Professional Documents
Culture Documents
Filipino
Ikatlong Markahan
Modyul 2
(Linggo 2)
“Anekdota mula sa Persia/Iran”
0
Panimula
Sa Persia (Iran ang tawag sa kasalukuyan), ang kanilang mga lupain, mga tao na
binabanggit kasama ng Medo, at mga Persiano ay magkakaugnay na mga bayan ng sinaunang
Tribong Aryano. Mayaman sa sining tulad ng pagpapana at pangangabayo. Ang pagsasabi ng
katotohanan ay makikita sa literaturang naiambag nila sa maraming bansa sa daigdig.
Ang araling ito ay tungkol sa anekdota ng Persia (Iran) na nakikitaan ng mga kasabihan,
relihiyon sa paniniwalang Sufism, pagpapaunlad ng isang indibiduwal sa pamamagitan ng
pandama. Masusuri rin ang kanilang matapat na pakikipamuhay sa kapwa at mga naiambag ng
kanilang mahusay na mga manunulat sa mundo ng pilosopiya at paniniwala. Kasabayan din nito
ang pagpapaunlad ng iyong kasanayan sa pagsasalaysay.
SUBUKIN
Bago mo simulang pag-aralan ang paksa ngayong linggo, sagutin mo muna ang
paunang pagtataya.
Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Isulat ang titik ng iyong sagot sa isang buong
papel.
1. Ito ay pagpapahayag ng mga pangyayari o kasanayang magkakaugnay.
A. paglalahad C. pangangatwiran
B. paglalarawan D. pagsasalaysay
2. Sa pagsulat ng isang anekdota, kinakailangan na ang panimulang pangungusap ay
______________.
A. kagilas-gilas C. kanais-nais
B. kamangha-mangha D. kapana-panabik
3. Ito ay kuwento ng isang kawili-wili at nakatutuwang pangyayari sa buhay ng isang tao.
A. anekdota C. sanaysay
B. nobela D. tula
4. Ang mga sumusunod ay mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksa, MALIBAN SA
ISA.
A. kawilihan ng paksa C. tiyak na panahon o pook
B. kilalanin ang mambabasa D. kakayahang manghikayat
1
5. Siya ay kilala bilang pinakamahusay sa pagkukuwento ng katatawanan sa kanilang
bansa sa Persia.
A. Allah C. Saadi
B. Mullah Nassreddin D. Simon
6. Ito ay bansa na matatagpuan sa Kanlurang Asya na kilala ngayon sa tawag na Iran.
A. Pakistan C. Peru
B. Persia D. Pilipinas
7. Ang anekdota ng Persia na nakikitaan ng mga kasabihan, relihiyon sa paniniwalang
_________, pagpapaunlad ng isang indibiduwal sa pamamagitan ng pandama.
A. Buddhism C. Sufism
B. Islamic D. Taoism
8. Katangian ng anekdota na lahat ng mga pangyayari ay dapat mabigyan ng kahulugan sa
ideyang nais ilahad.
A. May isang paksang tinalakay.
B. Makapagbabatid ng magandang karanasan.
C. Magbigay ng pangganyak sa mga mambabasa.
D. Ganap na pagkaunawa sa kaisipang nais ihatid.
9. Ano ang pangunahing layunin ng anekdota sa mga mambabasa?
A. Makapanghihikayat lamang.
B. Makapagpapatawa sa mga mambabasa.
C. Makapaglalahad ng di-makatotohanang pangyayari.
D. Makapagbabahagi ng isang magandang karanasan na kapupulutan ng aral.
10. “Kung alam na pala ninyo ang aking sasabihin, hindi ko na sasayangin ang marami
ninyong oras” muli siyang umalis. Ang mga tao ay nalito at nataranta sa kaniyang sagot.
Ang salitang may salungguhit ay nangangahulugang ____________.
A. nagulumihanan C. nangamba
B. nalungkot D. nangimi
11. Epektibo ba ang paraang ginamit ni Mullah sa pagbibigay ng aral?
A. Oo, marahil natuwa ang mga tagapakinig.
B. Hindi, marahil nalito ang mga tao sa kaniya.
C. Hindi, dahil hindi masyadong halata ang mensaheng gusto niyang ipabatid sa mga
tagapakinig.
D. Oo, dahil may halong katatawanan at naiugnay ito sa mensahe, mas matatandaan
ng mga nakikinig.
12. Anong mahalagang kaisipan ang nais ipahayag ng akdang “Mullah Nassreddin”?
A. Matutong magtiyaga sa lahat ng oras.
B. Matutong magbahagi sa kung anong mayroon ka.
C. Ang oras at panahon ay napakahalaga at hindi dapat sayangin.
D. Huwag husgahan ang tao sa pamamagitan ng kanyang panlabas na anyo.
2
Para sa aytem bilang 13-15
Sumagot ang Mongheng Mohametano, “Hayaan mong ang Sultan ang magbigay ng
paggalang para harapin ang mabebenipisyo sa kaniyang magandang gawa. Sabihin
mo sa kaniya, ang hari nilikha para sa kagalingan ng kaniyang nasasakupan at hindi
nilikha ang mamamayan para paglingkuran ang Sultan.”
-Mula sa Elements of Literature nina Holt et. Al. 2008. Texas, USA
Aralin
“Mullah Nassreddin”
Anekdota mula sa Persia/Iran
3.2 Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles
ALAMIN
3
BALIKAN/ PAGGANYAK
Handa ka na ba? Simulan nating pagyamanin ang iyong kaalaman at kakayahan. Subukin
nating basahin ang isang anekdota at iyong suriin ang katangian nito.
Akasya o Kalabasa
Consolation P. Conde
Hindi maikakaila na kung malaki ang puhunan ay maaaring tumubo rin iyon nang
malaki kaysa maliit ang naturan. Gayundin ang paghahanda at pagpupunyagi ng tao na
pinamumuhunan ng puu-puung taong pag-aaral at pagpapakasakit. Karaniwan nang sa
may mataas na pinag-aralan ay maamo ang kapalaran. At ito’y maitutulad din nga sa
paghahalaman.
Pasukan na naman. Nagbukas na ang mga pamantasan at matataas na paaralan
sa Maynila. Samantala, sa nayon ng Kamias, hindi kalayuan sa lungsod…
Maagang nagbangon nang umagang yaon si Aling Irene at inihanda kapagkaraka
ang mga pangangailangan ng kabutong anak na si Iloy. Si Mang Simon naman ay hindi
muna nagtungo sa linang upang samahan sa pagluwas ang anak na pag-aaralin sa
Maynila.
Awa naman ng Diyos ay maluwalhating nakarating sa lungsod ang mag-ama. Isang
balitang paaralang sarili ang kanilang tinungo agad. Dinatnan nila ang tagatala na abalang-
abala sa pagtanggap ng di-kakaunting mga batang nagsisipagprisinta.
Nagpalinga-linga si Mang Simon. Nang makita ang babalang nakasabit sa may
pintuan ng Tanggapan ng Punung-guro ay kinawit sa bisig si Iloy. “Halika at makikipag-
usap muna ako sa punung-guro.”
“Magandang umaga po sa kanila,” panabay na bating galang ng mag-ama.
“Magandang umaga po naman,” tugon ng punung-guro na agad namang nagtindig sa
pagkakaupo at nag-alok ng upuan. “Ano po ang maipaglilingkod ko sa kanila?”
“E, ibig ko po sanang ipasok ang aking anak dito sa inyong paaralan.”
“A, opo. Sa ano po namang baitang?” usisa ng punung-guro.
“Katatapos pa po lamang niya ng elementarya sa aming nayon noong nakaraang
Marso,” paliwanag ni Mang Simon.
“Kung gayon po’y sa unang taon ng haiskul, ano po?”
“Ngunit.. ibig ko po sanang malaman kung maaaring ang kunin na lamang niya ay
isang maikli-ikling kurso ukol sa isang tanging karunungan upang siya’y makatapos agad,
maari po ba?”
“Aba. Opo.” Maaga pa na tugon ng punong-guro. “Maaring ang lalong pinakamaikling
kurso ang kaniyang kunin. Iyan ay batay sa kung ano ang gusto ninyong kalabasan niya.
Kung ang nais ninyo ay magpatubo ng isang mayabong na punong akasya, gugugol kayo ng
puu-puung taon, subalit ang kakailanganin ninyo ay ilang buwan lamang upang
makapaghalaman kayo ng isang kalabasa.”
Dili di natubigan si Mang Simon sa huling pangungusap ng punong-guro. Gayundin si
Iloy. Pagkuwan ay nagbulungan ang mag-ama.
At… umuwi nang nag-iisa si Mang Simon. Habang naglalakbay na patungong
lalawigan ay tatambis-tambis sa sarili: “A, mabuti na nga ang kunin niyang buo ang kurso sa
haiskul ay saka na siya kumarera. Higit na magiging mayabong ang kaniyang kunabukasan.”
4
- Mula sa Diwang Kayumanggi. 1970
ANEKDOTA
TUKLASIN
ALAM MO BA NA…
Ang anekdota ay isang kuwento ng isang nakawiwili at nakakatuwang pangyayari sa
buhay ng isang tao? Layon nito ay makapagpabatid ng isang magandang karanasan
na kapupulutan ng aral. Ito’y magagawa lamang kung ang karanasan o ang
pangyayari ay makatotohanan.
Isang malikahaing akda ang anekdota. Dapat na ang bawat pangungusap ay
kukuha ng interes ng mambabasa. Dapat na ang panimulang pangungusap ay
kapana-panabik. Ang isang magandang panimula ay magbibigay ng pagganyak sa
mambabasa at mahihikayat na ipagpatuloy ang pagbasa ng anekdota.
Naririto ang ilang katangian ng anekdota:
a. May isang paksang tinalakay. Ito ay dapat bigyan na kahulugan sa pagsulat ng
anekdota. Lahat ng mga pangyayari ay dapat mabigyan ng kahulugan sa
ideyang nais ilahad.
b. Ang isang anekdota ay nagdudulot ng ganap na pagkaunawa sa kaisipang nais
nitong ihatid sa mga mambabasa. Di dapat mag-iwan ng anumang bahid ng
pag-aalinlangan na may susunod pang mangyayari.
TI.answer.om/o/Ano_ibig_sabihin_ng_anekdota
5
Ngayon, basahin at unawain mo ang anekdota mula sa Persia.
Mullah Nassreddin
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles
-Mula sa http://iranian.com/main/blog/m-saadat-noury/frist-iranian-
mullah-who-was-master-anecdotes.html
Mullah Nassereddin
PAKSA: PARAAN NG
PAGSULAT:
TAUHAN: MOTIBO NG
AWTOR:
TAGPUAN:
SURIIN/TALAKAYIN
ALAM MO BA NA…
Ang anekdota ay akdang pampanitikan na nabibilang sa pagsasalaysay?
Ang pagsasalaysay ay isang diskurso na naglalatag ng mga karanasang
magkakaugnay. Pagkukuwento ito ng mga kawili-wiling pangyayari, pasulat man o
pasalita. Itinuring ito na pinakamasining, pinakatanyag, at tampok na paraan ng
pagpapahayag. Ito rin ang sinasabing pinakamatandang uri ng pagpapahayag
sapagkat dito nagsimula ang alamat o epeko, at mga kuwentong bayan ng ninunong
mga Pilipino maging sa ibang bansa man.
Ang pagpili ng paksa ang unang mahalagang hakbang sa pagsulat ng
pagsasalaysay. Kailangang ito ay maganda at kawili-wili. Bukod dito, mahalaga ring
napapanahon ito at may dalang lugod at kabutihan sa mga mambabasa.
7
5. Kilalanin ang mambabasa- sumusulat ang tao hindi para lamang sa kaniyang
pansariling kasiyahan at kapakinabangan, kundi para sa kaniyang mambabasa.
ANG MGA MAPAGKUKUNAN NG PAKSA
1. Sariling Karanasan – Pinakamadali at pinakadetalyadong paraan ng
pagsasalaysay ng isang tao sapagkat ito ay hango sa pangyayaring naranasan ng
mismong nagsasalaysay.
2. Narinig o napakinggan sa iba- Maaaring usapan ng mga tao tungkol sa isang
pinagtatalunang isyu, mga balita sa radyo at telebisyon, at iba pa. Subalit, tandaang
hindi lahat ng naririnig sa iba ay totoo at dapat paniwalaan. Mahalagang tiyakin muna
ang katotohanan bago isulat.
3. Napanood- Mga palabas sa sine, telebisyon, dulaang pangteatro, at iba pa.
4. Likhang-isip- Mula sa imahinasyon, katotohanan man o ilusyon ay makalilikha ng
isang salaysay.
5. Panaginip o Pangarap- Ang mga panaginip at hangarin ng tao ay maaari ring
maging batayan ng pagbuo ng salaysay.
6. Nabasa – Mula sa anumang tekstong nabasa kailangang ganap na nauunawaan
ang mga pangyayari.
MGA URI NG PAGSASALAYSAY
1. Maikling Kuwento – Nagdudulot ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa sa
pamamagitan ng paglalahad ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng tauhan.
2. Tulang Pasalaysay- Patulang pasalaysay ng mga pangyayari sa pamamagitan ng
mga saknong.
3. Dulang Pandulaan – Binigyang diin dito bawat kilos ng mga tauhan, ang kanilang
panlabas na kaanyuan kasama na rito ang kanilang pananamit, ayos ng buhok at
mga gagamiting mga kagamitan sa bawat tagpuan. Ang kuwentong ito ay isinulat
upang itanghal.
4. Nobela- Nahati sa mga kabanata; punong-puno ng mga masalimuot na pangyayari.
5. Anekdota – pagsasalaysay batay sa tunay na pangyayari.
6. Alamat – Tungkol sa pinagmulan ng isang bagay o anuman sa paligid.
7. Talambuhay – “Tala ng buhay” ng isang tao, pangyayaring naganap sa buhay ng
isang tao mula sa kanyang wakas.
8. Kasaysayan – Pagsasalaysay ng mahalagang pangyayaring naganap sa isang tao,
pook o bansa.
9. Tala ng Paglalakbay (Travelogue) – Pagsasalaysay ng isang pakikipagsapalaran,
pagbibiyahe o paglalakbay sa ibang lugar.
GAWAIN 4: SURIIN MO
Panuto: Suriin ang mga pangyayari sa binasang anekdota batay sa wastong pagsasalaysay
at tukuyin ang damdaming nangingibabaw.
1. Simula
2. Gitna
8
3. Wakas
Kawilihan ng Paksa
Sapat na kagamitan
Kakayahang Pansarili
Pagkilala sa mambabasa
GAWAIN 6: OPINYON KO
Panuto: Manood ng halimbawang anekdota sa youtube. Ibigay ang sariling opinyon tungkol
sa napanood.
Free Cartoon Boy Looking At Computer, Boy Clipart, Free, Cartoon PNG Transparent Clipart Image and PSD File for Free Download (pngtree.com)
9
ISAISIP
TANDAAN!
Ang anekdota ay kuwento ng isang kawili-wili at nakatutuwang pangyayari sa buhay ng
isang tao. Isa itong akdang pampanitikan na nabibilang sa diskursong pasalaysay.
Ang pagsasalaysay ay itinuring na pinakamasining, pinakatanyag, at tampok na paraan
ng pagpapahayag. Ang pagpili ng paksa ang unang mahalagang hakbang sa pagsulat
ng pagsasalaysay. Kailangang ito ay maganda at kawili-wili. Bukod dito, mahalaga ring
napapanahon ito at may dalang lugod at kabutihan sa mga mambabasa. Gaya ng
anekdotang “Mullah Nassreddin”, isa itong diskursong nagsasalaysay at naglalayong
makapagpabatid ng isang magandang karanasan na kapupulutan ng aral. Isa itong
halimbawa ng anekdota sa Persia (Iran) na nakikitaan ng mga kasabihan, relihiyon sa
paniniwalang Sufism at nagpapaunlad ng isang indibiduwal sa pamamagitan ng
pandama.
ISAGAWA
Ang mga sulat ni Saadi ay naitala dahil sa dalawang kadahilanan: Una ang pagiging simple
sa paggamit ng direktang lengguwahe o salita upang makabuo ng isang mahusay na aklat
para sa pagsisimula ng mga mag-aaral na Persiano. Ikalawa, binubuo ito ng simpleng
kasabihan at mga kuwento ng itinuturing na mahusay na mga pahayag ng paniniwalang Sufi.
Para sa Sufis, ang Sufism ay hindi lamang relihiyon o pilosiya, bahagi ito ng buhay.
Wala itong kaugnayan sa bagay at lugar at hindi rin ito nagpapahalaga sa oras, pera o maging
karangalan. Nakapokus ito sa pagpapaunlad ng isang indibiwal sa pamamagitan ng kanilang
mga pandama. Ang pagkaunawa sa Sufi ay maihahalintulad sa pagbibinata o pagdadalaga
na kung paano ang bata ay nagkakaroon ng kaalaman sa kaniyang pagbibinata/
pagdadalaga. Matutuhan ng tao ang kaalamang Sufi sa proseso, pag-uanawa at pagsasanay.
Narito ang isang anekdota ni Saadi. Basahin mo ito nang may pag-unawa.
Isang araw, ang mongheng Mohametano ay nag-iisa at namamanata sa disyerto. Ang Sultan
naman na namamaybay sa kaniyang ruta, sa kaniyang nasasakupan ay matamang
10
nagmamasid sa mga tao. Nakita niya na hindi nagtaas ng kaniyang ulo ang Mongheng
Mohametano habang dumadaan siya.
Nagalit ang Sultan at nagwika “Ang nakasuot ng balabal ay walang pakiramdam, tulad
siya ng hayop, hindi siya nagtataglay ng paggalang at kababaang loob.”
Kung kaya’t ang vizier o ministro ay nagwika “Mongheng Mohametano! Ang Sultan
ng buong mundo ay nagdaan sa iyong harapan. Bakit di mo siya binigyan ng kaukulang
paggalang?”
Sumagot ang Mongheng Mohametano, “Hayaan mong ang Sultan ang magbigay ng
paggalang para harapin ang mabebenipisyo sa kaniyang magandang gawa. Sabihin mo sa
kaniya, ang hari nilikha para sa kagalingan ng kaniyang nasasakupan at hindi nilikha ang
mamamayan para paglingkuran ang Sultan.”
-Mula sa Elements of Literature nina Holt et. Al. 2008. Texas, USA
11
Tiyaking magagamit mo ang mga pamantayan.
TAYAHIN
PANGKALAHATANG PANUTO: Basahin at unawain ang bawat aytem at isulat ang sagot
sa hiwalay na sagutang papel.
1. Sa pagsulat ng anekdota kinakailangan maging kawili-wili ang mga unang
pangungusap nito upang makuha ang ________________ ng mambabasa. Ito ay
nagpapahayag ng mga pangyayari o kasanayang magkakaugnay.
A. damdamin C. interes
B. inaasahan D. kiliti
2. Ito ang bansang pinagmulan ng anekdotang “Mullah Nassreddin” na kilala ngayon sa
tawag na Iran.
A. Pakistan C. Peru
B. Persia D. Pilipinas
3. Ang mga sumusunod ay mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksa, MALIBAN SA
ISA.
A. kawilihan ng paksa C. tiyak na panahon o pook
B. kilalanin ang mambabasa D. kakayahang manghikayat
4. Bukod sa kawili-wili ang pagbabasa ng anekdota, ito rin ay kapupulutan ng _________.
A. mahalagang aral C. karangalan
B. mahalagang bagay D. kasiningan
5. Siya ay kilala bilang pinakamahusay sa pagkukuwento ng katatawanan sa kanilang
bansa sa Persia.
A. Allah C. Saadi
B. Mullah Nassreddin D. Simon
6. Ang lupain ng Persia at mga tao kasama ng Medo at Persiano ay magkakaugnay na
mga bayan sa sinaunang Tribong Aryano na mayaman sa sining tulad ng _________.
A. pagpana at pangangabayo C. pagtanim at pangangabayo
B. pagpana at pangangaso D. pagtanim at pangangaso
7. Napag-isipan mong sumulat ng anekdota at naghahanap ka ng mapagkukunang paksa
na pinakamadali at pinakadetalyadong paraan ng pagsasalaysay na hango sa
pangyayaring naranasan. Anong mapagkukunang paksa ang iyong gagamitin?
A. likhang-isip C. pangarap
B. napakinggan D. sariling karanasan
8. “Ang nakasuot ng balabal ay walang pakiramdam, tulad siya ng hayop, hindi siya
nagtataglay ng paggalang at kababaan ng loob.” Anong damdamin ang nangingibabaw
sa tauhan?
A. pagkagalit C. pagkalungkot
B. pagkagilas D. pagkatuwa
9. Anong katangian ng Mongheng Mohametano ang ipinakita sa akda?
A. malakas C. matapang
B. marupok D. matimpi
10. Anong mensahe ang gustong iparating ng Mongheng Mohametano?
A. Ang isang hari ay hinirang para sa kagalingan ng kanyang nasasakupan at ang
mamamayan naman ay hindi nilikha upang personal na pagsilbihan ang hari.
B. Marunong tayong rumespeto, bata man o matanda, payat man o mataba, mayaman
man o mahirap.
C. Tignan ang kabutihang loob ng isang tao batay sa kanyang mga sinasabi.
D. Huwag natin husgahan ang tao batay sa kanyang panglabas na anyo.
-Mula sa http://iranian.com/main/blog/m-saadat-noury/frist-iranian-
mullah-who-was-master-anecdotes.html
11. Batay sa talata, saan makikita ang bahaging ito sa anekdotang Mullah Nassreddin?
A. gitna C. simula
B. kakalasan D. wakas
12. Dalawang beses na lumisan si Mullah nang hindi pinaliliwanag ang kanyang sermon.
Anong damdamin ang nangingibabaw?
A. pagkagalak C. pagkainis
B. pagkagulat D. pagkayamot
13. Ang salitang sinalungguhitan sa talata ay nangangahulugang _________.
A. nabigyan C. napag-usapan
B. naimbitahan D. nasermonan
14. Ito ang estilo sa pagsulat ni Mullah Nassreddin kaya siya ay tinaguriang alamat ng sining
ng pagkukuwento.
A. puno ng katatawanan at mapanghusga
B. mapangaral at puno ng katatawanan
C. mapagbiro at mapagkutya
D. mapagbiro at seryoso
15. Anong mahalagang kaisipan ang nais ipahayag ng akdang “Mullah Nassreddin”?
A. Kung ano mang mayroon ka na wala sa iba, huwag mag-alinlangan na ibahagi ito sa
iba, salapi man o kaalaman.
13
B. Huwag husgahan ang tao sa pamamagitan ng kanyang panlabas na anyo.
C. Ang magandang asal ay kaban ng yaman.
D. Kung may tiyaga, may nilaga.
Sanggunian:
Filipino 10 Modyul para sa mag-aaral
Kagawaran ng Edukasyon Republika
ng Pilipinas
14
SUSI NG MGA SAGOT
BAITANG 10
IKATLONG MARKAHAN
MODYUL 2/LINGGO 2
TUKLASIN
GAWAIN 2: PAGLINANG NG TALASALITAAN
1. B
2. D
3. C
4. E
5. A
15