You are on page 1of 2

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Piliin ang titik na tamang sagot.

1. Ito ay kuwento ng isang kawili-wili at nakatutuwang pangyayari sa buhay ng isang tao.

a. Anekdota c. Nobela

b. Sanaysay d. Tula

2. Siya ay kilala bilang pinakamahusay sa pagkukuwento ng katatawanan sa kanilang bansa sa


Persia (Iran).

a. Mallah c. Mullah Nassreddin

b. Saadi d. Simon

3. Ang mga sumusunod ay katangian ng anekdota MALIBAN sa isa.

a. Kapana-panabik c. Kawiliwili

b. Kapupulutan ng aral d. Hindi makatotohanan

Para sa bilang 4-6

“Kung alam na pala ninyo ang aking sasabihin, hindi ko na sasayangin ang marami ninyong oras.” muli siyang
umalis. Ang mga tao ay nalito at nataranta sa kaniyang sagot. Sinubukan nilang muli na anyayahan si Mullah
Nassreddin upang magbigay ng pahayag at muli siyang nagtanong “Alam ba ninyo ang aking sasabihin?”
Handa na ang mga tao sa kanilang isasagot ang kalahati ay nagsabi ng “Hindi” at ang kalahati ay sumagot ng
“Oo” kung kaya’t muling nagsalita si Mullah Nassreddin, “Ang kalahati ay alam ang aking sasabihin, kaya’t kayo
ang magsabi sa kalahati na di alam ang aking sasabihin,” at siya ay lumisan.

4. “Kung alam na pala ninyo ang aking sasabihin, hindi ko na sasayangin ang marami
ninyong oras” muli siyang umalis. Ang mga tao ay nalito at nataranta sa kaniyang sagot. Ang
salitang may salungguhit ay nangangahulugang ____________.

a. nagulumihanan c. nalungkot

b. nangamba d. nangimi

5. Epektibo ba ang paraang ginamit ni Mullah sa pagbibigay ng aral?

a. Oo, marahil natuwa ang mga tagapakinig.

b. Hindi, marahil nalito ang mga tao sa kaniya.

c. Hindi, dahil hindi masyadong halata ang mensaheng gusto niyang ipabatid sa mga
tagapakinig.

d. Oo, dahil may halong katatawanan at naiugnay ito sa mensahe, mas matatandaan ng mga
nakikinig.
6. Anong mahalagang kaisipan ang nais ipahayag ng akdang “Mullah Nassreddin”?

a. Matutong magtiyaga sa lahat ng oras.

b. Ang oras at panahon ay napakahalaga at hindi dapat sayangin.

c. Matutong magbahagi sa kung anong mayroon ka.

d. Huwag husgahan ang tao sa pamamagitan ng kanyang panlabas na anyo.

7. Sa pagsulat ng isang anekdota, kinakailangan na ang panimulang pangungusap ay


______________.

a. kagilas-gilas c. kamangha-mangha

b. kanais-nais d. kapana-panabik

Para sa bilang 8-10

Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag. Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay tama, at
MALI kung hindi.

___8. Si Mullah Nassreddin ay kilala bilang isang pilosopo sa larangan ng pagpapatawa.

___9. Sinabi ni Mullah Nassreddin ang nais niyang ipahayag.

___10. Ang anekdotang Mullah Nassreddin ay mula sa Persia (Iran).

You might also like