You are on page 1of 13

10

Araling Panlipunan
Pang-apat na Markahan –
Modyul 3: Politikal na Pakikilahok

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


0
Aralin
Politikal na Pakikilahok: Eleksiyon
1

Paksa: Polilikal na Pakikilahok

Tinalakay sa unang tatlong modyul ang mga isyung kinakaharap ng mundo sa kasalukuyan. Nararanasan natin ang
iba’t ibang manipestasyon ng mga isyung ito at kadalasan pa nga’y kabilang tayo sa sanhi o sa nagpapalala sa mga ito.
Bilang pinakamahalagang elemento ng Estado, nasa kamay natin bilang mamamayan ang pagtugon sa mga isyu at
hamong panlipunan na ating kinakaharap.

Dahil nasa ating mga kamay ang susi para sa pagbabago ng ating lipunan, nararapat lamang na kalimutan ang
maling pananaw na pamahalaan lamang ang may tungkulin na bigyang-solusyon ang mga isyung panlipunan; na sila ay
ating inihalal upang bigyang-katugunan ang lahat ng ating pangangailangan at wala na tayong gagawin bilang
mamamayan. Ang ganitong pag-iisip ay nagdudulot ng sentimyentong paninisi sa pamahalaan kapag ang ating mga
pangangailangan at suliranin ay hindi natugunan. Sa katunayan, ayon sa Artikulo II, Seksiyon 1 ng ating Saligang-batas,
“Ang Pilipinas ay isang Estadong republikano at demokratiko. Ang ganap na kapangyarihan ay angkin ng sambayanan at
nagmumula sa kanila ang lahat ng mga awtoridad na pampamahalaan” Ito ay patunay lamang na ang kapangyarihan ng
isang Estado ay wala sa pamahalaan at sa mga taong bumubuo nito, sa halip, ito ay nagmumula sa mga mamamayan.
Katulad ng nabanggit na, ang mamamayan ay dapat aktibong nakikisangkot sa diskurso sa pamamahala upang bigyang-
katugunan ang mga hamong panlipunan. Nararapat na magkasamang buuin ng pamahalaan at ng mga mamamayan ang
solusyon sa mga suliraning kinakaharap ng lipunan. Mangyayari lamang ito kung ang mamamayan ay may kaalaman at
kamalayan sa mga isyung panlipunan. Ang kamalayang ito ang magtutulak sa mamamayan na aktibong makilahok sa
mga hakbanging magbibigay katugunan sa maraming isyung panlipunan.

Sa kabila ng kahalagahan ng pagiging mulat sa mga isyung panlipunan ay mas mahalaga rito ang pagtugon mismo
ng mamamayan. Isang mahalagang paraan para matugunan ang mga isyung ito ay ang pakikilahok sa mga gawaing
politikal. Ngunit, may iba’t ibang paraan para maging kalahok dito ang isang mamamayan. Maaaring ito ay sa paraan ng
pagboto o maaaring sa mas masidhing mga aksiyon para igiit ang pagkakaroon ng isang mabuting pamahalaan.

Eleksiyon

Ang pakikilahok sa eleksiyon ang pinakapayak na paraan ng pakikilahok ng mamamayan. Ang pagboto ay isang
obligasyon at karapatang politikal na ginagarantiyahan ng ating Saligangbatas.

Sa pamamagitan ng pagboto, nakapipili ang mamamayan ng mga opisyal ng pamahalaan na sa tingin nila ay
makapaglilingkod nang maayos. Ito ang pagkakataon kung saan naipakikita ng mamamayan na siya ang
pinanggagalingan ng kapangyarihan ng mga halal na opisyal; na siya ring may kapangyarihan na alisin sila sa puwesto
kung sa tingin nila ay hindi ginagampanan nang maayos ang kanilang sinumpaang tungkulin. Sa pamamagitan ng ating
pagboto, tayo mismo ang nagtatakda ng kinabukasan ng ating bayan.

Pantay-pantay ang mga tao pagdating sa boto.


Bawat isang Pilipino ay mayroon lamang isang boto,
“Naging talamak pa rin ang insidente ng mayaman man o mahirap.Ngunit ang iisang botong
pamimili ng boto. Ito ay sa kabila ng ito ay lubhang makapangyarihan sapagkat maaari
pagkakaroon ng automated election.” nitong baguhin ang takbo ng buhay ng mga Pilipino.
Ngunit sa kabila nito ay may mga nagiging balakid sa
- Pahayag ni Gregorio Lardizabal, dating pakikilahok ng mga tao sa eleksiyon. Halimbawa,
Comelec Commissioner noong halalan ng nababalitaan pa rin natin na mayroon tayong mga
2016 kababayan na nagbebenta ng kanilang boto sa mga
politiko. Dahil dito maaaring Sa halip na ang nakaupo
sa pamahalaan ay mahuhusay at matitinong opisyal
na bumabalangkas at nagpapatupad ng mga
programang may kinalaman sa edukasyon, kalusugan at kabuhayan, maaaring ang maupo ay mga opisyal na sarili
lamang ang iniisip.

1
Mga Kuwalipikadong Bumuto Mga Diskuwalipikadong Bumuto
- Mamamayan ng Pilipinas - Mga taong nasentensiyahan na makulong nang
- Hindi diskwalipikado ayon sa batas hindi bababa sa isang taon. Maaari siyang
- 18 taon gulang pataas makaboto muli pagkaraan ng limang taon
- Tumira sa Pilipinas nang kahit isang taon at sa pagkatapos niyang matapos ang parusang
lugar kung saan niya gustong bomoto nang hindi inihatol sa kaniya
bababa sa anim na buwan bago mag-eleksiyon - Mga taong nasentisyahan ng hukuman sa mga
kasong rebelyon, sedisyon, paglabag sa anti-
subversion at firearms law at anumang krimeng
laban sa seguridad ng bansa. Maaari siyang
makaboto muli pagkaraan ng limang taon
pagkatapos niyang matapos ang parusang
inihatol sa kaniya.
- Mga taong idineklara ng mga eksperto bilang
baliw.
Sanggunian: Sanggunian:
Artikulo V ng Saligang Batas ng 1987 Sanggunian: Omnibus Election Code, Artikulo 12,
Seksiyon 116

Batay sa ISSP Citizenship Survey noong 2004,


pangunahin ang pagboto bilang katangian ng isang “Ang layunin ng pagboto ay hindi na ang pagbibigay ng
mabuting mamamayan para sa mga Pilipino. Kasama rin mandato sa mga opisyal para mamuno bagkus ay ang
sa listahan ang wastong pagbabayad ng buwis, laging pagbibigay ng kapangyarihan sa mga makapagpapaunlad
pagsunod sa batas, pagsubaybay sa gawain ng sa estado at malupig ang mga nagpapahirap sa bayan.”
pamahalaan at unawain ang opinyon ng ibang tao. Kung
ang survey na ito ang pagbabatayan, mababatid na - Fr. Joaquin Bernas (1992)
malaki ang pagtingin ng mga Pilipino sa kahalagahan ng
karapatang makaboto sa kabila ng maraming balakid at
mga suliranin.

Gawain 1
Panuto: Basahin ng maigi ang katanungan, alamin kung ano ang hinihingi at isulat ang sagot sa patlang.

1. Ang _______________ ay ang pinakamahalagang elemento ng Estado.

2. Ang Pilipinas bilang isang estadong republikano at demokratiko, ang ganap na kapangyarihan ay angkin ng ______.
3-4. Ang pagboto ay isang _______________ at _______________na ginagarantiyahan ng ating Saligangbatas.
5. Bawat isang Pilipino ay mayroon lamang _______________ boto, mayaman man o mahirap.

GAWAIN 2.
Panuto: Basahin ang teksto sa baba at punan ng mga tamang salita o grupo ng mga salita ang mga patlang.

Bilang pinakamahalagang elemento ng Estado, nasa kamay natin bilang (1.) _______________ ang pagtugon sa
mga isyu at hamong panlipunan na ating kinakaharap. Sa katunayan, ayon sa Artikulo II, Seksiyon 1 ng ating Saligang-
batas, “Ang Pilipinas ay isang Estadong republikano at demokratiko. Ang ganap na kapangyarihan ay angkin ng
(2.)_______________ at nagmumula sa kanila ang lahat ng mga awtoridad na pampamahalaan. Nararapat na
magkasamang buuin ng (3.) _______________ at ng mga mamamayan ang solusyon sa mga suliraning kinakaharap ng
lipunan. Sino ba ang dapat bumoto? Ayon sa Artikulo (4.) _______________ ng Saligang Batas ng 1987, ang maaring
bumoto ay mamamayan ng (5.) _______________, hindi diskwalipikado ayon sa isinasaad ng batas, (6.)
_______________18 taon gulang pataas, at tumira sa Pilipinas nang kahit (7.) _______________ at sa lugar kung saan
niya gustong bomoto nang hindi bababa sa anim na buwan bago mag-eleksiyon.
Ang pakikilahok sa eleksiyon ang pinakapayak na paraan ng pakikilahok ng mamamayan. Ang pagboto ay isang (8.)
_______________ at (9.) _______________ na ginagarantiyahan ng ating Saligangbatas. Sa pamamagitan ng ating
pagboto, tayo mismo ang nagtatakda ng (10.) _______________ ng ating bayan.

2
GAWAIN 3
Panuto: Basahin ng maigi ang mga katanungan at intindihin kung ano ang hinihingi nito. Piliin ang titik ng
tamang sagot mula sa pagpipilian.

1. Anong artikulo ng Saligang Batas ng 1987 nakatala ang mga qualifications ng maaaring makaboto?
A. Artikulo IV
B. Artikulo V
C. Artikulo IX
D. Artikulo X
2. Alin sa mga sumusunod ay hindi kwalipikadong bumuto?
A. Mamamayan ng Pilipinas
B. 18 walong taong gulang pataas
C. Mga taong napatunayan na may pagkakasala at makulong nang hindi bababa sa isang taon
D. Tumira sa Pilipinas kahit isang taon at hindi bababa sa anim na buwan kung saan siya boboto
3. Ayon sa ating saligang-batas, saan nagmula ang lahat ng awtoridad na pampamahalaan?
A. Batas
B. Diyos
C. Politico
D. Sambayanan
4. Ano ang pinakapayak na paraan na pakikilahok ng mamamayan sa gawaing politikal?
A. Pagtanggol sa bayan
B. Pagbabayad ng buwis
C. Pakikilahok sa eleksiyon
D. Pagiging masunurin sa batas

5. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang pinakamahalang dahilan kung bakit mahalaga para sa atin bilang
mamamayan ang pagboto?
A. Dahil ito ay karapatan natin
B. Dahil ito ay katungkulan natin
C. Dahil ito ay isinasaad sa saligang-batas
D. Dahil ito ang nagtatakda ng ating kinabukasan
6. Ang mga sumusunod ay naging tugon ng Commission on Elections sa talamak na pamimili ng boto maliban sa
isa.
A. Automated elections
B. Pagpataw ng parusa sa mga namimili ng boto
C. Pagsagawa ng kampanya tungkol sa tamang pagboto
D. Pagtatalaga ng common poster areas tuwing eleksiyon
7. Sino ang may sabi na ang, “ang layunin ng pagboto ay hindi na ang pagbibigay ng mandato sa mga opisyal para
mamuno bagkus ay ang pagbibigay ng kapangyarihan sa mga makapagpapaunlad sa estado at malupig ang mga
nagpapahirap sa bayan.”
A. Fr. Joaquin Bernas
B. Gregorio Lardizabal
C. Horacio Morales
D. Saligang Batas ng 1987
8. Batay sa ISSP Citizenship Survey noong 2004, pangunahin ang pagboto bilang katangian ng isang mabuting
mamamayan para sa mga Pilipino. Ano ang mababatid natin sa sarbey na ito?
A. Takot mabura ang pangalan sa talaan ng mga botante
B. Hindi makakaila na maraming Piliino ang bumoboto dahil sa pera
C. Ito ang katangian ng isang mabuting mamamayan na medaling gawin
D. Malaki ang pagtingin ng mga Pilipino sa kahalagahan ng karapatang makaboto
9. Ano ang pinakamahalagang elemento ng Estado?
A. Batas
3
B. Lipunan
C. Mamamayan
D. Pamahalaan
10. Alin sa mga sumusunod ay isang halimbawa ng maling pananaw sa pamahalaan?
A. Ang kahirapan ay kasalanan ng pamahalaan lamang
B. Katuwang tayo ng pamahalaan sa pag-unlad ng bayan
C. Ang pagbabayad ng buwis ay nakakatulong sa pamahalaan para makapagbigay ng serbisyo
D. Ang paghalal sa tamang kandidato ay mahalaga para sa ika-uunlad ng buhay natin

11. Maliban sa pagiging mulat ng mga mamamayan sa mga isyung panlipunan, ano pa dapAt ang gawin ng mga
mamamayan upang matugunan ang mga isyung panlipunan na ito?
A. Pagtugon sa isyu
B. Pagboto tuwing halalan
C. Simulan ang pagbabago sa sarili
D. Lahat ng nabanggit
12. Alin sa mga sumusunod na nagiging balakid sa pakikilahok ng mga tao sa eleksiyon?
A. Automated election
B. Kakulangan ng kaalaman
C. Pamimili ng boto
D. Sobrang kahirapan
13. Pantay-pantay ba tayong lahat sa pagboto?
A. Oo, dahil bawat Pilipino at may karapatang bumuto kapag nasa tamang gulang
B. Oo, dahil bawat Pilipino ay may katungkulang bumuto
C. Hindi, dahil ang mga mayayaman lamang ang nananalo sa halalan
D. Hindi, dahil ang ibang Pilipino ay ibinebenta ang kanilang karapatang bumuto
14. Ito ang kalimitang nangyayari kapag iniaasa ng mga mamamayan sa pamahalaan ang pagbibigay solusyon sa
mga isyu at hamong panlipunan.
A. Nagbibigyan ng solusyon ang mga isyu at hamong panlipunan
B. Napapadali ang pagibibgay ng solusyon sa mga isyu at hamong panlipunan dahil hindi nakikialam ang
mamamaya
C. Sinisisi ng mga mamamayan ang pamahalaan kapag ang mga isyu at suliraning panlipunan ay hindi
nabigyan ng solusyon
D. Lahat ng nabanggit ay maaring mangyari
15. Ang mga sumusunod ay maling pananaw sa ukol sa pamahalaan maliban sa isa.
A. Ang pamahalaan lamang ang may tungkulin na bigyang solusyon ang mga isyung panlipunan
B. Ang mga opisyal ng pamahalaan ay inihalal upang bigyang-katugunan ang lahat ng ating
pangangailangan
C. Lahat na nabanggit ay maling pananaw
D. Wala sa nabanggit ay maling pananaw

Aralin
Politikal na Pakikilahok: Paglahok sa Civil Society
2

Paksa: Politikal na Pakikilahok: Paglahok sa Civil Society

Hindi natatapos sa paglahok sa eleksiyon ang politikal na pakikilahok ng mga mamamayan. Sa halip, unang hakbang
lamang ito para sa isang malayang lipunan. Ang esensiya ng demokrasiya ay ang magkaroon ng mamamayang
nakikilahok sa pagpapaunlad ng bayan sa paraang higit pa sa pagboto. Isang paraan dito ay ang pagbuo ng mga
samahang direktang makikipag-ugnayan sa pamahalaan upang iparating ang pangangailangan ng mamamayan. Kaya
naman napakahalagang makilahok ng mamamayan sa tinatawag na civil society.

4
Ito ay tumutukoy sa isang sektor ng lipunan na hiwalay sa estado. Ang civil society ay binubuo ng mga mamamayang
nakikilahok sa mga kilos protesta, lipunang pagkilos, at mga Non-Governmental Organizations/People’s Organizations.
Hindi naman bahagi nito ang tahanan, mga negosyo, mga partido politikal, at mga armadong grupo na nagtatangkang
pabagsakin ang pamahalaan.
“Nilalayon ng civil society na maging kabahagi sa Katulad ng nabanggit, ang mga samahan na
pagpapabago ng mga polisiya at maggiit ng tinatawag na NonGovernmental Organizations (NGOs)
accountability (kapanagutan) at transparency
at People’s Organizations (POs) ay mahalagang
(katapatan) mula sa estado."
bahagi ng civil society. Ang paglahok sa mga
- Silliman, 1998 samahang ito ay isa sa maraming paraan ng paglahok

“people empowerment entails the creation of a


parallel system of people’s organizations as
government partner in decision making…” “Ibig
sabihin, mahalaga ang pagbuo ng mga organisasyon
ng mamamayan dahil ito ang magiging katuwang ng
pamahalaan sa pagbuo ng mga programa para sa
ikauunlad ng bayan.”

Horacio Morales, 1990

sa civil society.

Sa pamamagitan ng paglahok sa civil society, ang mga mithiin ng mga mamamayan ang magiging batayan ng buong
estado sa pamamahala ng isang bansa.

Sa katunayan, kinikilala ng Saligang Batas ng 1987 ang kahalagahan ng mga samahang ito sa pagtataguyod ng
kaunlaran.

“the state encourages non-governmental, community


based, or sectoral organizations to effective and Ipinaliwanag ni Constantino-David (1998) ang mga
reasonable participation at all levels of social, political, bumubuo sa civil
Civil Society
and economic decision
1. kilos making.”
protesta
“sa pamamagitan ng civil society ang mga mamamayan ang
- Saligang Batas ng
2. lipunang 1987
pagkilos pinanggagalingan ng soberenya ng isang estado.”

Randy David, 2008


3. Volountary Organizations

a. People's Organizations (POs)


society.

b. Non-governmental Organizations
(NGOs)

Ang mga POs ay naglalayong protektahan ang interes ng mga miyembro nito. Dito nahahanay ang mga sectoral group ng
kababaihan, kabataan, magsasaka, mangingisda, at mga cause-oriented group. Sa kabilang banda, ang mga NGOs ay
5
naglalayong suportahan ang mga programa ng mga people’s organization. Magkaiba man ang layunin ng dalawang uri ng
samahan, nagkakapareho naman ang mga ito sa mga gawain tulad ng pagsusulong ng mga adbokasiya, pagsasagawa
ng mga kampaniya at lobbying, at pakikilahok sa mga gawain sa lipunan.

Sa Pilipinas, tinatayang noong dekada 1960 nagsimulang mabuo ang mga NGO sa kasalukuyan nitong anyo
(Constantino-David, 1998). Ang mga NGO na nabuo sa panahong ito at sa sumunod na dekada ay naglalayong tuligsain
ang mga hindi makataong patakaran ng pamahalaan at tulungan ang mamamayan na makaahon sa kahirapan.Ibig
sabihin, ang mga NGO ay nabuo bilang tugon ng mamamayan sa kabiguan ng pamahalaan na tugunan ang mga
suliranin ng mamamayan at sa pananaw na ang pamahalaan ay isa sa mga dahilan ng paghihirap nila.

Nang paslangin si Benigno “Ninoy” Aquino Jr. noong ika-21 ng Agosto 1983, umusbong ang mga samahang
direktang tumutuligsa sa pamahalaan. Ang ilan sa mga ito ay ang Justice for Aquino, Justice for All (JAJA), Kongreso ng
Mamamayang Pilipino (KOMPIL), at Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN). Nang mapatalsik sa kapangyarihan si
Ferdinand Marcos at maluklok sa kapangyarihan si Cory Aquino noong 1986, ay lumago ang bilang ng mga NGO. Sa
panahong ito, ang atensiyon ng mga NGO ay natuon na sa paglulunsad ng mga programang magpapaunlad ng
kabuhayan ng mamamayan.

Kasabay ng pag-usbong ng maraming mga NGO ay ang paglawak ng kanilang kahalagahan sa lipunang Pilipino.
Ang Local Government Code of 1991 ay isang mahalagang patunay sa papel na ginagampanan ng mga NGO. Ayon dito,
kailangang magkaroon ng konsultasyon sa mga NGO at PO ang mga ahensya ng pamahalaan para sa mga programang
ilulunsad nito. Nakasaad din sa batas na ito ang pagbuo ng mga local development council sa bawat lokal na
pamahalaan. Ang layunin nito ay bumuo ng isang komprehensibong plano para makamit ang kaunlaran sa mga bayan,
lungsod, o lalawigan. Hindi dapat bumaba sa 25% ng mga miyembro ng local development council ang manggagaling sa
mga NGO at PO. Dahil sa mga probisyong ito, binigyan ng pagkakataon ang mamamayan na makibahagi sa mga pagbuo
at pagpapatupad ng mga programa ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga NGO at PO. Isa itong patunay na hindi
lamang nalilimitahan sa pagboto ang maaaring gawin ng mamamayan para pagbutihin ang kalagayan ng bansa.

Tungkulin ng NGO at PO

Maraming iba’t ibang uri ng NGO at PO ang makikita sa Pilipinas at bawat isa ay may kani-kaniyang tungkulin sa bayan.
(Putzel, 1998)

“Ang paglahok sa mga ganitong samahan Bakit mahalagang makilahok ang mamamayan
(volountary orgnizations) ay isang mahusay na sa mga ganitong uri ng samahan? Sa pamamagitan ng
pagsasanay para sa demokrasiya” paglahok sa mga NGO at PO ay mas napaghuhusay
- Larry Diamond, 1994 ng mamamayan ang kanilang kakayahan para sa mas
aktibong pakikilahok sa mga gawaing panlipunan.
Pinagyayaman din ng mga samahang ito ang pagiging
bukas ng mga tao sa paniniwala ng iba, at pagkilala at

Iba't-ibang uri ng NGO TANGOs (Traditional NGOs) – nagsasagawa ng mga proyekto para sa mahihirap
at PO sa Pilipinas

FUNDANGOs (Funding-Agency NGOs) – nagbibigay ng tulong pinansiyal sa mga people’s


organization para tumulong sa mga nangangailangan

DJANGOs (Development, justice, and advocacy NGOs) – Nagbibigay suporta sa mga


komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng ligal at medikal na mga serbisyo

PACO (Professional, academic, and civic organizations) – binubuo ng mga propesyonal at ng


mga galing sa sektor ng akademiya

GRIPO (Government-run and inititated POs) – mga POs nabinuo ng pamahalaan


6
GUAPO (Genuine, autonomous POs) – ito ay mga POs na itinayo mula sa inisyatibo ng
mamamayan at hindi ng pamahalaan
pagrespeto sa karapatang pantao; ito ay mahahalagang katangian ng isang mabuti at aktibong mamamayan na lubhang
napakahalaga sa isang demokrasiya.

Mahahalagang Una, ang paglulunsad ng mga proyektong naglalayong paunlarin ang kabuhayan ng
tungkulin ang mga mamamayan na kadalasan ay hindi natutugunan ng pamahalaan.
NGO at PO sa
Pilipinas sa
Pangalawa, nagsasagawa ang mga NGO ng mga pagsasanay at pananaliksik tungkol sa
kasalukuyan.
adbokasiyang kanilang ipinaglalaban upang magising ang kamalayan ng mamamayan.

Panghuli, malaki ang papel ng mga samahang ito sa direktang pakikipag-ugnayan sa


pamahalaan upang maiparating sa kanila ang hinaing ng kanilang sektor at mga naiisip na
programa at batas na naglalayong mapagbuti ang kalagayan ng mamamayan. Dito
pumapasok ang mga ginagawang pagpoprotesta, pakikipagnegosasyon at lobbying o ang
pag-impluwensiya sa mga desisyon ng opisyal ng pamahalaan para makamit ang isang
mithiin. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay ang ginawa ng CPAR o Congress for a People’s
Agrarian Reform, isang koalisyon ng 70 NGO at PO, kung saan hinikayat ang Kongreso na
bumuo ng isang tunay na repormang pang-agraryo. Ang NAC-FAR naman o Nationwide
Coalition of Fisherfolk for Aquatic Reform, isang alyansa ng walong samahang
pangmangingisda, ay nakipaglaban para sa pagkakaroon ng Comprehensive Fisheries
Reform Code.

Sa kabuuan, ang civil society ay nakabubuti sa isang demokrasiya. Binibigyan ng civil society ang mga mamamayan
ng mas malawak na pakikilahok sa pamamahala ng isang bansa. Sa pamamagitan ng pag-enganyo sa mga mamamayan
sa mga gawain ng civil society, masisiguro na magkakaroon ng pananagutan ang bawat opisyal ng pamahalaan sa
kanilang tungkulin (Bello, 2000).

EXECUTIVE ORDER NO. 471

AMENDING EXECUTIVE ORDER NO. 319, SERIES OF 1987, ENTITLED “PROVIDING FOR THE REORGANIZATION
OF THE LOCAL DEVELOPMENT COUNCILS”

SECTION 1. Section 1 of Executive Order No. 319, series of 1987, is hereby amended to read as follows:

“SECTION. 1. Reorganization and Strengthening of the Local Development Council. The Provincial Development
Councils, City Development Councils, Municipal Development Councils and Barangay Development Councils are hereby
further reorganized and strengthened. The Councils shall assist local legislative bodies in setting the direction of
economic and social development and coordinating development efforts in their respective territorial jurisdictions.

1.1 Composition of the Local Development Councils.

1.1.1 Barangay Development Council. The Barangay Development Council shall be headed by the Barangay Captain and
shall be composed of the following members:

(i) The members of the Sangguniang Barangay:

(ii) The Department of Interior and Local Government (DILG) Operations Officer assigned to the barangay, or if there is
none, the DILG Operations Officer assigned to the municipality/city;

(iii) Representatives of government agencies working or assigned in the barangay; and

(iv) Representatives of the private sector and non-governmental organizations (NGOs) operating in the barangay, who
shall not be more than one-forth (1/4) of the members of the fully constituted Council and who shall be confirmed by the
ex-officio members of the Council in accordance with the rules and regulations that may be prescribed under Section 10
of this Executive Order.

SECTION 2. Section 5 of Executive Order No. 319, series of 1987, is hereby amended to read as follows:

The Barangay Development Council shall have the following functions:

(i) Mobilize citizens’ participation in local government efforts;

7
(ii) Prepare barangay development plan based on local requirements;

(iii) Monitor and evaluate program and project implementation; and

(iv) Perform such other functions as may be provided for by law or competent authority.”

GAWAIN 1

Basahin ng maigi ang katanungan, alamin kung ano ang hinihingi at isulat ang sagot sa patlang.

1. Ang _______________ ay binubuo ng mga mamamayang nakikilahok sa mga kilos protesta, lipunang pagkilos, at
mga Non-Governmental Organizations/People’s Organizations.
2. Sa pamamagitan ng civil society ang mga mamamayan ang pinanggagalingan ng _______________ ng isang
estado.
3. Ang mga POs ay naglalayong _______________ ang interes ng mga miyembro nito.
4. Ang mga NGOs ay naglalayong _______________ ang mga programa ng mga people’s organization.
5. Hindi dapat bumaba sa _______________ ng mga miyembro ng local development council ang manggagaling sa mga
NGO at PO.

GAWAIN 2

Panuto: Basahin ng maigi ang mga katanungan at intindihin kung ano ang hinihinginito. Piliin ang titik ng tamang
sagot mula sa pagpipilian

1. Ito ay mga NGO na nagsasagawa ng mga proyekto sa mahihirap.


A. DJANGO’s (development, justice and advocacy NGO’s)
B. GRIPO (government run and initiated PO’s)
C. PACO (professional, academic and civic organizations)
D. TANGO’s (traditional NGO’s)
2. Ayon dito dapat magkaroon ng konsultasyon sa mga NGO at PO ang mga ahensiya ng pamahalaan para sa mga
programang ilulunsad nito.
A. Lobbying
B. Local development council
C. Local Governmant Code of 1991
D. Saligang Batas ng 1987
3. Ano ang kadalasang ginagamit ng mga NGO at PO upang makamit ang kanilang mga mithiin sa pamamagitan ng
pag-impluwensiya sa mga desisyon ng opisyal ng pamahalaan.
A. Lobbying
B. Kilos protesta
C. Pakikipagnegosasyon
D. Wala sa pagpipilian
4. Bakit mahalaga ang pagsali sa mga NGO at PO ayon kay Larry Diamond?
A. Isang mahusay na pagsasanay sa demokrasiya
B. Magiging katuwang sa pamahalaan sa pagbuo ng mga programa para sa ikauunlad ng bayan
C. Lahat ng nabanggit
D. Wala sa nabanggit
5. Ang Phillipine Animal Welfare Society (PAWS) na naglalayong pangalagaan at isulong ang makataong pagtrato
sa mga hayop. Aling uri ng NGO o PO ito nabibilang?
A. DJANGO’s (development, justice and advocacy NGO’s)
B. GRIPO (government run and initiated PO’s)
C. PACO (professional, academic and civic organizations)
D. TANGO’s (traditional NGO’s)
6. Ayon kay Constantino David (1998) ang civil society ay nahahati sa kilos protesta, lipunang pagkilos at volountary
organizations. Alin sa mga sumusunod ay bumubuo sa volountary organizations?
A. People’s organizations
B. Non-governmental organizations
8
C. Lahat nang nabanggit ay bumubuo sa mga volountary organizations
D. Lahat nang nabanggit ay hindi bumobou sa mga volountary organizations
7. Ang mga people’s organization ay binubuo ng mga sectoral groups. Alin sa mga sumusunod ay hindi isang
sectoral group?
A. Grupo ng mga rebelde
B. Grupo ng mga kabataan
C. Grupo ng mga kababaihan
D. Grupo ng mga lumad o indigenous people
8. Isang sektor ng lipunan na hiwalay sa estado na binubuo ng mga mamamayang nakikilahok sa mga kilos
protesta, lipunang pagkilos at mga NGO’s at PO’s.
A. Religion
B. Economy
C. Civil society
D. Academic institutions
9. Paano nakatutulong sa mga NGO at PO ang pagbou ng mga local development council sa bawat lokal na
pamahalaan?
A. Layunin nito na bumuo ng isang komprehensibong plano para makamit ang kaunlaran sa mga bayan,
lungsod at lalawigan
B. Napapatunayan nito na hindi lamang limitado sa pagboto ang maaring gawin ng mga mamamayan para
pagbutihin ang kalagayan ng bansa
C. Nabibigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan na makibahagi sa pagbuo at pagpapatupad ng mga
programa ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga NGO at PO
D. Lahat ng nabanggit ay mga bagay na nakatutulong sa mga NGO at PO
10. Ang Kalahi-CIDSS (Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services)
ay isang programa na binuo ng pamahalaan upang bigyang solusyon ang kahirapan na ipinapatupad ng DSWD.
Anong uri ito ng NGO o PO?
A. FUNDANGO’s (funding-agency NGO)
B. GUAPO (genuine, autonomous PO)
C. GRIPO (government run and initiad PO)
D. PACO (professional, academic and civic organizations)
11. Isa sa mga mahahalagang tungkulin ng NGO at PO ay makipag-ugnayan sa pamahalaan. Ang mga sumusunod
ay mga paraan ng pakikipag-ugnayan sa pamahalaan maliban sa isa.
A. Lobbying
B. Pakikipagnegosasyon
C. Pagboto
D. Protesta
12. Ang Philippine Red Cross ay isang sikat na NGO. Anong uri ng NGO ito nabibilang?
A. Traditional NGO’s
B. Funding-agency NGO’s
C. Development, justice and advocacy NGO’s
D. Professional, academic and civic organizations

13. Alin sa mga sumusunod ang gawain ng people’s organization at non-governmental organizations?
A. pagsusulong ng adbokasya
B. pagsuporta sa pamahalaan
C. lahat ng nabanggit
D. wala sa nabanggit
14. Alin sa mga sumusunod ay halimbawa ng non-governmental organizations?
A. Grupo ng mga mangingisda
B. Grupo na tumutulong sa grupo ng mga mangingisda
C. Lahat na nabanggit ay halimbawa ng non-governmental organizations
D. Wala sa nabanggit ay halimbawa ng non-governmental organizations

9
15. Ano ang layunin ng people’s organization?
A. Protektahan ang interes ng mga miyembro
B. Sumuporta sa mga program ng mga miyembro
C. Wala sa nabangg Pangalagaan ang karapatan ng mga sektor na walang kapangyarihan
D. Magiging katuwang sa pamahalaan sa pagbuo ng mga programa para sa ikauunlad ng bayan

GAWAIN 3

Panuto: Basahin ng maigi ang mga katanungan at intindihin kung ano ang hinihingi nito. Piliin ang titik ng
tamang sagot mula sa pagpipilian.

1. Paano nakatutulong sa mga NGO at PO ang pagbou ng mga local development council sa bawat lokal na
pamahalaan?
A. Layunin nito na bumuo ng isang komprehensibong plano para makamit ang kaunlaran sa mga bayan,
lungsod at lalawigan
B. Napapatunayan nito na hindi lamang limitado sa pagboto ang maaring gawin ng mga mamamayan para
pagbutihin ang kalagayan ng bansa
C. Nabibigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan na makibahagi sa pagbuo at pagpapatupad ng mga
programa ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga NGO at PO
D. Lahat ng nabanggit ay mga bagay na nakatutulong sa mga NGO at PO
2. Ang Philippine Red Cross ay isang sikat na NGO. Anong uri ng NGO ito nabibilang?
A. Traditional NGO’s
B. Funding-agency NGO’s
C. Development, justice and advocacy NGO’s
D. Professional, academic and civic organizations
3. Anong uri ng NGO na nagsasagawa ng mga proyekto sa mahihirap.
A. DJANGO’s (development, justice and advocacy NGO’s)
B. FUNDANGO’s (Funding-Agency NGO’s)
C. PACO (professional, academic and civic organizations)
D. TANGO’s (traditional NGO’s)
4. Ang Phillipine Animal Welfare Society (PAWS) na naglalayong pangalagaan at isulong ang makataong pagtrato
sa mga hayop. Aling uri ng NGO o PO ito nabibilang?
A. DJANGO’s (development, justice and advocacy NGO’s)
B. GRIPO (government run and initiated PO’s)
C. PACO (professional, academic and civic organizations)
D. TANGO’s (traditional NGO’s)
5. Anong uri ng ang NGO na nagbibigay suporta sa mga komunidad sa pamamagitan ng legal at medikal na mga
serbisyo.
A. DJANGO’s (development, justice and advocacy NGO’s)
B. GRIPO (government run and initiated PO’s)
C. PACO (professional, academic and civic organizations)
D. TANGO’s (traditional NGO’s)
6. Isa sa mga mahahalagang tungkulin ng NGO at PO ay makipag-ugnayan sa pamahalaan. Ang mga sumusunod ay mga
paraan ng pakikipag-ugnayan sa pamahalaan maliban sa isa.
A. Lobbying
B. Pakikipagnegosasyon
C. Pagboto
D. Protesta
7. Ayon kay Constantino David (1998) ang civil society ay nahahati sa kilos protesta, lipunang pagkilos at volountary
organizations. Alin sa mga sumusunod ay bumubuo sa volountary organizations?
A. People’s organizations
B. Non-governmental organizations
C. Lahat nang nabanggit ay bumubuo sa mga volountary organizations
D. Lahat nang nabanggit ay hindi bumobou sa mga volountary organizations
10
8. Isang sektor ng lipunan na hiwalay sa estado na binubuo ng mga mamamayang nakikilahok sa mga kilos protesta, lipunang
pagkilos at mga NGO’s at PO’s.
A. Religion
B. Economy
C. Civil society
D. Academic institutions
9. Ang Kalahi-CIDSS (Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services) ay isang
programa na binuo ng pamahalaan upang bigyang solusyon ang kahirapan na ipinapatupad ng DSWD. Anong uri ito ng NGO
o PO?
A. FUNDANGO’s (funding-agency NGO)
B. GUAPO (genuine, autonomous PO)
C. GRIPO (government run and initiad PO)
D. PACO (professional, academic and civic organizations)
10. Alin sa mga sumusunod ay halimbawa ng non-governmental organizations?
A. Grupo ng mga mangingisda
B. Grupo na tumutulong sa grupo ng mga mangingisda
C. Lahat na nabanggit ay halimbawa ng non-governmental organizations
D. Wala sa nabanggit ay halimbawa ng non-governmental organizations
11. Ayon dito dapat magkaroon ng konsultasyon sa mga NGO at PO ang mga ahensiya ng pamahalaan para sa mga programang
ilulunsad nito.
A. Lobbying
B. Local development council
C. Local Governmant Code of 1991
D. Saligang Batas ng 1987
12. Bakit mahalaga ang pagsali sa mga NGO at PO ayon kay Larry Diamond?
A. Isang mahusay na pagsasanay sa demokrasiya
B. Magiging katuwang sa pamahalaan sa pagbuo ng mga programa para sa ikauunlad ng bayan
C. Pangalagaan ang karapatan ng mga sektor na walang kapangyarihan
D. Magiging katuwang sa pamahalaan sa pagbuo ng mga programa para sa ikauunlad ng bayan
13. Ano ang layunin ng people’s organization?
A. Protektahan ang interes ng mga miyembro
B. Sumuporta sa mga program ng mga miyembro
C. Wala sa nabangg Pangalagaan ang karapatan ng mga sektor na walang kapangyarihan
D. Magiging katuwang sa pamahalaan sa pagbuo ng mga programa para sa ikauunlad ng bayan
14. Ano ang kadalasang ginagamit ng mga NGO at PO upang makamit ang kanilang mga mithiin sa pamamagitan ng pag-
impluwensiya sa mga desisyon ng opisyal ng pamahalaan.
A. Lobbying
B. Kilos protesta
C. Pakikipagnegosasyon
D. Wala sa pagpipilian
15. Anong uri ng ang NGO na nagbibigay ng tulong pinansiyal sa mga people’s organization para tumulong sa mga
nangangailangan?
A. DJANGO’s (development, justice and advocacy NGO’s)
B. FUNDANGO’s (Funding-Agency NGO’s)
C. PACO (professional, academic and civic organizations)
D. TANGO’s (traditional NGO’s)

PERFORMANCE TASK:

BILANG ISANG MAMAMAYAN NG ATING BANSA, IKAW AY DAPAT NA MAGING MULAT SA MGA
PANGYAYARI SA ATING BANSA AT SA ATING LIPUNAN. DAPIT NA PAIRALIN ANG ATING PAGMAMAHAL SA
ATING BANSA UPANG TAYO RIN AY UMUNLAD. MAGBIGAY NG MENSAHE PARA SA ATING BAGONG PANGULO
SA PAMAMAGITAN NG PAGSULAT LIHAM/ TULA/ DRAWING(GUHIT) KUNG SAAN MAKIKITA ANG IYONG MGA
HINAHANGAD NA MANGYARI SA ATING BANSA SA PANAHON NG KANYANG PANUNUNGKULAN. ISULAT ITO SA
BONDPAPER/ CONSTRUCTION PAPER AT LAGYAN NG AKMANG MGA DISENYO.

BINABATI KITA SA IYONG PAGTATAPOS SA ARALING PANLIPUNAN 10.


11
NAWAY MADALA MO ANG IYONG MGA NATUTUHAN DITO IYONG BUHAY.

12

You might also like