You are on page 1of 11

Saint Benedict School of Novaliches

High School Department


SY 2015-2016
Pangalan:__________________________ Petsa:___________ Iskor:_______
Guro: Gng. Eva R. Gusto Taon at Pangkat:________________
Ikaapat na Pamanahunang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 8

I. A. Pagtukoy: Tukuyin ang rehiyon na kinabibilangan ng mga sumusunod na


mga bansa sa Asya.Titik lamang ang isulat (10 puntos).
A. Timog Asya C. Timog-silangang Asya E. Hilagang Asya
B. Kanlurang Asya D. Silangang Asya
___1.Malaysia, Vietnam, Thailand
___2.Afghanistan, India, Sri Lanka
___3.Qatar, Yemen, Cyprus
___4.China, Taiwan, Korea
___5.Mongolia, Japan
___6.Indonesia, Brunei Darussalam, Myanmar
___7.Jordan, Iran, Iraq
___8.Kazakhstan, Tajikistan, Uzbekistan
___9.Georgia, Azerbaijan, Armenia
___10. Maldives, Bhutan, Pakistan
B. Tukuyin kung Tama o Mali ang mga sumusunod na paglalarawan sa Asya
(20 puntos).

Ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa daigdig.

Matatagpuan sa kontinente ang halos lahat ng uri ng anyong lupa at anyong


tubig.

Pinakamataas na bundok sa mundo ang Mt.Everest.

Mga aktibong bulkan ang nakapalibot sa Pacific Ocean.

Sakop ng Hilagang Asya ang mga bansang dati ay estado ng Russia.

Walang kinalaman ang vegetation cover at klima sa uri ng pamumuhay ng mga


Asyano.

Ang pagdating ng ulang monsoon ay sagabal sa mga magsasaka ng Timog


Asya.

Ang mga bansa sa Timog-silangang Asya ay karaniwang agrikultura.

Maliban sa Jordan, ang mga bansa sa Kanlurang Asya ay pawing mga


bansang Arab.
Mayaman sa natural gas ang mga bansa sa Hilagang Asya.

Ang Dead Sea sa Israel at Jordan ang pinakamababang lugar sa mundo.

Ang Plateau of Tibet ang tinaguriang “roof of the world” o “bubungan ng


daigdig”.

Itinuturing na pinakamalaking syudad sa mundo ang Tokyo Japan pagdating sa


laki ng populasyon nito.

Bako-bako at bulubundukin ang pangkalahatang topograpiya ng Asya.

Walang tatalo sa ibang kontinente ng Asya sa dami ng kabundukan.

Ang kultura ng mga bansa sa Hilagang Asya ay naiimpluwensyahan ng mga


relihiyong Hinduism, Buddhism, Islam at pilosopiyang Confucianism.

Kapuna-puna ang pangingibabaw ng kulturang Tsino sa mga bansa sa


Kanlurang Asya.

Ang India ay isang tangway sa Timog Asya.


Itinuturing na banal ng mga Hindu ang Indus River.
Ang Macau ay bahagi ng Hongkong.

II. Pagbuo ng Grap: Bumuo ng bar graph batay sa mga nakatalang datos sa
ibaba. Maging malikhain(10 puntos).
1. Ayon sa pag-aaral noong taong 2008, pinakamataas na antas ng literasiya sa
Asya ay matatagpuan sa mga bansang kabilang sa Hilagang Asya na may
kabuuang bahagdan na umaabot sa 99.25%. Ang iba pang rehiyon ay
nagtala naman ng mga sumusunod na datos: Timog Asya 65.06%,
Silangang Asya 96.93%, Timog-silangang Asya 84.6%, Kanlurang Asya
79.71%. Sa mga nabanggit na rehiyon, nangunguna ang bansang Georgia
na may 100% antas ng literasiya habang 43.1% ang naitalang
pinakamababa mula sa bansang Bangladesh.
Bahagdan ng Marunong Bumasa at Sumulat (2008)
III. Pagtukoy: Tukuyin ang mga sumusunod.Isulat ang sagot sa patlang bago ang
bilang (20 puntos).

_________1. Higit na mataas na uri ng pamumuhay katulad ng sibilisasyon


_________2. Lupain sa pagitan ng dalawang ilog
_________3. Sistema ng pagsulat ng mga Sumeria
_________4. Unang pangkat ng mga taong gumamit ng sandatang bakal sa
pakikidigma
_________5. Nagtatag ng kauna-unahang imperyo sa kasaysayan
_________6. Tawag sa templong sambahan at alayan ng mga Sumerian
_________7. Pinakamahalagang ambag ng mga Phoenician
_________8. Harding ipinatayo ni Nebuchadnezzar na kabilang sa Seven
Wonders of The World
_________9. Uri ng pananalapi ng mga Lydian na sinimulang ipagamit ni
Darius sa kanyang imperyo
_________10.Kauna-unahang siyudad sa daigdig
_________11. Ang Kabihasnan ng Lambak Indus ay tinatawag ding
Kabihasnang X
_________12. Isang water-tight tank sa loob ng citadel sa lungsod ng
Mohenjo Daro
_________13.“ Lupain sa silangan ng Dagat Mediterranean”
_________14. Pinagmulan ng pangkulay na gamit ng mga Phoenician
_________15. Relihiyon ng mga Persian
_________16. Paniniwala sa iisang diyos
_________17. Mga simbolong tuklas ng mga Chaldean na gamit sa pagbasa
sa kapalaran ng tao
_________18. Relihiyong ipinakilala ng mga Hebrew
_________19. Unang pangkat ng mga taong nagmana ng kabihasnang Indus
_________20. Nagpagawa ng unang silid-aklatan sa mundo

IV. Katotohanan at Opinyon: Isulat ang O kung opinion at K kung katotohanan


ang ipinapahiwatig ng mga pahayag (10 puntos).

___1. Tanging mayayaman lamang ang nakabibili ng telang lana ng mga


Phoenician sa kanilang pakikipagkalakalan
___2. Si Xerxes ang pinakamakapangyarihang hari ng Persian
___3. Nakapagtatag sana ng imperyo ang mga Phoenician kung sila ay
nakapaglakbay lamang pasilangan
___4. Tinangkilik ng kanilang nasasakupan sina Cyrus at Darius the Great
___5. Maaaring ang mga Homo Habilis ang unang tumindig ng tuwid
___6. Walang makakatalo sa mga kontribusyon ng sinaunang kabihasnan ng
Asya
___7. Mas mahusay na mandirigma ang mga Assyrian kaysa sa mga Persian
___8. Ang mga Chaldean ang nagtatag ng Ikalawang Babylon
___9. Mahusay na hari si Hammurabi
___10. Naging epektibo ang ginawang pagyakap ni Asoka sa Buddhismo
upang mapamahalaan ang Imperyo

V.A. Klasipikasyon: Suriin kung sa aling relihiyon sa Asya nabibilang ang mga
sumusunod na mga aral at tradisyon (20 puntos).

A. Hinduism D. Buddhism
B. Islam E. Judaism
C. Sikhism F. Jainism
___1. Pagsunod sa Kashrut
___2. Pagsusuot ng Niquab at Abaya ng mga kababaihan
___3. Ten Sayings
___4. Seder Meal
___5. Paniniwala sa Trimurti
___6. Pagkakamit ng Nirvana at kaliwanagan
___7. Malalim na konsepyo at interpretasyon ng Ahimsa
___8. Paniniwala kay Purusha bilang unang tao sa mundo
___9. Paniniwala sa isang personal, unibersal, akal at nirankar na Diyos
___10. Five Cardinal Vices
___11. Mahigpit na pagtutol sa caste system
___12. Guru Granth Sahib
___13. Pagtakwil sa mga makamundong bagay at pagkontrol sa mga pagkilos
bilang daan tungo sa paglaya mula sa reincarnation
___14. Mga pagkain o bagay na itinuturing bilang halal o haram
___15. Walong Tamang Landasin
___16. Pagsambit ng Shema dalawang beses sa isang araw
___17. Pagkakamit ng Moksha
___18. Pagsasagawa ng circumcision
___19. Paggamit ng limang ornament o 5 Kakkars
___20. “There are no Muslim and no Hindu, all are children of God”

V. B. Mula sa mga nakatalang relihiyon sa itaas, pumili ng apat (4) at iguhit ang
simbolo nito sa loob ng kahon na matatagpuan sa ibaba (24 puntos).
Pamantayan: Katumpakan 3 puntos Kalinisan 1 puntos
Pagkamalikhain 2 puntos
1. 2.

3. 4.

VI.A.Kronolohiya: Iayos ayon sa pagkakasunud-sunod ang mga dinastiyang


namuno sa China. Gamitin ang titik mula A-K (11 puntos).

___1. Chou ___6. Mongol


___2. Han ___7. Shang
___3. Tang ___8. Sui
___4. Xia ___9. Manchu
___5. Ming ___10. Chin
___11. Sung
B. Lagyan ng tsek (√) kung ang mga sumusunod ay nagpapakita ng ugnayan
at ekis (X) kung walang ugnayan sa mga nakatalang kaisipan (20 puntos).

1. Chin 2. Chou
___ Unang imperyo ng China ___ Pinakamaikling dinastiya
___ Mga Oracle bone ___ Panahong Klasikal ng China
___ Unang pagsusulit ng Serbisyo Sibil ___ Sistemang Pyudalismo
___ Sistemang Legalismo ___ Mandate of Heaven
___ Great Wall of Chin ___ Paggamit ng bakal

4. Shang 5. Han
___ Confucianismo ___ Confucianismo bilang relihiyon
___ Panahong Bronse ng China ___ Ipinanganak si Lao Tzu
___ Sistema ng pang-aalipin ___ Shih Huang Ti
___ Pagsamba sa diyos na si Shang Di ___ sundalong Terracotta
___ Sistema ng pagsulat ng mga ___ Pagwasak sa sistema ng
Chinese (picture writing) Pyudalismo

VII. Pagpupuno: Punan ng wastong kasagutan ang mga sumusunod na pahayag


upang mabuo ang kaisipan (15 puntos).
1-2. Ang Kolonyalismo ay ekstensyon ng X samantalang ang Imperyalismo ay
ekstensyon ng kapangyarihang X

3-4. Sa Panahon ng Pyudalismong Hapon, nagsisilbing simbolo lamang ng


kapangyarihan ang X habang ang totoong kapangyarihan ay nasa kamay ng X

5-6. Isinusulong ng Merkantilismo ang kaisipang ang yaman at kapangyarihan ng


isang bansa ay nakabatay sa dami ng reserbang X at X

7. X ang tawag sa mga teritoryo at mamamayan na napasailalim sa banyagang


kapangyarihan at pagkontrol sa bansang sinakop

8-9. Sa ilalim ng X ang isang dayuhang bansa ay inaangkin ang X karapatan at


pribilehiyo sa pamumuhunan o pangangalakal sa isang bansa o bahagi ng X
nito

10. Kapag ang X ang inangkin ng isa o higit pang bansa mula sa mas mahinang
bansa tinatawag itong Condominium

11-12. Ang X ay nabuo sa pamamagitan ng League of Nations habang ang X


naman ay sa pamamagitan ng United Nations. Ang layunin ay tulungang
ihanda ang isang teritoryo patungo sa pamamahala sa sarili.
13. Naitatag ang isang anyong X sa pamamagitan ng pormal na kasunduan kung
saan inilalagay ang isang estado sa isang di-pantay na ugnayan sa isa pang
estado

14-15. Sa imperyalismo, may dalawang uri ng pagkontrol ang ginagamit: X kung


ang mga opisyal at sundalo ay ipinapadala sa bansang sinakop habang X
naman kung ang mga katutubong pinuno ay kanakasangkapan sa
pangangasiwa sa pamahalaan at lipunan

Sagot:

1.__________________ 9.____________________
2.__________________ 10.___________________
3.__________________ 11.___________________
4.__________________ 12.___________________
5.__________________ 13.___________________
6.__________________ 14.___________________
7.__________________ 15.___________________
8.__________________

VII. Pagtatambal: Hanapin sa hanay B at C ang tinutukoy sa hanay A. Maaring


maulit ang sagot. Kung wala sa pagpipilian ang tamang sagot, iwanan itong
blangko. IWASAN ANG PAGBUBURA. Titik lamang ang isulat (10 puntos).

Hanay A Hanay B Hanay C

____ , ____1. Calicut, India A. Bartolomeu Diaz A . Spain


____ , ____2. Cape of Good Hope B. Vasco Nunez de B . Portugal
____ , ____3. Karagatang Pasipiko Balboa C . Great Britain
____ , ____4. Pilipinas C. Fernando D . Netherlands
____ , ____5. Pangalang Pacific na Magallanes E . France
nangangahulugang D. Vasco de Gama
“mapayapa” E. Francis Drake
F. Prinsipe Henry
G. Miguel Lopez de
Legazpi
VIII. Ipakita sa pamamagitan ng diagram ang mga sumusunod (18 puntos).

1. Antas ng Lipunang Piyudalismo ng Hapon (8 puntos)

2. Lipunang Caste ng India (5 puntos)

4. Siklo ng Dinastiya ng China (5 puntos)


IX. Tukuyin ang mga bansang katumbas ng mga sumusunod na bilang (12
puntos).
Sagot:

1. ____________________________ 13. _____________________________


16. ___________________________ 14. _____________________________
29. ___________________________ 15. _____________________________
12. ___________________________ 27. _____________________________
25. ___________________________ 3. ______________________________
11. ___________________________ 7. ______________________________

Goodluck!

You might also like