Professional Documents
Culture Documents
Filipino 10
Ikaapat na Markahan – Modyul 6:
El Filibusterismo
(Si Padre Florentino)
Self-Learning Module
Filipino – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 6: El Filibusterismo (Si Padre Florentino)
Unang Edisyon, 2021
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Office Address: Don Simeon St. San Vicente, Gapan City, Nueva Ecija
Telefax: (044) 486-7910
E-mail Address: gapan.city@deped.gov.ph
Alamin
1
Subukin
2
3. Sa iyong palagay, anong uri ng pamahalaan ang tinutukoy sa pahayag?
“Sa pagpapalusog ng masamang hilig ay walang bunga
kundi panghihinawa, nababagay ang pamahalaang may
masamang hilig sa bayang walang taros, sa pamunuang
walang budhi ay bagay ang mga mamamayang magnanakaw
at nagpapaalipin sa sariling bayan.”
A. tumutulong sa pag-unlad ng edukasyon
B. mabuti ang mithiin sa pag-unlad ng bayan
C. nagbibigay ng solusyon sa mga maling gawain ng mga tao
D. gumagamit ng kapangyarihan ng salapi, kalupitan at
pagsasamantala, karuwagan at pang-aabuso sa karapatang
pantao
3
7. Alin sa sumusunod na kaisipan ang kaugnay ng isyung pambansa at
pangyayaring pandaigdig?
A. pag-inom ng alak
B. pang-aapi sa mahihirap
C. paghahanap ng mapapangasawa
D. paggamit ng ipinagbabawal na gamot
4
Aralin
El Filibusterismo
1 (Si Padre Florentino)
Balikan
Bago tayo magsimula sa ating aralin, balikan muna natin ang mga
nakaraang kabanata tungkol kay Isagani.
Kabanata Kabanata
2 22
Kabanata Kabanata
14 27
Kabanata Kabanata
15 35
Kabanata
37
5
Tuklasin
3. “It is getting worse. So once again, I’m telling you the seriousness
of the problem and that you must listen. We are waiting for God’s
blessing na magkaroon tayo ng vaccine either from sino diyan na
bright boy: China, Russia, America. I’m sure na kung meron na
sila, they will share it with the rest of the world.
-pahayag ni Presidente Rodrigo R. Duterte
Mga Tanong:
6
3. Ano-anong damdamin ang ipinahihiwatig ni Presidente Rodrigo Duterte
sa huling pahayag niya? Kakikitaan ba siya ng paninindigan sa sariling
prinsipyo, kawanggawa at kabayanihan?
4. Paano naipakita ng mga pinuno ng iba’t ibang sektor ng lipunan ang
pagmamahal nila sa: Diyos, bayan, pamilya at kapwa-tao?
5. Sa iyong palagay, ano kayang prinsipyo ang maaaring ihalintulad sa
tatlong pinuno ng iba’t ibang sektor ng lipunan at sa tatalakaying
pangunahing tauhan?
Suriin
Talasalitaan:
1. Taripa - buwis
2. Panghihinawa - pagtitiis
3. Alingasngas - usap-usapan
4. Cerbeza - inuming nakalalasing
5. Filibuster - kalaban ng pamahalaan
6. bayang walang taros - bayang walang puso
7. Eminencia Negra - tagapayo at tanungan ng Kapitan Heneral
8. Cubierta - bahagi ng barko kung saan matatagpuan ang
________________________makina
9. Afyan -tabako o halamang pinagmumulan ng
________________________pinagbabawal na gamot
10. kabayong kastanyo -kabayong nababalutan ng pula o
_______________________kayumangging kulay
7
Kabanata 2:
Sa Ilalim ng Cubierta
Sa ilalim ng cubierta ay
nagsisiksikan ang higit na nakararaming
pasahero, ang iba’y nakaupo kasama ang
mga bagahe. Makikita malapit sa daong
ang dalawang estudyanteng kapuwa kilala
at iginagalang na nakikipagtalo kay
Kapitan Basilio. Ang mas matanda sa
dalawa na nakaitim na kasuotan ay si
Basilio ang isa naman, ang mas bata na mas mataas at mataba, ay si Isagani,
Kinukumusta ni Kapitan Basilio si Kapitan Tiyago.
”Katulad pa rin po ng dati,” naiiling na sabi ni Basilio. ”Ayaw po niyang
magpagamot. Pinapupunta niya po ako sa bahay niya sa San Diego upang
tingnan iyon, sa payo ng isang malapit sa kanya. Ngunit ang totoo, nais lang
niyang mapag-isa upang makahithit ng afyan.”
”Salot sa lipunan ang afyan. Noong panahon namin ay ginagamit na
gamot ang afyan, tanging mga Intsik ang nagmamalabis nito,” wika ni
Kapitan Basilio.
Napag-usapan nila ang Akademya ng Wikang Kastilia. ”Sasabihin ko sa
inyo nang harapan na hindi iyan matutupad,” ang sabi ng matanda.
”Matutupad po, pahintulot na lang po ng Kapitan Heneral ang aming
hinihintay. Si Padre Irene na niregaluhan namin ng dalawang kabayong
kastanyo ang siyang nangako sa amin. Siya’y makikipagkita sa Heneral sa
Los Baños”, sagot ni Isagani.
”Tututulan iyon ni Padre Sibyla.’ ang patlang ng matanda.
”Hayaan ninyo siyang tumutol! Kaya narito iyon ay makikipagkita rin
sa Kapitan Heneral sa Los Baños,” wika ni Basilio habang pinagkiskis nang
pasuntok ang mga kamay.
”At paano ang gugulin kung pumayag man sila?” Tanong ni Kapitan
Basilio.
”Mag-aambag ang mga estudyante. At ang mga propesor na magtuturo
ay kalahating Pilipino at kalahating Kastila.”
”At ang bahay?”
”Inihandog po ni Makaraig ang isa sa kanyang bahay.” Sa gayo’y
napahinuhod na ang matanda dahil handang-handa sila sa kanilang
panukala.
”Sa bagay, walang masama sa panukalang iyan. Noong panahon namin
nag-aaral kami ng Latin dahil nasusulat sa Latin ang mga aklat. Makikita mo
talagang paurong tayo. Ngaun, mag-aaral kayo ng Latin na wala namang
aklat na Latin, samantalang ang mga aklat ninyo ay Kastila hindi naman
8
itinuro ang Kastila!” pagkasabi niyon ay
iniwan na ang mga binatang
nagkatawanan.
”Pareho sila ng iyong amain, pag-
uusapan nila ang kanilang
kapanahunan,”sabi ni Basilio. ”Ano ang
palagay ni Padre Florentino kay Paulita?”
Namula si Isagani. ”Ipinaalala niyang pumili ako ng mapapangasawa.
Walang maipipintas kay Paulita, napakaganda, may pinag-aralan, mayaman,
at ulila- ngunit may tiyahing sadyang nakayayamot.”
Nanaog si Simoun. Nilapitan ang dalawang binata. Tinanong nito si
Basilio kung magbabakasyon siya kasama ang kababayan na ang tinutukoy
ay si Isagani. Sinabi ni Basiliong hindi nito kababayan si Isagani, taga-Tiani
ito.
Tinanong din ni Simoun ang kalagayan ng Tiani dahil hindi siya
napupunta roon at wala naman daw bumibili ng alahas.
”Hindi kami bumibili ng alahas dahil hindi namin kailangan,”
pagtatanggol ni Isagani.
Matipid na ngiti ang itinugon ni Simoun. Halikayo, samahan ninyo
akong uminom ng cerbeza.” Tumanggi ang dalawang binata. Tila nagdamdam
si Simoun sa mga binata. Sinabi niyang ayon kay Padre Camorra, ang pag-
inom ng tubig ang dahilan ng kawalang lakas ng mga tao sa Pilipinas. Tumayo
nang tuwid si Isagani sa tinurang ito ng mag-aalahas.
”Sabihin ninyo kay Padre Camorra, kung tubig sa halip na serbesa ang
iniinom niya ay magtatagumpay kami at walang maririnig na alingasngas,”
biglang sabi ni Basilio at palihim na siniko si Isagani.
Nagtaka si Basilio kay Isaganing naging mapusok sa pakikipag-usap
kay Simoun. Tinugon siya nitong hindi niya rin maintindihan kung bakit
pinanghihilakbot siya ng mag-aalahas.
”Siniko na kita’y hindi mo pa ako pinapansin. Hindi mo ba alam na
tinatawag siyang Kardinal Moreno, Eminencia Negra, sapagkat tagapayo at
tanungan siya ng Kapitan Heneral. Ganyan ang tawag sa kanya ng isang
taong pumupuri kung nakaharap at lumilibak kung siya’y nakatalikod,” ani
Basilio.
Maya-maya’y lumapit ang isang utusan kay Isagani at sinabing
ipinatatawag siya ng amaing si Padre Florentino.
Si Padre Florentino ay anak-mayaman at wala sa hinagap na
magpapari. Pinilit siya ng kanyang inang tumupad sa panata. Malapit sa
arsobispo at matigas ang loob sa anumang pasya ang kanyang ina. Anumang
pakikipagtalo ang kanyang gawin at sabihing siya’y may nobya, hindi
nagbago ang pasya nito sa paniniwalang higit na mabuting pagsunod sa
Diyos ang gayong paraan.
9
Samantala, pinakiusapan ng Kapitan ang pari
na magpunta sa itaas ng cubierta at baka raw sabihin
ng mga fraile sa itaas ay ayaw niyang makihalubilo.
Ipinahanap ni Padre Florentino si Isagani upang
sabihang huwag sumunod dahil baka ipagpalagay na
sila’y nananamantala.
Naiiling na lamang si Isagani dahil nalaman
niyang ayaw lamang ng kanyang amaing makausap
si Donya Victorina.
Kabanata 3:
Ang Mga Alamat
10
Masaya parin nag-uusap ang mga ito hanggang sa makarating na sila
sa lawa ng dagat na tabang. Lahat nangigilalas sa tanawin ng magandang
lawang napapaligiran ng luntiang pampang at bughaw na bulubundukin.
Maalala ko nga pala, kapitan alam ba ninyo kung saan napatay ang
isang nagngangalang Navarra Guevarra o Ibarra?’’ usisa ni Ben Zayb.
Napatingin ang lahat sa kapitan maliban kay Simoun.
“Sa gawaing iyon “ang turo ng kapitan. “nang tinugis si Ibarra’y
tumalon at sumisid at tuwing lilitaw ang ulo ay pinauulanan ng bala. Hindi
na siya nakita mula noon. Sa pampang ay may nakakitang kulay dugo ang
tubig.”
Ngayon ang ikalabintatlong taon na ang nakalipas buhat nang iyan ay
mangyari.
“Samakatuwid ang bangkay niya’y…” tanong ni Ben Zayb.
“Sumama na sa bangkay ng kanyang ama,” dugtong ni Padre Sibyla
“na isang ring filibustero, hindi ba Padre Salvi?
“Iyan ang matatawag na pinakamurang libingan, hindi ba Padre
Camorra?” sabat naman ni Ben Zayb.
“Ang mga filibustero ay hindi nakababayad ng maringal na libing.”
natatawang sagot ni Padre Camorra.
“Ginoong Simoun anong nangyare sa inyo? Nahihilo ba kayo sa halos
isang patak na tubig lamang? Kayo’y datihan nang manlalayag!” ani ni Ben
Zayb nang mapansing walang kakibu-kibu ang mag aalalahas.
Sumabad ang kapitan na kinagigiliwan ng pook na mailalarawan.
Malaki ang lawang ito sa alinmang lawa sa Suiza at pag sama-samahin mo
man ang mga lawa sa Espanya, dahil nasaksihan ko na nang maraming beses
na ang mga mandaragat ay nahilo rito.”
Kabanata 39:
Katapusang Kabanata
11
”Huwag kayong mag-aksaya ng panahon! Mamamatay akong dala ang
aking lihim.”
Matapos manalangin sa kanyang reklinaryo, naupo ang pari sa ulunan
ng maysakit at nakinig.
Isinalaysay ni Simoun, labintatlong taon na ang nakalipas nang
magbalik siya mula sa Europa, nawala lahat sa kanya liban na lamang sa
buhay na pinagpakasakit ng isang kaibigan sa gayo’y tumakas siyang dala
ang kayamanan at isinumpang maghihiganti.
Pagkaraan ng ilang sandaling katahimikan ay nagwikang ”Patawarin
kayo ng Diyos, G. Simoun! Nalalaman Niyang anak tayo sa pagkakamali.
Nakita Niya ang iyong mga tiniis. Itinulot Niyang matagpuan ninyo ang
kaparusahan sa kamay mismo ng inyong inudyukan, ang Kaniyang walang
hanggang awa ay nakita. Ang una, sa pagkamatay ni Maria Clara. Pagkaraan
ay sa kakulangan ng pag-iingat at ang panghuli’y sa mahiwagang paraan.
Sundin natin ang Kaniyang kalooban at pasalamatan!”
”Sa iyong palagay ay kalooban Niya na ang pulong ito’y......” mahinang
sagot ng kausap.
”Magpatuloy sa kaniyang kinasasadlakan? Hindi ko alam, Ginoo.
Walang makababatid sa kalooban ng Diyos. Ang nalalaman ko’y hindi siya
nagpabaya sa mga sandaling ang bayan ay tumawag sa Kanya. At Siya ang
ginawang Hukom sa pagkasiil. Kailanma’y hindi nawala ang Kaniyang bisig
sa kawalan ng katarungan, sa mga ipinaglalaban ang pamilya sa kanilang
mga karapatan. Hindi, ang Diyos ay makatwiran hindi nagpapabaya sa
Kaniyang layong kalayaan na kung wala ay walang katwiran!
”Kung gayo’y bakit ipinagkait Niya ang tulong sa akin?” ang sabi ni
Simoun na lipos ng hinanakit.
”Sapagkat ang inyong pamamaraan ay hindi Niya sinang-ayunan!. Ang
karangalang pagliligtas sa bayan ay hindi makakamit sa tulong ng
nagpapahirap sa Kaniya. Isang pagkakamali ang gumawa ng masama sa
pagliligtas sa kasamaan! Pag-ibig lamang ang nakapagliligtas, ang
nakagagawa ng mga kahanga-hanga, ng kabaitan, ang kabaitan ay
pagpapakasakit at ang pagpapakasakit ay pag-ibig.”
”Kaya nga inudyukan ko ang mga kalupitan....”
”Tunay, lalong maraming udyok ng kasamaan ang kumalat! Pinalusog
ninyo ang kabulukan nang hindi nagtanim ng anumang adhikain. Sa
pagpapalusog ng masamang hilig ay walang bunga kundi panghihinawa,
nababagay ang pamahalaan may masamang hilig sa bayang walang taros, sa
pamunuang walang budhi ay bagay ang mga mamamayang magnanakaw at
nagpapaalipin sa sariling bayan. Kung ano ang Panginoon ay gayon ang
alipin; kung ano ang Pamahalaan ay gayon din ang bayan.”
”Kung gayo’y ano po ang dapat gawin?”
”Magtiis at gumawa.”
12
”Magtiis at gumawa! Madaling sabihin sa hindi nagtitiis... kung sa
paggawa ay may gantimpala. Kung ang inyong Diyos ay hihiling sa tao ng
gayong karaming paghihirap, ang tao’y bahagya nang makaaasa sa
kasalukuyan, at lalong may pag-aalinlangan sa kinabukasan. Kung makikita
n’yo lamang ng mga maralitang nakita ko, mga kahabag-habag na nagtitiis
ng hirap dahil sa pagkakasalang ’di sila ang may sala, mga pagpatay upang
mapagtakpan ang kasalanan ng iba, mga sapilitang paggawa, ah! Magtiis,
gumawa... siyang kalooban ng Diyos! Papaniwalain ninyo silang ang
pagkamatay ang kaligtasan nila, na ang paggawa nila’y sa kaginhawahan ng
kanilang pamilya! Magtiis, gumawa! Anong klaseng Diyos iyon?”
”Diyos na nagpaparusa sa mga kulang ang pananalig, sa masasamang
gawi, sa napakaliit, mababang pagpapahalaga natin sa karangalan ng
pagkamamamayan. Pinababayaan natin at tayo’y magiging alipin ng ating
masamang hilig; kaya matuwid lang na bathin natin at ng ating mga anak,
ang bunga niyon. Siya ang Diyos ng kalayaan at ginagawang mabigat ang
ating pasanin upang ibigin ang kasarinlan, isang Diyos ng kaawaan, ng
pagkakapantay-pantay na habang nagpaparusa sa ati’y pinabubuti tayo at
ang pinagkakalooban lamang ng mabuting kalagayan ay nararapat dahil
sila’y nagpapakasakit.
Sa huli, sinabi ni Padre Florentino na kung ang mga Pilipino ay
handang ipaglaban ang karapatan at hindi yumuyuko sa pandarahas, ang
Espanya ang kauna-unahang magbibigay ng kalayaan.
Nang makitang walang sinasabi ang may sakit ay nagpatuloy sa pag-
iisip ang matandang pari na tila bumubulong. Mahinang katok ang pumukaw
sa kanyang pag-iisip, nang buksan ng alila ang ilaw, nilapitan ang maysakit
na inakalang natutulog lamang ngunit nang maramdamang hindi humihinga
ay hinipo at nalamang patay na. Tinitigan niya ang bangkay, matinding hapis
ang mababakas sa mukha, ang sakit ng isang buhay na walang kabuluhan
dala hanggang kamatayan.
”Kaawaan nawa ng Diyos ang mga nagligaw sa kanya ng landas!”
bulong ng nangilabot na pari.
Habang nagdarasal ang mga alila ng ukol
sa patay, pumanaog ng bahay ang pari at
tinungo ang talampas dala ang kayamanan ni
Simoun at inihulog ito sa dagat.
”Itago ka nawa ng kalikasan kasama ang
mga perlas at korales sa walang hanggang lalim
ng dagat. Kung sa isang dakila at marangal na
layon ay kailanganin ka ng mga tao, kunin ka
ng Diyos sa pusod ng dagat. Samantala, diyan
ay hindi ka magliliko ng katuwiran at hindi
mag-uudyok ng kasakiman.”
13
Ano ang paglalarawan?
B. Paglalarawan ng damdamin
Ang tunog ay nagmumula kay Padre Florentino na buhus
na buhos ang damdamin sa pagtugtog upang doon man lamang
ay maibulalas ang kalungkutang bumabalot sa kaniyang puso.
C. Paglalarawan ng pangyayari
Itago ka nawa ng kalikasan kasama ang mga perlas at
korales sa walang hanggang lalim ng dagat.
14
Pagyamanin
Sariling Pananaw o
Kaisipan
Paniniwala
1. Edukasyon
- Kabuluhan
2. Pamahalaan
- pamamalakad
- paggamit ng kapangyarihan
- kapangyarihan ng salapi
- kalupitan at pagsasamantala sa kapuwa
- kahirapan
- karapatang pantao
- paninindigan sa sariling prinsipyo
3. Pagmamahal
- Diyos
- bayan
- pamilya; at
- kapuwa-tao
4. Kapuwa-tao
- kabayanihan
- paglilibang
- kawanggawa
15
Gawain 2: Ako at ang Aking Lipunan
Panuto: Basahin ang mga pahayag mula sa mga kabanata. Ipaliwanag ang
kabuluhan ng mga kaisipang lutang sa akda kaugnay ng karanasang
pansarili, gawaing pangkomunidad, isyung pambansa, at pangyayaring
pandaigdig. Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na papel.
Bilang
Isang Pari
Padre
Florentino
Damdaming Pangyayaring
Naramdaman Natuklasan
16
Isaisip
Isagawa
17
Padre Florentino
Tayahin
18
2. Ang kaisipang lumutang sa pahayag ay ___________.
”Itago ka nawa ng kalikasan kasama ang mga perlas at
korales sa walang hanggang lalim ng dagat. Kung sa isang dakila
at marangal na layon ay kailanganin ka ng mga tao, kunin ka ng
Diyos sa pusod ng dagat. Samantala, diyan ay hindi ka magliliko
ng katuwiran at hindi mag-uudyok ng kasakiman.”
4. “Sabihin ninyo kay Padre Camorra, kung tubig sa halip na cerbeza ang
iniinom niya ay magtatagumpay kami at walang maririnig na
alingasngas,” biglang sabi ni Basilio at palihim na siniko si Isagani.
Batay sa pahayag, ang katangiang mayroon si Basilio ay ___________.
A. mapanghusga
B. mapagkawanggawa
C. may mabuting kalooban
D. may sariling paninindigan
20
6. Ang mga sumusunod ay mga gawaing pangkomunidad na isinagawa ni
Padre Florentino maliban sa ___________.
A. pagtupad sa panata
B. pagdarasal at pananampalataya
C. pagkakaroon ng maringal na misa
D. pagsunod sa kagustuhan ng magulang
21
Karagdagang Gawain
22
Susi sa Pagwawasto
sagot
magkakaiba -iba ang
Maaaring
GAWAIN 3
B 10. D 10.
D 9. ang sagot C 9.
C 8. Maaaring magkakaiba -iba A 8.
A 7. D 7.
D 6. GAWAIN 2 D 6.
A 5. C 5.
D 4. ang sagot A 4.
D 3. Maaaring magkakaiba -iba D 3.
D 2. D 2.
B 1. GAWAIN 1 B 1.
Sanggunian
Marasigan, Emily. (2015). Pinagyamang Pluma 10 Aklat 2 El Filibusterismo.
Quezon City, Phoenix Publishing House, Incorporated
https://www.slideshare.net/mobile/Jovelynspresentation/paglalarawan-
kompleto-detalye-mga-uri-at-pamamaraan
https://interaksyon.philstar.com/politicsissues/2020/10/05/178063/b
riones-declares-victory-over-covid-19-as-students-teachers-
continue-to-struggle-in-distance-learning/
https://www.ioamogesu.com/tl/papa-francesco-la-pandemia-harivelato-
quanto-spesso-la-dignita-umana-venga-ignorata/
https://pcoo.gov.ph/presidential-speech/nation-address-of-president-
roa-duterte-on-coronavirus-disease-2019-covid-19-pandemic/
23