You are on page 1of 35

10

Filipino
Ikaapat na Markahan –
Modyul 2
(Kaligirang Pangkasaysayan)
Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas
Filipino – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 2: Kaligirang Kasaysayan ng El Filibusterismo
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Evangeline M. Agor
Editor: Rhea S. Taboada, Nenita M. Aboniawan, Elena G. Madria,
Delaila G. Cabahug, Precioso M. Dahe Jr.
Tagasuri: Amelia L. Tortola, EdD
Tagaguhit: Remuel B. dela Cruz
Tagapamahala:
Punong Tagapamahala: Arturo B. Bayocot PhD, CESO III
Rehiyunal na Direktor
Ikalawang Tagapamahala: Victor G. De Gracia Jr. PhD, CESO V
Pangalawang Rehiyunal na Direktor
Randolph B. Tortola, PhD, CESO IV
Tagapamanihalang Pansangay
Shambaeh, A. Usman, PhD.
Pangalawang Tagapamanihalang Pansangay
Mga Kasapi: Mala Epra B. Magnaong, PhD, Chief-CLMD
Neil A. Improgo, PhD, EPS-LRMS
Bienvinido U. Tagalimot Jr., PhD, CESO IV
Elbert R. Francisco, PhD. Chief-CID
Amelia L. Tortola, EdD, EPS-Filipino
Rejynne Mary L. Ruiz, PhD, LRMS-Manager
Jeny B. Timbal, PDO II
Shella O. Bolasco, Division Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng
Department of Education – Region X
Office Address: Fortich St. Sumpong, Malaybalay City, 8700 Bukidnon
Telephone: (088) 813-3634
E-mail Address: bukidnon@deped.gov.ph
10
Filipino
Ikaapat na Markahan –
Modyul 2
Kaligirang Pangkasaysayan
ng
El Filibusterismo

KAHON NG KATUGUNAN

. Ang modyul na ito ay sama-samang binuo at sinuri ng mga


edukador sa mga publikong paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro at
iba pang nasa larangan ng edukasyon na mag e-mail ng kanilang puna at
mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa bukidnon@deped.gov.ph.

Pinahahalagahan namin ang inyong mga puna at mungkahi.

i
Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

i
TALAAN NG NILALAMAN
Pahina

TAKIP NG PAHINA
PAHINA NG KARAPATANG-ARI
PAHINA NG PAMAGAT
TALAAN NG NILALAMAN

Aralin 1: Pagkakaugnay ng mga Pangyayaring Napakinggan sa Kaligirang


Pangkasaysayan

Alamin 1
Tuklasin 1
Suriin 2
Pagyamanin 3
Isaisip 3
Isagawa 4
Tayahin 4
Karagdagang Gawain 5

Aralin 2: Pagpapahalaga ng Kaligirang Pangkasaysayan

Alamin 6
Tuklasin 6
Suriin 6
Pagyamanin 7
Isaisip 7
Isagawa 8
Tayahin 8
Karagdagang Gawain 9

Aralin 3: Iba’t Ibang Reperensiya/ Batis ng Impormasyon

Alamin 10
Tuklasin 10
Suriin 11
Pagyamanin 12
Isaisip 13
Isagawa 13
Tayahin 14
Karagdagang Gawain 15
Aralin 4: Pagbubuod ng Kaligirang Pangkasaysayan Gamit ang Timeline

Alamin 16
Tuklasin 16
Suriin 16
Pagyamanin 18
Isaisip 19
Isagawa 19
Tayahin 19
Karagdagang Gawain 21

Aralin 5: Lingguhang Pangwakas na Gawain

Alamin 22
Tayahin 22

Susi sa Pagwawasto 24
Sanggunian 26

iii
Arali Pagkakaugnay ng mga
n Pangyayaring Napakinggan sa
1 Kaligirang Pangkasaysayan

Alamin

Ang aralin 1 ay naglalaman ng pagkakaugnay ng mga pangyayaring


napakinggan tungkol sa kaligirang pangkasaysayan ng nobelang El Filibusterismo.
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
 Nasusuri ang pagkakaugnay na mga pangyayaring napakingan tungkol
sa kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo. (F10PN-IVga-b-83)

Tuklasin

Batid kong may ideya ka na sa araling ito. Subukin nating alamin kung ang
iyong mga ideya ay tumutugon sa mga konseptong saklaw ng aralin sa bahaging ito.
Simulan natin sa pamamagitan ng gawain na susukat sa lawak ng iyong kaalaman.
Gawain: Bigkas-Tula
Bigkasin ang tula na pinamagatang "Anino ng Isang Kahapon" ni Nenita P.
Papa at gawin ang gawain sa ibaba.

Anino ng Isang Kahapon


ni Nenita P. Papa

Kaytagal nahimbing-mahabang panahong tayo ay naghintay


Hanggang sa magising, mata ay mamulat sa katotohanang
Tayo'y inalipin sinikil ang laya, hanggang sa mamatay
At kung mapawi, lahing Pilipino, dakila't marangal

Yaon ay naganap sa isang kahapong hindi malilimot


Gapos yaong kamay sa pagkaaliping ikaw ang may dulot
Ikaw na duyan sa bansang ito'y pilit na sumakop
Upang magpasasa sa yaman ng bansang aming iniirog

Apat na raang taon, kami ay nagtiis ng hirap at sakit


Sa bawat sandal sa pagsusumikap, dugo yaong pawis
Minimithi laya, kaunlarang ganap sadyang ninanais
Sa bawat tulad ko, isang Pilipino, iyong ipinagkait

1
Nang dahil sa iyo, Dayuhang Lakas na sa ami'y lumupig
Buhay na duhagi at diwang alipin ang siyang nanaig
Sa puso't damdamin nitong Pilipinong may busal ang bibig
Walang karapatang tupdin ang pangarap, namahay sa dibdib

Isiping kolonyal! Bakas na iniwan ng isang kahapon


Na tigib ng luha ng lahing kayumangging sa hukay umahon
Buhat sa baybayin ng pulo ng Mactang siya nang nagtanggol
Upang ipagunitang tayo'y nabubulid sa pagkaparool

Nasaan? Nasaan? Biyaya ng lupa na hulog ng langit


Ang likas na yaman ng bundok at gubat, ng dagat at bukid
Hinamig mong lahat, sa dibdib ng baya'y hinukay mong pilit
Iniwang busabos, isang basang sisiw-Agilang dumagit

Bunga ng kahapong mapait sa diwa-ayaw gunitain,


Naputol ang bagwis, nawalan ng lakas, mistulang alipin
Mahina ang tuhod, walang lakas-loob na muling buhayin,
Nalugmok na dangal ay pilit itayo sa puso't damdamin

Ngayon ang panahon na dapat gisingin yaring kamalayan


Lahat ng naganap ay isang bahagi nitong kasaysayan,
Lalong mahalaga'y magkaisa-isa tungong kaunlaran,
Ikaw at ako - lahat-lahat tayo - Sandiwa Sambayanan!

Gawin: Sipat-Suri
Suriin ang saknong at iugnay ang mga pangyayarin sa kasalukuyan.
Kopyahin ang talahanayan sa iyong kuwaderno at sagutin ito.

Mga saknong Pagkakaugnay ng mga


pangyayari sa kasalukuyan

Nang dahil sa iyo, Dayuhang Lakas na


sa ami'y lumupig
Buhay na duhagi at diwang alipin ang
siyang nanaig
Sa puso't damdamin nitong Pilipinong
may busal ang bibig
Walang karapatang tupdin ang
pangarap, namahay sa dibdib

Suriin

Kung susuriin natin ang tulang "Anino ng Kahapon", mapapansin natin na ito
ay sumasalamin sa pananakop na mga dayuhan sa ating bansa noong unang
panahon. Tinatalakay sa tulang ito ang pang-aaliping ginawa ng mga dayuhan. Ang

2
pagiging sunod-sunuran ng mga Pilipino. Ang pagiging sapilitang bulag at pipi sa
mga pangyayaring nagaganap sa paligid dahil sa takot. Mahaba-habang panahon
din ang tiniis na paghihirap bago nagising ang mga puso't diwa ng mga Pilipino
upang tumayo at ipaglaban ang sariling bayan.
Sa mga pangyayaring ito, isa si Dr. Jose Rizal sa mga nakakita sa madilim
na buhay ng ating mga ninuno. Dahil sa mga pangyayaring ito, ninais ni Rizal na
ilantad ang kabuktutan ng mga mananakop. Ginamit niya ang kanyang panulat sa
pagkakamit ng minimithing pagbabago at kalayaan ng mga Pilipino. Habang patuloy
sa pagsulat ng kanyang nobela ay patuloy naman ang mga suliraning kanyang
kinakaharap. Ilan na dito ang kawalan ng pondo, problema sa puso, sa pamilya, at
sa kaibigan. Napakabigat ng kanyang pasanin sa panahong ito. Dinagdagan pa
nang nakita niyang hindi nagkakaisa ang mga Pilipinong Ilustrado na siya sanang
pag-asa ng Pilipinas.

Pagyamanin

Gawain: Pag-isipan ang Karunungan


Marahil ay habang binabasa o pinapakinggan mo ang kasaysayan ng
pagkasulat ng El Filibusterismo ay naisip o naramdaman mo ang naging karanasan
at damdaming pinagdaanan ni Rizal sa pagsulat ng walang kamatayang nobelang
ito.
Bilang pagpapahalaga ay ilahad ang iyong kaisipan at damdamin hinggil sa
kasaysayan ng pagkakabuo ng El Filibusterismo sa pamamagitan ng pagkompleto
sa sumusunod na mga pahayag. Isulat ang tanong sa iyong iyong kuwaderno at
sagutin ito.
1. Ano-ano ang mga paghihirap na naranasan ni Dr. Jose Rizal bago
maipalimbag ang El Filibusterismo?
2. Para sa iyo, malaki ba ang naitulong ng nobelang ito para sa bansa?

Isaisip

Ipaliwanag kung ano ang ibig sabihin ng unang pahayag at ibigay ang iyong
kasagutan sa ikalawang katanungan. Isulat ang tanong sa iyong kuwaderno at
sagutin ito.

1. Napatunayan dito na ang pagsisikap ni Dr. Jose Rizal na "Sa pagpupunyagi


nakukuha ang pagwawagi."
2. Anong mga katangian ni Dr. Jose Rizal na dapat mong tularan?

3
Isagawa

Bumuo ka ng isang maikling sanaysay na nagpapakita ng pagkamit ng


pangarap sa buhay. Isulat ang ginawang maikling sanaysay sa iyong kuwaderno.

Tayahin

Panuto: Tukuyin ang pagkakaugnay ng mga pangyayaring napakinggan sa


kaligirang pangkasaysayan ng nobela. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Saan maiuugnay sa nobela ang naging pag-uusig sa kanyang pamilya sa
usapin sa lupa?
A. Kay Basilio B. Kay Isagani
C. Kay Kabesang Tales D. Kay Kapitan Tiago
2. Maliban sa suliranin sa pamilya, ano pang suliranin ang kinaharap ni Dr. Jose
Rizal?
A. Sulirain sa hanap-buhay. B. Sulirain sa kaibigan.
C. Sulirain sa pag-ibig. D. Sulirain sa sarili.
3. Anong samahan ang lumayo kay Dr. Jose Rizal?
A. La Independencia B. La Liga Espanyol
C. La Liga Filipino D. La Solidaridad
4. Paano nilisan ni Dr. Jose Rizal ang Pilipinas?
A. Di umalis ng bansa. B. Nagpaalam sa kaibigan.
C. Nagpaalam sa pamahalaan. D. Umalis nang palihim
5. Anong akda ang pumukaw sa damdamin ng mga Pilipino?
A. Banaag at Sikat B. El Filibusterismo
C. Florante at Laura D. Ibong Adarna
6. Ang may pakana ng pagsamsam at pagsira sa mga sipi ng nobela.
A. Ispiya ng pamahalaan B. Kaaway ni Rizal
C. Pamahalaang Espanyol D. Tulisan sa bayan
7. Anong dahilan kung bakit binitay ang tatlong pari?
A. Dahil sila ay mga filibusterong pari.
B. Dahil sila ay nagnakaw sa kaban ng bayan.
C. Dahil pinaratangan silang may kaugnayan sa naudlot na pag-aaklas.
D. Dahil hindi nila sinusunod ang pinag-uutos ng pamahalaang Espanyol.
8. Bakit matinding takot ang hatid ng salitang Filibusterismo kay Rizal?
A. Dahil ipinagbabawal itong salita.
B. Dahil bastos ang tunay na kahulugan nito.
C. Dahil ang salitang ito ay labag sa pamahalaan at simbahan.
D. Dahil mahigpit na ipinagbabawal ang pagsambit nito sa kanilang bahay.
9. Bakit tumulak pa ibang bansa si Dr. Jose Rizal.?
A. Dahil iyon ang ipinayo sa kanya.
B. Dahil iniwan niya ang pagkakautang.
C. Dahil may trabaho siya sa ibang bansa.

4
D. Dahil ayaw niyang madamay sa himagsikan.
10. Ano ang layunin ni Dr. Jose Rizal sa pagbabalik sa Pilipinas?
A. Upang magbakasyon sa Pilipinas.
B. Upang harapin ang kanyang kaso.
C. Upang gamutin ang kanyang ina sa mata.
D. Upang dumalo sa kapistahan ng kanilang bayan.
11. Sa pagpapatuloy ng pagsulat ni Dr. Jose Rizal ng nobela ay nagkaroon siya
ng iba't ibang pangitain. Saang bahagi ng nobela ito masasalamin?
A. Kay Simoun noong nag-urong-sulong siyang isagawa ang plano.
B. Kay Kapitan Tiago dahil pumanaw ang kanyang kaisa-isang anak.
C. Kay Basilio noong nagdadalawang isip siyang sumama sa kilusan.
D. Kay Isagani dahil nagkaroon siya ng kasawian sa kanyang pag-ibig.
12. Bakit isandaang pahina lamang ang unang naipalimbag na nobela?
A. Dahil kinapos sa pondo.
B. Dahil hindi pa tapos ang nobela.
C. Dahil nawala ang orihinal na manuskrito.
D. Dahil iyon lang talaga ang pahina ng nobela.
13. Bakit naisip ni Rizal nasunugin na lamang ang kanyang isinulat?
A. Dahil sa samo't saring suliraning naranasan.
B. Dahil nawalan siya ng inspirasyon sa kanyang pagsusulat.
C. Dahil sa mali ang kanyang naisulat na konsepto ng nobela.
D. Dahil na batid niyang magdadala ito sa kanya sa kapahamakan.
14. Anong dahilan ng pagkaantala ng pagpapalimbag ng nobela?
A. Dahil nawala ang kanyang manuskrito.
B. Dahil walang tumanggap na palimbagan.
C. Dahil sa kawalan ng pondo sa pagpapalimbag.
D. Dahil hindi pumayag ang pamahalaang Espanyol.
15. Ano ang naging dulot ng nobela sa mga Pilipino?
A. Nagkaisa ang mga Pilipino at Kastila.
B. Nailagay ang mga Pilipino sa kapahamakan.
C. Namulat sila sa pang-aalipin ng mga Kastila.
D. Nagbigay ito ng magandang oportunidad sa mga Pilipino.

Karagdagang Gawain

Ibahagi ang iyong kaisipan o karanasan kaugnay ng kaisipang nasa ibaba.


Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
1. "Sa pagpupunyagi nakukuha ay pagwawagi."

5
Arali
Pagpapahalaga ng Kaligirang
n
Pangkasaysayan
2

Alamin

Ang aralin 2 ay naglalaman ng video ng kaligirang pangkasaysayan ng


nobelang El Filibusterismo napapahalagahan sa pamamagitan ng pagbuod nito
gamit ang timeline. Ito ay naglalaman din ng mga gawain na may kaugnayan sa
araling ito.
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
 Napapahalagahan ang napanood na pagpapaliwanag ng kaligirang
pangkasaysayan ng pagkasulat ng El Filibusterismo sa pamamagitan ng
pagbubuod nito gamit ang timeline. (F10PD-IVa-b-81)

Tuklasin

Panoorin ang video clip gamit ang link na ito, https://youtube.be/N-k7YSUsBrs


tungkol sa Kaligirang Pangkasaysayan ng El Filibusterismo at itala ang
mahahalagang pangyayari na iyong napanood gamit ang timeline sa ibaba.
Gawain: Sine Mo ‘To

Panonood ng Video

Suriin

Kung susuriin natin ang nilalaman ng video, ipinapaliwanag dito na ang El


Filibusterismo ay tinatawag ding "Ang Pilibustero" o "Ang Paghahari ng Kasakiman".
Ang nobelang ito ay inalay ni Dr. Jose Rizal sa tatlong paring martir na sina Padre
Mariano Gomez, Padre Jose Burgos at Padre Jacinto Zamora.
Sa videong ito makikita na sinimulan ni Dr. Jose Rizal ang pagsulat ng El
Filibusterismo sa Calamba noong 1887 at nagkaroon ng pagbabago habang siya'y
6
nasa London noong 1888. Nakumpleto naman ito noong Marso 18,1891 habang
siya’y nasa Biarritz. Nilathala ito sa parehong taon,(1891) sa Ghent at nailimbag
nang maayos noong Setyembre 22, 1891. Sa kabuuan, ang nobelang ito ay
masasabing pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig, at nagpapagising lalo
na sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na kalayaan at karapatan ng
bayan.

Pagyamanin

Gawain A: Tala-Impormasyon
Ihanay ang mga pangyayari sa napanood na video at isulat ang sagot sa
sagutang papel.
Pangyayari Pangyayari Pangyayari
1. Sinimulan ang 2. Nagkaroon ng 3. Nakumpleto ang
pagbalangkas ng pagbabago habang nobela habang siya'y
nobela sa Calamba. siya ay nasa London. nasa Biarritz.

A. Setyembre B. 1891 C. Marso 18, D. 1888 E. 1887


22, 1891 1891

Pangyayari Pangyayari
4. Nailathala ang nobela. 5. Nailimbag ang nang
maayos ang nobela.
Gawain B: Buod-Impormasyon
Gamit ang timeline na iyong ginawa sa naunang gawain, ibuod ang mga
impormasyong nilagay mo sa iyong timeline. Gawin ito sa sagutang papel.

Isaisip

Basahin at unawain ang mga katanungan. Isulat ang tanong sa iyong


kuwaderno at sagutin ito.

1. Bakit mahalagang mabasa ng lahat ng mga Pilipino ang nobelang El


Filibusterismo? Ano ang kahalagahan ng nobelang ito para sa Pilipino?
2. Natamo ba ni Dr. Jose Rizal ang kanyang adhikain sa pagsulat ng nobela?
3. Ano ang mahalagang aral na makukuha sa kaligirang pangkasaysayan ng
nobela?

7
Isagawa

Base sa iyong napanood sa bahaging tuklasin, gumawa ng maikling Spoken


Poetry na naglalaman ng pagpapahalaga sa pagkasulat ng nobelang El
Filibusterismo. Isulat ang ginawang tula sa iyong kuwaderno.

Tayahin

Panuto: Tukuyin ang pagpapahalaga sa kaligirang pangkasaysayan ng nobela.


Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Saan niya ito ginawan ng pagbabago?
A. Biarritz B. Calamba
C. Ghent D. Londo
2. Anong taon nagkaroon ng pagbabago ang binalangkas ni Dr. Jose Rizal?
A. 1885 B. 1886
C. 1887 D. 1888
3. Saan nailathala ang nobelang El Fili ni Dr. Jose Rizal?
A. Biarritz B. Calamba
C. Ghent D. Londo
4. Kailan sinimulang isulat ni Dr. Jose Rizal ang El Fili sa Calamba?
A. 1885 B. 1886
C. 1887 D. 1888
5. Kailan ito nailathala?
A. 1885 B. 1889
C. 1891 D. 1895
6. Saan nakumpleto ni Rizal ang kanyang nobela?
A. Biarritz B. Calamba
C. Ghent D. Londo
7. Kailan nailimbag nang maayos ang El Filibusterismo?
A. Marso 18, 1891 B. Marso 22, 1891
C. Setyembre 18, 1891 D. Setyembre 22, 1891
8. Kailan nakumpleto ni Dr. Jose Rizal ang kanyang nobela?
A. Marso 18, 1891 B. Marso 22, 1891
C. Setyembre 18, 1891 D. Setyembre 22, 1891
9. Alin sa mga nobela ni Dr. Jose Rizal ang napapatungkol sa politika?
A. El Filibusterismo B. Isang Libo't Isang Gabi
C. Kahapon, Ngayon at Bukas D. Noli Me Tangere
10. Ang Filibustero ay tinatawag ding ____________________?
A. Ang Pagbabago B. Ang Paghahari ng Kasakiman
C. Ang Paghimagsik D. Ang Pagsisisi
11. Masasabing ang El Filibusterismo ay _______________. Alin sa pagpipilian
ang HINDI kabilang?
A. Nagpapaamo B. Nagpapadama

8
C. Nagpapagising D. Nagpapahiwatig
12. Kanino inalay ni Dr. Jose Rizal ang nobelang El Filibustirismo?
A. Para sa bayan.
B. Para sa mga katipunero.
C. Para sa tatlong paring martir.
D. Para sa mga Pilipinong Ilustrado.
13. Paano pinahalagahan ni Dr. Jose Rizal ang GOMBURZA?
A. Sa pamamagitan ng pagpupunyagi.
B. Sa pamamagitan ng paghihimagsik gamit ang nobela.
C. Sa pamamagitan ng pagising sa kamalayan ng mga Pilipino.
D. Sa pamamagitan ng pag-alay ng nobela sa tatlong paring martir.
14. Sa anong paraan mo kaya mapapahalagahan ang kaligirang
pangkasaysayan ng pagkasulat ng El Filibusterismo? Piliin ang pinakatamang
sagot.
A. Sa pamamagitan ng pagtangkilik sa nobela.
B. Sa pamamagitan ng pagbabahagi nito sa ibang kabataan.
C. Sa pamamagitan ng pagsasabuhay sa mga hangarin at mithiin.
D. Sa pamamagitan ng pagbabasa sa mga nobela ni Dr.Jose P. Rizal.
15. Ano ang tamang pangalan ng tatlong paring binitay?
A. Jose Zamora, Mariano Ponce, at Jacinto Gomez
B. Mariano Gomez, Jacinto Burgos at Jose Zamora
C. Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora
D. Jose Gomez, Mariano Zamora, at Jacinto Burgos

Karagdagang Gawain

Gawain: Itala, Pag-unawa


Basahin at unawain ang katanungan sa ibaba. Isulat ang tanong sa iyong
kuwaderno at sagutin ito.

1. Bilang kabataan, kaya mo din bang gawin ang ginawa ni Dr. Jose Rizal mailantad
lang ang kabuktutan ng mga iilang nasa kapangyarihan para sa ating bayan? Bakit?
Ipaliwanag.

9
Arali
Iba't Ibang Reperensiya/Batis ng
n
Impormasyon
3

Alamin

Ang araling ito ay naglalaman ng iba't ibang reperensiya o sanggunian na


maaari nating gamitin sa pangangalap natin ng anumang impormasyon.
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
 Naipamamalas ang kahusayang magtala ng mahahalagang
impormasyon mula sa iba’t ibang pinagkukunang sanggunian
(F10WG-IVa-b-78

Tuklasin

Gawain: Alamin at Gawin


Paano ka makakalap ng mga impormasyon? Halimbawa, paano mo nalaman
ang bilang ng nagkasakit ng COVID 19 sa bansa at sa ibang bansa, o di kaya
paano mo nalaman na nanalo sa patimpalak ang iyong kapatid? Isulat ang
impormasyon sa iyong kuwaderno.

Paksa

10
Ikategorya ang mga sagot mo sa naunang gawain ayon sa kung ang
pangyayari ay direktang nasaksihan o nabalitaan sa iba. Kopyahin ang talahanayan
sa iyong kuwaderno at gawin ito.
NASAKSIHAN NABALITAAN SA IBA
Hal. Malaman ni Dr. Juan Dela Cruz na Hal. Iniulat ni Mike Enriquez sa
may tatlong nagpositibo sa Brgy. programang 24 Oras.
Malusog.

Suriin

Ang sanggunian o reperensiya ay anumang mapagkukunan ng


impormasyon upang matiyak ang isang bagay. Mahalaga ang papel na
ginagampanan ng mga reperensiya o batis ng impormasyon lalo na sa pananaliksik.
Dahil dito mahalagang malaman natin ang dalawang pangkalahatang maaaring
pagkunan ng impormasyon - ang primary at sekundaryang sanggunian.
Ang primaryang sanggunian ay maaaring isang bagay, pangyayari, o tao
na pangunahin o mismong pinanggalingan ng impormasyon. Ito ay tala ng naganap
o nasaksihan sa mismong oras kung saan naganap ang pangyayari. Sa ibang salita,
ito ay galing sa mismong taong nakasaksi ng pangyayari. Ito ay nauuri sa dalawa:
nakasulat at di-nakasulat. Ang mga nakasulat na primaryang batis ay mga
dokumento na naglalaman ng mga ulat ng kaganapan, tala, opinyon at pananaw ng
may-akda. Ang di-nakasulat ay yaong mga hindi matatagpuan sa anyong pasulat.
Ito ay mga bagay o gamit na naiwan ng isang kaganapan na naging saksi sa mga
pangyayari. Ito ay maaaring ginamit ng mga tao sa isang partikular na panahon at
mga ebidensiya ng pag-iral ng isang tao at pangyayari.
Ang talahanayan sa ibaba ay mga halimabawa ng primaryang sanggunian.
Nakasulat Hindi nakasulat
 Talaarawan,  Artipakto o Relikya
 Awtobiograpiya  Kasaysayang oral
 Personal na Liham  Larawan at dibuho
 Mga ulat  Mga audio o video

11
 Mga talumpati recordings
 Opisyal na dokumento  News film footage
 Mga kasunduan
 Panayam o interbyu
 Manuskrito
 Mga malikhaing sulatin
gaya ng nobela, tula,
maikling kuwento at iba pa
Ang sekundaryang sanggunian ay mga impormasyong nakuha mula sa
ibang tao o nagawa matapos maganap ang isang bagay o pangyayari. Ang ganitong
uri ng impormasyon ay maaaring o may kasama nang interpretasyon, komentaryo, o
pagsusuri. Ilan sa mga halimbawa nito ang sumusunod:
 Mga balita, komentaryo sa pahayagan
 Mga sangguniang aklat
 Encyclopedia
 Mga piling artikulo sa Internet
 Pelikula
 Mga Panunuri
 Mga hinuha sa talambuhay
 Mga kuha sa webpages (Internet)
 Mga inilimbag tungkol sa kasaysayan (Historical literary articles)

Pagyamanin

Gawain: Pag-isipan ang Karunungan


Basahin at unawain ang tanong. Isulat sa iyong kuwaderno ang tanong at
sagutin ito.
Bakit mahalaga ang mga batis ng impormasyon? Paano ito nakakatulong sa iyong
pang-araw-araw na buhay?

12
Isaisip

Gawain: Buuin si Venn


Gamit ang Venn Diagram, paghambingin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng
Primaryang Sanggunian at Sekundaryang Sanggunian. Kopyahin ang dayagram sa
iyong kuwaderno at sagutin ito.

Primaryang Sanggunian Sekundaryang Sanggunian

Pagkakaiba Pagkakaiba

Pagkakatulad

Isagawa

Magtala ng iba't ibang impormasyon tungkol sa kahalagahan ng paggamit ng


iba't ibang reperensiya. Itala ang mga sanggunian nito at tukuyin kung ang
pinagkukunan mo ng impormasyon ay kabilang sa primarya o sekundaryang
sanggunian. Kopyahin ang talahanayan sa iyong kuwaderno at gawin ito.
MGA URI: KAHALAAHAN NG PAGGAMIT NG
SANGGUNIAN PRIMARYA/SEKUNDARYA REPERENSIYA

13
Tayahin

Panuto: Tukuyin ang mga batis ng impormasyon. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
1. Ito ay maaaring ginamit ng mga tao sa isang partikular na panahon at mga
ebidensiya ng pag-iral ng isang tao at pangayari.
A. Di nakasulat na batis B. Nakasulat sa batis
C. Primaryang sanggunian D. Sekundarya sanggunian
2. Ito ay sanggunian na galing sa mismong taong nakasaksi ng pangyayari
A. Di nakasulat na batis B. Nakasulat sa batis
C. Primaryang sanggunian D. Sekundarya sanggunian
3. Ano ang dalawang uri ng saggunian?
A. Malaya at di malaya B. Nakasulat at di nakasulat
C. Primarya at sekundarya D. Sanggunian 1 at sanggunian 2
4. Ito ay batis ng impormasyon na pangunahin o mismong pinanggalingan ng
impormasyon.
A. Di nakasulat na batis B. Nakasulat sa batis
C. Primaryang sanggunian D. Sanggunian
5. Ito ay batis ng impormasyon na nakuha mula sa ibang tao o nagawa
matapos maganap ang isang bagay o pangyayari.
A. Di nakasulat na batis B. Nakasulat sa batis
C. Primaryang sanggunian D. Sekundarya sanggunian
6. Ang opisyal na dokumento ay halimbawa ng___________________?
A. Primaryang saggunian B. Sanggunian 1
C. Sanggunian 2 D. Sekundaryang sanggunian
7. Ito ay primaryang batis na naglalaman ng mga ulat ng kaganapan, tala,
opinyon o pananaw ng may-akda.
A. Di nakasulat na batis B. Nakasulat sa batis
C. Primaryang sanggunian D. Sekundarya sanggunian
8. Ito ay primaryang batis na tumutukoy sa bagay o gamit na naiwan ng isang
kaganapan na naging saksi sa mga pangyayari.
A. Di nakasulat na batis B. Nakasulat sa batis
C. Primaryang sanggunian D. Sekundarya sanggunian
9. Ang ganitong uri ng impormasyon ay maaaring o may kasama nang
interpretasyon, komentaryo,o pagsusuri.
A. Di nakasulat na batis B. Nakasulat sa batis
C. Primaryang sanggunian D. Sekundarya sanggunian
10. Ang Encyclopedia ay halimbawa ng____________?
A. Primaryang saggunian B. Sanggunian 1
C. Sanggunian 2 D. Sekundaryang sanggunian
11. Ang sangguniang aklat ay halimbawa ng ____________?
A. Primaryang saggunian B. Sanggunian 1
C. Sanggunian 2 D. Sekundaryang sanggunian

14
12. Ang news film footage ay halimbawa ng _________________?
A. Di nakasulat na batis B. Nakasulat na batis
C. Sangguniang 1 D. Sanggunian 2
13. Ang talaarawan ay halimbawa ng ______________________?
A. Di nakasulat na batis B. Nakasulat na batis
C. Sangguniang 1 D. Sanggunian 2
514. Ang mga komentaryo sa pahayagan ang halimabawa ng __________?
A. Primaryang saggunian B. Sanggunian 1
C. Sanggunian 2 D. Sekundaryang sanggunian
15. Ito ay tumutukoy sa anumang mapagkukunan ng impormasyon upang
matiyak ang isang bagay.
A. Di nakasulat na batis B. Nakasulat sa batis
C. Primaryang sanggunian D. Sanggunian

Karagdagang Gawain

Gawain: Isip ay Siksik sa Pananaliksik


Maghanap ng isang pananaliksik tungkol sa napapanahong isyu ng lipunan at
tukuyin kung anong uri ito ng sanggunian. Isulat ang na hanap na pananaliksik sa
iyong kuwaderno.

Paksa

15
Arali Pagbubuod ng Kaligirang
n Pangkasaysayan Gamit
4 ang Timeline

Alamin

Ang aralin 4 ay naglalaman ng ilang mga bagay na dapat tandaan sa


pananaliksik. Naglalaman din ito ng mga gawain upang lubos mong maunawaan.
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang:
 Nagagamit ang iba't ibang reperensiya/batis ng impormasyon sa
pananaliksik (F10EP-IIf-33)

Tuklasin

Gawain: Sa Pananaliksik Ako'y Mabagsik


Sa pagsasagawa ng pananaliksik, kailangan mong sundin ang mga hakbang
sa pagbuo nito. Isulat sa kuwaderno ang tamang pagkakasusunod-sunod ng mga
hakbang sa pananaliksik na nasa ibaba. Lagyan ng bilang 1-9 sa patlang bago ang
bilang, 1 - bilang una at 9 - bilang panghuli.
______ 1. Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpi
______ 2. Paglalahad ng Layunin
______ 3. Paghahanda ng Tentatibong Balangkas
______ 4. Pangangalap ng mga tala o “note taking”
______ 5. Pag-alam o pagpili ng mga paksa
______ 6. Pagsulat ng Borador o Rough Draft
______ 7. Paghahanda ng Iniwastong Balangkas o Final Outline
______ 8 . Pagsulat ng Pinal na Pananaliksik
______ 9. Pagwawasto at Pagrebisa ng Borador

Suriin

Ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap ng mahahalagang


impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin. Ayon naman kina Manuel
at Medel (1976), ang pananaliksik ay proseso ng pangangalap ng mga datos o

16
impormasyon upang malutas ang isang partikular na suliranin sa siyentipikong
paraan.
Narito ang mga hakbang na dapat tandaan sa pananaliksik.
1. Pag-alam o Pagpili ng Paksa
 Siguraduhing ang pipiliing paksa ay naaayon sa iyong interes. May
mga materyales na mapagkukunan, at yaong mayroon kang
malawak na kaalaman.
2. Paglalahad ng layunin
 Isa-isahin ang iyong dahilan o layunin kung bakit nais isagawa ang
pananaliksik.
3. Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpiya
 Ito ay talaan ng iba't ibang sanggunian katulad ng mga aklat,
artikulo, report, peryodiko, magasin, at iba pang nalathalang
materyal. Maaari ring gamitin ang internet subalit maging maingat
sapagkat maraming impormasyon ang kaduda-duda o walang
katotohanan.
4. Paghahanda ng Tentatibong Balangkas
 Ito ang magbibigay ng direksiyon at magsisilbing patnubay mo sa
pagbabasa at pangangalap ng mga tala.
5. Pangangalap ng mga Tala o “Note Taking”
 Iminumungkahi dito ang paggamit ng index card. Hatiin sa tatlo ang
mga talang nakuha:
 Lagom-isulat ang tala sa sariling salita nang walang
kahulugan o impormasyong nawawala.
 Hawig- malayang ipahayag ang tala sa pagbibigay –
paliwanag sa sinabi sa orihinal.
 Tuwirang sipi- kopyahin ang mga salita sa aklat at ipaloob
iyon sa panipi.

6. Paghahanda ng Iniwastong Balangkas o Final Outline


 Planuhin at isiping mabuti ang kabuuan ng pananaliksik na
gagawin.
7. Pagsulat ng Borador o Rough Draft
 Tuloy-tuloy na isulat ang mga kaisipang dumadaloy sa isip. Huwag
munang bigyang-diin sa bahaging ito ang mga maling
pangungusap.
8. Pagwawasto at Pagrerebisa ng Borador

17
 Bigyang pansin ang nilalaman at paraan ng pagsulat gayundin ang
baybay, bantas, at wastong gamit ng mga salita.
9. Pagsulat ng Pinal na Pananaliksik
 Isulat ang pananaliksik batay sa pormat na ibinigay ng guro.

Pagyamanin

Gawain: Isunod-sunod
Basahin ang isang sanaysay sa ibaba. Kopyahin sa iyong kuwaderno ang
talahanayan na makikita sa susunod na pahina at sagutin ito.

Ang Salapi Sa Buhay ng Tao


ni Marilyn L. Guarda

Gaano ba kahalaga ang salapi sa buhay ng tao? Maraming tao ang


sumasamba sa salapi, sa salapi lamang umiikot ang kanilang mundo. May mga
taong marami nang salapi ay gusto pang patuloy na magkamal nito samantalang
ang mga wala nito ay gusto namang magkaroon.
Totoong kailangan ng tao ang salapi sa kanyang pang-araw-araw na
pangangailangan. Hindi siya mabubuhay nang maayos sa daigdig na ito kung
wala siyang salapi ngunit may mga pangyayaring ang salapi ang nagiging ugat
ng mga kasamaan. Maramimg tao ang nagpapatayan,marami ring nakukulong
dahil sa pagnanakaw at marami ring pamilya ang nawawasak nang dahil sa
salapi. Hindi dapat na magiging gahaman sa salapi sapagkat magbubunga ito ng
kapahamakan at maaarin humantong sa kamatayan.
Dapat na maunawaan ng isang tao na hindi lamang salapi ang lahat-lahat
sa kanyang buhay. Hindi salapi ang sukatan ng kaligayahan. Hindi ito maipambili
ng pagmamahal, hindi makakausap at mapagtatapatan ng problema at
makapagbibigay ng isang tunay at tapat na kaibigan.
Bagaman mahalaga ang salapi sa buhay ng tao sa pagbili natin ng pagkain,
kagamitan at mga kailangang material, hindi naman nangangahulugang lubos na
tayong masisilaw sa kislap ng salapi at malilimutan na natin ang pagiging
makatao at tuluyan nang mawala an gating puso. Ang kailangan natin ay
matutong magmahal sa Maykapal, sa bayan , sa kapwa tao at sa kalikasan. Ang
taong hindi marunong magmahal ay hindi dapat umasang siya ay mamahalin.
Mapalad ang mga tahanang bagama’t hindi nananagana nang dahil sa
salapi ay maligaya naman sapagkat tigib ng pagmamahalan, mabuting
pagpapasunuran at may pagkakaunawaan. Laging tandaan tayo ang dapat na
maging panginoon ng salapi at hindi ang salapi ang panginoon natin.

18
Pamagat ng Sanaysay:
A. Panimula ng sanaysay. (Ano ang simula ng sanaysay?)
B. Paksa ng sanaysay. (Bakit naisulat at kailan ito naisulat?)
C. Layunin kung bakit kailangang basahin ang sanaysay.
D. Katuturan ng mga salita sa paksa. (Mga bagong salita o terminolohiyang ginamit
sa sanaysay dapat bigyang-kahulugan kung mayroon man.)
E. Katapusan ng sanaysay. (Ano ang naging wakas ng maikling kuwento?)
F. Kuro-kuro o opinyon tungkol sa kabuuan ng sanaysay.

Isaisip

Basahin at unawain ang mga katanungan. Isulat ang tanong sa iyong


kuwaderno at sagutin ito.

1. Bakit mahalaga ang pananaliksik lalong-lalo na sa pag-aaral?


2. Ano ang magandang naidudulot ng pananaliksik sa isang gawain?
3. Sa iyong palagay nakikita mo ba ang iyong sarili bilang isang mananaliksik? Oo
o hindi? Bakit?

Isagawa

Gamit ang iyong mga natutunan sa mga reperensiya o mga batis ng


impormasyon at pananaliksik. Magtala ng mga impormasyon na may kaugnayan kay
Dr. Jose Rizal. Gawin sa iyong kuwaderno.

Tayahin

Pabuto: Tukuyin kung anong hakbang ito sa pananaliksik. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
1. Malayang ipinapahayag ang tala sa pagbibigay-paliwanag sa sinabi sa
orihinal.
A. Hawig B. Lagom
C. Sipi D. Tuwirang sipi
2. Sa tala namang ito ay kinokopya ang mga salita sa aklat at ipaloob iyon
sa panipi.
A. Hawig B. Lagom
C. Sipi D. Tuwirang sipi

19
3. Ito ay uri na tala na kung saan ay isulat ang tala sa sariling salita nang
walang kahulugan o impormasyong nawawala.
A. Hawig B. Lagom
C. Sipi D. Tuwirang sipi
4. Ito ay pag-isa-isa ng dahilan o layunin kung bakit nais isagawa ang
pananaliksik.
A. Pananaliksik
B. Paglalahad ng Layunin
C. Paghahanda ng Tentatibong Balangkas
D. Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpi
5. Ito ay pagpili ng paksa na naaayon sa iyong interes.
A. Pagsulat ng Borador
B. Pangangalap ng mga Tala
C. Pag-alam o Pagpili ng Paksa
D. Paghahanda ng Tentabtibong Balangkas
6. Ito ay nagsisilbing direksiyon at nagiging patnubay sa pagbabasa at
pangangalap ng mga tala.
A. Paglalahad ng Layunin
B. Paghahanda ng Iniwastong Balangkas
C. Paghahanda ng Tentatibong Balangkas
D. Paghahanda ng Pansamantang Bibliyograpi
7. Ito ay isang sistematikong paghahanap ng mahalagang impormasyon
hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin.
A. Pananaliksik
B. Paglalahad ng Layunin
C. Paghahanda ng Tentatibong Balangkas
D. Paghahanda ng Pansamantalang Bibliyograpi
8. Ito ay paghahanda ng talaan ng iba’t ibang sanggunian katulad ng artikulo,
report, magasin, mga aklat at iba pa.
A. Paglalahad ng Layunin
B. Pangangalap ng mga Tala
C. Paghahanda ng Tentatibong Balangkas
D. Paghahanda ng Pansamantang Bibliyograpi
9. Sa bahaging ito ay binibigyang-pansin ang nilalaman at paraan ng
pagsulat gayundin ang baybay, bantas, at wastong gamit ng salita.
A. Pagsulat ng Borador
B. Paghahanda ng Iniwastong Balangkas
C. Pagwawasto at Pagrerebisa ng Borador
D. Paghahanda ng Tentatibong Balangkas
10. Ito ay pagsulat ng tuloy-tuloy sa mga kaisipang dumadaloy sa isip.
A. Pagsulat ng Borador
B. Paghahanda ng Iniwastong Balangkas
C. Pagwawasto at Pagrerebisa ng Borador
D. Paghahanda ng Tentatibong Balangkas
11. Sa bahaging ito ay pinaplano at iniisip nang mabuti ang kabuuan ng
pananaliksik na gagawin.
A. Pagsulat ng Borador
B. Paghahanda ng Iniwastong Balangkas
C. Pagwawasto at Pagrerebisa ng Borador

20
D. Paghahanda ng Tentatibong Balangkas
12. Sa bahaging ito ay kailangan mayroong kang mga materyales at may
malawak kang kaalaman sa pagsasagawa ng pananaliksik.
A. Pagsulat ng Borador
B. Paghahanda ng Iniwastong Balangkas
C. Pagwawasto at Pagrerebisa ng Borador
D. Paghahanda ng Tentatibong Balangkas
13. Gumagamit ng index card sa pangangalap ng mga tala.
A. Pangangalap ng mga Tala
B. Paghahanda ng Tentatibong Balangkas
C. Paghahanda ng Iniwastong Balangkas
D. Paghahanda ng Pansamantang Bibliyograpi
14. Sa bahaging ito ay isinusulat na ang pinal na pananaliksik.
A. Pagsulat ng Borador
B. Pagsulat ng Pinal na Pananaliksik
C. Pagwawasto at Pagrerebisa ng Borador
D. Paghahanda ng Tentatibong Balangkas
15. Sa bahaging ito ay kailangan mong maging maingat at suriin ng maigi ang
mga talang makukuha sa internet.
A. Pagsulat ng Borador
B. Paghahanda ng Iniwastong Balangkas
C. Paghahanda ng Tentatibong Balangkas
D. Paghahada ng Pansamantalang Bibliyograpiya

Karagdagang Gawain

Magtala ka ng mahahalagang impormasyon mula sa iba't ibang sanggunian


hinggil sa karagdagang kaalaman sa kaligirang pangkasaysayan ng El
Filibusterismo bukod sa nakatala sa araling ito. Ilagay ang mga reperensiyang iyong
ginamit sa pagsasaliksik. Isulat ang impormasyon sa iyong kuwaderno.

21
Arali
Lingguhang Pangwakas na
n
Gawain
5

Alamin

Ang aralin 5 ay naglalaman ng pagkakaugnay ng mga pangyayaring


napakinggan tungkol sa kaligirang pangkasaysayan ng nobelang El Filibusterismo.
May ibang reperensiya o sanggunian na maaari mong gamitin sa pangangalap ng
anumang impormasyon. May mga bagay na dapat tandaan sa pananaliksik.

Tayahin

Gamit ang iyong mga natutuhan sa mga reperensiya o mga batis ng


impormasyon at pananaliksik, magsaliksik ka ng mga naging epekto o nagawa ng
nobela para sa iba’t ibang Pilipino sa panahon ng himagsikan. Ilahad sa isang ulat
ang iyong mga nasaliksik kasama ang mga reperensiyang iyong pinagkunan at
bigyang-diin ang naging papel ng mga taong nagising ang diwang makabayan sa
pamamagitan ng nobela
Pamantayan sa Paggawa (Sa Pananaliksik Ako'y Mabagsik)
Mga
25 20 15 10
Pamantayan
Wasto ang Mayroong ilan Mayroong iilan Marami ang di
Impormasyon mga na di wastong na di wastong wastong
impormasyon. impormasyon. impormasyon. impormasyon.
Wasto ang Mayroong ilan Mayroong iilan Marami ang di
gramatikang/ na di wasto sa na di wasto sa wasto sa
Gramatika/
balarilang gramitikang/ gramitikang/ gramitikang/
Balarilang
ginamit sa balarilang balarilang balarilang
katha. ginamit sa ginamit sa ginamit sa
katha. katha. katha.

22
Napakahusay ng iyong angking galing sa
pagsagot at paggawa ng iba't ibang gawain sa
modyul na ito.
Nawa ay nakatulong ang modyul na ito upang
mas lalo pangmapaunlad ang iyong kaalaman
tunggo sa iyong ikatatagumpay sa buhay.
Isang masayang pagbati sa iyo at ipagpatuloy
mo pa ang kagalingan sa susunod na mga
modyul.
Nawa ay patnubayan ka ng Poong Lumikha.

23
Susi sa Pagwawasto

Aralin 1 Aralin 2
Tayahin Pagyamanin
1. C Gawain A
2. C 1. E
3. D 2. D
4. D 3. C
5. B 4. B
6. C 5. A
7. C Tayahin
8. D 1. D
9. A 2. D
10. C 3. C
11. A 4. C
12. A 5. C
13. A 6. A
14. C 7. D
15. C 8. A
Ang ibang gawain sa 9. A
modyul ay nakabatay sa 10. B
sagot ng guro. 11. A
12. C
13. D
14. C
15. C
Ang ibang gawain sa
modyul ay nakabatay sa
sagot ng guro.

24
Susi sa Pagwawasto

Aralin 3 Aralin 4
Tayahin Tuklasin
1. A 1. 3
2. C 2. 2
3. C 3. 4
4. C 4. 5
5. D 5. 1
6. A 6. 7
7. B 7. 6
8. A 8. 9
9. D 9. 8
10. D Tayahin
11. D 1. A
12. A 2. B
13. B 3. D
14. D 4. B
15. D 5. C
Ang ibang gawain sa 6. C
modyul ay nakabatay sa 7. A
sagot ng guro. 8. D
9. C
10. A
11. B
12. A
13. A
14. B
15. D
Ang ibang gawain sa
modyul ay nakabatay sa
sagot ng guro.

25
Sanggunian

Aklat

Marasigan, Emily V. Pinagyamang Pluma 10. Quezon City, Philippines: Phoenix


Publishing House, Inc., 2015.

Sauco, Consolacion P., Nenita P. Papa, and Zenaida C. Mamuyac. Pagbasa at


Pagsulat Sa Iba't Ibang Displina, Quezon City, Philippines: Katha Publishing Co.,
Inc., 1998.

Baisa-Julian, Ailene G., Nestor S. Lontoc, Carmela Esguerra-Jose, and Alma M.


Dayag. Pinagyamang Pluma 7. 2nd ed. Quezon City, Philippines: Phoenix
Publishing House, Inc., 2017.

Internet

2020. [online] Available at: <https://www.youtube.com/watch?v=4xBsScHEtBw>


[Accessed 20 June 2020]

26
27
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

28

You might also like