabay sa ating mga mag-
aaral upang mapatnubayan sa mga gawaing itinalaga sa kanila.

Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong magdulot ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala


sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari
mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi
ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan


ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Isagawa Itov ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa


iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Tayahin Ito ay Gawain na naglalayong matasa o masukat


ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng


mga gawain sa modyul.

Tanggapin mo ang mainit na pagbati ng manunulat sa pagtanggap mo sa hamon sa


gitna ng pandemya na ipagpatuloy ang pagtuklas ng kaalaman at karunungan. Sapat na ito
upang maipakita mo ang kabayanihan sa iyong sariling kaparaanan.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkunan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob
sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutan
ang lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutan ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring humingi ng
tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipan na hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, na sa pamamagitan vi ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakukuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!
Paano mo Matutuhan?
Upang makamit ang inaasahang layunin, gawin ang mga sumusunod:

 Basahin at unawaing mabuti ang mga babasahin.


 Sundin ang bawat panutong ibinigay sa bawat gawain at pagsasanay.
 Sagutan ang lahat ng mga gawain at pagsasanay na ibinigay.

vii
Aralin
Karahasan/Diskriminasyon sa
1 Kababaihan ng Bansang China

Alamin

Mahal naming mag-aaral! Ang modyul na ito ay denisenyo at isinulat para


matulungan ka na malaman ang tungkol sa karahasan at diskriminasyon
ng iba’t-ibang kasarian sa lipunan.at maipakita ang lawak ng iyong
kaalaman sa pamamagitan ng pagsagot sa mga gawaing inihanda dito.
Handa ka na bang matuto?

Ano ang inaasahan mo?


Pagkatapos ng Modyul na ito,ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Pamantayan sa Pagkatuto:
Nasusuri ang karahasan sa kababaihan, kalalakihan at LGBT.
Layunin:
1. Natatalakay ang karahasan at diskriminasyon sa kababaihan ng bansang
China;
2. Nasusuri ang epekto ng tradisyong foot binding ng bansang China; at
3. Nakagagawa ng repleksyon tungkol sa karahasan at diskriminasyon na
nararanasan ng mga kababaihan ng bansang China.

Pangkalahatang Panuto:

Paano mo Matutuhan?
Upang makamit ang mga inaasahang layunin, gawin ang mga sumusunod:

 Basahin at unawain ang teksto tungkol sa Karahasan/Diskriminasyon sa


Kababaihan ng bansang China.
 Sundin ang bawat panutong ibinigay sa bawat gawain at pagsasanay.
 Sagutan ang lahat ng mga gawain at pagsasanay na ibinigay.
Subukin

Ngayon ay subukan mong sagutan ang paunang pagtataya upang


matukoy ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa mga paksang
tatalakayin pa lamang. Bigyang pansin ang mga tanong na hindi
masasagutan ng wasto at alamin ang sagot sa aralin sa modyul na ito.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan sa bawat aytem.


Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ang foot binding ay isinasagawa ng mga sinaunang babae sa China. Ang mga paa
ng mga babaeng ito ay pinapaliit hanggang sa tatlong pulgada gamit ang pagbalot ng
isang pirasong bakal o bubog sa talampakan. Ano ang sumisimbolo ng ganitong
tradisyon?
A. Yaman
B. Kagandahan
C. Karapat-dapat ikasal
D. Lahat ng nabanggit
2. Ang footbinding ay tradisyon na sa bansang China. Sa panunungkulan ni Sun Yat
Sen ay tinanggal ito dahil sa di-mabuting dulot ng tradisyon na ito. Anong taon ito
tinanggal?
A. 1910
B. 1911
C. 1912
D. 1913
3. Ang footbinding ay isinasagawa ng mga sinaunang babae sa China. Ang mga
sumusunod ay epekto ng pagkakaroon ng bind feet maliban sa isa. Alin dito?
A. Nalilimitahan ang kanilang pagkilos
B. Nalilimitahan ang pakikilahok sa politika
C. Nalilimitahan ang pakikisalamuha sa ibang tao
D. Nalilimitahan ang pagkakataong makapag-asawa
4. Ito ay ang karahasang nag-uugat sa kasarian na humahantong sa pisikal, seksuwal,
o mental na pananakit o pagpapahirap sa mga kababaihan, kasama na ang mga
pagbabanta at pagsikil sa kanilang kalayaan.
A. Violence against women
B. Violence against women and their children
C. Violence against women and their husband
D. Violence against women and their whole family
5. Ang mga kababaihan sa Pilipinas man o sa ibang bansa ay nakararanas ng mga
karahasan at diskriminasyon. Alin sa mga sumusunod ang mga halimbawa ng mga
karahasan at diskriminasyon na nararanasan nila?
A. Pang-aapi
B. Pang-aalipusta
C. Hindi pantay na karapatan sa paglalakbay
D. Hindi makatarungan at di pantay na pakikitungo

Panuto: Tama o Mali: Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay tama at MALI
naman kung ang pangungusap ay mali. Isulat ang sagot sa patlang.
______ 1. Ang mababang pagtingin sa kababaihan ay umiiral na noon pa sa
iba’t ibang kultura at lipunan sa daigdig.
______ 2. Kaugaliang foot binding ang naging dahilan ng pagkaparalisa ng
ilang kababaihan sa bansang China.
______3. Ang foot binding ay tinanggal sa China noong 1910 dahil sa di-
mabuting dulot nito sa mga kababaihan.
_____ 4. Inalis ang kaugaliang foot binding sa ilalim ng pamumuno ni Sun Yat
Sen sa bansang China.
______ 5. Lotus feet ang tawag sa mga paa na pinapaliit hanggang sa tatlong
pulgada gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal o bubog sa
talampakan.

Balikan

Handa ka na bang magbalik-aral sa paksang tinalakay natin noong


nakaraang tagpo? Basahin mo ng tahimik ang teksong nakasulat sa ibaba.
Simulan na natin ang pagbabasa.

Napag alaman natin noong nakaraang talakayan na ang kapatid nating


nabibilang sa LGBT community ay nakararanas din ng mga karahasan sa
kanilang buhay tulad ng kakaunting oportunidad sa trabaho, bias sa serbisyong
medikal, pabahay at maging sa edukasyon. Ang ulat na ito ay ayon sa pag-aaral
na inilabas ng United Nations Development Programme (UNDP) at ng United
States Agency for International Development (USAID) na may titulong “Being
LGBT in Asia: The Philippines Country Report”. May ibang LGBT din na
pinapatay kahit na patuloy ang panawagan sa pagkapantay- pantay at kalayaan
sa lahat ng uri ng diskriminasyon at pang-aabuso. Ayon sa ulat ng Transgender
Europe noong 2012 may 1,083 LGBT ang biktima ng pagpatay mula 2008- 2012.
Noong 2011, ang United Nations Human Rights Council ay nagkaroon ng ulat
tungkol sa mga ebidensya at kaso ng mga diskriminasiyon at karahasan laban sa
mga LGBT. Ang bansang Uganda ay nagpasa ng batas na “Anti-Homosexuality
Act of 2014” na nagsasaad na ang same- sex relationships at marriages ay
maaaring parusahan ng panghabambuhay na pagkabilanggo.

Tuklasin
Gawain 1: Kababaihan, Ipaglaban!

Bago mo umpisahan ang pagtalakay sa paksa sa araw na ito, sasagutan mo


muna ang gawain sa ibaba. Ang gawaing ito ay susubok sa mga dati mong
kaalaman tungkol sa Karahasan/Diskriminasyon sa kababaihan ng bansang
China. Handa ka na bang sagutan ito?

Ang gawaing ito ay naglalayong masukat ang iyong kaalaman tungkol sa mga
obserbasyon mo sa mga karahasan na nararanasan ng mga Kababaihan sa iyong
sariling komunidad.
Panuto: Punan ang talahanayan sa ibaba.

Karahasan sa mga Kababaihan sa Sariling Komunidad


Tanong:

1. Sa iyong palagay bakit kaya nangyayari ang mga karahasang ito?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________.

Suriin
Gawain 2: Karahasan, Bigyang Katapusan!
Alam kong sabik kanang matuto sa araw na ito. Para maintindihan mo
ang pag-uusapan sa araw na ito, basahin mo muna ang teksto sa ibaba
para maliwanagan ka sa daloy ng talakayan. Simulan na ang pagbabasa!

Karahasan/Diskriminasyon sa Kababaihan
Ang kababaihan, sa Pilipinas man o sa ibang bansa, ay nakararanas ng pang-
aalipusta, hindi makatarungan at di pantay na pakikitungo at karahasan. Ang
mababang pagtingin sa kababaihan ay umiiral na noon pa sa iba’t ibang kultura at
lipunan sa daigdig. Mababanggit ang kaugaliang foot binding noon sa China na
naging dahilan ng pagkakaparalisa ng ilang kababaihan.
Ang foot binding ay isinasagawa ng mga sinaunang babae sa China. Ang mga
paa ng mga babaeng ito ay pinapaliit hanggang sa tatlong pulgada gamit ang
pagbalot ng isang pirasong bakal o bubog sa talampakan. Ang korte ng paa ay
pasusunurin sa bakal o bubog sa pamamagitan ng pagbali sa mga buto ng paa nang
paunti-unti gamit ang telang mahigpit na ibinalot sa buong paa.
Ang tawag sa ganitong klase ng mga paa ay lotus feet o lily feet. Halos isang
milenyong umiral ang tradisyong ito. Ang pagkakaroon ng ganitong klase ng paa sa
simula ay kinikilala bilang simbolo ng yaman, ganda, at pagiging karapat-dapat sa
pagpapakasal. Subalit dahil sa ang mga kababaihang ito ay may bound feet,
nalimitahan ang kanilang pagkilos, pakikilahok sa politika, at ang kanilang
pakikisalamuha. Tinanggal ang ganitong sistema sa China noong 1911 sa panahon
ng panunungkulan ni Sun Yat Sen dahil sa di-mabuting dulot ng tradisyong ito.
Ano ba ang karahasan sa kababaihan? Ayon sa United Nations, ang
karahasan sa kababaihan (violence against women) ay anumang karahasang
nauugat sa kasarian na humahantong sa pisikal, seksuwal o mental na pananakit o
pagpapahirap sa kababaihan, kasama na ang mga pagbabanta at pagsikil sa
kanilang kalayaan.
Ang gawaing ito ay naglalayong subukin ang iyong kaalaman sa pagtala ng mga
karahasan na nararanasan ng mga kababaihan batay sa tekstong binasa.
Panuto: Sagutin ang katanungan upang mabuo ang bubble tree.
Ano-ano ang mga opinyon mo sa karahasan na nararanasan ng mga
kababaihan?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Pagyamanin
Gawain 3: Tara’t Pag-isipan Natin!

Dahil tapos mo nang binasa ang mga paksa sa araw na ito, sagutan ang
inihandang gawain sa ibaba. Ito ay upang matiyak na may naintindihan
ka sa iyong binasa. Umpisahan na ang pagsagot sa gawain.

Ang gawaing ito ay naglalayong subukin ang iyong kaalaman sa pagtala ng


mga karahasan na nararanasan ng mga kababaihan.
Panuto: Sagutin ang katanungan upang mabuo ang graphic organizer.

Epekto Epekto

Dahilan

Epekto Epekto

Paano mawawakasan ang ganitong gawain sa mga kababaihan?


____________________________________________________________________.

Ang gawaing ito ay naglalayong maipahayag ang sariling opinyon tungkol sa


footbinding na isinasagawa ng bansang Tsina.
Panuto: Kumpletuhin ang Opinion Graphic Organizer sa ibaba.
Paksa: Foot Binding ng Tsina

Opinyon:

Paliwanag 1: Paliwanag 2:

Halimbawa 1: Halimbawa 2:

Pinag-isang Opinyon:

Isaisip

Sa bahaging ito ay bibigyan natin nang buod ang paksang tinalakay sa


araw na ito. Basahin mo ang teksto sa ibaba.

Ang kababaihan, sa Pilipinas man o sa ibang bansa, ay nakararanas ng


pang-aalipusta, hindi makatarungan at di pantay na pakikitungo at karahasan.
Ang mababang pagtingin sa kababaihan ay umiiral na noon pa sa iba’t ibang
kultura at lipunan sa daigdig. Mababanggit ang kaugaliang foot binding noon sa
China na naging dahilan ng pagkakaparalisa ng ilang kababaihan. Isinasagawa
ito para paliitin hanggang tatlong pulgada ang paa ng mga kababaihan sa China.
Pinaniniwalaan nila na ang pagkakaroon ng ganitong klase ng paa sa simula ay
kinikilala bilang simbolo ng yaman, ganda, at pagiging karapat-dapat sa
pagpapakasal. Subalit dahil sa ang mga kababaihang ito ay may bound feet,
nalimitahan ang kanilang pagkilos, pakikilahok sa politika, at ang kanilang
pakikisalamuha. Tinanggal ang ganitong sistema sa China noong 1911 sa
panahon ng panunungkulan ni Sun Yat Sen dahil sa di-mabuting dulot ng
tradisyong ito.
Isagawa
Gawain 4: Ating Pagnilayan!

Alam kong sabik ka pang magkaroon ng ibang gawain. Kaya may idadagdag
pang gawain para mas lalo pang masukat ang iyong kaalaman tungkol sa
paksang tinalakay. Umpisahan ng sagutan ang gawain sa ibaba.

Panuto: Mula sa tekstong nabasa hinggil sa karahasan sa mga kababaihan ay


gumawa ka ng repleksyon at isulat sa ibaba.

Tayahin

Ngayon ay subukan mong sagutan ang panghuling pagtataya upang


matukoy ang lawak ng iyong nalalaman tungkol sa mga natalakay na paksa.
Simulan mo na ang pagsagot.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan sa bawat aytem.


Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ang foot binding ay isinasagawa ng mga sinaunang babae sa China. Ang mga paa
ng mga babaeng ito ay pinapaliit hanggang sa tatlong pulgada gamit ang pagbalot ng
isang pirasong bakal o bubog sa talampakan. Ano ang sumisimbolo ng ganitong
tradisyon?
A. Yaman
B. Kagandahan
C. Karapat-dapat ikasal
D. Lahat ng nabanggit
2. Ang footbinding ay tradisyon na sa bansang China. Sa panunungkulan ni Sun Yat
Sen ay tinanggal ito dahil sa di-mabuting dulot ng tradisyon na ito. Anong taon ito
tinanggal?
A. 1910
B. 1911
C. 1912
D. 1913
3. Ang footbinding ay isinasagawa ng mga sinaunang babae sa China. Ang mga
sumusunod ay epekto ng pagkakaroon ng bind feet maliban sa isa. Alin dito?
A. Nalilimitahan ang kanilang pagkilos
B. Nalilimitahan ang pakikilahok sa politika
C. Nalilimitahan ang pakikisalamuah sa ibang tao
D. Nalilimitahan ang pagkakataong makapag-asawa
4. Ito ay ang karahasang nag-uugat sa kasarian na humahantong sa pisikal, seksuwal,
o mental na pananakit o pagpapahirap sa mga kababaihan, kasama na ang mga
pagbabanta at pagsikil sa kanilang kalayaan.
A. Violence against women
B. Violence against women and their children
C. Violence against women and their husband
D. Violence against women and their whole family
5. Ang mga kababaihan sa Pilipinas man o sa ibang bansa ay nakararanas ng mga
karahasan at diskriminasyon. Alin sa mga sumusunod ang mga halimbawa ng mga
karahasan at diskriminasyon na nararanasan nila?
A. Pang-aapi
B. Pang-aalipusta
C. Hindi pantay na karapatan sa paglalakbay
D. Hindi makatarungan at di pantay na pakikitungo

Panuto: Tama o Mali: Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay tama at
MALI naman kung ang pangungusap ay mali. Isulat ang sagot sa patlang.
______ 1. Ang mababang pagtingin sa kababaihan ay umiiral na noon pa sa
iba’t ibang kultura at lipunan sa daigdig.
______ 2. Kaugaliang foot binding ang naging dahilan ng pagkaparalisa ng
ilang kababaihan sa bansang China.
_______ 3. Ang foot binding ay tinanggal sa China noong 1910 dahil sa di-mabuting
dulot nito sa mga kababaihan.
_______ 4. Inalis ang kaugaliang foot binding sa ilalim ng pamumuno ni Sun Yat
Sen sa bansang China.
_______ 5. Lotus feet ang tawag sa mga paa na pinapaliit hanggang sa tatlong
pulgada gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal o bubog sa
talampakan.
Aralin Karahasan/Diskiminasyon sa
Kababaihan ng bansang
2 Cameroon, Africa

Alamin

Mahal naming mag-aaral! Ang modyul na ito ay denisenyo at isinulat para


matulungan ka na malaman ang tungkol sa iba’t ibang karahasan sa
lipunan at maipakita ang lawak ng iyong kaalaman sa pamamagitan ng
pagsagot sa mga gawaing inihanda dito. Handa ka na bang matuto?

Ano ang inaasahan mo?


Pagkatapos ng modyul na ito,ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Pamantayan sa Pagkatuto:
Nasusuri ang karahasan sa kababaihan, kalalakihan at LGBT.
Layunin:
1. Natatalakay ang karahasan at diskriminasyon sa kababaihan ng bansang
Cameroon, Africa;
2. Nasusuri ang epekto ng tradisyong breast flattening ng bansang Cameroon,
Africa, at
3. Nakagagawa ng repleksyon tungkol sa karahasan at diskriminasyon na
nararanasan ng mga kababaihan ng bansang Cameroon, Africa.

Pangkalahatang Panuto!

Paano mo Matutuhan?
Upang makamit ang mga inaasahang layunin, gawin ang mga sumusunod:

 Basahin at unawain ang teksto tungkol sa Karahasan/Diskiminasyon sa


Kababaihan ng bansang Cameroon, Africa.
 Sundin ang bawat panutong ibinigay sa bawat gawain at pagsasanay.
 Sagutan ang lahat ng mga gawain at pagsasanay na ibinigay.

Subukin

Ngayon ay subukan mong sagutan ang paunang pagtataya upang matukoy


ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa mga paksang tatalakayin pa
lamang. Bigyang pansin ang mga tanong na hindi masasagutan ng wasto
at alamin ang sagot sa aralin sa modyul na ito.
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan sa bawat aytem.
Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Bawat bansa ay may kanya-kanyang kaugalian o tradisyon na nakasanayan ng
gawin maging ito man ay nagkakaroon ng mabuti at hindi mabuting epekto. Isa na
dito ay ang tinatawag na breast flattening o breast ironing. Ilang rehiyon ng
Cameroon, Africa ang gumagawa ng ganitong tradisyon o kaugalian?
A. 4
B. 6
C. 8
D. 10
2. Ang breast ironing ay isang kaugalian na sa bansang Cameroon sa kontinente ng
Africa. Ito ay ang pagbabayo o pagmamasahe ng dibdib ng batang nagdadalaga sa
pamamagitan ng bato, martilyo o spatula na pinainit sa apoy. Ano ang dahilan sa
pagsasagawa nito?
A. Maiwasan ang pagkagahasa
B. Maiwasan ang maagang pagbubuntis
C. Maiwasan ang paghinto ng pag-aaral
D. Lahat ng nabanggit
3. Ilang porseyento ng mga kababaihan sa Cameroon, Africa ang hindi panig sa pag-
iral ng tradisyong breast flattening o breast ironing sa kanilang bansa?
A. 37%
B. 38%
C. 39%
D. 40%
4. Ilang porseyento naman ng mga kababaihan sa Cameroon, Africa ang nagpapakita
ng pagsuporta sa pag-iral ng tradisyong breast flattening o breast ironing sa kanilang
bansa?
A. 41%
B. 42%
C. 43%
D. 44%
5. Bukod sa mga rehiyon ng Cameroon, Africa ay marami pang mga bansa ang
nagsasagawa ng tradisyong breast flattening o breast ironing. Ang mga sumusunod
ay mga bansang gumagawa nito maliban sa isa. Alin dito?
A. Benin
B. Kenya
C. Vanuatu
D. Zimbabwe

Panuto: Tama o Mali: Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay tama at MALI naman
kung ang pahayag ay mali. Isulat ang sagot sa patlang.
_____ 1. Ayon sa pananaliksik noong 2006 ay may 24% ng mga batang babaeng may edad
siyam ay apektado ng breast flattening o breast ironing.
_____ 2. Ang German Development Agency (GIZ) at Network of Aunties (RENATA) ay ilan
sa mga organisasyong sumusuporta sa kampanyang ng mga batang ina na
labanan ang patuloy na pag-iral ng breast flattening o breast ironing.
_____ 3. Ayon sa ulat ng GIZ, 38% ng mga kababaihan sa Cameroon ang di panig sa pag-
iral ng breast flattening o breast ironing.
_____4. Ang breast flattening o breast ironing ay ang pagbabayo o pagmamasahe ng dibdib
ng batang nagdadalaga sa pamamagitan ng bato, martilyo o spatula na pinainit sa
apoy.
_____ 5. Ayon sa German Development Agency, 40% ng mga kababaihan sa Cameroon
ang nagpapakita ng pagsuporta sa kaugaliang breast flattening o breast ironing.
Balikan

Handa ka na bang magbalik-aral sa paksang tinalakay natin noong


nakaraang tagpo? Basahin mo ng tahimik ang teksong nakasulat sa
ibaba. Simulan na natin ang pagbabasa.

Noong nakaraang talakayan ay nalaman natin ang mga kababaihan, sa


Pilipinas man o sa ibang bansa, ay nakararanas ng pang-aalipusta, hindi
makatarungan at di pantay na pakikitungo at karahasan. Ang mababang
pagtingin sa kababaihan ay umiiral na noon pa sa iba’t ibang kultura at lipunan
sa daigdig. Mababanggit ang kaugaliang foot binding noon sa China na naging
dahilan ng pagkakaparalisa ng ilang kababaihan. Isinasagawa ito para paliitin
hanggang tatlong pulgada ang paa ng mga kababaihan sa China.
Pinaniniwalaan nila na ang pagkakaroon ng ganitong klase ng paa sa simula ay
kinikilala bilang simbolo ng yaman, ganda, at pagiging karapat-dapat sa
pagpapakasal. Subalit dahil sa ang mga kababaihang ito ay may bound feet,
nalimitahan ang kanilang pagkilos, pakikilahok sa politika, at ang kanilang
pakikisalamuha. Tinanggal ang ganitong sistema sa China noong 1911 sa
panahon ng panunungkulan ni Sun Yat Sen dahil sa di-mabuting dulot ng
tradisyong ito.

Tuklasin
Gawain 1: Larawan Mo, Suriin Ko!

Bago mo umpisahan ang pagtalakay sa paksa sa araw na ito, sasagutan mo


muna ang gawain sa ibaba. Ang gawaing ito ay susubok sa mga dati mong
kaalaman tungkol sa Karahasan/Diskriminasyon sa Kababaihan ng bansang
Cameroon, Africa.
. Handa ka na bang sagutin ito?

Ang gawaing ito ay naglalayong masuri ang mga larawan na may kinalaman
sa karahasan at diksriminasyon.
Panuto: Suriin ang sumusunod na larawan at isulat ang iyong nakita sa mga ito.
Ipahayag ang iyong mga reaksyon sa mga larawang ito.

Ano ang iyong nakikita sa larawan?


________________________________________
_____________________________________________
___________________________________________.

Ano ang iyong reaksyon sa larawan?


_______________________________________
_____________________________________________
____________________________________________.

________________________________________________

________________________________________________
Suriin
Gawain 2: Basahin at Matuto
Alam kong sabik kanang matuto sa araw na ito. Para maintindihan mo
ang pag-uusapan sa araw na ito, basahin mo muna ang teksto sa ibaba
para maliwanagan ka sa daloy ng talakayan. Simulan na ang
pagbabasa!
Karahasan/Diskriminasyon sa Kababaihan

Ano ba ang karahasan sa kababaihan? Ayon sa United Nations, ang karahasan sa


kababaihan (violence against women) ay anumang karahasang nauugat sa kasarian na
humahantong sa pisikal, seksuwal o mental na pananakit o pagpapahirap sa
kababaihan, kasama na ang mga pagbabanta at pagsikil sa kanilang kalayaan.

May ilang kaugalian din sa ibang lipunan na nagpapakita ng paglabag sa


karapatan ng kababaihan. Subalit ang nakalulungkot dito, ang pagsasagawa nito ay
nag-uugat sa maling paniniwala. Mababanggit na halimbawa ang breast ironing o breast
flattening sa Africa.

Ang breast ironing o breast flattening ay isang kaugalian sa bansang Cameroon


sa kontinente ng Africa. Ito ang pagbabayo o pagmamasahe ng dibdib ng batang
nagdadalaga sa pamamagitan ng bato, martilyo o spatula na pinainit sa apoy. May
pananaliksik noong 2006 na nagsasabing 24% ng mga batang babaeng may edad
siyam ay apektado nito. Ipinapaliwanag ng ina sa anak na ang pagsasagawa nito ay
normal lamang at ang mga dahilan nito ay upang: maiwasan ang (1) maagang
pagbubuntis ng anak; (2) paghinto sa pag-aaral; at (3) pagkagahasa. Ang mga dahilan
na nabanggit ay mula sa paniniwala ng ina na ang paglaki ng dibdib ng anak.

Bukod sa sampung rehiyon ng Cameroon, isinasagawa rin ang breast ironing o


breast flattening sa mga bansang Benin, Chad, Ivory Coast, Guinea-Bissau, Guinea-
Conakry, Kenya, Togo, at Zimbabwe. Bukod sa pagiging mapanganib ng breast ironing,
marami ring kritisismo ang binabato sa pagsasagawa nito. Ang GIZ (German
Development Agency) at RENATA (Network of Aunties), ay ilan sa mga organisasyong
sumusuporta sa kampanya ng mga batang ina na labanan ang patuloy na pag-iral ng
gawaing ito. Ayon sa ulat ng GIZ, 39% ng mga kababaihan sa Cameroon ang di panig
sa pag-iral ng breast ironing, 41% ang nagpapakita ng pagsuporta at 26% ay walang
pakialam.

Sanggunian: AP10 Learning Material

Pagyamanin
Gawain 3: Sagutan Natin!

Dahil tapos mo nang binasa ang mga paksa sa araw na ito, sagutan ang
inihandang gawain sa ibaba. Ito ay upang matiyak na may naintindihan ka
sa iyong binasa. Umpisahan na ang pagsagot sa gawain.
Ang gawaing ito ay naglalayong maipahayag ang sariling opinyon tungkol sa breast
flattening na isang tradisyon sa bansang Camerron, Africa.

Panuto: Kompletuhin ang Opinion Graphic Organizer sa ibaba.

Paksa: Breast Flattening ng Africa

Opinyon:

Paliwanag 1: Paliwanag 2:

Halimbawa 1: Halimbawa 2:

Pinag-isang Opinyon:

Isaisip

Sa bahaging ito ay bibigyan natin nang buod ang paksang tinalakay sa


araw na ito. Basahin mo ang teksto sa ibaba.

Nalaman natin sa araw na ito na ang tradisyon sa bansang Cameroon,


Africa na tinatawag na breast ironing o breast flattening ay isa palang paglabag
sa karapatang pantao. Subalit ang nakalulungkot dito, ang pagsasagawa nito ay
nag-uugat sa maling paniniwala.
Pinaniniwalaan kasi nila na ang pagsasagawa nito ay normal lamang at ang
mga dahilan nito ay upang maiwasan ang mga sumusunod; maagang
pagbubuntis ng anak, paghinto sa pag-aaral, at pagkagahasa. Ang mga dahilan
na nabanggit ay mula sa paniniwala ng ina na ang paglaki ng dibdib ng anak.
Hindi man lang inisip ng mga magulang ang sakit na nararamdaman ng mga
anak habang isinasagawa ang proseso nito dahil binabayo o minamasahe ang
dibdib ng batang nagdadalaga sa pamamagitan ng bato, martilyo o spatula na
pinainit sa apoy. May pananaliksik noong 2006 na nagsasabing 24% ng mga
batang babaeng may edad siyam ay apektado nito.

Isagawa
Gawain 4: Pagnilayan Natin!

Alam kong sabik ka pang magkaroon ng ibang gawain. Kaya may


idadagdag pang gawain para mas lalo pang masukat ang iyong kaalaman
tungkol sa paksang tinalakay. Umpisahan ng sagutan ang gawain sa ibaba.
Panuto: Mula sa tekstong nabasa hinggil sa karahasan sa mga kababaihan ay
gumawa ka ng repleksyon at isulat sa ibaba.

Tayahin

Ngayon ay subukan mong sagutan ang panghuling pagtataya upang


matukoy ang lawak ng iyong nalalaman tungkol sa mga natalakay na
paksa. Simulan mo na ang pagsagot.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan sa bawat aytem.


Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Bawat bansa ay may kanya-kanyang kaugalian o tradisyon na nakasanayan ng
gawin maging ito man ay nagkakaroon ng mabuti at hindi mabuting epekto. Isa na
dito ay ang tinatawag na breast flattening o breast ironing. Ilang rehiyon ng
Cameroon, Africa ang gumagawa ng ganitong tradisyon o kaugalian?
A. 4
B. 6
C. 8
D. 10
2. Ang breast ironing ay isang kaugalian na sa bansang Cameroon sa kontinente ng
Africa. Ito ay ang pagbabayo o pagmamasahe ng dibdib ng batang nagdadalaga sa
pamamagitan ng bato, martilyo o spatula na pinainit sa apoy. Ano ang dahilan sa
pagsasagawa nito?
A. Maiwasan ang pagkagahasa
B. Maiwasan ang maagang pagbubuntis
C. Maiwasan ang paghinto ng pag-aaral
D. Lahat ng nabanggit
3. Ilang porseyento ng mga kababaihan sa Cameroon, Africa ang hindi panig sa pag-
iral ng tradisyong breast flattening o breast ironing sa kanilang bansa?
A. 37%
B. 38%
C. 39%
D. 40%
4. Ilang porseyento naman ng mga kababaihan sa Cameroon, Africa ang nagpapakita
ng pagsuporta sa pag-iral ng tradisyong breast flattening o breast ironing sa
kanilang bansa?
A. 41%
B. 42%
C. 43%
D. 44%
5. Bukod sa mga rehiyon ng Cameroon, Africa ay marami pang mga bansa ang
nagsasagawa ng tradisyong breast flattening o breast ironing. Ang mga sumusunod
ay mga bansang gumagawa nito maliban sa isa. Alin dito?
A. Benin
B. Kenya
C. Vanuatu
D. Zimbabwe

Panuto: Tama o Mali: Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay tama at MALI naman
kung ang pahayag ay mali. Isulat ang sagot sa patlang.
_____ 1. Ayon sa pananaliksik noong 2006 ay may 24% ng mga batang babaeng may edad
siyam ay apektado ng breast flattening o breast ironing.
_____ 2. Ang German Development Agency (GIZ) at Network of Aunties (RENATA) ay ilan
sa mga organisasyong sumusuporta sa kampanyang ng mga batang ina na
labanan ang patuloy na pag-iral ng breast flattening o breast ironing.
_____ 3. Ayon sa ulat ng GIZ, 38% ng mga kababaihan sa Cameroon ang di panig sa pag-
iral ng breast flattening o breast ironing.
_____4. Ang breast flattening o breast ironing ay ang pagbabayo o pagmamasahe ng dibdib
ng batang nagdadalaga sa pamamagitan ng bato, martilyo o spatula na pinainit sa
apoy.
____ 5. Ayon sa German Development Agency, 40% ng mga kababaihan sa Cameroon ang
nagpapakita ng pagsuporta sa kaugaliang breast flattening o breast ironing.
Aralin

3 Karahasan sa mga Kalalakihan

Alamin

Mahal naming mag-aaral! Ang modyul na ito ay denisenyo at isinulat para


matulungan ka na malaman ang tungkol sa karahasang nararanasan ng
mga kalalakihan at maipakita ang lawak ng iyong kaalaman sa
pamamagitan ng pagsagot sa mga gawaing inihanda dito. Handa ka na
bang matuto?

Ano ang inaasahan mo?


Pagkatapos ng modyulna ito,ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Pamantayan sa Pagkatuto:
Nasusuri ang karahasan sa kababaihan, kalalakihan at LGBT.
Layunin:
1. Natatalakay ang mga karahasan sa mga kalalakihan;
2. Nabibigyang puna ang mga karahasan na nararanasan ng mga kalalakihan;
at
3. Nakagagawa ng sanaysay na nagpapakita ng opinyon at saloobin sa mga
karahasan na nararanasan ng mga kalalakihan.

Pangkalahatang Panuto!

Paano mo Matutuhan?
Upang makamit ang mga inaasahang layunin, gawin ang mga sumusunod:

 Basahin at unawain ang teksto tungkol sa Karahasan sa mga Kalalakihan.


 Sundin ang bawat panutong ibinigay sa bawat gawain at pagsasanay.
 Sagutan ang lahat ng mga gawain at pagsasanay na ibinigay.

Subukin

Ngayon ay subukan mong sagutan ang paunang pagtataya upang matukoy


ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa mga paksang tatalakayin pa
lamang. Bigyang pansin ang mga tanong na hindi masasagutan ng wasto
at alamin ang sagot sa aralin sa modyul na ito.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan sa bawat aytem.


Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Anong buwan ipinagdiriwang sa buong mundo ang Domestic Violence Awareness
Month?
A. Setyembre
B. Oktubre
C. Nobyembre
D. Desyembre
2. Ano ang tawag sa anumang uri ng pang-aabusong tinamo ng isang tao mula sa
kanilang kinakasama, kasal man o hindi?
A. Domestic Violence
B. Family Violence
C. Matriarchal Violence
D. Patriarchal Violence
3. Saan nag-uumpisa ang karahasan o diskriminasyon na nararanasan ng mga
kalalakihan?
A. Pamilya
B. Kamag-anak
C. Trabaho
D. Lahat ng nabanggit
4. Isa sa masakit na katutuhanan ay walang malinaw na bilang kung ilan sa mga
kalalakihan ang naging biktima ng nasabing pang-aabuso. Ano ang dahilan nito?
A. Dahil pinoproteksyonan ng lalaki ang kanyang pamilya laban sa kahihiyan.
B. Dahil ang mga lalaki ay takot sa kanilang asawa kaya hindi sila
nagsusumbong.
C. Dahil ang mga lalaki ay nahihiyang magkuwento ng kanilang mapait na
karanasan.
D. Dahil mahal ng lalaki ang kanyang asawa kaya pinili niyang manahimik na
lamang.
5. Ito ay anumang gawain na umaabuso sa karapatan ng mga kalalakihan sa kanilang
pisikal, emosyonal, at mental na kayarian.
A. Karahasan laban sa mga kalalakihan
B. Karahasan laban sa mga kalalakihan kasama ang kanilang asawa
C. Karahasan laban sa mga kalalakihan kasama ang kanilang mga anak
D. Karahasan laban sa mga kalalakihan kasama ang kanilang buong pamilya

Panuto: Tama o Mali: Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay tama at MALI naman
kung ang pahayag ay mali. Isulat ang sagot sa patlang.
______ 1. Ang karahasan sa mga kalalakihan ay walang pinipiling edad.
______ 2. Tuwing buwan ng Setyembre ipinagdiriwang sa buong mundo ang Domestic
Violence Awareness Month.
______ 3. Domestic violence ang tawag sa anumang uri ng pang-aabusong tinamo ng isang
tao mula sa kanilang kinakasama, kasal man o hindi.
______ 4. Sa bansang Pilipinas, nasa 1 sa kada 4 na babae ang nakararanas ng domestic
violence.
______ 5. Sa bansang Pilipinas, walang malinaw na bilang kung ilang kalalakihan ang
naging biktima ng pang-aabuso.

Balikan

Handa ka na bang magbalik-aral sa paksang tinalakay natin noong


nakaraang tagpo? Basahin mo ng tahimik ang teksong nakasulat sa
ibaba. Simulan na natin ang pagbabasa.
Nalaman natin sa nakaraang talakayan ang tungkol sa isang tradisyon sa
bansang Cameroon, Africa na tinatawag na breast ironing o breast flattening
naisa palang paglabag sa karapatang pantao. Subalit ang nakakalungkot dito,
ang pagsasagawa nito ay nag-uugat sa maling paniniwala.
Pinaniniwalaan kasi nila na ang pagsasagawa nito ay normal lamang at ang
mga dahilan nito ay upang maiwasan ang mga sumusunod; maagang
pagbubuntis ng anak, paghinto sa pag-aaral, at pagkagahasa. Ang mga dahilan
na nabanggit ay mula sa paniniwala ng ina na ang paglaki ng dibdib ng anak.
Hindi man lang inisip ng mga magulang ang sakit na nararamdaman ng mga
anak habang isinasagawa ang proseso nito dahil binabayo o minamasahe ang
dibdib ng batang nagdadalaga sa pamamagitan ng bato, martilyo o spatula na
pinainit sa apoy. May pananaliksik noong 2006 na nagsasabing 24% ng mga
batang babaeng may edad siyam ay apektado nito.

Tuklasin
Gawain 1: Larawan Mo, Suriin Ko!

Bago mo umpisahan ang pagtalakay sa paksa sa araw na ito, sasagutan mo


muna ang gawain sa ibaba. Ang gawaing ito ay susubok sa mga dati mong
kaalaman tungkol sa Diskriminasyon sa mga Lalaki, Babae at LGBT. Handa
ka na bang sagutin ito?

Ang gawaing ito ay naglalayong masuri ang mga larawan na may kinalaman
sa karahasan at diksriminasyon.
Panuto: Suriin ang sumusunod na larawan at isulat ang iyong nakita sa mga ito.
Ipahayag ang iyong mga reaksyon sa mga larawang ito.

Ano ang iyong nakikita sa larawan?


_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________.
Ano ang iyong reaksyon sa larawan?
_______________________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________.

Tanong:

1. Sa iyong palagay bakit kaya nangyayari ang mga karahasang ito?


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
Suriin
Gawain 2: Basahin at Matuto!

Alam kong sabik kanang matuto sa araw na ito. Para maintindihan mo ang
pag-uusapan sa araw na ito, basahin mo muna ang teksto sa ibaba para
maliwanagan ka sa daloy ng talakayan. Simulan na ang pagbabasa!

Karahasan/Diskriminasyon sa Kalalakihan

Ito ay ang anumang gawain na umaabuso sa karapatan ng mga kalalakihan


sa kanilang pisikal, emosyonal at mental na kayarian. Maaaring mag-umpisa ito
sa mismong pamilya, trabaho o sa iba pang aspekto ng buhay. Wala rin itong
pinipiling edad mapabata hanggang matanda. Tuwing buwan ng Oktubre,
ipinagdiriwang sa buong mundo ang Domestic Violence Awareness Month.
Domestic violence ang tawag sa anumang uri ng pang-aabusong tinatamo ng
isang tao mula sa kanilang kinakasama, kasal man o hindi. Sa Pilipinas, nasa 1
sa kada 4 na babae ang nakararanas ng domestic violence. Pero ang mas
masakit na katotohanan, walang malinaw na bilang kung ilang kalalakihan ang
nagiging biktima ng nasabing pang-aabuso.

Halimbawa, mayroon tayong mga nababalitaang lalaki na seksuwal na


inaabuso ng kanilang kapamilya mismo o pinagkakatiwalaang indibiduwal; Bilang
resulta ay matinding sakit sa emosyon ang epekto nito sa kanila. Mayroon ding
mga asawang lalaki na under ng misis nila anupat sila lahat ang kumikilos dahil
sa takot nila sa kanilang asawa. Andres de Saya, takusa o takot sa asawa — ito
ang mga madalas na biro sa mga lalaking tiklop daw sa kanilang mga kabiyak.
Pero pagdating sa usapin ng pang-aabuso, hindi ito isang biro! Ang sigaw ng
grupong Diego Silang Movement, maging ang mga Adan, nagiging tampulan din
ng pananakit. Marahil para sa ilan, mahina pa ang kanilang mga boses dahil
marami pa ring mga lalaki ang nahihiyang magkuwento ng kanilang mapait na
karanasan.

Sanggunian: AP10 Learning Material

Pagyamanin
Gawain 3: karahasan, Matuldukan!

Dahil tapos mo nang basahin ang mga paksa sa araw na ito, sagutan ang
inihandang gawain sa ibaba. Ito ay upang matiyak na may naintindihan ka
sa iyong binasa. Umpisahan na ang pagsagot sa gawain.

Ang gawaing ito ay naglalayong subukin ang iyong kaalaman sa pagtala ng


mga karahasan na nararanasan ng mga kalalakihan.
Panuto: Sagutin ang katanungan upang mabuo ang graphic organizer.
Epekto Epekto

Epekto Epekto

Paano mawawakasan ang ganitong gawain sa mga kalalakihan?


______________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________.

Isaisip

Sa bahaging ito ay bibigyan natin nang buod ang paksang tinalakay sa


araw na ito. Basahin mo ang teksto sa ibaba.

Sa araw na ito ay nalaman natin na kahit gaano ka katatag ang pagtingin ng


lipunan sa mga kalalakihan ay biktima din pala sila ng karahasan. Ang karahasang
ito ay ang anumang gawain na umaabuso sa karapatan ng mga kalalakihan sa
kanilang pisikal, emosyonal at mental na kayarian. Maaaring mag-umpisa ito sa
mismong pamilya, trabaho o sa iba pang aspekto ng buhay. Wala rin itong pinipiling
edad - mapabata hanggang matanda. Tuwing buwan ng Oktubre, ipinagdiriwang sa
buong mundo ang Domestic Violence Awareness Month. Pero ang mas masakit na
katotohanan, walang malinaw na bilang kung ilang kalalakihan ang nagiging biktima
ng nasabing pang-aabuso. Marahil para sa ilan, mahina pa ang kanilang mga boses
dahil marami pa ring mga lalaki ang nahihiyang magkuwento ng kanilang mapait na
karanasan.

Isagawa
Gawain 4: Opinyon Mo, Saloobin Ko!

Alam kong sabik ka pang magkaroon ng ibang gawain. Kaya may


idadagdag pang gawain para mas lalo pang masukat ang iyong kaalaman
tungkol sa paksang tinalakay. Umpisahan ng sagutan ang gawain sa
ibaba.
Mula sa tekstong nabasa gumawa ng sanaysay na nagpapakita ng iyong
opinyon at saloobin sa mga karahasan na nararanasan ng mga kalalakihan.

Tayahin

Ngayon ay subukan mong sagutan ang panghuling pagtataya upang


matukoy ang lawak ng iyong nalalaman tungkol sa mga natalakay na paksa.
Simulan mo na ang pagsagot.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan sa bawat aytem.


Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Anong buwan ipinagdiriwang sa buong mundo ang Domestic Violence Awareness
Month?
A. Setyembre
B. Oktubre
C. Nobyembre
D. Desyembre
2. Ano ang tawag sa anumang uri ng pang-aabusong tinamo ng isang tao mula sa
kanilang kinakasama, kasal man o hindi?
A. Domestic Violence
B. Family Violence
C. Matriarchal Violence
D. Patriarchal Violence
3. Saan nag-uumpisa ang karahasan o diskriminasyon na nararanasan ng mga
kalalakihan?
A. Pamilya
B. Kamag-anak
C. Trabaho
D. Lahat ng nabanggit
4. Isa sa masakit na katutuhanan ay walang malinaw na bilang kung ilan sa mga
kalalakihan ang naging biktima ng nasabing pang-aabuso. Ano ang dahilan nito?
A. Dahil pinoproteksyonan ng lalaki ang kanyang pamilya laban sa kahihiyan.
B. Dahil ang mga lalaki ay takot sa kanilang asawa kaya hindi sila
nagsusumbong.
C. Dahil ang mga lalaki ay nahihiyang magkuwento ng kanilang mapait na
karanasan.
D. Dahil mahal ng lalaki ang kanyang asawa kaya pinili niyang manahimik na
lamang.
5. Ito ay anumang gawain na umaabuso sa karapatan ng mga kalalakihan sa kanilang
pisikal, emosyonal, at mental na kayarian.
A. Karahasan laban sa mga kalalakihan
B. Karahasan laban sa mga kalalakihan kasama ang kanilang asawa
C. Karahasan laban sa mga kalalakihan kasama ang kanilang mga anak
D. Karahasan laban sa mga kalalakihan kasama ang kanilang buong pamilya

Panuto: Tama o Mali: Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay tama at
MALI naman kung ang pahayag ay mali. Isulat ang sagot sa patlang.
______ 1. Ang karahasan sa mga kalalakihan ay walang pinipiling edad.
______ 2. Tuwing buwan ng Setyembre ipinagdiriwang sa buong mundo ang
Domestic Violence Awareness Month.
______ 3. Domestic violence ang tawag sa anumang uri ng pang-aabusong tinamo
ng isang tao mula sa kanilang kinakasama, kasal man o hindi.
______ 4. Sa bansang Pilipinas, nasa 1 sa kada 4 na babae ang nakararanas ng
domestic violence.
______ 5. Sa bansnag Pilipinas, walang malinaw na bilang kung ilang kalalakihan
ang naging biktima ng pang-aabuso.

Huling Pagtataya
May sasagutan na naman kayo bilang pangkalahatang gawain sa mga
paksang natalakay natin. Nasasabik na akong malaman sa makukuha
niyo sa pagsusulit na ito. Simulan niyo na ang pagsagot.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan sa bawat aytem.


Piliin at bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Si Malala Yousafzai ay isang estudyante na nakatira sa Pakistan na naging biktima
ng isang karahasan habang siya ay lulan ng bus patungong paaralan. Siya ay binaril
sa ulo ng isang miyembro ng Taliban. Ano ang dahilan ng kanyang pagkabaril?
A. Adbokasiya para sa karapatan ng mga batang babae sa edukasyon sa
Pakistan.
B. Adbokasiya para sa karapatan ng mga batang babae para sa libreng
edukasyon.
C. Adbokasiya para sa karapatan ng mga batang babae na makapagtrabaho sa
Pakistan.
D. Adbokasiya para sa karapatan ng mga batang babae na mabigyan ng gamot
sa Pakistan.
2. Ang mga sumusunod ay kilalang mga babae, lalaki, at LGBT sa iba’t-ibang larangan
sa bansa at maging sa buong mundo. Ito ay isang pagpapatunay na ang bawat isa
sa kanila ay may kanya-kanyang angking kakayahan. Sino sa kanila ang gumawa ng
iPhone, iPad, at iba pang Apple products. Bago paman napunta ang Apple
Corporation sa kanya ay nagtrabaho din sya sa Compaq at IBM, at mga
kompanyang may kinalaman sa computers.
A. Anderson Cooper
B. Charo Santos- Concio
C. James Cooper
D. Tim Cook
3. Sina Charo Santos-Concio, Geraldine Roman, at Charice Pempengco ay ilan lamang
sa mga kilalang personalidad sa bansang Pilipinas. May kanya-kanya silang
larangan na mas higit silang nakilala. Sa anong larangan nakilala si Charo Santos-
Concio?
A. Propesor ng isang pamantasan, kolumnista, manunulat, mamamahayag.
B. Mamamahayag, artista, host, reporter, CEO ng isang kilalang konpamya.
C. Manunulat, artista, stand-up comedian, at host ng isang pinakamatagumpay
na talk-show.
D. Artista sa pelikula at telebisyon, nakilala sa longest-running Philippine TV
drama anthology progam, presidente at CEO ng ABS-CBN Corporation.
4. Sa Pilipinas ay marami ng idinulog na kaso tungkol sa pag-aaway ng mga mag-
asawa na kalimitang nauuwi sa hiwalayan. Ang mga sumusunod na sitwasyon ay
mga palatandaan ng karahasan na nararanasan ng mga ng asawang babae maliban
sa isa. Alin dito?
A. Sinasaktan at sinisigawan
B. Hindi binibigyan ng pera
C. Ginagawang katulong sa bahay
D. Iniintindi sa lahat ng pagkakataon
5. Ang diskriminasyon ay anumang uri, eksklusyon, o restriksyon batay sa kasarian na
naglalayon o naging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng lahat ng
kasarian ng kanilang mga karapatan o kalayaan. Kung ikaw ay isang biktima ng
pambubully sa inyong paaralan dahil sa iyong kasarian, ano ang iyong gagawin?
A. Manahimik para hindi ako mapahiya.
B. Tanggapin ang katutuhanan na hindi tanggap sa lipunan ang aking kasarian.
C. Isasabi ko sa aking kaibigan para mabawasan ang aking sakit na
nararamdaman.
D. Ipagbigay alam ko sa aking guro para masabihan ang mga estudyanting
nam-bully sa akin.
6. Mula sa iyong pagkabata ay nararamdaman mo na ikaw ay nabuhay sa maling katauhan.
Ipinanganak kang lalaki pero ang puso mo ay babae ngunit itinatago mo lang ito sa
inyong pamilya dahil ang angkan ng inyong pamilya ay kilala sa lipunan sa larangan ng
pagiging Pulis at Sundalo. Ikaw lang ang nag-iisang anak na lalaki at sinabihan ka ng
iyong ama na ikaw ang papalit sa kanya bilang isang magiting na sundalo. Ano ang
gagawin mo sa sitwasyong ito?
A. Susundin ko ang sinabi ng aking ama dahil para ito sa aking kabutihan.
B. Matutuwa ako kasi ako ang papalit sa kanyang posisyon sa hinaharap.
C. Lilisanin ko ang aming bahay na walang pasabi para makaiwas sa
mangyayari sa akin.
D. Ipagtatapat ko sa aking mga magulang ang tunay kong pagkatao para maalis
na lahat ang mga pagdurusa ko.
6. Ang batas na“Anti-Homosexuality Act of 2014” ay isang ebidensya ng diskriminasyon
at karahasan sa LGBT na inulat ng United Nations Human Rights Council noong
2011. Ano ang ibig sabihin ng batas na ito?
A. Pagbabawal na makipag-usap sa magkaparehong kasarian.
B. Pagbabawal na magbigay puna sa magkaparehong kasarian.
C. Pagbabawal na makipagkaibigan sa magkaparehong kasarian.
D. Pagbabawal na makipagrelasyon sa magkaparehong kasarian.
7. Ikaw ay lumaki sa sitwasyon na parati nalang nag-aaway ang iyong mga magulang.
Nakikita at naririnig mo ang mga pangyayari halos araw-araw. Ikaw bilang isang
Grade 10 na estudyante at alam mo ang tungkol sa VAWC dahil tinalakay ito sa
Asignaturang Araling Panlipunan , ano ang una mong gagawin sa sitwasyon ng
inyong pamilya.
A. Manahimik para hindi ako masali sa gulo.
B. Tumakbo sa kapitbahay at magsumbong.
C. Sasabihan ko ang mga magulang ko tungkol sa VAWC.
D. Pabayaan ko sila para hindi ako ang mapagbuntunan nila ng galit.
8. Sa lipunang ating ginagalawan ay hinuhusgahan talaga ang mga pangkat ng LGBT.
Lahat halos ng mga panglalait at pangmamaliit ay nararanasan nila. Isa sa mga
kilalang nabibilang sa LGBT Community ay si Geraldine Roman, siya ay kauna-
unahang transgender na miyembro ng Kongreso. Siya ang kinatawan ng lalalwigan
ng Bataan. Siya ang pangunahing taga-pagsulong ng Anti-Discrimination bill sa
Kongreso. Ano ang mahihinuha mo tungkol dito?
A. Ang mga LGBT ay dapat respetuhin at igalang.
B. May mga angking kakayahan din ang mga LGBT.
C. Hindi dapat maliitin ang kakayahan ng mga LGBT.
D. Lahat ng tao ay pantay-pantay ang oportunidad na tinatamasa.
9. Ikaw ay isang lider ng samahan ng mga kabataan sa inyong lugar. Napag-alaman
mo na may kasapi sa grupo na bakla na biktima ng karahasan sa loob ng kanilang
tahanan. Ikinuwento nya sa iyo ang buong pangyayari dahil lubos ang tiwala nya sa
iyo bilang isang magaling na lider. Ano ang solusyon na gagawin mo sa sitwasyong
ito?
A. Sasabihan ko siya na magsumbong sa DSWD.
B. Sasabihan ko sya na magsumbong sa mga Pulis.
C. Sasabihan ko siya na isabi niya ang katutuhanan sa iba pa niyang mga
kamag-anak.
D. Sasabihan ko sya na sasamahan ko siya para makipag-usap sa kanyang
mga magulang.
10. Maraming mga bansa na kung saan ang pag-aaral ay para lamang sa mga
kalalakihan. Isa na dito ay ang bansang Pakistan. Sino ang batang babaeng
nakikipaglaban sa Pakistan para sa edukasyon ng mga kababaihan?
A. Ellen Degeneres
B. Malala Yousafzai
C. Marilyn Hewson
D. Parker Gundersen
11. Bakit lumawak ang impluwensya ni Malala sa bansang Pakistan.
A. Dahil mayaman ang kanilang pamilya.
B. Dahil maimpluwensya ang kanilang pamilya.
C. Dahil kilala ang kanilang pamilya sa kanilang bansa.
D. Dahil sa kanyang pagsusulat at mga panayam sa mga pahayagan at
telebisyon.
12. Ang foot binding ay isinasagawa ng mga sinaunang babae sa China. Ang mga paa
ng mga babaeng ito ay pinapaliit hanggang sa tatlong pulgada gamit ang pagbalot ng
isang pirasong bakal o bubog sa talampakan. Ano ang sumisimbolo ng ganitong
tradisyon?
A. Yaman
B. Kagandahan
C. Karapat-dapat ikasal
D. Lahat ng nabanggit
13. Ang foot binding ay tradisyon na sa bansang China. Sa panunungkulan ni Sun Yat
Sen ay tinanggal ito dahil sa di-mabuting dulot ng tradisyon na ito. Anong taon ito
tinanggal?
A. 1910
B. 1911
C. 1912
D. 1913
14. Ang breast ironing ay isang kaugalian na sa bansang Cameroon sa kontinente ng
Africa. Ito ay ang pagbabayo o pagmamasahe ng dibdib ng batang nagdadalaga sa
pamamagitan ng bato, martilyo o spatula na pinainit sa apoy. Ano ang dahilan sa
pagsasagawa nito?
A. Maiwasan ang pagkagahasa
B. Maiwasan ang maagang pagbubuntis
C. Maiwasan ang paghinto ng pag-aaral
D. Lahat ng nabanggit

Magaling! Sa wakas ay natapos niyo din ang mga gawain sa modyul na ito.

Napakahusay ng inyong ginawa. Ipagpapatuloy ang magandang nasimulan!


Susi sa Pagwawasto

Aralin 1: Karahasan/Diskriminasyon sa Kababaihan ng bansang China

Subukin
A.
1. D
2. A
3. D
4. A
5. C
B.
1. Tama
2. Tama
3. Mali
4. Tama
5. Tama

Tuklasin
Gawain 1:
Nasa guro ang pagpapasya kung tama

Suriin
Gawain 2:
Nasa guro ang pagpapasya kung tama

Pagyamanin
Gawain 3:
Nasa guro ang pagpapsya kung tama

Isagawa
Gawain 4:
Pagbabasehan ang rubriks sa pagmamarka

Tayahin
1. D 1. TAMA
2. A 2. TAMA
3. D 3. MALI
4. A 4. TAMA
5. C 5. TAMA
Susi sa Pagwawasto

Aralin 2: Karahasan/Diskriminasyon sa Kababaihan ng bansang Cameroon,


Africa

Subukin
A.
1. D
2. D
3. C
4. A
5. C
B.
1. Tama
2. Tama
3. Mali
4. Tama
5. Mali

Tuklasin
Gawain 1:
Nasa guro ang pagpapasya kung tama
Suriin

Pagyamanin
Gawain 3:
Nasa guro ang pagpapsya kung tama

Isagawa
Gawain 4:
Pagbabasehan ang rubriks sa pagmamarka

Tayahin
1. D 1. TAMA
2. D 2. TAMA
3. C 3. MALI
4. TAMA
4. A
5. MALI
5. C
Susi sa Pagwawasto

Aralin 3: Karahasan sa mga Kalalakihan

Subukin
A.
1. B
2. A
3. D
4. C
5. A
B.
1. Tama
2. Mali
3. Tama
4. Tama
5. Tama
Tuklasin
Gawain 1:
Nasa guro ang pagpapasya kung tama
Suriin
Pagyamanin
Gawain 3:
Nasa guro ang pagpapsya kung tama
Isagawa
Gawain 4:
Pagbabasehan ang rubriks sa pagmamarka
Tayahin
1. B 1. TAMA
2. A 2. MALI
3. D 3. TAMA
4. C 4. TAMA
5. A 5. TAMA
Huling Pagtataya
1. A 11. D
2. D 12. B
3. D 13. D
4. D 14. D
5. D 15. B
6. D
7. D
8. C
9. B
10. D

Mga Sanggunian

AP10 Learning Material


Rubrik para sa mga gawain
Pamantayan Lubos na Mahusay- Hindi Kailangan pang
Mahusay husay Gaanong Magsanay
(4) (3) Mahusay (1)
(2)
Kabuluhan o Lubhang Makabuluha Hindi gaanong Hindi
Halaga ng makabuluhan n ang makabuluhan makabuluhan
Mensahe ang mensahe. mensahe. ang mensahe. ang mensahe.
Kawastuhan ng Wasto ang May isa o Wasto ang Hindi wasto ang
Impormasyon lahat ng datos dalawang ilang datos o lahat ng datos o
o hindi impormasyon. impormasyon.
impormasyon. wastong
datos o
impormasyo
n.
Kaayusan ng Inilahad ang Inilahad ang Maayos na Hindi
Paglalahad lahat ng mga karamihan inilahad ang maunawaan
ideya nang mga ilang ideya. ang paksa dahil
maayos at ideyanang sa walang
kawili-wili. maayos at kaayusan ang
kawili-wili. inilahad.
Kalinawan ng Lubhang Malinaw ang Hindi gaanong Hindi malinaw
Sinasabi malinaw ang pananalitang malinaw ang ang
pananalitang ginagamit. pananalitang pananalitang
ginagamit. ginagamit. ginagamit.
Paghikayat sa Lubhang Nakahihikay Hindi gaanong Hindi
Tagapakinig o nakahihikayat at sa nakahihikayat nakahihikayat
Manonood sa tagapakinig tagapakinig at kaagad na ang paglalahad.
o manonood o manonood nakakuha ng
ang ang atensyon.
paglalahad. paglalahad.

You might also like