Professional Documents
Culture Documents
Layunin:
Natatalakay ang mga kaisipang ito: kabuluhan ng edukasyon, pamamalakad sa
pamahalaan, pagmamahal sa: Diyos, Bayan, Pamilya, kapwa-tao, kabayanihan,
karuwagan, paggamit ng kapangyarihan, kapangyarihan ng salapi, kalupitan at
pagsasamantala sa kapwa, kahirapan, karapatang pangtao, paglilibang,
kawanggawa (F10PB-IVd-e-89)
Pagpapaliwanag ng kabuluhan ng mga kaisipang lutang sa akda kaugnay ng:
karanasang pansarili, gawaing pangkomunidad, isyung pambansa, pangyayaring
pandaigdigan. F10PN-IVf-90)
Naiuugnay ang kaisipang namayani sa pinanood na bahagi ng binasang akda sa
mga kaisipang namayani sa binasang akda (F10PD-IVd-e-83)
Pagsulat sa paliwanag ng sariling mga paniniwala at pagpapahalaga kaugnay sa
mga kaisipang namayani sa akda. ( F10PU-IVd-e-87)
A. Panuto: Piliin mula sa loob ng kahon ang kasingkahulugan ng mga salitang
nakaitalika sa bawat pangungusap.
B. Panuto: Piliin mula sa hanay B ang kasalungat ng mga salitang nasa hanay A. Letra na
lamang ang isulat.
Hanay A Hanay B
1. Maalinsangan a. nakatuon
2. Namalikmata b. nagustuhan
3. Mararahas c. mahangin
4. Kinasuklaman d. nakatayo
5. Nakalupasay e. Maayos
Arali
Buod ng Kabanata 13-20
n5
Nabibigyan ng puna ang iba’t ibang isyung pandaigdigan na may kinalaman sa mga
kinahaharap sa reyalidad ng buhay. Sa pagtalakay sa kabatanang ito mas lalong magiging
mulat tayo sa mga pangyayari sa ating lipunan. Naihahanda ang ating mga isipan at
mentalidad upang maging handa sa lipunang ating ginagalawan at mapagtagumpayan ang
mga suliranin.
Ang silid sa pisika ay maluwag at parihaba ng sukat. Ang mga bintana ay malalaki
rin na may rehas na bakal. Mayroong upuang kahoy sa magkabilang panig ng kuwarto
na aabot sa tatlong baitang ang taas. Doon umuupo ang ma mag-aaral na nakaayos
batay sa titik ng kanilang apelyido. Kahit malaki ang silid, makikita namang wala itong
anumang palamuti. May mga kagamitan at instrumento para sa pag-aaral sa pisika ngunit
ang mga ito’y nakasalansan naman sa isang aparador na nakakandado. Ang maestro sa
Pisika na tanyag sa paaralan ng San Juan de Letran ay si Padre Millon. Isa-isa niyang
tinatawag ang mga mag-aaral upang tanungin ng aralin. Ang magkaibigang Pelaez at
Placido ay nagsesenyasan na magturuan. Inapakan ni Pelaez ang paa ng kaibigan bilang
hudyat ngunit napasigaw si Placido. Ayan tuloy, siya ay napagbalingan ng inis ng guro
at tinanong. Utal-utal siyang sumagot kaya nagalit ang pari at binigyan siya ng mababang
marka habang nakatanggap pa ng lait at mura mula sa pari. Nainis si Placido at biglang
umalis sa klase na ikinagulat ng lahat. Samantala, inanyayahan ni Makaraig sina
Sandoval, Pecson, Pelaez, at Isagani sa isang pagpupulong. May positibong pananaw si
Isagani at Sandoval na papayagan ang kanilang panukala habang duda naman si
Pecson kaya nagkaroon sila ng pagtatalo.
Ibinunyag ni Makaraig na ipinagtatanggol daw sila ni Padre Irene sa kanilang
plano. Kailangan na lamang daw nilang mapapayag si Don Custodio na isa sa mga
bahagi ng lupon ng paaralan sa pamamamagitan nina Ginoong Pasta na isang
manananggol at si Pepay na isa namang taga-aliw na parehong malalapit daw sa pari.
Napagkasunduan ng mga mag-aaral na kay Ginoong Pasta sila hihingi ng tulong dahil
marangal itong tao at tiyak na magiging maayos ang paraan at proseso ng pagkumbinsi
sa prayle. Bilang pagtupad sa kanilang misyon, tinungo ni Isagani ang tanggapan ni
Ginoong Pasta. Kilala si Ginoong Pasta sa talas ng kaniyang isip at angking katalinuhan.
Sa kaniya lumalapit ang mga pari upang manghingi ng payo kung nasa isang gipit na
sitwasyon. Nakipag-usap si Isagani sa Ginoo tungkol sa kanilang balak. Nais niyang
kausapin ni Ginoong Pasta si Don Custodio at mapasang-ayon ito. Naisalaysay ni Isagani
kay Ginoong Pasta ang misyon ng kanilang kilusan. Nakinig naman ang Ginoo ngunit
akala mo ay walang alam at walang pakialam sa kilusan ng mga mag-aaral. Nakiramdam
naman si Isagani kung naging mabisa ba ang mga salita niya sa Ginoo.Pagkatapos ng
ilang sandali, sinabi ng Ginoo ang kaniyang pasya. Ayaw niya raw makialam sa plano ng
mga mag-aaral dahil maselan daw ang usapin at mas makabubuti raw na ang
pamahalaan na lamang ang kumilos hinggil dito. Malungkot naman si Isagani sa naging
pasya ng Ginoo.
Pagmamahal sa Diyos
Pagmamahal sa Bayan
Pagmamahal sa Pamilya
Pagmamahal sa kapwa
Basahin ang buod ng kabanata 16-20, sa pamamagitan ng mga inihandang gawain
ay mahahasa ang iyong kasanayan na mailahad ang iyong paniniwala, ideya sa mga
kaisipang nangingibabaw sa binasang akda.
Dinauhan ito ng mga prayle, mga militar, mga kawani ng pamahalaan, at mga kilalang
mangangalakal. Nang dumating si Simoun at siningil si Quiroga sa kaniyang
pagkakautang na siyam na libong piso, sinabi niya na siya ay nalulugi na. Nagbaka-
sakali si Simoun at inalok ang negosyante na bawasan ng dalawang libong piso ang
kaniyang pagkakautang basta't papayag si
Quiroga na itago ang mga armas na parating sa kaniyang bodega Sinabi ni Simoun na
walang dahilan para mangamba ang intsik. Napilitang sumangayon ang negosyante
Samantala, ang pangkat naman ni Don Custodio ay nag-uusap patungkol sa komisyong
ipapadala sa Japan upang pag-aralan ang paggawa ng kamiseta para sa mga sundalo.
Ang perya ay punong puno ng mga manonood. Samantala ang 12 na galing sa bahay
ni Quiroga ay nagtungo sa kubol ni Mr. Leeds
Si Padre Camorra’y tuwang tuwa sa maraming magagandang dalaga na nakikita lalo
na nang masilayan si Paulita na kasama si Donya Victorina at Isagani na siyang naiinis
sa bawat tumititig kay Paulita.Mayroong pinasok na isang tindahan sina Padre Camorra
at Ben Zayb.Nakakita sila ng iba’t ibang disenyo ng mga lilok.
Sinuri ni Ben Zayb ang paligid sa kanilang pagpasok upang makita ang salamin na
kaniyang nais matagpuan, ngunit nabigo siya sa paghahanap. Nagsimula na ang
palabas. Pumasok si Mr. Leeds ng may dalang kahong kahoy na may lamang abo at
kapirasong papiro na kinasusulatan ng dalawang salita.
Nang may binigkas na isang salita si Mr. Leeds, lumabas ang isang ulo na nagsabing
ang kaniyang pangalan ay Imuthis.Siya’y umuwi sa sariling bayan pagkatapos ng pag-
aaral at mahabang paglalakbay Ikinuwento ng ulo ang kanyang buhay: umibig sa isang
babae na anak ng pari, at naging kaaway ang isa pang pari. Siya'y ipinakasal at
ipinapatay. Sinasabi niyang nabuhay siya muli upang ikuwento ang kataksilan na ito.
Lumabas sa klase si Placido Penitente. Hindi na siya ang dating mapagtimpi. Galit na
galit siya. Nais niyang gumawa ng isang libo`t isang paghihiganti. Parang ibinubulong
ng kanyang budhi: Placido Penitente, ipakilala mong ikaw ay may karangalan, na ikaw
ay matapang at maginoo. Taga-Batangas ka na ang paglait ay hinuhugasan ng dugo.
Pagka-uwi sa tinitirahan, ay naratnan ang kanyang ina na si Kabesang Andang
nasiyang galing sa Batangas. Sinabi ni Placido na ayaw na niyang mag-aral. Nakiusap
si Kabesang Andang sa prokurador ng Agustino na ayusin ang suliranin ni Placido.
Nagsermon muli ang ina tungkol sa pagtitiis. Ginabi siya sa paggagala. Walang
natagpuang kaibigan. Napatungo siya sa perya. Nakita niya si Simoun. Sinabi niya dito
ang nangyari sa kanya at ang hangad niyang pasa- Hongkong. Napatulong siya sa
mag-aalahas. Narinig ni Placido ang mga plano ni Simoun ukol sa paghihiganti.
Kinabukasan, masayang nakinig si Placido sa mga sermon ng kanyang ina at muling
naging handa sa pag-aaral.
Nagpapasiya si Don Costudio ukol sa akademya ng Wikang Kastil. Siya’y
nakapangasawa ng mayaman, at ginamit ito upang lalo pang yumaman at
magpatanyag. Pumunta sa Espanya si Don Costudio. Sa lugar na iyon ay kung saan
siya’y nilait at minaliit dahil kulang ang pinag-aralan. Sa pagkabalik sa Pilipinas, siya’y
nagkunwari na maganda ang naging karanasan. Siya’y naging lupon ng Primaryang
Paaralan kahit na kulang ang kanyang kaalaman ukol sa tungkulin. Pinuri pa rin siya
dahil sa kanyang kasipagan. Naging kilala si Don Costudio bilang “Buena Tinta”
sapagkat mapapagkatiwalaan ang kanyang mga sinasabi. Ninais niyang
mapakinabangan ng dalawang panig. Sa loob ng limang araw, si Don Costudio ay
nakapagpasya at ipinaalam sa mga tao ang kanyang hinihiling.
Panuto: Pumili na ng pangyayari sa kabanata 16-20 at Iugnay ang mga pangyayaring ito
batay sa mga sumusunod:
karanasang pansarili
gawaing pangkomunidad
isyung pambansa
pangyayaring pandaigdig
1. Nag-usap ang mga prayle tungkol sa ulong nagsasalita sa may perya sa Quiapo.
2. Pumasok sa isang tindahan ang pangkat ni Padre Camorra.
3. Inalok ni Simoun na ilagay sa bahay ng Intsik ang kanyang mga sandata.
4. Hinanap ng pangkat ni Padre Camorra ang mag-aalahas.
5. Isinalaysay ng Intsik ang nangyari sa kanyang itinindang alahas.
Panuto: Batay sa iyong sariling paniniwala, paano mo babaguhin ang pagkatao ni Don
Custudio? Isulat ito sa paraang patalata.
Pamatayan Puntos
Maayos ang daloy ng Sanaysay 5
Nakapaglalahad ng may kaugnay na saloobin ang sanaysay ayon sa sariling 5
paniniwala
Angkop ang bantas, salita at pangungusap 5
KABUUAN 15
Filipino
10
Ikaapat na Markahan – Modyul 6
Paksa:
El Filibustersima (Buod ng kabanata 21-26)
Paggamit ng salitang Paghahambing sa pagsulat
Layunin:
Naipahahayag ang sariling paniniwala at pagpapahalaga gamit ang angkop na
mga salitang hudyat sa pagpapahayag ng saloobin/damdamin
(F10WG-IVd-e-80)
Naisasaad ang pagkamakatotohanan ng akda sa pamamagitan ng pag-uugnay ng
ilang pangyayari sa kasalukuyan (F10PB-IVhi-92)
Naipaliliwanag ang kahulugan ng mga salitang hiram sa wikang Espanyol (F10PT-
IVg-h-85)
Naisusulat ang maayos na paghahambing ng binuong akda sa iba pang katulad
na akdang binasa (F10PU-IVg-h-88)
Bago natin simulan ang ating aralin, alamin natin ang lawak ng iyong
kaalaman kaugnay sa ating aralin.
Panuto: Piliin ang kasingkahulugan ng pahayag. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
sagutang papel.
1. Doon ang heneral dito si Padre Salvi. Kaawa-awang bayan! Ngunit ano sa akin?
At muli siyang nagpatuloy ng lakad.
A. Pagmamalasakit sa mga pangyayari
B. Ang pagwawalang-bahala sa mga pangyayari o mga mangyayari.
C. Pakikialam sa gobyerno at simbahan
D. Pagsasakripisyo
3. Sa inihandang paghihimagsik ni Simoun na wika nga niya, kung buhay si Elias, ay isa
Sa mga tututol.
A. Ito’y ginawa lamang niyang kasangkapan sa isang makasariling layunin.
B. makapaghiganti at mailigtas si Maria Clara
C. Hindi para sa bayan ang layunin ni Simoun sa paghihimagsik.
D. Lahat ng nabanggit
4. "Maniniwala ka, at matatandaan mo ako, at sasabihin mong tama ako pag ang buhok
mo ay kasimputi na ng sa akin.
A. Kapag tumanda na, saka lamang niya masasabing tama ang sinabi sa kanya
ng matanda.
B. Nagpakulay ng buhok
C. Kapag nakaabot na sa tamang kaalaman
D. Maniwala sa sinasabi ng mas matanda sayo
Magandang araw!
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaaasahang makasasagot sa mga
inihandang gawain at pagsasanay higit sa lahat ay makasusulat ng sariling
paghahambing sa akdang binasa sa iba pang akda.
Handa ka na ba? Halina at ating simulan.
Panuto: Isulat ang letrang T kung Tama ang ipinapahayag ng bawat bilang. Letrang
M naman ang isulat kung Mali.
1. Si Don Custodio ang pinakamasipag sa lahat ng nagpapalagay.
2. Si Padre Irene ay binigyan ng bansag na Buena Tinta.
3. Si Don Custodio ay isang Kastila na nakapag-asawa ng isang mayamang
Pilipina.
4. Lubhang maraming tungkuling hinawakan si Don Custodio
5. Maraming nanghihiram ng kuwalta kay Don Custodio sa Madrid at pinahihiram
naman niya.
Sa bahaging ito nais kong basahin at unawain mo ang mga siping buod ng nobela.
Suriin mo ang pagkakabuo ng paglalahad na ito na magagamit mo sa susunod na talakayan
natin! Basahin at unawain ang buod ng bawat kabanata sa ibaba.
1. Paghahambing ng Magkatulad
Ginagamit kung ang dalawang inihahambing may pantay o parehong antas
na katangian ng isang tao, o bagay, at iba pa. Gumagamit ng salita gaya ng
pareho, katulad, panlaping magkasing, sing na ikinakabit sa salitang –ugat.
Halimbawa: Ang mga amg-aaral na sina Macaraig, Sandoval, Pecson at
isagani ay may parehong layuning maisulong ang pagtatag ng Akademya
ng Wikang Kastila.
2. Paghahambing na di Magkatulad.
Ginagamit kung ang hinahambing ay magkaiba ang antas ng isang bagay o
anuman. Gumaggamit ng salitang higit, mas, lalo at iba pa.
Halimbawa: Higit na gusto ni Donya Victorina si Juanito para kay Paulita
kaysa sa binatang si Isagani.
1. Ani Camarroncocido: Doon ang heneral dito si Padre Salvi. Kaawa-awang bayan!
Ngunit ano sa akin?
2. Naging masama akong kapatid at anak. Nakalimutan kong pinatay ang aking kapatid at
pinahirapan ang aking ina. Sasama na po ako sa inyo ginoo.
3. Basilio! Magandang balita ipapadala daw tayo sa kulungan! Wala na naman pasok,
mahaba-habang bakasyon ito.
4. Ano ang ginagawa mo dito? Maaari kang mapahamak sa bigla-bigla mong pagsugod!
5. Namatay. Namatay nang hindi ko man lamang nakita. Namatay nang hindi
nalalamang…
2.
3.
4.
Panuto: Gamit ang T-Chart, suriin at isulat ang pagkakatulad ng akdang El Filibusterismo
sa ibang akda na iyong nabasa.
Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 7
10
PAKSA:
El Filibusterismo (Buod ng Kabanata 22-35)
Paggamit ng angkop na mga salita sa paghahambing
Layunin:
Gawain 1
Panuto: Basahin ang pangungusap at tukuyin ang isinasaad. Piliin ang tamang sagot sa
kahon. Isulat ito sa patlang.
Arali
Buod ng Kabanata 22-35
n7
1. Ang simpleng piging ng mga mag-aaral ang naging mitsa upang sila ay usigin ng
pamahalaan.
2. Pangarap ni Isagani na manirahan sa nayon na kasama ang kanyang kasintahang si
Paulita at agad naman niya itong sinang-ayunan.
3. Ang tagpuan sa kabanata 25 ay naganap sa Pansiterya ng Macanista de Buen Gusto.
4. Maagang gumising si Basilio para pasyalan sa pagamutan ang kanyang mga
pasyente at puntahan ang kaibigang si Makaraig upang ibalita ang tungkol sa mga
sangkot sa paglunsad ng himagsikan.
5. Ayon ka Donya Victorina, kung magkakatuluyan si Paulita at Isagani ay kanya
namang papakasalan si Juanito Palaez.
1. Mas mahal ni Paulita ang dati niyang kasintahang si Isagani kaysa kay Juanito.
2. Nakita ni Basilio na mistulang baliw si Juanito na paulit-ulit na binabanggit na wala
siyang kasalanan.
3. Sinliwanag ng araw ang pangarap ni Isagani na manirahan sa nayon.
4. Kagaya ng kanilang napagkasunduan ang labing-apat ay nagtipon sa isang
pansiterya upang ipagdiwang ang kahihinatnan ng pasya.
5. Sa pagdiriwang ng simpleng piging, labis ang kanilang katuwaan ng ikumpara nila
ang mga handa sa mga prayle.
Ngayon ay alamin natin ang kuwento sa bawat kabanata na nakapaloob sa modyul na ito.
Kabanata 27-29
Inuusig ng paring si Padre Fernandez ang kaniyang mag-aaral na si Isagani.
Nagtalumpati raw kasi si Isagani sa harap ng mga mag-aaral na nakasama niya sa
hapunan. Pero inisa-isa rin ni Isagani ang mga problema ng mga pari bilang guro. Kasama
na rito ang panlalamang ng mga pari sa mga Pilipino upang maging komportable ang
kanilang buhay. Wala nang nagawa ang pari at di makasagot. Sa unang pagkakataon,
walang masabi ang isang pari laban sa isang estudyanteng Pilipino.
Nababalot na ng takot ang buong bayan dahil sa mga paskil na kumakalat na gawa umano
ng mga mag-aaral. Takot ang lahat tulad ng mga Instik, heneral, at mga pari. Wala na ring
dumating sa tindahan ni Quiroga. Nagtungo si Quiroga kay Don Custodio pero ayaw niya
ng bisita. Kay Ben Zayb siya sunod na pumunta pero baril lamang ang nakita niya rito.
Ibinalita naman ni Padre Irene kay Kapitan Tiyago ang nangyayari na ikinamatay naman ni
Kapitan.
Ang kayamanang naiwan ni Tiyago ay napunta sa Sta. Clara at sa mga pari habang
ang iba naman ay napunta sa mga iskolar. Matapos ang pagtatalo, napagpasiyahan ng
mga prayle ang damit na isusuot ni Tiyago sa huling pagkakataon. Nasunod si Padre Irene
na suotan ng isang lumang damit ang yumao. May ilang nagsasabing nagpaparamdam si
Tiyago dala ang kaniyang paboritong panabong na manok. Magarbo ang libing ni Tiyago
na mayroong mga padasal at paawit at maraming bulaklak na alay sa ataul nito. Ang
katunggali naman ni Tiyago na si Donya Patrocinio ay gusto na ring mamatay sa inggit at
ilibing nang marangya.
Kabanata 30-32
Nabalita sa San Diego ang pagkamatay ni Kapitan Tiyago at ang pagkadakip kay
Basilio. Dinamdam ng bayan nang higit ang huli. Maaari raw patayin o ipatapon ang binata.
Ayon kay Hermana Penchang kaya daw nakulong si Basilio dahil hindi nag-aagwa bendita
sa simbahan dahil narurumihan daw sa tubig. May ilan pa na nanisi sa binata ngunit mas
marami ang nagsabi na di dapat mangyari iyon kay Basilio sapagkat tahimik itong tao at
naghihiganti lamang ang mga prayle dahil sa pagkakatubos ni Basilio kay Juli na anak ng
Tulisang si Tales Hinimatay si Juli sa ibinalita ni Hermana Bali tungkol kay Basilio. Naisip
niya na tulungan ang kasintahan sapagkat patay na si Kapitan Tiyago at maaari mabulok
sa bilanguan at mabitay nang walang kasalanan. Sumagi sa kanyang isipan na humingi ng
tulong kay Padre Camorra sapagkat napalaya na nito ang kanyang Ingkong na si Tandang
Selo at naalala niya na di ito nasiyahan sa kanyang pasasalamat. Humingi ito ng
“pagpapakasakit” pa. Mula noon iniwasan na ito ng dalaga. Mula noon naging malungkutin
na si Juli at minsan naitanong niya kay Hermana Bali kung mapupunta sa impiyerno ang
nagpapakamatay. Di natuloy ang balak niya. Natakot siya sa impiyerno. Ipinayo ni Hermana
Bali na magtanong sila sa Tribunal (Clerk) Ang tagasulat ay walang nagawa o naipayo kundi
patunguhin ang dalawang babae sa hukom pamayapa. Sa wakas nagpayo ang hukom,
“Ang tanging maka-liligtas kay Basilio ay si Padre Camorra ngunit ayaw ng dalaga na
pumunta sa kumbento at batid ni Hermana Bali ang dahilan. Nakiusap si Juli sa Hukom na
ang Hermana na lang ang pumunta ngunit sinabi ng hukom na mas Mabuti kung kasama
si Juli. Halos kaladkarin na ni Hermana Bali siJuli papunta sa kumbento sapagkat
kinakabahan at natatakot siya sa kura. Kinagabihan pinag-usapan ang isang dalaga na
tumalon sa bintana ng kumbento, bumagsak sa batuhan at patay. Kasunod noon ang
paglabas ng isang babae na nagsisigaw na parang baliw.
Hindi man lamang nabalita sa mga pahayagan ang nangyari kay Huli. Nangakalaya
ang mga estudyanye. Una’y si Makaraig. Pinakahuli si Isagani. Nabalita sa tulong ni Ben
Zayb, ang pagiging mahabagin ng Heneral. Ang tanging di nakalaya ay si Basilio.
Ipinagtanggol ng Mataas na Kawani si Basilio. Mabuting bata raw at matatapos na ng
panggagamot. Lalong napahamak si Basilio dahil lahat ng sabihin ng Kawani ay tinututulan
ng Heneral. At kailangan daw magkaroon ng halimbawang di dapat tularan ang mga
mahilig sa pagbabago. Si Basilio ay pinagbintangan ng Heneral na gumamit ng bawal na
aklat sa medisina. Sinabi ng Kawani na dapat matakot ang Heneral sa bayan. Natawa ang
Heneral wala raw siyang pakialam sa bayan dahil ang naghalal sa kanya ay ang bayang
Espanya hindi ang bansang Pilipinas. Kapag itinanggi sa isang bayan ang liwanag,
tahanan, katarungan at kalayaan ituturing ng bayan na magnanakaw ang nagtanggi ng mga
ito. Nang nasa kanyang sasakyan na ang Mataas na Kawani ay nasabi niya sa kanyang
kutserong katutubo: Kapag dumating ang araw ng inyong pagsasarili ay alalahanin mong
sa Espanya’y hindi nawalan ng mga pusong tumitibok dahil sa inyo. Makaraan ang
dalawang oras ay nagbitiw sa tungkulin ang Kawani at nagsabing siya’y uuwi sa Espanya
lulan ng kasunod na koreo (bapor).
Nagbago ang mukha ng edukasyon sa San Diego dahil sa nangyaring
pagpapaskil. Wala na halos mga magulang ang nagpapaaral ng mga anak. Habang bihira
naman ang nakakapasa sa mga pagsusulit. Kabilang sa mga hindi nakapasa sina
Makaraig, Juanito Pelaez, Pecson, at Tadeo. Natuwa pa si Tadeo na di nakapasa at
sinunog pa ang mga libro nito. Nagmamadali namang nagpunta ng Europa si Makaraig
habang si Juanito naman ay kasama ng ama nito sa negosyo. Pinalad namang makapasa
sina Isagani at Sandoval habang wala pang pagsusulit si Basilio dahil nasa piitan pa ito.
Nabalitaan na rin ni Basilio ang nangyari kay Juli at ang nawawalang si Tandang Selo
dahil sa kutserong si Sinong na tanging dumadalaw kay Basilio.Napabalita ring ikakasal
na sina Juanito at Paulita. Dahil doon ay magkakaroon umano ng isang piging na
inaabangan na ng mga tao roon. Ito ang unang malaking pagtitipon matapos lumaganap
ang takot sa kanilang bayan.
KABANATA 33-35
Nagkulong si Simoun sa kaniyang kuwarto at tanging si Basilio lamang daw ang
papapasukin kapag dumating ito. Laking gulat ni Simoun sa hitsura ni Basilio. Payat na
payat ito, magulo ang pananamit, at tila isang patay na nabigyan lamang muli ng buhay.
Agad na ipinarating ni Basilio ang kagustuhan nitong umanib kay Simoun at sumama sa
mga plano. Naisip daw kasi niya na hindi pa niya naigaganti ang kaniyang magulang at
kapatid na yumao. Natuwa naman si Simoun at nagpunta sila sa laboratoryo at doon ay
ipinakita ang isang pampasabog na lampara na nilagyan ng nitroglicerina na gagamitin daw
sa Kapistahan. Nagbilin si Simoun na magkita sila ni Basilio sa tapat ng parokya ng San
Sebastian para sa huling pagpaplano. Iniisip ni Basilio ang magaganap na pagsabog.
Ikawalo na ng gabi at kakaunting sandali na lamang ay sasabog na ang lampara. Nakita
niyang bumaba sina Paulita at Juanito sa sasakyan bilang bagong kasal. Nahabag siya
para sa kaibigang si Isagani. Inisip niyang ayain ito sa himagsikan ngunit naisip niyang di
ito papayag dahil wala pa namang pasakit na naranasan sa buhay.
Naisip din ni Basilio ang ina at kapatid. Kaya hindi na rin siya makapaghintay sa
mangyayaring pagsabog. Dumating na rin si Simoun sa bahay ni Kapitan Tiyago kung saan
gaganapin ang piging dala ang lampara.
Nanumbalik sa alaala ni Basilio ang mga panahong nasa tahanan siya ni Tiago.
Nakita niya kung gaano karangya ang bahay at kagamitan sa tahanan ni Kapitan Tiago.
Nag-umpisa nang dumating ang mga bisita sa piging. Naroon na ang bagong kasal kasama
si Donya Victorina. Nasa loob na rin ng bulwagan si Padre Salvi pero ang heneral ay hindi
pa dumarating. Nakita na rin ni Basilio si Simoun dala ang ilawan na pampasabog. Nang
mga oras na iyon, nag-iba ang pananaw ni Basilio at nais nang maligtas ang mga tao sa
loob sa nakatakdang pasabog mula sa lampara. Ngunit hindi siya pinapasok dahil sa
madungis niyang anyo. Sa di kalayuan ay nakita niya ang kaibigang si Isagani. Dali-daling
umalis ang binata mula sa usapan dahil naisip si Paulita. Habang sa loob ng bahay, sa may
kakainan sa asotea ng mga diyus-diyosan ay may kapirasong papael na nagpalipat lipat sa
kanilang mga kamay. Nagnakasulat sa tintang pula ay:
Mane Thecel Phares, Juan Crisostomo Ibarra. Ikinagulat at binalot ng takot ang
lahat.
Ang teoryang pampanitikan ay ang sistematikong pag-aaral ng panitikan at
ang mga paraan sa pag-aaral ng panitikan na naglalarawan sa tungkulin ng panitikan
kabilang ang layunin ng awtor sa pagsusulat. Mayroong iba't ibang teorya para sa pag-
aaral na ito.
Ang Romantisismo ay may layuning magpamalas ng iba’t ibang paraang ng tao
o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, sa bansa, at
mundong kinalakhan. Ipinapakita rin sa akda na gagawin ng isang tauhan ang lahat
upang maipaalam lamang ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan.
Maaaring ilapat ang Humanismo sa mga akda na nagpapakita na ang tao ang sentro
ng mundo. Binibigyang pansin nito ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya
ng talino, ugali at iba pa.
Samantala ang teoryang Naturalismo ay naniniwalang may malayang
kagustuhan o kilos ang tauhan dahil ang kanyang buhay ay hinuhubog lamang ng
kanyang heredity at kapaligiran. Nabibigyang pansin nito ang mga saloobin, damdamin,
kilos, at gawi ng mga tauhan na epekto ng kapaligirang ginagalawan.
Sa pananaw ng Realismo, ang katotohanan ang binibigyang-diin at may
layuning ilahad ang tunay na buhay pinapaksa ang kalagayan na nangyayari sa lipunan
tulad ng kurapsyon, katiwalian, kahirapan at diskriminasyon at iba pa.
Ang akdang nasa pananaw ng Klasisismo ay naglahad ng mga pangyayaring payak,
ukol sa pagkakaiba ng estado sa buhay ng dalawang nag- iibigan, karaniwan ang daloy
ng mga pangyayari, matipid at piling- pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos
nang may kaayusan.
Gawain1: Panuto: Suriin ang mga mahahalagang pangyayari sa nobela batay sa sinasaad
na teoryang pampanitikan. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.
Katauhan: Paghambingin
Panuto: Paghambingin ang mga tauhan sa binasang kabanata ng nobela gamit ang mga
angkop na salita sa paghahambing
1. Ayon kay Padre Fernandez, mayroon na siyang mga dalawang libong estudyante na
naturuan at sinikap na maturuan ng mabuti. Anong damdamin ang ipinakita ni P.
Fernandez
a. Pagkagalak b. Pagkayamot c. Pagkalungkot d. Pagkapoot
2. Para kay Isagani, si Padre Fernandez isang taong kagalang-galang at siya ang
tinatangi kailanman.
a. Pagkatuwa b. Paghanga c. Pagtatampo d. Pagkapoot
3. Hindi mahalaga sa Padre kung ano man ang kaisipan ang ipinapahayan ni Isigani kahit
taliwas ito sa kanyang paniniwala, ngunit nangangamba ito para sa binata sapagkat
maaari siyang hindi makapasok sa Unibersidad.
a. Panunuya b. Pagkapoot c. Pangamba d. Pakatuwa
5. Hindi makita ni Simoun ang saya at sigla sa mukha ni Basilio bagkos nakikita niya dito
ang pamimighati dahil sa mga karanasan nito na punong -puno ng pagpapahirap.
a. kalungkutan b. kagalakan c. paghihiganti d. pagkagali
B. Panuto: Piliin ang angkop na mga salitang naghahambing upang mabuo ang
pangungusap sa bawat bilang.
Panuto: Ihambing ang dalawang tauhan mula sa mga kabanatang binasa sa pamamagitan
ng pagsulat ng talata gamit ang mga angkop na salita sa paghahambing ( 10
halimbawa ng salita sa paghahambing)
Paksa: Kung si Mataas na Kawani ay pinuno ng isang bansa. Ihambing ang bansang
pimumunuan niya sa bansang pinamumunuan ni Kapitan Heneral.
Rubrik sa pagsulat:
Anyo – Pagsunod sa uri ng ipinapasulat o hinihingi - 3 puntos
Balarila – Wasto at angkop sa paggamit ng mga salita - 3 puntos
Hikayat – Maayos ang daloy ng pangungusap/Lohikal - 2 puntos
Nilalaman – Malaman ang ideyang ibinahagi - 2 puntos
Kabuoan: 10 puntos
Filipino
Ikaapat na Markahan – Modyul 8
10
Paksa:
El Filibusterismo, Kabanata 36-39
Paggamit ng Mainining na paglalarawan gamit ang pang-uri
Layunin:
Bago natin simulan ang bagong aralin, subukin muna natin palawakin ang iyong
kaisipan sa pagkilala ng mga tauhan sa tulong ng mga pahayag at salitang maaring
maglarawan sa kanila.
B. Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang T kung
Tayutay, I kung Idyoma at P kung pang-uri ang mga salitang may salungguhit
na ginamit sa paglalarawan.
Magandang araw!
Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makapagbibigay ng
kaukulang pagpapakahulugan ng mga mahahalagang pahayag ng awtor/tauhan
at nagagamit ang angkop at masining na paglalarawan ng tao, pangyayari at
damdamin. Lubos ang magiging kagalakan, kung ikaw ay makapaglalarawan ng
tauhan at pangyayari sa tulong ng mga pang-uring umukit sa iyong imahinasyon
at pandama at maipamalas ang husay sa pagsulat ng isang paglalarawan ng
mahalagang pangyayari sa nobela. Tara na! Sabay-sabay natin tuklasin at
basahin ang buod ng mga kabanata tungo sa pagwawakas ng nobela.
Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na katanungan. Piliin ang tamang sagot.
Isang mahalagang elemento ng isang akda tulad ng nobela ang mga tauhan. Buhay
na buhay ang mga pangyayari sa tulong ng mga tauhan. Binibigyan nila ng kulay at buhay
ang papel na ginagampanan. Protagonista man sila o antagonista. Isang patunay nito ay
ang pagpapahayag ng mahahalagang diyalogo mula sa mga tauhan. Nagiging gabay iton
sap ag-unawa ng takbo ng mga pangyayari sa isang akda. Paano bibigyan ng kaukulang
pagpapakahulugan ang mga mahalagang pahayag ng mga tauhan? Simulan ito sa
pagbasa nang may pang-unawa. Suriin ang papel na ginampanan at katangian tauhan
kung kaugnay sa mga pangyayari. Suriin din ang layunin ng may-akda sa pagbuo sa mga
tauhan na gumaganap sa isinulat na akda.
Paraan ng Paglalarawan
Ang paglalarawan ay isang diskurso na ang layunin ay ipamalas sa nakikinig o bumabasa
ang nakikita ng mata, naamoy ng ilong, nararamdaman ng balat o ng katawan,
nalalasahan ng dila o Kaya naman ang naririnig ng tainga. Ito rin ay nagbibigay ng
kaalaman hinggil sa isang bagay na ayon sa pangkalahatang pangmalas ng manunulat.
Sa pamamagitan ng tiyak na salitang naglalarawan, naipapakita ang pisikal/konkretong
katangian.
Gawain 1
Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag ng ilang tauhan sa nobela. Suriin ang mga
ito, kung paano ginamit sa mga kabanata. Bigyan ng kaukulang pagpapakahulugan
ang mga ito.
1. “Paniwalain niyo sila na ang kanilang kaligtasan ay nasa kanilang pagkamatay, na ang
ikagiginhawa nila’y nasa kanilang paggawa, nagtiis gumawa…sinong Diyos iyan?”
-Simoun-
Pagpapakahulugan:
2. “Nasaan ang kabataang magbububo ng kanilang dugo upang hugasan ang maraming
kahihiyan, gayong karaming krimen, ang gayong karaming bagay na nakakamuhi”?
-Padre Florentino-
Pagpapakahulugan
3. “Ang kaligtasan ay nasa kabaitan, ang kabaitan ay pagpapakasakit at ang
pagpapakasakit ay pag-ibig.”
-Padre Florentino-
Pagpapakahulugan:
4. “Hayaang magbayad ang mabubuti kasama ang masasama.”
-Basilio-
Pagpapakahulugan:
5. “Ito ay masamang biro! Imposible dahil patay na siya!”
-Don Custodio-
Pagpapakahulugan:
Gawain2
Panuto: Gamitin ang angkop at masining na paglalarawan ng tao, pangyayari at
damdamin sa paglalarawan kay Padre Florentino gamit ang grapiko. Kopyahin
ang pormat sa hiwalay na papel at isulat ang iyong sagot.
Padre Florentino
Damdaming Pangyayaring
Naramdaman Natuklasan
Panuto: Isulat ang mga naganap na pangyayari sa artistikong paraang inilarawan dito ng
may-akda tulad ng paggamit ng matalinghagang salita, tayutay at mahusay na
paglalarawan. Kopyahin ang pormat sa hiwalay na papel at isulat ang iyong sagot.
Nangyari ito sa…… Mahalagang tumimo sa Nagawa ito ng tauhan
aking isipan…. sapagkat..
Ang pangyayaring ito ay tumimo sa aking isip Upang mailarawan nang malikhain ni Rizal
ang sapagkat… pangyayaring ito, gumamit siya ng mga…
Panuto: Sagutin ang katanungan sa ibaba. Punan ang grophic organizer. Kopyahin ang
pormat sa hiwalay na papel at isulat ang iyong sagot. (50 Puntos)
Sariling Wakas
PAMANTAYAN SA PAGSULAT
Kapani-paniwala ang naging wakas sa mga pangyayari sa nobela 15 PUNTOS
Nakapaglarawan ng tauhan, damdamin at pangyayari 20 PUNTOS
May kaisahan at kaayusan ang mga salitang ginamit sa pagsulat ng wakas 15 PUNTOS
ng nobela.
KABUUAN 50 PUNTOS
AKLAT:
Hiyas ng Lahi: Nina: Magdalena O. Jocson at Marites Tolasa
El Filibusterismo: Nina; Efren R. Abueg at Magdalena S. Sayas
Pluma: Nina: Emily Y.V. Marasigan, Nestor S. Lontoc, et al
WEBSITES:
https://brainly.ph/question/1363799
https://www.kapitbisig.com/philippines/el-filibusterismo-ni-dr-jose-rizal-book-notes-
summary-in-tagalog-kabanata-17-ang-perya-sa-quiapo-ang-buod-ng-el-
filibusterismo_108.html
https://www.slideshare.net/loveJoyYan/el-filibusterismo-kabanata-12-si-placido-
penitente?next_slideshow=1
Ipaliwanag Ang Kaisipan – Kahulugan At Mga Halimbawa Nito (philnews.ph)
https://www.panitikan.com.ph/kabanata-36-mga-kapighatian-ni-ben-zayb-buod-el-
filibusterismo
https://www.panitikan.com.ph/kabanata-37-ang-hiwagaan-buod-el-filibusterismo
https://www.panitikan.com.ph/kabanata-38-kasawiang-palad-buod-el-filibusterismo
https://www.panitikan.com.ph/kabanata-39-ang-katapusan-buod-el-filibusterismo
.
LARAWAN:
https://images.app.goo.gl/Y4nhcBm7AhrHTNCA6
https://images.app.goo.gl/3Ha5aDgHY16psosh8
https://images.app.goo.gl/3XnqhgEPE5tSNVwN8
https://images.app.goo.gl/ypa8qkkyJZFhYwvw7
Mga manunulat:
Marilyn B. Peren
CAA National High School Annex
Lhenny H. Maravive
Golden Acres National High School
Novy C. Nuez
Las Pinas East National High School
Emma F. Taclob
Las Piñas National High School
Mary Jean T. Hortilano
Medelyn F. Obando
Balideytor ng nilalaman at Wika