You are on page 1of 11

1

Aralin Filipino 10-Q3-W3


Gramatikal, Diskorsal, Estratedyik sa

3 Pagsasalaysay ng Orihinal na Anekdota

Mga Inaasahan

Sa araling ito ay magpapatuloy ka sa pag-aaral ng anekdota, susuriin mo


ang mga anekdota at makapagbigay ng sariling opinyon batay sa napanood.
Bukod pa rito pag-aaralan mo rin ang mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng
paksa.

Inaasahan na sa pagtatapos ng aralin ay malilinang sa iyo ang


sumusunod na mga kasanayan:

1. Nahihinuha ang damdamin ng sumulat ng napakinggang anekdota


(F10PN-IIIb-77)
2. Nasusuri ang binasang anekdota batay sa paksa-tauhan, tagpuan,
motibo ng awtor, paraan ng pagsulat at iba pa. (F10PB-IIIb-81)
3. Naibibigay ang sariling opinyon sa anekdotang napanood SA YOUTUBE.
(F10PD-IIIb-75)
4. Naisusulat ang isang orihinal na komik strip batay sa isang anekdota
(F10PU-IIIb-79)
5. Nagagamit ang kahusayang gramatikal. diskorsal at strategic sa pagsulat
at pagsasalaysay ng orihinal na anekdota. (F10WG-IIIb-72)

Sasagutan mo ang mga pagsasanay at gawain sa nakalaang sagutang


papel.

Paunang Pagsubok

Basahin ang isang anekdota at suriin ang mga pangyayari sa binasa na may
kaugnayan sa pagdedesisyon sa pamamagitan ng pagpili sa titik ng tamang
sagot.

Mongheng Mohametano sa kaniyang Pag-iisa


Mula sa mga Anekdota ni Saadi ni Idries Shah
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles

Isang araw, ang mongheng Mohametano ay nag- iisa at namamanata sa


disyerto. Ang Sultan naman na namamaybay sa kaniyang ruta, sa kaniyang
nasasakupan ay matamang nagmamasid sa mga tao. Nakita niya na hindi
nagtaas ng kaniyang ulo ang Mongheng Mohametano habang dumadaan

Modyul sa Filipino 10
Ikatlong Markahan: Ikatlong Linggo
2

siya. Nagalit ang Sultan at nagwika “Ang nakasuot ng balabal ay walang


pakiramdam, tulad siya ng hayop, hindi siya nagtataglay ng paggalang at
kababaang loob.”

Kung kaya’t ang vizier o ministro ay nagwika “Mongheng Mohametano!


Ang Sultan ng buong mundo ay nagdaan sa iyong harapan. Bakit di mo siya
binigyan ng kaukulang paggalang?” Sumagot ang Mongheng Mohametano,
“Hayaan mong ang Sultan ang magbigay ng paggalang para hanapin ang
magbebenipisyo sa kaniyang magandang gawa. Sabihin mo sa kaniya, ang hari
ay nilikha para sa kagalingan ng kaniyang nasasakupan at hindi nilikha ang
mamamayan para paglingkuran ang Sultan.”

- (Mula sa Elements of Literature nina Holt et. al. 2008. Texas, USA)

1. Ano ang pinakabinibigyang-diin sa akdang binasa na naglalarawan sa


totoong papel ng isang mamamayan at Sultan?
A. pag-ibig C. paggalang at kababaang-loob
B. pagtulong D. pagtatapat
2. Saan namamanata ang monghe?
A. ospital C. sementeryo
B. paaralan D. disyerto
3. Ano ang nagbigay-pansin sa Sultan mula sa kaniyang pagmamasid?
A. Pagdagsa ng maraming tao
B. Sobrang init sa disyerto
C. Hindi pagtaas ng ulo sa kaniya ng Monghe
D. Wala sa nabanggit
4. Ang nais ipahiwatig mula sa pahayag na ito ng monghe, “Ang hari ay
nilikha para sa kagalingan ng kaniyang nasasakupan at hindi nilikha
ang mamamayan para paglingkuran ang Sultan.”
A. Ang isang pinuno ay pinili upang pamunuan ang kaniyang
nasasakupan
B. Hindi batayan ang trono para sa ikararangal ng isang pinuno
C. Huwag gamitin ang kapangyarihan upang mamuno
D. Matutong sumunod sa isang pinuno
5. Ano ang damdamin ng may akda sa anekdotang ito?
a. matapang b. mapanlibak c. malungkot d. masipag

Balik-tanaw

Gamit ang mga natutuhan mong kasanayan sa pagsasalin, isalin


ang kaisipang ito:

According to McKinney’s research, “Adults who do yoga at least three


times a week have lower blood pressure, better sleeping patterns and
fewer everyday frustrations.”

Modyul sa Filipino 10
Ikatlong Markahan: Ikatlong Linggo
3

Pagpapakilala ng Aralin

Sa araling ito, ipagpapatuloy mo ang pag-aaral ng anekdota bilang isang


akdang pasalaysay.

Ang anekdota ay isang kuwento ng isang nakawiwili at nakakatuwang pangyayari sa


buhay ng isang tao? Layon nito ay makapagpabatid ng isang magandang karanasan
na kapupulutan ng aral. Ito’y magagawa lamang kung ang karanasan o ang
pangyayari ay makatotohanan. Isang malikhaing akda ang anekdota. Dapat na ang
bawat pangungusap ay kukuha ng interes ng mambabasa. Dapat na ang panimulang
pangungusap ay kapana-panabik. Ang isang magandang panimula ay magbibigay ng
pagganyak sa mambabasa at mahihikayat na ipagpatuloy ang pagbasa ng anekdota.

Naririto ang ilang katangian ng anekdota:


a. May isang paksang tinatalakay. Ito ay dapat bigyan ng kahulugan sa pagsulat ng
anekdota. Lahat ng mga pangyayari ay dapat mabigyan ng kahulugan sa ideyang nais
ilahad.
b. Ang isang anekdota ay nagdudulot ng ganap na pagkaunawa sa kaisipang nais
nitong ihatid sa mga mambabasa. Di dapat mag-iwan ng anumang bahid ng pag-
aalinlangan na may susunod pang mangyayari.

Tl.answer.com/o/Ano_ibig_sabihin_ng_anekdota
Basahin at unawain ang paglalakbay Ni Mullah Nassreddin na isang anekdota
sa bansang Persiya.

Mullah Nassreddin
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles

Si Mullah Nassreddin na kilala bilang Mullah Nassr-e Din (MND) ang


pinakamahusay sa pagkukuwento ng katatawanan sa kanilang bansa. Lagi
itong naaalaala ng mga Iranian na dating mga Persiano noong sila ay mga bata
pa. Libo-libong kuwento ng katatawanan ang naiambag ni Mullah Nassreddin
sa kanilang lipunan. Tinagurian din siyang alamat ng sining sa pagkukuwento
dahil sa mapagbiro at puno ng katatawanang estilo sa pagsulat. Nagpasalin-
salin sa bibig ng mga tao ang kaniyang mga naisulat mula noon
magpasahanggang ngayon. Naimbitahan si Mullah Nassreddin upang
magbigay ng isang talumpati sa harap ng maraming tao. Sa pagsisimula niya,
nagtanong siya, “Alam ba ninyo ang aking sasabihin?” Sumagot ang mga
nakikinig “Hindi,” kung kaya’t kaniyang sinabi “Wala akong panahong
magsalita sa mga taong hindi alam ang aking sasabihin,” at siya ay umalis.
Napahiya ang mga tao. Inanyayahan siyang muli upang magsalita
kinabukasan. Nang muli niyang tanungin ang mga tao ng katulad na

Modyul sa Filipino 10
Ikatlong Markahan: Ikatlong Linggo
4

katanungan ay sumagot sila ng “Oo,” sumagot si Mullah Nassreddin “Kung


alam na pala ninyo ang aking sasabihin, hindi ko na sasayangin ang marami
ninyong oras” muli siyang umalis. Ang mga tao ay nalito at nataranta sa
kaniyang naging sagot. Sinubukan nilang muli na anyayahan si Mullah
Nassreddin upang magbigay ng pahayag at muli siyang nagtanong “Alam ba
ninyo ang aking sasabihin?” Handa na ang mga tao sa kanilang isasagot ang
kalahati ay nagsabi ng “Hindi,” at ang kalahati ay sumagot ng “Oo,” kung
kaya’t muling nagsalita si Mullah Nassreddin “Ang kalahati ay alam ang aking
sasabihin, kaya’t kayo ang magsasabi sa kalahati na di alam ang aking
sasabihin,” at siya ay lumisan.
- Mula sa http://iranian.com/main/blog/m-saadat-noury/frist-iranian-mullah-
who-wasmaster-anecdotes.html

Alam mo ba na…
Ang pagsasalaysay ay isang diskurso na naglalatag ng mga karanasang
magkakaugnay? Pagkukuwento ito ng mga kawili-wiling pangyayari, pasulat
man o pasalita. Itinuturing ito na pinakamasining, pinakatanyag, at tampok
na paraan ng pagpapahayag. Ito rin ang sinasabing pinakamatandang uri ng
pagpapahayag sapagkat dito nagsimula ang alamat o epiko, at mga kuwentong
bayan ng ninunong mga Pilipino maging sa ibang bansa man. Ang pagpili ng
paksa ang unang mahalagang hakbang sa pagsulat ng pagsasalaysay.
Kailangang ito ay maganda at kawili-wili. Bukod dito, mahalaga ring
napapanahon ito at may dalang lugod at kabutihan sa mga mambabasa.

ILAN SA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGPILI NG PAKSA


1. Kawilihan ng Paksa – Dapat ay likas na napapanahon; may mayamang
damdaming pantao, may kapana-panabik na kasukdulan, naiibang
tunggalian, at may malinaw at maayos na paglalarawan sa mga tauhan at
tagpuan.
2. Sapat na Kagamitan – Mga datos na pagkukunan ng mga pangyayari.
3. Kakayahang Pansarili – Ang pagpili ng paksa ay naaayon din sa kahusayan,
hilig, at layunin ng manunulat.
4. Tiyak na Panahon o Pook – Ang kagandahan ng isang pagsasalaysay ay
nakasalalay sa malinaw at masining na paglalarawan ng panahon at pook na
pinangyarihan nito. Kaya, mahalagang iwasan ang labis na paghaba sa
panahong sakop ng salaysay at pagbanggit ng napakaraming pook na
pinangyarihan ng salaysay.
5. Kilalanin ang mambabasa – Sumusulat ang tao hindi para lamang sa
kaniyang pansariling kasiyahan at kapakinabangan, kundi para sa kaniyang
mambabasa.

ANG MGA MAPAGKUKUNAN NG PAKSA


1. Sariling Karanasan – Pinakamadali at pinakadetalyadong paraan ng
pagsasalaysay ng isang tao sapagkat ito ay hango sa pangyayaring naranasan
ng mismong nagsasalaysay.

Modyul sa Filipino 10
Ikatlong Markahan: Ikatlong Linggo
5

2. Narinig o napakinggan sa iba – Maaaring usapan ng mga tao tungkol sa


isang pinagtatalunang isyu, mga balita sa radyo at telebisyon, at iba pa.
Subalit, tandaang hindi lahat ng narinig sa iba ay totoo at dapat paniwalaan.
Mahalagang tiyakin muna ang katotohanan bago isulat.
3. Napanood – Mga palabas sa sine, telebisyon, dulaang panteatro, at iba pa.
4. Likhang-isip – Mula sa imahinasyon, katotohanan man o ilusyon ay
makalilikha ng isang salaysay.
5. Panaginip o Pangarap – Ang mga panaginip at hangarin ng tao ay maaari
ring maging batayan ng pagbuo ng salaysay.
6. Nabasa – Mula sa anumang tekstong nabasa kailangang ganap na
nauunawaan ang mga pangyayari.
MGA ELEMENTO ANG ANEKDOTA
1. Tauhan - Sa anekdota, kailangang ang pangunahing tauhan ay isang
kilalang tao. Siya’y maaaring bayani o isang pangkaraniwang taong nakagawa
ng di-inaasahang gawain na nagbigaypangalan sa kaniya.
2. Tagpuan - Simple at kalimitan ay nagaganap lamang sa isang lugar ang
tagpuan sa anekdota.
3. Suliranin - Ang pangunahing tauhan ang madalas na magkaroon ng
suliranin sa kuwento. Bago magwakas ang isang akda ay kinakailangang
nalutas na ang suliranin.
4. Banghay - Ang banghay sa anekdota ay malinaw at maikli. Bukod dito, ang
pinakasentro sa pangyayari ay ang nakaaaliw na bahagi na nakapagbibigay-
aliw sa mga mambabasa o tagapakinig. Sa banghay matatagpuan ang
panimula, nilalaman, at wakas ng isang anekdota.
5. Tunggalian - Ang anekdota ay nagtataglay ng tunggalian ng tauhan laban
sa kanyang sarili, sa kanyang kapwa at sa kanyang paligid. Ito’y nakapaloob sa
banghay.
6. Kasukdulan - Ang kapana-panabik na bahagi sa anekdota ay ang
kasukdulan. Kadalasan, sa bahaging ito pa lamang ay natutukoy na ng mga
mambabasa ang magiging wakas ng kuwento. Ito’y nakapaloob din sa
banghay.

Upang mapaunlad ang kakayahang komunikatibo, may apat na komponent o


sangkap na kailangan mong matutunan ayon kina Michael Canale at Merril
Swain.
1. Gramatikal – ito ang sangkap kung saan nagbibigay-kakayanan sa
nagsasalita kung paano bigkasin sa wastong kaayusan ang mga
salita/pangungusap na kaniyang ginagamit at kung angkop ng kaniyang
ginagamit na mga salita.
2. Sosyo-lingguwistik – ito ang sangkap na magagamit nang nagsasalita ang
kalawakan ng kaniyang bokabularyo at ang pagpili ng salitang naangkop sa
sitwasyon at sa kontekstong sosyal ng lugar kung saan ginagamit ang wika.
3. Diskorsal – ito ang sangkap na nagbibigay kakayahang ng nagsasalita na
ipalawak ang mensahe upang mabigyan ng wastong interpretasyon ang salita
upang mas maunawaan ang salita at mapahayag ang mas malalim na
kahulugan nito.

Modyul sa Filipino 10
Ikatlong Markahan: Ikatlong Linggo
6

4. Strategic – ito ang sangkap na nagagamit ng nagsasalita ang berbal upang


wasto niyang maipahayag ang kaniyang mensahe at maiwasan o maisaayos
ang hindi pagkaunawaan o mga puwang sa komunikasyon.

Maaari kang makipag-ugnayan sa iyong guro kung may nais ka pang


linawin sa tinalakay. Ngayon naman kailangan mong sagutin ang mga
sumusunod na gawain na makadaragdag pa sa iyong pag-unawa sa aralin.

Mga Gawain

Gawain 1 Isang Tanong, Isang Sagot

Sagutin ang mga tanong mula sa binasang anekdota.

1. Anong pamamaraan ng pangunahing


tauhan ang ginampanan upang siya ay 2. Sa panahon ngayon marami ang
makilala bilang pinakamahusay sa nakararanas ng pagtatraydor ng isang
larangan ng pagpapatawa? tao dahil sa isang masamang hangarin,
ikaw bilang mag-aaral paano mo
3. Bakit maraming tao ang malalagpasang senaryo?
humahanga sa paraan ng kanyang
pagpapatawa?
4. Kung ikaw ay mabigyan ng
pagkakataon na gumawa ng isang
anekdota ano ang paksa ang nais
5. Sino sa kasalukuyang panahon ang
mong isulat? Bakit?
maihahambing natin kay Mullah?
Patunayan ang sagot.

Rubrik sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na


puntos:
Mga katangian ng sagot :
5 – taglay ang 3
 Kumpleto ang ibinigay na sagot. pamantayan
 Mahusay ang pagpapaliwanag
3- dalawang pamantayan
 Maayos ang pagbuo ng lamang
pangungusap
1 – isang pamantayan
lamang

Gawain 2 SINE MO TO’

Modyul sa Filipino 10
Ikatlong Markahan: Ikatlong Linggo
7

Manood ng isang video. Maari mong panoorin mula sa link na nakatala sa


ibaba. https://www.youtube.com/watch?v=BsH_-sHa4e4

Panuto: Suriin ang napanood na anekdota at gamitin ang talahanayang nasa ibaba

Pangyayari Kaugnay na Pagdedesisyon

Gawain 3 Gumawa ng isang komik-istrip batay sa nabasang anekdota. Sundin


ang pamantayang ibinigay.

Mahusay! Natapos mo ang mga gawaing ibinigay. Palawakin mo pa ang


iyong mga kaalaman.

Rubrik sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na


Mga Gawain
Mga katangian ng sagot :
puntos:

5 – taglay ang 3 pamantayan


 Malikhain at may orihinalidad.
3 – dalawang pamantayan
 Nasunod ang hinihinging katangian.
lamang
 Malinis ang pagkakasulat o
Malinaw ang pagkakalarawan. 1 – isang pamantayan lamang

Matapos mong pag-aralan ang epiko at mga angkop na hudyat sa


pagsunod-sunod ng mga pangyayari, narito ang ilan sa mga dapat
mong tandaan.

1. Ang anekdota isang kwento na nakawiwili at nakakatuwang pangyayari


sa buhay ng isang tao.
2. Layunin nitong magbigay ng aral batay sa mga karanasan ng isang tao.
3. Dito makikita ang pagiging malikhain ng isang Pilipino sa paraan ng
pagsulat ng mga akdang pampanitikan.
4. Upang maging maganda ang paraan ng pagsasalaysay dapat isaalang-
alang ang mga kaparaanan sa pagpili ng isang paksa.
5. Maaaring maging sentro ng iyong paksa ang sariling karanasan, mga
narinig sa paligid o napapanood o mga nabasa.

Modyul sa Filipino 10
Ikatlong Markahan: Ikatlong Linggo
8

Pag-alam sa mga Natutuhan


Balikan ang anekdota na nabasa sa modyul na ito at gawing gabay
ang isang tanong na nasa ibaba. Isulat ito hiwalay na papel.

Mag-isip ng isang nakakatuwang


pangyayari sa iyong buhay, noong
nagsimula kang mag-aral. Isalaysay ito.

Rubrik sa Pagwawasto: Bibigyan ka ng sumusunod na puntos:

Mga katangian ng sagot : 5 – taglay ang 3 pamantayan

 Nasunod ang panuto 3 – dalawang pamantayan


lamang
 Malinaw na naisaad ang mga
pangyayari 1 – isang pamantayan lamang
 Maayos ang pagbuo ng
pangungusap

Pangwakas na Pagsusulit
Basahin ang akda at pagkatapos ay sagutin ang mga kasunod na tanong. Piliin
ang letra ng tamang sagot.

Anekdota sa Buhay ni Manuel L. Quezon

Samantalang ang Pangulong Quezon ay nasa isang pagamutan sapagka't


maysakit, ay dinalaw siya ni Padre Serapio O.P., isang matalik na kaibigan ng Pangulo
noon ay Rektor ng Pamantasan ng Santo Tomas. Bago pa lamang pumapasok ang pari sa
silid ng Pangulo ay hinadlangan na siya ng nars. Nang magpilit ang pari ay sinabi ng
nars na maghintay nang ilang saglit pagka't ipagbibigay-alam muna niya sa
maysakit ang kanyang pagdating. Wikang ingles ang ginamit ng nars sa pagpapabatid sa
Pangulo na may panauhin. Ganito ang sinabi, “Mr. President, the prest is here.” Dahil sa
maling pagbigkas ng nars sa salitang *priest*, inakala ng Pangulo na ang kanyang
panauhin ay isang mamamahayag. Ang pasigaw na utos ng Pangulo ay, ”Sabihin mo sa

Modyul sa Filipino 10
Ikatlong Markahan: Ikatlong Linggo
9

'press' na pumunta sa impyerno.” Subali't bago niya natapos ang pangungusap na


ito ay nakapasok na ang pari sa silid ng Pangulo at narinig ang pahayag na yaon.

(https://dokumen.tips/documents/mga-halimbawa-ng-anekdota.html)

1. Saan naganap ang binasang anekdota?


A. Sa ospital C. Sa tanggapan ng pangulo
B. Sa paaralan D. Sa palasyo
2. Saang bahagi ng teksto ipinakilala ang pangunahing tauhan?
A. simula B. gitna C. wakas D. kasukdulan
3. Anong suliraning pangwika ang kinaharap ng nars sa kuwento sa pagsasalita
ng ingles?
A. walang kaalaman sa pambansang wika
B. pagkakaroon ng iba’t ibang diyalekto
C. kakulangan sa kaalaman sa ikalawang wika
D. naimpluwensyahan ng diyalekto sa kanyang kinalakihan
4. Ano ang motibo ng may-akda ang nais niyang ipabatid sa mga mambabasa?
A. magbigay kabatiran
B. mag-iwan ng kakintalan
C. magsasaad ng pagkutya
D. magbigay kasiyahan sa mga mambabasa
5. Anong paraan ng pagsulat ang ginamit ng may-akda?
A. Detalyado ang mga paglalahad
B. Maingat sa paggamit ng mga salita
C. Nagbigay ng mahalagang impormasyon
D. Maayos na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari

Pagninilay

Dugtungan ang posibleng susunod na usapan sa isang komik-


istrip. Ilagay sa hiwalay na papel ang iyong ginawa.

Binabati kita sa mahusay mong pagtugon sa mga gawaing iniatang sa iyo!

Modyul sa Filipino 10
Ikatlong Markahan: Ikatlong Linggo
10

SAGUTANG PAPEL
FILIPINO 10
IKATLONG MARKAHAN- IKATLONG LINGGO
Pangalan: _________________________________Guro: ______________

Baitang at Seksyon: _______________________Iskor: _____________

Paunang Pagsubok Balik-tanaw

Mga Gawain

Gawain 1 Isang Tanong, Isang Sagot

1.
2.
3.
4.
5.
Gawain 2 SINE MO TO’

Pangyayari Kaugnay na Pagdedesisyon

Gawain 3 Gumawa ng isang komik-istrip batay sa nabasang anekdota.


Sundin ang pamantayang ibinigay.

Pag-alam sa Natutuhan.
Gumamit ng iba pang sagutang papel.
Pangwakas na Pagsusulit
1
2
3
4
5

Modyul sa Filipino 10
Ikatlong Markahan: Ikatlong Linggo
11

Pagninilay (Gumamit ng iba pang sulatang papel.

Modyul sa Filipino 10
Ikatlong Markahan: Ikatlong Linggo

You might also like